My Destiny or My Dream? (ON H...

By WhimsicalLady

405 13 17

"Maybe we're meant to fall in love... but not to be together" A story about a girl torn between her soulmate... More

My Destiny or My Dream?
Author's Note (^_^)
Chapter 1: Mia
Chapter 2: Best Friends, Right?
Chapter 3: Little Secrets (Part 1)
Chapter 4: Sorry Seems To Be The Hardest Word
Chapter 5: Back to December (Part 1)
Chapter 5: Back to December (Part 2)

Chapter 3: Little Secrets (Part 2)

83 2 4
By WhimsicalLady

MIA'S POV

Epal naman nun si Carlo. Lakas ng topak. Napagtripan na naman ako. Haaay, Mia. 'Wag mo nang sayangin ang brain cells mo sa lalaking 'yon.

At least nabawasan na ako ng iniisip. Ayan, konsensya, 'wag mo na akong kulitin. Nabalik ko na ang polo at panyo ni Nathan. Nagthank you at sorry na rin ako.

Actually, dapat 'di na ako nagsorry sa kanya. Toyo siya! Anong karapatan niya para saktan kaibigan ko!

Basta, nagawa ko na ang kailangan kong gawin! Bahala na lang siyang isipin kung kanino galing yung note na 'yon. Haha!

"Mia!"

Sh*t! Si Nathan! Anong gagawin ko? Tatakbo ba ako? Mahahalata ka Mia. Sige, kausapin mo na lang.

"Bakit?" medyo nagkunwari pa akong galit.

"Sa iyo ba galing 'to?"

"W-wala a-akong kinalaman dyan!"

"Nakita kita na may nilagay ka sa locker ko"

"Fine! I'm sorry kung nasigawan kita kahapon at thank you sa tulong mo!"

"Ang sincere naman nun. (in a sarcastic tone) Apology accepted."

"Talagang hindi sincere 'yun. Oo, grateful ako sa pagtulong mo sa amin ni Zy kahapon at oo, nakonsensya ako dahil nasigawan kita. But, you deserve it! Anong karapatan mo para saktan ang kaibigan ko? Bakit mo sinabihan ng ganun si Zy? Kasalanan mo kung bakit siya nagkaganun!"

Oops. Nasigawan ko na naman siya. Affected lang ako masyado para kay Zy.

"So, kinuwento sa iyo ni Zy ang nangyari...

And I thought you were different..."

Medyo pabulong niya sinabi yun pero narinig ko. Toyo naman nun. Nagdrama bigla..

"Hoy! Hindi ka ba nakokonsensya? Hindi ba dapat magsorry ka kay Zy?"

"Kahit ilang sorry pa ang sabihin ko hindi na mawawala galit niya sa akin. Besides, ayaw din naman niya akong kausapin..."

"ANG G@GO MO!"

Bakit ko yun sinabi? Ang sama ko ata... Nakakainis kasi siya...

"Sa tingin mo ba she would feel better if I say sorry to her?

Napakaone-sided mo naman Mia. Akala ko pa naman sincere yung sinabi mo sa akin kahapon. Akala ko aalamin mo muna ang side ko bago mo ako awayin. I guess, gusto mo lang talagang mang-away ng tao. Inintindi kita last year at kahapon pero I'm tired of this sh*t!"

At umalis na siya. Natameme naman ako dun. First time kong makakita ng tao na nagalit sa akin.

Nagpadala na naman ako sa galit ko... Haaaaaay...

Nakakastress naman 'to. I don't want anyone to be angry at me. I don't want to have an enemy!

Makapunta nga sa Mess Hall. Food lang pwedeng magcomfort sa akin ngayon...

NORMAL POV

(Sa Mess Hall)

Chesca: Mia! Kanina ka pa namin hinahanap ni Steven! Where have you been ba? I thought sabay tayo na magrerecess. I got so hungry while waiting for you ha.

Mia: Sorry guys. May nangyari kasi. Kwento ko sa inyo habang nakain tayo. Teka, where's Giselle?

