That Cold Guy Is Mine

By erzaaa78

349K 4.6K 299

Si Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate... More

That Cold Guy Is Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Note

Chapter 4

9.6K 271 9
By erzaaa78

"Class dismissed." Matapos sabihin ni Prof ito ay lumabas na rin agad siya.

Hapon na ngayon. Ito na iyong last subject namin kaya uwian na. I'm glad na hindi na ako ulit natawag ngayong araw ng sinumang professor sa kung ano mang recitation iyan. May test kami kanina pero confident naman ako na mataas iyon.

Naglalabasan na iyong iba kong kaklase pero nanatili pa rin ako na nakaupo. Parang tinatamad pa akong umuwi sa bahay. Makikita ko lang ang panget na si Daen at tiyak aasarin na naman ako noon.

"Oy, beh!" Bumalik ako sa reyalidad nang makita ko si Elise sa harap ko. Tiningnan ko lang siya na para bang hindi ako interesado. "'Di ba itu-tutor ka pa ni Leigh?" She tilted her head a bit as she asked. Ngayong sinabi niya 'to, naalala ko rin na tama nga siya. Hindi ko maiwasang mapapikit at kagatin ang labi ko ng madiin.

Paano na 'yan?

"Oo, bakit?" Tiningnan ko siyang muli.

"Sabi niya sa akin kanina no'ng nagrecess ako, pumunta ka na lang daw sa library kapag uwian na." She explained. Tumango naman ako. Hindi kasi namin kaklase si Leigh sa last subject, kaklase niya iyong malandi niyang girlfriend. Pero kapag tuwing Tuesday at Thursday ay magkaklase kami sa last subject dahil Science iyon. Though, araw-araw ang Science subject namin pero magkakaiba ang schedule. "Hindi ka pa pupunta?" Umiling ako.

Ano pa bang dahilan para pumunta? Magmomove on na ako kaya wala na ring kwenta ang pag-aaral ng mabuti.

"Parang tinatamad na ako magpatutor, magse-self study na lang siguro ako." I let out a deep breath and nodded with my thoughts. "Yeah, mas okay na rin 'yong self study, mas payapa sa bahay." When I say payapa, it means there's no Daen.

Kumunot ang noo ko nang tumawa si Elise sa sinabi ko. Nalilito ko siyang tiningnan pero pumalakpak lang siya.

"Ikaw? Self study? Woah! Himala iyan, keep it up!" She amazingly said. Grabe naman 'to sa akin. Kahit naman bobo ako, may balak pa rin ako gumraduate. May pangarap din ako, 'no. Well, si Leigh sana.

"Crazy." Kinuha ko na ang bag ko at sinakbit sa balikat ko, naglakad na ako palabas ng classroom namin at iniwan doon si Elise.

"Oy, teka lang, beh!" Tawag niya sa akin at hinabol ako. "Sa inyo muna ako uuwi. Namiss ko na si Tita, e." Ngumisi ako dahil sa sinabi niya. Ito na ang payback time.

"Weh? Are you sure na si Mom iyong namiss mo?" Tumawa siya ng mahina dahil sa reaction ko. Tiningnan ko siya ng mapanuring tingin ko at bahagyang itinaas ang kaliwang kilay ko.

"Oo naman, syempre namiss ko rin si Tito at..." Hindi niya tinuloy iyong sasabihin niya dahil sa pagsulpot ni Leigh. Aaminin kong nagulat ako pero hindi ko na lang pinahalata.

Magkaroon ka ng isang salita, Coleen! Tama, hindi ito ang oras para maging marupok. Kailangan ko ring maging matatag.

Pero bawal na ba talaga?

Shems! Ang hirap naman kasi nito. Ito na iyong chance para magkalapit kami, e!

"Coleen." What? Parang gusto kong maiyak dahil for the first time, tinawag niya ako sa pangalan ko. Kahit dati pa no'ng elementary kami, hindi niya na ako tinatawag sa pangalan ko kundi Montecillo lang... kaya iba sa pakiramdam ngayon.

Pero... magiging matatag lang. Malalampasan ko rin 'to. Hindi ba?

"Oy, beh, tawag ka." Dahil sa sinabi ni Elise ay natigil ako sa pag-iisip ko. Gusto kong huminga ng malalim pero nakakahiya naman kung gagawin ko iyon. Kailangang kalmado at cool lang. Tumingin ako kay Leigh at tinaasan siya ng kilay.

"Yes?" Ginawa kong cold ang boses ko para hindi mahalatang excited ako – what, seriously?

