Hotel Grimm: The Brave and Th...

By Illinoisdewriter

55K 5.5K 1.4K

[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez f... More

Hotel Grimm: The Brave and The Powerful
Check-In 01: Someone Who Cares
Check-In 02: A Breath of New Life
Check-In 03: Welcome to Hotel Grimm
Check-In 04: Stranger Things
Check-In 05: Gone with the Wind
Check-In 06: Lost in Translation
Check-In 07: Angels and Demons
Check-In 08: Doctor Sleep
Check-In 09: The Da Vinci Code
Check-In 10: The Alchemist
Check-In 11: Memoirs of a Geisha
Check-In 12: Trainspotting
Check-In 13: Wuthering Heights
Check-In 14: Life of Pi
Check-In 15: A Series of Unfortunate Events
Check-In 16: Pride and Prejudice
Check-In 17: The Shining
Check-In 18: A Tale of Two Cities
Check-In 19: Rich People Problems
Check-In 20: The Little Prince
Check-In 21: Pirates of the Caribbean
Check-In 22: Little Women
Check-In 23: I Know Why The Caged Bird Sings
Check-In 24: The Godfather
Check-In 25: Jane Eyre
Check-In 26: Coraline
Check-In 27: The Truth About Forever
Check-In 28: Tuesdays with Morrie
Check-In 29: Peter Pan
Check-In 30: Nineteen Eighty-Four
Check-In 31: Les MisΓ©rables
Check-In 32: Into the Wild
Check-Out

Prologue

3.1K 185 39
By Illinoisdewriter

Prologue

Trigger warning: violence and abuse; reader's discretion is advised

"O MY JESUS, forgive us our sins, save us from the fires of hell, and lead all souls to heaven, especially those who have most need of Your mercy."

"Wag kang titigil!"

Isa... dalawa... tatlong hampas ng latigong hawak niya ang dumapo sa likuran ko.

"O my Jesus, forgive us our sins, save us from the fires of hell, and lead all souls to heaven, especially those who have most need of Your mercy."

Apat... lima... anim pang hagupit ang ipinaranas niya sa akin.

"O my Jesus, forgive us our sins, save us from the fires of hell, and lead all souls to heaven, especially those who have most need of Your mercy."

Hindi ko na mabilang ang ilan pang sumunod. Nanghihina na ako, nauuhaw, napapagod, nagugutom. Kumikirot na rin ang tuhod kong nakaluhod at ramdam na ramdam ko na ang pagdaloy ng kung anong likido sa likuran ko.

"O my Jesu-" Tuluyan nang bumigay ang katawan ko sa malamig na sahig nang madilim na kwartong kinaroroonan ko.

Pilit kong binuksan ang bumibigat ko ng mga talukap nang hilahin niya ang buhok ko upang iangat ang tingin ko sa krus na may katawan ni Kristo.

"Humingi ka ng tawad sa Kanya dahil makasalanan ka, Vaniellope. Humingi ka ng tawad hanggang sa umalis na sa katawan mo ang demonyo."

Pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. What did I do so wrong to deserve all these?

Sa bawat araw na nagdaan, wala akong ibang naramdaman kundi sakit at pighati sa kamay ng sarili kong ina. Lagi niyang pinagpipilitang may demonyo sa katawan ko at ito ang gusto ng Diyos sa mga katulad ko. Siya ang nagbibigay ng parusa sa akin na nakaayon daw sa kagustuhan ng Diyos.

I was born of a normal birth and everything in my life back then was all about happiness and joy. But when I got 13, I cannot forget how everything changed. The moment my mother discovered what I can do, her smiling face turned into a grimace, her bright eyes became hazy, her understanding mind went clouded, and cruelty replaced her once loving heart.

It wasn't that long when my happiness transformed into sorrow and my joy shifted into a series of torture. She deprived me of everything a child like me deserves. Now that I am 15, I am tired, hopeless, exhausted, and wounded. I need mercy...