Steven: Kasama sina AJ. Natakot kaming lapitan. Nakakatakot ang aura. Hindi nga kami pinansin nung nakita niya kami. Kaya ayun. Hindi na namin niyaya.

Mia: Ano ba naman yan ang daming gulo! Haaaay. Steve, hanap mo nga kami ng upuan. Kami na ni Chesca ang oorder para sa iyo.

Habang kumakain ang magkakaibigan, kinuwento ni Mia ang lahat ng nangyari ngunit hindi niya binaggit ang kinuwento sa kanya ni Zyrene.

Chesca: Is this dejavù? Parang may naalala akong scene last year na parang ganito. Ang pinagkaiba nga lang ngayon sumagot na ang inaway mo!

Mia: Masyado ko ba siyang inaway?

Chesca: Inaway mo siya, not just once, not twice, but thrice! And take note once ka pa lang nagsorry dahil pa kay Gis yun.

Mia: Pero inaway ko siya for Zy! Ang sama kaya ng ginawa niya kay Zy!

Steven: Pero Mia, katulad nga ng sabi ni Giselle, hindi natin alam ang side ni Nathan. Tsaka tinulungan naman kayo ni Nathan kahapon kahit sinigawan mo siya.

Mia: thanks ha, (in a sarcastic tone) and I thought you would be on my side this time.

Chesca: Mia, we are. We just think na mali na inaway mo pa si Nathan. Dapat hindi na tayo makialam pa. You know na it's complicated between the two of them tapos makikidagdag pa tayo?

Mia: I'm just defending Zy! And I would do the same thing kapag may nanakit sa inyo. Talagang aawayin ko sila.

Chesca: Awwww. That's so sweet but no, thanks. If ever na may gusto akong ipaaway sa iyo I'll tell you.

Steven: Mia, alam ko ang totoong nangyari, nakwento sa akin ni Zyrene kahapon. Sa tingin ko walang kasalanan si Nathan. Kaya dapat magsorry ka sa kanya.

Mia: Dahil wala lang si Giselle ngayon, pinapaltan mo na pwesto niya. Fine. Magsosorry na ako.

Steven: Masyado kasi kayo nagpapadala sa emosyon niyo. Ayan tuloy ang mga nangyayari.

Chesca: I hate that you're right, Steve.

Mia: Btw, anong club ang pipiliin niyo?

MIA'S POV

After ng recess, pumili na kami ng clubs. Hanggang tatlong clubs lang ang pwedeng salihan ng bawat estudyante.

Si Giselle ay part na dati ng Dance Troupe. Ang isang club na pinili niya ay ang Math-Sci club kung saan president si Steven, naging secretary naman ng club na iyon si Giselle. Si Steven din ay part ng dance troupe, akalain mo yun! Hindi lang pulos acads itong si Steven, magaling din siyang sumayaw!  Hanggang 2 lang ang pinili nila dahil si Giselle ay part na ng Student Council (oo, considered as club siya. Weird lang.) at si Steven naman ay mukhang tatakbo bilang Secretary ng Student Council. Talagang hindi mapaghihiwalay ang dalawa kahit madalas ayawin ni Giselle si Steven.

Si Chesca naman ang pinili ay ang Fil-Soc club. Weird 'di ba? Hindi mo aakalain na iyon ang pipiliin niya.  Fil-Soc adviser kasi ng club na iyon ay ang Social Studies teacher namin, si Sir Velasco na UBOD NG POGI at UMAAPAW SA CHARISMA. Oo, crush siya ng lahat ng estudyante pati na rin ako. (-_-") Bukod sa Fil-Soc ay part din siya ng Swimming Varsity.

Kahit na wala si Zyrene siya ay part na ng Journ Club. Nahalal kasi siya na editor-in-chief ng Hilton Gazette last year. Ako naman ang naging Feature Editor.

Bukod sa Journ, part na rin ako dati ng Glee Club. Syempre, ang huli kong piniling club ay ang Drama club (^_~). Passion ko talaga ang theater. Pinili nila akong Vice President.

