The Lady in Shining Armor: Mo...

By imbethqui

138K 3.5K 1.1K

Akala ko ligtas na ako nang lumipat ako sa Monte Carlo High School. Hindi pala. NOTE: Not a paranormal story... More

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo High
Author's note
Prologue
I. The New Kid
II. The Roommate
III. Black Day Friday
IV. The News
V. Suspecting Dawn
VI. Guilty Conscience
VII. Transformation
VIII. Let the Games Begin
IX. The Unexpected Hero
X. Challenged
XI. Escape part 1
XII. Escape part 2
XIII. Truth, Lies, Secrets and Weirdness
XV. Cloudy
XVI. Switch Part 1
XVII. Switch Part 2
XVIII. Help
XIX. Problems
XX. Solutions
XXI. JS Prom Part 1
XXII. JS Prom Part 2
XXIII. JS Prom Part 3
A Note From Me To You
XXIV. Monday Mourning
XXV. A Helping Hand
XXVI. Missing Victims
XXVII. Lost and Found
XXVIII. Two Is Better Than One Part 1
XXIX. Two Is Better Than One Part 2
XXX. So Little Time
XXXI. Heart, Heart!
XXXII.The Smart Mouth and The Ice Queen
XXXIII. On The Move
XXXIV. Hesitations
XXXV. Fact or Bluff?
XXXVI. Campaign
XXXVII. Distance
XXXVIII. Miss Monte Carlo High 2015
XXXIX. One More Chance?
XL. The Tributes
XLI. Broken Hearts Part 1
XLII. Broken Hearts Part 2
XLIII. Surprise
XLIV. Espada
XLV. Level Up
XLVI. Last Dance
XLVII. Too Late
XLVIII. Divert
XLIX. The Sacrifice
L. Ice and Blood
Epilogue
What's Next?
Notice To All
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 1
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 2
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 3
The Lady in Shining Armor: Reed University
A Sad Note
not a sad note :)
Cast revamp

XIV. Let Me Give You A Heart Attack

2.4K 63 13
By imbethqui

Uhm...paano ko ba sasabihin ito? I was just having Demi Lovato songs marathon habang sinusulat ko 'to, so ayan ang kinalabasan. I really like her, by the way, she's my idol! Share ko lang yung video niya sa media box, pero wala po siyang kinalaman sa chapter, wala lang, natuwa lang talaga ako. hahaha! Ito na nga, Chapter 14, pasok!

***Dawn's POV***

Bilang dating SC President si Rachel, naniwala ako sa sinabi niyang mabibigyan ako ng sanction for skipping class yesterday. 

"Kahit naaksidente ako?!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Rachel. Paakyat na kami sa dorm room namin mula sa Clinic.

"As I saw Nurse Andrew, galit talaga siya sa ginawa mong pagtakas sa ospital. If a student will be going out of campus due to medical reason, yung school nurse ang mag-se-set ng timeframe na pwede ka lang sa labas, depende sa details na makukuha niya sa ospital. Eh kaso nga, tumakas ka."

Napasapo ako sa noo ko. Patay. Bad shot na ako dun kay Nurse Andrew from now on. Sigh.

"Saan ka ba kasi talaga nagpunta?" Hindi siya titigil sa katatanong nito hangga't hindi ko siya sinasagot. Yan ang mahirap sa roommate kong ito.

"May inasikaso lang ako."

"Ano naman yun?" Tanong niya pa pagbukas niya ng pintuan ng dorm room namin. 

"Hindi mo na dapat malaman. It's something...personal." Dumiretso agad ako sa aparador ko para kunin ang tuwalya ko. I deserved a nice, warm bath. Kung magkaka-sanction man ako, bahala na. Basta nagawa ko kung ano yung dapat kong gawin sa labas. Hindi naman siguro mahirap yun.

"Ano?!" Laking gulat ko sa sinabi sa akin ng Class President namin kinaumagahan nang makapasok na ako sa klase. 

"Sobrang hirap din nito for me, Dawn. Kung pwede nga lang, hindi ko na ibigay sa 'yo 'to, eh. Believe me, my heart's breaking into pieces, too. Napag-utusan lang kasi ako." 

I rolled my eyes at him. "Teka, huwag kang OA. Sanction ko lang yan, hindi naman tayo nag-b-break up or something. Hindi naman tayo to begin with." Kinuha ko ang folder na hawak niya at pinirmahan ang waiver.

