Endless Reality (SERIES 2) [...

PecheaL

257K 7.7K 817

[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone... Еще

Authors Note:
Prologue
Endless~[01]
Endless~[02]
Endless~[03]
Endless~[04]
Endless~[05]
Endless~[06]
Endless~[07]
Endless~[08]
Endless~[09]
Endless~[10]
Endless~[11]
Endless~[12]
Endless~[13]
Endless~[15]
Endless~[16]
Endless~[17]
Endless~[18]
Endless~[19]
Endless~[20]
Endless~[21]
Endless~[22]
Endless~[23]
Endless~[24]
Endless~[25]
Endless~[26]
Endless~[27]
Endless~[28]
Endless~[29]
Endless~[30]
Endless~[31]
Endless~[32]
Endless~[33]
Endless~[34]
Endless~[35]
Endless~[36]
Endless~[37]
Endless~[38]
Endless~[39]
Endless~[40]
Endless~[41]
Endless~[42]
Endless~[43]
Endless~[44]
Endless~[45]
Endless~[46]
Endless~[47]
Endless~[48]
Endless~[49]
Endless~[50]
Endless~[51]
Endless~[52]
Endless~[53]
Endless~[54]
Endless~[55]
Endless~[56]
Endless~[57]
Endless~[58]
Endless~[59]
Endless~[60]
WAKAS?
OUR ENDLESS HAPPY ENDING
OUR FOREVER REALITY ENDING
EPILOGUE
Authors Note: [MUST READ]
Series 3

Endless~[14]

3.4K 108 3
PecheaL


◇HALF SISTER◇


Hazelle's POV,

Bumaba ako ng hagdan para sana dumaretso sa kusina para mag agahan. Napansin ko na abala si mama at ang dami nya ata na kailangang lutuin.

"Ma, may okasyon po ba?" Tanong ko.

"Hindi anak. Ngayon kasi ang dating ng anak ng papa mo, ang kapatid mo. Kaya naisipan ko na maghanda ng spesyal, baka kasi hindi sya sanay sa mga pagkain dito" sagot ni mama.

Napabuntong hininga naman ako at tumango nalang. Alam kong masama parin ang loob ni mama tungkol dito, pero wala na kaming magagawa kundi tanggapin ang katotohanan.

"Anak, pwede ikaw muna ang magdilig ng halaman natin sa may harap ng bahay sa labas? Marami pa kasi akong gagayatin na gulay" utos nya sakin kaya ngumiti naman ako at tumango.

Naglakad na ko papunta sa harap ng bahay namin at kinuha ang host at nagsimula ng diligan ang mga halaman.

Natuon ang atensyon ko ng may biglang isang magarang motor ang pumarada sa harap ng bahay namin.

Kasunod nya ang isang sasakyan. Sasakyan ni papa.

Tinanggal ng babae ang helmet nya sa ulo.

"Sige anak pumasok ka na, ng makilala mo na ang mga kapatid mo" biglang sabi ni papa.

Binuksan ni papa ang gate at agad nagtama ang mga mata namin ng babae.

"Anak, nandyan ka pala. Sya nga pala, sya si Delaney, ang ate mo" pagpapakilala sakin ni papa sa babae.

Ilang segundo kami nagkatitigan ng babae. Kung pagtatabihin kami, mapag kakamalan kaming kambal.

"Mukhang napansin nyo din ang pagkakahawig nyong dalawa. Maiwan ko muna kayo. Delaney iaakyat ko na ang mga gamit mo sa kwarto mo" ani papa at iniwan na kaming dalawa.

Naglakad naman palapit sakin ang babae at ngumiti at linahad sakin ang kanyang kamay.

"Its nice to finally meet you, my half sister. Delaney nga pala, and you are?" Nakangiti nyang pagbati.

Malamya akong ngumiti at tinanggap ang kamay nya.

"Masaya rin akong makilala ka. Hazelle nga pala" sagot ko.

"Nagmomotor ka pala?" Tanong ko at ngumiti naman sya ulit at tumango.

"Regalo sakin ni mom nung birthday ko. Ikaw anong hilig mo?" Tanong nya.

"Magluto lang at maglinis ng bahay ang gawain ko" sagot ko at medyo natawa naman sya.

"Swerte ako na may kapatid pala ako na katulad mo. Gusto ko sanang matuto magluto, pwede mo ba ko turuan kung may oras ka?" Tanong nya na ikinagulat ko.

"S..sige ba. Walang problema. Pasok na tayo, para makilala mo narin ang mama ko" sagot ko at sabay na kaming pumasok sa bahay.

Naabutan naming hinahanda na ni mama sa lamesa ang mga niluto nya.

"Ma, nandito na po sya" tawag ko kay mama at agad naman tumingin samin si mama at tila napatitig saming dalawa.

"Magandang tanghali po, tita" bati ni Ate Delaney kay mama.

Malamya naman ngumiti si mama.

"Magandang tanghali din. Ano nga pala uli pangalan mo?" Tanong ni mama.

