That Cold Guy Is Mine

By erzaaa78

349K 4.6K 299

Si Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate... More

That Cold Guy Is Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Note

Chapter 13

7.5K 244 23
By erzaaa78

Noong tumunog na ang bell, tumayo na rin ako para isauli ang librong binabasa ko. Love Takes Wing by Janette Oke. Hindi ako interesado sa mga novel dahil wala naman talaga akong hilig magbasa pero nakuha niya lang 'yong interes ko no'ng nakaraan sinusundan ko rito si Leigh.

Hindi siya madalas dito sa library. Sa tagal ko ng crush siya, halos kabisado ko na ang routine ni Leigh kung saan siya madalas pumunta at saan hindi.

"Late," napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Speaking of him, nandito siya ngayon sa harapan ko. Or sa gilid ng labas ng library.

"Ha?" Anong late? Nakapatong sa dibdib niya ang magkakrus niyang braso. Mukhang may inaabangan siya rito. Si Mae ba? Si Mae... matagal ko na rin siyang hindi nakikita.

Medyo humupa na iyong chismis tungkol sa kanila pero ganoon pa rin ang profile picture niya.

"You're late," mas malamig pa sa yelo ang boses niya. Kulang na lang magdala ako ng jacket kapag kausap ko siya.

Tinuro ko ang sarili ko at nag-aalinlangang ngumiti. "Ah, oo nga. Mukhang late na ako." Tumango ako pero nang maisip kong pati siya ay late na, napanguso ako. "Ikaw rin naman."

Umayos siya ng tayo at ibinulsa ang dalawang kamay niya. Nauna siyang maglakad sa akin kaya sinundan ko na lang. Tumangkad pala ako. Dati ay hanggang dibdib niya lang ako pero ngayon tingin ko, nasa bandang ilong niya na ako. 5'8 ang height niya.

"Hinintay kita kaya ako nalate." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. It was out of nowhere.

Saka... anong ibig sabihin niya roon?

"A-Ano?" Mas binilisan ko ang lakad para makasabay sa kanya.

"Wala." Napanguso na lang ako ulit. Ang bilis niya mawalan ng pasensya! Pero narinig ko naman. Malinaw at sigurado. Hinintay niya ako.

Pero bakit?

What's gotten into him? I mean, he changed a lot. Nagsimula iyon no'ng tinutor niya ako. Kainis, nalilito tuloy ako. At... mas lumalala lang 'yong feelings ko sa kanya. Dapat wala na, e. Kung kailan desidido na ako saka siya ganito.

Ano bang gusto niyang mangyari?

"Leigh," malapit na kami sa classroom kaya hindi naman siguro magiging awkward kung tatanungin ko siya.

"Hmm?" Grabe, hindi niya man lang ako tinapunan ng kahit kaunting tingin o pansin!

"Wala!" How could he change my mood that easy?! Shems. Of course... I like him.

Hinintay kong lingunin niya ako o tanungin kung anong problema ko pero hindi niya ako pinansin. Tulo-tuloy lang siya sa paglalakad at hindi umiimik. Yelo talaga! Hindi man lang ba siya worried sa akin kahit kaunti? I mean, he's my suitor, right?

Malayo na 'to sa pag-a-assume dahil siya na mismo ang nagsabing nililigawan niya ako. No'ng una, baka loko-loko pa pero nag-effort siyang pumunta sa bahay namin. Loko pa rin ba 'yon?

"Five minutes late," iyan agad ang salubong sa amin ni Prof pagkadating namin, isama mo na ang ma-issue'ng tingin ni Elise at ng mga kaklase ko.

"It's my fault. I called Miss Montecillo for some help in the library. She should've came here earlier," he explained. And he's obviously lying! Nakakunot ang noo ko habang nagpapaliwanag siya pero sumang-ayon na lang din ako no'ng tinanong ako ni Prof.

Ayoko lang masayang 'yong effort niyang magsinungaling. Babawi na lang ako sa kanya, of course, I owe him this one.

Nang tagumpay kaming makapasok, hindi na ako nagkaroon ng chance na makapagthank you sa kanya dahil dumiretso na siya agad sa upuan niya, ganoon na lang din ako.

