Fools in Love [COMPLETED]

Bởi mysehuniverse

316K 13.9K 3K

Ano na lang ang gagawin mo kapag ikaw at ang best friend mo ay parehas na may gusto sa iisang lalaki? Aaminin... Xem Thêm

P R O L O G U E
Mr. Geeky
BASTED
First Score
Plans
Avoiding Audrey
NEW LOOK
Misunderstandings
Do I Make You Nervous?
Besties
Like a Date?
Flirting Lessons
Doubts
Confrontations
Romeo and Juliet
Friends?
Change
Loving Boyfriend or Loyal Friend?
Key and Chace
STORM
Prism vs. STORM ; First round
Confusion
The Conclusion
Cinderella and the Evil Stepsisters
Damn it Chace
Curse the Hiccups
Why Now?!
Admit It
Scared
Fireflies and A Sunrise
True or Not?
I'm Jealous
Bonfire
Mistakes
Torn
Sorry
Past is Past
I Wish
Key Puso Mo
I Can't Ask Her
Hopeless Romantic
Hulog
Get Well Soon
Selos Ka?
Wala Na
Heart
Too Late
My Hero
Till We Meet Again
Waiting
E P I L O G U E
AUTHOR'S NOTE + PLAYLIST

Beach

4.8K 224 33
Bởi mysehuniverse

Key's POV

Pagkadilat ng mga mata ko napansin kong nasa di pamilyar na kwarto ako. Napaisip tuloy ako kung na-kidnap ba ako o kung ano man, saka ko pa lang na-realize na field trip nga pala namin at sumama yung pakiramdam ko.

"Gising ka na pala" bumungad kaagad sa akin yung isa sa mga rare smiles ni Hero. Ang sarap ng ganitong feeling no? Parang mag-asawa lang?

"Buti pinayagan ka dito" sabi ko sa kanya habang kinusot ko yung mga mata ko.

"Sino nagsabing pinayagan ako dito?" tanong naman niya bigla. Tiningnan ko lang siya na para bang nagtataka. "I know what you're thinking" pinangunahan na niya ako. "Binabantayan lang naman kita, wala akong ginawang masama kaya okay lang na mag-stay ako dito without permission" dagdag pa niya.

"Ganyan ka na bang ka-concerned sa akin Hero?" pabiro kong tanong sa kanya. Wala lang, I'm in the mood for teasing. Nakapagpahinga na kasi ako eh.

Next thing I know, he went close... too close for my own comfort. "Like I said, wala namang masama di ba?" then he gave me a quick peck on the cheeks.

"Hoy!" napasigaw ako bigla. Masyado naman kasing nanggugulat itong lalaking ito eh! Tinakpan ko na lang yung mukha ko dahil napahiya ako masyado. "Nakakainis ka, wag mo nga akong gugulatin" sabi ko sa kanya.

Nginitian lang niya ako saka niya ginulo yung buhok ko, kung may igugulo pa man yun dahil bagong gising nga lang ako. "Magkita na lang tayo sa labas, magbihis ka na. Everyone's planning on going to the beach" sabi niya saka siya umalis.

Oo nga pala, kaya nga kami nasa Zambales eh, to enjoy the outdoors. Tomorrow naman may team building kami, tapos sa last day may bonfire. For today, e-enjoyin lang namin yung beach. Teka, nasa beach di ba? Ibig sabihin...

May chance na makita kong shirtless si Hero!

Nasampal ko na lang bigla ang sarili ko. Ano na naman ba itong pinagi-iisip ko? Argh Key, umayos ka na nga.

Nagbihis na ako at lumabas na nga ako sa kwarto ko. Naglakad-lakad muna ako sa may beach since di ko gaanong nakita kanina, habang naglalakad ako nakasalubong ko naman bigla si Chace at parang may iba sa mood niya.

"Chace" tinawag ko siya. Kung hindi ko pa siya tinawag ay siguro di pa niya ako mapapansin.

"Ah Key, okay ka na ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako saka ngumiti, dapat ko nga rin pala siyang pasalamatan dahil dun sa kanina sa bus. "Buti okay ka lang, saan ka nga pala pupunta?" may iba talaga sa kanya ngayon.

"Sabi kasi sa akin ni Hero eh magkikita-kita na dito yung mga students kaya nga nagbihis na ako eh. Pero teka lang ikaw ba, okay ka lang? Mukhang may problema ka eh" sabi ko.

