Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

038

22.2K 323 7
By Kass-iopeia

038

K A T H

Nung araw na makita ko si Chris ay agad kong pinuntahan ang anak ko para masiguradong ayos lang siya. Baka puntahan siya kaagad ni Chris at baka kung anong gawin niya sa anak ko. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa kanya. Hinding hindi ako papayag. Makikipag laban ako ng patayan sa kanya kapag may ginawa siyang masama sa anak ko. Hinding hindi niya magagawa sa anak ko ang ginawa niya sa akin nuon.


Napahawak ako sa bibig ko nang maabutan ko nga si Christopher sa loob ng hospital room ni Nicholas. Agad akong napaatras at hindi kaagad naka kilos sa kinatatayuan ko. Hindi! Diyos ko po! Wag niyo naman po hayaang may mangyaring masama sa anak ko. Agad akong pumasok sa loob.

"Layuan mo ang anak ko!"

"Nanay!" Agad na tawag sa akin ng anak ko. Lumapit ako sa pwesto niya at sinuri siyang mabuti kung may mga sugat ba siya sa katawan at kung may ginawa ba sa kanyang masama ang hayop na ito.

"Anak nasan ang tita Meg mo? Bakit nandito itong lalaking 'to? Sinaktan ka ba niya?"

Pero agad namang umiling ang anak ko habang inosenteng nakatingin sa akin.

"Relax ka lang,Kath. Magagawa ko ba namang saktan ang aking apo?" Nakangiting sagot niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang kailangan mo?" Hindi ako mapalagay. Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko at nanginginig ang mga tuhod ko. Galit na galit ako sa kanya pero hindi ko din maiwasang matakot na baka pati ang anak ko ay saktan niya tulad ng ginawa niya sa akin nuon. Pero pilit kong nilabanan ang takot na yun. Hindi na ako ang Katharina na nakilala ng lahat nuon na hindi marunong lumaban.

Ngayon lalaban ako para sa anak ko. Hinding hindi niya magagalaw ang anak ko kahit anong gawin niya. Dadaan muna siya sa bangkay ko bago niya mahawakan ang anak ko.

"Nanay, bakit ka po nagagalit sa kanya? Mabait po siya." Anang anak ko. Lumingon ako sa kanya at mas lalo akong nakaramdam ng takot na nakuha na ng hayup na to ang loob ng anak ko.

Hindi. Hindi pupwede.

"Anak di ba sabi ko sayo wag kang nakikipag usap kung kanikanino? Hindi mo siya kilala."

"Kilala ko siya nay. Siya po si Lolo Chris. Daddy daw po siya ng daddy ko. Dadalhin niya po ako kay Daddy. Mabait po siya."

Napahawak ako sa bibig ko sa sinabing iyon ng anak ko. Agad akong umiling at naupo sa tabi niya.

"Wag kang maniwala sa sinasabi ng lalaking ito. Masamang tao siya! Kay nanay ka lang maniniwala. Hindi mabuting tao ang lalaking ito. Nasan ba ang tita Meg mo?"

"Kath, wag mo namang ipag kait sa bata ang makita ang kanyang ama. Karapatan ni Nicholas makilala ang kanyang ama. Hindi ba Nicholas, gusto mong makilala ang Daddy mo?"

Dahan dahang tumango ang anak ko at pinigilan ko na lang mapaluha. Hindi pwede. Akin lang si Nicholas. Hindi siya pwedeng mawala sa akin. Hindi ako papayag.

"Anak, kay nanay ka lang maniniwala okay? Wag ka maniwala sa lalaking yan. Kay nanay lang okay?"

Malungkot na tumango ang anak ko.

"Hindi mo pwedeng itago si Nicholas habang buhay. Kung inaakala mong naka bayad ka na nuon sa mga kasalanan mo sa akin ay nag kakamali ka. Hindi ba sinabi ko sayo na ibabalik kita sa impyernong pinanggalingan mo?"

"Walang hiya ka! Demonyo ka!" Tinakpan ko ang tainga ng anak ko at sinigawan siya.

Maya maya ay dumating na din si Meg sa wakas dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Anong nangyayari dito?"

"Aalis na ako Katharina pero hindi pa tayo tapos." aniya sabay nilisan ang kwarto. Napayakap na lang ako sa anak ko ng mahigpit at napaiyak.

Bakit naman ganito? Bakit ba ayaw niya kaming tigilan? Kung kailan nagiging maayos na ang samahan namin ni Callum tyka naman mangyayari ito. Ayokong madamay ang anak namin sa nangyayaring ito kaya naisipan kong muling lumayo. Masakit sa aking iwan muli si Callum pero ano bang magagawa ko? Wala akong kalaban laban kay Chris wala akong magagawa para labanan siya at hindi din ako sigurado sa nararamdama sa akin ni Callum. May asawa na siya hindi na ako pwedeng mag stay pa sa buhay niya. Ayokong makasira ng mag asawa.

