Shania's POV
Nagising ako ng 5:30am, bumangon ako at naghilamos bago bumaba. Naabutan ko pa si mommy na nagluluto
"Ang aga mo anak, excited for school?" Tanong nito
"Not really mom" sabi ko
Uminom ako ng gatas at pinanood si mommy magluto. Si mommy talaga ang nagluluto ng breakfast namin, gigising siya ng maaga just to cook for us at yun ang kinasanayan namin. She started cooking our breakfast mula ng iadopt nila ko. Sabi kasi nila they want to give their time to me as much as they can.
After magluto ni mommy sakto naman bumaba na si daddy wearing his suit. He hug me and kiss my head saka naupo. Kasunod naman niya si Fourth na kagigising lang dahil ang gulo oa ng buhok niya pero mukha naman siyang matino.
"Let's eat" sabi ni daddy
Nagsimula na kami kumain. Fried rice, bacon, ham and hotdog ang kinain ko, heavy breakfast para di agad ako magutom.
"I'm going to drive you to school today mga anak" sabi ni daddy
"Really dad?" Tanong ko
"Yap" sabi niya and smile
After eating umakyat agad ako to prepare, naligo na ko saka sinuot ang uniform ko and my socks and shoes. Naupo ako sa upuan ng vanity ko and put a powder and liptint, hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. I grab my phone, 2books and bag saka lumabas ng kwarto at bumaba na
"Si Fourth nalang" sabi ni mommy
She's not going to work today, tinatamad daw siya HAHA. See my mom can do whatever she want palibhasa asawa ni daddy HAHAHA
"Do you have your wallet with you?" Tanong ni daddy
Tumango naman ako
"Your card?" Tanong nito
Tumango ulit ako, he took out his wallet from his pocket and pull out 1k then handed it to me
"Dad i still have my money, ang dami pa po non" sabi ko
"Just keep it anak" sabi ni daddy and place the money in my hand
"Thank you daddy" sabi ko and hug him
Sakto naman bumaba na si fourth.
"Ayan na si Fourth, come one let's get going baka malate kayo" sabi ni daddy at kinuha na ang suit case niya
Paglabas namin sumakay na si daddy sa vios niya, sa passenger seat ako naupo at sa shotgun seat naman si Fourth naupo, he's beside daddy
"You want to go drive thru?" Tanong ni daddy
"Yap" sabi ko
Napatawa naman si daddy kasi alam niya naman na o-oo ako eh HAHAHA
"2 chicken sandwich and fries" sabi ko kay daddy
Agad naman siya umorder tapos binigay sakin at si Fourth din meron
"Thanks tito" sabi nito
Kinain ko yung isang sandwich at yung isa tinago ko sa bag ko pati yung fries. Pagdating sa school.
"Be good and do good Shan and Fourth ok?" Sabi ni daddy
"We will dad/tito" sagot namin
I kiss my dad's cheek tapos nag fist bump sila ni Fourth saka kami bumaba.
Pag alis ni daddy naglakad na kami papasok.
Omoo bessss si Fourth!!!
Kyaahhh amwafu talaga!!!
Myghad gurrlll mukhang anghel na bumaba si Fourth sheett!!!
Ayyy sis ang ganda parin ni Shania
Oo nga no wonder daming may gusto sakanya
Mabait pa at matalino
May tinatagong kulo yan
Eww mas maganda naman ako sakanya
Ganyan ang bulungan dito sa canpus. Masasanay ka nalang o di kaya wag mo nalang bigyan pansin.
Pagdating ko sa building namin nandun sa may entrance si Frans at Kyla
"Giiirrlll!!" Sigaw nila at nanakbo papunta sakin and hug me
"Mygosshh naeexcite ako" sabi ni Kyla
"Kailan ka ba di naexcite" sabi ni Frans
"Tara na sa room, 7:15 na oh" sabi ko
Naglakad kami papuntang room at naupo sa may likuran. This is our usual spot, sa likuran. Saka madalas kami ilagay sa likuran kaya dito na kami uupo.
