I'm Into You

By neophyte2012

24.9K 385 228

Romantic love story More

Chapter 1: Don't Give up on Us
Chapter 2: Heartless
Chapter 3: Love at First Sight?
Chapter 4: Love is Real
Chapter 5 : All this Things
Chapter 6: If Eyes Could Speak
Chapter 7: I'm Falling for You...Cupid
Chapter 8: You Got Me
Chapter 9: How I Love the Rainy Days
Chapter 10: I don't have the Heart
Chapter 11: Stuck On You
Chapter 12: What Hurts the Most
Chapter 13: Holding On and Letting Go
Chapter 14: Goodbye
Chapter 15: Why Can't It Be
Chapter 16: New Beginning
Chapter 17: Taking Chances
Chapter 18: Begin Again
Chapter 19: Maybe This Time
Chapter 20: Beautiful In My Eyes
Chapter 21: I'd Rather
Chapter 22: Why do we always hurt the ones we love
Chapter 23: Chasing Pavements
Chapter 24: I Can't fight this feeling anymore
Chapter 26: Bad Day
Chapter 27: Complicated
Chapter 28: There's no easy way...
Chapter 29: Breakeven
Chapter 30: What about now?
Chapter 31: Your Guardian Angel
Chapter 32: Love Always Finds A Way
Chapter 33: Forevermore
Chapter 34: Save You
Chapter 35: It's Over now
Chapter 36: I'm Moving On
Chapter 37: Confusion
Chapter 38: Trouble

Chapter 25: Jealous

645 12 5
By neophyte2012

CHAPTER TWENTY FIVE:  Jealous

NAIA Terminal One

"Dianne!", sigaw ni Gwen pagkakitang-pagkakita sa kaibigan. Tumakbo ito palapit kay Dianne at agad na nagyakap ang dalawa.

"Gwen, I miss you!", tugon ni Dianne na very excited din na makita ang kaibigan.

"Kumusta ka na? Ang ganda mo, grabe!", si Gwen na hindi mapigilang humanga sa kaibigan. Nang umalis ito ay bakas pa sa dalaga ang trauma na dinanas sa dating boyfriend pero hindi na ito mababanaag sa mukha nito ngayon. Masaya na ang aura nito at mukhang nakalimutan na ang masamang karanasan.

"Ikaw nga dyan, you're so sexy!", bawi naman nito. "Si Cris, bakit hindi mo kasama?".

"Hay naku, very busy dun sa business nya!"

"Baka naman may pinag-iipunan na?!"

"Hmmp.. Ewan ko dun! Halika na nga, baka matraffic pa tayo".

Kasalukyang nasa Yap Construction ngayon si Keith para ifinalize ang mga detalye para sa subdivision project. Binanggit na sa kanya ni Trish ang magandang balita noong nasa business trip pa siya. Kasama niya dapat ngayon si Trish subalit tumanggi ang dalaga, may kailangan pa raw itong tapusin para sa ibang project niya kaya si Kate na lang ang isinama nito.

"Congratulation Stan, you really proved na magaling ka, no wonder malaki ang tiwala sayo ng mga empleyado nyo", bati ni Keith sa binata. Tapos na ang kanilang ginagawa at kasalukuyan ng nagmimiryenda.

"It's a group effort Keith. At kung wala rin ang tulong nyo ni Trish, this will not be possible", pagpapakumbaba naman ni Stan. Nadisappoint ito ng hindi nakasama ang dalaga.

"Yeah, Trish is really a huge help in this project. I'm still amazed sa designs nya for this. Nagtataka nga ako at hindi sya sumama ngayon. Dati naman kahit loaded sya ng trabaho ititigil nya yon, just to be here. She love's your company so much. Kung hindi ko lang sya kilala, baka isipin ko na wala na ang loyalty nya sa company namin", natatawang komento ni Keith.

Hindi naman mapalagay sa kinauupuan nito si Kate. Hindi nya nagugustuhan ang takbo ng usapan. Alam niya kung bakit hindi sumama ang kaibigan, iniiwasan nito ang sitwasyong kagaya nito, ang mapagitna kin Keith at Stan. Tila nakikiramdam din naman si Mark, binabantayan nito kung ano ang magiging hakbang ni Stan.

"Mga boss, labas muna kami ni Mark ha, magpapahangin lang", paalam ni Kate kina Keith at Stan. Hinila na nito ang nagtatakang si Mark. Hindi naman nagtanong pa ang dalawang boss, inisip na lang nab aka gusto lang solohin ni Kate si Mark.

"Can we visit the site tomorrow, I want to see it", si Keith.

"Yeah, of course"

"Eh bakit ba hindi ka kay Stan nagpasundo, ha?" si Gwen, sakay ito ng sasakyan ng dalaga pauwi sa bahay nito. Doon muna tutuloy ang kaibigan habang wala pa itong sariling place.

