The Truth Untold

By errojasmine

31 1 0

Friendship vs. The Man You Love More

Chapter One
Chapter Two

Prologue

17 0 0
By errojasmine

"Hoy! Anong iniisip mo? At kung makatingin ka sa kanila."

"Ba't kaya ganun, wala akong bebe."

"Ikaw lang ba? Ako din kaya wala, saka no need na girl ok na akong single." Ngiti nyang sabi.

Inirapan ko nalang sya. "Palibhasa kasi hindi ka gusto ng crush mo, ni hindi ka nga kilala eh."

"Nakakahiya naman sayo miss, bakit yung crush mo ba alam na crush mo sya? Diba hindi din?"

"Oo na. Sampalin kaya kita dyan gusto mo? Or baka naman mas gusto mo magiging tulay ako sa inyo ni insan?" Tawa kung sabi.

"Ha ha ha.. Cge tawa pa dyan. Mabulonan ka sana." Sabay alis..

Kawawang Lyssa, atleast ako nakakausap ko crush ko, nahahawakan, at nakikita palage. Kaklase ko lang naman sya kaya ang lapit lapit namin pero ang layo maging kami. Puot ako.

Pumasok nalang ako sa room, at kahit saan man ako sulok pumunta sa school na to hindi talaga nauubusan ng mahaharot na magkasintahan kahit sa room pa. Ang sakit sa mata. Pag-aaral ba talaga pinunta ng mga gago nato o makikipaglandian lang sa boyfriend and girlfriend nila. Sarap nila tulak sa bangin my gosh.

"Nakanuot yung noo mo oh, magkasalubong pa kilay mo. Lalo ka lng pumapangit." Sabi ng sa likod ko.

"Isa kapa, dun ka nalang nga sa Miya mo." Pagtataray ko kay Edward.

"Bakit naman? Problema mo samin dalawa?"

"Wag mo nalang pansinin ED, inggit lang yan." Tawang sabi ni Lyssa.

Tumawa naman yung Edward. Tiningnan ko sila ng masama.

"Kalma lang Jaz papansinin ka din ng crush mo diba Fran----"

Napatigil naman sya kasi sabay namin syang binatukan.

"Ang sakit non ah."

"Sige mag ingay kapa d ka lang namin babatukan, papasalvage din kita kay mommy at daddy." Sabi ko naman sa kaya, sabay talikod.

"Ok, ok sorry na. Gusto ko lng naman makatulong sa love problem mo."

Makatulong? Sa tingin nya makakatulong sya. Alam naman nya na hindi lng ako may gusto kay Franco sa apat na sulok ng kwarto na to. Baka hindi na ako makakauwi mamaya pag nalaman nila. Pero duuhhh hindi ko naman hahayaan na mangyari yun no.

"Hmmm..patulong nalang ako. Pwede ba?" Tanung nya samin dalawa.

"Busy ako." Sabay naming sagot..

"Ahhh, ganun ba.. Ok sayang naman wala akong ililibre ngayung araw. Pero ok na din yun less gastos diba?"

"Ay naalala ko pala wala pala akong gagawin ngayun." Biglang bawe ni Lyssa.

Basta libre ang bilis talaga ng babaitang to..

"Buti naman, pano ba yan si Lyssa lng makakain ng libre ko." Parinig nya.

"Kaya ko naman bumili ng sarili kong pagkain." Sagot ko naman

"Ai grave sya, meron ka ba ngayun?"

Humarap ako sa kanya. Tinaasan ko sya ng kilay.

"What? Nagtatanung lng naman ako."

"Wala, pero dahil sayo baka magkaroon ako ngayun at baka mapatay pa kita" Seryoso kong sagot.

"Sorry na nga po, Tulungan mo nalang kasi ako."

"Fine." Tipid kung sagot.

Tulad ng inaasahan ko magpapatulong nanaman sya tungkol sa monthsarry nila ni Miya. Kung hindi ko lang talaga to kaibigan. Asa naman na tutulungan ko sya.

"Salamat guys ha, ang swerte ko talaga may kaibigan akong ambabait." Sabay pisil sa pisnge ko.

Tinangal ko naman agad kamay nya.

"Bat naman tudo effort ka ngayun sa monthsarry nyo?" Tanong ni Lyssa.

Napakamot naman sya sa batok. "Nagtampo kasi yun, kasi nga minsan nalang kami magkasama. Malapit na kasi yung sport festival natin kaya tudo training ako."

"Hindi nya ba maintindihan yun?" Mataray kung tanong

"Namimiss nya lng ako Jaz." Sabay kindat.

