ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 61: LAMUIAN FOREST

323 28 0
By angelodc035

Ilang oras na rin silang nasa masukal na kagubatan at hindi pa rin alam ni Mariang Makiling kung saan sila naroroon. Mahaba-haba na rin kanilang nilakad at tila walang katapusang kagubatan ang kanilang tinatahak. Nahihiwagaan si Mariang Makiling sa kagubatan na kung saan naroroon sila ni Blake. Kakaiba ang mga halaman na naroroon at hindi pamilyar sa kanya ang mga ito sa kanya.

Hindi rin maalis sa isipan ni Mariang Makiling si Amihan na siya pala ang dambuhalang Lubingan na kanilang nakasagupa. Pero bakit? Paano nangyari na ang isang makapangyarihang diyosa ay naging isang halimaw na namiminsala sa mga nilalang ni Bathala, gayong isang masugid na tagasunod ito kay Bathala?

"Nagugutom na po ako." ang sabi ni Blake na nagpatigil sa mga iniisip ng Diwata.

Tumingin si Mariang Makiling kay Blake at tumigil ito sa harapan ng bata.
"Sandali na lang ha? Hindi kasi pamilyar sa akin ang kagubatang ito Blake kaya hindi rin ako sigurado kung anong klaseng mga halaman at puno ang naririto. Hindi ko rin alam kung anong prutas ang puwedeng kainin at hindi. Hindi ko naman magamit ang kapangyarihan ko dahil wala akong alam sa anong klaseng halaman ang naririto sa paligid. Lubhang mapanganib dahil baka sa ibang mundo tayo dalhin ng mga Pilunlualan sa lugar na'to." ang tugon ni Mariang Makiling sa bata.

"Pasensya na po hindi ko rin magamit ang kapangyarihan ko para makaalis dito, hindi ko po kasi kakayanin dahil naubusan na po ako ng lakas lalo na't nagugutom ako." ang malungkot na wika ng bata sa diwata.

Bumuntong-hininga si Mariang Makiling sa narinig mula kay Blake. Pero ang importante para sa kanya ay nakalabas na sila sa kuweba at masasabi niyang pansamantala ay ligtas sila sa kagubatan na kung saan sila naroroon.

Inilagay ng diwata ang kamay sa balikat ni Blake at bahagyang pinisil iyon, ngumiti ito sa bata at saka ngumiti. Ilang saglit pa ay pinikit nito ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Pinakikiramdaman ang buong paligid at pilit na hinahanap ng kanyang katawan ang enerhiyang nagmumula sa mga puno't-halaman, maging sa mga nilalang na nabubuhay roon.

Nagsimulang umayon ang paligid ginagawang pagmemeditate ng diwata ng kagubatan. Unti-unti ay tila nagbago ang klima sa paligid pero unti-unting nadama ni Mariang Makiling ang napakabigat na pakiramdam na pumapasok sa kanyang katawan. Parang napuno ng hinagpis ang  kanyang kalooban at tuluyang bumigay ang kanyang mga tuhod. Napaluhod si Mariang Makiling sa damuhang sahig ng kagubatan dahil sa hinagpis ng buong kagubatan na nagpabigat sa kanyang kalooban.

Nakaramdam naman ng takot si Blake sa sitwasyon ng diwata kaya hinawakan niya ang kamay nito. "Okay lang po ba kayo?" ang tanong niya na nag-aalala sa kalagayan ng diwata.

Kakaibang hirap at sakit ang naramdaman ni Mariang Makiling lalo na ng unti-unting nagsilabasan ang mga iba't-ibang espiritu ng mga nilalang na hindi makaalis sa lugar na iyon. Hindi na napigilang humagulgol ni Mariang Makiling dahil sa sobrang bigat na kanyang dinadala sa kanyang dibdib. Sari-saring mga negatibong emosyon tulad ng hinagpis, kalungkutan at galit na tila humihingi ng tulong at hustisya para makawala sa tila sinumpang kagubatang bumilanggo sa kanila sa napakahabang panahon.

