Lady Boss (Completed)

By sexylove_yumi

566K 16.5K 930

Nakita kita noon pero hindi mo ako pinansin. Kaya ang sabi ko, ahh ganoon ha! Challenge accepted. Pero di ko... More

Chapter 1- First Day
Chapter 2- Eye Sore
Chapter 3- Hipon Chronicle
Chapter 4- Lihim ni Juancho
Chapter 5- Mowdel
Chapter 6- I have an idea
Chapter 8- Challenge Accepted
Chapter 9- Concert
Chapter 10- Palit Anyo
Chapter 11- Smooth
Chapter 12- Juancho three
Chapter 13- First Date
Chapter 14- Hindi Ako Aware-Talk
Chapter 15- Simplehan mo Koko
Chapter 16- Tropang Jacob
Chapter 17- Secret Knights
Chapter 18- Yuan and Friends
Chapter 19- Level Up Yuan
Chapter 20- Patient
Chapter 21- Wa...Kapampangan
Chapter 22- Gangster si Ateng
Chapter 23- Damohong Dolor
Chapter 24- Mommy Yumi
Chapter 25- I was a Model
Chapter 26- Sure...Babe
Chapter 27- Let it Go
Chapter 28- Lagot ka, Ara!
Chapter 29- Home
Chapter 30- She is for me
Chapter 31- More than Half
Chapter 32- Sa Wakas
Chapter 33- I'm All Yours
Epilogue
Batang 90s

Chapter 7- Brainy

15.1K 483 15
By sexylove_yumi

Sky

Parang may something dito kay Yuan today. Same pa rin naman ang kabaduyan niya, parang ang smiling face niya ngayon.

Baka nakadilig, Sky.... Sabi ng brain ko.

Oh...please. Shut up brain.

"Goodmorning, boss. Coffee." Nilapag ni Yuan ang coffee sa harapan ko.
"Ano problema mo? Bakit ang saya mo yata?" Nagtatakang tanong ko.
"Ahh... wala naman Boss. Bukod sa tumaas ang stocks ng binili ko last Friday, so pwede ko ng ibenta." Sagot niya.
"You are into stocks exchange?" Manghang tanong ko.
"Yup." Maikling sagot niya.
"So how's the economy, so far?" I challenge him.

"US economy is still stagnant. Hindi magandang mag-invest ngayon sa US. They already reached the pick and the next move will be down. The brokers are now waiting for that downfall. Kapag mababa na ang presyo ng stocks, saka magandang bumili." Sagot ni Yuan.

"Although, bitcoin is now kicking in price, but I don't recommend to buy a virtual coin." He added.
"And why is that?" I asked again. Akalain mo, ang ganda ng usapan. Ganito ang masarap kausap.
"Because there are people behind this that manipulate the value of it." He replied.

Naupo si Yuan sa harapan ko.
"You see ah, you will buy a virtual coin with let's say $10 each. After 10 days it will be $100 each. Too good to be true, right? Hindi nakikita ng ibang economist ang potential failure ng bitcoin. They just focus on the money which they will earn. I knew someone who lost half of his capital because of greed sa bitcoin. Biglang nagdive ang price in just 30 minutes. From $1000 to $1. And when he wanted to withdraw his capital, his bitcoin account was hacked." Sumandal sa upuan si Yuan na parang enjoy na enjoy siya sa topic.

We have the same view sa bitcoin. Mabuti nga at pinakinggan ako ni Kuya at nawithdraw niya ang pera niya agad. Brainy talaga si Yuan, kung hindi lang sarcastic din minsan.

"Anyway, boss, I'll leave you with your work." Ngumiti si Yuan. Pantay-pantay ang ngipin niya.
"Nasa table ko lang ako."

I have a meeting at 10am at masasabon ko na naman ang Head of Finance namin. Kumulo ang dugo ko ng nireview ko ang Blue Book ng company. Pati ang HR tatamaan din.

"Yuan." I phoned my assistant.
"Yes, boss."
"Sabihan mo ang Head ng Finance at HR na huwag malalate sa meeting." I said.
"Yes, boss." Sagot niya.

Nasa meeting room na ang lahat ng kailangan kong tao pati si Kuya ng pumasok kami ni Yuan.

