BHO CAMP #7: The Moonlight

By MsButterfly

1.9M 55.3K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... More

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 4: Mission

59.2K 1.5K 83
By MsButterfly


A/N: Thank you sa mga dyosa na nakakakulitan ko sa tweetah pagdating sa mga hugot sa buhay ni Aiere. Kung gusto niyo maki-join sa makabagbag damdaming hugot ni Aiere just tweet #HugotNiAiere, #HugotKoParaKayAiere (Kung trip niyong hugutan si Aiere), or #BHOCAMP7TM.

Twitter accounts: @MsButterflyWP and @BHOCAMPofficial

Instagram accounts: @msbutterflywp and 

AIERE'S POV

Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa ko sa cellphone ko nang marinig ko ang mahinang pag-ungol na nagmumula sa sofa sa harapan ko. He look terrible. Well...his own kind of terrible. Gulo-gulo ang buhok niya na para bang napagtripan siya ng sampung bakla na nagpapractice pa lang maging hairstylist, he's pale as sheet because for sure hindi na dugo ang dumadaloy sa ugat niya kundi alcohol, and his face is all scrunched up as if he's distraught and about to receive the worst hang-over that the god of alcohol, if there is such a thing, can give to him.

Pero ang unfair parin talaga ng mundo. Who will still look good even if being punished from abusing his intake of alcohol? 'Yon na siguro ang in-born talent na pinapamana sa mga rockstar na katulad niya. Kung normal na tao baka hindi na humarap sa salamin pero siya parang parte na lang ng lifestyle niya. He still looks like the rockstar who plays the most unique bass guitar who shouldn't stand out like the vocalist who is the front of the band or the drummer who can't be ignored because of how loud the equipment can be, but still...Archer stands out no matter how he tries to stay in the shadow of the band. How can he even hide his aristocratic face that entices anyone to look at him, his eyes that just make you want to drown in them as if its whispering to you to know its secrets, his hair that you will just love to run your hands through, and his lips....

Stop! Stop, stop, stop!

I admit okay? He's not just a handsome man. He is beautiful. Pero hindi no'n mababago ang katotohanan na kapag binuksan niya ang bibig niya ay nasisira lahat ng ilusyon na nakikita sa panlabas niyang anyo. Because he's irritating and antagonizing.

Hindi ko nga alam kung bakit nandito parin ako. Dapat kagabi pa ako bumalik sa headquarters at basta ko na lang siyang iniwan sa harapan ng bahay niya para gawin siyang midnight snack ng mga lamok at kung ano pa mang insekto. But instead of doing that, pinahirapan ko ang sarili ko na halos kaladkarin siya papasok dito sa villa niya. At dahil hindi ko naman siya kayang dalin sa taas kung saan nandon ang kwarto niya ay dito ko na lang siya ibinagsak sa sofa. I should have left but instead I stayed.

"I'm sorry...I'm sorry Ash."

Kumunot ang noo ko. Malinaw kong narinig ang sinabi niya. He's saying a woman's name in his sleep. He looks so broken that even me who knows so much about being exactly that, feels so much pain in my chest as if I can feel a bit of what's tearing him apart. Hindi ko akalain na magagawa pang makisimpatya ng puso ko sa iba. Kapag kasi nasasaktan ka, kadalasan iyon lang ang kumakain sa buong atensyon mo na hindi mo na magawang makita kung paano din na nahihirapan ang ibang tao sa paligid mo. I can sympathize with people but I can't feel their pain... so it's surprising that I can empathize with this person who is not even my friend.

To be honest, I don't know a lot about him. Ang alam ko lang ay kabanda siya ni kuya at kahit na suplado at pa-mysterious type siya ay hindi maikakailang dumadaan lang ang ilang babae sa kaniya at wala siyang siniseryoso sa mga iyon. He even dated my brother's wife before.

"Hindi...hindi ko nagawa lahat ng kaya ko. It's all my fault..."

Hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko at natagpuan ko na lang ang mga paa ko na dinadala ako papunta sa kaniya. I lean down towards him and before I can stop myself, as if my hand has a life on its own, I reached for his cheek and wipe the tears falling from his closed eyes.

'She's really dead isn't she?'

