The Playful Heartbeat

By miss_maxima

27.9K 322 13

Chase is about to take over as president of a gaming technology company founded by his family. He's also popu... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen

Chapter Four

689 20 2
By miss_maxima

"Tell Mr. Ludwig that if he can't schedule a meeting again for his proposal, then we don't have a deal." Rinig  ko nanaman ang boses ni Chase mula sa kusina, may virtual  lunch meeting siya with some people siguro sakanilang kompanya. Kinakabahan nga rin ako sa tuwing tinataas niya ang boses niya dahil baka kung ano ng mangyari sa kanya mamaya. Sa mga naririnig  kong boses mukhang seryoso talaga ang pinag-uusapan nila lalo pa na mukhang galit si Chase. 

Tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ng text mula kay Doc Javier, pinapapunta niya ako sa opisina niya para daw sa result ng ECG ni Chase kanina. Binalik ko ang cellphone sa pocket ng uniform kaso nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Chase pag bukas ko sa  sliding door ng dining

"Why the fuck can't you understand?!" Huminga siya ng malalim nang makita ako 

"Kumalma ka nga, kanina pa umaabot yung boses mo sa labas. Itigil mo na nga yan at kung ano pa ang mangyari diyan sa puso mo." Napakamot siya ng kilay and he clicked something on his laptop. 

"I don't think you have the right to worry about my personal life." Panggagaya niya  sa sinabi ko kanina.

"Then look for a new nurse if you want" Naiiritang sagot ko sa kanya, hindi naman niya siguro nakalimutan kung ano ang trabaho ko diba? "I'll just go to Doc Javier's office" isasarado ko na sana ulit ang sliding door pero nag salita siya ulit

"Why?" He asked. Do I have to explain? Bakit ba ako nag tatanong?

"Kukunin ko lang ang result ng ECG" Isasara ko na sana ulit pero nag salita nanaman ulit siya

"Bakit hindi na lang siya ang pumunta dito?" Naririnig ko pa rin ang mga employees na nagsasalita sa virtual meeting nila, sana naman ay naka mute ang microphone niya?

"Let's not make it a big deal. I will be back later kapag iinom kana ng gamot." Hindi na siya sumagot kaya sinara ko na ang sliding door ng dining. Tumungo na ako sa opisina ni Doc Javier, malayo ang opisina niya sa VIP ward kaya malayo pa ang lalakbayin ko. Sana pala talaga siya nalang ang umakyat sa VIP ward.

Pag karating ko sa tapat ng pinto ay kumatok muna ako ng tatlong beses. Tumambad saakin si Doc Javier na nakasuot ng reading glass at scrub suit niya. Siguro pagkatapos ng therapy test kanina ay dumiretso siya ng operating room, nag lunch na kaya siya?

"I was imagining you entering my office in a scrub suit. Private nurse ka nga pala ngayon. " Umiling akong natatawa sa sinabi niya, inabot niya naman saakin ang isang basong kape.

"Sa susunod na araw sa ER naman ang duty ko" Sagot ko, namimiss ko na rin ang ER. Kahit pa na sobrang crowded at nakakapagod ang shift ko doon ay nakakamiss talaga.

"I am not sure about that because Mrs. Villanueva wants you to be a full-time private nurse of Chase" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, nilapag ko ang kape na kanina inabot niya saakin.

"Hindi yan kasama sa contract. Kailan rin nga ba ang transplant ni Chase? Sigurado ka bang wala pang donor? Bakit hindi nalang sa US magpa gamot?" Umupo si Doc sa kaharap kong single couch

"Dahan dahan lang naman sa pagtatanong, Ms. Carson. When I send them the result of ECG test earlier, Mrs. Villanueva start panicking so Mr. Villanueva said na gagawin ka nalang nilang full-time private nurse para mabawasan ang pag-aalala ni tita."

Ano bang nangyari sa ECG test result at masyadong nag-aalala si Mrs. Villanueva? Pati ako kinakabahan na rin.

"And for Chase's transplant, kapag wala pa ring puso na compatible sa kanya before this month ends, mapipilitan sila na sa ibang bansa nalang gawin ang transplant. I think Chase doesn't agree with that idea. " Napabuntong hininga ako sa sinabi ni  Doc. I don't get  it, siya na nga yung may privilege para mapabilis lang ang pag galing niya, tinatanggihan niya pa. Ano ba talagang problema ng lalaking  iyon? Napipikon ako sa mga pasyenteng ayaw tulungan ang sarili nila.

"I'll try to convince him. What about the ECG result?" Tumayo ulit si Doc at may kinuhang papel sa lamesa niya, that must be the ECG test result. Agad ko naman itong sinuri and  for God's sake it is no good and I don't know how to tell him. 