Volleyball player kasi si Edward sya na yung bagong team captain kaya tudo training sya. Kaya ayan nangangayat na sya, araw araw ba naman na training sino hindi papayat dun, ngayun lng sya pinayagan ng couch nila na magpahinga dahil malapit na yung exam. Magaling din sya sa academics kaya swerte din si Miya sa kanya kasi talented na bingwet nya. Moreno, matangkad at gwapo pero sira ulo.

"Lyssa pwede mo ba kami picturan ni Jaz?"

Napataas kilay ni Lyssa. "So kayo dalawa lang?"

"Hindi ba halata?" Pabalang na tanong ni Edward. "Saan cellphone mo Jaz?"

Ako naman yung napataas ng kilay. "Bakit naman?"

"Yun yong gagamitin ni Lyssa." Ngiting sabi nya.

"Pwede namang cellphone mo ah, ikaw yung nagpapapicture sakin tapos cellphone ko pa yung gagamitin."

"Ayuko baka makita ni Miya." Sabay tabe sakin.

"Eh bat ka nagpapapicture kay Jaz?" Tanong ni Lyssa.

"Bawal ba?" Pabalang nya ulit.

Binatukan ko sya. "Wala ka bang magawang matino?"

"Aray naman, ayaw mo nun magkakapagpicture ka sa pinakamagaling na volleyball player sa school natin."

"Wow naman, ang lakas ng hangin." Parinig ni Lyssa.

"Duh, as if naman gusto ko magpapicture sayo." Sabi ko naman.

"Dami pang arte." Kinuha nya sa bag ang cellphone ko at binigay kay Lyssa. Lumapit pa sya sakin. "Kunan mo na kami Lys."

"Wow ha ang galing mo din kumuha ng gamit na hindi sayo." Inirapan ko nalang sya.

"Ang tagal mo naman kasi, kaya ako nalang kumuha."

Hindi nalang pumalag si Lyssa, kinunan nya kami ng picture at binigay kay Edward ang cellphone.

"Bakit ganito?"

"Ano naman problema dyan sa kuha ko?" Taas kilay na tanong ni Lyssa.

"Tingnan mo yung kasama ko, hindi man lng nakangiti. Ang pangit tuloy." Malungkot nyang sabi.

"Kasalanan ko ba yun?" Sabay kuha ng cellphone kay Edward.

"Isa pa." Ngiting sabi ni Edward. Tumingin naman sya sakin. "Ngumiti kana kasi." Sabay akbay sakin, tumingin na ulit sya sa camera.

"Pwede ba ED, ang harot mo talaga." Sabay kuha ng kamay nya. Pero lalo nya lng ako inakbayan.

"Ano Jaz, matagal pa ba to?" Tanong ni Lyssa sakin. Nangangawit na siguro.

Inirapan ko nalang sya, at ngumiti na sa camera pero hindi yung ngiti na abot tinga, ngiting pilit lang.

"Ayan." Ngiting sabi ni Lyssa.

"Oh diba ang ganda." Sabay tingin sakin ni Edward.

"Matagal ko nang alam na maganda ako."

"Sus, kahit mataray at maldita ka mahal parin kita." Sabay kiss sa noo ko. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Ang landi talaga ni Edward." Singit ni Lyssa.

"Inggit ka lang kasi." Sabi naman ni Edward sabay kuha ng bag.

"As if naman gusto ko magpakiss sayo."

"Sino naman kasi may sabi gusto kita ikiss?"

Tumawa nalang ako sa kanila. Hanggang sa labas ng room nagbabangayan parin yung dalawa. Kung sila nalang kaya. Mas ok pa siguro lage pa naming kasama si ED.

"Sasama ka ba samin?" Tanong ko kay Edward.

"Asa ka naman bess." Sabat ni Lyssa. "Simula nung nagka Miya yan d na yan sumasama satin eh."

"Hmmm, sorry Jaz." Sabay yakap sakin.

"Kailangan mangyakap?" Sabay tulak sa kanya. Tumawa lang sya. Gago talaga to.

"Beeee.." Kinikilig na bulong ni Lyssa.

"May bubuyog na nga kinikilig ka pa?" Sabi ko naman.

Tumawa naman ng malakas si Edward. "Tinatawa mo dyan?" Lumapit sya at inakbayan ako. Ang harot nga talaga nya. Buti nalang hindi mabigat yung braso nya.

"Nakatingin sayo si Franco." Bulong nyang sabi.

"Paki---- WHAT?!" Tumingin naman ako kay Franco. Nakatingin nga talaga sya sakin, ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan d ko alam yung gagawin ko, nakatingin lang ako sa kanya. Ngumiti sya sakin, totoo ba to nakangiti sya sakin? Kitang kita ko yung mapuputi nyang ngipin at ang singkit ng mata nya.

