That Cold Guy Is Mine

By erzaaa78

349K 4.6K 299

Si Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate... More

That Cold Guy Is Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Note

Chapter 11

8.5K 252 16
By erzaaa78

"Hi, Coleen!" Magiliw na bati sa akin ni Tita Elainne at hinalikan ako sa pisngi. Hindi makapal ang make-up nito pero ang nangingibabaw ang kagandahan niya, kahit na nasa malayo ay amoy na amoy ko rin ang perfume ni Tita. Hindi siya nakangiti pero sobrang lakas ng appeal niya. Mapapasana all ka na lang talaga sa ganda niya.

Minsan, feeling ko mas matanda pa ako kay Tita Elainne. Lalo na kapag stress ako sa school.

"Hi po, Tita." Bati ko rin dito at tipid na ngumiti.

"Uy, beh." Hindi na ako nagulat nang sumabit sa braso ko si Elise. Maganda rin naman si Elise pero karamihan ng features niya, namana niya kay Tito Louise.

Speaking of Tito, narito na rin siya at palapit sa amin ni Elise. Ngiting-ngiti ito habang kausap si Daen. Close kami ni Tito pero mas close talaga si Daen sa kanya, sipsip kasi si Kuya. Hay nako! Ewan ko pero mas close din si Kuya kay Dad. Sabi ni Mommy, normal lang daw 'yon kasi iisa lang ang interes nila dahil lalaki sila.

Pasimpleng sumulyap si Daen dito sa pwesto namin ni Elise. Akala niya matatago niya pa 'yong pagnanasa sa kaibigan ko, e, halatang-halata na siya. Ito namang si bruha, mukhang wala pa rin talagang alam. Nakakainis sila. Akala yata ni Kuya, e, masaya ako para sa kanila? Sasaya lang ako kapag nasa akin na si Leigh - shems, nadulas.

Iyong matter kasi na iyon, mahirap pagdesisyonan. Alam kong desidido na ako na layuan si Leigh, na maging masaya na lang para sa sarili ko. Pero paano ko gagawin 'yon kung kanina lang, sinabi niya sa'kin na nililigawan niya ako?! Though, hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya roon.

Argh. I am completely clueless!

"Yo, Tito panget!" Bati ko rito nang dumaan ito sa harapan ko. Inismidan naman niya agad ako.

"Hi, Coleen takaw!" Mapang-asar din nitong balik na agad kong inirapan. "Pikon pa rin tulad ng nanay mo, e." Humalakhak ito lalo no'ng makita si Mom na palapit sa amin.

Hinayaan na lang namin sila na mag-usap- mag-asaran rather. Si Daddy naman ay kausap si Tita. Ganiyan ang usual na set-up tuwing nagkikita sila. Minsan hindi ko maiwasang magkaroon ng issue sa isip ko pero halatang mature na talaga sila kaya parang wala lang iyon. Ako na ang ma-issue at judger.

"Si Leigh?" Elise asked while we were entering the dining room.

"Umuwi na, dumating daw 'yong friend niya sa Singapore." Kibit-balikat kong sabi. Kinunutan ko siya ng noo nang ma-issue siyang ngumiti. "What?" My lips parted.

"Were you disappointed? Ha?" Her eyebrows were up and down.

"No," I firmly said.

"Weh?" Makulit niyang tanong habang paupo kami. "Hindi mo ba hiniling na makasabay kumain si Leigh?"

"Well, dadating din naman kami riyan," A grin was plastered on my face. "Baka nga kami na 'yong magkakainan," napahagalpak na lang ako sa tawa.

"Ang wild, grabe." Umiiling ito. "Sobrang pagnanasa na 'yan." Nagsign of the cross siya. "Hayaan mo, ipagdadasal ko na patawarin ka ni Lord. Bilang best friend mo, ito na lang ang magagawa ko," May papikit-effect pa ang gaga habang nakadikit ang mga palad niya.

"Alam mo, magkalimutan na nga tayo." I crossed my arms over my chest. Wala talagang kasupport-support, e!