"See? You see? His heart's wall is just getting larger. Soon the LVAD will not be able to help his heart pump properly." Doc Javier added. 7 minutes palang sa treadmill walking ay umaabot na ang heart rate niya sa 120 - 150 per minute at hindi pa siya tumatakbo non! Kaya naman pala siya hinihingal kanina. 

"I can see you're worried about him" Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Doc Javier, hindi ba normal nalang  naman talaga ang mag-alala sa pasyente?

"He's our patient after all" Tipid lang siyang ngumiti sa sinabi ko "What should I do? Should I prohibit him from working?" Tanong ko ulit pero nakatitig lang siya saakin, may problema ba?

"I'll convince them na palitan ka kung hindi mo kaya. I am worried about you."  Agad akong umiling sa sinabi niya 

"No" Mabilis kong tugon sa sinabi niya, I already started it and I don't think I can sleep at  night knowing that this patient is still suffering. Bakit naman ako nag-aalala kung hindi ako makakatulog sa gabi? Eh lagi naman akong puyat sa night shift. 

"Okay, just tell me if something is wrong." Ngumiti ako at tumango bilang tugon, tumayo na ako mula sa single couch para aalis na ng opisina niya. Kailangan pa uminom ni Chase ng gamot. 

"Are you  free tonight? We should eat dinner together." Natatawa ko siyang tinignan, it just so random na he's asking me for a dinner. 

"Depende, Doc, I am a private nurse and my patient is in critical condition. I'll just text you if I am free later, nandiyan lang naman ang cafeteria sa baba." Kinuha ko ang kape na kanina nilapag ko  sa lamesa para inumin iyon 

"No, hindi sa cafeteria. I want to take you out for dinner. Just the two of us, in my favorite restaurant, if possible. " Naibuga ko ang kape sa bibig ko dahil sa sinabi niya, nasamid pa ako dahil sa gulat. Shit! Nadumihan ko pa ang puti kong uniform! 

"Oh! I'm sorry." Kumuha siya ng tissue sa office table niya at binigay iyon saakin "Gusto mo ba ipa laundry ko ang uniform mo?" Tanong niya  pa pero hindi pa rin ako nakaka recover sa gulat. 

"Nakakagulat ka naman, Doc!" Singhal ko. Hindi naman siguro niya ako  iniinvite for a date, right? Dinner lang naman diba? Pero bakit kailangan  sa favorite restaurant niya pa? 

"You can  just call me Dash. Anyway, just text me if you're free." Tinapik niya pa ako sa braso bago siya umupo ulit sa office chair niya, napakamot nalang ako ng ulo habang palabas ng opisina. Napahawak  ako sa puso ko sa sobrang lakas ng tibok, kailangan ko rin kaya ng ECG test?

"Is that Chase Villanueva's ECG test result?" Napatalon ako ulit sa gulat sa biglang nagsalita nanaman, sa gulat ata ako mamamatay. Pero teka, sino ba ang babaeng ito? Paano niya nalaman ang ECG test result ni Chase? I don't think she's Chase's girlfriend dahil mukhang bata pa naman siya. I guess she's a high school or college student. Napaka mestiza niya, she's wearing a sunglasses, beret cap,  color white long sleeves turtle neck, a pink pencil mini skirt, and a brown boots. 

"I'm so sorry, but who are you?" I asked, tinanggal niya naman ang suot niyang sunglasses at kunot noo na tumingin saakin.

"You don't know me?" Obvious ba? Kaya nga ako nagtatanong. 

"Obviously" I answered, kinuha niya ang cellphone niya at may pinakita saakin na family picture. It's a Villanueva's family picture and she's in there. 

"I am Sophia Chin Villanueva, the younger sister."  Halos hindi ako makapag salita sa gulat, hindi ko alam na may kapatid siyang  babae. Bakit ba hindi pumasok sa isip ko kailanman na kung may kapatid ba siya?

"Oh! I am his private nurse. I'm sorry, I didn't know all the members of your family." Nagsimula na kaming maglakad patungong elevator. 

"Hindi ako nakabisita sa kanya dito dahil may importante akong inasikaso sa Singapore, but I know you are his nurse and I am grateful for that." Napaka mature niya naman magsalita, medyo nakakatakot. "Are you going to be my future sister-in-law?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya, mukha ba akong magiging girlfriend ni Chase?

"You don't have to worry about that because I am just a nurse who's doing her job." Idinikit ko ang ID ko sa elevator scanner para makaakyat kami ng VIP floor. Pinangarap ko rin talaga noon na makaakyat lang ng VIP floor pero ngayon araw araw na akong pumupunta. 

"Sinasabi mo lang yan kasi iba naman ang  gusto mo." Dagdag niya pa kaya kumunot ang noo ko. Magkapatid nga talaga sila ni Chase, pareho sila ng sinabi ngayong araw. 