"Pwede namang maging tayo pero hindi tayo aabot sa break up part." Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya sa akin. Konti na lang, masasapak ko na 'to kapag pinagpatuloy pa niya ang pag-ngisi ngisi niya sa akin.

"Mukhang hindi mo yata ako naintindihan the first time, Mr. Class President, kaya uulitin ko na lang." I walked closer to him and I saw his face became confused. Nakatingin na din ang ilang classmates namin sa amin bilang wala pa si Sir. "I'm not the type of girl who needs saving from a Knight in Shining Armor. I'm a warrior myself, so please, stop hitting on me before I hit you in your pretty face." Isinaksak ko sa baga niya ang folder na may laman ng pirmado kong waiver. He just stood there frozen.

"Boom panes!" Sigaw ng isa naming kaklase. And the silence was broken by teasing and taunting. Mukhang nagising sa katotohanan ang Class President at itinaas nito ang kanyang kamay para patahimikin ang klase. I was amazed nang tumahimik nga sila. Mukhang nag-e-enjoy sila sa maliit na scene na ito.

Tumingin muna siya sa buong klase at saka tumingin ulit sa akin. Humakbang pa siya palapit hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. Napalunok ako nang madapo ang mata ko sa nakangisi na naman niyang labi. Shit, ang bango pa niya. Dawn, compose yourself! I looked up at him, dahil mas mataas siya sa akin, at nag-focus sa mata niya. 

"Since you got the attention of everyone by your 'attempt' to humiliate me..." He quoted the word 'attempt' in the air. "gagamitin ko na rin ang opportunity." Okay, confused na ako. Ano namang pinaplano mo, Pineda? I shifted weight and crossed my arms over my chest. Nakakailang na itong distansya namin, bakit ba hindi ako makalayo man lang? "Dawn Dominguez here, our fierce little classmate, will be my girlfriend by the end of the school year!" He empasized on the words 'my girlfriend'. He gave me a cocky smile and for the first time, hindi ko alam ang gagawin kong response.

"Boom kilig!" Sigaw pa ng isang kaklase namin. Umingay na naman sa classroom at dun lang ako bumalik sa sarili ko. I shot him daggers pero tila balewala sa kanya lahat ng masasamang titig ko. He cupped my cheek with his right hand and walked towards his seat. Saktong bell na at unti-unti nang nagsi-ayos ang mga kaklase namin. What the hell just happened? 

"Laway mo tumutulo." I noticed that Domingo was standing in front of me. Oo nga pala, sa unahan ko pala siya nakaupo. Jeez...Teka, linya ko yun, ah?! I was about to rebut but our teacher entered the room and Red sat on his chair. I was able to move again and settled on my own seat. God, bakit parang uminit sa classroom namin!

After classes, pumunta agad ako sa Janitor's Room para kunin ang mga gamit na kailangan ko para maglinis ng Gym-- yun ang binigay na sanction sa akin ng Admin dahil sa pagliban ko sa klase maghapon kahapon. Tama ba ito, galing ako sa 'aksidente'! Dala-dala ang mga gamit na kinuha ko, dumiretso agad ako sa Gym para malinis na iyon agad. 

Pagpasok ko sa Gym, saktong katatapos lang mag-PE ng mga first year students. I approached the Janitor and gave him my sanction slip. Kinuha niya iyon at sinabing puntahan ko na lang siya sa Janitor's room kapag tapos na ako para maibigay niya sa akin ang slip na may pirma niya. Nang nakaalis na lahat ng tao, nagsimula na akong magwalis sa mga benches. Ilang oras kaya ako aabutin para matapos ang buong Gym?

Tapos na ako mag-walis at kasalukuyan akong nag-mo-mop sa ilalim ng basketball ring nang may marinig akong tumapong tubig. Agad akong napalingon at uminit ang ulo ko. "Kung may problema ka sa akin, sa labas na lang natin pag-usapan." Mahinahon ko pang sabi. 

"Easy. Wala akong masamang intensyon, Dawn." Nilabas niya ang isa pang mop mula sa likod niya.

"Pinapunta ka ba dito ng walang kwentang Castillo na yun?" Tumigil ako sa pag-mo-mop at humarap sa kanya.

Umiling siya at nagsimulang i-mop ang parte kung saan niya itinapon ang tubig. "Mas mabili kapag ganito ang ginawa mo." Napa-kunot ang noo ko tinitigan lang siya. 