Si Steff naman ang president. Isa siya sa mga close friend ko kasi sobrang nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Hindi lang ako close kay Steff, si Nathan din. Siya lang ang kaclose ni Nathan na babae. Kaya ko alam ay dahil siya ang madalas na pinagseselosan ni Zy. U_U

"Sis, (yan ang tawag ko sa kanya. Kasi feeling ko long lost sister ko siya) 'di ba close kayo ni Nathan?'

"Ahhm. Oo, sis. Childhood frien ko siya. Bakit mo naman natanong?"

"May nakwento ba siya tungkol sa akin?"

"Bakit anong meron? Actually, Sis. Hindi na kami masyadong nag-uusap ni Tan. Simula nung nagkasomething sila ni Zyrene. Pinili ko na lang lumayo sa kanya. Ayoko naman na masira ang relationship nila ni Zyrene. Pero kahit na tapos na sila ni Zyrene, hindi na kami naging close katulad ng dati. Nag-aalala kasi siya na kapag nakita kami ni Zyrene na magkasama ay siraan din ako ni Zyrene...

OhMyGosh! Nawala sa isip ko na kabarkada mo si Zyrene. Oh Gosh. This stays between the two of us. Promise me, sis!"

"Din? Hindi naman ganun si Zy. Hindi naman siya maninira ng tao sa iba. Don't worry sa ating dalawa lang 'to. Tell me everything that I don't know."

"Sis, kung nagawa niya yun kay Tan how much more pa sa akin? Don't worry, I don't hate her or what. Pero ayoko lang yung side nyang yun..."

"Anong ginawa niya kay Nathan?"

"Hindi mo ba napapansin na walang masyadong friends si Tan? Especilly girls? Tsaka yung mga close friends niya na babae isa-isang lumayo sa kanya?

Unang reason ay may pagkaselosa ang friend mo. Syempre pipiliin ng mga girls na lumayo kay Tan kesa mapaaway kay Zyrene Rivera. Alam naman natin kung gaano kaimpluensya ang barkada niyo. Remember noong first year na pinagtulungan ng buong batch si Kiel dahil nakaaway niyo siya?"

"Hold on, sis. Hindi ako kasama dun. Tsaka mabait naman kami. Kung hindi ganun ang ginawa nina Giselle hindi magbabago si Kiel. Tsaka alam mo naman na nagsorry na sila. And mind you, first year pa 'yun. Galing elementary pa utak natin noon."

"Pero syempre nakakatok kaya yung hindi ka kausapin ng batchmates mo at maging loner ka buong year. Buti nga noong second year ay may nahanap na set of friends itong si Kiel...

Anyways, nagkaayos din naman pala kayo ni Kiel. So, maybe let's just ignore the first reason. Ang sigurong reason na lang ay dahil sirang-sira ang image ni Tan sa batch natin. Lalo na sa mga girls."

Napaisip ako dun. Well, may point si Steff. Ang sama nga naman ng image ni Nathan sa amin lalo na nung nakipagbreak siya kay Zy. Kaya ko nga siya inaway noon.

"Kilala mo naman si Zyrene, close siya sa halos lahat ng batchmates natin. At kapag nag-aaway sila ni Tan ay nakwekwento niya yung mga nangyayari sa iba't ibang tao. Bad thing is, point of view lang ni Zyrene ang nalalaman ng tao. Maunti lang ang tao ang nagtatanong ng side ni Tan. And dahil madaming tao din ang nakakaalam ng tungkol sa kanila nagspread na rin ang mga stories about Tan and you know it comes to rumors, may nadadagdagan. Yan ang reason kung bakit ayaw ko mapaaway kay Zyrene. Natatakot ako na ikwento niya sa lahat at mangyari ang katulad kay Tan."

"Pero, kahit ganun. Alam ko na hindi iyon sinasadya ni Zy."

"I know. Sadyang close lang siya sa madaming tao at madami ang nasa side niya. Kaya nga ako naawa kay Tan kasi kami lang ni Giselle ang nakakaalam ng side niya. Not to burden you Sis, pero nakadamage din ang pag-away mo sa kanya."