"Ehem." Nabuhayan naman ako. "Baka may papasok nang langaw sa bunganga mo sa kakanganga mo bess." Rinig kong sabi ni Lyssa. Tumawa naman ng malakas si Edward.

What kanina pa ako na kanganga? Shit. Namula ako sa hiya. Iniwas ko yung tingin ko kay Franco. Kaya pala nakangiti sya sakin. Nakakahiya!

"Ah eh.. Tara na Lys." Hinila ko naman si Lyssa. Ayaw ko na dito, shit. Gusto ko na umuwi. Narinig ko parin yung tawa ni Edward, d ko nalang tiningnan si Franco.

"Bye Jaz!" Rinig kong sabi ni Edward. Hindi ko nalang sya pinansin, deritso lang ako sa paglalakad habang hila hila si Lyssa.

"Jaz.." Tawag ni Lyssa, pero hindi ko sya nilingon. Gusto ko na talaga kasi umuwi.
"Jaz.."
"Jaz.."
"Jaz! Sandali!" Hinila ni Lyssa yung braso nya, napatigil naman ako sa paglalakad.

"Wait lang kasi, kung makahila ka parang hindi mo ko kaibigan ah.. Ang sakit kaya." Sabay himas sa kanyang braso.

"Sorry naman, gusto ko na kasi umuwi."

"Umuwi? Sa tingin mo sa direksyon natin makakauwi tayo? Jaz lagpas na tayo sa sasakyan nyo, tinawag ka ng driver mo pero lakad ka lng ng lakad. San mo ba gusto pumunta? Uuwi ka ba talaga?"

Napakamot naman ako sa batok. "Sorry talaga."

"Ok lang, tiningnan ka lng ni Franco nagkaganyan kana, napanganga pa." Tawa nyang sabi. Tiningnan ko sya ng masama, napatigil naman sya sa kakatawa.

"Joke lang." Ngiti nyang sabi. "Alam ko namang napahiya ka eh, tara na uwi na tayo."

"Tayo?" Tanong ko sa kanya.

Lyssa can drive her own car. Yes, meron syang sariling sasakyan kaya napatanong ako, eh kasi bakit pa sya sasabay sakin kung may sarili naman syang sasakyan, and she's already 18 kaya may license na sya. Pero ako 17 palang at d pa ako marunong mag drive kaya hatid sundo pa ako ni manong Kiko.

"Diba may car ka?"

Napakamot naman sya ng batok. "Ah eh.."

"Wag mong sabihing na confiscate."

"Yun na nga." Malungkot nyang sabi. "Bumama kasi grades ko."

"Ayan kasi puro ka FB kakastalk sa crush mo."

"Abah nahiya naman ako sayo, bakit ikaw hindi ka nagstalk kay Franco?"

"Nagstalk pero duuhhh, i can manage my time."

Sumakay na kami sa sasakyan. "Manong pakihatid po muna si Lyssa sa bahay nila."

Nung wala pang sariling sasakyan si Lyssa minsan na din syang nakisabay sakin, so alam na ni manong Kiko kung san bahay nya.

"Jaz, ano ba talaga nagustuhan mo kay Franco?"

"Ilang ulit mo na natanong yan?"

"Hmmm.. wala lang, eh kasi nakakapagtaka lang halos lahat ng mababae at bakla sa campus gusto sya simula sa grade 7 papuntang college, ang haba ng buhok nya ha. Pati ikaw na napasama sa listahan."

"Alam ko yun, kaya ayaw ko malaman nila na gusto ko si Franco, baka kuyugin nila ako."

"Sa tingin mo kaya nilang gawin yun? Baka isang kurot lang nila sayo mawala na sila sa mundong ibabaw."

Sabagay may point si Lyssa, bakit nga ba ako natatakot.

"Hmmm.. d ko din kasi alam kung bakit ko sya gusto, hindi din naman sya gwapo sa paningin ko per---."

"Pero gusto mo sya lageng nakikita." Pagputol nya sa sinabi ko. "Ilang beses mo ko na rin yan narinig mula sayo tuwing tinatanong kita."

"Ano pa ba inaasahan mong sagot?"

"Well marami pa, cge una na ako." Ngiti nyang sabi. "Salamat mang Kiko."

"Bye Lys." Sabi ko naman.

Bumaba na sya at nagmaneho na ulit si mang Kiko. "Mang Kiko, gusto ko po muna pumunta sa mall, bibili lang po ako ice cream."

"Sige nak, pero wag ka magtatagal dun nak ha. Baka ma sermonan ako ng kuya mo."

"Wag po kayo mag-alala manong, saglit lang po ako." Ngiti kung sabi.

Nakadating na din kami sa mall. Iniwan ko lang si mang Kiko, kasi babalik din naman agad ako ice cream lng naman bibilhin ko eh.