"Para saan ang meeting na ito, Sky?" Tanong ni Kuya.
Naupo si Yuan sa likod ng upuan ko at nakaready na kumuha ng notes.
"Para sa discrepancy sa Finance." I replied. Napatingin sa akin ang Head ng Finance.
"At sa Labour Code."

Napatiim ang bagang ni Kuya.

"Bakit hindi kayo sumusunod sa Labour Code?" Una kong tanong at natahimik ang mga kaharap ko.
"Ang basic pay, ay basic pay... Hindi dapat mababa ang pasahod sa basic pay. Nag-iisip ba kayo? Bakit nakalagpas ito sa HR? Sino ang nagpirma ng memorandum na hindi kayo sumunod sa Labour Code?" Umaakyat ang inis ko sa mga tangang kaharap ko.

Hindi ko makikita ito kung hindi sinend sa akin ni Yuan ang isang report na siya mismo ang gumawa.

"Yuan..."
"Yes, maam." Sagot niya.
"Magkano ang rate ngayon sa planta?" Tanong ko.
"Below basic." Sagot niya.

"Nasa Agency ang decision kung magkano ang pasweldo sa empleyado. Basic rate ang binibigay namin sa Agency, sila ang nagkakaltas." Katwiran ng Finance Head.
"Bakit kayo naka-Agency? Dumadaan pa kayo sa third party. Instead na iuwi ng manggagawa ang buong sweldo, pinapakaltasan nyo pa sa Agency na nakaupo lang sa opisina kagaya nyo." Follow up question ko. Sagad na ang inis ko sa mga ito.
"Para sila ang mag-screen ng manggagawa. Masyadong marami kung tayo ang gagawa." Sagot ng HR.
"Eh kung ihire ko ang head ng agency at ipalit sa iyo? Tutal kaya nyang gawin ang trabaho mo." Tanong ko Sa HR Manager.
"Tanggalin nyo ang mga Contractual, gawin nyong regular ang employee." Utos ko.

"Dadami ang benefits nila. Magkakaroon sila ng sick leave, vacation leave." Katwiran ng HR.
"Madadagdag iyon sa cost ng company." Dagdag ng Finance Head.

"Hindi ang panlalamang sa mga empleyado ang gusto kong gawin nyo para makatipid ang kumpanya sa expencess." Sagot ni Kuya.

"I want a full report ng mga empleyado na dapat matagal na ninyong niregular. In two months, magtransition kayo at tanggalin ang Agency. Kaya nyo?" Seryosong tanong ni Kuya sa kanila.

"Sir Chase, liliit ang kita ng kumpanya." Sagot ni Finance.
"Really?" Nang-aasar na tanong ko.
"Yuan, ano ang benefits ng mga workers sa planta?"
"Thirteen month pay lang maam. Absent without pay sila." Sagot ni Yuan.
"Ang mga nasa office?" I asked back.
"Rice allowance, clothing allowance, birthday bonus, 13th month pay, 14th month pay, sick leave, vacation leave, free travel ticket abroad sa mga nasa managerial position." Inisa-isa ni Yuan ang mga benefits nila.

"Ano ang nasa Labour Code? 13th month, sick leave at vacation leave. Tanggalin nyo lahat ng benefits ng nasa office at ipantay sa mga manggagawa sa planta." Sabi ko.
Unang umangal ang Head ng Finance.

"Sir Chase... Hindi pwedeng basta tanggalin ang benefits na iyon." Sabi ni Finance Head.
"The company will give incentives equally. Gawin nyo ang trabaho ninyo and I want that report in two weeks. Kung hindi kaya ang trabaho, pwedeng umalis ng kumpanya ko. Meeting is adjourn." Sabi ni Kuya.

Tahimik at nakasimangot ang mga Head Department na umalis ng meeting room.

Napailing si Kuya na lumabas ng meeting room. Naiwan kami ni Yuan.

"Yuan..."
"Yes boss." Sagot niya.
"Thank you for that report." I said.
"Welcome, boss." He replied smiling.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 84.7K 38
"A guy needs one kiss from his girl to get back on his feet." Settling down is the last thing on my mind. Kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko sa mga...
7.1K 364 60
"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25...
10.7M 182K 92
[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko ..may POSSIBILITY kaya na MAGUSTUHAN ko...
3.2M 5.6K 3
"You're just my clone! Everything you have right now are all mine! My money my son and most especially my husband.You can never be me and you will ne...