"I want to suprise him, matagal-tagal na rin kaming hindi nagkita. I just want to know if he missed me", paliwanag ni Dianne.

"Eh bakit mo naman naisip na baka hindi ka niya na-miss. Nag-away ba kayo nung umalis sya from States?"

"Hindi naman, kaya lang he seems different sa later part of our relationship. Alam mo yun, yun tipong alam mo na boyfriend mo sya pero parang hindi".

"Ha? pakire-phrase... ang gulo mo ha! Ano ba yan, jetlag?"

"Hindi!... Alam mo yung feeling na he's there but he's not."

"Ay kaloka ka! Dami mo iniisip, just love every moment na magkasama kayo para mawala lahat ng worries mo, okay!"

"Okay, sinabi mo eh!"

Nakabalik na sa JGC Phils sina Keith at Kate, papasok na sa opisina nito si Keith pero pumihit ito para balikan sa table nito si Kate.

"Kate... may nangyari ba nung wala ako?" biglang tanong ni Keith sa sekretarya.

Napatulala lang si si Kate sa harap ni Keith, wala naman talagang nangyari subalit...

"Ahmm... wala naman. Bakit?" tanging tugon nito na kinakabahan pa.

"Nothing", si Keith na bagaman hindi kuntento sa sagot ng sekretarya ay hindi na nagpilit pa. Baka hindi lang niya magustuhan ang sasabihin nito ay mapawi pa ang magandang mood ng binata.

Matapos maibaba ang gamit sa condo unit ni Gwen at hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Dianne. Nagquick shower lang ito at nagpalit ng damit. Nagpahatid ito sa opisina ni Stan na excited ng makita ang binata.

Samantala, lumabas ng opisina nito si Stan upang puntahan sa bawat cubicle ang mga empleyado nito. Ginagawa talaga ito ng binata upang mas makilala nito ang mga empleyado, hindi naman kasi lahat ay nagrereport ng personal sa kanya. Masaya itong nakikipagkwentuhan sa grupo ng mga engineers ng biglang...

"Babe!", tumakbo ito sa direksyon ni Stan at walang sabi-sabi hinalikan sa labi ang nobyo. Dahil sa pagkabigla ay muntikan pang ma-out of balance ang binata kaya't napayakap ito kay Dianne. Mapusok ang mga halik ni Dianne na nakalimutan yata na nasa Pilipinas na siya at wala na sa Amerika. Bahagyang inilayo ni Stan ang mukha sa nobya at tumigil naman ito sa paghalik sa kanya. Nang maghiwalay ang dalawa ay napatingin ang dalaga sa paligid. Ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanila na tila natulala sa ginawa ng dalaga. Medyo nahiya naman si Dianne sa mga ito kaya't bumitaw ito sa pagkakayakap sa nobyo at bumati na lamang sa mga tauhan ni Stan.

"Hi Guys!", si Dianne. Ngunit wala pa rin reaksyon mula sa mga ito na parang naging mga istatwa na lang. Hinawakan naman ni Stan sa kamay si Dianne at hinila papunta sa opisina nito. Nang mapadaan ito sa lamesa ni Tita lucy ay hindi mapigilang simangutan ito ng sekretarya. Hindi naman ito pinansin ni Dianne.

"What are you doing here?", agad na tanong ni Stan matapos maisara ang pintuan ng opisina.

"Surprised!:, masiglang bati ni Dianne

Hindi agad nakapagsalita si Stan, alam niyang dadarating ang dalaga pero hindi nito inaasahan na ngayon ang dating nito. Hindi naman kasi ito nagpasabi. Hindi niya alam ang mararamdaman kung matutwa ba siya o hindi sa pagdating nito

"Aren't you happy?" tanong ni Dianne, medyo disappointed ito sa reaksyon ng boyfriend. Naguilty naman si Stan kaya agad nitong pinasigla ang mood.

"Of course not, nagulat lang ako", sabi pa nito. Ginawaran nito ng halik sa labi ang nobya pagkatapos ay niyakap ng mahigpit, subalit kahit anong higpit ng yakap niya ay hindi pa rin siya lubusan Masaya. Hindi ito maikukumpara sa ligayang nadarama kapag kayakap niya si Trish.

"Kaya nga surprise di ba!" muling bumalik ang sigla nito.

"Sinong sumundo sa'yo?"

"Sino pa, edi si Gwen!".

"You mean alam din ni Cris ito?"

"Yup!" Napakamot na lang sa ulo si Stan. Kailangan nilang mag-usap ni Cris bago pa mahuli ang lahat.

"C'mon. I'll take the day off. Let's eat out", yakag ni Stan.

"Love it!"