"Tutor." Ang tipid magsalita. I wonder kung bumabaho kaya ang hininga nito? Kung ganito lang siguro ang lahat ng tao, tiyak na hindi pa ganoon karami ang carbon dioxide sa mundo.

"Uh, ano kasi... baka hindi–"

Elise cut me off. "Magpapatutor ka pala, e! Sige na, okay na ako." Tinulak-tulak pa ako ni Elise at palihim na nginisian. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya na tatanggalin ko na si Leigh sa crush list ko at magmomove on na lang kahit one-sided lang ang relasyong 'to.

"May gagawin ba kayo?" Malamig na tanong ni Leigh. Umiling nang mabilis si Elise. 'Tong bruha na 'to, nauna pa talagang sumagot sa akin.

"Wala, wala kaming gagawin. Sige na Leigh, turuan mo na si Coleen. Pumunta na kayong library." Tumango lang si Leigh at tumalikod na, sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya. Huminga ako ng malalim nang makalayo-layo ito sa akin.

Titigilan ko na siya... pero paano ko magagawa 'yon kung araw-araw ko pa rin siyang makikita? At ang worse pa nito ay makakasama ko siya ng malapit, as in, napakalapit na parang sasabog na ang puso ko!

"Sige na, beh. Sumunod ka na sa kanya..." Lumapit siya sa akin at bumulong. "Next time na lang ako pupunta sa bahay niyo para makita si Daen. Bye!" Bumungisngis pa ito bago tumakbo paalis, napangiti naman ako habang sinusundan ng tingin si Elise.

Hay, nako.

Crush na crush ni Elise ang kapatid kong panget, lagi kong sinasabi na magmove on na siya dahil wala naman siyang mapapala roon pero heto at fighting pa rin siya hanggang ngayon.

Hindi niya ako gayahin na alam na kung kailan dapat sumuko. Duh.

Sumunod na ako kay Leigh sa library. Nakita ko siya sa pinakadulo na nakaupo at nagbabasa ng libro, umupo ako sa katapat niyang upuan at tumikhim.

"Hey, ano ng ituturo mo?" Tumingin siya sa akin at sinarado iyong book na binabasa niya. Ano iyon? Novel? Tumayo siya at sinuli 'yong libro na binabasa niya, may kinuha siya sa isang shelf na libro rin, Science book.

"Chemistry?" Tumango lang ako. Nagsimula na siyang magpaliwanag sa akin, hindi katulad kahapon ay nasasagot ko na ang bawat tanong niya kaya napapatango na lang siya. Pinaghandaan ko 'to, e.

Habang nagtuturo siya, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Gwapo talaga si Leigh. Aaminin kong isa 'yon sa dahil kung bakit na-attract ako sa kanya – normal lang naman iyon. Actually, kung titingnan mo ay iyon ang kadalasang dahilan kung bakit tayo may crush. Pero, bukod doon, gusto ko siya dahil ang talented niyang tao. Ang galing niyang kumanta, maggitara at magpiano.

Grade one pa lang ay magkaklase na talaga kami. Naging crush ko siya noong grade three ako pero mas humanga ako sa kanya noong grade seven kami dahil sa isang play. Walang sanay sa amin magpiano noon kundi siya lang. Ang galing niya lang at ang sarap sa tainga ng bawat pagpindot niya sa keyboard. Kaso noong grade nine kami ay nagkaroon siya ng girlfriend pero hindi naman hadlang iyon para mawalan ako ng pag-asa.

Mahilig si Leigh sa matalino, tingin ko lang naman. Iyong mga nagiging girlfriend kasi ni Leigh ay laging honor student. Sabagay, matalino naman kasi talaga si Leigh. Katunayan, rank 2 namin ngayon ay siya.

Kaya kahit bobo ako, pinangarap ko ring maging matalino. Pero sabi naman ni Dad, hindi naman daw kailangan ng utak sa love – kailangan lang daw na matatag ka at 'yong mahal mo. Iyon daw ang mahalaga.

"That's all, may natutunan ka ba?" Tumingin ako kay Leigh at tumango. Mukhang nasa mood siya ngayon magturo. Hindi ko maiwasang malungkot nang maisip na baka dahil kay Mae kaya siya nasa mood ngayon.

"Pwede bang ano..." I trailed off. Siguro naman ay ayos lang sa kanya.

"Ano?" Nanatili pa rin siyang poker face.

"Hindi na ako magpatutor sa'yo? Alam mo na... magse-self study na lang ako," nakayuko kong saad.

"You sure?" Napatingin ulit ako sa kanya.

"Yeah, para hindi na rin ako makasagabal pa sa'yo." Dahan-dahan siyang tumango. What... kailangan pa talagang tumango roon sa part na makasagabal? Ang mean, ah!