Napatulala lang siya sa akin. Matagal lang siyang tulala saka siya biglang umiwas ng tingin. "A-ah... oo nga pala. Sinabihan nga pala ako ni Hero kanina, susunod na lang ako, magbibihis lang ako" bago pa man siya malayo ay nahatak ko yung t-shirt niya kaya napaatras siya bigla.

"May weird sayo eh, okay ka lang ba?"

"Okay lang ako, nakausap ko lang kasi si Audrey kanina kaya naiba yung mood ko" sagot naman niya. Kaya pala, pero bakit naman sila mag-uusap ni Audrey? "Sige Key, aalis na ako" pagkatapos noon ay umalis na siya kaagad.

Seriously Chace, what is up with you?

Di nagtagal at nagkita na nga kami ni Hero doon sa beach. It took all my self control to not smile like an idiot when I saw him. Paano ba naman kasi, artistahin ang dating eh. Bakit kamo? Naka-maong pants, fit na V-neck shirt tapos naka-shades pa. At ako? Napasimple naman yata masyado ng suot ko, pero teka di naman pormahan eto di ba?

Nang makita ako ni Hero na papalapit sa kanya ay napangiti siya bigla at napakapogi talaga! Para bang naging slow motion lahat habang papalapit ako sa kanya, ganito ba ang pakiramdam kapag ikaw si Kathryn Bernardo at papalapit ka kay Daniel Padilla?

"Lakas mo namang makaporma ah" sabi ko sa kanya. Tinaas lang niya yung shades niya at nakita ko yung mga mata niya.

"Effective ba?" tanong niya sa akin. Pinalo ko lang siya at natawa naman siya.

"Oy kayong dalawa diyan! Mamaya na nga yang moment niyo, sumali kaya kayo sa amin dito!" sigaw ni Chen sa amin. Nakita naman namin na halos lahat ng mga ka-batch namin ay nagswi-swimming na, naglalaro ng beach volleyball o kaya naman ay ay nagkakainan na habang kami ni Hero lang ang natira sa pwesto dito.

"Sama na ba tayo?" tanong sa akin ni Hero.

"Sasama ka, eh makakapag-swimming ka ba ng ganyan ang porma mo?" tanong ko sa kanya. "Baka mamaya madapa ka pa dahil nakamaong ka pa man din" pang-iinis ko pa.

"Watch me" ngumisi lang siya. Tinanggal niya yung sapatos at shades niya at tinupi niya yung pantalon niya. "Tara na" pagyaya niya.

"Yun lang?" napatakip na lang ako bigla sa bibig ko. Shete ka Key, paki-control nga ang bunganga mo!

"May kulang pa ba?" sabi niya habang hinawakan na niya yung laylayan ng t-shirt niya. Hala! Anong gagawin ko?! Inattempt niyang hubarin yung t-shirt niya pero halfway through noon ay hinatak ko ulit yun pababa.

"Wag na, makakakuha ka lang ng masyadong maraming atensyon" pero honestly kaya ko lang talaga yun ginawa ay dahil madidistract lang ako at baka maraming lumapit na mga babae sa kanya. Di ako makakapayag no!

Tinawanan naman ako bigla ni Hero, "Bakit ba? Ayos lang naman ah, marami naman tayong kaklase na nagtanggal ng t-shirt ah" sabi naman niya. Oo alam ko 'yun, pero di naman makakakuha ng atensyon 'yung mga 'yun katulad niya.

Sakto naman na nakita namin na papalabas na sa seminar house si Chace. Tinawag namin siya at lumapit naman siya kaagad sa amin.

Naka-shorts at hoodie siya pero isa pa etong nakakaagaw rin ng atensyon eh. Kahit na ba suot na niya ulit yung salamin niya, di na siya matatawag na geeky kasi gwapo naman talaga siya.

"Pasensya nga pala kanina ah, uminit lang siguro yung ulo ko kaya ganun" sabi niya kaagad ng makalapit siya sa amin. At least mukhang mas okay na si Chace ngayon.

"Ay nako, okay lang 'yun. Salamat nga pala kanina nung nasa bus, di kita napasalamatan ng maayos eh, pupuntahan ko na din muna si Chen dahil di pa rin ako nakakapag-thank you sa kanya" sabi ko naman kay Chace bago ako umalis.