"Umalis na po tayo dito. Nakakatakot na po ang manatili pa sa gubat na 'to." ang wika ng natatakot na si Blake.

Biglang lumakas ang hangin at tila nananaghoy ang pagsipol nito sa mga mayayabong na sanga ng mga puno na nagbigay ng kilabot kay Blake. Unti-unting dumidilim ang paligid dahil sa pagtakip ng maiitim na ulap sa araw. Alisto namang pinagmasdan ni Blake ang buong paligid lalo na't hindi siya mapalagay sa mga nangyayari.

"Huwag kang matakot Blake. Gustong makipag-usap ng mga espiritong nakakulong dito sa loob ng kagubatang ito." ang wika ni Mariang Makiling na nararamdaman ang takot kay Blake.

"E...espirito? Ang ibig sabihin po niyan mga multo?" ang tanong ng natatakot na si Blake.

"Hindi sila mga multo Blake. Mga espirito ng mg iba't-ibang nilalang na biniktima ng isang napakamakapangyarihang nilalang na gamit ang itim na kapangyarihan." ang mabilis na tugon ng diwata. Isiniksik ni Blake ang kanyang katawan sa puting kasuotan ng diwata dahil na rin sa takot sa nangyayari ngayon sa kanilang paligid.

Naramdaman ni Blake ang biglang paglamig at sobrang kalungkutan sa paligid. Napakatahimik ng lugar na tila napipi sa lahat ng mga pangyayaring naganap dito. Katahimikan na nagdudulot ng takot sa sino mang nilalang na mapapadpad sa lugar na iyon. Ang takot na iyon ang siyang nararamdaman ni Blake na hindi nito nito maipaliwanag kung bakit. Sa sobrang takot ni Blake ay isiniksik niya ang kanyang ulo sa puting kasuotan ng diwata.

Mula sa kasukalan ng kagubatan ay nagsimula na nilang marinig ang nakakakilabot na mga panaghoy. Mga kalunos-lunos na pagtingis at pagmamakaawa na tapusin na ang kanilang paghihirap. Maging ang diwatang si Mariang Makiling ay kinilabutan sa mha naririnig sa kanyang paligid. Noon ay napagtanto ni Mariang Makiling na ang kagubatang iyon ay naging pugad ng kamatayan at bilangguan sa mga espiritung nabiktima ng puwersa ng kadiliman.

Mula sa mga puno ay unti-unting gumagapang ang napakakapal na puting hamog papunta kina Mariang Makiling at Blake. Inihanda ni Mariang Makiling ang sarili at pilit na pinoproteksiyonan si Blake. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang poprotekta sa bata. Hinding-hindi niya ito pababayaan ano man ang mangyari. Alam niyang wala sila sa ikatlong mundo o sa Sinukluban dahil lahat ng mga uri ng halaman at puno sa kagubatan doon ay alam niya. Lalong wala sila sa Sansinukop o mundo ng mga tao dahil isa siya sa mga tagapangalaga sa mga kabundukan nito. Pero imposibleng nasa mga kagubatan sila ng Kalangitan dahil walang ganitong klaseng kagubatan ang kaharian ni Bathala. Kung gayon ay saang lugar sila sa Sanlibutan napadpad ni Blake? Kanina pa naglalaro sa isipan niya ang mga katanungang iyon kaya ang pagtawag niya sa mga espiritong naroroon ang kanyang tanging solusyon para masagot ang kanyang mga katanungan.

Batid ni Mariang Makiling na delikado ang kanyang gagawin dahil puwedeng sumanib sa kanila ni Blake ang mga espiritong naroroon kaya kailangan niyang protektahan ang bata sa mga ito.

"Huwag kang matakot Blake, dito ka lang sa tabi ko." ang saad niya sa nanginginig sa takot na si Blake. " Mga espiritu lamang sila at humihingi ng mga dasal para makatawid sila sa kabilang mundo."

