Switched

By HopelessPen

52.4K 2.1K 181

(Lost Senoritas Book 1) Noelle Madrid ran away from her controlling mother to get away from an arranged marri... More

SIMULA
1
2
3
4
5
7
8
9
10

6

4.1K 217 24
By HopelessPen

6



Demonyo



I tucked a floral clip behind my left ear. Inayos ko rin ang puting floral dress ko bago inilagay ang kalahati ng aking buhok sa harapan. The curls of my hair tumbled down as I watch my reflection in the mirror.

Napanguso ako ng maalala ko ang itsura ni Marj. Her hair was straighten by a salon artist,that I am sure of. Nung minsan ay nakita ko ang perpektong pagkakakulot ng buhok niya, ngayon naman ay tuwid na tuwid. I wonder, kaya siguro niya binabago ang hairstyle niya para magpapansin kay Lukas.

Nilingon ko ang kurtina na nagsisilbing pinto ng kwarto ko. Sa kabilang banda ay naroon si Lukas, hinihintay na ako. Lihim akong napangiti. Kung hindi ko siguro siya kilala, hindi ko maiintindihan si Marj. Dati, kuntento na ako sa kung ano ang itsura ko. Boys flocked around me even if I don't put anything on. Pero iba pala kapag nakahanap ka na ng isang taong gusto mong mahalina sayo.

I shook my nerves and went out. Nakita ko ang malapad na likod ni Lukas habang kausap si Lola Esmeng. Inaayos ng matanda ang kwelyo ng suot na pulang checkered polo ni Lukas. Nakagat ko ang labi ko at sumandal lamang sa pader.

"Antabayanan mo si Noelle pagdating niyo roon, huwag mo siyang ihihiwalay sa paningin mo, apo," bilin ni Lola. My heart warmed with the concern of the old lady for me. Nakita ko ang pagtango ni Lukas sa matanda.

"Hindi mahihiwalay ang tingin ko sa kanya, 'La," pangako ni Lukas. Tumikhim ako kaya nabaling ang tingin ng mag-lola sa akin. Una kong nilingon si Lola na napahawak sa kanyang dibdib habang tinitingnan ako.

"Napakaganda mo, hija," aniya bago inayos ang aking buhok. Hinawakan niya ang aking kamay at napasinghot.

"Lola Esmeng? Ayos lang po ba kayo?"

Tumango si Lola kahit na namumula ang mga mata.

"Naalala ko lang ang Lorriane ko," banggit niya sa isang pangalan na hindi ko kilala. Sinilip ko si Lukas na nawala ang ngiti noong marinig ang sinabi ng matanda.

"Lola, aalis na po kami ni Noelle," paalam ni Lukas bago hinigit ang aking braso. Hindi na ako nakapagpaalam sa matanda ng maayos dahil mabilis ang mga hakbang ni Lukas palayo sa bahay.

I watched his back as he dragged me to the tricycle station. My hand went numb with the way he held me and I groaned. He stopped on his trackes when he heard me.

"Noelle?" he called me. Hinila ko ang braso ko bago hinilot ang aking pulso. I looked at him and saw disgust, guilt, and anger on his eyes.

"Lukas, ayos ka lang ba?" tanong ko habang sinusubukang ibalik sa kamay ko ang nawalang dugo dala ng hawak niya. Bumaba ang tingin ni Lukas sa aking kamay at kinuha iyon.

"Fuck..." he cursed. His tumbs massaged my wrist and soon the color returned. I tried calling his name again but he wouldn't look at me. Noong hindi niya talaga ako nililingon ay inabot ko ang kanyang pisngi. Napapikit siya sa aking hawak bago huminga ng malalim.

"Ayos ka lang ba?" masuyo kong sabi. Nagngalit ang panga niya bago binuksan ang mga mata. His brown eyes looked so lost and so helpless as he stared at me.

I caressed his stubbled face and sighed. Ibinaba ko ang kamay ko bago kinuha ang palad niyang hinihilot pa rin ang aking pulso.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Noelle, ikaw ang nasaktan---"

"Lukas, I'm fine."