He asked me that last night. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin but I don't need to be a genius to put things together. He probably lost a person. I just don't know how.

Hindi ko magawang isipin na magkaroon ng isang mundo na wala ang taong mahal ko. Kahit na masakit na isipin siya, na makita ang kahit na ano na nakakapagpaalala sa akin ng mga bagay na tungkol sa kaniya, at makita siya na kasama ang iba...mas pipiliin ko pa siguro 'yon kesa ang gumising araw-araw na alam ko na wala na siya...that he's not somewhere out there happy happy even if not with me.

Siguro noon hindi magagawang pumasok ang isipin na 'yon sakin. I didn't even think that there could be a choice like that. A world with him but not with me...or a world without him at all. But looking at Archer made me think how lucky I am to still have the chance to love Mateo even from a distance, to miss him, to be angry at him, to hate him, and someday...to finally move on.

"You're going to be okay. We're going to be okay." I whispered to him.

Hindi ko alam kung kailan. Hindi ko alam kung paano. Pero hindi naman siguro gano'n kasama ang mundo samin para parusahin kami ng matagal. Alam ko na mahirap isipin na dadating ang panahon na 'yon. I can't even grasp the thought of me facing a day without thinking of Mateo. Nakakatawa man para sa iba na kumakapit parin ang puso ko sa taong matagal ng bumitaw...pero gano' naman talaga diba? Pag hindi ka na ba mahal ng taong mahal mo, automatic na ba agad na mawawala lahat ng nararamdaman mo para sa kaniya?

I don't think so. If that's that easy then maybe my love for his is shallow. We don't just erase all the feelings we have for someone just because they stopped loving us.

Nanatiling nasa pisngi niya ang kamay ko kahit pa na wala ng luha na nagmumula doon. I don't understand why I'm doing this. I know I shouldn't. Pero bakit pakiramdam ko hinihila niya ako palapit ng palapit sa kaniya?

The spell pulling me and trapping me to its web suddenly rip apart plummeting me to reality when his eyes suddenly snapped open. Kasabay ng paninigas ng katawan ko ay ang pagkawala ng pakiramdam sa mga paa ko dahilan para hindi ako makagalaw agad para makaalis. His eyes looks blank as if he's still dreaming which turned into confusion when the sight of me finally registered to him.

"Anong ginagawa mo-"

Napatigil siya sa gagawing pagtatanong nang walang salitang basta ko na lang siyang sinampal. Umalingawngaw ang lagapak niyon sa tahimik na paligid. Napaupo siya kasunod ng malutong na mura at matalim ang mga matang tinignan ako. "What the hell?!"

"W-What the hell ka diyan? Tinulungan lang kita kasi binabangungot ka na! " nauutal na sigaw ko sa kaniya.

Mabilis na lumayo ako at inis na bumalik ako sa pwesto ko para kunin ang mga gamit ko. Lumingon ako kay Archer para sana muli siyang bulyawan pero parang nalulon ko ang sarili kong dila nang makita ko siyang hinuhubad ang suot niya na t-shirt.

"Are you crazy?! Bakit ka naghuhubad diyan?!"

Kunot noong pinagpatuloy niya ang ginagawa habang nakatingin sa akin na lalo pang nagpalala ng sitwasyon. I can feel heat gathering at my cheeks as if it's on fire. Seriously? Hindi ba siya pwedeng pumunta man lang sa kwarto niya para magtanggal ng damit? Dito pa talaga sa harapan ko?

"I smell like stale beer." he said as if that explains everything. "At pwede ba wag ka ngang sumigaw? Pakiramdam ko sinasaksak ang ulo ko sa lakas ng boses mo. Ang sakit na nga ng pisngi ko na basta mo na lang sinampal."

Kulang na lang umabot sa ibang planeta ang kilay ko sa pagtaas niyon sa sinabi ng lalaki. "Wow. Welcome ha? Tinulungan lang naman kita para hindi ka pagsamantalahan ng kung sino diyan sa labas pagbasta na lang kita iniwan o gawin kang three course menu ng mga insekto, pinahirapan ko pa ang sarili ko na ipasok ka dito sa villa mo, at hindi pa ako natutulog dahil daig mo pa ang bata sa likot mong matulog!"

