Lady Boss (Completed)

By sexylove_yumi

566K 16.5K 930

Nakita kita noon pero hindi mo ako pinansin. Kaya ang sabi ko, ahh ganoon ha! Challenge accepted. Pero di ko... More

Chapter 1- First Day
Chapter 2- Eye Sore
Chapter 3- Hipon Chronicle
Chapter 4- Lihim ni Juancho
Chapter 5- Mowdel
Chapter 6- I have an idea
Chapter 7- Brainy
Chapter 8- Challenge Accepted
Chapter 9- Concert
Chapter 10- Palit Anyo
Chapter 11- Smooth
Chapter 12- Juancho three
Chapter 13- First Date
Chapter 14- Hindi Ako Aware-Talk
Chapter 15- Simplehan mo Koko
Chapter 16- Tropang Jacob
Chapter 17- Secret Knights
Chapter 18- Yuan and Friends
Chapter 19- Level Up Yuan
Chapter 20- Patient
Chapter 21- Wa...Kapampangan
Chapter 22- Gangster si Ateng
Chapter 23- Damohong Dolor
Chapter 24- Mommy Yumi
Chapter 25- I was a Model
Chapter 26- Sure...Babe
Chapter 27- Let it Go
Chapter 28- Lagot ka, Ara!
Chapter 29- Home
Chapter 30- She is for me
Chapter 31- More than Half
Chapter 32- Sa Wakas
Chapter 33- I'm All Yours
Batang 90s

Epilogue

20.8K 576 76
By sexylove_yumi

Sky

So far according to Margaux kakaunti pa lang ang nakakaalam sa lagay ni Mia. So bali si Jaxx at Margaux, si Dakota, ako at si Yuan. Syempre si Ralph at Mia kasi sila ang may gawa ng kalokohan na ito. Hindi ko maimagine kung saan ilalagay ni Mia ang apat na anak. Si Ate Summer nga na medyo katangkaran nahirapan sa triplets. Baka dalawa sa tiyan, tig-isa sa boobs... Hay ewan. Dami ko ng problema sa office dumagdag pa yang quadruplets sa iniisip ko.

Naging malapit si Margaux at Mia at kahit medyo bad trip pa si Jaxx kay Mia, tinulungan nila sila Ralph at Mia na magprepare sa big day na ito. Nandito lang naman kami ni Dakota para sa moral support. Syempre chismis is life. Kahit ang parents ni Ralph hindi alam ang nangyayari.

"Kaya nyo yan..." I said. Ang daling sabihin.
"Kinakabahan ako." Sabi ni Mia na mukhang masusuka na naman. Naka-ilang suka na ba siya.
Si Jaxx at Yuan ang kumakalma kay Ralph. Nilalasing yata nila si Ralph...hahaha. Sorry, natatawa kasi ako.
"Nasusuka ka ba ulit? Baka isuka mo na ang bituka mo." Sabat ni Dakota.
Hindi mo alam kung nakakatulong si Koko. Alam mo yung hindi mo alam kung nang-iinis ba siya o concern talaga. Baka in between.

OMG... bakit biglang dumating ang mga Titos and Titas!
"Oh my God... why they are here? Why all of them?" Naiyak si Mia sa nerbyos.
"Mas okay yan kasi may back up kayo. Kunsintidor ang mga yan lalo na ang mga Titas pagdating sa lovelife." Buyo ni Margaux.
I talked to Margaux silently... "What?" I said without voice.
"I don't know what to say." She replied without voice too.

Lumapit sa amin sila Ralph na mukhang namumutla...
"Okay ka pa ba Ralph? Mukha kang hihimatayin." Tanong ni Dakota.
Huminga ng malalim si Ralph.
"Samahan nyo kami." Pagmamakaawa ni Mia kay Margaux.
"Halika na...Samahan na natin sila. In case ba na himatayin si Tito Mark, sasapuhin ko na lang." Biro ni Yuan. Natatawa kami maliban kay Ralph at Mia.

Nakaisip ako ng way para marelax muna sila... Ipapakilala ko si Yuan officially. Tama... Eh kaso dumami ang grupo. Dumating ang mga first batch at second batch.
"Tang-ina, ano ito, fiesta?" Tanong ni Ralph.
"Tara... Ipapakilala ko din naman si Yuan kina mommy."
"Huwat... Hindi ako handa, babe."
Hindi daw siya handa... Lecheng ito, parang laging nasa runway ngayon. Hindi na daw niya kailangang magdown grade at girlfriend na daw niya ako. So ganito pala talaga siya in real life. Parang may pictorial lagi. Tangina... international top model ang boyfriend ko, hindi ako aware.

Hindi ko akalain na dadating ang araw na tutulungan ko si Mia. Baka kung sinabi nyo sa akin ito last year baka nakatikim ka ng mainam-inam na sermon sa akin.

Holding hands kami ni Yuan na lumapit sa table... sa malaking tumpok ng table.
"Dad... may papakilala ako sa iyo." Nahinto naman ang kanya-kanyang ingay sa table. Natingin si daddy sa holding hands namin ni Yuan. Nakijoin naman sa kumpol sila Margaux, Jaxx, Dakota, Mia at Ralph. Tumabi sila sa second batch.

"Daddy, mommy, si Yuan po. Boyfriend ko." I said.
"Good evening po." Bati naman ni Yuan.
"Eh lagyan mo na ng helmet at baka mauntog pa yan." Sabat ni Tito Mark na ikinatawa naman ng mga Titos at Titas. Sarap patulan ni Tito Mark. Naku Tito Mark, ewan ko kung makatawa ka mamaya.
"Alam mo na, kapag niloko mo si Sky..." Tinuro ni daddy si Tito Red.
"Tropa po kami ni Tito Red." Kwelang sagot ni Yuan na ikinatawa ni Tita Marie at nangiti si Tito Red. My God, tropa nga ba sila?

"Sky, ano daw motif nyo sa kasal? Pinapatanong ni mommy mo." Biro ni Tita Merjie. Nakangiti naman si mommy.
"Matagal pa." I replied.
"Text ko po sa inyo, Tita." Sabat ni Yuan. Natawa si Tita Bella at Tita Merj.
Lahat na lang naging tropa ni Yuan. Kung maka-high five sa lahat parang matagal na siya dito.

Nagkakasenyasan kami, it's time para sa pasabog. Tumayo nga si Yuan at pumuwesto kina Kiro. Malapit kay Tito Mark. 'Tong boyfriend kong ito, handa ngang sumapo ng hihimatayin. Tumayo si Ralph at Mia.
Alam mo yung mga ito kapag may chismis na naamoy biglang tumatahimik. Eh di ang awkward para kay Ralph at Mia dahil tumahimik na naman ang buong grupo ng kumpulan.

"Tito Mark..." Simula ni Ralph.
"Haruy, Maryosep." May nagsabi sa grupo ng mga Titos pero hindi ko nakita kung sino. Nagtatawanan sila. Napatakip tuloy kami ng mukha ni Margaux. Bakit kami kinakabahan?
"Hala Mark. Graduate na daw kasi ang anak mo." Sulso ni Tito Audi.
"Bakit, Amboy?" Tanong ni Tito Mark.
Napalunon si Ralph at tumingin sa gawi namin. Napakamot ng ulo si Jaxx.
"Ano po kasi." Hindi alam ni Ralph ang sasabihin.
Si Mia biglang umiyak... Umatungal talaga ng iyak.

"Daddy, buntis ako." Sabi niya.
Napatayo si Tito Mark. "Ano?"
"Sabi ko na." Sabi ni Tito Marcus. Pero mukha naman siyang masaya kaya binatukan siya ni Tita Kath.
"Pag-usapan yan ng mahinahon. Umupo kayong dalawa." Utos ni Tito Red kina Ralph.
Inabutan ni tissue si Mia dahil iyak ng iyak. Mukha na siyang bangkay sa putla.
"Tangina...hindi talaga magpapatalo ang mga Roman." Sulsol ni Tito Nick.

"Mia... pagkatapos kitang pag-aralin, mag-aasawa ka din agad." Ayan na ang drama.
"Ehhh... pambihira ka, syempre mag-aasawa din yan. Tungkulin mo ngang pag-aralin yan. Nakatipid ka na nga sa mga diaper noon." Pinagalitan ni Tita Diane si Tito Mark.

Nagtawanan kami. Ayan, buti kung makangiti ka pa, Tito Mark.

"Mia... Nagpacheck ka na ba?" Mahinahon na tanong ni Tita Kath sa kanya.
Tumango si Mia. "Opo."
"Ilang weeks ka na?"
"About 8 weeks." She replied.
"Made in Switzerland." Sabi ni Violet na nadinig ni Tito Mark.
"Nagpunta ka ng Switzerland?"
Napatakip ng bibig si Violet.
"Pinuntahan namin si Margaux sa monastery." Mahinang sagot ni Mia.

Si Tito Marcus mukhang naka-smug pa na nakaupo. Ngingiti-ngiti lang siya. Cool na cool. Sumisipol pa.
"Hindi ka nagpaalam na pupunta ka ng Switzerland."Pinagalitan talaga si Mia sa harapan namin. Napayuko si Mia.
"Mai-stress ang buntis sa iyo." Tita Kath scolded him.
Ralph clear his throat. Natawa ng bahagya si Jaxx at nagtago sa likod ni Margaux.

"Tito, hindi ko naman tatakasan ang responsibility ko kay Mia at sa mga magiging anak namin."
"Dapat lang... Anong mga anak?" Biglang naputol ang litany ni Tito Mark.
"Mga anak?!" Manghang tanong ng mga Titas.
"Opo... kasi quadruplets yung mga anak namin." Sagot ni Ralph.
"Waaahhhh..." Napanganga ang mga tropa nila Ralph.
Si Tito Marcus talagang pumapalakpak. "Nanalo na naman ang Roman. Better luck next time Cloud."
Umulan ng kanchawan at congratulations... Out of the blue, sumigaw si Yuan.

