Every Beast Needs A Beauty (G...

By jonaxx

151M 3.3M 1.7M

Bata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamily... More

Every Beast Needs A Beauty
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Notes

Kabanata 52

2.1M 44.6K 15.5K
By jonaxx

Kabanata 52

Babae sa Babae

Isang milagro na napigilan ko pa ang sarili ko kay Rage. Hindi ako nagpatalo sa panghihina ko. Nang tumayo ako ay nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Rage, gusto kong mag pahinga." Sabi ko nang hinawakan niya ang braso ko.

Tumikhim siya at tumayo rin tulad ko. "Alright, you can have your rest. But at least, eat first." Sabi niya.

Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko at agad ko na siyang tinalikuran. Ayaw kong tinitingnan siya. Hindi ko pa maalis sa aking isipan ang lahat ng nangyari at tuwing tinitingnan ko siya ay nakakalimutan ko iyon.

Pagkalabas ko ay naroon parin si Mia, Kid, Logan at si Walter. Wala na don si Jason at agad kong naintindihan.

"Damn, girl. You rejected my proposal." Bulong ni Rage sa likod ko.

Kumunot ang noo ko at binalewala ko siya. Nilingon ko si Mia na mukhang nag iingat sa bawat kilos niya dahil hindi niya alam kung nag kaayos na ba kami ni Rage o hindi pa.

"Sunny, uh, sorry, umalis si Jason." Ani Mia.

Tumango ako at didiretso na sana sa kwarto para maiwan na sila don. Gulong gulo pa ako at gusto ko na lang munang mapag isa. Ang makasama si Rage sa iisang lugar ay nakakapigil hininga.

"Sunny, matutulog ka na? Kumain ka na ba ng hapunan? May pagkain sa mesa. May dinner tayo. Baka malipasan ka ng gutom." Ani Mia.

Ngumuso ako at napagtantong kahit na nawala na 'yong gutom na naramdaman ko kanina ay kailangan kong kumain para sa anak ko. Lumunok ako at lumingon sa mesa na may mga pagkain.

"Di ka pa kumakain?" Tanong ni Rage.

Ayaw ko siyang sagutin kaya tinikom ko na lang ang bibig ko at tiningnan kung ano ang pagkain na meron kami sa mesa. May menudo at ginataang manok doon. Hindi ko alam kung sino ang nagluto.

Galing sa kusina ay naririnig ko ang alitan ni Mia at Kid sa sala. Gusto ko silang pagbatiin ngunit ayaw kong manatili doon, at siguro pati na rin dito. Sinundan ako ni Rage sa kitchen at tiningnan niya kung ano ang nakahain.

Binuksan ko ang ref at agad kong naamoy ang cheese sa pizzang naroon. Dumuwal ako ng isang beses at agad kong sinarado ang ref.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Rage at nasa likod ko na agad siya.

Nilagay ko lang ang kamay ko sa aking bibig para pigilan ang pagduduwal. Umupo ako sa mesa at habang pinipigilan ko ang pagduduwal ay nilapag ni Rage ang plato at mga kubyertos doon.

"Do you get sick a lot, Sunny?" Tanong niya.

Ayaw kong sumagot at hindi rin ako makasagot dahil sa pagtatakip ko sa aking bibig. Umupo si Rage sa tabi ko at nilagyan ng kanin at menudo ang aking pinggan. Pinanood ko ang paglalagay niya at unti unti akong nangulila sa lahat. Iyong tipong kahit sobrang lapit naming dalawa ay ang layo parin namin sa isa't-isa. Na mi-miss ko na 'yong pakiramdam ko noon. Iyong kahit na may takot ako ay alam ko parin sa sarili ko na may pag asa. Ngayon ay natatakot akong kahit gusto ko pang sumugal ay hindi na sa akin ang desisyon na iyon. Nasa anak ko na. Para sa ikabubuti ng aking anak...

"OMG!" Biglaang sumulpot si Mia sa kitchen.

Humupa ang alitan nila ni Kid at hindi ko alam kung naayos na ba o hindi. Nagtama ang aming tingin at nilingon niya ang ref.

"Kanina ko pa pala dapat inubos 'yong pizza! Sorry Sunny! Naduwal ka?" Tanong niya.

Tumango ako.

