BHO CAMP #7: The Moonlight

Від MsButterfly

1.9M 55.3K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... Більше

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 5: Void

56.7K 1.5K 76
Від MsButterfly

AIERE'S POV

Nananatiling lebel ang paghinga ko kahit pa nararamdaman ko ang pagkagat ng cable ties na mahigpit na nakatali sa kamay ko na nakapaikot sa likod ng upuan at magkahugpong. Nanatili akong dahan-dahan lang sa paggalaw dahil isang maling kilos ay mahuhulog ako sa malalim at mataas na container sa ilalim ko na puno ng tubig. Nakabingit roon ang kinauupuan ko.

"Sa tingin mo ba magagawa mong makatakas? Wala ka ng kawala. Kung magpipilit ka, hindi ako mangingiming ihulog ka at hayaan kang malunod hanggang sa mawalan ka na ng hininga. Kaya makisama ka na lang. Sabihin mo sakin kung ano ang password na ikaw lang ang nakakaalam. Kapag sinabi mo...pakakawalan na kita."

Pinigilan kong mapangiwi sa litanya ng kaharap ko at pilit tinutok ko ang atensyon ko sa ginagawa kong pagkiskis sa mga kamay kong nakatali ng cable ties. Kahit ang mga paa ko ay natatalian din ng gano'n pero nanatili akong kalmante.

This situation is more irritating than nerve-wracking. Lalo na at kanina pa hindi tumitigil kakasatsat ang lalaki sa harapan ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa ng mga dialogue na pilit naman ang pagka-antagonistic.

"Sabihin mo na sabi! Pag binigay mo sakin ang kailangan ko sa'yo pwede ka ng makaalis ng ligtas."

Kunot ang noo na tinignan ko ang lalaki na pinatapang pa ang mukha niya. Kung hindi lang may kapalit ang ginagawa ko baka tinawanan ko na siya at hindi ko na itinuloy 'to. "Pwede 'wag kang maingay? Naiirita ako sa boses mo eh."

Laglag ang panga ng lalaki na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Mukhang hindi na din niya alam ang gagawin niya. Kung ipagpapatuloy ba niya ang ginagawa niya o pababayaan na ako.

Ipinilig niya ang ulo niya na para bang inaalis niya sa isipan niya ang pagkabigla sakin at ibinalik ang version niya ng 'intimidating' face. Ang kaso hindi talaga umuubra. Kung bakit naman kasi may ganito pa. Pwede naman nila akong pabayaan na matapos 'to.

"Hindi mo ba talaga ibibigay? Sa tingin mo ba makakaalis ka diyan ng wala ang tulong ko?"

"Oo." walang pag-aalinlangang sabi ko.

He gritted his teeth. Lumapit siya sakin at humawak sa armrest ng kinauupuan ko dahilan para gumalaw 'yon. Napatingin ako sa ilalim ko kung saan kitang-kita ko ang tubig na kababagsakan ko. I admit, mataas ang kinaroroonan ko at mula sa kinaroroonan ko walang dudang malalim ang tubig na 'yon.

Inilapit niya sakin ang mukha niya at muli siyang nagsalita, "Hindi mo parin ba naiintindihan? Kahit makakawala ka diyan, ibabalik lang kita ulit dahil hindi mo ako matatakbuhan." lalo niyang inilapit ang mukha niya sakin hanggang sa halos ilang dangkal na lang ang layo no'n. "Ibigay mo sakin ang password."

Napakurap ako. Totoo ang sinabi niya. Walang kasiguraduhan na kapag nagawa kong kalagin ang cable ties na ngayon ay nagsisimula ng lumuwag dahil sa friction mula sa ginagawa ko ay hindi ibig sabihin no'n hindi niya ako magagawang hulihin ulit.

Unless..

"Pwede lumayo ka ng konti? Hindi ako natutuwa sa mukha mo. Pakiramdam ko babangungutin ako pagkatapos nito."