Mula sa madidilim na sulok ng kagubatan ay unti-unting nasilabasan ang tila mga bola ng ilaw na may iba't-ibang mga kulay. Nagsilutangan ang mga ito papunta kina Mariang Makiling at Blake. Halos isa-isang pinagmasdan ng diwata ang kulay ng mga ito para masigurong walang masamang espiritu ang naroroon. Dahan-dahan ring iniangat ni Blake ang kanyang ulo kasabay ng pagbukas ng kanyang mga mata para makita kung ano ang nangyayari sa paligid. Napalitan ng pagkamangha ang takot na nararamdaman ni Blake dahil sa napakagandang mga bola ng liwanag sa kanilang paligid. Mayroong pula, bughaw, dilaw at kahel na sabay-sabay na nagliliparan papunta sa kanila.

"Mga espirito ng mga iba't-ibang nilalang yan, Blake. Sari-saring kulay base kung anong nilalang sila. Talasan mo ang mga mata mo Blake. Huwag mong hahayaang makalapit sa'yo ang kulay itim at kayumangging bola ng liwanag." ang paalala ni Mariang Makiling sa manghang-manghang si Blake.

"Huh? Babakit po? Anong-mayroon sa itim at kayumangging kulay sa mga lumilipad na ilaw?" ang nagtatakang tanong ni Blake.

"Ang kulay itim na ilaw ay isang masama at mapanganib na espiritu na gustong-gustong sumanib sa mga nilalang na alam nilang mapapakinabangan nila. Samantala ang kayumanggi ay mga galit na espiritu na gustong manakit ng mga nilalang para maghiganti. Kaya talasan mo ang mga mata mo na walang makalusot papunta sa'yo." ang tugon ni Mariang Makiling sa bata.

Napalunok si Blake sa narinig mula kay Mariang Makiling. Muling gumapang ang takot sa kanyang katawan at nagsimulang manginig na naman ang kanyang mga tuhod habang pinagmamasdan ang sari-saring mga kulay ng nagliliparang mga ilaw. Muli ay isiniksik niya ang kanyang katawan sa diwata pero nanatiling nakaalerto ang kanyang mga mata para sa itim at kayumangging ilaw na espiritu.

"Ipagpaumanhin ninyo ang aming paggambala sa inyong pananahimik sa kagubatang ito. Ako si Mariang Makiling, isang diwata ng kagubatan at kasama ko ang isang mortal na batang lalake na si Blake. Nais lang namin dumaan dito at malaman kung saan lupalop ng Sanlibutan ang kagubatang ito?" Ang malakas na wika ni Mariang Makiling sa mga nagliliparang mga ilaw na samu't-sari ang mga kulay.

Isang kulay pulang ilaw ang lumapit kay Blake at tumigil ito sa kanyang harapan. Kahit na kinakabahan ay pinagmasdan din ni Blake ang kulay pulang bola ng ilaw sa kanyang harapan. Pumipintig-pintig ang pulang bola ng ilaw habang nakalutang ito sa harapan ni Blake. Iniumang ni Blake ang kanyang kamay at pilit na iniabot ito sa bola ng liwanag. Biglang nagliwanag ang balat sa palad ni Blake habang inilalapit niya ito sa espiritu. Dahil sa takot ay mabilis na binawi ni Blake ang kanyang kamay papunta sa kanya at pinatay ang ilaw na nagmumula sa balat sa kanyang palad. Nagpa-ikot-ikot naman ang pulang ilaw kina Blake at Mariang Makiling bago ito tumigil sa kanilang harapan at nagpakawala ng napakatining na sigaw. Nagtakip ng tenga sina Blake at Mariang Makiling sa sobrang sakit sa tengang sigaw na nagmumula sa kulay pulang bola ng ilaw na lumapit kay Blake.