"Ohmygosh giirrll ang gwapo parin ni fafa Fourth" kinikilig na sabi ni Frans
"Nako Frans wala kang pag asa diyan" sabi ni Kyla
"Tsk. Ang nega mo naman girl" sabi ni Frans kay Kyla
"I'm just saying the truth Frans, imposibleng mapansin ka ng snob na yun" dagdag pa ni Kyla
"Ay girl balita ko pala lilipat sa section natin si Fourth" sabi ni Frans
"Really?" Tanong ko
"Yap. Di mo alam?? Diba you live in one roof?" Sabi ni Frans
"We don't talk Frans" sabi ko at sumandal
"Oh yeah right" sabi ni Frans
"So bakit lilipat sa section natin si Fourth?" Tanong ni Kyla
"Kasi daw hindi siya bagay sa regular class, pati nga yung mga kaibigan niya mapapalipat dito eh" sabi ni Frans
"How come hindi bagay?" Tanong ko
"Well ayon sa narinig ko, Fourth and his friends has an excellent performance sa klase nila. You tipong over over na" sabi ni Frans
"So the school decided na ilipat sila sa section natin. I really thought mukha lang ang pang laban ni Fourth, pati rin pala pag utak ang paguusapan may ibubuga siya" dagdag pa ni Frans
"Kung brainy sila, then bakit sila nasa regular class" sabi ni Kyla
"Dahil ayaw ni Fourth sa special class" sabi ko na nagpalingon sakanila sakin
"Why??" Tanong nila pareho
"As far as i can remember sabi niya he would rather choose to be a normal student than to be a special robot" sabi ko
Nagkatinginan namn sila
"It's partly true, kasi sa dami ng pinapagawa satin para na tayong mga robot" sabi ni Kyla
"True. Kaya siguro ayaw niya" sabi ni Frans
Magsasalita pa sana ko ng dumating si mam
"Goodmorning class" bati nito
"Good morning mam" bati namin
"Ok may new classmate kayo from other section, boys come in" sabi ni mam
Nagpasukan naman sila Grayson, Dinn, Zach, Eljon and lastly si Fourth
Kyaahhh!!! Amggwapoooo
Ang swerte ng section natin besss
Myghaadddd kompleto silaaaaa
Mygosh gurrll maganda ba ko? Do i look ok?
Grabeeee dito na talaga sila mag roroom!!!
"I'm Grayson Go"
"Dinn smith here"
"Zachary Jack Fuentes"
"Eljon Lopez here"
"Fourth Lee"
"Ok boys you may now take your seat at the back" sabi ni mam
Nagdaretsyo naman sila dito sa likuran. Dalawang hanay na kami dito.
Frans-Ako Kyla-Easton Miggy-Ashton Zach-Fourth Dinn-Gray Eljon-bag niya
Nagstart na magdiscuss si mam. Eto namang katabi ni Fourth ang daldal, daig pa babae.
"Shan ano nga?? San kayo nagbakasyon?" Tanong niya, kanina niya pa ko tinatanong
"Shut up Zachary Jack Fuentes, ang daldal mo, kalalaki mong tao eh daig mo pa babae" inis kong sabi
"Bakit babae lang ba dapat nagiingay" sabi niya
"Shut it Zach" sabi ni Fourth kaya nanahimik na si Zach
Nagsimula na magdiscuss si ma'am. Andami ngang reklamo bakit daw may klase agad pero hindi sila sinagot ni mam at nagpatuloy sa klase. I'm just listening para pag may quiz or exam hindi na ko magkakanda ugaga pagrereview.
After 3subjects nag breaktime na rin. Naglabasan na halos lahat ng classmates namin at kaming lahat dito sa likod nalang ang natira and some girls na patay na patay kay Fourth and the other.
"Mga sis tara na i'm hungry" sabi ni Kyla at nauna ng tumayo
Inayos ko ang gamit ko at tumayo narin. Napalingon ako kay miggy. Ang lungkot niya parin.
"Miggy hindi kayo sasabay?" Tanong ko
"Ahh Shan may practice kasi kami eh" sabi ni Easton na mukhang nagaalinlangan pa sa sagot niya
"Ganun ba? Sige next time nalang ulit" sabi ko at nilingon sila Kyla bago umalis na
Habang naglalakad kami sa corridor nakasalubong namin si Bubbles, siya ang nagrereyna reynahan dito sa school. She thinks na siya ang may ari nito at umaakto siya na kaya niyang gawin lahat at dapat siyang katakutan ng mga studyante dito.
Tumigil si Bubbles sa harapan ko.