Naisipang mag-dinner na nina Keith at Trish bago umuwi ngayong gabi. Habang kumakain ay hindi pa rin mawala sa isip ni Keith ang pagtanggi ni Trish na sumama sa Yap Construction, nadagdagan pa ang isipin niya sa hindi kumbinsidong sagot sa kanya ni Kate. May hinala siya na mayroong hindi sinasabi ang sekretarya.

"Trish, I hope you don't mind if I ask... may problema ba kayo ni Stan? May nangyari ba nung wala ako?", sunod sunod na tanong nito. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Trish, kinakabahan ang dalaga. May alam na kaya ito?

"Ha, bakit mo naman naitanong?"

"Wala naman, nagtataka lang kasi ako. Very unusual kasi yung pagtanggi mong sumama sa mga Yap kanina".

"A yun ba, di ba sinabi ko naman sa'yo na may kailangan pa akong tapusin".

Hindi na muli pang nagtanong si Keith, ayaw niyang pagmulan pa ito ng kanilang away.

"Just don't mind it, nanibago lang siguro ako... Anyway, I asked Stan na samahan ako sa site sa Cavite. Do you want to come with us?"

'Sure!", agad nitong tugon sa boyfriend. Iniiwasan nitong maghinala pa ang binata.

Kinabukasan ay sinundo ni Keith sa condo nito Trish, ang sasakyan na lang ng binata ang gagamitin nila. Magcoconvoy na lang sila nina Stan. Sa isang gasoline station na lang naisipang maghintayan ng mga ito. Pagdating dito nina Trish ay wala pa si Stan. Bumaba muna ang dalawa at pumasok sa isang convenient store. Bumili ng makakain sa daan at pagkatapos ay bumalik na sa sasakya nito. Maya-maya lang ay nakita na ni Keith sa side mirror nito ang sasakyan ni Stan. Kaagad itong bumaba ng kotse at sumunod naman dito si Trish.

Bago pa bumaba ng sasakyan nito si Stan, ay naaninag na ni Trish na may kasama ito, at isang babae. Pagbaba ni Stan ay nagbukas din ang pintuan sa passenger seat at bumaba ang isang napakaputing babae, tinanggal nito ang suot na shade at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.

Hindi pamilyar sa kanya ang babae pero malakas ang kutob niya na ito si Dianne, ang girlfriend ni Stan. Hindi niya maintindihan pero bakit parang gusto na niyang magpaalam at umuwi na lang. Alam naman niyang may girlfriend ang binata pero iba pala ang pakiramdam pag kaharap mo na ang babaeng may higit na karapatan sa lalakin mahal mo.

Lumapit dito si Keith at nakipagkamayan kay Stan, sinalubong din naman ito ng huli. Lumapit naman si Dianne sa nobyo at ikinawit ang kamay nito sa baywang ng binata, inakbayan naman ito ni Stan.

"Si Dianne, girlfriend ko", casual na pagpapakilala nito kay keith. Nakipagkamay namang ang dalaga dito. Samantala hindi naman umaalis sa tabi ng pintuan ng sasakyan si Trish. Nagmamasid lang ito sa mga kasama, subalit bakit parang may kumurot sa puso ng dalaga ng ipakilala nito si Dianne. Girlfriend ko.... Girlfriend ko... Girlfriend ko... Hindi na nito namalayan na tinatawag na pala siy ni Keith. Lumapit ito sa binata at kaagad naman hinawakan ang mga kamay nito

"Eto naman ang girlfriend ko, si Trish", pagpapakilala naman nito sa dalaga. Lumapit dito si Dianne at nakipagbeso kay Trish.

"Nice to meet you Trish... wait... Trish... Trish... you're name sounds familiar. Parang madalas kang binabanggit ni... tama! Si Jeric! I used to hear a lot about you because of Jeric, tama ba?". Tumango naman dito si Trish.  "I thought kayong dalawa ang magkakatuluyan, he seems so in love you with you, base sa mga kwento nya".

Tila napapahaba na ang kwento ni Dianne at malayo-layo pa ang kanilang lalakbayin kaya't sumingit na si Stan.

"I think we have more time for that, kailangan na nating umalis baka gabihin na tayo sa daan".

"I think you're right", sang-ayon naman ni Keith at sumasakay na nga ang mga ito sa kanya-kanyang sasakyan.  

Buong biyahe ay tahimik lang si Trish, hindi nia mawari pero parang sumama ang pakiramdam nito. Agad naman syang tinanong ni Keith.

"Trish, okay ka lang ba? Kanina ka pa walang imik dyan ah"

"Okay lang ako, medyo sumakit lang ang ulo. Itutulog ko nalang muna siguro ito", at pumikit na nga ang dalaga. Hindi naman nito muli pang tinanong si Trish.

Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Dianne na hindi si Jeric ang naging boyfriend ni Trish.