Tumihim naman si Rage at nilingon si Mia. "She likes playing mute to me. Can you tell me the details of her pregnancy, Mia? Ilang weeks? Nasusuka siya sa pizza? Kumakain ba 'to? Naglilihi siya sa ano?"

Nakapamaywang si Mia at tiningnan niya si Rage. "Well, it's for you to find out, Rage. Ayaw niyang magsalita, meaning ayaw niyang malaman mo. Serves you right... Revenge, huh?" Umirap siya at umirap din si Rage sa kanya.

Buong gabi ko siyang hindi pinansin. Nararamdaman kong nafu-frustrate na siya. Nang dumiretso ako sa kwarto pagkatapos kumain ay hindi niya na ako napigilan. Mabilis akong gumapang sa kama at imbes na matulog ay dilat ako para isipin ang lahat ng nangyari.

Lahat ng mga nalaman ko tungkol sa kay Rage ay parang ang tagal ng nangyari. Nalusaw ang galit ko para sa kanya. Hindi ko na matandaan kung bakit ko siya kinamuhian ng husto. Inintindi ko na galit siya sa akin nong hindi niya pa ako nakilala, para sa kanyang mama. Nang nakilala niya na ako ay napagtanto niyang nagkamali siya sa iniisip tungkol sa akin. Hindi ko na rin maisip si Ezra. Nasasaktan ako, oo, naiinsecure, oo, dahil matagal na silang magkakilala at mas malalim ang pinagsamahan nila.

Ang tanging bumabagabag sa aking sarili ngayon ay 'yong dahilan niya kung bakit niya ako gustong pakasalan. Parang kiniliti ang aking tiyan nang maalala ko iyong sinabi niya kanina sa banyo.

Hindi kaya gusto niya lang iyon dahil nabuntis ako? At ano ang sasabihin ng kanyang mama? Masasakit na salita na naman ba galing sa kanya? Ayokong mamuhay ang anak ko na kinamumuhian siya ng mama ni Rage. Hindi tama 'yon. Mas gugustuhin kong magpakalayo na lang. Hindi ko naman hinangad na panagutan ako ni Rage. Kaya nga gusto kong itago sa kanya ito...

Humikab ako nang nang nagising kinaumagahan. Antok pa ako dahil sa pagpupuyat ko kagabi pero kailangan kong pumasok sa eskwela ngayon.

Nakapaa lang ako at patuloy na humihikab pa labas ng kwarto. Kakain muna ako bago maliligo. Inisip ko ulit iyong mga nangyari kagabi. Panaginip ba iyon o totoong nangyari?

Halos mapatakbo ako nang nakita ko ang likod ni Rage sa kusina. Nagluluto siya ng ulam, topless. Nakapantalon siya at nagpupunas ng kamay habang pinapanood ang kanyang luto.

Shit! Nandito siya!? Ibig sabihin di 'yon panaginip!

Bago pa ako makapagtago sa sala ay nilingon niya na ako. Pinanood niya ang ekspresyon ko at bumagsak ang tingin niya sa aking pang ibaba.

May shorts ako ngunit sa laki nitong t-shirt ko ay hindi na makita iyon.

"Uh, good morning. Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya at kinuha ang plato at thong para pulutin iyong mga lutong hotdog, ham, at bacon na niluluto niya.

Nag isip pa ako kung sasagutin ko ba siya o paninindigan itong pagiging pipi ko sa kanya.

Ngumuso siya at nakita kong sumulyap ulit siya sa pang ibaba ko, parang distracted. Binalewala ko iyon at inipit ko ang ilong ko nang lumapit sa ref. Baka kasi maamoy ko ang cheese sa pizza na nandito kagabi.

"Wala ng pizza dyan." Ani Rage.

Nang binuksan ko ay tama nga siya. Wala na doon. Kinuha ko ang box ng gatas at pagkatapos ay lumapit sa mga baso para magsalin nito doon.

"Breakfast?" Aniya at nilapag sa aking harapan ang mga niluto.

Sumimsim ako sa gatas at pinagmasdan ang paglalagay niya ng mga tinapay sa isang plato. Nag angat ako ng tingin at natigil ako sa kanyang katawan na medyo pinag papawisan.

"Do you always wear that here, Sunny?" Malamig niyang sinabi nang umupo sa tapat ko.

Natigilan ako at tiningnan ko siya. Anong problema sa suot ko? Isa pa, pambahay ito. Tinusok ko iyong hotdog at nilagay ko iyon sa aking pinggan. Nilagyan ko rin ng tinapay.