Tinitigan niya ako ng matalim bago humigpit ang hawak sa aking kamay.

"Bakit hindi mo sinabi sa aking nasasaktan na pala kita?"

"Kasi hindi mo naman ako nasasaktan, Luke. Chill, 'kay? Ang OA mo," natatawa kong sabi. I smiled cutely to ease the tension on his shoulders and he rolled his eyes. Napanguso siya bago muling hinaplos ang aking pulso. He was already grinning and I smiled inside. My annoying Lukas is finally back.

"I'm sorry. Nung narinig ko kay Lola si Lorriane ay nairita ako. Hindi kita dapat---"

"Hey, enough. It's fine. I'm fine. Stop feeling guilty about it. Let's go, may party ka pang pupuntahan, diba?" aya ko sa kanya. I was damn curious about that Lorriane and why he looked so agitated with the mere mention of her name. Sino ba ito? Ex? Kababata? Kamag-anak? I don't know.

I want to know who she was but I don't have the heart to ask Lukas now. Nakikita ko pa rin ang epekto ng pangalan na iyon sa kanya at ayaw kong mas masira ang araw niya. There will come a time when I will have the answer, but not right now.

Hinila ko na ang kamay niya papunta sa naghihintay na tricycle noong hinigit niya akong muli. Bumangga ako sa malapad niyang dibdib at agad bumaba ang kamay niya sa aking beywang.

"What?" I asked, giggling. He smiled before pursing his lips. Oh god, this boy. Pacute ka din, ano?

"Tawagin mo ako, 'yung katulad ng tawag mo sa akin kanina," aniya. Niyuko niya ako kaya iyong buhok niya ay bahagyang tumabing sa kanyang mga mata. I reached out and tucked his hair behind his ear so I could just stare at his beautiful brown eyes.

"Lukas..."

"Hindi. 'Yung tawag mo kanina," parang bata niyang sabi. I stared at the corners of his face, from his deep brown eyes, to his chiselled jaw down to his deep dimple. Kinagat ko ang labi ko at naramdaman ko na naman ang muling pagbilis ng tibok ng aking dibdib.

He looked so expectant while staring at me. The flutter in my stomach intensified with his stare. I breathe hard and then smiled gently.

"Tara na, Luke," I breathily said. The corner of his lips rose for a smirk. The dimple in his left cheek showed and I tried to catch my breath. Damn this guy.

"Bakit parang tuwang tuwa ka?" tukso ko. Ngumuso siya at hinila na ako papunta sa mga tricycle. Pinagsalikop niya ang mga kamay naming dalawa bago ako inalalayan papasok sa isang naghihintay na trayk.

"Sa Cabigsing po, tapat ng simbahan lang Manong."

"Makikiparty ka yata Lukas? Pagdala mo naman ako ng alak pag uwi ha?" tumatawang sabi ng driver. Tumawa lamang si Lukas bago tumabi sa akin sa loob. Umusog ako para magkaroon siya ng lugar pero hindi pa rin talaga siya magkasya. His legs were weirdly folded and his upper body was bended in a very uncomfortable way.

"Ayaw mo sa likod?" sabi ko sabay turo doon. He will be more comfortable there. Hindi yung nakasiksik siya dito, eh hindi naman siya kasya.

Umiling siya bago inadjust ang pagkakaupo. "Ayos na ako dito. Gusto ko sa tabi mo," sagot niya habang nakabaling sa may kalsada. Napatahimik ako at mas sumiksik na lamang sa upuan para itago ang pamumula

Tahimik ang naging byahe namin papunta kina Marj. Noong makarating kami ay inalalayan ako ni Lukas sa pagbaba. May mga maliliit na mesa sa baybayin at tatlong ihawan. May isang mahabang lamesa sa gitna kung saan nakalagay lahat ng pagkain. Marami ng tao noong makarating kami ni Lukas. Noong makababa kami sa trayk ay agad kaming nakapukaw ng atensyon.

"Lukas!" sigaw ng isang binata sa malayo. Kumunot ang noo ko at naalalang isa sa mga kaklase ni Lukas iyon sa unibersidad. Kumaway lamang si Lukas sa kaniya bago kinuha ang aking kamay at giniya ako papunta sa kasiyahan.