"Huh? Bakit?"

"Alam kasi ng mga batchmates natin na hindi ka naman palaaway. Ikaw nga 'di ba ang "sweetheart" ng batch kasi wala ka naging kaaway ever. Noong nalaman nila na inaway mo si Tan, syempre nagtaka yung mga tao. At naisip nila na malala siguro ang ginawa ni Tan para awayin mo siya ng ganun."

"Sis naman! Kinonsensya mo pa ako! Eh bakit hindi niya pinagtanggol ang sarili niya? Bakit hindi niya ikinalat ang side niya?"

"Syempre hindi naman siya papatol sa babae, sa iyo pa. Eh 'di mas lalong nasira image niya. Tsaka ayaw niya gantihan ng ganun si Zyrene, ayaw niyang siraan si Zyrene kasi he knows how it feels and he doesn't want Zyrene to go through what he had gone through. Alam niya naman kung gaano kasensitive ang babae pag dating sa image nila sa batch."

"Wow. Akala ko ba hindi na kayo masyadong nag-uusap ni Nathan?"

"Sis naman! Syempre nag-uusap pa rin naman kami yun nga lang hindi katulad ng dati. I mean, nasasabi pa rin naman niya sa akin yung mga bagay na ganun. Basta, hindi kasing dalas katulad ng dati ang pag-uusap namin"

Nagpause muna si Steff, bago niya sinabi...

"Sis, 'wag mo sanang awayin si Tan. Hindi ko din alam ang lahat ng details nila ni Zyrene pero alam ko na mabait si Tan at hindi niya gustong nasasaktan ang mahal niya."

"Alright, Sis. Sige aalis na ako. Nandito na ang iyong suitor! Kelan mo ba siya sasagutin?"

"Anuber Sis! (nagblush) Malapit na! Ay! Landi ko lang."

"Landi mo nga!

Hi AJ! Alis na ako, Sis. Salamat sa pagkwento. Next time ulit. Bye, Sis. Bye AJ!"

Dahil wala akong magawa, pumunta ako sa soccer field. Umupo ako sa bench at pinanood ko ang try-outs. Madalas dito ako tumatambay dati kapag walang ginagawa. OO! KAHIT NAKAKAHIYA MAN AMININ, PINAPANOOD KO DATI YUNG EPAL NA TUMABI SA AKIN KANINANG UMAGA...

Habang nanonood ako hindi ko maiwasan na isipin ang mga sinabi ni Steff. Ganun pala ang totoong nangyari. Sobra akong nakokonsensya dahil inaway ko si Nathan. Hindi ko akalain na masasisira ang reputasyon niya dahil sa ginawa ko. Haaaay. Kelangan ko talagang mag-sorry sa kanya. Ang bigat kasi sa pakiramdam.

Pero, paano ako mag-sosorry?

"ARAY!"

"Lalim na naman ng iniisip mo! Ako na naman siguro iniisip mo!"

"KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!" sabay hagis ko ng bola kay Carlo.

a%&sdfg@#!*#@ siya!!!! Epal talaga!!!

" Subukan mo lang lumapit jojombagin kita!"

"haha! Sa liit mong yan makakaya mo ako?"

"Oo, 5'1" lang ako at 6'2" ka! Pero don't underestimate me, I'm small but terrible"

"Sige, nga."

"Isa, Carlo 'wag kang lumapit. Kadiri ka. Baho mo! Baka dumikit pa yang baho mo sa damit ko."

Sadyang matigas ang ulo ng mokong na 'to. Bahala siya. Nang lumapit sa akin si Carlo ay sinipa ko siya sa private part niya (private part ng lalaki)

"Uggh! Foul play 'yun Mia." Sabay napaluhod siya.

"Kulit mo kasi, sinabi ko na 'wag kang lumapit."

Hindi tumayo si Carlo sa kinalalagyan niya. Nag-alala naman ako baka nabaog na siya gawa ng sipa ko.

Nilapitan ko siya.

"Huy, okay ka lang. Sorry na. Hindi na mauulit."