Nalukot ang mukha ng lalaki at bumitiw siya sa upuan ko para umayos ng tayo. Nagpalingon-lingon siya at pagkatapos ay naiinis na nagpapadiyak na para bang bata na malapit ng pumalahaw ng iyak dahil sa sinabi ko.

"Ayoko na dito! Bakit ba ako nadadamay dito eh dapat nagluluto ako?!"

"OCEAN, CONTINUE THE TRAINING OR WE WILL BAN YOU FROM ENTERING THE RESTAURANT'S KITCHEN."

Naiinis na tumingin sakin si Ocean. He look like he'd rather be anywhere else than here. Kaya nga parehas kaming nagdudusa ngayon at kanina pa kami nagtetraining bilang parusa sa amin sa pagtakas namin sa mga responsibilidad namin.

Ocean loves the kitchen of BHO CAMP's official restaurant which is Craige's. Doon lang siya palaging nakikita kaya kadalasan hindi na siya umaattend ng training at bihira din siyang kumuha ng mission unless importante talaga at walang ibang makuhang agent.

Ako naman hindi nila ako matagpuan dahil naglalamyerda ako at nagpapakabusy ako magmukmok dahil talagang wala ako sa mood makiharap sa kahit na sino.

"Ate Aiere sabihin mo na sakin kasi ang password." nakikiusap na sabi ni Ocean. "Para parehas na tayong makaalis dito."

"Ayoko nga. Madadagdagan pa ang mission ko kapag natalo ako. Ikaw dapat ang matalo dahil wala ka namang mission."

"Bakit ikaw meron?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Wala naman kasing nakakaalam sa mission na hawak ko maliban kay Dawn, Triton, at Freezale. Hindi din naman gano'n ka-urgent iyon at kinakailangan ko pa lang pag-aralan pero hindi ibig sabihin ay hindi nakakakonsumo ng oras ang bagay na 'yon. I don't want another mission.

"Dali na ate! Promise ililibre kita ng lunch for the day ng Craige's for two weeks."

Nginisihan ko siya at umilaw ang mga mata niya sa kasiyahan ng makita iyon. Magandang deal 'yon. Nakakatamad din naman kasing magluto dahil una sa lahat hindi ako magaling do'n at nakakatamad din na mag-isip pa ng kakainin.

"Tempting...but no thanks."

Pagkasabi ko ng mga katagang 'yon ay walang babalang tinulak ko ang sarili ko patalikod dahilan para mahulog ang kinauupuan ko. I can feel the wind rushing around me as I fell, my hands finally snapping the cable ties wrapped around my hands tight at the same time I felt wet hitting me at the back with such force that I can hear the sound my body made as it connected to the water.

Dahil sa taas ng kinaroroonan ko at ang pwersa ng pagbagsak ko ay kaagad akong bumulusok sa ilalim ng tubig. Hindi ako nag-aksaya ng oras at kaagad kong hinawakan ang mga paa kong nakatali pa din sa magkabilang panig ng upuan. Knowing that I can't just pull at the cable ties, I reached for my belt and unbuckle it quickly.

Isinuot ko ang bakal no'n sa pagitan ng cable ties at ng balat ko kahit pa hindi madaling gawin 'yon dahil sa higpit ng pagkakatali sakin. I pulled at it hard, my teeth gritted hard as I tried not to open my mouth or exhaust the air I had left.

I did an imaginary shout of hooray when I able to cut away the cable ties from my left ankle. I proceeded to the next one and that's when I saw my wristwatch blinking. I could press it anytime and this training would be over. Alam kong hindi magtatagal tuluyan na akong hindi makakahinga. It could be dangerous at this moment. Pero bukod sa pride ko bilang agent, sanay talaga ako sa mga ganitong pagkakataon.

I may not be as strong, fast, quick-witted, and I may have not master any weapon unlike the other agents but I'm good with enduring a lot of things.