"Stop shouting!"

"Wag mo kong utusan!"

Tinakpan niya ang mga tenga niya pero dahil sa inis ko sa kaniya ay nilapitan ko siya at hinila ko ang isa niyang kamay bago ko siya malakas na hinampas sa dibdib. Napahiyaw siya pero hindi ko siya tinigilan at kung hindi lang siya nakakailag malamang sa hindi duguan na siya sa mga kuko ko na umaabot sa kaniya para kalmutin siya.

"Stop!" he bellowed.

"Ungrateful asshole!"

Sinubukan niyang hulihin ang mga kamay ko pero nakakakawala naman ako agad sa kaniya. "Bakit sinabi ko bang tulungan mo ako? How do you even found me? Akala ko stalker lang ng lalaking 'yon na hindi ka man lang ata naisip saglit pero hindi pala. Stalker ka talaga!"

Pakiramdam ko may kumurot sa puso ko sa sinabi niya. How dare him? "Hindi ako stalker! Mabait lang talaga akong tao kaya pinigilan kitang mabugbog ng malaking mama na 'yon na malamang ginawa ka ng giniling na rockstar! If you didn't look so pitiful crying for your one great love I would have left you there!"

I immediately regret what I said when I saw the demons resurfacing in his eyes as if I just called on them. Tumigil siya sa pagpipigil sakin at malamig ang tingin ang tanging iginawad niya sakin. I can feel the guilt creeping inside me knowing that I shouldn't have said that.

"Leave."

Sanay ako sa pagiging suplado at tahimik niya. Sanay din ako na puro pang-aasar lang ang ginagawa niya pag nagkikita kami. At sanay din ako na wala siyang sasabihin at nananatili lang sa tabi ko para pakinggan ang mga sentimyento ko sa buhay. But for once...it's like I saw head on the part of himself that he controls so much so it won't emerge from the deepest part of his soul where he locked it away.

"Archer...I'm sorry. Nainis lang ako sa sinabi mo-"

Pinutol niya ang sasabihin ko at pormal na nagsalita. "I'm sorry for that and thanks for taking care of me last night. But please, just leave me alone."

I opened my mouth to speak. To say sorry again. But I can see it in his eyes. He mean it. Even though a part of me want to stay, I pushed myself to turn my back to him and walk away.

Hindi ako dapat makielam.Hindi ako dapat nakielam. Wala akong karapatan na alamin kung ano man ang mga bagay na iyon na nagtatago sa likod ng siya na ipinapakita niya sa maraming tao. It isn't my responsibility. I can barely fix myself, what more another person who looks so much broken than I am.




NAPAKURAP ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas ng control room. Kasalukuyan akong nakaunat sa sofa at nakahiga habang naglalaro ako sa cellphone ko. Mabuti na lang dito ko naisipan maglaro dahil walang umiistorbo sakin. 'Yon nga lang hindi din ako masyadong pwede na mag-ingay dahil paniguradong i-e-eject ako palabas dito kahit pa kanina ko pa gustong sumigaw dahil puro feeder ang mga ka-team ko.

This is one of my stress reliever. Ang maglaro ng Mobile Guardians, a role playing game where I can fight together with my team mates and destroy the base of the other team. Nawawala ang stress ko dito kasi pwede akong pumapatay ng paulit-ulit at panggigilan ang mga kalaban ko. Iyon nga lang sa mga ganitong klaseng laro dapat talaga maayos ang mga makakasama mo at makikipag-cooperate as a team. May iba kasi masyadong mayayabang na parang kaya nilang manalo ng mag-isa lang sila.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."

Nag-angat ako saglit ng tingin sa kapatid ko na si Fiere bago ko binalik ang atensyon ko sa nilalaro ko. "Busy ako, kuya."

"Busy saan? Hindi ka naman tumutulong dito."

"Hindi kailangan ni ate Freezale ng tulong."

"True." sabi ng tinutukoy ko na paniguradong tutok lang sa ginagawa niya. Taong control room kasi si Freezale. Kung hindi nga siya magsasalita hindi ko mararamdaman ang presensiya niya. Ang tunog lang na nagmumula sa keyboard niya ang sign na hindi naman ako nag-iisa dito sa control room.

