[SHAIRA’S POV]
Hay. Jerks, jerks everywhere.
Syempre nung nakita ko silang dalawa—na magkahawak kamay pa, nakaramdam ako ng sakit. Parang nag flashback lahat sa isip ko yung araw ng February 14. Deadsary ko. Joke. Yung araw na nakita ko sila sa playground na naghahalikan, on our very 1st anniversary.
Sila pa rin pala hanggang ngayon, pano kaya kung wala si Dominique? Kung hindi kaya siya dumating sa buhay naming ni Warren kami pa din kaya?
Ay hindi, mali pala. Sabay pala kami. Sabi nga ni warren 10 months na sila nun. Ibig sabihin nauna lang ako ng 2 months. Ibig sabihin lang ba nun sa loob ng 2 months pinagsawaan na ko ni Warren kaya naghanap siya ng iba? HINDI BA AKO SAPAT? I mean, hindi ba ako naging sapat?
Pero sabi ko nga, mas magiging malakas ako. Di na ko papatalo.
“ Oh, nice to meet you here Shaira, and? “ Pangunguna ni Dominique. Nginitian pa ko. Tss. Yung ngiti niya naman kasing fake ng bag niya.
Sa lahat ba naman ng lugar na pwede ko silang makita bakit dito pa?
Sobrang awwwkkwaaaarrrrdddd. Ako at ang bodyguard ko, tapos ang ex ko kasama ang kanyang girlfriend.
Tumayo kami ni Kenneth para naman magbigay respeto sa mga di karespe-respetong tao.
“ Ah, si Kenneth, kaibigan ko. Kenneth, si W-warren at Dominique. “ Si warren blangko lang ang ekspresyon. Parang wala lang ako dito. Siguro nga kasi wala siyang pakeelam sakin. Hindi nga niya ako minahal diba? Suot niya sa muka niya ang infamous straight face niya.
“ Nice to meet you. “ Mabait na sabi ni Kenneth sabay ngiti.
“ Oh, kaibigan? Really? Nagkamali ba kami ng kwartong pinasukan? Diba room to for the sweetest COUPLE Of the day?” bakit ba OH sia ng OH? Oh-ohin ko kaya muka neto? At pinagdiinan pa ang salitang couple? Tss. Purkit magkasama sila ng ex ko? Aba. Namumuro na talaga to saken.
“ Well, that’s none of your business. Di kayo nagkamali ng kwartong pinasukan, sit back and relax. ENJOY. “ Nginitian ko siya. Kung plastikan ang laban pwes mas magaling ako sa kanya.
Si Kenneth naman halatang di mapakali. Alam kong alam niya yung tension na namamagitan samin ni Dominique.
Umupo ulit kami at pinagpatuloy ang pagkain namin.
“ Shaira anong meron? Okay ka lang ba? “ Bulong sakin ni Kenneth. Hahaha. Ang cute. Nakalagay pa yung dalawang kamay niya sa magkabilang sides ng bibig niya.
“ Okay na okay no! Ang saya saya ko kaya ngayon! Lalo’t magkasama tayo. Hahaha. “ Mejo nilakasan ko yung boses ko. Tumingin ako sa bintana sa gilid na side namin ni Kenneth at kitang kita ko ang repleksyon nila Warren. Nakatingin siya! Nakatingin siya! Nagtatagumpay ang plano ko! Hahahaha. >J)
Bale yung dalawang table parallel sa isa’t isa. Kumbaga magkatapat sa gilid.. May konting distansya lang. Mga tatlong metro.. Mejo malaki din kasi yung kwarto.
“ Shaira, isa palang yung picture natin, patingin nga.. “ Binigay ko yung camera ko tapos tiningnan naman niya yung picture naming kanina..
“ Eh, blurred oh. “ Reklamo niya sabay pout. Hahaha. Kinikilabutan ako sa pout niya, masyadong cute. XD
“ Eh sino may kasalanan? Gumalaw ka kaya. “
“ Eh tara, kuha ulit tayo ng picture. “
“ Osige! “ Excited kong sabi. Gusto ko rin kasing may remembrance ako sa araw na to, ang saya kaya. At the same time, nag-eenjoy din ako sa nakikita ko, nagdedate si Warren at Dominique pero yung focus ni warren nasa amin. Hahaha
Inisod naman ni Kenneth yung upuan niya sa tabi ko tapos tinanggal niya yung flower vase sa gitna ng mesa, sinet niya yung timer tapos pinindot na.