Limang linggo na kaming nandito sa probinsya nila Meg. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng ginawa sa akin ng lalaking yun kaya tinulungan niya akong mag tago dito sa probinsya nila. Ang sabi niya ligtas kami dito dahil masyadong liblib ang lugar nila dito at tama naman siya. Sobrang probinsya ng lugar nila at layo layo ang mga bahay. Nasa liblib na parte ng probinsya yung kanila at parang di na inaabot ng dyaryo ang lugar siguro naman ay hindi na kami mahahanap ni Chris dito. Sobra talaga ang takot na nararamdaman ko nung araw na pag bantaan niyang muli ang buhay ko.

"Hoy girl, di mo ginagalaw yang pag kain mo. Aba makakasama yan sa pinag bubuntis mo. Tandaan mo dalawa na kayong nag hahati dyan sa katawan mo! Wag mo pabayaan ang sarili mo!" Sermon ni Meg sa akin.

Kahapon lang nang malaman naming nag dadalang tao ako. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang bata sa sinapupunan ko. Bigla ding pumasok sa isip ko si Callum, gustong gusto niya ng anak. Kitang kita ko sa kanya kung gaano niya kagustong mag kaanak. Sayang lang hindi ko na siya ulit makikita pero may namuo na agad na plano sa isip ko. Plano kong ibigay sa kanya ang anak ko pag kasilang ko dito. Isa pa binayaran niya ako para duon kaya nararapat lang na ibigay ko sa kanya ang napag usapan. Isa pa, ayokong madagdagan ang kasalanan ko sa kanya. Kung hindi ko nagawang maipakilala si Nicholas sa kanya siguro naman dapat itong magiging anak ko ay makilala na niya.

"Babalik ako sa maynila pag ka panganak mo. Kailangan ko kumita. Pasensya ko na kung iiwan ko kayo dito."

"Ano ka ba Meg, sobra na ngang laki ng utang na loob namin sayo. Wala ka namang obligasyon sa amin kung tutuusin pero heto ka tinutulungan mo pa din kami. Sobrang laki ng pasasalamat ko sayo dahil nakilala kita nang dahil din sayo nakita ko ulit si Callum at natulungan niya kami ni Nicholas. Kaya utang ko talaga ang lahat sayo. Sobrang salamat Meg. Sobra."

"Ano ka ba wala yun, sino sino na lang bang mag tutulungan kundi tayo tayo din di ba? Tyka napamahal na din sa akin yang junakis mo."

"Babawi talaga ako, Meg. Mag hahanap ako ng trabaho kapag nakapanganak na ako." Desididong sabi ko.

"Ano ka ba! Sino namang titingin dyan sa magiging anak mo kung sakasakali aber? Eh itong si Nicholas maiiwan mo pa kasi malaki laki na din pero pano yang sanggol mo ha?"

Napayuko ako at sandaling natahimik. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang plano ko sa batang dinadala ko.

"Plano kong ibigay kay Callum ang bata. Total yun naman talaga ang napag kasunduan namin di ba?"

Natigilan sandali si Meg at hindi agad nakapag salita sa sinabi ko. Nang matauhan ay agad itong sumimangot.

"Alam mo,ayoko nung planong yan pero mas tama nga yatang gawin mo yan. Mapapalaki ng maayos ni Callum ang batang yan, mas makakabuti yun para sa kanya. Pero nakakaloka lang na ihihiwalay mo ang batang yan sa kuya niya. Nakakaawa naman ang mga bata."

"Di ko na nga alam ang gagawin ko eh. Kung pwede lang sanang..." hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko.

"Kung pwede lang ano? Kung pwede lang na mabuo kayong isang pamilya ni Callum? Jusko day! Wag mo na pahirapan ang sarili mo! May asawa na yung tao. Wag na wag mong subukang sirain iyon baka ikaw ang mag sisi bandang huli."

"Alam ko naman yun Meg, kaya lang di ko lang maiwasang mangarap. Mangarap na sana mabuo kaming isang pamilya at maging masaya kahit hindi na maging marangya yung buhay namin basta samasama kaya lang imposible yun eh. Sobrang imposible."

"Mahal mo pa no?"

"Hindi naman nawala yun Meg."

Mapait na ngumiti si Meg at hinaplos ang balikat ko.