Napansin ko naman na parang may tinatanong si Hero kay Chace, di nga pala niya alam na nagkausap kami ni Chace kanina. Promise, nagsta-standout yung dalawang yun, lalo na at magkasama sila ngayon tapos parehas pang nag-uusap.

Nilapitan ko naman si Chen na kasalukuyang nakikipagharutan sa ilan naming kaklase. Lumapit lang ako ng kaunti dahil ayoko naman na mabasa ako. "Hoy Chen, salamat nga pala kanina" sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba Key, ayos lang yun" sagot naman niya. "Nga pala may sasabihin ako sa iyo" mahina niyang sinabi. Lumapit ako sa kanya, laking gulat ko na lang ng hilahin niya ako bigla at napa-dive ako sa tubig!

"Bwisit ka talaga!" kaagad ko naman siyang sinakal. Basang basa na ako! Kainis! Buti na lang at di ko dala yung phone ko kung hindi lalo siyang tatamaan!

"Kasi naman inuuna mo pa lovelife kaysa page-enjoy. Pwede namang pagsabayin di ba? Kaya sumama kaya kayo" natatawang sabi ni Chen.

"Oo na, nako naman." Inayos ko yung buhok ko na basa na ngayon. Lumapit naman sa akin si Hero at Chace.

"Ayos ka lang?" sabay nilang tanong sabay tingin ng masama kay Chen.

"O bet ganyan kayong makatingin? Katuwaan lang!" sagot ni Chen sabay peace sign. Nagkatinginan naman kami ni Chen at nagkausap na kami through eye contact. Mag-enjoy kamo di ba?

"Okay lang ako, patulong na lang" sabi ko. Inabot naman nila yung kamay ko para tulungan ako.

Ngumisi lang kami parehas ni Chen saka namin sila sabay hinatak kaya pati sila ay napadive na rin sa tubig. Nagtatawanan lang kami ni Chen habang tinitingnan namin yung dalawa ngayon na basang-basa na.

"Ah ganun" nakangising sabi ni Chace.

"Gulo naman pala" dagdag naman ni Hero.

"Takboooo!" sigaw namin ni Chen habang umahon kami para takasan yung dalawang humahabol samin. Una nilang nahuli si Chen at pinagtulungan naman nilang ihagis sa tubig. Nung nakita ko naman na papalapit na sila sa akin ay ako na mismo ang tumalon para basain ang sarili ko.

"Ayan na ah, quits na" natatawa kong sinabi. Ayoko naman na buhatin pa nila ako no! Tiyak issue na naman yun sa girls, actually marami nga na masama yung tingin sa akin habang nakikita nilang hinahabol ako nila Hero at Chace eh.

Pero sorry girls, wala kayong magagawa. Close ako sa kanila eh!

Nagpatuloy lang yung araw na naghaharutan lang kami ng sama-sama kasama yung iba naming mga kaklase. Nung malapit ng mag-gabi ay niyaya ko muna si Hero sa ibang tahimik na lugar.

Kasama naman ni Chace sila Chen kaya di na kami nakapagpaalam sa kanya. And no, hindi dito mangyayari yung cliché kissing scenes while the sun sets on the beach. NO! Well... sana, pero now is not the right time. As sad as it may seem, may mga bagay na hindi pa alam si Hero and I think now is the perfect time to tell him.

Nagpunta kami sa may gilid, may playground dito. Naupo ako sa isang swing at sinenyasan ko siya na maupo doon sa kabila. Sa tingin ko nararamdaman na rin niya na may iba sa mood ko eh, after all... this is going to be a serious talk.

"May problema ba?"

"I have to tell you something important" mahina kong sinabi.

Mukha lang siyang lalong naguluhan. "Ano?" tanong niya ulit. Huminga ako ng malalim, it's now or never Key. Hero deserves to know. Lahat ng takot ko ay tinago ko at nagpumilit akong maglakas ng loob.

"Hero, I have a heart disease"




Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.8M 7.5K 11
Anyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for...
5K 107 8
"Ikaw ay aking obra, Yoseff. Hindi-hindi ko hahayaang maangkin ka ng iba..." Koleksiyon Series 1: Victoria Avila (Necrophiliac) ©Mysterious Eyes | Xe...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
100K 2.8K 36
Ang lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne