That Cold Guy Is Mine

By erzaaa78

349K 4.6K 299

Si Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate... More

That Cold Guy Is Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Note

Chapter 3

9.4K 294 10
By erzaaa78

"Picture with my boyfriend, I love you, hubby."

Wait, what the hell is this? Kailan pa siya nagkaroon ng karapatan na tawaging hubby ang asawa ko? When I say asawa ko, it's Leigh! He's mine only, duh? Am I doing a mistake here?

Pero, kung iisipin ko. Paano naman nakakuha si Mae ng picture ni Leigh at saka bakit parang totoo 'yong edit niya? Ha! Hindi ako maniniwala na nagkaroon ng chance 'tong bruha na 'to sa asawa ko. But, what if? Paano kung boyfriend niya nga talaga si Leigh?

Teka, hindi pwede iyon. Bakit hindi ako updated? Shems. Ano bang nangyayari sa mundo? Akala ko ba para sa akin 'tong araw na 'to? Ang sarap pagbuhulin niyang mga buto ng bwisit na Mae na 'yan!

Binasa ko iyong mga comment pero bago iyon ay nagreact muna ako ng sad. Tutal ay mukhang hayok naman sa reacts itong si Mae. Well, siya ang tinatawag na queen bee sa school dahil sa siya ang nanalo noong nakaraang pageant ng school namin. Wala naman akong pakialam no'ng una as long as wala akong kaagaw kay Leigh... pero mukhang nag-iba na ang lahat ngayon.

Queenie: Stay strong!

Carl Monteverdi: Ayieeeee ang sweet!

Layne Zy: Woah! Bagay na bagay kayo, Mae.

Hindi ko maiwasang iikot ng 360° ang mata ko habang binabasa ang mga putspang comment na 'to. Kaya nagiging toxic ang Facebook, e! 'Yong mga basura ay nilalagay pa nila sa comment section. Akala mo naman talaga sweet. Anong sweet d'yan, e, nakaakbay lang naman? Isa pa, walang forever, duh.

Well... may forever, kung sa akin mapupunta si Leigh.

Pero, tama nga? Si Mae at Leigh na talaga? Dapat na ba akong mawalan ng pag-asa? Pero 'di ba ay wala pa namang cino-confirm si Leigh na sila na nga ni Mae, so, it means na may kaunting pag-asa pa rin.

Yeah, hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Ang araw na ito ay ginawa para sa akin.

Maya-maya ay naagaw ng atensyon ko ang isang notification na nagpop up sa screen ko. 

'Mae mentioned you in her comment...'

Ano namang kailangan sa akin nitong gaga na 'to? May pamention pang nalalaman, magpapareact ba na naman ba sa kung anong beauty contest 'yan?

Mae: Coleen Montecillo, bakit sad?

I clicked the reply button. Napaismid ako habang nagta-type, napakaarte naman nito, nagreact na nga tapos ayaw pa? Kung ito lang din ang magiging girlfriend ni Leigh, e 'di sana ako na lang ang pinili ni Leigh!

Ang tali-talino niya tapos hindi niya alam na siya ay para sa'kin lang?

Coleen Montecillo: Ayaw mo ng sad? Haha gusto mo?

Wala naman akong balak patulan 'tong si Mae pero masyado niyang hinihila ang trigger para mainis ako. Maya-maya lang ay nakita kong nagreply siya kaya agad kong pinindot ito..

Mae: Oh, sorry, I forgot na bitter ka nga pala, BOYFRIEND ko na kasi si Leigh.

Nako, nako! Iyang mga naka-one name talaga sa Facebook ang sarap pagtitirisin! Halos lumubog na ang isa sa mga key ng keyboard ng laptop ko dahil sa diin ng pagkakapindot ko. Ang sarap isaksak sa baga niya 'tong laptop.

Kung boyfriend niya si Leigh, e 'di boyfriend niya! Alam ko namang maghihiwalay rin sila agad. Jowa now, iyak later. Karmahin sana siya!

Nagreact na lang ako ng haha sa reply niya at nilog out na iyong Facebook ko. Kung alam ko lang na masisira ang araw ko dahil sa profile picture ni Mae, e 'di sana ay natulog na lang ako.

Masama ba kasing umasa na baka may chat sa akin si Leigh kahit papaano? Malay mo naman gusto niya pala akong kamustahin kung nasa utak ko pa ba 'yong mga itinuro niya. Well, nakita ko nga si Leigh sa Facebook pero sa masama – napakasamang paraan naman.

Tinabi ko na iyong laptop ko at humiga na sa kama. Nakakapagod ang araw na 'to kahit wala naman akong masyadong ginawa – pero masyadong marami akong emosyong naramdaman ngayon. Sana panaginip ko na lang 'to.

Kinabukan, medyo tanghali na ako nagising, pinagalitan pa ako ni Mom dahil gabi na raw siguro ako natulog kaya napuyat ako. Kasalanan kasi 'yon ni Mae at ni Leigh – nagtaksil siya sa akin.

So, hindi nga edited 'yong picture nila? Sa ngayon, ang ipagdarasal ko na lang muna ay ang malinaw ang isipan ni Leigh. Siguro, naguguluhan lang siya kaya aksidente niyang napili ang maling desisyon.

"Oh, narito ka na, panget." Inirapan ko iyong Kuya kong tuko. Ang aga-aga ay ang lakas mang-inis na naman, hindi niya ba napansin na badtrip ako ngayon?

"Thanks. Bye, tuko." Mabilis akong humakbang palabas ng kotse at tumakbo na papuntang hallway. Tiyak na kung mabagal ako lumabas sa kotse ay babatukan pa ako no'ng epal na 'yon.

"Alam niyo bang si Leigh na raw at Mae?" Napahinto ako dahil sa narinig kong chismis. Totoo nga?

"Oo, kalat na kaya. Nagpalit kasi si Mae ng DP kagabi kaya ayon," sagot no'ng isa pang babae. Napabuga na lang ako ng hangin sa ere.

"Bagay naman talaga sila, e." Mas bagay kami, gaga.

"Tama!" She giggled.

Napailing na lang ako at nilagpasan na sila. Ang aga-aga, nagchichismisan agad sila. Hindi na ako magtataka kung bigla silang mabaril dito.

"Hi, Coleen!" Masiglang bumati sa akin ang babaeng nasa harap ko. She waves her hand as a sign of hello, it's as if we're friends.

I tried to smile. "Hello, Mae." Ang plastic ng pagkakalabas sa bibig ko ng mga salita pero hindi ko na pinansin.

Plastic naman talaga ako.

"Nakamove on ka na ba kay Leigh?"  Halatang-halata na nang-aasar ito dahil sa tono pa lang ng boses. Lumapit ito sa akin at huminto rin nang kaunti na lang ang pagitan namin.

"Uh, what do you think?" I tilted my head.

"I think, you must move on. Why? Kasi kahit anong gawin mo, hindi ka magugustuhan ni Leigh." Lumapit ako ng kaunti sa kanya at nginisian siya.

Sinusubukan nito ang pasensya ko, ah.

"Oh?" I widened my eyes. "Ano kayang ginawa ng isang Mae Santos para mapansin ni Leigh? Siguro nilandi mo siya, 'no?" Tiningnan niya ako ng masama. Mas lumaki ang ngisi ko dahil sa reaction niya.

Checkmate.

"Kawawa ka naman Coleen, dahil sa sobrang bitter mo, kung ano-ano na ang sinasabi mo." May bala pa rin talaga ang bibig ng gaga.

"Bakit ako magiging bitter?" She smirked.

"Hindi mo ba makuha? Gan'yan ba talaga kahina 'yang utak mo? Hindi ka magugustuhan ni Leigh–" napatigil siya sa pagsasalita nang tapikin ko siya – mukhang napalakas iyong tapik dahil tumumba siya.

"Bakit ang lampa mo?" Nang-iinis na tanong ko sa kanya. Tinulungan siyang makatayo ng mga pekeng kaibigan niya.

Napansin ko ring ang dami na palang nakapalibot sa amin ni Mae. Shit. I messed up again.

"Kita niyo na, guys? Ang bitter niya, 'di ba? Sa sobrang kabitteran niya, nananakit na siya!" Sigaw niya nang makatayo siya. May paturo-turo pa siyang nalalaman sa akin at halos tumulo na ang luha sa mata niya. I sighed in disbelief.

