THE WRONG MR. RIGHT By RJ NU...

By arjaynuevas

34.9K 803 318

THE WRONG MR RIGHT By rj nuevas They say, looking for Mr Right is hard. But not for Welcome (the girl na ipin... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 9

1.1K 33 23
By arjaynuevas

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER 9

Ayoko sana talaga. Lumaki ako sa mga pangaral ni Mader na ang babae dapat ay laging pormal. Dapat hindi aggressive at naghihintay lang sa move ng isang lalaki. Kapag daw nagpakita ka ng motibo, kiri o malandi ang dating mo.

            “Ako nga, tatlong taon akong niligawan ng tatay mo,” kuwento ni Nanay habang magkatulong naming ginagawa ang longganisa. “At sa bahay ako pinupuntahan ha? Hindi ako inabangan sa kalye. Ikaw, Welcome, baka sa eskuwela ka nagpapaligaw ha!” Pinandilatan pa ako ni Inang Mahal.

            “Wala hong nanliligaw sa akin,” buong ningning kong sabi. Dahil totoo naman. Lagi akong tinatabihan ni Ward sa school, sinasabayan sa canteen, sumasama sa amin sa mall, pero wala pa naman siyang sinasabing type niya ako. So hindi siya nanliligaw, di ba? Na ikinaiinip ko nga, di ba? Pero sa chikahan namin ni Mader, hindi ako nagsisinungaling. At least, hindi pa.

            “Kapag may nanligaw sa iyo, huwag kang basta-basta sasagot. Dapat magpakipot ka. Ang mga lalaki, kapag mabilis kang napasagot, iisiping madali ka ring makuha.”

            Gusto kong itanong kay Mader: ano naman ang tawag mo sa lalaking hindi mo alam kung nanliligaw o hindi? Torpe? Mader, wala kang dapat alalahanin sa akin dahil yung guy na gusto ko ang matagal bumigay.

            Tumingin si Mader sa akin, nangingilid ang luha.

            “Bakit ho?” taka kong tanong.

            “Natutuwa kasi ako sa iyo, Welcome, dahil sinusunod mo ang utos ko na wala munang boyfriend-boyfriend,” sabay yakap sa akin ni Nanay.

            Yay! Ang lakas makakunsensiya ni Mader.

            Kaya naman nagkasya na lang ako friends kami ni Ward. Bakit nga ba inaambisyon ko pang manligaw siya o maging kami? Lagi naman kaming magkasama. Sa school. Sa library. Sa mall.

            Pero aminin natin, hindi ka naman magkakasya sa gano’n. Kapag gusto mo ang isang tao, gusto mo, malinaw kung ano ang relasyon n’yo, di ba? Kung friends, o lovers, o in a relationship, o complicated.

            Ayun, kami ni Ward. Complicated. At least, sa side ko.

* * * * *

            One time, Sunday, nagpunta kami ni Nova sa National Bookstore dahil kailangan naming bumili ng cartolina para sa project niya. At nakita ko si Ward sa labas ng bookstore. Siyempre, natuwa ako. Napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako. Pero napakunot-noo lang siya. Kinawayan ko pa siya pero hindi niya ako pinansin. Naglakad lang siya palayo.

            Takang-taka ako. Bakit ako hindi pinansin ni Ward?

            “Ate, sino yung kinakawayan mo?” tanong ni Nova.

            “Kaklase ko.”

            “Bakit hindi ka niya pinansin?”

            Yun nga rin ang hindi ko maintindihan.

* * * * *

            Maski si Karen ay takang-taka nang ikuwento ko sa kanya ang nangyari over the cellphone.

            “Talaga? Hindi ka pinansin?”

            “Oo.”

            “Baka naman hindi ka lang nakita,” pagtatanggol niya.

            “Nakita niya ako. Kaya nga kinawayan ko siya. Pero lumakad lang siya palayo.”

            “Naku, ha? Nagtataka na talaga ako sa Ward na yan. Sa school, para siyang magnet na laging nakadikit sa iyo. Pero hindi naman pumoporma. Tapos ngayon, nakita mo na at kinawayan, hindi ka naman pinansin. Ano ba yan? Naku, if I were you, dededmahin ko na yan, e.”

            Yun nga ang ginawa ko. The following day, dinedma ko siya sa school. Hindi ko pinansin, hindi ko kinausap. At bigla siyang nataranta.

            “Welcome, why are you avoiding me?” tanong ni Ward habang hinahabol ako during recess.