Nang magising ako ay kaagad kong naramdaman ang kirot sa aking likuran. May naririnig akong nagsisigawan sa labas. Kahit na masakit at mabigat ang aking katawan ay pinilit kong gumapang palapit sa maliit na siwang ng pinto kung saan may liwanag. Pinakinggan ko sila at nagdasal na sana sa pagkakataong ito ay matigil na ang lahat ng ito.

"Victoria, nababaliw ka na! Anong ginawa mo sa anak natin habang wala ako rito?!"

"Shh, maririnig ka ng demonyo, Vicente! Binibigyan mo siya ng tsansang sirain ang pamilya natin!"

Uminit ang sulok ng mga mata ko nang matanaw ko nang maigi kung sino ang taong dumating. Papa... tulungan mo ako.

"Tigilan mo na itong kabaliwan mo! Pinatigil mo pa siya sa pag-aaral! Kung hindi pa ako tinawagan ni Vinzi ay hindi ko malalaman ang nangyayari rito!"

Akmang pupunta na si papa sa direksyon ko nang pigilan siya ni mama.

"Hindi mo alam ang ginagawa mo, Vicente! Isang demonyo ang pinag-uusapan natin dito at kagustuhan ng Diyos ang nangyayari sa kanya!"

Napahilamos sa galit si papa. "Diyos ko naman, Victoria! Hindi siya demonyo! Anak mo siya! Anak natin siya!"

"Paparusahan ka ng Diyos sa paglabag sa utos Niya. Tandaan mo yan."

Isang malungkot na tingin ang ibinigay ni papa kay mama. "Hindi na kita kilala at ang Diyos na sinasabi mo."

Lumuha akong muli sa tuwa nang buksan ni papa ang pinto at buhatin ang nanghihina ko nang katawan. I snaked my arms around his neck and sobbed until there were tears no more.

"Nandito na si papa, anak. Ligtas ka na."

Finally, mercy has come for me. My salvation has come.

💀💀💀

I SLOWLY OPENED my eyes when I felt something poked my right cheek.

"Gising na siya! Gising na siya!" natutuwang deklara ni Von nang magising ako.

Sumampa ang pitong taong gulang kong kambal na mga kapatid na sina Von at Vienn sa kama upang tignan ako.

"Ate Vanie, wag ka nang matakot kay mama kasi dumating na si papa. Ang sabi niya di na raw siya babalik ng Dubai. Di na siya aalis. Dito na lang siya sa atin. May magliligtas na sayo. Yehey!" Napangiti ako sa masayang kwento ni Vienn.

"Gising ka na pala."

Napatingin kaming tatlo kay Kuya Vinz na nakatayo sa hamba ng pintuan. Tatlong taon lang ang agwat naming dalawa and I am really grateful for the blessing of him. Noong mga panahong pinahinto ako ni mama sa pag-aaral sa takot niyang makapanakit ako ng iba ay si kuya ang nagtitiis na turuan ako ng mga natutunan niya nang palihim.

Lumapit siya sa amin at pinababa ang kambal mula sa kama ko.

"Halina kayo at nandoon na si papa. Naghihintay na siya sa atin sa hapag."

Kuya Vinz looked at me and smiled sincerely. "Don't worry, she'll not gonna hurt you again. Not anymore that papa's here."

Tumango ako at sumunod na sa kanila. Nakaupo si papa sa kabisera samantalang nasa kusina naman si mama. Naupo na ang mga kapatid ko sa kani-kanilang upuan subalit nanatili akong nakatayo. Ngayon lang ulit ako makakaupo roon at makakakain nang maayos.

"Halika na, Vanie. Maupo ka na," nakangiting ani papa sa akin.

Sinulyapan ko si mama. Her eyes were void of any emotions and it scares me. Tinulungan siya ni Kuya Vinz sa pagdadala ng mga sopas namin sa hapag. Naupo na ako at nanigas ako sa kinauupuan ko nang tumabi sa akin si mama. They started praying but I stilled, unmoving. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko sa ilalim ng lamesa. Three years were enough for her to instill so much fear on my system. My traumatic experiences with her marred me so much I nearly lost myself.