"Salamat sa breakfast." Sabi ko at kumain na lang.

Naramdaman ko ang paninitig niya habang kumakain ako. Binalewala ko siya.

"May shorts ka ba? May lalaki kayong kasama dito. You should not wear that again." Aniya.

Napatingin ulit ako sa kanya at hindi ko na mapigilan ang pananahimik ko. "May shorts ako. Ito ang gusto kong suotin dahil komportable ako, Rage."

"Then, I'm not comfortable." Nagtaas siya ng kilay.

Tumigil ako sa pag nguya at mariin ko siyang tinitigan. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ako gaanong sumasagot sa bawat sinasabi niya dahil ayokong patulan ang mga kahibangang sinasabi niya.

"Let me drive you to school, Sunny. At least, let me do this." Pamimilit niya pagkatapos ko siyang tanggihan.

Nakapag bihis na ako at papalabas na ng condo. Gising na sina Mia at tahimik silang dalawa ni Kid habang pinapanood kami.

"Rage, umuwi ka na sa inyo." Sabi ni Kid na binalewala ni Rage dahil abala siya sa pagsunod sa akin.

"Sunny, one drive. Okay? Just one drive." Aniya.

"Ang sabi ko, ayoko." Kanina ko pa 'to inuulit ulit.

"But, why not? Hindi na ba pwedeng ipagdrive kita ngayon?" Sinusundan niya ako kahit nakalabas na ng condo.

"Ayoko. Umuwi ka na, Rage." Sabi ko.

"Okay, then, fine! You want me to follow you like I'm some fucking dog, then I will!" Aniya at sinundan ako patungo sa elevator.

Bumaba ang elevator at lumabas ako ng condo, nagmamadali. Umalis siya doon at hinayaan ko siyang pumunta sa lower ground.

Nag lakad ako ng kaonti patungong jeepney stop at nag antay ng ilang sandali. Nang naka sakay na ako ay nakita ko ang kanyang Prado sa likod ng jeep, sunod nang sunod dito.

Baliw na ba ang lalaking ito?

Naiwala ko lang siya nang nakarating na ako sa school at nagsimula na ako sa aking mga klase. Napaparanoid na nga yata ako dahil panay ang tingin ko sa pintuan sa pag aakalang nandon siya at hanggang dito ay sinusundan ako. Mas baliw yata ako sa kanya, e.

Umiling ako at lumingalinga. Patapos na ang araw ko sa school at wala akong nakitang Jason. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kanya sa lahat ng napasukan naming gulo. Gusto kong maging magkaibigan kami ngunit nasira ko yata ang pagkakataong iyon. Naalala ko ang sinabi niyang kaya niya akong panagutan. Hindi ako naniniwalang seryoso siya doon. Imposibleng may pumayag na akuin ang batang hindi naman kanya.

Hinawakan ko ang tiyan ko. Hindi pa naman ito nakikita pero ramdam ko na iyon, ngayon pa lang. Mahal na mahal kita, baby. Pasensya na sa mga ginagawa ko. Gustong gusto lang kitang protektahan.

Alas kuwatro na nang nakarating ako sa building. Buong akala ko ay aabangan ako ni Rage para pagalitan ngunit nagkamali ako. Walang Rage na nag abang sa akin. Nakita ko ang mesa kong walang laman.

"Uhm, Sunny..." Sabi ng isang empleyadong nakasalamin at nanginginig na para bang sisipain ko siya pagkinausap niya ako.

Nagulat naman ako kasi may kumausap na sa wakas sa akin bukod kay Ms. Mendez.

"Bakit?"

"Uhm, pinapasabi ni Mr. Rage Del Fierro na hintayin mo na lang daw siya. Nag hintay siya dito kanina hanggang alas tres pero medyo natagalan ka yata ngayon kaya umalis para sa board meeting."

Tumango ako at sinulyapan ulit ang mesa kong dati rati'y punong puno ng mga dokumento. "Asan 'yong mga papel? Meron 'yon dito, ah."

Umiling ang babae. "W-Wala na po. Pinagawa na po ni Mr. Del Fierro 'yon sa iba. Hintayin niyo na lang daw po siya.”

Kumunot ang noo ko at tiningnan ulit ang walang laman kong mesa. Ano ang gagawin ko dito, kung ganon?

