That Cold Guy Is Mine

By erzaaa78

349K 4.6K 299

Si Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate... More

That Cold Guy Is Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Note

Chapter 12

8.1K 213 13
By erzaaa78

"I'll sing for you," tanginis. Sana talaga hindi panaginip 'to.

Inalog ko ang ulo ko at pinisil ang dalawang pisngi. Tatlong beses din akong huminga ng malalim saka pumikit nang madiin. Pagdilat ko, agad kong isinet ang focus ng mata ko sa kanya – narito pa rin siya. So, this is real?

"You mean it?" I couldn't hide the happiness on my voice. This felt surreal.

"Yeah," tamad niyang tugon. "You were thinking it's a joke?" His head slightly tilted.

I immediately shook my head for response. "No, no. It's just that–" nabitin sa hangin ang nakabukas kong bibig nang tumayo siya at itukod ang dalawang kamay niya sa center table na nakapagitan sa amin. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at itinaas ang kilay niya.

"I'm in a hurry. I just stopped here for a little time to do this," seryosong-seryoso ang boses niya ngayon – malayo sa boses niyang malamig. "Now, tell me, it's just that?" Anumang oras ay parang malalagot ang ugat ko sa leeg dahil sa sobrang kaba – parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito. I couldn't order it to stop from beating fast. It's unstoppable... Leigh is... Leigh is like the commander of my heart. Yes, he commanded my heart to beat so fast that it could burst out.

"Uhm..." Shems, shems. Ano na ngayon? "I-I..." I couldn't talk properly! Ang talim ng titig niya sa akin. Hindi ko matagalan... parang sasabog ako anumang oras... nahugot ko na lang ang hininga ko nang lumayo siya sa akin. "I'm sorry," hindi siya sumagot. Diretso siyang umupo at tumingin ulit sa akin. Malamig na naman.

"It's fine," malamig niya ring tugon.

I slightly pinched my leg so that I could calm myself.

Hindi ko siya maintindihan. Iyan na naman siya sa it's fine niya. Tuwing nagkakamali na lang ako o may nagagawa akong hindi maganda – ano bang mayroon sa kanya? Also, I couldn't bring myself to stare at him like I used to! Just what on earth is happening to me?

Was I being messed again?

"I'll get the guitar." Tumayo ako at tumingin sa kanya. Hindi siya nagsalita o gumalaw, nakatingin lang siya sa'kin. Diretso sa mata ko. Parang tumatagos sa katawan ko ang bawat titig niya. Umiwas na lang ako ng tingin at mabilis na umalis doon sa living room.

Mahigpit ang hawak ko sa railings na akala mo ay mahuhulog ako anytime. Ikinalma ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa kwarto ni Kuya.

Seriously! What the hell was happening to me? Okay naman ako, ah. Yes, okay lang. Walang dapat ikakaba. Si Leigh lang 'yon, ako lang 'to.

Shit. Leigh? Syempre hindi lang basta Leigh 'yon! Ang lakas ng dating niya sa'kin... kaya kailangan kong kumalma. Ang pangit ko pa namang tingnan kapag kinakabahan.

Tahimik akong naglakad at kinuha iyong gitara malapit sa kama niya. Binuksan ko ang drawer ng cabinet niya at kinuha iyong pick para hindi masyadong masaktan 'yong daliri ni Leigh. Napangiwi na lang ako nang may makita pang CD ng – nevermind. Kahit kailan talaga 'tong tuko na 'to. 

Mabuti na lang talaga at tulog siya.

"Hoy. Saan mo dadalin 'yang baby ko?" Napatigil ako sa paglalakad palabas at humarap sa kanya. Gising pala.

"Pahiram ako," I plainly said.

"Tss. Basta 'yung kay Elise, ha?" Tumango lang ako at lumabas na agad ng kwarto niya. Elise pa rin. Mukhang seryoso nga siya at hindi ako nananaginip about doon.

Noong makababa na ulit ako, iniwas ko na ang mata ko kay Leigh dahil alam kong nakatingin siya sa'kin – hindi ako assuming, ramdam ko talaga. Ayoko lang magkasalubong 'yong mga mata namin dahil hindi ko kaya 'yong tense ng titig niya. It gave me goosebumps... seriously.