Hindi ko pinansin ang ilaw at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa tuluyan ko na 'yong matanggal. I swam upward fast, pulling myself so I can finally breathe. Kasabay ng paghugot ko ng hininga ay kinapa ko ang dulo ng kinaroroonan ko. Sa kabila ng tubig na tumatabing sa mga mata ko dahilan para manlabo 'yon ay hinila ko ang sarili ko pataas. Any moment now I know Ocean would be coming for me.

Hnihingal na tinukod ko ang tuhod ko sa dulo ng container at inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Napangisi ako sa kabila ng patuloy na pagtaas baba ng dibdib ko nang makita ko si Ocean na nando'n parin sa kinaroroonan namin kanina at hindi malaman kung paano makakatawid ng hindi nahuhulog sa tubig.

Naningkit ang mga mata niya nang makita niya akong tumayo na mula sa kinaroroonan ko. I threw a smug smile towards him and then I turned to the huge pipe that I should cross so I can reach the rope on the other end. Pero dahil basa ako hindi magiging madali ang makatawid do'n.

Walang pag-aalinlangad na tinanggal ko ang suot ko na jacket at inihulog 'yon. Kasunod no'n ay ang suot ko na leggings. I was left standing there with my sports bra and my boxer shorts. Narinig ko ang pagbukas ng speaker kasunod ng mga kantiyawan ng ibang mga agent na malamang ay nanonood samin pero hindi ko sila pinansin.

Mabilis na tumawid ako pero kahit na natanggal ko na ang damit kong tumutulo ay hindi pa din naging madali at hindi iilang beses na muntik akong madulas.

Nakarinig ako ng kaluskos sa likuran ko at mabilis na nagpatuloy ako sa pagtawid ng makita kong nakalambitin na si Ocean sa iba pang mga pipe sa itaas para makatawid sa tubig na kababagsakan niya at malapit na sa akin.

Mabilis na kumapit ako sa lubid nang makarating ako sa dulo at inikot ko 'yon sa bahagyang nananakit na mga kamay ko at umatras ako ng kaunti. I run without any second thoughts and used the force from it to flung myself into the air, my hands stretch in front of me ready to grasp whatever object it can find.

I felt my body hit a rebound mat but I slid pass through the short length of it, my body slipping but I immediately reach for something to hold on to and my hand fortunately connected to the rough texture of another rope.

I wrap my left leg around the rope so it goes behind my thigh and around it and put my right foot on top of my another to lock the rope. Relying on the strength of my upper body, I pulled myself higher and higher, as the rope glided with me as it is tuck up around my leg.

Nang magawa kong mahila ang sarili ko hanggang sa itaas ay wala akong inaksayang sandali at mabilis na umapak ako sa maliliit at manipis na asul na blocks sa harapan ko na nakatali sa pagitanng dalawang lubid na parang gumagawa ng maliit na hanging bridge. BHO CAMP version ng aerial walk. Pagkakaiba lang walang safety harness at sa sobrang taas baka na-heart attack na ang normal na tao dito.

Kumapit ako sa lubid sa taas ko at mabilis kong tinawid 'yon kahit pa iilang beses na mumuntikan na akong tumumba dahil sa paggalaw ng mga kinatutungtungan ko.

Hindi ko din kinakailangang lumingon dahilan alam kong palapit na ng palapit sakin si Ocean. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pangalawa sa dulong step. Mahigpit na humawak ako sa tali sa itaas ko at tumalon-talon ako sa step. Pilit na sinisira 'yon.

Nang mapagtagumpayan kong gawin 'yon ay itinulak ko ang sarili ko papunta sa last step. Muli akong kumapit sa ulunan ko at inulit ko ang ginawa ko kanina para masira ko ang step na 'yon.

"Ang daya mo!"