“ ayan na shaira! “
Ngumiti naman agad ako sa camera, nabigla na naman ako sa ginawa ni Kenneth. Humalik na naman sa cheeks!
“ Oy nakadalawa ka na ah! “
“ Eh blurred nga kasi yung kanina eh.. Sorry na.. “
“ Sumbong kaya kita kay daddy. “ Pagbabanta ko pero joke lang.
*CLASH*
May narinig akong nabasag kaya napatingin kami ni Kenneth sa direksyon nila Dominique.
Nabasag yung isang platito na walang laman. Platito ni warren. Nakita ko namang tensed ang muka ni warren. Mukang di maipinta. Si Dominique naman halatang naiinis.
Wag niyo sabihing.. ..
.. nagseselos si Warren?
HAHAHAHA. Teka, yung kanina sinadya ko pero yung paghalik ni Kenneth sa pisnge siya na may gawa nun.
Ewan ko, bahala silang dalawang COUPLE. Magsasaya lang kami ni Kenneth dito.
“ Kenneth, isa pa!”
Nagpicture pa kami, iba-iba, may nakangiti lang, may naka belat, may nakapeace, may picture pa na tinakpan ko yung muka niya kaya mejo nainis. Haha.
TOK TOK TOK
“ Ma’am Shaira and Sir Kenneth here’s your dessert po. Enjoy your night. “ Ayan na naman yung enjoy your night na yan. Pero infairness. Mukang masarap tong dessert ah. Nakakatawa naman, parang handang handa sila. Eh anlayo pa ng valentines ah?
Banana split. Tatlo yung ice cream, chocolate, vanilla saka strawberry. May whipped cream pa tapos cherry. Pinicturan ko muna bago naming kainin.
“ Mukang masarap, tara Kenneth, kainin na natin. “ Nagtigisa kami sa kutsara tapos kinain na namin.
Sumulyap naman ako sa bintanan at sumimpleng tingin kila Warren. Tahimik lang sila. Mukang hindi nag-eenjoy. Sus! Mas muka pa kaming couple eh ni Kenneth eh!
Pero naisip ko lang, kung naging sweetest couple of the day sila, ibig sabihin, sweet sila. As in, nagpda sila dun sa labas. Argh. Di ko mapigilang mag-isip. Tss. Eh bakit ba kasi ako nag-iisip? Kaano-ano ko ba yun. =_= Okay, bitter lang.
“ Ansarap neto. Ahm, mag-aalas osto na pala oh. Labas na tayo, kukunin pa natin yung tinuturo mo kanina.. “
“ Ay oonga no! Ikukuha mo pa ako ng teddy bear diba! Tara! “
Mejo nilakasan ko ulit yung boses para marinig ng lahat.
“ Ahm, Dominique, Warren, mauna na kami. Enjoy lang kayo jan. “ Tapos nginitian ko sila ULIT ng sarcastic smile as usual.
Nakakapanibago lang paglabas dahil maingay. Tahimik kasi sa kwarto, rinig yung mga tunog dito sa labas pero hindi ganong malakas.
“ Dalawang card po tig 500” Bumili ako ng card para makalaro na kami, sobrang excited na ko.
Isang oras kami naglaro tapos naka-more than 2 thousand tickets na kami ni Kenneth. Magaling kami eh! Konti nalang mareredeem na naming yung teddy bear. 3500 kasi yung kailangan dun eh. 9pm na pero 10pm pa naman daw yung sara nila.
“ Shaira tingnan mo ang dami lumabas na ticket oh! Haha! “ Kitang kita yung saya sa mga mata niya. Nakakatuwa.
“ Ako rin!~ Tingnan mo ang dami! Ipabilang natin!” Pumunta kami sa counter tapos naka 3700 tickets na kami.
“ Alin dun yung gusto mo? “ Tanong sakin ni Kenneth pero ang ikinagulat ko, bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Yung kabilang kamay naman niya nakaturo sa mga display.