Unti-unting pumalibot sa kanila ang lahat ng mga makukulay na bola ng ilaw at saka tumigil ang sigaw na nagmumula sa pulang espiritu. Nag-alis na rin ng pagkakatakip sa kanilang mga tenga ang diwata at ang bata at namangha sa kanilang nakita. Nagsama-sama ang mga bola ng ilaw ayon sa kanilang kulay at napapalibutan sila ng mga ito. May espasyo sa pinakagitnang bahagi sa kanilang harapan sa pagitan ng mga pula at bughaw na kulay na mga espiritu. Sa espasyong iyon ay dalawang kakaibang kulay na bola ng liwanag ang papalapit sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ni Mariang Makiling pagkakita sa dalawang bola ng kulay at napahawak kay Blake. Napatingin naman si Blake sa papalapit na dalawang espiritu na kakaiba sa lahat ng kulay ng ilaw na nakapalibot sa kanila. Isang kulay berdeng ilaw ang nasa harapan ng kulay gintong ilaw ang mabilis na lumalapit sa kanila.

"Blake, lumuhod ka dali!" ang halos pabulong na wika ni Mariang Makiling sa bata. Mabilis na lumuhod si Blake pagkarinig sa diwata. Lumuhod din si Mariang Makiling pagkalapit sa kanila ng dalawang bola ng ilaw sa kanilang harapan.

"Patawarin po ninyo ako at ng aking kasama sa paggambala namin sa inyong nasasakupan. Hindi po namin sinasadya ang makarating dito ng walang pahintulot mula sa inyo." Ang paghingi ng paumanhin ni Mariang Makiling sa dalawang espiritu. Alam ni Makiling na ang kulay berdeng ilaw ay ang espiritu ni Amihan, pero ang kulay gintong ilaw ay hindi nito alam kung sino. Ang alam lang niya na kapag kulay ginto ang bola ng liwanag ay nagmumula ito espiritu ng higit na mas mataas na angkan ng mga diyos at diyosa.

" Tumindig ka diwata ng kagubatan: Mariang Makiling mula sa angkan ng mga magigiting na diwata mula sa Sansinukop. Magbigay pugay sa tunay na diyosang Bulan, anak ni Bathala diyosa ng Buwan." ang wika ng kulay berdeng kaluluwa kay Mariang Makiling na nakikipag-usap mula sa isip.

Laking gulat ni Mariang Makiling sa narinig nito na ang kulay gintong kaluluwa ay mula sa espiritu ng tunay na diyosang Bulan. Pero paanong nangyari iyon samantalang buhay na buhay pa si diyosang Bulan at kasalukuyang nanghihikayat para pabagsakin ang Kalangitan para siya na ang mamumuno sa buong Sanlibutan?

Unti-unting nagkaroon ng porma ang dalawang bola ng liwanag, at sa harapan mismo nina Mariang Makiling at Blake ay nakatayo ang totoong hitsura nina diyosang Bulan at Amihan.

Pagkakita ng diwata kay diyosang Bulan ay napaiyak ito sa sinapit ng diyosa na matagal na palang pumanaw sa kagubatan na kung saan sila naroroon.

"Makiling..." ang tawag sa kanya ni diyosang Bulan. Napakalamig ng kanyang boses na tila nanunuot hangang sa kaluluwa ng diwata kahit na nakikipag-usap lamang ito gamit ang isip.

"Mahal na diyosa, hindi ko po maintindihan..." ang tugon ni Mariang Makiling sa kaluluwa ng diyosa.ng si Bulan "...paanong nangyari na nakabilanggo rito ang kaluluwa po ninyo at sino ang diyosang Bulan ang naghahasik ng kadiliman sa Sanlibutan?"

"Nauunawaan ko Makiling, ang diyosang Bulan na naghahasik ngayon ng kasamaan sa Sanlibutan ay si Kasanaya, ang isa sa mga kambal ni diyosang Cusi." ang wika ni diyosang Bulan na umaalon-alon ang katawan na nakalutang sa hangin.

"Kasanaya? Anak na kambal ni diyosang Cusi? Hindi ba't matagal na pong patay si diyosang Cusi, paano siya nagkaroon ng anak na kambal? At ano ang nangyari sa inyo mahal na diyosa?"