Kagat-kagat ko ang labi ko noong marealize ko na MAPEH na nga pala at ngayon na ang performance namin. Nangangatog ang kamay ko na kinuha ang gitara at pick. Wish ko lang na 'wag akong mangatog mamaya para maging maayos 'yong pag-execute ko sa kanta. Sobra akong kinakabahan.

"So, we would begin our performance. Lalaki muna ang kakanta at sunod naman ay babae. For our first performer, please stand up, Aquino." Ibinigay ni Prof ang harapan sa kaklase ko at umupo sa unahang upuan. Nasa bandang gitna lang ako.

Kahit na anong kanta ng mga kaklase ko, hindi ko maintindihan. Lumulutang 'yong utak ko sa ibang dimension dahil pilit kong ikinakalma ang sarili ko. I'm not a good performer kaya halata naman. Hindi rin ganoon kaganda ang boses ko pero pwede na... pinaghandaan ko 'to kasi gusto kong makita ang reaction ni Leigh. Dito nakasalalay kung ano ang dapat kong desisyunan.

"Hudson," parang automatic na bumalik ang senses ng katawan ko. Naipilig ko ang ulo ko nang makita ang seryosong mata ni Leigh na nakatingin sa'kin, inalis niya rin naman iyon no'ng tumayo siya para pumunta sa harap. Mas lalo akong kinabahan.

Dala-dala niya ang gitara at umupo sa harapan. Nagde-kwatro siya at ipinatong sa hita niya ang gitara saka nagsimulang magstrum. Namiss ko bigla ang boses niya.

Malamig pero... ang komportable.

"Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa twing tayo'y magkasama..."

Unang linya pa lang, halos tumigil na ang oras. Iginala ko ang paningin ko sa buong classroom at tama nga ako, lahat ng babae ay nasa kanya ang atensyon at ngiting-ngiti sila. Hindi na nadala 'tong mga daydreamer na 'to. Palibhasa, hindi pa nila nasasagap ang chismis na nililigawan ako ni Leigh. Argh! As much as possible, ayokong magrely sa thought na 'yon pero nakakainis kasi.

"Bakit pa kelangan ang rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara..."

Hinihintay kong tumingin siya sa akin dahil 'di ba ganoon 'yong sa mga romantic movies? Pero yelo talaga. Nakatuon lang ang buong pansin niya sa gitara. Habang ako, titig na titig sa kanya at kulang na lang ay matunaw siyang parang ice cream.

Pinapaasa niya lang ba kasi ako?

"Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapang manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara..."

Sabay na bumagsak ang dalawang balikat ko dahil sa thought na 'yon. Hindi naman talaga malabong pinapaasa niya lang ako. Wala siyang nilinaw sa'kin na gusto niya ako. Ano bang malay ko kung nagiging friendly lang siya? Saka, in the first place, tutor ko siya. Normal lang naman na maging mabait siya sa'kin.

"Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapang manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Oooohhhh..."

Tama. Siguro nga ganoon.

"Idadaan na lang..."

Hindi pa rin siya tumitingin sa'kin. Pinakawalan ko ang buntong-hiningang kanina ko pa pinipigilan.

"Sa gitara,"

Kasabay nang pagtapos niya sa kanta, akala ko ay pagtapos na rin ng pagiging assumera ko kaso... tumingin siya sa akin. Oo, tanginis. Hindi ako nananaginip o ano, kitang-kita ko iyong pagtingin niya sa akin bago niya tapusin iyong pagstrum sa gitara niya.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko kahit tapos na si Leigh kumanta. Hindi ko malimutan iyong titig niya sa akin. Kabaliwan na 'to. Oo, tama, kabaliwan na 'to. Ipinikit ko na lang ang mata ko at pinilit na kalimutan ang mukha na iyon ni Leigh pero – ghad! Ang hirap. Sobrang adorable niya kaya kanina! Kaya paano? Paano ko magagawang abandunahin iyon?

Pinakinggan ko na lang ang mga kaklase ko kahit na masakit sa tainga 'yong iba. At noong ako na, napahinga na lang ako ng malalim. Halos ilabas ko na ang lahat ng carbon dioxide sa katawan ko pati na ang oxygen sa sobrang kaba.