I bit my lip and shrunk myself closer to Luke. It's not my first time in parties but this is so new to me. And weird na nakashorts lang, tshirt o kaya naman sando lang ang mga bisita. I'm used to parties with long gowns and tux, and a hall filled with shining chandeliers and thousands of flowers.

Naramdaman ko ang bibig ni Lukas sa aking gilid bago pinisil ang aking kamay.

"Ayos ka lang?" anas niya. Alanganin akong ngumiti at tumango. Inakay niya ako sa mesa na may tatlong babaeng nakaupo at nagkekwentuhan.

Tumigil sa pag uusap ang tatlo ng makalapit kami. Nilahad ni Lukas sa akin ang mga dalaga na agad akong binigyan ng matamis na mga ngiti.

"Noelle, si Martha," aniya sabay turo doon sa naka asul at maikli ang buhok.

"Si Dona," tukoy niya sa medyo may katabaan na babae na agad akong kinindatan. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Lukas na magkahawak bago ngumiti ng pigil.

"Tapos si Marian, kapatid ni Marj. Siya yung may birthday ngayon," Luke informed me. I gasped and immediately extended my hand to the woman. She smiled warmly before grasping my hand and pulling me into a hug.

"Kamusta! Ngayon lang kita nakita, ah." Aniya. Nilingon niya si Lukas na nagkamot ng batok.

"Bago pa lang ako dito. Happy birthday nga pala. Pasensya na wala kaming dala ni Lukas," sagot ko. Tumawa si Lukas bago pinatong ang kamay sa aking balikat. Tiningala ko siya habang siya ay pilyo namang ngumingisi. Hindi naman naging lihim sa akin ang paninitig ng mga babae sa aming dalawa ni Lukas. At hindi na rin ako magugulat kung pinapanood din kami ng iba. Lukas was not helping at all. Kung hindi niya hawak ang kamay ko ay nasa beywang ko naman o kaya balikat ang mga palad niya.

"Makikikain lang kami, Marian ha? Tapos ipagbalot mo na rin si Lola---"

Siniko ko si Lukas sa tagiliran bago siya napaungol. Ngumiti ang tatlo habang magiliw na nakatitig sa aming dalawa.

"Taga saan ka?" tanong ni Martha bago kami sinenyasan na umupo. Pinaghila ako ni Lukas ng isang maliit na upuan bago ako napalingon sa tatlo na paimpit na tumili.

"Taga Maynila siya. Nagmigrate na kasi ang amo niya papuntang Hongkong kaya dito siya dumiretsyo sa El Nido para maghanap ng bagong trabaho," diretsyong sagot ni Lukas. Gulat akong napatingin sa kanya. Pinanood ko siya habang kalmante na sinasabi ang kasinungalingan niya.

"Ah ikaw yung taga Maynila na naririnig ko sa palengke. Pero akala ko mayaman ka. Katulang ka?" si Dona naman ngayon ang nagsalita. Nilingon ko si Lukas bago ko binalingan si Dona. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya habang hinihintay ang pagsagot ko.

"Oo. Atsaka hindi ako mayaman. Kung mayaman ako, bakit ako magtatrabaho sa palengke, hindi ba?" dahan dahan kong sagot. Iyong tensyon sa katawan ng katabi ko ay nawala unti unti.

Tumango tango ang tatlo, para bang nakuntento na. Noong humarap sila sa akin ay mas matamis na ngiti ang binigay nila. I smiled back as they started another set of questions.

"Pero kung tititigan ka, hindi ka mukhang katulong," puna ni Dona. Suminghap at tumango si Martha.

"Oo. Ang ganda mo kasi eh. Anong nilalagay mo sa mukha mo, bakit ang kinis?"

The questions diverted to my skin care routine. Dirediretsyo ang tanong ng tatlo hanggang sa napanatag na ako. Ilang saglit lang ay tumayo na si Lukas at nagpaalam na ipagkukuha lamang ako ng pagkain. Tumango ako at pinanood ang kanyang likod na papalayo.