"Makiling, Matagal na rin ang lumipas ng makipagtanan si diyosang Cusi sa isang lalakeng manggagaway na ipinagbabawal ng ipinagbabawal ng batas sa kalangitan. Nagbunga ang pag-iibigan ni diyosang Cusi at ng lalakeng  manggagaway na kanyang katipan at sila ang kambal na naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Bago pa man nakapanganak si diyosang Cusi ay nahuli na siya ng mga kawal ng Kalangitan at ibinalik si diyosang Cusi kay Bathala. Hinatulan siya ng kamatayan dahil sa ginawa niyang pagtalikod sa kalangitan at pakikipag-ugnayan sa mga manggagaway. Pero bago pa man naigawad ang kamatayan kay diyosang Cusi ay naipanganak niya ang kambal na babae. Bago sumapit ang araw ng paggawad sa kanyang kamatayan ay nakatakas si diyosang Cusi kasama ang isa sa mga kambal. Nabigo ng mahanap si diyosang Cusi at ang isa sa mga Kambal kahit na ginalugad na ng mga tauhan ni amang Bathala ang buong Sinukluban." ang pagkukwento ng kaluluwa ni diyosang Bulan kay Mariang Makiling.

Halos mapanganga si Mariang Makiling sa mga ikinukwento sa kanya ng diyosa tungkol sa nagpapanggap na diyosang Bulan at sa diyosang si Cusi. Nasaan ba siya ng mga panahong iyon at bakit wala siyang alam tungkol sa mga pangyayari sa kalangitan at sa diyosang si Cusi na hindi man niya nakasalamuha kahit minsan.

"Pero mahal na diyosa paano po kayo nasadlak sa lugar na ito? Saan po bang kagubatan tayo naroroon?" ang muling usisa ng diwata sa diyosa ng buwan.

"Naririto kayo ngayon sa kagubatan ng Lamuian dito sa kaharian ng Kalangitan." ang malungkot na tugon ni diyosang Bulan.

"Lamuian? Mahabaging Bathala..." ang di makapaniwalang wika ni Mariang Makiling ng marinig ang pangalan ng kagubatan. Iba ang larawan ng Lamuian ang nasa isipan ni Mariang Makiling, hindi ito ang Lamuian na tinutukoy ngayon ni diyosang Tala na walang buhay. Ang Lamuian na alam niya ay isang napakagandang paraiso sa kaharian ng Kalangitan. Marami ang tulad niyang mga diwata ang pinangarap na makarating man lang sa kagubatang ito para masilayan ang ganda ng lugar, pero ngayon ay tila kabaligtaran ang hitsura nito sa dati nitong ganda.

"Isinumpa ni Kasanaya ang kagubatang ito Makiling, katulad ng ginawa niya sa akin bilang isang halimaw na Lubingan. Labag sa aking kagustuhan ang pumatay at mangain ng iba pang mga nilalang na nananahan at nagagawi dito. Isang malaking pasasalamat at utang na loob ang ako'y mapalaya sa katawan ng halimaw na ahas.  Pero mag-ingat kayo dahil lubhang napakamapanganib ng kagubatang ito. Nababalutan ito ngayon ng itim na mahika at mga orasyon ni Kasanaya." ang wika naman ni Amihan na nasa tabi ni diyosang Bulan. Sa pamamagitan ng isip din nakikipag-usap si Amihan sa diwata kaya nakakunot-noo na lamang sa panonood si Blake sa kanila.

"Salamat kaibigang Amihan. Salamat sa iyong pag-aalala at pagbibigay ng babala sa amin ni Blake. Pero, mahal na diyosang Bulan..." Ibinaling nito ang kanyang mga mata sa diyosa. "...paano nagawang paslangin ka at ikulong sa kagubatan na'to ni Kasanaya?" Ang muling tanong ni Mariang Makiling sa diyosa.

"Itinuring naming kapatid ni Tala si Kasanaya. Papatayin dapat siya noon ni Amang Bathala pagkasilang pa lamang niya kay diyosang Cusi, at iyon ang napagkasunduan ng mga konseho ng mga diyos sa kalangitan. Pero ng dahil sa awa ay itinago siya ni amang Bathla sa isang kuweba dito sa Lamuian..." ang kuwento ni diyosang Bulan.