"Here." Binigay ko sa kanya iyong gitara at pick.

"Look at me," the voice was cold but you could feel the authority.

"A-Ano?" Saglit ko siyang sinulyapan.

"Naiilang ka ba?" What?! Okay. Shit. Parang gusto ko na lang maglaho ngayon, kahit saang planeta mapunta ayos lang. Basta makaalis lang ako rito. "I thought you're comfortable with me," ako lang ba o may bahid ng hinanakit iyong boses niya?

"Uhm, yes! Of course!" I laughed.

"Alright." Bumalik ulit sa malamig. Just how could he change his mood easier?!

"Uhm, okay..."

"Coleen." Tanginis. His cold voice really gave me goosebumps.

"Hmm?" As much as possible, I needed to avoid his gaze but it looks like that he knew it.

Tumayo siya at hinawakan ang baba ko. Dahan-dahan niyang ipinihit ang ulo ko paharap sa kanya. He was gentle... shems. A little smile was plastered on his face, damn it! Todo lunok na ako at kulang na lang ay isigaw ang pangalan ni Kuya para kuhanan kami ng picture.

Binitawan niya ang baba ko at bumalik sa pagkakaupo. "Focus on me." Tipid akong ngumiti at marahang tumango.

Nagsimula siyang magstrum ng gitara. Medyo nakahinga na ako nang maluwag dahil wala na ang tingin niya sa akin kundi sa gitara. Hindi na rin siya nakangiti – malamig na ulit ang awra niya.

"Every time in my mind
I'm telling myself..."

Ang lamig.

Ang lamig na ang ganda. Tumataas ang mga balahibo ko dahil sa kanya. Hindi ko alam kung malungkot ba siya o sadyang gano'n lang ang boses niya. Kainis, ba't ang ganda rin ng boses niya? Lahat na lang okay sa kanya. Sobrang pinagpala niya. Ta's ako heto... tamang daydream lang.

"Should I'll be?
Who will be?
The man who will hold your hand..."

Bawat strum niya ng gitara, ramdam ko 'yon. Masaya. Siguro, masaya ako. Ito 'yon, 'di ba? 'Yong gusto kong mangyari. I couldn't stop myself from smiling. Gusto kong sumigaw sa kilig, gusto kong kurutin si Elise sa sobrang saya at bilis ng tibok ng puso ko.

"Whenever I close my eyes
I can see your lovely smile
And I open it again
And then I see the midnight sky..."

Gusto kong makita 'yong mga mata niya ngayon pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakayuko siya at focus sa pagstrum ng gitara.

Medyo lito pa ako kung totoo ba 'to o panis iyong nakain ko kaya kung ano-ano ang na-i-imagine ko.

Pero... pero... pero no'ng oras na i-angat niya ang tingin niya... parang lumutang na iyong utak ko sa kalawakan at siya na lang 'yong nakikita ko... focus on me... parang paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko 'yong sinabi niya kasabay no'ng kanta niya.

"Wishing that I'll be
The man that you'll touch and see
I'll give my love that can't explain
We will be running in the rain
And I will hold your hand
Hold my hand..."

The chorus... shit.

Okay, kalma. I needed to breath enough para maikalma ko ang bawat parte ng puso ko na sobra sa pagtibok. Did he mean it? The chorus. Or it was just a simple song? No meaning, I mean. But... why did he choose that song?

"Aalis na ako." Malamig niyang saad at ibinaba ang gitara.

"Magmeryenda ka muna." I quickly replied.

"I'm in a hurry, remember?" Napatango na lang ako. Hindi nga pala siya pwedeng magtagal. "Bye,"

Tumango na lang ulit ako. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ng pinto ay tinawag ko siya. Hindi siya humarap sa akin pero huminto siya sa paglalakad.

"Uhm, ano..." Lumapit ako sa kanya at agad ding huminto nang tingin ko ay isang metro na lang ang pagitan namin. "I-Ingat ka..."