"Hi there Shania" sabi nito at ngumiti ng peke
Hindi ako nagpakita ng emosyon at tinitigan lang siya. I don't have a time for her.
"You know what Bubbles, just stay away. Ayaw namin ng gulo" sabi ni Frans
"I'm not making a mess, masama na bang mag hi kay Shania?" Sabi nito at tinaasan ako ng kilay
"Hindi naman pero nakakabad mood kasi yang pagmumukha mo" sabi ni Kyla at nginisian sj Bubbles
Yan si Kyla she can be Hyper and Bibo pero wag mong kakalabanin ng sagutan dahil andaming ibubuga niyan. Maldita yan sa maldita.
"Oh really? Then just transfer to another school kung nababadmood kayo, right girls?" Sabi nito sa mga alipores niga
"Why would we??? This school is not yours nor your family, this school belongs to the Vasquez and Shania is one of the Vasquez so back off b*tch" mataray na sabi ni Kyla
Ayoko makipagtalo. Masasayang lang ang laway ko sakanila. Mabait akong tao pero may hangganan ako.
"For the record the last time i checked, Shania is just an adopted child. Meaning hindi siya tunay na Vasquez" sabi nito and scan me from head to feet bago ako tiningnan at nginisian
"That doesn't mean na wala parin siyang karapatan. She was legally adopted making her part of the Vasquez clan LEGALLY" sabi ni Frans na pinagdiinan pa yung legally
"Enough Kyla and Frans..." pigil ko sakanila
"But—" hindi natapos ni Kyla ang sasabihin ng magsalita si Bubbles
"That's right Shania, learn when to surrender" sabi nito at ngumisi
"First i'm not surrendering Bubbles because in the first place there's no war between us, ikaw lang naman ang mahilig gumawa ng gulo" sabi ko at lumapit sakanya
"Second i know when to invest my time and i don't like wasting my precious time to a TRASH like you" dagdag ko at ngumisi
People gasp
*woah*
Nakita ko naman ang paglaki ng mata ni Bubbles. Hindi kita pinapatulan noon dahil ayokong makipag away bata sayo, pero ngayon...hindi na ko papayag.
My ate's thought me how to fight word to word. Sabi nila i should learn how to fight using words because it's a great weapon, but should use it wisely.
And ang lagi nilang sinasabi 'we are not a Vasquez for nothing' since i was a kid yan na ang tinatatak nila sa utak ko at kinalikahan ko na.
Sabi nila i should know when to fight or not. Wag sugod ng sugod sa laban ng walang dalang armas. Dun ako humanga sakanila, they grew up well mannered and well thought.
Ng lagpasan ko si Bubbles dinanggi ko ng konti yung balikat niya at bumulong.
"Opppss sorry" sabi ko at naglakad na papunta sa canteen
Myghaddd nasayang ang oras ko sakanya. Pagupo namin dala yung snacks namin we started eating na.
"Grabe ka kanina girl, hanga ako sayo" sabi ni Frans
"Tama ka diyan girl" sabi ni Kyla at nakipagapir kay Frans
Napatawa nalang ako, they don't expect me to fight dahil madalas pag nagkakasalubong kami ni Bubbles at nakikipagbangayan siya, si Frans at Kyla lang ang nakikipagpalitan ng salita.
"I don't really expect that, you've changed girl so happy for you" sabi ni Kyla sakin, i just smiled at her
"Vasquez na Vasquez ang sagutan myghadd, maloloka ako sayo girl" sabi ni Frans kaya napatawa ako
"My Ate's thought me well, what do you expect?" Sabi ko at uminom
"Ay nako magpapaturo nadin ako kila ate Felice mygoshh, di talaga ko makapaniwala na si Shania yun" sabi ni Kyla
"Believe it or not si Shan yun girl" sabi ni Frans
After finishing our food umalis na din agad kami sa canteen at naglakad na papunta sa gym. Pupuntahan daw ni Kyla ang jowabells niya.
Pagpasok ng gym sakto naman na break nila, agad namang lumapit si Kyla sa boyfriend niya at yumakap kaya napagsabihan pa siya ni Easton dahil pawis na pawis ito.