My mind went back to his lies about my real identity. Bakit niya kailangang itago iyon? Anong dahilan? May kinalaman ba iyon kay Lorriane?

What significance does that woman hold? Bakit kahit wala siya rito ay malakas ang pakiramdam kong malaki pa rin siyang bahagi ng buhay ni Lukas? At bakit habang iniisip ko ito ay sumasakit ang aking dibdib?

"Noelle!" untag sa akin ni Marian. Naputol ang iniisip ko at hinarap siya. Nginuso nila si Lukas na nakapila na sa tapat ng mahabang mesa, may hawak na dalawang paper plate sa kamay habang nakikipagkwentuhan. Nagtama ang mga paningin namin at kahit na may kausap siya, nanatili sa akin ang titig niya.

"Bakit?" Anong ibig nilang sabihin? Hinawakan ni Martha ang aking kamay bago lumapit sa akin, parang may sikretong sasabihin.

"Ano na? Girlfriend ka ni Lukas?" diretsyo niyang tanong. Nasamid ako sa laway ko bago sabay sabay na humalakhak ang tatlo. Nilingon ko si Lukas na nakakunot na ang noo habang nakatingin sa amin. Hinarap ko ulit ang tatlo bago marahas na umiling.

"H-hindi. Magkaibigan lang kami—"

"Aysus! Ang showbiz. May magkaibigan bang naghahawak kamay?" si Dona ang sumagot. Namula ako at agad na umiling para ipahiwatig na mali ang iniisip nila.

Lukas doesn't see me that way!

"Sweet lang talaga siya," sagot ko. Mas lalo silang natawa sa sinabi ko. Pinagkrus ni Marian ang braso sa kanyang dibdib bago ipinatong iyon sa mesa. She smirked at me before pointing her finger at my face.

"Kilala ko si Lukas Miguel, Noelle. Antipatiko, arogante, matalino, lahat, nasa kanya na. Pwera ang pagiging sweet," anas niya. Binuka ko ang aking bibig para magprotesta. Kung talagang kilala niya si Lukas, bakit hindi niya alam ang side na ito?

"Paano mo nasabi?" sagot ko sabay taas ng kilay. Napahinto silang tatlo na parang nagulat sa akin. I bit my lip and mentally cursed myself.

Goodness, Noelle. Stop being a bitch again!

"Inaalalayan ka niya sa pag upo. Pinagkukuha ka ng pagkain. Palaging nakahawak sayo na para kang mawawala. Noelle, hindi ganyan si Lukas. Alam namin dahil kasabay namin siyang lumaki. Sayo lang siya naging ganyan," si Martha na ang sumagot. Napanguso na lamang ako at umiling. They just don't understand.

"Tingnan mo siya, handang handang magpaalipin sayo, Noelle," bulong ni Dona habang pinapanood ang paglapit sa amin ni Lukas habang dala ang dalawang plato na puno ng pagkain.

Umupo siya sa aking tabi bago ako inabutan ng mga kubyertos at inumin. Tahimik ang tatlong pinapanood kaming dalawa kaya hindi ako makakain ng maayos. Tinitigan ko na lamang iyong kaldereta, inihaw na tilapia, sipo egg at kare kareng dagat sa aking plato.

Kumagat si Lukas sa isda bago ako tiningnan.

"Kain na," aniya. Tinitigan ko siya at gustong gusto ko ng tanungin ang tungkol kay Loriane pero pinigilan ko ang sarili ko. He raised his brow at me, silently asking me what is wrong. I just shook my head and started eating.

Nang matapos kaming kumain ay dumilim na. Naging liwanag namin ang dilaw na buwan at ang mga nakasabit na pailaw sa puno ng buko sa paligid. Nagkaroon ng mga palaro pero nanatili lamang akong nakaupo, iniisip pa rin ang ginawang pagsisinungaling ni Lukas.

"Ang tahimik mo," tanong niya sa akin. Ang braso niya ay nakapatong sa sandalan ng aking upuan habang nakaparte ang mga binti niya. Pinanood ko lamang sina Dona na naglalaro ng trip to Jerusalem para iwasan si Lukas.