Napangisi ako at sumaludo ako sa kinaroroonan ni Ocean at tuluyan na akong umalis sa aerial walk na 'yon. I jump from the platform I was standing on and jump to the other platform below. Ilang beses kong ginawa yon hanggang sa wala na akong tatalunan.

Tumingin ako sa ibaba. Mataas parin ang kinaroroonan ko. Malalim na huminga ako at tumingin ako sa pader sa harapan ko. It's a brick wall but some of the bricks are missing. Stopping myself from over thinking this, I toss my body in the air and grab the empty space between the bricks in front of me.

I bit my lip when my left hand failed to grip on it while my right one, fortunately landed on the small empty space and I gripped on it for dear life.  Sa kabila ng pagkabasa ko dahil sa kaninang pagkahulog ko sa tubig ay nararamdaman ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko. Mataas parin ang kahuhulugan ko at kahit na alam kong hindi naman ako mapapahamak dahil for sure may safety precaution dito sa training room ay hindi ibig sabihin no'n ay walang natural na reaksyon ang katawan ko.

I dug my nails to the brick and I swing my body and reach for another empty spot so my left hand can hold into it. Kulang ang sabihin na nakahinga ako ng maluwag ng magawa ko 'yon. Itinukod ko naman ang isa kong paa sa baba kung saan sa tingin ko ay may butas din. Paulit-ulit ko 'yong ginagawa para magawa kong makababa.

When I gather that I'm not that far from the ground, I let go and let myself drop.

My feet gave out a soft thud when I hit the mat that is waiting for my fall. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Ocean na pababa na din. Infernes naman ang bilis ha.

Pumasok ako sa tube glass sa harapan ko at mabilis akong tumipa sa screen na nandoon. At the same time I heard a thud behind me, I hit the green button which made the door of the tube glass closed with a swift gliding sound.

Nakangising humarap ako kay Ocean at kumaway ako. Pinigilan kong mapatawa nang mula sa itaas ay umulan ng malapot at brownish na bagay na malamang sa hindi ay syrup at tumama 'yon sa nagsisisigaw na lalaki. Kasunod niyon ay umulan ng candy sprinkles.

I mouthed at him, "You look sweet."

Nanggigigil na humawak siya sa tube glass na para bang gusto niyang buksan 'yon at sugudin ako pero wala na din siyang nagawa dahil umandar na ang kinaroroonan ko pataas.

Ngingiti-ngiti pa din ako nang makarating sa taas at tuluyan ng makalabas mula doon. Naglakad ako sa glass bridge na kumukonekta sa control room ng training area at napataas ang kilay ko nang makita kong maraming agent ang nandoon at nanonood. Elites, agents, juniors, and trainees.

I was taken a back for a moment when I saw the Royalty band at the far corner of the room. My cousin is talking to their drummer Harmony and their rhythmic guitarist, Rushmore. Si King naman ay katabi ng asawa niya at pinsan ko na si Freezale.

And their bass guitarist...Archer, currently have his eyes fixated on me. Hindi ko mabasa kung anogn ekspresyon ang nasa mga mata niya pero hindi na ako nagtangka pang alamin 'yon at kaagad akong nag-iwas ng tingin at sa halip ay humarap ako sa mga trainees na nandoon.

"Next time na itatali niyo ako, siguraduhin niyong hindi kumakagat sa balat ko o ng kung sino man ang tali. I know that we could experience far worse in the field pero ibig din sabihin no'n na dapat tayong magkasakitan kapag nandito sa loob ng BHO CAMP. We're just training. Hindi tayo nagpapatayan."

Nakita ko na nagkatinginan ang mga trainees at mukhang magsisisihan na pero tinalukuran ko na sila at hinarap ko si Freezale. "Pwede na ba akong umalis?"

Sandaling tinitigan niya ako bago siya nagkibit-balikat at humarap na sa monitor niya. I took that as a yes and I went out of the room. Binaybay ko ang pasilyo ng headquarters para makababa ako sa clinic at makakuha ng gamot dahil alam kong nasugatan ako. Dalawa kasi ang entrance ng training area. Isa sa ground floor isa sa third floor kung saan doon ako dinala ng glass bridge na dinaanan ko kanina.