"Hi guys" bati ko at ngumiti
"Hi" bati nila pabalik
Hinanap ko si miggy pero wala siya
"If you're looking for miggy nasa rooftop siya" sabi ni Ashton
"Saang rooftop?" Tanong ko
"Building natin" sabi ni Easton
"Girls pupuntahan ko lang si miggy" paalam ko, agad naman silang tumango
Naglakad na ko pabalik sa building, nakasalubong ko pa sila Fourth
"Shan" tawag ni Zach
"What?" Tanong ko
"We saw your argument with Bubbles" sabi nito habang nakangiti
"And???" Tanong ko
"Hanga kami sayo. Finally the princess of the Vasquez ay nakipagsagutan na" sabi nito at ngumisi
"I don't have time for a chitchat with you zach, i better get going" sabi ko at umakyat na sa rooftop
Pagbukas ko ng pinto inilibot ko ang paningin ko to find Miggy and there i saw him standing facing his back on me
Lumapit ako sa likod niya.
"Miggy are you alright?" Tanong ko
Napaharap naman siya sakin sa gulat
"Hey you just give me a mini heart attack" sabi nito habang hawak ang puso
"Sorry, hindi kasi kita nakita sa gym kanina" sabi ko
Nagbuntong hininga siya at muling tumalikod sakin, nagpunta ko sa gilid niya saka humarap sakanya
"Ok ka lang ba miggy?" Tanong ko
"Shan...what if i'll go to states?" Tanong nito pabalik
"H-huh?? W-what are you talking about?" Utal kong tanong
Ayokong mag assume, kaibigan ko si miggy since i'm a kid mahirap mahiwalay sakanya.
"I'm going to US next week Shan" sabi nito saka ako tiningnan
"W-what?? Are you serious?? You're joking right?? It's not funny Miggy, stop this" kinakabahan kong sabi
Umiling naman siya, that made my tears fall
"I'm serious Shan, i'm going to US next week" sabi nito at hinarap na ko
"W-why?" Nangangatal kong tanong while crying
"Mom and dad wants me to go with them, gusto nila kong isama dahil maiiwan daw ako sa bahay magisa. I told them that it's fine with me, ayokong umalis pero i have no choice. Ayaw akong iwan nila mommy" sabi nito
"And sabi din ni daddy, i'm going to train to handle our business while i'm there" dagdag nito
"Ilangs days ka don?" Tanong ko
"A month or two?" Di siguradong sabi nito
"Bakit ang tagal naman?? Isn't 1 week or two enough?" Nagmamaktol kong sabi
"Hush Shan. Don't cry, you know i hate seeing you cry because of me" sabi nito at niyakap ako
"I will miss you miggy" sabi ko and encircled my arms on his waist
"I will surely miss you too Shan, wala akong maaya don to hangout. Wala akong mahihingan ng notes pag di ako nakakopya, wala akong maasar and lastly wala sa tabi ko yung bestfriend ko to make me happy when i'm so stressed and when i'm so sad" sabi nito
"You can call me anytime miggy" sabi ko
"US and Philippines have a different time, magkaiba na ang mundong gagalawan natin once i get there" sabi nito and felt him kiss my head
"You can leave a message" sabi ko
"Sure i will" sabi nito at pinakawalan na ko
"Is that the reason why you look problematic these past few days?" Tanong ko then he nod
"You can always come back here. And you'll not stay there for good naman diba?" Tanong ko at umiling siya
"Mamimiss kita ng sobra Miggy, take care ha, i'm not there to take care of you pag nagkasakit ka" sabi ko
"Ikaw din. I'm not here to protect you from Bubbles, but sa nasaksihan ko kanina, i can say na kampante akong aalis ng bansa" sabi nito
"Why?" Nangungunot kong sabi
"Because i know that you can protect yourself already, you can fight for what you think is right" sabi nito and tap my head
"Bilisan mo magtraining don para makabalik ka agad ha" sabi ko, agad naman siyang tumango
"Tara na, malalate na tayo. And pls don't tell the others muna" sabi nito kaya tumango ako
"I have to spent my time with you this whole week" sabi ko
"Why?" Tanong niya at inakbayan ako
"Para pagalis mo may dala kang magandang memory from your magandang bestfriend" sabi ko
"Naks conceited eh. Taas ng confidence mo, over over nag uumapaw" sabi niya at ginulo ang buhok ko
"Heh manahimik ka, aalis kana nga aasarin mo pa ko. Eh kung palipadin na kaya kita papuntang US ngayon" mataray kong sabi
"Asusss pikon ka naman" sabi nito at piningot ang ilong ko
"Yaahhh miggy my nose!!!" Reklamo ko
"Still intact" sabi nito at tumawa
"I hate you" inis kong sabi
"And i love you too" nangaasar niyang sabi
Di ko na siya pinansin hanggang pagbaba pero nakaakbay parin siya sakin until makarating kami ng room saka niya lang inalis yung kamay niya.
