That Cold Guy Is Mine

By erzaaa78

349K 4.6K 299

Si Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate... More

That Cold Guy Is Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Note

Chapter 7

9.6K 242 11
By erzaaa78

Diretso ang tingin ko sa harapan at patuloy na pinipigilan ang pagpikit ng mga mata ko. Shems. Hindi naman ako nagpuyat kagabi pero bakit antok na antok na ako? Okay lang 'to, malapit na rin namang mag-uwian. Last subject na 'tong si Prof.

3... 2... 1...

"Class dismissed." Sa wakas! Tuluyan nang lumabas si Prof habang ako ay naiwan ditong nakaupo pa rin. Inaantok na ako at gusto ko ng umuwi pero parang nadikit na yata ako rito sa upuan ko.

"Beh!" Patakbong lumapit si Elise sa akin dala-dala ang malalaki niyang ngiti. "Pupunta na ba tayo sa inyo?" Halos mapunit na ang labi niya dahil sa ngiti. Sira talaga.

"Bakit, kasama ka ba?" Pang-aasar ko sa kanya kaya nawala agad ang ngiti nito. Nawala yata ang antok ko. Boses siguro talaga ni Prof ang sleeping pills dito.

"E, ang duga mo, beh. Gusto ko lang naman makita si Daen..." She trailed off as she flipped her hair. "My loves." Nakakadiring dugtong niya. My loves talaga? Hindi ba siya pwedeng gumamit ng hindi ganoon kasama pakinggan? Hindi niya ako gayahin na asawa lang ang tawag ko kay Leigh. Hindi masyadong bulgar, right?

"Siguro, ginayuma ka no'n, 'no? Sabihin mo!" Lumapit ako sa kanya at inalog-alog ko siya. Hindi talaga ako makapaniwala na hanggang ngayon ay patay na patay 'to kay Daen. Ano bang espiritu ng katangahan ang sumanib dito?

Natigil ako sa pagyugyog kay Elise nang may tumikhim sa likod namin kaya sabay kaming napaharap doon at nakita namin si Leigh.

Argh! Bakit kasi ang gwapo ng nilalang na 'to? Ang cold niya pero ang hot! 'Yan ang asawa ko.

"Gagawa na ba tayo ngayon ng project?" Maagap na tanong niya. Well, as you see, this is Leigh. Matalino at model student sa lahat at bagay. Lagi pang unang gumagawa ng project.

Ang hirap lang talaga kapag bobo ka tapos matalino 'yong crush mo. Sumpa ba 'to?

Next Friday ang due date. Si Miss Santos ang pinakamaagang magbigay ng due date. Niru-rush niya talaga kami. Thursday pa lang naman. We still have one week.

Ang sabi ni Dad kailangan daw ay ipakita ko si Leigh ngayon pero pwede naman sigurong sa Sabado na lang. 'Wag na umarte si Daddy, aba.

Tumingin ako kay Leigh. "Sa sabado na lang tayo gumawa." I said as I innocently smiled. He just nodded, then turned his back and walked away. Nanatili akong nakatingin sa likuran niya habang papalayo siya.

Ang lamig pa rin ng pakikitungo niya sa akin. Naalala niya pa kaya no'ng niyakap niya ako at hinalikan sa noo? Siguro hindi na. Baka nga nakadrugs lang siya no'n. Kahit naman saan mo tingnan, imposible na magustuhan ako ni Leigh.

Syempre, joke lang. Mamatay na lahat ng magustuhan ni Leigh pwera lang sa'kin! Alam ko, balang araw ay mapapansin niya rin ako. Malay ko ba kung sa Sabado na iyon.

"Tara na, beh?" Tumango lang ako. Pumunta na kaming parking lot, nakita ko na rin si Daen na naghihintay roon at nakasandal sa kotse niyang bulok. Ang pangit talaga. Kasing gaspang ng ugali niya.

Napaaray na lang ako nang may kumurot sa akin. Tanginis. Sinamaan ko ng tingin si Elise sa gilid ko na kilig na kilig.

Ano bang nakakakilig d'yan? Tumaas ang kilay ko sa mga babaeng tumitingin-tingin pa kay Daen habang dumadaan dito, iyong iba ay parang nadikit na yata ang mata kay Daen. Hindi nila alam kadiri silang tingnan. Maraming lumalapit sa akin na babae, lalo na ang mga kabatch ko at umaasa silang ipapakilala ko sila kay Daen pero hindi. Manigas sila.

Hindi ko na lang pinansin at hinila na si Elise papasok sa kotse. Sinigawan ko pa si Kuya dahil mukhang may nakitang biktima na naman. Nakasimangot itong sumakay sa kotse at nagdrive. Naupo kami ni Elise sa back seat.

Hindi kami nag-usap sa loob ng kotse dahil nahihiya 'tong gaga. Baka raw may masabi siyang ikakaturn off sa kanya ni Daen, as if naman ay mayroon. Nagtataka rin ako minsan kay Daen dahil halos lahat naman ng babae ay napapansin niya, pwera kay Elise. Pakipot lang siguro. O dahil siguro nahihiya siya kay Tito at Tita.