"Wala. Gusto ko lang panuorin ang laro," malamig kong sagot. Naramdaman ko ang titig niya sa akin pero hindi na siya sumagot. Iyong isa niyang kamay ay hinawakan ang aking palad na nakapatong sa aking hita.

"Noelle, kausapin mo ako---"

Napapikit ako ng mariin at hinila ang aking kamay. Hindi ko pa rin siya tinitingnan.

"Lukas please. Gusto kong manuod."

Narinig ko ang mararahas niyang hininga sa gilid ko bago niya binitiwan ang aking kamay. I looked down at my lonely hand before sighing. Kumuyom ang aking kamay at nanatili ang mga mata sa mga naglalaro.

"So this is how you're going to do it? You're gonna ignore me, shut me out for our first problem? Hindi natin lulutasin ng maayos, ha Noelle?" he said, acid dripping in his voice. Pinagkrus ko ang aking braso sa dibdib bago siya nilingon.

His face was dark with anger. Nakakunot ang noo niya habang tiim na tiim ang bagang akong pinapanood. Tinitigan ko lamang siya at ganoon din ang ginawa niya. Walang nagsasalita sa aming dalawa. The war was silent and deadly between the two of us.

"Sayawan na!" sigaw ng isang lalaki sa mikropono na nagpagulat sa akin. Nilingon ko ang entablado pero nakaramdam ako ng dalawang daliri sa aking baba. Muling binalik ni Lukas ang tingin ko sa kanya. Napalunok ako sa nararamdaman. He looked so angry and yet determined to know what bothers me. Yumuko na lamang ako at narinig ko ang buntong hininga niya.

"Noelle..."

Tumayo na ako bago pa man siya may masabi. Humalo ako sa mga taong sumasayaw. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay may naramdaman na akong humawak sa aking braso. Pinihit nito ako paharap at muli kong nakita ang madilim na mukha ni Lukas.

Ipinatong niya ang aking kamay sa kanyang balikat bago ako hinawakan sa kanyang beywang. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya nagulat ako. I thought he's going to force me to speak now. But no, instead he was holding me closely while we danced under the moonlight night.

I heard his chest vibrating before I even realized what he was doing. I looked up at him and my heart swelled as I watch his mouth move. Sinasabayan niya ang kanta habang dahan dahan akong sinasayaw.

The lights and shadows contrasted his face well. Half of his face was covered in darkness, making him look like a mysterious knight waiting for his damsel, trying to find refuge from a bloody war. The other side was illuminated by the moon. My gaze roamed his face, each edges and curves, until I stopped at his brown eyes.

Lukas' stare was unarming. I feel like my soul is bared whenever he looked at me. Parang kahit anong itago ko ay matutuklasan pa rin niya sa mga matang iyon.

But now as he stared at me, singing, I can't feel discomfort. I just felt...peace. Being in his arms, with him, made everything feel so normal.

Hinapit niya ako at dinatay ang aking ulo sa kanyang dibdib. Lahat ng mga tanong ko kanina ay unti unting nawawala habang nagsasayaw kaming dalawa.

'Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno

Ako ang demonyo gagabay sa iyo

Pabalik sa langit habang tayo

Ay paakyat ako'y napa-ibig sayo'

He touched my arm before cupping both of my cheeks. The hard stare that he had awhile ago changed into something that is pleading. He caressed my cheek before closing his eyes. Idinikit niya ang kanyang labi sa aking noo bago huminga ng malalim.

"I'm sorry. Kung anuman ang nagawa ko para magalit ka sa akin, patawarin mo ako. I'm really sorry. I'm sorry. Please, forgive me," pagmamakaawa niya. My heart swelled and I shook my head.

"Lukas."

"Hindi ko alam kung anong nagawa ko. O baka may nasabi ako. Huwag kang mag alala, pag iisipan ko kung anong nagawa kong mali," bulong niya. Muli niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.

"Baby, please. Don't shut me out again. That would be my death."


-------------

Song Used:

Demonyo by JK Labajo

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
2.7M 100K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...