"And?" Nahulaan niya bang may gusto pa akong sabihin? Argh. Bwisit na yelo 'to, ang galing-galing mambasa ng ibang tao. O masyado lang akong halata?

"'Yong song–"

He cut me off. "I chose that because it represents my feelings for you,"

What? What?!

So, he mean it?

Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang pagngiti.

"Uhm, s-salamat..." My voice was stuttering.

"It's fine," he said his signature line again.

"Okay... b-bye," I couldn't stop myself from stuttering! Pati iyong labi ko ay nanginginig na rin sa sobrang ngiti, hindi ko na napigilan.

"Looking forward to see you again tomorrow," after saying those words, umalis na rin siya agad. Habang ako, naiwang tulala rito na nakangiti na parang tanga.

Nabalik na lang ako sa wisyo ko no'ng pitikin ni Daen ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero inirapan niya lang ako. Mukha talagang baklang tuko! Hindi ko na sana siya papansinin dahil baka masira lang ang araw ko pero naalala ko na hihiramin ko pa nga pala ang gitara niya.

"Bakit na naman?" I pouted. Grabe talaga 'to!

"May performance nga kasi kami bukas. Kailangan ko ng gitara, okay?"

"Bakit, hindi ba pwedeng acapella?" Umiling ako.

"Sige na kasi! Promise ko na mas tutulungan pa kita kay Elise para mas mapabilis 'yong panliligaw mo!" Alam kong masamang manggamit ng tao pero kung kailangang-kailangan talaga, e, pwede naman siguro 'yon.

"Tss, siguraduhin mo, ha." Mabilis akong tumango at kinuha sa kanya ang pick at gitara.

Dapat pala sa susunod ay magpabili na ako nito kay Dad. Hindi ko naman kasi akalain na may paggagamitan din pala.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagpractice, sanay rin ako maggitara pero kaunting songs palang 'yung alam ko.

Si Leigh, ang galing niya. Pati boses niya, ang galing din. Ano kaya 'yong kakantahin niya bukas? Sa thought pa lang na maririnig din ng ibang babae iyong boses niya, naiinis na ako.

Pero at least, ako pa rin ang nakaunang makarinig sa kanila. Sa akin pa rin ang halakhak. Hindi naman kasi kumakanta si Leigh sa school, more on pagtugtog lang siya ng instruments kaya first time ko rin siyang marinig.

Sobrang kilig talaga. Pero syempre, iniisip ko pa rin kung totoo ba 'yon. I mean kung hindi niya ba ako niloloko lang. Kasi paano kung pinapaasa niya lang ako? Ayoko namang maiwan sa huli.

"Beh!" Bumuntong-hininga ako bago tumingin kay Elise. Hindi ko pa man nalalaman ang chismis niya, alam ko ng tungkol 'yon kay Daen. Mula pa lang sa ngiti niya hanggang sa nakalugay niyang buhok. Ayaw niya kasing nilulugay dahil mainit daw, kaya lagi siyang nakabun pero ngayon, ibang-iba siya.

"Oh?" Tiningnan ko lang siya ng poker face. Mas lumaki ang ngiti niya at pumangalumbaba pa ang gaga habang pisil-pisil ang pisngi niya.

"Alam mo ba," panimula niya. Halatang chismis talaga kahit saang sulok mo tingnan.

"What?" Nagkunyari akong interesado kahit na alam ko na ang sasabihin niya.

"Nagtext sa'kin kanina si Daen." Like what we've planned. Medyo nauna lang ang timing ni Kuya dahil sabi ko ay mamayang hapon niya na lang i-text dahil baka hindi makapagfocus 'to sa lessons namin.

"Anong sabi?"

Namula ang dalawang pisngi niya at hindi siya magkamayaw sa pagngiti. Hindi niya alam kung paano ilalabas 'yong kilig niya. "Uhm... ano, sabi niya, lumabas daw kami mamaya."

"Sasama ka ba?" Tanong ko. Mahina akong napamura nang itulak niya ako. Muntik pa akong mahulog sa upuan. Kaya ayokong kinikilig 'to, e.