Bago pa ako tuluyan makalayo, sa pagkagulat ko ay may tumamang kung ano sa likod ko. Gulat na napalingon ako na napalitan ng pagtataka nang makita ko si Archer na nakatayo do'n. Hindi na niya suot ang hoodie niya dahil nasa paanan ko na 'yon.

"Isuot mo 'yan." seryosong sabi niya.

Kunot noong tinignan ko lang siya imbis na kunin ang binato niya sakin. "Problema mo? Bumalik ka na nga lang do'n sa loob."

"Isuot mo muna 'yan. Wala ka bang pakielam sa makakakita sa'yo? Halos hubad ka na ah."

Humalukipkip ako. Kung makapagsalita naman siya akala mo ang laki na ng kasalanan ko sa mundo. At saka ano bang pakielam niya? "Kilala ko lahat ng tao dito. Ang dami-dami ko ding kamag-anak dito. Kahit maghubad ako dito walang papalag sa mga 'yan."

Imbis na sumagot pa sa sinabi ko ay lumapit siya sa akin. Bahagya akong napaatras sa ginawi niya lalo at pakiramdam ko ay nakukulong ako sa mga mata niya sa paraan ng pagkakatitig niya. Bahagya siyang umuklo at kinuha niya ang hoodie niya at walang salitang isinuot sakin 'yon. Siya pa mismo ang nag zipper no'n habang ako ay nananatiling tulala sa kaniya.

Literal na naalog ang utak ko dahilan para makawala ako mula sa pagkakatunganga sa kaniya nang bigla na lang niyang itulak ang noo ko ng malakas at wala sa sariling sinalo ko ang nahulog mula doon. I bared my teeth at him and gesture to punch him but he just walked away with a self-congratulatory smile.

Naiinis na tinignan ko ang kamay ko kung saan hawak ko ang bagay na itinulak niya sa noo ko at napakunot noo ako ulit nang makita ko na band aid 'yon na may stars pa na design.

"Anong gagawin ko dito?" malakas na tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Nanggigigil na ibinato ko 'yon sa direksyon niya pero bumagsak lang 'yon sa paanan ko. Pang-asar talaga ang supladong pakielamero na 'yon.

Dapat tumalikod na din ako at naglakad papunta sa clinic. I should just get on with my life and forget about the rockstar who just can't help butting into my quiet life. But instead I found myself picking up the band-aid that without a doubt can't help my injury.

Kung kaya lang gamutin ng band-aid ang lahat ng masakit at sugat baka hindi na kailangan ng doktor sa mundo. At malamang lumaklak na din ako ng band-aid para mawala na lahat ng pesteng kadramahan ko sa mundo. Wala naman talagang naitutulong ang band-aid maliban sa pagtakpan ang bagay na masakit sa'yo. Pero gano'n din. Kapag tinanggal mo maaalala mo na nasasaktan ka parin pala.

Band-aid my ass. Baka kamo band-hurt.








TINAPUNAN ko ng masamang tingin si Hera na nasa harapan ko nang makaramdam na naman ako ng tilamsik ng mantika sa braso ko. Nanggigigil na nginuya ko ang croissant na kanina ko pa pinagtiya-tiyagaan habang pinapanood siya.

Kanina kasi nanahimik ako dito sa dining area at kumakain nang walang habas na lang siyang nakiupo sa pwesto ko, nag set-up ng electric stove, inilabas ang lalagyan niya ng mga side dish, at basta na lang nagluto ng karne sa harapan ko na para bang nasa korean restaurant kami.

"Ang dami namang pwesto dito ka pa nakiupo." sabi ko habang pinupunasan ang braso ko.