"...sa akin inatasan ni Bathala na mag-alaga kay Kasanaya sa loob ng kuweba kung saan ninyo nakasagupa ang Lubingan. Itinuring siyang isa sa mga anak ni Bathala. Maging ako ay itinuring ko siyang anak. Pero may iba palang balak si Kasanaya na hindi namin nalalaman. Lihim siyang nakikipag-ugnayan sa kanyang kakambal na si Daleria dito sa kagubatan ng Lamuian..." ang dugtong naman ni Amihan.

"Nang araw na bigla siyang nawala. Nagtampo siya noon kay ama dahil hindi pumayag si ama na isama siya sa palasyo sa Kalangitan. Hinanap ko siya dito sa kagubatan ng Lamuian para sana makipaglaro sa kanya at suyuin na kakausapin ko si ama para pumayag na isama siya sa palasyo. Wala akong kaalam-alam sa masama niyang balak sa akin. Hindi ko inaasahan ang kanyang pag-atake..." natigilan si diyosang Bulan sa paglalahad sa kanyang kuwento dahil naging emosyonal siya sa pag-alala sa trahedyang nangyari sa kanya.

Pagka-awa naman ang naramdaman ni Mariang Makiling sa nangyari sa dalawang diyosa. Hindi niya inaasahan na ang diyosang Bulan na inakala nilang naghahasik ng kasamaan ay hindi pala ang totoong diyosa kundi isang nagbabalat-kayong anak ni diyosang Cusi sa isang Manggagaway.

"...uhaw sa dugo si Kasanaya. Sinisimsim niya hindi lamang ang dugo ng kanyang nabibiktima kundi pati ang kapangyarihan nito. Malakas ang kapangyarihan ni Kasanaya dahil dumadaloy sa dugo nito ang dugo ng isang makapangyarihang diyosa at manggagaway. Kaya niyang gayahin ang hitsura ng isang nilalang para linlangin nito ang mga nasa paligid niya. Nasa kanya ang aking kapangyarihan at ang aking kaanyuan. Pagkatapos niyang patayin ang pisikal kong katawan ay isinumpa niya ang kagubatang ito at ikinulong ang aming mga espiritu sa loob ng kagubatang ito." ang pagpapatuloy ni diyosang Bulan sa kanyang kuwento.

Bumuntong-hininga si Mariang makiling at hindi makapagsalita sa narinig mula sa kuwento ni diyosang Bulan at Amihan. Tumindig si Mariang Makiling at tumitig kay diyosang Bulan at sa kaibigan niyang si Amihan.

"Mahal na diyosang Bulan, kaibigang Amihan. Sabihin po ninyo sa inyong lingkod ang dapat kong gawin para makatulong sa inyo at makalaya na sa isinumpang kagubatan na ito?" Ang tanong ni Mariang Makiling pero sa pagkakataong ito ay nauunawaan na niya ang mga pangyayari kung bakit nahantong ang mga espiritu ng mga kawawang mg nilalang na walang kalaban-laban kay Kasanaya. Labis ang pagkaawa niya sa dalawang diyosa sa kanyang harapan na naging biktima ng panlilinlang ng dahil sa kanilang kabaitan at pagkamatulungin sa mga nangangailangan sa kanila.

Ngumiti si diyosang Bulan at tumingin kay Amihan. Lumapit si Amihan kay Mariang Makiling at tumitig sa diwatang kaibigan. "Kailangang ligtas muna kayong makalabas sa kagubatang ito kaibigang Makiling. Tandaan mo isinumpa ang kagubatang ito at marami ang panganib na naghihintay sa inyo, kaya pilitin ninyong makalabas dito ng buhay dahil kayo na lamang ang inaasahan naming makakatulong sa amin para makaalis na sa kagubatang ito..." Ang wika ni Amihan sa diwata na tila nagmamakaawa sa kanya.