"Pinapahanap ka nila Mama. Gustong malaman kung kamusta daw ang date mo sa Lion na 'yon dahil hindi ka na nila nakita mula ng araw ng date niyo." pagpapatuloy ni kuya na parang wala siyang nariig.

"Leo." pagtatama ko. "Leo ang pangalan niya hindi Lion. At wala naman ako kailangang ibalita kaila Mama dahil wala na kaming balak magkita ulit ni Leo."

"Bakit?"

Sandaling hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil kasalukuyan akong nasa clash kasama ang dalawa kong ka-team. Nag request ako ng back up pero ang mga walang-hiya na dalawa pa naming ka-team eh kasalukuyang nag fa-farm para mapataas pa ang level nila habang kami ay minumurder na ng mga nang ambush samin.

Napanganga ako at napataas ang isa kong paa kasabay ng pagtili ko nang mamatay ang isa kong kasama habang ang isa naman ay tumakbo paalis dahilan para maiwan ako. Nanggigigil na napatayo ako nang tuluyan ng maubos ang life bar ko.

"MGA HAYOP!" Bago pa ako may masabing kung ano pa ay nawala sa kamay ko ang phone ko at sa panggigilalas ko ay hawak na 'yon ni kuya at pinatay niya 'yon. "Kuya! Oh my gosh! Alam mo ba kung anong ginawa mo?! Irereport nila ako! Hindi pa tapos ang laban namin!"

Humalukipkip si kuya na parang hinihintay na kumalma ako at maka-get over sa pagsira niya sa career ko bilang good player guardian. Mababawasan for sure ang points ko at hindi na ako makakapag rank game kung saan madadagdagan ako ng stars. Mapipilitan akong magtiyaga sa game mode na wala naman akong makukuha na kahit na ano maliban sa maliit na coins.

"Isusumbong kita kay papa." nakasimangot na sabi ko sa kaniya.

"Hindi ka kakampihan no'n."

"Kakampihan niya ako kasi favorite niya ko." balik ko sa kaniya.

"Well, isusumbong kita kay mama dahil una favorite ako ni mama. At pangalawa, ang tagal ka na niyang sinabihan na itigil mo ang kakalaro niyan dahil lalo ka lang nagiging war-freak."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Kaya lang naman ako pinagbabawalan ni mama noon kasi nag-aaral pa ko. Hindi kasi ako nakakapag-review kapag busy ako na maglaro. Pinaliwanag ko naman noon na kahit hindi ako mag review papasa ako. But my mother is my mother. Wala naman akong magagawa kapag pinagbawalan niya ako. So to make everything fair for the both of us like how we always resolve issues around the household...gumawa ako ng pinakasimpleng solusyon.

Sa pamamagitan ng pustahan.

I made a bet with her that I will ace all my exams at kapag nagawa ko 'yon may freedom na ako na maglaro kahit anong oras for the whole sem. Knowing my mother, hindi siya nakatanggi at iyon nga...ang ending...

Hindi ko naipasa lahat dahil mababa ang grades ko sa philosophy. I hate that subject because of my male professor who keep on degrading the ability of women. In the end my mother won the bet because I can't keep my head leveled. Sino bang nanalo kay mama pagdating sa pustahan?

"Bakit ka ba nandito? Nagkasawaan na kayo ni Athena?" nakahalukipkip na tanong ko bilang pag-iiba ng usapan, kahit na alam kong imposible ang sinabi ko sa kaniya.

"Hindi. Pinagpapahinga ko lang siya at napagod na 'yon."

Nalukot ang mukha ko kasabay nang pag ikot ni Freezale sa upuan niya para mapaharap samin dahil sa narinig na sinabi ni kuya. Hindi din maipinta ang mukha niya na parang hindi makapaniwala sa narinig na nanggaling mula kay kuya.

"Ang laswa niyo!" nakangiwi kong sabi sa kapatid ko.

Kumunot ang noo niya na parang nagtataka at pagkaraan ay napangiti siya. "Ang dumi ng utak mo. Ang ibig ko lang namang sabihin napagod siya dahil kalilipat lang namin ng ibang mga gamit namin sa new flat na tutuluyan namin dito sa headquarters. We moved to the family area, remember?"