"Hayaan mo, magiging okay din ang lahat. Nandyan naman si Nicholas di ba? Kahit papano may pang huhugutan ka ng lakas."

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung paano makalimot. Gabi gabi sa pag tulog na iisip ko siya. Kamusta na kaya siya? Nalulungkot din ba siya na hindi ako kasama o wala lang sa kanya na umalis ako? Naiisip niya din kaya ako? Inaasam din kaya niya na sana kami na lang ang nagkatuluyan? Hindi ko maiwasang mag sisi. Sana hindi ko na lang pala siya binitawan nuon. Sana hindi na lang ako umalis sa tabi niya nuong mga panahong nag mamakaawa siyang wag ko siyang iwan. Sana hindi ko tinuloy na iwan siya. Siguro ngayon mayroon na kaming malaking pamilya. Sayang lang. Pinakawalan ko pa kasi kaya ito pati ang mga anak namin, kailangan mag dusa. Ang tanga tanga ko. Wala naman akong ibang gusto kundi ang maging masaya siya eh pero kabaliktaran nun ang naidulot ko sa kanya.

Callum, sana mapatawad mo pa ako. Hindi ko gustong iwan ka. Alam ng dyos kung gaano ko kagustong makasama ka. Ikaw lang ang tanging taong nag paramdam sa akin kung paano maging masaya ng lubusan. Ikaw lang ang nag mahal sa akin ng sobra bukod kay inay kaya sana mapatawad mo pa ako balang araw. Sana balang araw maging masaya ka na ng lubusan. I'm so sorry.




C A L L U M

"Kuya stop! Ang dami mo ng nainom. Ano bang problema mo?" Cass asked. I just stared at my sister. Kanina niya pa ako pinipilit patigilin sa pag inom. Ilang buwan na ang nakakalipas mula nang iwan niya ako. Pagkatapos nun bumalik sa dati ang buhay ko. Hindi na ako pumapasok sa opisina at madalas na uminom. Ganitong ganito din ako nuong una kong iwan ni Kath at ngayong iniwan nanaman niya ako hindi akalaing mas may isasakit pa pala yung ginawa niya sa akin nuon.

Ipinag palit niya ako sa ibang lalaki. Mas pinili niyang makasama yung Nicholas na yun kaysa sa akin na handang ibigay ang lahat para sa kanya. Putangina ang sakit. Sobrang sakit na kahit anong gawin ko hindi ko matanggal yung sakit. Hindi maalis yung kirot sa dibdib ko nang iwan niya ako. Paulit ulit kong tinatanong yung sarili ko, bakit? Bakit niya ako nagawang iwanan? Bakit hindi niya ako makuhang mahalin ng sobra. Ano bang kulang? Ano pa bang kulang sa akin?

Mahal na mahal ko siya eh. Hindi ko na nga alam kung bakit ganito ako kabaliw sa kanya. Bakit sa dinamirami ng babae bakit siya pa? Bakit yung babaeng madalas akong saktan at iwan pa? Nakakagago. Sobrang gago lang.

"Cass?"

"Yes kuya? What is it?"

"Ano bang kulang sa akin Cass?"

"Kuya may ibang babae ka ba kaya kayo nag hiwalay ni Ate Pau? Siya ba ang dahilan kung bakit ka nag kakaganito? Kuya naman. Wag mo namang sirain ang sarili mo para lang sa isang babaeng pumatol sa isang may asawa. Hindi siya ang nararapat na babae para sayo. Kuya, balikan mo na lang si Ate Pau I'm sure mahal ka pa nun kesa naman sinisira mo yung buhay mo sa isang babaeng wala namang kwenta."

"Yun na nga Cass eh, how could a worthless person ruin my life?"

"Cheer up kuya. I know, makakalimutan mo din ang babaeng yun balang araw. Wag mo lang sirain ang buhay mo please. Nandito pa kami nila ate, mom at Dad. Hinding hindi ka namin iiwan."

Hindi ako sumagot at tumingin lang sa malayo. Nasan ka na ba Katharina Perez? Bakit iniwan mo nanaman ako?


Continue Reading

You'll Also Like

46.9K 650 10
Problemado si Yumi dahil patuloy ang pagkalugi ng kanyang negosyo. Bukod doon ay hina-harass pa siya ni Don Antonio Buenavista, ang mayamang negosyan...
34.9K 1K 26
Just an ordinary story of an ordinary girl, and her life as a college student but what if that's not all this story is about? What if she's hiding a...
969K 30.8K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
140K 2.9K 59
She's a total perfect stranger of that thing called LOVE and GOODNESS. Kaya di siya relate sa mga churvaeks ng mga tao dyan sa word na love na yan. B...