"Kaya nakikiusap ako sa iyo Makiling, pilitin ninyong makalabas dito ng buhay. Tunguin ninyo ang palasyo at hanapin ang aking kapatid na si Tala. Sabihin sa kanya ang aking naging tadhana at mag-ingat kay Kasanaya. Kapag nahanap ninyo si diyosang Tala ay kailangan ninyong hanapin si Odessa..."

"Odessa?..."

"Si Odessa. Siya ang babaeng tinutukoy sa propesiya. Kailangan ninyo siyang mahanap at tulungan para magapi ang lumalakas na kapangyarihan at puwersa ni Kasanaya. Kung hindi mo mahanap ang aking kapatid na si Tala sa palasyo ng aking amang si Bathala ay hanapin mo si diyosang Hanan na tagapangasiwa sa palasyo." ang tugon ni diyosang Bulan kay diwatang Mariang Makiling.

"Si Odessa, kilala ko si Odessa. Siya ang itinuturing na kapatid ni Mariang Sinukuan sa Sansinukop." ang biglang naalala ni Mariang Makiling sa diyosa.

"Kung gayon, mas madali ninyong mahahanap ang babae sa propesiya Makiling. Kaya humayo na kayo at huwag ng mag-aksaya pa ng oras. Tunguin ang palasyo ng aking ama at hanapin si diyosang Hanan at sabihin lahat sa kanya ang inyong nasaksihan sa kagubatang ito."

"Pero, mahal na diyosa, paano kung hindi kami papapasukin sa palasyo ni Bathala at hindi kami paniwalaan ni diyosang Hanan?" ang may pag-aalinlangang tanong ni Mariang Makiling sa diyosa.

Ngumiti si diyosang Bulan kay Mariang Makiling bago ito tumugon sa katanungan nito sa kanya.  Tumingin ito kay Blake at ngumiti rin ito sa bata. "Nasa'yo na ang kasagutan sa katanungan mo Makiling...hangad namin ang inyong tagumpay para maisakatuparan ni Odessa ang kanyang tungkulin para sa kaligtasan ng buong Sanlibutan. Nawalan na ng balanse ang mundo sa pagkawala ni ama, tumatakbo na ang oras at ito ay nasasayang na. Ang lahat ay maglalaho kapag ang lahat ay nauwi sa wala, Makiling..." ang naging babala ni diyosang Bulan at unti-unti ng naglalaho ang katawan ng dalawang diyosa.

"Mahal na diyosang Bulan, may mga itatanong pa po ako!" ang pahabol na wika ni Mariang Makiling sa diyosa. Ngunit tuluyan ng naglaho ang katawan ng diyosa kasama si Amihan. Muling nagsiliparan ang mga iba't-ibang kulay na bola ng liwanag sa kanilang paligid. Ang makapal na ulap sa sahig ng kagubatan ay unti-unti na ring naglalaho kasabay ng muling pagsilip ng araw mula sa mga naglalaho na ring maiitim na ulap sa himpapawid.

"Mahal na diyosang Bulan..." ang pahabol pa ring tawag ni Mariang Makiling sa diyosa. Ngunit wala ng tugon si diyosang Bulan sa kanya.

Bumuntong hininga si Mariang Makiling at tinitigan si Blake na nananatiling tahimik na nakamasid din sa kanya.

"Kailangan na nating lisanin ang lugar na ito bago pa lumubog ang araw." ang sabi ng diwata kay Blake.

"Gutom na gutom na po talaga ako." ang tanging naging tugon ni Blake sa diwatang si Mariang Makiling kasabay ng malakas na tunog ng nangangalam ng sikmura nito.

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 782 65
In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odes...
249K 6.8K 44
Sky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017
16.2K 698 38
Highest rank: #997 IN FANFICTION _________________________________________ This story is pure taglish. _________________________________________ One...
3.5K 71 53
Girlie Justine Samalca is a secret agent who disguised as an assistant detective. As a request from his twin brother, Ignacio Santiago, she enters th...