"Ano ka ba, beh! Syempre, sasama ko!" Ang nonsense nga ng tanong ko. Sasama naman talaga siya kasi patay na patay siya sa kapatid ko tapos iyon din ang plano namin. Hindi pwedeng hindi siya sasama dahil maca-cancel ang libre sa akin ni Daen sa Sabado. I can't afford that to happen!

Nang dumating na iyong teacher namin sa Science – supposedly, English talaga dapat ang subject namin pero hiniram muna ni Prof ang time para makapagpractice kami sa demo niya next-next day. Bumalik na rin si Elise sa upuan niya sa harap. Saglit kong sinulyapan si Leigh sa upuan niya – nakatingin din ito sa akin. Bwisit. Iyan na naman iyong malalamig niyang titig.

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa professor at nakinig. This is the right thing to do para maipakita ko kay Dad na hindi nakakadistract ang love. Though, wala naman talaga akong specific reason para patunayan... crap. Wala nga ba? In the first place, hindi naman ako sigurado kay Leigh. Naguguluhan pa rin ako, hindi pa ganoon kalinaw.

Pero 'yong effort niya... pumunta siya sa bahay para lang kantahan ako... ang laking assurance na no'n.

"Who proposed that all substances are composed of four elements: air, earth, fire and water in different proportions?" Tanong ni Prof. I confidently raised my hand. "Yes, Miss Montecillo?" I stood up.

"Aristotle po." I politely answered.

"Very good, you may now seat." Umupo ako ng may ngiti sa labi.

How was that, Leigh?

"Who is Robert Millikan?" Tanong ulit ni Prof at umikot-ikot pa sa apat na sulok ng klase. 'Yung iba kong kaklase ay umiiwas ng tingin kapag nakakasalubong nila ang tingin ni Prof, at syempre, isa ako roon.

Napakadami naman kasing tanong ni Prof.

Napatingin ako sa gawi ni Leigh nang magtaas siya ng kamay.

"Stand up, Mr. Hudson." Tumayo si Leigh.

"Robert Millikan was known for his work in atomic physics and major science dealing with the fundamental constituents of the universe, the forces they exert on one another, and the results produced by these forces," Diretsong sabi nito. Napaiwas na lang ako ng tingin no'ng sumulyap ito sa akin na para bang sinasabi ring how was that? Damn. E 'di siya na ang matalino. Just how to be him?!

"Very good as well, Mr. Hudson. You may now take your seat." Umupo na si Leigh at hindi na ulit tumingin dito sa gawi ko na ipinagpasalamat ko rin naman.

Medyo ilang pa ako sa kanya. Dahil siguro sa kahapon... pero ramdam ko pa rin 'yong kilig.

"Back to our lesson, Ernest Rutherford and his colleagues tested..." Nagsimula na ulit magturo ang nakakahilong si Prof. Hindi ko alam kung ba't hindi siya mapirmi sa isang sulok. Bawat parte yata ng sahig nitong classroom, natapakan niya na.

"Class dismissed." Napakawalan ko rin ang hikab ko noong lumabas si Prof. Ayaw kasi nito ng may inaantok sa classroom niya.

Tumayo ako at pumunta sa harap. Math na naman. Magsisimula na ulit ang pagtorture sa utak ko.

Pumasok na si Prof Daisy at nagsimulang maglecture. Binilisan ko ang pagsusulat as usual, kailangan kasi ay tapos mo ang lecture bago siya lumabas ng classroom dahil kung hindi ay minus five ka sa quiz. Bihirang magpasulat ang mga professor namin dahil halos lahat ng lecture ay puro printed pero hindi yata uso kay Prof iyon.

Pagkatapos magsulat sa board, tumayo na siya sa harap at sinimulan na ang pagdi-discuss. Pakiramdam ko, anumang oras ay magdudugo ang tainga ko sa mga naririnig ko.

"Our lesson for today is about Probability." Tumingin pa siya roon sa board at nilagyan ng guhit 'yung baba ng Probability.