Pagupo namin saktong dating din ni mam. Nagtake kami ng notes and as usual sa mga sumunod na subj nagdiscuss din agad.
Pagdating ng history yumuko ako sa desk ko dahil inaantok ako sa lesson ni mam. Ughh.
Nagising ako ng makaramdam ako ng may gumigising sakin, naganggat ako ng tingin and saw Frans and Kyla.
"Gising na girl tapos na ang klase" sabi ni Kyla
"Oo nga girl, tara maglulunch sa tapat ng school" sabi ni Frans
Inayos ko ang sarili ko at mga gamit ko saka tumayo, lumabas kami ng school at nagpunta sa restaurant sa tapat ng school.
Naupo kami at tumingin sa menu.
"Anong gusto niyo?" Tanong ko
"Sisig with rice and mango shake" sabi ni Frans
"Ikaw?" Tanong ko kay Kyla
"Same as her" sagot niya
Tumango ako at tumayo na, kinuha ko ang wallet at phone ko saka nagpunta sa may counter at nagorder
"What's your order ma'am?" Tanong ng babae sa counter
"3sisig with rice and mango shake" sabi ko
"Is that all mam?" Tanong nito
"Padagdag na din ng 3medium size burger and nachos" sabi ko
"That's all mam?" Tanong ulit nito
"Yes" sagot ko
"640 pesos ma'am" sabi nito
Nilabas ko yung 1000 na bigay ni daddy at inabot sa cashier.
"Here's your change mam, 360pesos" sabi nito
Kinuha ko yung sukli at bumalik na sa pwesto ko with the number.
"How much Shan?" Tanong ni Kyla pag upo ko
"No need, my treat" sabi ko at ngumiti
"Hala. Shan lagi mo nalang kaming nililibre nakakahiya na sayo" sabi ni Frans
"Ok lang yon ano ba. Saka binigyan ako ni daddy kami ng 1k, wala naman akong pag gagastusan so better share it with you guys" sabi ko at ngumiti
"You know what Frans hindi ko talaga maintindihan kung anghel bang bumaba to sa lupa o ano. Ang bait sobra myghad" sabi ni Kyla
"Totoo girl" pag sangayon ni Frans
Natawa nalang ako
"I am blessed to be adopted by my family, blessing sila sakin. And yung blessing na natatanggap ko, i want to share with other people. Ika nga nila diba, share your blessings" sabi ko
"Kaya ang bait bait ni God sayo eh" sabi ni Kyla
Nagkwentuhan lang kami about random stuffs like makeups and clothes. Mga girly kami eh HAHA. Pero mas gusto namin ni Frans ang pants instead of skirts
"Ma'am here's your order" sabi nung waiter at nilapag na yung sisig at burgers
"Ay kuya hindi po samin yang burger" sabi ni Kyla
Mukha namang naguluhan yung waiter
"Girls ako ang nagorder niyan" sabi ko
"Hala, sobra sobra na Shan" sabi ni Kyla
"Ok lang yun, next time ako naman ang ilibre niyo para fair" sabi ko at inayos yung plate ko
"Okii. Anyway thanks" sabi ni Frans
Tumango nalang ako and we start eating na
Pagbalik sa room busog na busog sila Frans.
Dumating na yung teacher at nagdiscuss na hanggang sa mag 5pm na.
"Good bye class" paalam ni mam
"Good bye mam" paalam din namin
Inayos ko na yung mga gamit ko at tumayo na
"Tara na" sabi ni Kyla
Sabay sabay kaming lumabas ng room at naglakad na papuntang parking lot.
I wanna go home already, i want to rest. Pagdating naman ng parking buti nandon na si mang bert, agad ako sumakay sa passenger seat same as Fourth.
When we reach our house agad akong bumaba at dumaretsyo sa room ko saka nagpalit at nagbihis. I immediately lay on my bed and rest