Pagdating sa bahay ay nagmano ako kay Mom at Dad. Ganoon din ang ginawa ni Daen at Elise. Mukhang good mood silang dalawa, parang kakauwi lang din ni Dad mula sa trabaho. Hindi naman madalas gabihin si Dad. Minsan ay tine-train niya na rin si Daen bilang kapalit sa pwesto niya. Ewan ko lang kung sineseryoso 'yon ni Daen o dumadamoves lang sa mga empleyado roon. Lalaki ang secretary ni Dad kaya hindi siya makakadamoves doon.

Si Mom ang nagsabing lalaki raw dapat ang secretary dahil tiyak na araw-araw silang mag-aaway kapag babae ang secretary.

"Hi, Tita. Hi, Tito." Bati sa kanila ni Elise.

"Hi, baby!" Masiglang bati ni Mom at agad na umalis papunta sa kusina para ikuha ito ng maiinom.

"Hi Elise, where's Louise?" Tanong ni Dad. Magkaibigan ang tatay ni Elise at ang tatay ko. Balita ko, ex ni Dad si Tita Elainne – nanay ni Elise. Tapos may past din si Mom at Tito Louise – tatay naman ni Elise. Pero mukhang wala na namang kaso 'yon.

"Nasa work pa po." Magalang na sagot niya at bahagyang luminga-linga para hanapin si Daen. Tumango si Dad.

"Pumunta kayo rito sa Saturday. Let's have a dinner." Wika ni Daddy.

"Sige po, sasabihin ko." Sagot ni Elise.

Saturday. Magkakaroon kami ng dinner kasama ang family ni Elise dito sa Saturday.

"Dad." Tumingin ito sa akin at nagtaas ng kilay. "Sa sabado ko na lang po papapuntahin si Leigh, gagawa po kasi kami rito ng project." Dumaan si Daen sa likuran ni Dad at ngumisi ito.

"Talaga ba?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo nga!" Sigaw ko.

"Ikaw, gagawa ng project?" I couldn't help it but to frowned. Nakakabwisit talaga ang mapanlarong boses nitong tuko na 'to.

"Okay. Sabihin mo na rito na rin siya magdinner." Singit ni Dad kaya naputol ang makamandag na tinginan namin ni Kuya.

"Meryenda muna kayo, baby!" Dala-dala ni Mom ang isang tray na may dalawang baso ng juice at ilang sandwich.

Kinuha ko 'yon kay Mom at nagthank you. Sinabi kong aakyat na lang kami sa kwarto ko at doon na mag-uusap. Mas malaya kasi kami ritong makamapagchismis-an. Pumayag naman si Mom basta 'wag lang daw magpapagabi si Elise.

Tumingin muna si Elise kay Daen bago ito tuluyang sumunod sa akin. Martyr talaga ang gaga!

Nilock ko ang pinto ng kwarto ko at pabagsak na umupo sa kama. Kinuha ko agad ang isang sandwich sa platito at kinagatan.

"Beh," nilingon ko si Elise nang tinawag ako nito.

"Oh?" Muli kong kinagatan ang tinapay na hawak ko.

"Nginitian ako ni Daen." Tanginis! Bigla yata akong nabulunan!

"Tubig! Pahinging tubig!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang dibdib ko. Binigyan ako ni Elise ng juice at agad kong ininom iyon. Gaga talaga. Sabi ko tubig, e.

"Grabe ka naman makareact, beh." Komento nito. "Pasalamat ka mabait ako, kundi hahayaan na lang kita mamatay," tumawa pa ito ng parang luka.

"Hindi lang ako makapaniwala." Mahinahon na ako ngayon. Ang OA ko nga kanina. "Baka naman ilusyon mo lang iyon?" Inirapan niya ako at kinuha ang isang sandwich na nasa tray.

"I really saw it, promise! Noong una nga, hindi rin ako makapaniwala na nginitian niya ako pero totoo talaga." Gumulong-gulong ito sa kama ko habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha niya.

"Paglalaruan ka lang no'n." Seryoso kong sabi. Nginusuan niya ako.

"Malay mo naman, 'di ba?" I lifted my shoulder in a half shrug.

Mabilis na lumipas ang oras at dito na nagdinner si Elise. Nakakasuka nga kapag nagkakasalubong ang tingin nila ay ngingitian ni Kuya si Elise. Ano naman kayang nakain ng tuko na 'yon? Para tuloy akong ewan dito na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Nang umuwi si Elise, si Kuya ang naghatid sa kanya. Isa pa, si Kuya rin ang nagpresinta kaya itong gaga, halos mamatay sa kilig at halos mamatay rin ako sa kurot niya sa'kin.

Teka nga, bakit ko ba sila iniisip? Ang kailangan ko ay mag-aral para bukas sa test namin kaso nate-tempt naman ako na magfacebook muna dahil katabi ko lang ang laptop. Nag-online muna ako saglit at saka tuluyang nireview ang mga lessons namin kanina.