Inayos muna niya ang eyeglasses niya bago ulit nagpatuloy sa pagsasalita. "Probability is a measure or estimation of how likely it is that an event will occur." Tanging boses lang ni Prof ang maririnig sa apat na sulok ng classroom. Parang pati paghinga namin, pinipigilan.

Weird dahil nauna ang Probability, no'ng tiningnan ko iyon ay nasa dulong part ng libro. Pahapyaw siguro ni Prof. No'ng first grading, may mga tinuro siya na wala sa exam namin. Sabi niya third grading pa raw talaga iyon, pero tingin niya raw mahihirapan kami kaya binigyan na kami ng clue about doon. Hindi naman mahirap iyon kasi marami kaming oras – one hour and a half ang Math namin. Tapos mabilis lang siyang magturo.

Dagdag mo na iyong walang bumabagsak sa exam niya. Magaling kasi magturo si Prof – matatakot ka na lang kung bumagsak ka pa, e.

"Activities such as tossing or flipping a coin or picking a card from a standard deck of cards without looking which could be repeated over and over again and which have well-defined results are called experiments. The result are called outcomes." Nakatulala lang ako kay Prof habang nakikinig. No'ng tiningnan ko si Leigh, nagte-take notes ito.

"The set of all possible outcomes of an experiment is the sample space or probability space; and each individual outcome is a sample point."

Lumipas ang ilang minuto at natapos na ito sa discussion. Buti na lang at hindi kami nagquiz ngayon, mukhang may meeting sila, e. Kadalasan kasi lagi kaming may quiz.

Pagkatapos ng Math ay Filipino. Hindi na ako umalis sa upuan ko dahil wala naman kaming seating arrangement dito. Katabi ko si Elise ngayon pero hindi naman siya dumadaldal. Focus talaga siya kapag may teacher na.

"Beh, lunch na tayo?" Yaya niya sa akin nang i-dismiss na kami ni Prof. Tumango lang ako at lutang na sumunod sa kanya papuntang cafeteria.

Iniisip ko pa rin 'yong tinuro ni Prof kanina. Hindi ako nakapag-isip ng maayos! Paano ba naman ay buong time, nakatabi sa akin si Leigh. Tumabi siya sa tabi ko, as in. Lumilipad na naman tuloy ang utak ko sa kalawakan.

"Ikaw na ang mag-order, beh, kachat ko si Daen." Mahina nitong sabi habang ang tingin ay nasa cellphone pa rin. Hihindi sana ako kaso may kasunduan nga pala kami ni Kuya.

Tumayo na lang ako at pumunta sa harapan ng cafeteria para umorder. Buti na lang at walang pila. Medyo maaga pa kasi kaya wala pa masyadong estudyante rito. 

"Ano pong inyo?" Tanong sa akin noong nagtitinda. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magsalita no'ng may sumingit na lalaki bigla.

"Isang cup ng rice, fish fillet ta's pakisamahan ng soup. Ice tea iyong drinks at dalawang slice ng yema cake." Inis akong tumingin doon sa lalaki. Ako ang nauna, 'di ba? Anong karapatan niya para sumingit?

"Okay po, sir, pakihintay na lang po," tanginis?

Mas sumama ang tingin ko nang magsalubong ang tingin namin. Mas lalo pang sumama no'ng mamukhaan ko siya.

"Oh... hi, my mortal enemy." He tilted his head and gave me his annoying grin.

____________________________________

A/N:

Credits po sa Midnight Sky ni Unique para sa song na ginamit:)

Continue Reading

You'll Also Like

160K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
189K 6.9K 36
🔞R-rated ⚠BXB ⚠GAY ⚠M-PREG ⚠TRUE FAN OF BXB AND A SUPPORTER OF LGBTQ ONLY... #2"(Mr)" #1"(pinoygaystory)" #9"(bi)" #6"(finding)" #1" (gxg)" #1" (tom...
441 114 17
Isang unibersidad na binabalot ng misteryo, maraming istudyante ang namamatay karamihan sakanila ay ang bumabagsak sakanilang pag-aaral. Akala ng iba...
198K 7.7K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...