"Delaney po. Pasensya na po, nakakaabala po ba ko dito? Baka po hindi kayo komportable na na-" pinutol agad ni mama ang sinasabi ni Ate Delaney.

"Nako hindi. Ama mo ang asawa ko, kaya dapat ituring narin kitang anak. Masaya akong makilala ka, Delaney" nakangiting sabi ni mama.

"Nako Ma, sabi ko naman sayo hindi mo na kailangang maghanda ng marami. Sanay ka narin naman sa pagkain dito sa pilipinas diba Delaney?" Biglang sabi ni papa.

"Ano ka ba Pa ayos lang. Halika na Delaney kumain na tayo. Sigurado akong pagod ka sa byahe" ani mama kaya nag si upo na kami sa upuan.

"Saan mo nga pala gustong mag aral anak? Balak ko kasing sa school ka nalang din ni Hazelle ipasok? O baka naman may iba kang eskwelahan na gustong pasukan?" Tanong sakanya ni papa.

"Saan ka ba nag aaral Hazelle?" Tanong sakin ni Ate Delaney.

"Sa FEU po, ate" sagot ko at nakita ko naman na natigilan sya.

"Ayos ka lang Delaney?" Tanong ni mama.

Tumikhim naman si Ate Delaney at ngumiti.

"Pasensya na po. Masyado lang po ata akong nasarapan sa luto nyo. Ngayon lang po kasi ako nakatikim ng pagkain na lutong bahay. Hindi po kasi marunong magluto si mom kaya lagi po kami sa labas kumakain" sagot nya.

"Ganun ba? Gusto mo turuan kita? Madali lang naman magluto" alok ni mama na ikinagulat ko.

"S..sige po, salamat po. Matagal ko na rin po kasi gusto matuto magluto" sagot ni Ate Delaney.

Nagtuloy tuloy ang pagkain namin at pagkekwentuhan. Habang tumatagal ay gumagaan na ang loob ko kay Ate Delaney, nakikita ko na maganda ang kalooban nya at mukhang magkakasundo kami.

"Ako na po maghuhugas ng pinggan" bigla nyang alok.

"Nako wag na iha kaya ko na" agad na pigil sakanya ni mama.

"Gusto ko rin po matuto ng gawain bahay. Tsaka pasasalamat ko narin po 'to sa inyo sa pagpayag nyo na tumuloy po ako dito sa bahay nyo" ani Ate Delaney.

Tumingin naman si mama kay papa at ngumiti naman si papa at tumango. Ngumiti rin si mama at binitawan ang plato na hawak nila ni Ate Delaney at hinayaan na si Ate Delaney ang mag hugas ng mga pinggan.

"Mukhang maayos din ang pagpapalaki ng ina nya sakanya" komento ni mama na ikinangiti ni papa.

"Arf! Arf!" Biglang tahol ni Dylie sa labas ng bakuran.

"May alaga ka rin palang aso?" Biglang komento ni Ate Delaney habang pinupunasan ang kamay nya ng towel.

"Oo, regalo sakin ng boyfriend ko" sagot ko.

Kumuha na ko ng pagkain ni Dylie at iniabot yun sakanya. Nagulat naman sya sa ginawa ko.

"Gusto mo sya pakainin? Wag ka mag alala mabait naman yan" sagot ko. Ngumiti naman sya at kinuha ang bowl na may pagkain at umupo sya sa harap ni Dylie.

"Hi Dylie, ako nga pala si Ate Delaney. Play tayo minsan ha?" Sabi ni Ate Delaney at hinawakan ang balahibo ni Dylie.

"Arf! Arf!" Tahol naman ni Dylie. Mukhang gusto nya din si Ate Delaney.

"Alam mo, rinegaluhan din ako ng boyfriend ko dati ng pusa. Kaso hindi ko sya sinama dito. Nakakahiya naman kasi kung magdala pa ko ng alaga dito" sabi nya.

"Ano ka ba sana sinama mo na sya. Malulungkot naman sya dun kung wala ka" sagot ko.

"Sigurado ka? Baka mag away lang sila ni Dylie?"

"Hindi yan. Sigurado akong magiging magkaibigan pa silang dalawa" sagot ko.

Tumayo na sya at pinagpag ang mga kamay.

"Sige. Pagbalik ko sa Amerika, isasama ko na sya dito" sagot nya kaya napangiti ako.

"Nga pala, anong pangalan ng boyfriend mo? Tiga Amerika din ba sya?" Tanong ko. Unti unti namang napawi ang ngiti sa labi nya.

"N..nako pasensya na, hi-" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Hindi ayos lang. Matagal na kaming wala" sagot nya.

"Ikaw, anong pangalan ng boyfriend mo?" Tanong nya.

"Dylan, Dylan Chua" sagot ko. Nakita ko ang konti nyang pagkagulat at paglaki ng kanyang mata.

"D..dylan Chua?" Ulit nya at tumango ako.

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Продолжить чтение

Вам также понравится

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1) ...

Подростковая литература

114K 5.3K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
Ang Mutya Ng Section E Lara

Художественная проза

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
Hell University (PUBLISHED) KIB

Детектив / Триллер

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...