Inikot uli ni Freezale ang upuan na parang nawalan na ulit ng interes sa pinag-uusapan namin at binalik ang atensyon niya sa mga monitor habang ako ay pinigilan na magpakita ng kahit na anong emosyon sa sinabi ng kapatid ko. My room is quite close to my brother kesa sa family area kaya nakakapanibago na malalayo na siya. Pag kasi may kailangan ako kadalasan nakatambay ako sa room niya. Alam ko naman kasi ang password no'n. Birthday namin at birthday ni Athena.

Well, duh. He's married after all and he's starting a new family. Masaya naman ako para sa kaniya talaga. I like Athena and her daughter. But of course I miss my brother...and I envy what he have. Para kasing ang hirap abutin ng gano'ng bagay.

People usually work hard for setting their goals and reaching them; buying a house, car, having a lot of money, succeeding in their careers at kung ano-ano pa. With the right set of mind though, all of that can be possible. Ang mahirap ay ang mahanap ang taong makakasama mo kapag meron ka na ng lahat ng bagay na gusto mo. In the end of the day, those things that symbolizes what we had achieved in life and how we grew in our careers is not the most important thing. Those won't keep the other side of the bed warm, it won't greet you with a hug when you come home, and you won't have anyone to celebrate all the happy moments in your life.

"Whatever." I said to my brother dismissively. "Sabihin mo na lang kay mama na hindi kami nag click ni Leo. Wala pa akong balak makipag-date ulit sa iba kung 'yon ang gusto nilang malaman. Pinagbigyan ko na sila. Leo is a great person but we both decided that being together is quite boring."

Sandaling tinitigan lang ako ni kuya na parang tinitimbang ang katotohanan sa sinabi ko. My twin radar says that he's looking for any indication that Leo did something to set me off. Nang mukhang makita niya namang totoo ang sinasabi ko ay lumambot na ang ekspresyon sa mukha niya. "Fine. Sasabihin ko na lang kaila mama kahit na dapat ikaw ang kumakausap sa kanila. Give those oldies a break. Lagi mo na lang silang pinahihirapang hanapin ka."

"They secretly love it." I told him with a raised eyebrow. "And by the way, you just called them 'oldies'. Isusumbong na kita talaga."

"Right. Para ikaw din ang isumbong ko sa nakita ni Athena at ate Freezale noong isang beses sa security cameras."

Napakunot noo ako at nilingon ko si Freezale na nanigas ang likod nang maramdaman na nakatingin ako sa kaniya. Bahagya niyang ipinaling sakin ang upuan niya. "Wala akong alam diyan."

I looked back at my brother knowing that I won't get any answer from the woman. Kasing lupit 'yan ni Dawn sa pagtatago ng sikreto. "Anong nakita nila?"

"Nothing."

Naningkit ang mga mata ko. Obvious na obvious naman na binibitin niya lang talaga ako para mas lalo akong ma-curious. What can I say? I'm a very curious person. "Kuya!"

Umangat ang sulok ng labi niya na parang natutuwa na naaasar niya ako. "Just you taking advantage of poor Archer."

Pagak na napatawa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi ako pinapagalitan ni kuya ngayon o maiinis ako dahil iniintriga niya ako. "For your information nagpaka-good Samaritan lang ako. Kung hindi ko tinulungan ang Archer na 'yon baka natagpuan niyo na 'yong pumapalaot sa ilog pasig dahil nabugbog na."

"Concern ka?"

"Hindi. Pero concern ako sa ilog pasig."

Tinulak niya ang noo ko gamit ng hintuturo niya. I bared my teeth at him na para bang pinagbabantaan ko siya na kakagatin ko siya pero imbis na tigilan ako ay hinila niya ang naka-pony na buhok ko.

"Kuya ano ba?!"

Tatawa-tawang hinila niya lang ulit 'yon at pagkatapos ay inabot sakin ang phone ko bago ako tinalukuran. Naniningkit ang mga matang sinundan ko siya ng tingin habang nilalagay ko ang phone ko sa bulsa ko at pagkatapos ay mabilis akong tumakbo. Napasigaw siya ng walang babalang tinalunan ko siya sa likod at sumampa ako sa kaniya.