Habang nag iisip ako sa maaari kong gawon doon ay may biglang umubo. Narinig ko ang yapak ng stilletos bago ako nag angat. Naka balot ang isang mukhang fur scarf na kulay gray sa leeg ni Ezra. Gawang gawa ang kulot kulot niyang buhok at ang kulay puting damit ay sumisigaw ng karangyaan. Nilagay niya sa kanyang braso ang kanyang shoulder bag at dinungaw niya ako sa aking mesa.

“Excuse me...” Sabi ‘nong babaeng naroon at tiningnan si Ezra bago umalis.

Kumalabog ang puso ko. Inisip ko ‘yong huli naming pagkikita at hindi maganda ang nangyari non. Hindi ako natatakot sa kanya pero ayokong masaktan ako dahil alam kong maaapektuhan ang anak ko.

“I want to talk to you, Sunny.” Mariin at pormal niyang sinabi.

“Ayokong makipag away, Ezra. Wala tayong dapat na pag awayan. Hindi ako nanghihimasok sa buhay niyo ni-”

“Gusto kong makausap ka, sa labas ng building na ito. Babae sa babae.” Aniya, seryoso.

Umiling ako. “Ano pa ang pag uusapan natin, Ezra?”

“Don’t be childish, Sunny. Act your age. Magkita tayo in thirty minutes. I want to talk to you seriously. If you want to me to stop bugging you, be there.” Aniya at sinabi niya sa akin kung saan kami magkikita pagkatapos ay tinalikuran niya ako.

Pinanood ko ang pag alis niya sa opisina. Huminga ako ng malalim at nag isip. Malapit langt iyong cafeteria dito. Natatakot akong umalis at pumunta doon dahil baka saktan niya lang ulit ako ngunit narealize kong matao ang lugar na iyon. Hindi naman siguro siya mag wawala sa mataong lugar. Medyo sikat siya dahil nasa media. At kapag may nakakita sa kanyang nagwawala ay paniguradong masisira ang kanyang pangalan.

“Ms. Sunny, bilin po ni Mr. Del Fierro na dito ka lang daw at huwag umalis. Narinig ko po kasi iyong pinag usapan niyo ni Ma’am Ezra...” Napapabagsak ang tingin ng babaeng nakasalamin nang bigla ulit siyang sumulpot. Para bang hindi niya ako kayang tingnan ng diretso.

Natulala na ako sa mukha nong medyo naiilang na babae sa harapan ko. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya. Gusto ko nang tigilan na ako ni Ezra. Inisip ko rin na baka nadala lang siya sa kanyang galit nong isang araw kaya ganon ang ginawa niya. Ngayong mas kalmado na siya, siguro ay may matino din siyang sasabihin. Alam ko namang tinawag niya akong pokpok at dapat ay hindi ko na siya pagbigyan pa ulit.

Tumayo ako at kinuha ko ulit ang bag ko.

“May pupuntahan lang ako. Babalik din ako.” Sabi ko doon sa babae na agad akong hinarangan.

“B-Bi-Bilin po ni Sir Rage na dito ka lang.”

Kumunot ang noo ko. “Babalik din ako. Di ako magtatagal. tsaka, sabihin mo sa boss mo na wala siyang pake kung anong gawin ko sa buhay ko. Hindi niya ako pag aari.” Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. Alam kong takot siya kay Rage. Well, lahat siguro ng emplayado ay kung hindi takot, patay na patay naman sa kanya. Naaalala ko pa si Mia noon na na gugwapuhan din kay Rage at sa mga pinsan nito.

“Wa’g kang mag alala, hindi ka sesesantihin non. Babalik din ako.” Sabi ko at umalis na ng diretso.

Continue Reading

You'll Also Like

167K 1.6K 14
Love in Isla Del Fuego
2.9K 113 25
A COMPILATION OF POEMS All Right Reserved 2022 ©_sadistrin
889K 1.5K 1
Cover by @Coverymyst thank you! Chasing is tiring but loving you is fulfilling... Maria Lian Fortaleza story. She has a twin. They are the exact opp...
2.2M 40.8K 70
Ano ang gagawin mo kung isang gabi ay di mo sinadyang kunin ang virginity ng babaeng hindi mo maisip na patulan? "Walang hiya ka, leche ka!! Panaguta...