Mukhang hindi naman siya tinablan ng katarayan ko dahil ngingiti ngiti lang siya na nagpatuloy sa paggupit ng karne sa harapan niya. "Mag-isa ka kasi kaya naawa ako sa'yo. Kabibili lang para sakin ng father dearest ko nito kaya ishe-share ko sayo ang blessings ko."

"Mag-isa ako kasi gusto ko."

"No man is an island." she said in a sing-song voice.

"I'm an island with a lot of sharks, crocodiles, piranhas, and wild snakes."

Binelatan niya lang ako at bago pa ako makapagsalita ay ginamit niya ang chopsticks niya at kumuha ng karne, inilagay sa lettuce, nilagyan ng pulang paste, at basta na lang isinaksak sa bibig ko. Wala na akong nagawa kundi nguyain 'yon dahil iyon o ang iluwa 'yon ang tanging choice ko.

Napakurap-kurap ako nang malasahan ko 'yon. Napangiti si Hera na mukhang alam na nasarapan ako sa kinain ko. "O diba? Sarap no? Napanood ko lang 'yan sa kdrama na pinapanood ko. Nainggit ako kaya tadan!"

Inikot ko ang mga mata ko at inagaw ko ang chopsticks niya at nakikuha na ako sa niluluto niya. Ibinalik ko sa kaniya yon ng magawa ko ang nakita kong ginawa niya kanina at sinubo ko ulit 'yon at kinain.

Nang malunok ko ang kinakain ay nagsalita ako, "Bakit ba dito mo naisipan 'yan? Dapat inaya mo si Athena at ng nagpaka Koreana kayong dalawa."

"May asawa na 'yon. Busy."

Napataas ang kilay ko sa tono ng boses niya. Hindi man niya sabihin pero alam kong naninibago siya. Kambal tuko kasi sila ni Athena eh. "Mag-asawa ka na din para hindi ka naiiwan at nag-iisa."

"Bakit ikaw din naman ah hindi mo na kasama ang kuya mo. Mag-asawa ka na din." nakasimangot na sabi niya.

Kumuha ako ng lettuce at ibinato ko 'yon sa kaniya na kaagad naman niyang nasalo. Kinuha ko na ang cellphone ko at tumayo ako. Gabi na din naman at kailangan ko ng magpahinga. Madami pa akong pupuntahan kinabukasan.

"Si kuya Thunder na lang ang ayain mong kumain. Siguradong masasarapan 'yon sa pauso mo." sabi ko at itinuro ang lalaki na bagong pasok lang sa dining room.

"Hoy, Aiere Roqas! Ang bastos ng bibig nito. Anong masasarapan sa...sa ano...sa... Ang laswa mo!"

Napakunot noo ako sa namumulang babae. Anong pinagsasabi niya? At bakit parang malapit na siyang sumabog sa sobrang pula niya? "Luh, ano daw? Ang sabi ko, masasarapan siya. Sa. Pauso. Mo. Bahala ka nga diyan."

Naglakad na ako palabas at hinayaan ko na sila sa trip nila sa buhay. Minsan ang hirap din talagang spellingin ng mga agent. Para kasing may sarili silang bokabularyo at mga sariling mundo. Kung pwede nga lang na bigyan sila ng tig-iisang planeta ginawa ko na kasi pag pinagsasama-sama kami pakiramdam ko gusto na kaming i-eject ni mother Earth sa sobrang stressful namin.

Tumigil ako sa elavator sa gitna ng HQ pero nang makita kong nasa ituktok pa 'yon manggagaling ay naglakad na lang ako papunta sa hagdanan malapit sa pool area. Pero bago tuluyang makaakyat roon ay may narinig akong melodya na sa umpisa ay parang imahinasyon ko lang dahil sa hina no'n.

Lumapit ako sa bintana malapit sa hagdanan at sumilip ako do'n. I let my eyes adjust from the dark and I immediately recognize him. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay tila hinihila na ako ng mga paa ko palabas at papunta sa kinaroroonan niya.