Iginalaw niya ang katawan niya at pumiksi na parang inihuhulog ako pero nanatili akong nakakapit sa kaniya. "Aiere! Get off!"

"Ayoko! You just ruined my Guardian career so you have no choice but to be my slave."

Malakas na hinampas niya ako sa hita bago walang magawang kinarga ako ng maayos, piggyback ride style, at naglakad na palabas ng control room. Sumandal ako sa balikat niya at hinayaan ko lang ma-enjoy ko ang free ride ko.

"Ang bigat mo." angal ni kuya.

"Mukha mo. Ang sexy sexy ko eh."

"Sinong may sabi? Si Archer?"

Hinila ko ang patilya ni kuya dahilan para mapasigaw siya. Kung hindi lang ako nakakapit agad baka bumagsak na ako sa sahig. "Wag mo ngang inaasar sakin ang suplado na 'yon. You know, I was sorry for being mean to him, pero para iwasan ako ng ilang araw? Napakaarte. Siya nga kung makapagsalita below the belt din."

"Oh. I don't think he's avoiding you. Ang alam ko ganitong buwan laging nawawala si Archer. Sabi sakin dati ni kuya Thunder it's a death anniversary of someone close to him. Hindi nga lang namin alam kung sino dahil kahit mga kabanda niya hindi nagtatanong."

Natigilan ako sa sinabi niya. How selfish of me to think that everything is about me? He's probably out there somewhere getting drunk again. Kaya siguro natagpuan ko siyang lango sa alak. Maybe it's because he's mourning for the coming death anniversary of the woman he loved...or still love.

"Kuya, bababa na ko."

Tumigil ang kapatid ko sa paglalakad at binaba ako. Nagtatakang tinignan niya ako pero binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti. "Nakalimutan ko dadaan pala ako kay Dawn."

"Kukuha ka na ng mission?"

"Something like that."

Hindi ko na hinintay pa kung ano ang sasabihin niya at nagmamadaling naglakad ako papunta sa office ni Dawn, ang pinsan namin. Nang makarating doon ay halos manggigil ako sa retinal and body scanner niya dahil sa tagal niyon. When I was finally granted access, I hurriedly went inside where I was greeted of the sight of a large snake inside an aquarium.

Mabilis na umiwas ako doon at gumilid ako para iba ang direksyong daanan ko at nilapitan ko ang pinsan ko na hindi man lang nag-angat ng tingin sa akin. Tumikhim ako para ipaalam sa kaniya ang presensiya ko kahit na alam naman niya na obviously dahil siya ang nagbigay sakin ng access makapasok dito.

"What?" she asked while her eyes are still glued to the papers in front of her.

"May itatanong ako."

"Ahuh."

Napabuntong-hininga ako. Ganto si Dawn normally. Supladita. Sanay na kami sa kaniya. Hindi din siya basta nagbibigay willingly ng mga bagay na gusto naming malaman mula sa kaniya unless may mapapala siya. Kaya mahirap kunin ang atensyon niya dahil masyado siyang busy at kung hindi naman siya ang mag be-benefit sa sasabihin namin ay hindi niya kami masyadong pag-aaksayahan ng panahon. Hindi ko naman siya masisisi kasi talagang sakit kami sa ulo at kadalasan ay mga kalokohan lang ang hinihingi namin sa kaniyang impormasyon lalo na kapag may pustahan kami ng ibang mga agent.

"Kapag sinagot mo ang mga itatanong ko, kukuha ako ng mission. Nang walang angal." sabi ko kahit hindi din ako sigurado sa desisyon ko.

Hindi man lang siya natinag sa ginagawa na para bang hindi parin siya interesado sa sinabi ko. "Hmm?"

"Kahit ilang mission pa ang gusto mo."

Nag-angat siya ng tingin sakin sa narinig na sinabi ko. I tried to cast away the nagging voice in my head that is telling me that I'm making a bad decision. Bakit ba kasi ginagawa ko 'to? Hindi ko naman kailangan malaman ang mga gusto kong itanong sa kaniya. Bakit ba kasi hindi ako matahimik?

Bakit ba iniisip ko siya?

"What do you want to know?" she asked.