Medyo nakakadrain din ng brain cells 'to. Hinilot ko ang sintido ko at humiga sa kama.

Nakakakapagod. Nakakapagod tumakbo sa isip ni Leigh.

Napangisi na lang ako at ipinikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyang nakatulog.

Kinabukasan, medyo nalate ako ng gising. Binilisan ko na lang ang pag-aayos at bumaba na agad ako. Hindi naman ako napuyat o masyadong napagod pero ang himbing ng tulog ko.

Nagpahatid agad ako kay Kuya sa SU, halos lumipad ang kotse niya sa pagda-drive dahil nga parehas kaming male-late na. Nakalimutan niya raw na may demo pala ang teacher niya ngayong araw na ganito kaaga.

Dito lang din naman nag-aaral si Daen, senior high na siya. Roon pa sa kabilang building ang classroom niya. Magkakabukod kasi iyong building ng junior high, senior high at college. Tapos ang lalayo pa ng agwat, may sinasakyan pa silang maliit na vehicle para madaling makarating sa building ng senior high. Pero sa junior high naman kasi bungad lang ng SU.

Hindi na ako nakipag-asaran kay Daen nang mapansin ko sa wristwatch ko na five minutes na akong late. Bwisit! Ganoon ba ako kakupad kumilos ngayon? Sana pala hindi na ako naligo.

Hinihingal akong nakarating sa tapat ng classroom namin. Sarado ang bintana at pinto dahil naka-aircon kami. Pero minsan naman ay binubuksan namin ito at pinapatay ang aircon.

Dahan-dahan kong ibinukas ang pinto. Nagdi-discuss na si Prof. English ang subject namin ngayon, first subject 'to. Nagtinginan din sa'kin ang mga kaklase ko pati si Elise.

"Bakit ngayon ka lang?" She mouthed. Pasimple ko lang siyang inilingan.

"Why are you late?" Malalim ang boses ng professor namin.

"Uh, I woke up late." I honestly said. 

"Why?" Mahinahong tanong nito.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Kainis, pati si Leigh ay nakatingin din sa'kin. "Nagreview pa po kasi ako sa Filipino subject namin, may quiz po kasi kami mamaya." Nakayukong sabi ko na tinawanan ng mga kaklase ko.

"Prof, 'di totoo iyan!"

"Si Coleen magre-review?"

"'Di kapaniwa-kapaniwala."

Sinamaan ko silang lahat ng tingin. Anong karapatan nila para magbigay ng side comments? Mga gagang 'to.

"Quiet!" Sigaw ni Prof kaya biglang natahimik lahat ng kaklase ko. "You may now sit, Miss Montecillo." Sumilay ang isang ngiti sa labi ko at tumango, naupo na rin ako. Tiningnan ko ang mga kaklase kong bano at nginisian sila. Akala niyo, ha.

--

Pinasok ko na ang kotse ko sa loob ng university at pinark sa parking lot, mabuti na lang at may space pa. Medyo late din ako ng dating dahil sa traffic.

Bumaba ako ng kotse ko at naglakad papuntang dean's office. Nakakainis ang ilang babae rito dahil kung makatingin sa akin, akala mo ay kakainin ako ng buhay. Ganito ba talaga kapag ipinanganak kang gwapo?

Napailing na lang ako at idineretso ang tingin ko sa daan. Saan ba ang dean's office dito? Nakakatakot namang magtanong sa mga estudyante rito, baka bigla akong halayin.

"Aray!" May nabangga akong babae. Sinamaan ako nito ng tingin kaya tumaas ang isang kilay ko. "Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan, e." Asik niya. Teka, ba't ako 'yong hindi tumitingin? Kung tumitingin siya, sana hindi niya ako mababangga. Ano 'to, ako pa ang mag-aadjust?

"Saan ba rito iyong dean's office?" Maangas kong tanong. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya.

Niliitan niya ako ng mata. "Bakit ko naman sa'yo sasabihin?" Nakataas-kilay niya ring tanong. Okay, Rhyzhen. Kalma lang, hindi lalaki ang kaharap ko kaya hindi ko pwedeng suntukin.

Napahinto ako sa pag-iisip nang may marealize. Iba siya sa mga babaeng nakita ko kanina. Hindi niya ba ako gusto?

Nilapitan ko siya at hinawakan iyong braso niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Sasabihin mo ba o hindi?" Umiwas siya ng tingin. Napangisi ako ng sikreto.

She's cute.

"Fine. Sasabihin ko na, sumunod ka sa'kin." Hinila niya ang braso niya sa kamay ko at naunang maglakad sa'kin.

Nailang ba siya sa ginawa ko?

Continue Reading

You'll Also Like

45.6K 978 22
Original copy: Start: 07.12.2018 Ends: 07.18.2018 Edited stories is also available at Psicom App. Thank you!
396K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
10.2K 604 44
Once a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"