"Anong ginagawa mo, Vargas?"

"Uhh...Nag-mo-mop?" Pa-inosente niyang sagot.

"I know, hindi ako tanga, kanina ko pa nga yan ginagawa. Bakit ka nag-mo-mop?"

He pulled a small paper from his uniform's pocket and waved it at me. "Sanction, Ms. Domiguez." He smiled and continued mopping the floor. Natigilan ako. Anong ginawa niya para magka-sanction? Well, hindi ko naman malalaman yun kasi nga wala ako maghapon dito sa school kahapon. I shugged and continued mopping. Napag-desisyunan naming maghati sa area-- kanan sa kanya, kaliwa sa akin. 

Pabalik na kami sa Janitor's Room nang bigla siyang magsalita, "Yung sinabi ni Vince kanina."

"What about it?"

"Magkakatotoo ba yun?" We stopped in front of the Janitor's Room pero hindi siya kumatok dito. Instead, humarang siya sa pinto at nag-antay ng sagot ko.

"Seriously?" Pagod na pagod na ako at gusto ko nang maligo kaya sasagutin ko na 'to para makabalik na ako agad sa Dorm. "That Pineda is trying to count the stars in the skies by saying that I'm going to be his girlfriend. Not by the end of the school year, not by the end of the world." I answered straight at walang emosyon. 

"That's good to hear."

"What?"

"It's a big challenge for him, you know. For the record, wala pa siyang dineclare na girlfiend sa tanang buhay niya. Lahat pinopormahan lang niya, pero yung mag-declare na girlfriend or soon-to-be girlfriend, wala. It's quite a shock, you know. At ginawa niya lang yun...sa iyo."

"May problema ba sa akin, Vargas?!" Nakakainsulto lang yung pagkakasabi niya nung huling sentence, eh! Nilapitan ko siya at kinuwelyuhan. Wala akong pakialam kahit mas matangkad pa siya sa akin. I could take him on.

"Wala, Dawn. Chill. Kakatok na nga ako, oh." He held my hand tight at inalis ito sa pagkaka-kwelyo sa kanya. Ibinaba niya ito at kumatok na gamit ang kabila niyang kamay. Bumukas ang pinto at lumabas na ang Janitor. 

"Isang slip lang meron ako, dalawa ba kayong naglinis?" Takang tanong ng Janitor. Napatingin ako sa kasama ko at agad niyang nilapitan ang Janitor at bumulong dito. Tumango lang ang matanda at binigay sa akin ang sanction slip ko. Umalis na kami doon pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

"Hindi mop ang kamay ko, Vargas." Napabitaw siya nang sabihin ko iyon. God, kelan niya ba balak bitawan ang kamay ko? 

"Gusto mo bang kumain muna? My treat." I raised my brow at him. 

"I can buy my own food, thanks for the offer. At saka super pagod na ako, baka hindi na ako maka-kain." I walked straight towards the Dorm's direction nang pigilan niya ako sa braso. He looked me straight in the eye and I did the same.

"I trust that you will not let Vince's declaration happen, Dawn." He removed a stray hair off my face and put in on the side. Ang bago ng hininga niya. Bakit sabi ni Rachel nag-yo-yosi siya? Parang gusto ko pang lumapit. I mentally slapped myself and came back to reality. He smiled and waved goodbye bago siya pumunta sa Cafeteria. I was left there standing alone...again! What's with these guys today?! 

I continued walking hanggang sa makarating ako sa gate papuntang Dorm. Pagod na pagod na ako, hindi na ako makapag-isip ng mabuti. Gusto kong maligo ng isang oras tapos matulog! Bakit ba kasi hindi pwedeng mag-take out sa Cafeteria? Haist! 

Paliko na ako sa fence nang may tumawag sa akin. "Dawn." Tumigil ako at lumingon sa pamilyar at walang buhay na boses na iyon.

"Domingo." He approached me and I noticed na may dala siyang paperbag na maliit. Iniabot niya ito sa akin at umalis na papuntang Dorm nila. Ano naman kaya ito? Lumakad na ako papuntang Dorm nang hindi binubuksan ang paperbag. Sobrang pagod na talaga ako.

"How's sanction, Dawn?" Ewan ko kung nang-aasar siya o ano. 