Kumuha ako ng upuan at umupo. Katulad ng ginawa ni Leigh ay inilagay ko sa lap ko iyong gitara at nagsimulang magstrum. Hindi ako nagde-kwatro dahil nakapalda ako.

Bahagya kong dinilaan ang labi ko bago sinimulang kumanta.

"You're the one that lets me sleep
Through my mind, down to my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you hear by my side I'm in ecstasy..."

Nasa gitara lang ang tingin ko pero rinig ko ang mga mahihinang boses ng mga kaklase kong sumasabay sa akin.

"I am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But now you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see..."

Pasimple kong iniangat ang tingin ko na binawi ko rin agad dahil sa tingin ni Leigh. Nagkasalubong ang mga mata namin... shit. Ito na naman 'yong bilis ng tibok ng puso ko.

"Your love is like the sun
It lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down though my veins
I feel the chill inside..."

Wala akong specific reason kung ba't ito ang kinanta ko. Gusto ko lang talaga makita 'yong reaction niya... pero parang mahirap yata 'yon. Ang lamig ng tingin niya. Daig mo pa ang nanalo ng free tour sa North Pole.

"Every time I hear our music play
Remind me of the things that we've been through
In my mind I can't believe its true
But in my heart the reality is you..."

I hate the last line. Totoo pero bakit ganoon? May sakit. May lungkot. Nakakalito...

"I am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But now you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see..."

Muli kong iniangat ang tingin ko sa kanya. This time, naghanda na ako ng isang katerbang lakas ng loob. Hindi na ako iiwas... gusto ko ng makita iyong mata niya, gusto kong malaman 'yong nasa isip niya.

Ano ba talaga ang tingin niya sa'kin?

"Your love is like the sun
It lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down though my veins
I feel the chill inside..."

Muntikan pa akong matawa nang makita ko si Elise na nakapikit at damang-dama ang pagsabay sa akin sa kanta. Gaga talaga 'to. Kung kailan ako seryoso saka sisingit, parehas sila ni Daen. Mga mukhang singit.

"Your love is like the sun
It lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down though my veins
I feel the chill inside..."

Si Leigh, kailan kaya siya sisingit sa buhay ko?

"Your love, your love, won't you give me, your love..."

The last line gave me chills. Like what he told me on the other day, it represents my feelings for him.

Pinalakpakan ako ng mga kaklase ko pagkatapos. Diretso lang ang tingin ko sa upuan ko nang bumalik ako. Ayokong magkaroon ng contact sa kanya. Baka lumambot ako... baka maguluhan ulit ako.

After all, totoong desidido na ako.

Pagkatapos kumanta pa ng iba kong kaklase ay nagpaalam na ang professor namin. Sumunod ang professor namin sa History na mabilis lang din namang natapos. Hindi ko alam kung coincidence ba 'yon o ano pero may mga subject talaga na ang bagal ng oras at mayroon din namang ang bilis. Sana lahat mabilis, 'di ba? 'Yon nga lang at may long quiz kami bukas. Parusa na naman.

"Class dismissed," Wala ako sa mood ngayon kaya nagpadala na lang ako sa hila sa'kin ni Elise pero bago pa man kami makarating sa parking lot ay huminto na siya.

Humarap ito sa akin at ngumiti. Sa ngiti niya pa lang, halata na ng may mali.

"Oo nga pala, beh. Magkikita kami ni Daen... hehe, sorry," Gusto ko siyang batukan kaso naalala ko na naman ang deal namin ni Kuya. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o ano sa deal na 'yon.

"Hay! Mag-isa tuloy akong uuwi!" Nagpeace sign lang sa'kin ang gaga. "Umalis ka na, baka makalbo pa kita. Enjoy your date." Kahit na inis ang boses ko ay nagawa ko pa siyang kindatan. Tumatawa itong nagpaalam sa'kin at umalis.

Naiwan naman ako rito na malayo ang tingin. Sana all na lang may love life. Pagbigyan na lang tutal maghihiwalay rin naman.