Mali ako. Alam ko na ako 'yong mali.

Dapat hindi ko pinapatulan iyong mga nonsense kausap katulad nito. Dire-diretso akong lumakad papunta sa gawi ni Mae at bumulong. Bahagya pa itong umatras, parang natrauma yata sa ginawa ko.

"Next time na lang natin ipagpatuloy 'to, baka malate ako. Bye, dear." I said as I gave her my sweetest smile. Nang makalayo-layo na ako sa kanila ay napabuntong-hininga na lang ako at bahagyang napangiwi.

Trouble na naman. Knowing Mae, tiyak na hindi iyon ang huli pero sana hindi na masundan.

Pagpasok ko sa room, nagulat ako nang may biglang humila agad sa akin, nakita ko ang busangot pero excited na mukha ni Elise.

"Beh! May ichichika ako sa'yo!" Halata nga sa kinikilos niya.

Dumiretso ako sa upuan ko at umupo, nakasunod pa rin sa akin si Elise at umupo siya sa katapat na upuan ko. Ipinihit niya ito paharap sa akin.

"Wala raw si Prof ngayon, may seminar sila," tiningnan ko ng bored na tingin si Elise. Nawala talaga ako sa mood.

"So?" I creased my forehead.

"So, iyon nga, narinig ko may girlfriend na raw si..." Lumapit siya sa akin. "Si Leigh," bulong niya.

Tiningnan ko siya at tinanguan. "I know." Kumunot iyong noo niya at parang naguluhan.

"Wala kang gagawin? Like the old times?" Umiling ako. Nakita kong nagulat siya pero agad din niyang ibinalik sa dati ang reaksyon niya.

Dati tuwing nagkakagirlfriend si Leigh, ginagawan ko ng masama. Hindi naman ganoon kasama, uh... tinatakot ko lang. Then the next day, maririnig ko na hiwalay na sila.

Marami na rin yatang naging girlfriend si Leigh, parang second version ni Kuya 'yan, e. Iyon nga lang, mukhang hindi ganoon kawild si Leigh hindi tulad ni Kuya.

Kaso, iba ngayon. Si Mae na ang girlfriend ni Leigh at kung gagawin ko ang ginagawa ko sa mga ibang naging girlfriend ni Leigh, lalong sasabihin ni Mae na bitter ako at desperada pa.

E 'di pahiya naman ako, 'di ba? So, siguro nga kailangan ko ng mag-move on, kahit hindi naman naging kami ni Leigh, kailangan pa rin para hindi na ako masaktan.

Sa ngayon ay ito lang ang pinakabest solution na naiisip ko. Siguro, hahabulin ko na lang ulit si Leigh kapag naghiwalay na sila ni Mae. Sa time na 'yon, sisiguraduhin kong may racing car na ako para naman mahabol ko agad si Leigh. Nakakapagod na ring tumakbo tapos hindi niya naman ako hihintayin.

"Uy, beh, tulala ka d'yan!" Sigaw ni Elise at ikinaway-kaway ang kamay niya sa harapan ko.

"Ha? Wala lang 'to. Inaantok lang ako." Palusot ko. Sakto naman at humikab pa ako. Siguro nga inaantok talaga ako. Kagabi kasi medyo late na rin ako natulog, pagkatapos kong maglog out sa fb ay hindi naman ganoon kadali agad akong nakatulog.

Ewan pero nag-aral ako sa Science. Gusto ko lang ipakita kay Leigh na hindi naman ako ganoon kabobo.

Pasimple akong tumingin sa gawi ni Leigh pero nagulat ako nang makitang nakatingin din pala siya sa akin. Nang mahalata niya na nakatitig ako sa kanya, iniiwas niya rin agad ang tingin niya sa akin.

E? Anong problema no'n sa akin?

Siguro, natulala lang at saktong sa akin bumagsak ang tingin. Well, hindi ko siya masisisi dahil maganda naman talaga ako.

But, I think, this is already enough.

Kailangan ko nang tigilan si Leigh.

Continue Reading

You'll Also Like

184K 8.2K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
33.9K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