Endless Reality (SERIES 2) [...

נכתב על ידי PecheaL

257K 7.7K 817

[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone... עוד

Authors Note:
Prologue
Endless~[01]
Endless~[02]
Endless~[03]
Endless~[04]
Endless~[05]
Endless~[07]
Endless~[08]
Endless~[09]
Endless~[10]
Endless~[11]
Endless~[12]
Endless~[13]
Endless~[14]
Endless~[15]
Endless~[16]
Endless~[17]
Endless~[18]
Endless~[19]
Endless~[20]
Endless~[21]
Endless~[22]
Endless~[23]
Endless~[24]
Endless~[25]
Endless~[26]
Endless~[27]
Endless~[28]
Endless~[29]
Endless~[30]
Endless~[31]
Endless~[32]
Endless~[33]
Endless~[34]
Endless~[35]
Endless~[36]
Endless~[37]
Endless~[38]
Endless~[39]
Endless~[40]
Endless~[41]
Endless~[42]
Endless~[43]
Endless~[44]
Endless~[45]
Endless~[46]
Endless~[47]
Endless~[48]
Endless~[49]
Endless~[50]
Endless~[51]
Endless~[52]
Endless~[53]
Endless~[54]
Endless~[55]
Endless~[56]
Endless~[57]
Endless~[58]
Endless~[59]
Endless~[60]
WAKAS?
OUR ENDLESS HAPPY ENDING
OUR FOREVER REALITY ENDING
EPILOGUE
Authors Note: [MUST READ]
Series 3

Endless~[06]

4.5K 102 2
נכתב על ידי PecheaL


GET TO KNOW

Hazelle's POV,

"Hazelle saan ka ba nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap, Ok ka lang ba?" Bungad agad sakin ni Melanie ng makasalubong ko sya sa hallway.

"Ayos lang ako Mel. Pasensya na iniwan ko nalang kayo doon kanina, kailangan ko lang magpahangin noong oras na yon" paliwanag ko.

"Naiintindihan kita. Kahit kami nagulat sa lahat ng nalaman namin. Noong umalis ka kanina, inalam namin ang lahat tungkol sa RV5" Sagot niya. Agad naman ako naging interesado malaman ang iba pang detalye tungkol sa kanila.

"Anong mga nalaman nyo?" Agad kong tanong.

"Mas mabuti kung mamaya nalang natin ito pag usapan. May klase pa ko, magkita tayo mamaya sa cafe kung saan tayo nagkita nila Lia nung isang araw" sagot nya kaya tumango nalang ako.

Dumaretso narin ako sa klase ko at pinilit na tinuon ang atensyon ko sa teacher namin na ngayon ay nag lelesson.

***

Mabilis natapos ang klase ko kaya agad akong nagtungo sa cafe na sinasabi ni Melanie.

Nang palabas na ko ng school ay hindi ko sinasadyang makasalubong ang grupo na RV5.

Hindi ko nalang pinansin ang mga matatalim nilang titig lalo na ang lider nila na pati ata paghinga ko ay tinitignan nya.

Deretso akong naglakad papalayo sakanila pero agad akong napatigil ng may isang humablot ng pulsuhan ko.

"Ano ba bitiwan mo ko!?" Inis kong sabi sakanya.

"Gusto mong malaman ang tungkol samin diba? Pwes, samin ka mismo magtanong ng lahat ng gusto mo malaman. Believe me Hazelle, mas marami kaming alam kesa sakanila. Kung akala mo kilalang kilala mo sila, nagkakamali ka. Kaya kong sabihin ang hindi nila kayang ipaalam sayo" aniya kaya agad kumunot ang noo ko at tinignan sya ng masama.

"May tiwala ako sakanila. At wala akong balak na kilalanin pa kayo dahil ngayon palang, kitang kita ko na ang mga pag uugali nyo" sagot ko na ikinangisi lalo ng mga labi nya.

Inaamin ko, lahat sila may taglay na kagwapuhan kaya hindi ko pinagtataka ang mga babaeng nagkakagulo sakanila.

"Tandaan mo ang sinabi ko sayo kanina Ms. Mendoza. Alam kong hindi mo pa ko lubusan na kilala kaya babalaan na kita. I'm too dangerous Hazelle, so dangerous that you could fell numerous times" Pagbabanta nya na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko.