Imbis na nagbago na 'yong isip ko at isu-support ko na sila ni Kuya, hindi na lang pala! Ako ang magiging villain sa kanilang dalawa. Kung wala lang din akong love life, mabuti ng wala rin sila! Damay-damay na 'to.

"Joke lang!" Tumatawa siya nang tumigil ito bigla. "Ito naman, 'di na mabiro. Kwentuhan mo na lang ako mamaya kung anong nangyari sa inyo," pahina nang pahina ang boses niya dahil sobrang intense ng tingin niya kay Kuya. Makapigil-hininga, e.

Palihim akong tumingin kay Kuya. Nakatingin din siya kay Elise, bahagya pa itong ngumiti. Wow, ha! Akala mo ang inosente pero no'ng nakaraan lang na sumilip ako sa kwarto niya, may naririnig pa akong ungol na galing sa speaker ng kwarto niya. Nanonood pa ng kung anong r-18 'tong tuko na 'to.

Ipinihit ko ang tingin ko kay Elise at nahihiya rin itong ngumiti.

Ang pabebe, grabe!

Akala nila sweet? Yuck, ang sakit sa mata, pwe! Lumabo sana agad ang mata nila kakatingin sa isa't-isa.

"B-Bhe," humarap ako kay Elise.

"Ano?!" Mukhang nagulat siya dahil napayuko ito.

"Bakit ka sumisigaw? Galit ka ba?" Tanginis! Sinong galit?

"Wala! Nabi-bwisit lang ako sa mga malalanding tao na kung makatingin sa isa't-isa, akala mo hindi sila maghihiwalay!" Kasabay nang pagtapos ko sa linya ko ay ang pagtulo ng pawis sa ulo ko. Nakakafrustrate, ah!

"Ha? Anong point mo?" Nalilito niyang ani.

"Baby, ano bang nangyayari?" Tanong din ni Mom nang makalapit sa amin dala-dala ang isang plato na may lamang manok.

"She's so frustrated because Leigh couldn't come in this dinner." Tumatawang singit ni Kuya no'ng makalapit din sa amin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sige, lalaglagan-"

He cut me off. "Later,"

"What?" I confusedly asked.

"Just meet me later," tamad nitong sabi at hindi na ulit nagsalita.

Noong makaupo na si Dad, tumahimik rin kami lahat. Si Tita Elainne na ang naglead ng prayer bago kami kumain.

Halos tumulo ang laway ko nang makita ang mga nakahain sa mesa. Punong-puno ng pagkain! Kahit tingnan ko pa lang 'to, busog na ako. Paano pa kaya kapag kinain ko na?

Ako ang nagfirst move sa amin na kumuha ng pagkain. Mukhang nahihiya pa sila, e. Sa isang iglap, nawala lahat ng iniisip kong problema, nagliliwanag ang mukha ko na kumukuha ng iba't ibang klase ng putahe. Punong-puno ang plato ko, parang kakailanganin pa ng isa.

"Takaw ni Coleen." Parinig sa akin ni Tito. Nasa harap ko ito, katabi ni Tita. Uminom muna ako ng tubig bago magsalita.

"At least 'di panget." Pagpaparinig ko rin na tinawanan naman ni Mom.

"Tingnan mo nga, Louise, pati baby ko napapangitan sa'yo." Nang-aasar na wika niya.

Normal na 'to tuwing pumupunta rito ang family ni Elise. Kaming tatlo nila Mom at Tito, puro asaran. Habang si Dad, Tita, at Daen ay seryosong nag-uusap about sa business. Nakakainis lang na makita si Kuya na active makipag-usap about dito. I mean, magkapatid naman kami pero bakit ipinagkait sa akin iyong genes na nagtataglay ng talino ni Dad, ha? Unfair!

Parehas sila ni Elise. Ang kaibahan lang, si Elise active naman sa pagtitig kay Daen. Ang lakas talaga ng tama, masyadong napuruhan.