"Huh?" Medyo naguguluhan kong tanong. Hindi ko naman alam kung ano ang problema nilang mag kapatid kung iba nga talaga ang gusto ko. Dapat ba isipin pa nila yon?

"Nakita kita kanina na kinakalma ang sarili mo habang palabas ng opisina ni Kuya Dash at  namumula ka pa, you like him?"  Napakagat ako ng ibabang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Is my question too personal? You don't have to answer it. I think I already saw you in so--" Naputol ang  sasabihin niya nang tumunog ang elevator at bumukas ito. Tahimik nalang kami hanggang nakarating kami sa VIP room ni Chase, hindi ko na siya tinanong kung saan niya ba ako nakita kahit kinakabahan talaga ako kung saan niya ako nakita.

Malabo rin naman na makita niya ako sa mga magazines ng Carson Medical dahil hindi naman na ako sinasali ng dad ko. Wala na rin naman akong pakielam sa kung sino ang mamamahala ng Highland hospital. 

"Hello" Pagbati ni Sophia sa kuya niya  na ngayon  ay umiinom ng gamot, buti naman at naisipan niya. Lumapit ako sa kanya para  siguraduhin ang  mga ininom niyang gamot, kinuha ko na rin ang patient's chart. 

"Why are you here? How's Singapore?" Nagtatakang tanong ni Chase. Bago naman sumagot si Sophia ay umupo muna siya sa couch. 

"I finished my business as early as possible when I heard you were admitted. Life sucks for you bro...." Agad naman siyang bumaling ng tingin saakin "Or maybe not?" Dagdag niya pa,  what does that  even mean? 

"You  didn't bring anything? Wala man lang pagkain?" Tanong pa ni Chase sa kapatid niyang nags-scroll sa cellphone 

"Kagagaling ko lang ng airport at dumiretso na ako dito just to visit you. My presence should be enough. I am also applying to some universities sa US. " Ganito ba talaga mag-usap ang mayayaman? Inayos ko ang mga gamot ni Chase dahil sobrang kalat, hindi naka arrange!

"Bakit sa US?" Tanong ni Chase pero bago pa man makasagot si Sophia ay nagsalita na siya ulit "I'm not sure what the results of my ECG test are, but it must be bad news. I have a lot of work to do and I'm getting discharged, so I want to go home." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya kaya agad ko siyang nilapitan 

"This is the ECG test result." I said at nilapag ang  papel sa tabi niya "Hindi mo ba talaga uunahin ang sarili mo?" Naiirita kong tanong pero imbes na sumagot siya ay binaba niya ang tingin niya sa parte ng uniform kong may coffee stain 

"What can I do? Hindi ako pwedeng magkulong sa VIP room hanggang makahanap ng donor. I have a life outside of this room." Pagpaliwanag niya habang may hinahanap siya sa closet at nagulat naman ako sa biglang pag-abot niya saakin saakin ng puting white t-shirt

"Ano namang gagawin ko diyan?" Hindi ko naman gusto na pagbawalan siya sa mga gusto niyang gawin, kaso lang ay natatakot akong lumala pa ang sakit niya habang nagtatrabaho siya. Eh kanina nga sigaw siya ng sigaw at masama iyon sa puso niya. 

"Malamang isusuot mo" Wow, wag niyang sabihin na concern siya saakin dahil sa  coffee stain na nasa uniform ko. Hindi na ako nagreklamo pa at tinanggap nalang iyon, hindi rin naman kasi magandang tignan ang suot kong may dumi.

"Your girlfriends are looking for you everywhere. Mariana said she misses you! Isabelle said she loves you! Alicia sai--" Natigilan si Sophia sa pagsasalita dahil tinapunan siya ni Chase ng pillow kaya nahulog ang suot niyang beret cap. Medyo nakaramdam ako ng inis dahil nakalimutan ko nga palang playboy siya, he even keeps on flirting with me. 

"Kaya naman pala gusto mong ma-discharged kasi iba naman pala ang tatrabahuin mo" I sarcastically said. Kumunot naman ang noo niya saakin, lalagpasan ko na sana siya para  sana magbibihis na ako pero agad naman niyang hinawakan ang braso ko. 

"At ikaw iyon"



_______ ♡ _______

Dilated Cardiomyopathy (DCM)- The left ventricle, the primary pumping chamber of your heart, enlarges, leading in dilated cardiomyopathy. Additional parts of your heart are affected in severe conditions. 

Continue Reading

You'll Also Like

884K 75.4K 129
This is the continuation of short story collection 'Love me thoda aur '.
948K 22.8K 43
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
317K 11.9K 81
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...
358K 21.2K 45
π’πœπžπ§π­ 𝐎𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 β˜†|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...