"S..sino ka ba talaga?" Nauutal kong tanong at napaltan ang kanyang ngiti ng nakakatakot na ngisi.

"Lincoln Hondeval, the leader of RV5. 4th year college student taking the Business management course" nagulat ako ng marinig sa hindi kalayuan ang boses ni Melanie at lahat naman kami ay napalingon sakanya.

Lincoln pala ang pangalan nya at matanda pala sya samin ng isang taon.

"Thanks for introducing myself Ms. Gandanez" sabi naman ni Lincoln.

Totoo rin ang sinabi nya na kilala nya ang lahat ng estudyante dito.

"Bitiwan mo ang kaibigan ko. Kilala ko na ang buong pagkatao nyo. Please, wag nyo na kaming idamay sa problema nyo, hindi ba pwedeng kalimutan nyo nala-"

"Shut up!" Sigaw ni Lincoln.

"Kalimutan? Ginago ako ng lalaking yun! Ang lakas ng loob nyang angkinin ang lahat ng pag aari ko. Ngayon, ipaparamdam ko sakanya ang pakiramdam ng inaahas ang kanya, at sa ayaw nyo't sa hindi, damay kayo dito" Sagot nito.

"Wag kayong mag alala, sasaluhin naman namin kayo. They'll dump you, will catch you" sabi ng isang lalaki na naka upo sa motor nya.

"Sa tingin nyo naman papatol kami sa inyo? Hell no" sagot ni Melanie at nakita kong ngumisi ng nakakaloko ang lalaki.

"You're turning me on Ms. Gandanez" Pagbibiro niya at kinindatan nito si Melanie.

"I'm taken so fucking switch it off, Mr. Madigan" sagot ni Melanie na ikinagulat ko.

Tumawa ang lalaki at tumayo mula sa pagkaka upo sa motor nya at naglakad papalapit kay Melanie.

"You know me too well Ms. Gandanez. Ngayon palang tayo nagkakilala but damn, you hit me hard already" sabi ng lalaki.

"The hell I care, Hazelle halika na. Nauubos ang oras natin dito" sabi ni Melanie kaya marahas kong binawi ang kamay ko kay Lincoln at agad na kaming naglakad papalayo sa limang lalaki. Pero bago kami tuluyang makalayo ay may sinabi ang isang lalaki na nakapag patigil samin ni Melanie sa paglalakad.

"I assure you Ms. Gandanez, I'm not too scary for you to cry in fear. But I may, shed you tears through pleasure someday" Pahabol niya pa at nagkatinginan kami ni Melanie sa sinabi ng lalaki at nagpatuloy nalang ulit sa paglalakad.

***

Dumaretso kami sa cafe at duon napagdesisyonan na pag usapan ang tungkol sa RV5.

"May halo talagang mga kamanyakan ang mga lalaking yun. Siguro kaya iniwan yung Lincoln na yun ng nobya nya dahil sa ugali nya" komento ni Melanie at uminom ng kape.

"Hindi mo ba natanong ang tungkol don? O sadyang wala talagang nakakaalam sa totoong nangyari sakanilang dalawa?" Tanong ko.

"Bukod sa issue na may relasyon daw noon si Dylan at ang sinasabing nobya ni Lincoln, wala na kong nalaman na iba. Pero kung totoong meron man, hindi ba dapat matagal mo ng alam ang tungkol dito? Hindi naman siguro kayang ilihim sayo ni Dylan ang tungkol dito diba?" Sabi ni Melanie kaya napabuntong hininga ako.

Posible nga ba?

"Bukod kay Lincoln Hondeval na lider ng RV5. May nakalap ka narin bang impormasyon tungkol sa apat na lalaking kagrupo nya?" Pag iiba ko ng usapan.

Tumango naman sya at umayos ng upo.

"Yung lalaking kumausap sakin kanina, sya si Riley Madigan, 4th year collage student din sya at parehas sila ng kurso ni Lincoln. Isa rin sa pinaka sikat na kompanya ang pagmamay ari ng mga magulang nilang dalawa at sa tingin ko ay magkalaban din sa mundo ng negosyo ang mga Chua at Hondeval. Naglalaban ang dalawang kompanya para sa pangalan ng pinaka sikat at nangungunang kompanya sa buong pilipinas. Sa madaling salita, mortal na mag kaaway talaga ang mga Chua at Hondeval" paliwanag ni Melanie.