"Coleen," rinig ko ang mahinang pagtawag ni Kuya sa pangalan ko kaya agad akong nagreact.

"What?"

"Sa labas," ngumuso ito. Nauna siyang tumayo, no'ng tinanong siya ni Mom kung bakit, ang sabi niya ay may gagawin lang siya saglit.

Pinatapos ko muna ang ilang minuto bago ako tuluyang tumayo rin. Nagpalusot na lang ako na iihi lang saglit.

Paglabas ng dining room, nakita ko si Daen na nakahilig sa pader at hawak-hawak ang isang litrato. Inilahad niya 'yon sa'kin.

"Consider that as an advance payment," Picture namin ni Leigh?

"Paano mo nakuhanan?" Ito iyong kanina sa study room. Nakayuko ako at, well... nakangiti si Leigh. Seriously, ito na ba ang katapusan ng mundo?

"It's not important kung paano ko nakuha 'yan." Diretso pa rin ang titig ko sa litrato. It was so perfect - his smiles were always perfect but this one! Shit. This already made my day.

Labag man sa kalooban ko, but it was all thanks to Daen.

"So, what's the real payment kung tutulungan kita kay Elise?" Kailangan kong maging mautak kahit wala ako no'n. Mahirap na, baka dayain ako nitong si Daen.

"I'll treat you once a week kahit saang restaurant mo gusto at kahit ano o ilang order ang gawin mo," chill niyang sabi. Woah. Nakakatempt ang offer niya, ha. Pero wala namang masama kung subukan.

"Okay. Hanggang mapasagot mo n'yan si Elise?" Tumango ito.

"Sure,"

"Pero kung sakaling i-reject ka niya, walang bawian ng libre, ha." Nanliit ang mga mata ko. Tumawa ito na parang nainsulto.

"It's a sure win,"

"Wow, yabang! Mareject ka sana," mapait kong sabi.

Hindi naman tumagal ang away namin at bumalik na rin agad ako sa dining room. Palabas na si Elise at mukhang susundan yata ako kaya naisip naming umakyat na lang sa kwarto ko.

"Elise." Nilock ko ang pinto ng kwarto bago pumunta sa kama.

"Hmm?" Nakaharap siya sa salamin habang sinusuklay ang buhok niyang hanggang dibdib.

"Uhm... ano bang type mo sa lalaki?" Paunang tanong ko na tinawanan niya.

"Tinatanong pa ba 'yan? Of course, si Daen! Duh, it's just him. Always him!" Nakangisi niyang saad na may mahinang pagtili pa. Gaga talaga. Pero sabagay, ang nonsense nga ng tanong ko. Si Daen lang naman talaga ang gusto niya.

"Oo nga pala. Paano kung niligawan ka ni Daen, sasagutin mo ba siya agad?" Pasimple ko siyang sinulyapan para sa reaction niya.

Nagulat na lang ako nang makita ko siya sa tabi ko kasabay nang pagpalo niya sa braso ko. Tanginis? Ninja ba 'to? "Enebe! Syempre naman! Sinong tanga ang magtu-turn down sa Daen ko, ha?" Siguro kung hindi niya ako kapatid, ako. Tumango na lang ako at palihim na lumayo sa kanya.

"Okay, tama na ang kilig," pagpapatigil ko sa kanya.

Mukhang hindi mahihirapan si Daen dito. Sayang naman!

"Bakit mo natanong?" Sasagutin ko pa lang ay may kumatok na sa pinto. Yes, nasave. Ako na ang nagkusang lumapit at buksan ang pinto.

"Nand'yan si Elise?" Salubong sa akin ni Tita. Tumango ako. "Pwedeng pakitawag? Kailangan na kasi naming umalis." Bahagyang ngumiti si Tita, halatang nagmamadali ito pero walang bakas ng stress. Hindi yata usto sa kanya ang salitang haggard.