            “Dahil naiinis ako sa iyo. Hindi kita maintindihan. Tatabi-tabi ka sa akin tapos hindi ko naman alam kung bakit. Tapos nung nakita kita sa bookstore, kinawayan kita, pero dinedma mo ako. Ano ba talaga ang gusto mo, ha? Ha?”

            “I like you, Welcome.”          

            “Ha?”

            “Sabi ko, I like you, Welcome.” Ulit niya sabay hawak sa balikat ko. Hinila niya ako. At hinalikan.

            At ako ay nagising.

            Yes, it’s just a dream! Kainis!

            Pero bakit ako nanaginip nang gano’n? Baka nga kailangan, ikiss ko na siya. Tulad nang suggestion ni Karen. Para magkaalaman na.

            Ayoko talaga! Ang pangit! Ayoko! Ayoko! Ayoko!

            Pero the following day, pagpasok ko sa classroom (hindi na ito dream, I swear), naabutan ko si Ward, nakaupo sa chair malapit sa window. Nakasandal. Nakapikit. Natutulog?

            Mag-isa lang siya. Napaaga siguro ang pasok niya.

            At hindi niya naramdaman ang pagpasok ko sa room. Siguro nga, natutulog.

            Lalabas sana ako dahil ayoko namang paggising niya ay makita niya ako at isipin pa niya na tinitingnan ko siya.

            Pero hindi ko magawang humakbang palabas. Napatitig ako sa mukha niya. Ang cute talaga ng Ward na ito. He’s the handsomest guy na nakita ko. I swear.

            At lumakad ako palapit sa kanya. Siyempre, dahan-dahan, walang ingay. Para hindi niya marinig. Para hindi siya magising.

            At ang naririnig ko ay ang eksena sa The Little Mermaid, nung kumakanta ang mga palaka ng Kiss That Girl. But in this situation, pinalitan ko ang lyrics ng Kiss That Guy.

            Kiss Ward.

            Ayoko. Ayoko. Ayoko. I swear ayoko!

            Kiss him. Kiss him. Kiss him.

            Echo naman yon na parang si Karen ang paulit-ulit na nagsasabi.

            Ano ba? Iki-kiss ko ba ang Sleeping Prince Charming ko?

            Bumuka ang bibig niya. May ibinubulong si Ward.

            Name ko ba? Oh my Gerddd!

            Inilapit ko ang tenga ko sa bibig niya para mapakinggan ko kung ano ang binubulong niya. Pero hindi ko maintindihan.

            Napatingin na lang ako sa lips niya. Hindi siya mapula, pero pinkish. Parang…parang ang sarap ikiss hihihi.        

            A, bahala na. Ramdam ko naman na like din niya ako. Kung bakit hindi siya nagsasabi, yun ang hindi ko alam. Basta, dizizit!

            Mader, sorry! Hindi naman ako easy o kiri pero…pero ewan ko ba, parang hinihila ako ng lips ni Ward. Parang sinasabi: kiss me…kiss me…!

            At unti-unti kong inilapit ang mga lips ko sa lips niya. Ramdam ko ang hininga niya. Fresh breath ha? At unti-unting nag-land ang lips ko sa lips niya.

            Oh my God! It’s so electryfing!

            At habang magkalapit pa rin ang mga mukha namin, binuksan ko ang mga mata ko. Para tingnan kung ano ang reaction niya.

            Nakapikit pa rin siya. Buti na lang. Pero teka, wala bang effect ang kiss ko sa kanya?

            Pero teka again…parang mali…parang may iba…

            Ang mata…ang ilong…ang lips…ang tenga…ang nunal…

            Teka, nasaan ang nunal ni Ward?

May nunal sa kaliwang mata si Ward! Saan napunta ang nunal ni Mr Right ko? Bakit…bakit ang guy na ito, walang nunal sa left eye?

            Nasaan ang nunal ni Ward???

            Nakarinig ako ng tawanan sa labas ng building. Napatingin ako sa bintana. Sa labas. Kay Ward na nakikipag-usap sa isa naming classmate.

            Si Ward yon? Ano’ng ginagawa ni Ward sa labas ng building?

            At kung si Ward iyon, sino ang guy na ito na kamukhang-kamukha niya, na wala lang nunal sa kaliwang mata?

            May kakambal ba si Ward?

            Oh no! I kissed the wrong Ward!

I kissed the Wrong Mr Right!

Continue Reading

You'll Also Like

345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
387K 5.2K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...