“ A-ah.. Y-yung puti.. Ayun oh.. “ Na-utal ako, pano ba naman kasi bigla akong kinabahan.
“ Miss ayun yung puti, yung malaki ha. “
“ Honey yung white teddy bear yung gusto ko, ayun oh.. “ May isang malanding boses akong narinig at sigurado ako kung kaninong boses yun.
*Lingon sa kaliwa
Dominique na nakakapit sa braso ni Warren.
“ Uhm, ma’am sorry po pero nauna po sila sa teddy bear na yun, pili nalang po kayo ng iba. “ Sabi nung babae kay Dominique. Tinuturo niya kasi yung teddy bear na pinili ko.
Tch. Talaga namang nauna ako dun eh.
“ Eh, warren baby yun ang gusto ko eh. “ Nagpout ba. Tss. Warren baby? Ano siya sanggol? Talandi talaga tong si Dominique, nakita nang nauna ako nakikipag paligsahan pa.
“ Dominique bili nalang tayo sa blue magic, wag na yan, nauna na sila.” Sabi ni warren. Kawawa naman si Dominique, baby at honey pa ang tawag niya kay Warren tapos si warren Dominique lang ang tawag sa kanya.
“ Kenneth, pipili nalang ako ng iba. “ Bulong ko kay Kenneth
“ Ano ka ba, tayo ang nauna, bakit ka magpapatalo? “ Bulong niya sakin. “ Uhm miss, akin na, kukunin na naming yung bear.”
“ Uy, ibigay mo nalang yung bear sakin, sige na please.. “ Bumitaw si Dominique kay warren tapos dumikit kay Kenneth. Aba’t pati ba naman si Kenneth? Di pwede yan! Tss. Lumipat ako sa kabilang side ni Kenneth at hinawakan yung kabilang kamay niya. Bale parang nag-change lang kami ng pwesto.
“ Nagseselos ka ba?” Bulong ni Kenneth habang naka-smirk. Lakas ng hangin talaga oh.
“ Wala naman akong dapat ikaselos, may tiwala ako sayo. Ayoko lang na nadadapuan ka ng germs at viruses. “ Sinabi k okay Kenneth with voice out sabay tingin kay Dominique. Kahit kelan nalang talaga kontrabida tong dalawang to sa buhay ko. Tch.
“ Teka lang, are you referring to me?” Tumingin ako kay Dominiqueeith an innocent-look.
“ Uh, may sinabi ba akong pangalan? Pwera nalang kung virus ka nga. “ Painosenteng sabi ko kay Dominique na umuusok na ang ilong sa galit.
“ Aba, ano ba gusto mo? Ha? “ Kahit saang lugar talaga nadadala ni Dominique ang ugaling skwater niya. Pati ba naman sa mall naghahamon ng away?
“ Dominique ano ba. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Get a grip of yourself. “ sabi ni waren kay Dominique.
“ Warren ano ba—bitawan mo ko masakit aray! “
“ Pasensya na kayo. Sige, ingat. “ Warren. Hinila niya sa wrist si Dominique palabas ng timezone na mukang napakahigpit kaya mukang masakit.
Nagkatinginan kami ni Kenneth nang biglang…
“ BWAHAHAHAAH!” / “ WAHAHAHA! “ ako at Kenneth.
“NA-NAHAHAHAHA—NAK-HAHAH-NAKITA MO YUN? HAHAHA! “
“ OO! HAHAHAHA. APIR!”
Pareho talaga kaming may sapak ni Kenneth.
“ Ayaw ko nang kunin yun teddy bear, maaalala ko lang yung bruhang yun. Yung unan na heart nalang. Ayun. “ TInuro ko yung unan na heart. Bale dalawang heart siya na magkadikit.
“ Miss yung heart daw na unan. “
“ O sir,sige po. Ano po pangalan niyo sir at ma’am?”
“ Shaira at Kenneth. Bakit? “
“ Ah wala sir, natanong lang po. Sige po. 5 mins lang po ah. Upo po kayo ma’am at sir.“ Pinaupo kami nung babae sa bench sa tabi ng redeem booth.
Napansin kong magkahawak kamay pa pala kami kaya hinila ko yung kamay ko.