"It was fun." I answered sarcastically. Dumiretso ako sa study table ko at nilapag ang paper bag. Kinuha ko agad ang tuwalya ko at pumasok sa banyo pagka-alis ko ng sapatos at medyas ko. Lulubusin ko talaga itong ligo na 'to.

"May nanliligaw sa 'yo? OMG!" Ang lakas lang ng tili ni Rachel paglabas ko ng banyo. Feeling ko rinig yun hanggang kabilang dorm. 

"Rachel, can you please lower your voice! Nakakahiya, baka anong isipin ng ibang--"

"So who is it?"

"Who's what?"

"Yung manliligaw mo! Gosh, Dawn, I just can't believe it! Not on a negative note, ha? You're cute, you're smart and you have this mysterious aura in you. Kaya siguro in a span of, what, three weeks, may admirer ka na! Yiiii!" Nanlaki ang mga mata ko sa pinag-sasabi niya. She was blushing at talaga kinikilig siya. My God! Why would my love life interest her? As if merong love life!

"Rachel, your mind's playing tricks on you." Pumunta ako sa aparador ko at binuksan ito. I grabbed the most comfortable shirt that I could find and wore my pair of shorts. Sobrang nakaka-ilang pala kapag ganito ang topic. I never had this kind of conversation with anyone, even with Wendy and Anastacia. I was always occupied by school stuff.

"My mind's perfectly fine, Dawn! It's your heart that's playing some tricks!" 

"Rachel, stop it." I shot her daggers. Hindi na nakakatuwa.

"Mmm...okay. So sinong nagbigay ng food sa 'yo kung wala kang manliligaw?" At nginusuan niya ang paper bag sa study table ko.

"Tinignan mo ang gamit ko? That's clearly invasion of privacy." I opened the paper bag and indeed, it's food. Kinuha ko ang styro at binuksan ito-- pasta and clubhouse sandwich. Wow. I didn't know he knew the food to get.

"So...?" I rolled my eyes at her. Seryoso siyang nag-aantay ng sagot. 

"I didn't even know na pagkain pala ito! Basta na lang niya inabot sa akin 'to nung galing ako sa paglilinis ng Gym! Diyan, sa may gate ng dorm kanina!" I sounded defensive.

"Just answer the damn question, Dawn! Sinong nagbigay sa 'yo niyan?"

"Hindi siya manliligaw!"

"Dawn!" She was laughing at me.

"Si Domingo."

"AAAAHHHH!!!" Nag-papa-lakpak siya habang kinikilig. 

"Rachel, please. It's no big deal." I looked at the food at bigla akong nakaramdam ng gutom.

"Uy, in fairness. Mabait talaga yun si Red. Matalino pa saka mayaman. May construction business ang pamilya nila, naku, winner ka dun!" Nakikita ko na ang mga hearts sa mata niya. Ang lakas maka-PBB nito ni Rachel. 

"Sabi ko nga, hindi siya nanliligaw. No one is."

"No one? I doubt that. Alam mo ba'ng kahapon nung wala ka, ang daming naghahanap sa'yo!" She wiggled her eyebrows at me. This is so impossible!

"Naghahanap?" 

"Uy, curious! Oo, ang weird nga, eh. Si Red, Vince at Baste. Grabe, haba ng hair mo! Hahahaha!" Ang ganda nitong babae na 'to, sayang sa pagtawa niya. 

"Sira ulo lang yung mga yun. Baka nag-t-trip lang." I grabbed the clubhouse sandwich and took a bite. I sat on my chair at hinalo ang pasta ko. 

"Exciting na ba ang buhay mo dito sa Monte Carlo?" She smiled as she picked up her book from the floor, nalaglag sa kakatawa niya kanina.

"Walang pagbabago, Rachel. Wala sa bokabularyo ko ang boys." At sumubo ako ng pasta.

"Eh bakit sarap na sarap ka sa pagkaing bigay ni Red?" 

A/N: So, what can you say? Nagka-heart attack din ba kayo? jk! :D

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 377K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
36.6K 1.1K 39
Nabago ang mga pahina. Naging kumplikado ang bawat alaala. Ano nga ba ang nakatakda? Nakatakda na dapat hindi mabago ng anumang mahika. Book 2 of EA:...
158K 4.3K 58
It is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but bein...
10.4K 567 35
do you believe in magic? Do you believe in planet guardians? This is a fantasy story about Akhira who used to live in a human world, now lives in a...