Tinawag ko si Elise at nagpaalam na rin siya agad sa'kin. Pagkaalis nila, saglit akong nagmuni-muni bago tuluyang bumagsak sa kama at nakatulog.

Kinabukasan, alas dose ng tanghali ako nagising. Okay lang naman dahil walang pasok. Ginawa ko lang ang normal routine ko, hilamos at tooth brush saka palit ng maikling shorts at oversized na t-shirt.

Isang araw na naman para maging tamad ako.

Two-timer muna ako ngayon. Pagsasabayin ang breakfast at lunch. Buti na lang at medyo maaga ang gising ko dahil kung hindi magiging three-timer ako - kasama ang meryenda.

Kasabay ko kumain si Mom pero mukhang patapos na siya dahil cake na ang nilalantakan niya.

"Morning, baby, ang aga mo nagising, ha?" Sarkastikong sabi ni Mom.

"Morning din, Mom," pabirong wika ko. Humikab ako at dumukdok sa mesa.

"Kung matutulog ka pa, baby, doon ka sa kwarto mo." Umayos naman agad ako ng upo.

"Hindi na po ako matutulog, kakain na nga po ako." Nagkibit-balikat siya sa akin.

"Kumuha ka na ng pagkain mo roon, wala sila manang at nagday off." Tamad akong tumayo at pumunta ng kitchen para kumuha ng pagkain ko.

Pagkatapos ay bumalik ulit ako sa dining room para maging two-timer na. Ngayon ko lang din na napansin na walang maingay, and when I say na walang maingay, it means there's no Daen.

Napatigil ako no'ng may nagdoorbell. Nagkatinginan pa kami ni Mom pero agad akong nag-iwas, ayokong mautusan. Buti na lang at nasa mood si Mom ngayon kaya siya na ang tumayo. Ilang sandali lang din ay bumalik siya ulit.

"Baby, may bisita ka." Ako? Sino?

"Sino po?" She winked at me.

"Secret." Ngiting-ngiti si Mom. Sino bang pwedeng mambwisit sa'kin bukod kay Daen? Wala naman akong ibang kaibigan bukod kay Elise.

'Di bale, papaalisin ko na lang agad. Naghugas ako ng kamay ko bago pumunta sa living room. Napaawang na lang ang labi ko nang makita ang taong pinakaleast na inaasahan ko - pinaka na least pa. Oo, redundant ako. Ang weird naman kasi na makita rito si Leigh. Naligaw ba siya?

"Hi," malamig na bati niya sa'kin dahilan para alanganin akong mapangiti. Umupo ako sa katapat niyang couch.

"What are you doing here, Leigh?" I asked. Mas nilakihan ko ang ngiti para hindi niya isiping weirdo ako.

"Bawal ba ako pumunta rito?" He said, straight to the point.

"Hehe... hindi naman sa gano'n, I mean baka may kailangan ka? Hindi ba malinaw iyong ginawa nating project kahapon?" Umiling lang siya kaya kumunot 'yung noo ko.

"I'm currently courting you, right? That's the reason why," Okay.

Okay.

Tanginis.

Nanaginip ba ako?

Kung oo, sana 'wag nang umepal si Daen!

Shems. Parang anong oras man, sasabog ako rito! Bwisit na yelo 'to! Ano bang ginagawa niya sa'kin?

"May gitara ka?" Tanong niya sa'kin. Wala, pero mayroon si Daen kaya tumango na lang ako. "Can I borrow it?"

"Oo naman... pero bakit mo ba hihiramin?" Ginawa kong uninterested ang boses ko para hindi niya mahalatang nakikichismis ako. Ano ba kasing gagawin niya sa gitara? Ipupukpok sa ulo ko para magising sa panaginip na 'to?

"I'll sing for you," tanginis. Sana talaga hindi panaginip 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
295K 9.1K 57
Accidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]
143K 5.9K 103
Dahil sa daming ginawang kalokohan ni Zeira ay napilitang ilipat siya ng kanyang magulang sa ibang Paaralan ,paaralan kung saan dun din nag aaral ang...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...