"Medic... Medic... Hinimatay si Tito Mark." Sigaw ni Yuan.
Napatingin kami kay Tito Mark. Sapo-sapo ni Yuan at walang malay.
"Oh my God..."
Yung iba nagtatawanan...yung iba nagvivideo... Si Trevor ang nagpabalik ng malay kay Tito Mark.

"Balae, okay ka lang?" Nakangising tanong ni Tito Marcus kay Tito Mark.
"Walang hiya... Tang-ina." Sunod-sunod ang mura ni Tito Mark habang patayo siya. Inaalalayan siya ni Yuan at ni Kuya Gab na tumatawa.
"Hayop yang anak mo. Tang-ina, apat."

Yung mga tropa ni Tito Mark na mga MB (matandang binata) naiiyak sa kakatawa.

"Saan mo isisiksik sa katawan mo yang apat na bata?" Naiinis na tanong ni Tito Mark kay Mia.
"Huwag mo ng pagalitan. Maii-stress yan." Pinagtatanggol naman ng mga Titas si Mia.
Ang gulo... Ang gulo-gulo nila.

"Mark, alam ko na pangalan ng mga apo mo. Toblerone... Godiva..." Tukso ni Tito Audi.
"Swiss knife kapag lalaki. Saka Swiss watch." Sulsol ni Tito Nick.
"Lolo Mark...Ampota! Hindi kana makakapambabae nya. Maghahabol ka na ng apo mo." Sulsol ni Tito Neil.
"Hayop sa tatag ng tuhod si Amboy. Naka-apat na bata." Sige sulsol pa Tito Audi.
Hanggat hindi ngumangawa si Tito Mark huwag nyong hintuan.

"Tito Mark..."
"Huwag mo akong ma-Tito Mark, Amboy." Sagot ni Tito Mark. Iniinom ng straight ang beer.
"Tito... hindi naman sa masamang tao napunta si Mia." Eto na po ang boyfriend ko. Nakialam na.
Pinanlakihan ko siya ng mata pero kinindatan lang ako.
"Sa mabuting pamilya naman siya napunta. Ayaw mo ba nun, maaalagaan mo ang mga po mo? Parang tropa lang kayo." Sabi pa ni Yuan.
"Saka Tito, ayaw mo bang madagdagan ang lahi mo ng gwapo?" Tanong ni Kuya Gab.
"Bakit, di ba sapat ang kagwapuhan ko?" Sarcastic na tanong ni Tito Mark.
Nakikinig talaga kami.
"Hindi sa ganun Tito. Dadagdagan lang natin." Sumulsol na si Kuya Rome.

"Amboy, ni anino ni Mia, huwag mong sasaktan." Banta ni Tito Mark.
"Opo." Sagot ni Ralph.
"Kapag nagloko, ipapahunting ko sa mga tropa ko. Akong bahala Tito Mark."
Napapailing ako sa mga sinasabi ng boyfriend ko. Kalokohan mo Yuan.
"Kapatid niya si Gab." Tito Mark pointed out.
"Pero, hindi si Kiro. Hindi niya kilala yung secret Knight. Papatumba ko siya kapag niloko si Mia." Pagyayabang ni Yuan.
"Merong secret? Sino?"
"Secret nga Tito. Hindi na secret yun kapag sinabi ko." Sino kaya ang tinutukoy ni Yuan. Daming alam nito. Pinakalma nila si Tito Mark. Kung todo abot sila ng beer dito. Minasahe pa ni London ang balikat.

"Lakas mang-uto ng syota mo neh?" Bulong ni Margaux sa akin.
"Trinopa talaga si Kiro. Sino yung secret Knight?" Tanong ni Koko.
"Malay ko. Ngayon ko lang nalalaman ang mga yan." I replied.

Secret Knight... Wala naman secret dito sa Country Club! Loko talaga 'tong Yuan na ito.

Napatingin ulit ako kay Yuan. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.
"Love you." He mouthed sabay kindat.

Love you too... Kapag tayong dalawa na lang ako magrereply. Baka maumay na sila sa kacheesyhan natin.

The End

---------------
A/N

OMG tapos na sila bebe Juancho.
Ang bilis.

Gaya ng dati... pagpasensyahan ang maling grammar at spelling. Hindi talaga ako nag-eedit.
Sa mga ayaw ng may mali, huwag nyo na akong asarin pa para hindi makadamay ng iba. Pwede namang huwag kayong magbasa. Para naman sa mga tunay na nakaka-appreciate ng gawa ko ang mga sinusulat ko. May mens ako kaya medyo masungit. hahaha

Salamat mga beh... mwaahhh

Next na si Jacob at Dakota. Abang-abang lang. Huwag mainip at magtanong kung kailan.
JUST... WAIT... Si Juancho nga willing to wait...

Continue Reading

You'll Also Like

10.7M 182K 92
[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko ..may POSSIBILITY kaya na MAGUSTUHAN ko...
3.2M 5.6K 3
"You're just my clone! Everything you have right now are all mine! My money my son and most especially my husband.You can never be me and you will ne...
4.5M 97.9K 50
#TBR book 2 I am not cold. Actually I am just warming up. Wanting to show everyone that I'm no longer that broken-hearted girl they only used. Cold...