“ salamat ken ha? “
“ Okay lang. Eh ikaw, okay ka lang ba? “
“ Bakit naman ako magiging hindi okay, syempre okay na okay ako no! “ Pinilit kong ngumiti at tumawa. Kahit papano masakit pa din.
Dapat ako yun eh, dapat ako yung pinagtatanggol ni Warren eh.
“ Nakakatampo ka naman eh. Nagsisikreto ka pa sakin. Ano, ex mo yun no? “
Ano ba tong si Kenneth? Body guard o manghuhula? O kaya naman mangkukulam na sinusubaybayan ako at alam lahat ng nasa isip ko?
“ Pano mo nalaman?”
“ Halata naman eh. Kita sa mata mo na nasasaktan ka nung makita mo silang magkasama. “
“ Oh? Ganun ba ako ka-obvious? Tss. Bakit di mo sinabi! Baka mamaya nyan nahalata nila ko. “ Mejo nagbiro ako.
Tinapik niya yung balikat ko, “ Pwede mo yang ilabas. “ Tapos ngumiti siya. At dahil sa ngiti niya, din a ko nakatanggi.
“ Haay. So ayun, e-e.. ex ko nga yun.” Nahirapan pa ako sabihin ang salitang ex. “Tss. That jerk. Alam mo ba, *singhot* 3 months siya nanligaw, 3rd year highschool kami nun, tapos sinagot ko siya ng February 14. “ Kahit kelan talaga ang babaw ng luha ko. Tss. “ Unang anniversary namin, pinapunta niya ko sa park, kala ko magdedate kami o magcecelebrate ng anniversary namin, tapos alam mo ba kung ano ang inabutan ko? *singhot* Magkahalikan silang dalawa. Silang nung Dominique na yun. Tae lang, naghanda ako nun ah! Nagkulot pa ko ng buhok! Ha-ha-ha.. “ Pinilit ko tumawa kahit umiiyak ako, ayokong makita ni Kenneth na mahina ako. “ Ta-tapos, yun lang yung aabutan ko, live show! “ Hinimas ni Kenneth yung likod ko at inabutan ako ng panyo, tinanggap ko naman agad dahil wala akong dala, ayaw ko namang basain ulit yung shirt niya.
“ But wait there’s more! Alam mo kung ano yung mas masakit? Sinabi pa sakin ni warren na 10 months na sila. Alam mo yun? 10 MONTHS! Nauna lang ako ng dalawang buwan! Dalawang buwan lang naghanap na ng iba! Tss.. Mga lalake talaga oh. Ang kati.”
“ Oy, wag mo naman lahatin. “ Nagreact siya bigla. Oonga pala, lalaki nga pala tong kausap ko.
“ Ibig ko sabihin, si Warren kako, ang kati. Naghanap agad ng iba. Ako naman si tanga, ayaw siya pakawalan, alam mo bang tinanggal ko ang pride ko at nagmakaawang wag niya kong iwan? *singhot* Ha-ha. Pero alam mo reply niya? EHEM EHEM, hindi kita minahal. Hahaha. “ Umubo ubo ako at ginaya yung paraan ni warren kung paano niya sinabi yun. “ Sarap diba? Sarap pakinggan, di daw niya ko minahal, samantalang ako, hahaha, di makatulog sa gabi sa kakaisip sa kanya. Aist, ang korni ko. Haha. Nababading na talaga ako. “
Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Kenneth.
“ Normal lang yan, nabading din naman ako nung na-heartbroken ako eh. At isa pa, hindi mo dapat iyakan ang isang taong walang kwenta. Hindi niya deserve ang luha mo. “ Kinalas niya yung yakap tapos pinunsan ng thumb finger niya yung luha ko tapos yumakap siya ulit.
“ Tandaan mo. Andito lang ako, handang makinig sa lahat ng kwento mo, maging balikat para sandalan mo, at etong tshirt ko always ready para mabasa ng luha mo. “ Hinampas ko yung likod niya habang nakayakap pa din ako sa kanya. “ Ayan ka na naman, napaka sadista mo, pero kahit ganyan ka, mahal pa din kita.”
Nabigla ako sa sinabi niya kaya napabitaw ako sa yakap.
“ H-ha? Ano kamo?”