"Hindi ka naman sagabal sa akin. To tell you the truth, teaching you is fun." Natulala ako sa sinabi niya at unti-unting napangiti. Teaching me is fun? Is he saying that he's happy when he's teaching me?

Shems. This feels great!

Ilang saglit lang din ay napanguso ako sa iniisip ko. Masyado akong masaya na nakalimutan kong may girlfriend na siya.

"Tara na," tumayo na siya at sinakbit iyong bag niya kaya tumayo na rin ako. Ang bilis niya maglakad, isang hakbang niya yata ay tatlong hakbang ang katumbas sa akin. Maikli lang ang bitis ko, hintay naman!

"Uuwi ka na ba?" Tanong niya habang nauuna sa aking maglakad. Nagkibit-balikat ako as if nakikita niya ako.

"Ewan ko, bakit?" Tumigil siya sa paglalakad kaya nauntog ako sa likod niya. "Aray naman," hinimas ko ang ulo ko na nabangga sa matigas niyang likuran. Humarap siya sa akin.

"Oh, sorry." Hinipo niya iyong ulo ko. O–kay? "Masakit ba?" Parang natuod ako sa pwesto ko habang ginagawa niya iyon.

Anong nagawa kong maganda at sobrang swerte ko ngayon?

"Ah, e, o-okay lang ako." I'm stuttering! Hindi ko na alam kung paano ako hihinga dahil dito sa sitwasyon namin.

"Sama ka muna sa'kin." Ha? E?

"Saan?" Nagtataka kong tanong.

"Sa may malapit na park. May dumadaan doon na ice cream, ililibre kita." What? Teka, sigurado ba 'to? Bakit hindi pa ako ginigising ni Kuya kung panaginip man 'to?

"Uh–" hindi na ako nakapagsalita nang hilahin niya na ako papunta sa parking lot.

Tanginis. Sa sobrang saya ko, parang hindi na kapani-paniwala!

"Hoy, Coleen!" Agad na nakuha noon ang atensyon ko. Nang makita ko si Daen ay naisip ko na baka panaginip nga 'to.

Bwisit talaga, minsan na nga lang mangyari 'to sa akin ta's kailangan e-extra pa rin siya?

"Oh?" Lumapit siya sa akin pero iyong tingin niya ay na kay Leigh lang.

"Saan ka pupunta? Alam mo bang kanina pa ako narito!" Inirapan ko si Daen. Panira talaga ang isang 'to.

"Syempre, hindi ko alam. Use your brain if ever it's still usable, duh!"  Tinarayan ko ang pagkakasabi.

"Pilosopo ka pa!" Naiinis na sigaw nito.

"Oh, talaga ba!" Nanghahamong sigaw ko rin.

"Aba–"

"Hey?" Sabay kaming napatingin kay Leigh. Ngayon ko lang narealize na narito rin pala si Leigh at nakakahiya! Nakita niya pa tuloy kami ni Daen parang aso't pusa.

"Uh, may pupuntahan lang kami saglit ni Leigh." Paalam ko kay Kuya.

"Saan?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"Secret! Ang daming tanong, e! Tatay ba kita?" Pinanliitan niya rin ako ng mata pero ngayon naman ay pinanlakihan ko na siya ng mata kaya napaismid na lang 'to.

"Umuwi ka agad bago magsix." Tiningnan ko iyong relo ko. Four pa lang naman. Tumango na lang ako.

"Okay, whatever." I gave him a half shrug.

"Coleen!" I rolled my eyes.

"Fine!" Pagsuko ko.

Nang makaalis na si Kuya ay pumunta na kami ni Leigh sa may parking lot kung saan nandoon ang mga motor.

Nagmo-motor pala siya?

Binigay niya sa akin iyong isang helmet. "Close kayo ng kuya mo?" Umiling agad ako.

"Hindi!" Natawa siya.

Teka. Is this for real?

Para akong tangang kinukurot ang sarili ko habang pasakay kami sa motor niya.

No'ng una ay parang nag-aalangan pa akong humawak sa kanya pero hindi kasi ako sanay sa mga motor kaya sa huli ay humawak din ako sa balikat niya.

Pero... naestatwa na lang ako sa kinauupuan ko nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at ilagay iyon sa baywang niya.

——————————————————

A/N: The pronunciation of Daen is, 'Dayen' okie?

-Ms. Kyot

Continue Reading

You'll Also Like

50.7K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
4.6M 15.1K 7
Dennis saw how Rurik secretly adore Rossette which made her challenged to steal the man. The fate must be on her side as Rossette chose her family an...