Sa pag kakaalam ko ay nangunguna ngayon ang kompanya nila Dylan sa buong pilipinas. Tinupad ni Dylan at ni Ate Drianna ang pangako nilang dalawa sa mga magulang nila na hindi pababayaan ang kompanya.

Sa ngayon ay si Ate Drianna ang humahawak ng lahat ng kompanya ng pamilya nila at tinutulungan sya ng tito nila ni Dylan na matalik na kaibigan ng mga magulang nila.

"Ang pinagtataka ko, matalik daw na kaibigan ng mga Chua ang mga Hondeval, dahil tito ni Dylan at Ate Drianna si Mr. Peter Hondeval. Paano naging mortal na magkaaway ang dalawang pamilya kung tumutulong ang mga Hondeval para mapatatag ng mga Chua ang pangalan nila?" Komento ni Melanie.

Napa isip din ako. May pinaplano bang hindi maganda ang mga Hondeval sa mga Chua? Kung meron man, kailangan maging maingat ni Ate Drianna dahil hindi lubos na mapagkakatiwalaan ang taong tumutulong sakanya, may hihingiin itong kapalit.

"Pasensya na, natagalan ako. Saan ka ba nanggaling kanina Hazelle?" Biglang bungad samin ni Lia at tumabi sa katapat kong upuan.

"Kailangan ko lang magpahangin kanina" pagdadahilan ko.

"Nakwento mo na ba sakanya lahat?" Tanong ni Lia kaya Melanie.

"Tungkol kay Lincoln at Riley palang ang nalalaman ko" sagot ko.

"Ang pangatlong myembro ng RV5, pumapangatlo rin ang grado nya sa top 10 students sa buong school. Ang pangalan nya ay Khenz Hilierto. Base sa ibang mga estudyante, sya ang pinaka hinahangaan ng maraming kababaihan dito dahil sa oras na nginitian ka nya, hihimatayin ka na. Pero ang kilig mo mapapaltan ng kilabot pag sumeryoso ang mukha nito, dahil sa oras na magtama ang mga mata nyo, wala ka ng kawala" paliwanag ni Lia.

"Lahat naman talaga sila, dapat katakutan. Dahil kilala lang natin sila sa pangalan at ugali, hindi sa buong pagkatao" komento ko.

"Ang pang apat na myembro ng RV5, Cole Dixon Omarzon. Maraming nagsasabi na sya ang klase ng demonyo na hindi dapat gaano kinatatakutan. Dahil sa lahat ng tao ay malamig ang pakikitungo nya pero matakot ka pag dumampi ang balat mo sa katawan nya, dahil ang malamig makitungo na kilala mo, mag iinit na nagbabagang apoy"

"Ang pang limang myembro ng RV5, Handrix Diamante. Sa buong grupo, sya at si Riley ang kinikilalang mapaglaro sa mga kababaihan. Balita sa buong school noon ang dalawang babae na nagpakamatay sa paniniwalang pinagtaksilan sila ng dalawang lalaki. Pero para kay Riley at Handrix, wala lang yun, dahil ang tingin nilang dalawa sa lahat ng babae ay isang laruan lang na kapag pinagsawaan, ipapamigay nalang sa iba"

"Pero magkaiba ng pamamaraan sa pagkuha ng mapaglalaruan na babae ang dalawa. Si Riley, sa oras na balaan ka nya, katapusan mo na" banta ni Lia na ikinakaba ko at agad akong napatingin kay Melanie.

Yun ba ang sinasabi nyang banta?

"Si Handrix naman, sa oras na hilaan ka nya, magpapahila ka o ikaw mismo ang hihila sakanya?"

Base sa mga kwento nilang dalawa ni Melanie, lahat sila ay may tinatagong nakakatakot na katangian.

Hanggat maaari, kailangan wag muling magtagpo ang mga landas namin. Dahil alam kong sa oras na magkita ulit kami, mangyayari ang lahat ng mga banta nila.

המשך קריאה

You'll Also Like

395K 26K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
4K 4K 39
The story is work of fiction only.
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...