Habang naglalakad ako nagkita kami ni Leo, kaklase ko. "Oh Jaz, san ka pupunta?"

"Sa ice cream shop, ikaw?"

"Isa lang pala pupuntahan natin, tara sabay na tayo."

"Ano gagawin mo dun?" Tanong ko naman sa kanya.

"Malamang bibili nang ice cream." Tawa nyang sabi.

Nga naman Jaz, ano ba klaseng tanong yun.

"Malay ko ba kung may date ka dun, tss."

"Wala naman pero dun sila Franco eh, niyaya lang nila ako." Ngiti nyang sabi.

"WHAT?" Napatigil naman ako sa paglalakad. No, ayuko magkita kami.

"Bakit may problema ba dun?"

"Ahhhhh, wala naman."

Shit tutuloy ba ako o hindi. Kinakabahan ako habang naglalakad. Pwede ba Jaz nakakalimutan mo na ba ikaw si Tiara Jazmine Beunaventura, kaya wag kang matakot.

"Leo, ang tagal mo naman."

"Pasensya bro, grabe yung traffic."

"Mukang may kasama ka."

"Yes, i saw Jasmine sabi nya pupunta din sya dito kaya nagsabay na kami."

"Ok lng sya?"

"Jaz?"

Natauhan naman ako sa pagtawag ni Leo. Tumingin ako sa kanila, una ko nakita si Franco, bigla naman ako umiwas ng tingin nung nakita kung nakatingin din sya sakin. Nakita ko din si Kathyrine kasama nya si Terince boyfriend nya, doon din si Samantha, and Kenneth. Puro ko sila mga kaklase at magbabarkada sila. Bakit ko pa kasi naisipang bumili ng ice cream.

"Are you ok?" Tanong ni Leo.

"Yeah." Tipid kong sagot. "Hmm.. mauna na ako sa counter." Paalam ko sa kanya

"Pwede namang dito ka muna sumama sa amin, mahaba pa naman ang pila." Kenneth said.

"No thanks." Ngiti kong pagtanggi.

Pumila na ako at sa likod ko sila. Muka yatang matatagalan ako, ang haba nga ng pila. Paano ang ganda naman kasi nung nasa counter kaya d na ako nagtataka kong nandito sila, at ang daming lalaking bumibili. I know her she's ate Flora at kilala nya din ako, lage daw kasi ako bumibili sa shop nya kaya natatandaan nya na ako.

Ilang minuto na ako nakatayo dito pero d parin ako nakabili. Haaay.. sad naman uwi nalang kaya ako.

Aalis na sana ako nang may umalok sakin ng ice cream.

"Chocolate Ice Cream with Strawberry right?"

"Franco?"

Tumawa naman sya ng mahina. "Nakita ko kasing nalulungkot kana at gustong gusto mo na kumain ng ice cream, so ako nalang nag order para sayo."

Tiningnan ko yung pila, paano naman sya naka order? Ni hindi ko nga sya nakita pumila.

"Pero paa---"

Kinuha nya yung kamay ko at pinahawak sakin yung ice cream. "Your welcome." Sabay ngiti, at umalis na sya.

Natulala ako at hindi ko magalaw buong katawan ko, hindi ko alam kung sisigaw ba ako or tatalon sa kilig. Hanggang ngayun ramdam ko parin yung pagkakawak nya sa kamay ko. Shit ramdam ko yong pagpula ng pisnge ko.

Bigla naman tumunog yung phone kaya natauhan ako. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag, shit si mang Kiko.

"Hello po."

"Nak, nasa bahay mo na po ako, pinauwi na ako ng kuya mo sya na lang daw susundo sayo."

"Ganun po ba, pasensya na po mang Kiko ang haba po kasi ng pila dito."

"Ok lang nak, ingat ka nalang dyan, at dyan na din siguro yung kuya mo."

"Sige po manung." Pinatay ko na yung tawag. Sigurado ako yung ma sermonan ni kuya.

Umalis na ako at hindi na ako nagabala pang magpaalam sa kanila, hindi naman kami close eh.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na maaga kang uuwi kasi dadating sila mommy, at ako na naman yung masisigawan pag umuwi silang wala ka dun."

Sa boses palang alam ko na kung sino. Humarap ako sa kanya. "Kasalanan ko bang mahaba ang pila."

"Kaya pala may ice cream ka kahit hindi ka nakaorder." Habang nakapasok yung kamay nya sa bulsa.

"What?"

Lumapit sya sakin at inakbayan ako. "Wala, basta lagot sakin kung may magpapaiyak sayo." Naglakad na kami papuntang sa sasakyan nya.

Continue Reading

You'll Also Like

391K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
75.6K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
353K 12.9K 44
Rival Series 1 -Completed-