Pagkatapos na pagkatapos namin sumayaw, umuwi na agad ako. Ayoko ko namang magstay doon at panuorin yung sayaw ng iba... Nakakatamad lang...
Si Pao naman, naglakwatsa siya kasama yung barkada niya. Ayos na yata sila.
Nung gabi na, kumain na kami ng dinner. Hindi pa nga nakaka-uwi si Pao, e.
“Sir, gusto ko po sanang magpaalam. Uuwi po kasi sana ako, kung okay lang po..” Paalam ni manang habang kumakain kami.
“Kelan ba?”
“Bukas po sana.”
“Okay.” Ang bilis kausapin ni Dad, ‘di ba? Mabait kasi ‘yan! Tsaka parte na rin ng pamilya si manang.
May bigla tuloy akong naisip.
“Dad, sama po kaya ako kay manang.”
“No.” Sabay-sabay na sinabi ni Dad at ng mga kuya ko.
“May pasok ka.” Sabi ni Dad.
“Wala kang gagawin doon.” Sabi ni kuya Marllo.
“Baka kung anong mangyari sayo.” Sabi naman ni kuya Dave.
“Iistorbohin mo lang si manang doon.” Kilala niyo ang ba ang sabi nun? Kung si kuya Justine ang sagot niyo, tama kayo.
“Sportsfest lang naman po ngayong week. Tapos next week naman po, may seminar po yung ilan sa mga teachers namin at wala rin pong pasok sa Thursday at Friday dahil may maintenance check-up yung school. In short, 2 weeks po walang klase.”
“Lala, baka makaistorbo ka lang doon...”
“I’ll behave, Dad! I promise!”
“Fine. But ask manang first...”
Agad kong pinuntahan si manang nung natapos akong kumain. Ad guess what.... PUMAYAG SIYA!
Madaling araw palang nang gumising ako para maghanda na sa pag-alis namin ni manang. Hinatid pa nga kami ni Dad sa sakayan ng bus, binigyan din ako ni Dad ng pera para hindi naman daw ako masyadong maka-abala kay manang.
Nang makasakay na kami sa bus, may aircon yung bus ha, natulog ulit ako. Malayo-layo pa kasi yung Sitio Palarada, yung probinsya ni manang.
[A/N: Gawa-gawa ko lang yung ‘Sitio Palarada.’ Wala kasi akong alam na probinsya, wala rin akong napuntahan. Kaya ayun...]
“Lala, gising na, hija. Malapit na tayong bumaba.” Gumising agad ako. Ayoko naman kasi maging pabigat kay manang.
Nung makababa na kami ng bus, sumakay kami ng jeep tapos tricycle. May kalayuan ‘yun pero okay lang kasi nag-enjoy naman ako sa biyahe.
“Dito na ho kami, manong.”
Nilibot ko agad yung paningin ko nang makababa ako sa tricycle. Probinsyang-probinsya talaga yung lugar nila manang. Hiwa-hiwalay yung bahay, puro damuhan yung gilid ng mga bahay at maraming puno’t tanim. Yung bahay naman nila manang e may dalawang palapag. Kahoy lang siya at simple lang. Pero maganda siya para sa ‘kin.
Sariwa rin ang hangin, kahit yata magdamag akong tumayo dito okay lang, e. Kuhaan ko kaya ng litrato yung paligid tapos i-display ko sa kwarto? O kaya i-drawing ko yung paligid? Teka, hindi pala ako marunong mag-drawing. Hmm... Sana sa susunod, kung makaka-balik ako dito, makasama ko sila kuya.
“Lala, nakikinig ka ba?” Napalingon agad ako nang marinig ko si manang.
May nakita akong lalaking naka-tayo sa likod ni manang. Matangkad siya at medyo moreno. Medyo mahaba ang buhok at sobrang itim ng mga mata.
“Lala, anak ko pala.... si Roman.” Anak ni manang? Ang.... gwapo.
“Uh... Laphria. Riya tawag sa akin ng iba, pero Lala ang tawag sa akin ng pamilya ko. Tutal anak ka naman ni manang, okay lang natawagin mo kong Lala.” Nagulat ako sa sarili ko kasi ang dami kong sinabi. At sa dinami ng sinabi ko, tumango lang siya.
Tinulungan kami ni Roman na i-akyat yung mga gamit namin. Nag-ayos naman agad ako ng gamit dahil wala akong balak pa na magpatulong kay manang.
Kasama ko sa kwarto si manang. Dalawa lang kasi akong kwarto sa bahay nila, yung isa naman e kay Roman. Nahihiya nga si manang sa akin e, pero ang sabi ko e okay lang naman. Si manang pa talaga yung nahiya?
“Anak, bakit naman walang masyadong laman ang kusina natin?” Narinig kong sinabi ni manang habang nandito ako sa sala nila.
“Hindi naman po kasi kayo nagsabing uuwi pala kayo. Mamimili na lang po muna ako.” Sagot naman ni Roman. Nasa likod ko yata siya. Ayoko namang lumingon dahil nahihiya ako. “At mukhang kailangan kong bumili ng marami dahil may kasama pa po kayong isa pang pala—“ Hindi na nasunod ni Roman yung sasabihin niya dahil pinigilan siya ni manang.
“H’wag kang bastos, Roman.”
Teka, ano ba dapat ang sasabihin niya? Pala..... Palamunin? Ang sakit naman. Mamaya nga sasabihin ko kay manang na magbibigay na lang ako ng share sa pang-bili ng pagkain, tutal malaking halaga naman ang binigay sa akin ni Dad.