Kaso wrong move yung paglapit ko.

Dahil sa paglapit kong yun ay inakbayan niya ako at inipit niya ang ulo ko sa kili-kili niya. Grabe, pinilit niya akong amuyin ang (bleh! Nakakasuka) niyang kili-kili habang ginugulo ang buhok ko.

"SH*T Carlo! Gusto mo ba ako mamatay? Ang BAHO MO! KADIRI PAWIS MO! LAGOT KA SA AKIN!"

Kahit na nawindang ako sa amoy ng kili-kili niya ay nagawa ko pa rin na malocate ang nips niya at kinurot ko! (okay, nakakahiya 'tong ginawa ko. Pero yan lang alam kong weakness ng lalaki bukod dun sa *alam mo na*)

"Aray! Nipples ko! Ang bastos mo!"

"MAS BASTOS KA! GRABE I NEED FRESH AIR! SOBRANG NAHILO AKO SA AMOY NG PAWIS MO!"

"Sus! Kunwari ka pa! Alam ko naman na matagal mo ng gustong maamoy ang pawis ko."

"EEEEWWWW lang ha! Bahala ka dyan. Alis na ako. Panira. Ginulo pa buhok ko. Hmp!"

"Wait, ito naman 'di na mabiro. 'Di pa tapos ang usapan natin kaninang umaga."

Jusmiyo! Ayan na naman!

"Hindi mo ba nahahalata na ayokong pag-usapan 'yon!"

"Bakit nga ba kasi hindi ka nagparamdam na may gusto ka na sa akin noon?"

"Basta! Bakit mo pa ba inuungkat?"

"Wala lang. Sige na. Sabihin mo na. Bakit ka nagkagusto sa akin? At kelan simula kang nagkagusto sa akin?

Sige, 'pag 'di ka sumagot makakaamoy ka ulit ng mabango kong pawis!"

"Talagang may pagkaconceited ka din, ano? Tutal past na naman 'to at para tumigil ka na rin..

Nagustugan kita noong acquaintance party last year kasi first time ko na makipagsayaw ng ganoon kaclose tapos ang sweet mo lang nung gabing 'yon. Ayan, masaya ka na."

"Teka, kulang sagot mo. Bakit ka hindi nagparamdam?"

"Basta! Bahala ka dyan."

At agad na akong umalis, baka kung ano pa ang maungkat ng mokong na yun.

Paano ko ba nagustuhan yun? At ang babaw lang talaga kung bakit.

t(-_-) him!

Kadiri lang yung pawis niya!Makapunta nga sa locker. Buti na lang may pampalit akong blouse dun. Grabe, feeling ko kailangan kong maligo sa cologne bago maalis sa utak ko ang amoy ng pawis na yun.

4th floor pa ang locker area ng Seniors, so nag-elevator na ako para mabilis na ako makapagpalit. At yung sa teachers ang ginamit ko.

Old style elevators 'tong sa mga teachers. Yun yung manually pa isasara yung pinto at hanggang 4 tao lang pwede  sa loob pero ang maganda dito ay hindi siya natigil 'di gaya ng sa students na kunwari 4th floor ka tapos may tumawag sa 2nd floor titigil yung elevator para magsakay kaya minsan nakakainis kasi kailangan pang tumigil sa 2nd at 3rd floor bago ka pa makadating sa 4th floor. 2 ang elevators for teachers at syempre bawal sumakay doon ang students. Once na nahuli ka, kelangan mong tumulong sa janitor na maglinis ng CR at hanggang tatlong beses ka lang nila pwedeng mahuli, kapag nakastrike three ka, permanent record ka na sa Guidance at one week suspension. Kaya maunti lang ang estudyante na nangahas na gamitin ang elevator na 'to. Isa na ako sa mga estudyante na iyon. Haha. Pasaway ko lang. Rarely lang din naman kasi may  nahuhuli. Tsaka pag emergency ko lang 'to ginagamit. Katulad kapag late na ako sa class. Syempre sikretong malupit ko ito ^_~

Pag dating ko sa 4th floor laking  gulat ko ng pagbukas ko ng pinto.