"Hindi mo nga naman talaga alam ang destiny mo no, yung inaakalang mong sya na, hindi pa pala. Look at Jeric and Trish, Jeric was so in love with her na halos wala ng bukang bibig kundi si Trish, tapos wala rin pala. But good for Jeric kasi atleast nagkaroon siya ng inspiration kay Trish at nagkaroon sya ng direksyon sa buhay. Akalain mo bang magiging doctor ang lokong yon! I can't wait to see that guy! Visit tayo sa clinic niya pagbalik natin from Cavite ha".

Tila hindi naman nakikinig si Stan sa mga sinasabi ni Dianne, lumilipad ang isipan nito patungo kay Trish. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip ang nararamdaman ngayon ng dalaga. Napansin namanni Dianne ang paglipa ng isipan ni Stan.

"E hindi ka naman nakikinig eh, kanina pa ako salita ng salita dito", himutok ni Dianne.

"Ha? Ano ba yon?"

"Ang sabi ko bisitahin natin si Jeric pagkagaling natin ng Cavite"

"Sige".

Nang makarating sa site ay kaagad na bumaba si Trish, excited itong muling makita ang lugar. Subalit nadismaya lamang siya ng makita ito. Bahagyang nasimulan na ang kalsada nito kaya't naputol na ang ilang mga puno, napalitan na rin ng simento ang mga damuhan dito. Wala na rin syang nakikitang mga baka na nanginginain ng damo. Nagbago na ang lugar, hindi na maganda tulad na dati.

Sumunod dito si Keith at pinagmasdan din ang lugar, Nasa tabihan nito si Stan.

"Mukhang malaki ang lugar, maganda para sa idedevelop na subdivision", si Keith na mukhang natuwa naman sa nakita.

"C'mon, I'll show you around", yakag naman ni Stan kay Keith. Nagpaiwan naman si Trish at maghihintay na lamang doon.

"Matagal na ba kayo ni Keith?" si Dianne, nilapitan pala nito si Trish.

"Ikaw pala.. ilang months pa lang"

"Ah talaga... but you look good together"

"Thank you"

"Ahmmm... i hope you don't mind pero hindi lang talaga ako mapakali. What happened to you and Jeric?"

"Yun ba, we became good friends. Sa simula pa naman yun lang ang tingin ko kay Jeric, nagtry din naman ako na subukan na magustuhan siya pero, friendship lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya eh. Naintindihan naman nya, kaya ngayon best of friends na kami".

'Well good for the both of you, bihira kasi yang ganyan. Kami naman ni Stan, friends muna bago naging kami. Okay din, kasi maganda ung foundation, kaya if ever na hindi talaga kami for each other sana ma-maintain pa rin naming ang friendship."

"Gaano na ba kayo katagal?"

"One year and three months"

"Matagal na rin pala, so it means maganda talaga ang foundation nyo"

"I want to think that way, Kaya lang..." hindi na tinuloy pa ni Dianne ang nais sabihin. Tumingin dito si Trish at napansin niya ang lungkot sa mga mata nito.

Hindi rin nagtagal ay bumalik na sina Stan at Keith. May kasama itong ilang kalalakihan na tila masayang nagkukwentuhan habang naglalakad, may mga bitbit pa itong banancue at kinakain sa daan.

Nakilala ni Trish ang mga paparating kaya't nginitian niya kaagad ang mga ito. Ito rin ang mga trabahador na una nilang nakilala ni Stan 2 years ago.

"Ay... kasama nyo po pala si Ms. Maganda at dalawa na sila", sabi ng pinkabatang trabahador.

Natawa naman si Trish sa komento nito, hindi pa rin nagbabago ang trabahador, madaldal  pa rin ito. Iniabot ni Stan ang bitbit na bananacue sa dalawang dalaga. Muling nagsalita ang traahador.

"Ms. Maganda, buti po nakasama kayo. Akala naming iba na po ang mamamahala dito?"

"Pwede ba naman yon, sinimulan natin 'to kaya tatapusin din natin na magkakasama!", turan ni Trish. Masaya ito na muling makita ng mga trabahador.

"E kumusta na po kayo ni Engineer Stan, sinagot nyo na po ba?", hindi inaasahang tanong ng trabahador. Nahinto tuloy sa pagkagat sa bananacue si Stan. Napatingin ito kay Trish na natigilan din.

Hindi naman  kumibo sina Dianne at Keith at inaabangan ang magiging reaksyon ng dalawa.

                        "Jealous of the one who's arms are around you...

                        If she's keeping you satisfied...

                        Jealous of the one who finally found you...

                        Made you sun and your stars collide...

                                                            (Jealous by Nina)

Continue Reading

You'll Also Like

425K 17.5K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
Wattpad App - Unlock exclusive features