“ A-ano, mahal kita, kasi magkaibigan tayo diba. Diba? Diba friendship? Apir!” Biglang pumilantik yung daliri niya tapos nakipag apir sakin at tinawag akong ‘friendship’ in a gay tone. Haha.
Binatukan ko nga.
“ Lakas talaga ng saltik mo. Hahaha. “ PInunasan ko yung luha ko gamit yung panyo niya. “ Pero salamat talaga, di ko maimagine kung mag-isa ako ngayon tapos di kita kasama. Mababaliw na talaga ako. “
Si Kenneth yung naging kaibigan ko this past few days, dahil magkasama kami sa bahay, siya nalang yung nakakausap ko, napaglalabasan ko ng sama ng loob. Ibang klase din to eh, walang sawa sa panonood ng mga kadramahan ko sa buhay.
Wala akong contact kay Angelie eh, cinonfiscate kasi yung cellphone ko. Ni hindi nga ako nakapag paalam bago ako biglang nawala eh. Hayy. Miss na miss ko na sila ni Matthew.
“ Ma’am Shaira at Sir Kenneth excuse me po, eto na po yung unan na niredeem iyo.Congratulations po s a pagiging sweetest couple of the day. Salamat po! “ Tapos nginitian kami nung babae.
“ Salamat din. “
Yung unan nakalagay sa isang bag na parang gawa sa cotton, color white siya, parang tote bag na manipis.
Malapit na sila magsara kaya nagsimula na kami maglakad palabas ng mall.
“ Buksan mo, gusto ko makita. “ Sabi ni Kenneth.
Binuksan ko naman, excited din ako makita eh.
Ako at Kenneth. ---- O_____________________________________O
‘ Shaira<3Kenneth’
NAKABURDA SA UNAN!
>_______<
“ Hala, pano to Kenneth.. “ Nakakailang, hindi naman kami, magkaibigan lang kami ni Kenneth no, body guard ko kaya to. Tas may ganito. Argh. Na-mistunderstood na talaga nila. =_= Kaya minsan mahirap ang sumasakay sa mga trip eh.
Tumingin ako sa kanya, yung saya sa muka niya kanina biglang nawala. Biglang bumusangot yung itsura niya.
“ Kung ayaw mo yan, pwede naman nating itapon. “ Nagdere-derecho na siya ng lakad.
Teka, anyare dun? May nasabi ba ako?
“ Teka lang Kenneth, bakit ko naman to itatapon, mahalaga sakin to no. PInaghirapan natin tong dalawa, iingatan ko to.” Niyakap ko yung unan tapos nagpatuloy lang sa paglalakad para makaabot ako sa kanya, binilisan niya kasi yung lakad eh.
*Boink*
“ Ano ba , bakit ka huminto?” Nabangga kasi ako sa likod niya dahil nasa likod niya ko tapos tumigil siya sa paglalakad.
“ Shaira, salamat. “
“ Para saan?”
“ Para sa araw na to. Alam mo, ang saya saya ko. “ Tinabihan niya ko tapos naglakad na kami.
“ Bakit naman masaya ka?”
“ A-ahm, a-ano, eh syempre! Kasama kita diba friendship!” Nginitian niya na naman ako ng nakakaloko. Hilig mantrip nito.
“ Bakit friends ba tayo?” Pang-asar ko sa kanya. Yung muka niya biglang sumimalmal. Hahaha.
“ Ah ganyan ah. Sige ganyan ang gusto mo sige!” NIlagay niya yung thumb at index finger niya sa batok ko.
“ Aaaah! Wag jan ano ba oy!” Pano niya nalaman na may kiliti ako dun?!
“ Ewan ko sayo! Sabi mo hindi tayo friends! TSS! “ Naghabulan kami palabas ng mall papunta sa parking lot.
Pagkalabas nung establishment, tumatakbo pa din kami ni Kenneth dahil ayaw pa din siyang tumigil sa paghabol sakin. Matindi endurance nito. =_=
Kumaliwa ako sa kanto nung building dahil doon sa banda doon nakapark yung sasakyan na dala namin.
Napahinto ako sa nakita at narinig ko.
" Mmmm.. Wa-warren, i love you. mmm.. "
Si Dominique, nakasandal sa pader habang nagkikipaghalikan kay Warren
What the eff?! LIVE SHOW NA NAMAN?!
De javu.