Si Giselle nandoon. Bukod nga pala sa teachers, ang President ng Student Council lang ang pwedeng gumamit ng elevator na 'to. At Oo, pwede siyang manghuli ng estudyante na gumagamit nito. AT BIGLA KONG NAALALA na nakastrike two na pala ako. President ng Student Council din ang nakahuli sa akin noon. (O.o)

Oh, no. Isusumbong kaya ako ni Giselle. Hindi niya alam na hindi ko first time gumamit elevator na ito at nakastrike two na ako at kapag sinumbong niya ako ay masususpend ako. LAGOT AKO KAY LOLA AT MAMA!

SH*T. Bakit ko pa kasi nakalimutan na dalawang beses na akong nahuli dito. First year pa kasi iyon at isang beses lang naman ako pinaglinis. Sa daming beses ko itong ginamit kapag late na ako, nawala na sa isip ko na nahuli na pala ako ng 2 beses.

Hinintay ni Giselle na makalabas ako. Pagkalabas ko ay hindi niya ako pinansin at pumasok na siya sa elevator.

SH*T ang taray ni Giselle. Hala, LAGOT NA AKO! GOODBYE WORLD!

 AT ANG BAHO KO PA RIN!

Kailangan ko munang magpalit...

Pagkatapos kong magpalit, hinanap ko si Giselle. Nakakatakot sya, pero I'M DESPERATE!

Sa office ng Student Council ko siya nahanap.

"Giselle."

"Don't worry, hindi kita isusumbong."

Phew. Para akong nabunutan ng tinik ng shark. I felt super relieved.

"Dahil first time mong gamitin ang elevator na yun, hindi ko sisirain ang experience mo."

Ang bait naman ni Giselle. I think I should tell her the truth.

"Thanks. Actually, madaming beses ko na iyon ginamit and if ever na nireport mo ako that would be my strike three."

"WHAT?!"

"I'm sorry. Last time ko na 'yun gagamitin. I promise. I know that was very irresponsible."

"Bakit ka nagsosorry sa akin? Sa tingin mo ba papagalitan kita? Concerned ako sa inyo pero hindi ako nanay niyo. I'm your friend FOR GOD'S SAKE!

Nakakainis lang na it was Zy that you only comforted yesterday. Hindi niyo man lang naisip na pwede din na nasaktan ako. I'm not that strong as you think."

So, ganun pala ang nafefeel ni Giselle. Bakit wala akong masabi, pero I really feel sorry for her... Gusto kong magsalita, pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Natahimik lang ako dun... Bakit nga ba si Zy lang ang nilapitan ko kahapon? Bakit nga ba hindi ko man lang natext si Giselle? Natatakot kasi ako kay Giselle. Oo, magkabarkada kami pero hindi kami ganun kaclose...

 "Minsan napapaisip ako if si Zyrene nga lang ba ang kaibigan mo, Mia"

"Giselle, alam mo naman what Zy did for me. She was the only one who understood me when no one did. She's the reason why I have you, if it weren't for her I would still be that awkward girl that no one wants to be friends with."

"Pero Mia, hindi lang si Zy ang kaibigan mo atsaka, you could have gained friends kahit wala si Zy. Ang liit naman ng tingin mo sa sarili mo at masyadong mataas ang tingin mo kay Zy...

... kilala mo ba talaga kaibigan mo?"

Bakit ganun ang sinabi ni Giselle? Magkakaayos pa kaya kami magkakabarkada? T__T

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Woooo! Finally natapos ko ito. Feeling ko ang haba nito tapos ang boring na ata.... T___T Sorry dear readers kung pangit ang chapter na 'to. I'll try my best na ayusin next time. Medyo nagkakawriter's block na ata ako. Sorry din kung walang masyadong nakakakilig na scenes dito. More on friendship kasi ang chapter na ito. ***SPOILER*** Next chapter na magkakaharapan sina Mia at.... ayun! I hope you liked this and vote and comment! Thanks! <3 Sheen

Continue Reading