“Mamili ka na, isama mo na rin si Lala.”
“’Nay, sa palengke ho ako mamimili. Anak mayaman ‘yang alaga niyo.” Galit yata sa akin si Roman...
“Anak!” Napatingin ako kay Roman, at ang sama ng tingin niya sa akin.
“Tara na.”
Dahil ayoko namang magalit siya sa akin, tumayo na agad ako at sumunod sa kanya. Mukhang malapit lang ang palengke kasi naglakad lang kami.
Nung makarating na kami sa palengke, syempre nag-umpisa na siyang mamili. Medyo naiilang nga ako kasi maya’t maya ang tingin niya sa akin. Gusto niya sigurong tingnan kung mandidiri ako. Well, sorry siya pero hindi ako ganoon.
May mga bumati naman sa kanya habang namimili kami. Mga kaibigan yata ni manang. Tinanong nga nila ako kung sino ako, sinabi naman agad ni Roman na anak ako ng amo ni manang. Puro puri nga ang natanggap ko sa kanila, e. Ngumiti lang ako ng kaunti sa kanila kasi nahihiya ako sa mga sinasabi nila sa akin.
Habang pa-uwi na kami, lahat ng madadaanan naming kakilala niya, binabati ako.
Yukong-yuko ang ulo ko nun hanggang sa maka-uwi kami.
“Balak mo bang idikit ang ulo mo sa lupa? Bakit ba sobra kang maka-yuko d’yan?”
“Baka kasi may pumansin na naman sa akin, e. Naiilang lang ako.”
Mag-isa akong nanunuod sa sala nila manang. Dahil maaga pa para magluto ng hapunan, pumunta muna si manang sa kapitbahay at nangamusta yata ng mga kumare niya. Si Roman naman, nagkukulong sa kwarto niya.
Habang nanunuod ako, bigla na lang tumunog yung phone ko kaya sinagot ko naman agad.
“Hello?”
[LALA!] Inilayo ko agad yung phone ko sa tenga ko dahil sa sobrang lakas na sigaw ni Pao.
“Ano ba, Pao! H’wag ka naman sumigaw!”
[Paano ako hindi sisigaw, e umalis ka lang naman na hindi nagpapa-alam sa akin! Okay lang sana e, kaso hindi mo ‘ko sinama! ‘Di ba sinabi ko naman na sayo na sasabihin mo muna sa akin kapag may pupuntahan ka?! Alin ba doon ang hindi mo naintindihan?!] Kelan kaya siya matatapos sa pagsesermon niya? [O, bakit hindi ka sumasagot?!]
“Tapos ka na ba sa panenermon mo?” Nanahimik na siya kaya nagpatuloy ako. “Pao, nakalimutan ko lang sabihin sayo.... Kagabi lang kasi nagpaalam si manang kay Daddy kaya kagabi ko lang din naisipang sumama. Sorry na..”
[May magagawa pa ba ako, e nandyan ka na?] Mabuti naman at mahinahon na siya. Ang sakit pa naman sa tenga ng boses niya. [Kamusta ka naman d’yan?]
“Okay lang. Ang cute ng bahay ni manang.”
[Hmm. E saan ka matutulog mamaya? May sarili ka namang kwarto d’yan?]
“Share kami sa kwarto ni manang kasi dalawa lang yung room nila dito. Yung isa sa anak ni manang.Nakakahiya nga e, nang-iistorbo pa ako dito.” Hindi nga yata ako welcome dito, e.
[Anak ni manang? Lalaki o babae?]
“Lalaki. Roman yung pangalan.”
[Hoy, soulamte, h’wag mo ako ipagpapalit ha!] Naku, ayan na naman siya. [Nga pala, kamusta naman yung Roman na ‘yun?]
“Si Roman? Mabait siya.” Hindi ko pwedeng sabihin kay Pao na medyo sinusungitan ako ni Roman, baka kasi magalit si Pao at pumunta pa dito at hatakin ako pauwi.
[Weh? Lala, sabihin mo sa akin yung totoo...] Alam niyang nagsisinungaling ako? Ang galing naman niya? Si Pao nga talaga siya...
“Totoo nga. Mabait talaga siya. Lagi nga niya ako kinakausap. Pinakilala niya pa ako sa mga kapitbahay nila. Mabait talaga siya...” Maniwala ka na, Pao. Please.
[Sige na nga. Sabi mo, e. Sige, tatawagan na lang ulit kita. Ingat ka d’yan, okay?]
“Okay. Bye, Pao.”
In-end ko na yung tawag nang biglang pumasok si manang.
“Anong ginagawa mo d’yan?” Nagtaka naman ako kasi nakatingin si manang sa likod ko. Kaya tumingin na rin ako sa likod.
“Tinititigan po siya.” Sinabi niya ‘yun habang nakatitig pa rin sa akin.
Kanina pa kaya siya d’yan? Narinig niya kaya yung mga pinagsasasabi ko kay Pao? Baka mamaya isipin niyang sinungaling ako! Bad shot na naman ako nito!
“Bakit mo naman siya tinititigan?” Kaya nga! Bakit mo ‘ko tinititigan?
“Wala lang po.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yun, pumasok na ulit siya sa kwarto niya.
“Pagpasensyahan mo yung anak ko na ‘yun, Lala.”
Uhh... Weird?