Lumabas na ako ng school at naglakad. Malapit lang naman ang bahay namin dito, gusto ko lang talaga ng bonggang entrance kaya nakakotse pa ako. Madalas din kasi late ako kaya hindi ko na na-a-afford maglakad.

Kumunot ang noo ko at napahinto sa paglalakad nang may kumalabit sa akin. Isang maliit na bata na tingin ko ay nasa seven years old pa lang ang gumawa noon. Inosente itong ngumiti at inilahad ang kamay niya sa'kin.

"Ate Ganda, may pagkain po ba kayo?" Madumi ang damit niya at halatang hindi nabibigyan ang tamang alaga. I wonder kung may parents siya? Masyado pa siyang bata para magpagala-gala. Umupo ako sa harapan niya para magkasing-level kami.

Madamot ako pero kung tatawagin akong Ate Ganda ng ganitong kacute na bata, hindi pala ako madamot.

"Wait lang." Binuksan ko 'yung bag ko at binigay sa kanya iyong biscuit ko saka chocolate at dalawang malaking chichirya ng potato chips. Iyan talaga ang main reason kung bakit malaki ang bag ko. Akala lang nila masipag ako mag-aral.

"Thank you po, ate." Tumango lang ako at ngumiti. Tanaw-tanaw ko lang siya habang paalis siya at palayo sa akin, may nakasalubong siyang dalawa pang maliit na bata at ibinigay iyong ibang binigay ko sa kanya roon.

Tumayo na ako at ipinagpag ang palda ko. Grabe, pakiramdam ko sa langit na ako mapupunta.

"Bakit junk foods 'yong binigay mo sa bata?" Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa gilid ko. Si Leigh. Bakit siya narito? At saka ano naman sa kanya kung junk food iyon? Wala akong ibang pagkain bukod doon. Mas ayos na 'yon kaysa wala akong naibigay.

Hindi ko na lang siya pinansin at binilisan ang paglalakad pero sinasabayan niya lang ako. Tanginis. Ano bang problema nito? Ginugulo niya na naman ako, e, desidido na ako. Malinaw na sa'kin. Wala naman talaga siyang gusto sa akin... iyon 'yong sinasabi ng mata niya. Parang normal lang din akong kaklase sa paningin niya.

Special ba ako sa kanya? Naging special ba ako sa kanya?

Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko bago tumigil sa paglalakad.

Last time I checked, crush ko lang siya. Pero bakit parang palala? Normal lang bang masaktan sa crush lalo na kapag litong-lito ka na?

"Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan na makipag-usap sa kanya ng ganito. Pero, mukhang seryoso siya sa sasabihin niya base sa mukha niya– crap, lagi naman pala siyang ganiyan.

He's so serious and cold that I couldn't understand it.

"Gusto kita." Wala, wala dapat akong marinig. Gusto ko rin... gusto kong isara na ang puso ko. Gusto ko munang maglaho ta's tingnan kung magiging maayos ba ang kakalabasan nito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Nagulat na lang ako nang sapilitan niya akong hilahin paharap sa kanya.

"Hindi pa ba sapat, Coleen?" Mahinahong tanong niya.

"What?" Kinunutan ko siya ng noo. Mali. Dapat hindi na ako nagsalita. Ayokong marinig 'yong huli niyang sasabihin kasi aasa ulit ako.

Pero ngayon pa lang... umaasa na ulit ako, 'di ba?

"Hindi pa ba sapat 'yong pinapakita ko sa'yo para malaman mong gusto kita, kulang pa ba?" His voice was full of curiosity.

_____________________________________

A/N:

Song used: Gitara by Parokya ni Edgar and Your love by Alamid

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
770K 18.9K 58
COMPLETED (Isa sa mga nauna 'kong isulat dito sa Wattpad so i-expect ang kajejehan ng author.) Highest Rank Achieved: 🏆#1 in Missions-4/4/2020 🏆#2...
372K 7.4K 64
Ang prinsesa ay para sa isang prinsipe ngunit paano kung may humadlang sa kanilang pag-iibigan? Kilalanin si Princess Veronica Zalles at Prince Fonta...