Nagkubli ako sa likurang bahagi niya at huminto ako ng sa tingin ko ay tama na ang lapit ko sa kaniya. That's when I heard clearly what he's singing. If I'm right, it's one of the songs of Royalty titled Void. Mabilis ang tugtog na 'yon at maingay pero sa paraan ng pagkakakanta niya ay para bang naging malungkot ang tunog no'n lalo na at sinasabayan niya pa ng malamyos na tunog mula sa guitara niya.

I remember King singing this. Naalala ko na sinabi niya na for some reason, this song reminds him of his and Freezale's first child, Ashia. Freezale went into a miscarriage and they lost the baby but they still named her and gave her a gender kahit na ng mga panahon na 'yon ay imposible na malaman nila ang bagay na 'yon dahil masyado pang maaga ang pregnancy ni Freezale.

"I was into deep...not letting myself to weep. Into the bottom of the darkness...consuming me...breaking me. I was cold and strong, but I was wrong. I was trying to live...but I'm barely living. Something is missing. I'm only a hollow. Hollow and empty."

There's a pain in his voice that I only once felt in my life. Nang mawala samin si Storm. When we thought that we failed her. Hindi ko kailanman maiintindihan kung ga'no kahirap para sa kaniya ang araw-araw kung saan alam niya na hindi na muling magiging tama ang mundo para sa kaniya. Na hindi na maibabalik sa dati ang lahat.

"You were supposed to be a light. An angel falling into my life. Having me beneath your wings. Saving me...pulling me...from the chaos I was trapped into. Your smile could have changed the world. Your laugh should have been the greatest of all melodies. But I can't hear you...there is nothing. I'm just a hollow. Hollow and empty."

I closed my eyes. Just listening to him sing. Hindi ito ang unang beses na narinig ko siyang kumanta. Hindi din ito ang unang beses na pakiramdam ko ay kung ano-anong emosyon ang dumadaan sa akin sa bawat katagang binibitawan niya. He didn't know that I heard him before. Katulad ngayon...na kumakanta siya at para bang isinasarado niya ang buong pagkatao niya mula sa mundo.

I always thought that he has an amazing voice. He might not have the velvety, rich, and powerful voice of their vocalist but there's something about his voice that transports me to his own vision.

And with my eyes closed it was as if the words written in the file Dawn gave me kept on flashing in front of me. It was as if I was there with him. He was barely a man when he lost her. He just barely got out from being a boy himself. He couldn't have protected her even if he wanted to.

Hindi siya dapat kung hindi ang pamilya niya ang nag protekta sa kanilang pareho. 'Kill the boy and give me back my daughter'. Those were the words written in that file. Words that shouldn't have been said.

"If I have done just enough...I could have hold you. If my hands were strong enough to reach and catch you...you would be here...right here with me. Filling those spaces that kept me hollow. Hollow and empty."

Hindi dapat nagkaron ng pagpili. Hindi dapat niya narinig ang mga salitang 'yon. Hindi niya dapat sinisisi ang sarili niya sa mga bagay na hindi niya kontrolado. He was a victim like she was. It wasn't his fault.

Pero alam ko din na hindi iyon ang nasa isip niya. Hindi 'yon ang nakatatak sa kaniya. Because even now he's still mourning for her. 


Ashley Chase.





...








...





His little sister.





___________End of Chapter 5.

Продовжити читання

Вам також сподобається

975K 19.6K 9
I'm Denaley Brel Siyreen Montevedre, ang dyosa na nakalaan lamang para kay Rushmore Chandler. Kailangan iyon makita ng binata. Na sa isang Den Montev...
27.5K 475 6
R-18 A one night stand gone wrong
Taming Mr. Player (Completed) Від Dee Cale

Підліткова література

882K 6.6K 50
Life is confusing. Different people will meddle with your personal life. Some will help, some will ruin you. Some will let you be happy, some will tr...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...