"Lahat ng tungkol kay Archer."

Nanatiling nakatingin siya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang naglalaro sa isip niya ngayon pero alam kong sa akin marami siyang nakikita. Unang-una ang kalituhan. Dahil alam ko sa sarili ko dapat hindi ko 'to ginagawa. Dapat na manahimik na lang ako at hindi na dagdagan pa ng kaguluhan ang buhay ko.

Because for some reason, I can feel it. That if I don't stop early...I might found myself being into deep. And I can't do that. Not with a person like him.

"Why?" Dawn finally asked.

"I don't know. Curious lang ako."

Sinarado niya ang folder sa harapan niya at sumandal sa kinauupuan niya na para bang iniisip kung anong susunod niya na gagawin. Pagkaraan ay hinihilot ang sentido na nagsalita siya. "Hindi ko masasagot ang tanong mo."

"What?" I asked incredulously. "I just gave you a deal-"

"I didn't accept."

Hindi makapaniwalang nakatunganga lang ako sa kaniya. Gaano kaimportante ang impormasyon tungkol kay Archer na hindi niya magawang ibigay 'yon basta-basta? I'm an agent. I handled a lot of controversial information. Walang kahit sinong agent, kahit pa ganong kadaldal, ang basta na lang ikakalat ang isang sensitibong impormasyon.

"I already know that someone important to him died."

Tumaas ang kilay niya. "Sinabi niya sa'yo?"

"Yes." Technically he did. Kahit pa na sabihing lango siya sa alak ng mga panahong 'yon.

She looked at me suspiciously and I tried not to smile triumphantly when I saw her open a drawer beside her. May inilabas siya do'n na kulay pulang folder. A mission. Umabot ang kamay ko para kunin sa kaniya 'yon pero hindi niya binitawan ang folder.

"Gusto ko lang malaman mo na alam ko na hindi ka nagsasabi sakin ng totoo. Archer won't tell anyone about it. Kaya nasisiguro ko din na hindi mo alam ang lahat. But I also don't believe that you're here just out of curiosity so I'm quite intrigued what would happen to your relationship with Archer after this."

"Wala kaming relasyon...na kahit na ano."

"Well ngayon magkakaroon na. Dahil ang laman ng file na 'yan ay apat na tao lang ang nakakaalam. Ako, si Triton, si Freezale, at si Archer. Pero kahit si Archer ay hindi alam na may nalalaman na kami tungkol dito. We just found out about this dahil nag background check kami ng mga pumapasok dito sa BHO CAMP lalong lalo na sa Royalty na maraming nalalaman tungkol sa atin."

Napakunot noo ako sa paraan niya ng pagsasalita na para bang gusto kong matakot sa kung ano man ang malalaman ko. I was just expecting a troubled past Archer had. Pero pakiramdam ko ay may iba pa ako na malalaman dahil sa sinasabi ni Dawn.

"You're asking for a deal right? A mission in exchange of information?" Dawn prompted.

"Y-Yes."

"This is the mission."

"Okay...?" I said confused again. I already know that since it's quite obvious sa folde na kinalalagyan no'n.

"And that's also the information that you need." she explained. There's a troubled expression that crossed her eyes but she remained calm. "I just hope you have a strong stomach for this."

Binitawan niya ang folder sa kamay ko at muntik pang dumulas 'yon pero kaagad kong nahawakan 'yon. Pairamdam ko ay may kung anong bumundol sa dibdib ko sa narinig kong sinabi niya. Archer...is a mission?

Sa nanginginig na mga kamay ay binuksan ko ang folder at ang unang pangalan na nakita ko ro'n ay tila isang malaking bagay na bigla na lang dumagan sakin...kinukuha ang lakas at ang abilidad ko na makahinga. A picture of a beautiful young woman is the first thing I saw in the first page with a name written above it.

Ashley Chase.



___________End of Chapter 4.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 73.7K 45
Levi is a notorious playboy; women around him would beg for his attention, that's until he finds himself kissing a woman who happens to be a nun. For...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
2.5K 191 27
[Loving You Epistolary Series #1] Senior high school nang maka-partner ni Veronica Manalo ang six-footer at sikat na si Xavier Gutierrez. Sa maliit n...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...