Dinig ko ang kalansing ng mga kutsara at tinidor. Nagsimula nang kumain sina papa at ang kambal. Si Kuya Vinz naman ay nanatiling nakatitig sa akin na may pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Gusto mo ba tabi tayo?" he asked.

"Anak, kumain ka na. Kailangang magkalaman yang sikm-"

Napatayo kami ni kuya sa gulat nang bumula ang bibig ni papa. Nangisay siya at nabitawan ang kanyang kutsara.

"Pap-"

Napabaling ako kay kuya dahil sa palahaw niyang iyak. Napatakip ako ng bibig kasabay nang walang humpay na pag-agos ng mga luha ko. Ang kambal ay nakapatong na ang ulo sa ibabaw ng lamesa, dilat na dilat ang mga mata at bumubula na rin ang mga bibig.

"Binalaan na kita. Paparusahan ka ng Diyos sa ginawa mo."

Nanginginig ang mga labing napabaling ako sa malamig na boses na nagsalita. Ibinaba niya ang tasang ininuman niya at pinunasan ng table napkin ang bibig niya na parang walang nangyari.

Kinuyom ko ang mga kamao ko. Nagpupumiyos ako sa galit. Nilason niya si papa at ang kambal. Hindi pa kami kumakain ni kuya ng sopas na ginawa niya kaya nakaligtas kaming dalawa. Tatlong inosenteng buhay ang winakasan niya. Pareho niyang sariling pamilya. Patuloy na umiiyak si kuya habang dinadaluhan ang kambal at si papa. Hindi ko na kaya. Sobra na. Sumigaw ako upang ilabas lahat ng galit at hinanakit ko sa babaeng nagsilang sa akin.

"Anong ginawa mo?! Pinatay mo ang sarili mong mga anak at asawa!"

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at sinalubong ang galit sa aking mga mata. Sa unang pagkakataon ay hindi ako nagpadaig sa kanya. Hindi ako natakot sa harapan niya dala ng matindi kong galit.

"Ikaw ang pumatay sa kanila! Pinarusahan sila ng Diyos dahil tinulungan ka nila! Kagustuhan ng Diyos lahat ng ito!"

"Nababaliw ka na! Sarili mong pamilya binawian mo ng buhay. Anong klaseng ina ka?! Anong klaseng tao ka?! Ikaw ang totoong demonyo sa ating dalawa!"

She didn't falter despite my furious outcry. Anong klaseng nilalang siya't nasikmura niyang gawin iyon sa pamilya niya? She laughed, a humorless laugh.

May sakit na siya.

"Ikaw ang pumatay sa kanila. Demonyo ka at panghabambuhay ka nang magiging ganyan. Magdudusa ka habang nabubuhay ka at walang tutulong sa isang katulad mong demonyo! Lahat ng ito," she said while extending her hands to the disheartening scene.

"Kasalanan mo lahat ng ito. Wala kang lugar dito sa mundo! Ang bagay sa'yo ay sa impyerno. Demo-"

"Tama na!"

Along with my defening scream, a loud gunshot ricocheted inside the walls of our small abode.

Sumuka ng dugo si mama at hinawakan ang dumudugo niyang tiyan. Ilang segundo pa ay natumba na siya sa sahig. Nanatiling nakalutang ang shotgun na tumapos sa buhay niya na kani-kanina lang ay nakasabit pa sa dingding ng aming sala.

Sinulyapan ko ang umiiyak paring si Kuya Vinz na yakap-yakap ang wala nang buhay na kambal. Suminghap ako at nanghihinang napaupo sa sahig kasabay niyon ay ang pagbagsak din ng shotgun sa sahig. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at tuluyan nang humagulgol.

Tapos na lahat.

Tinapos ko na...

•|• Illinoisdewriter •|•

Continue Reading

You'll Also Like

824K 44.2K 88
VRMMORPG | TAGLISH | Unedited A Sci-fi/Fantasy Story β‹˜ ───────── βˆ— β‹…β—ˆβ‹… βˆ— ───────── β‹™ The life of a gamer is perfectly ordinary. Eat, game, sleep a...
278K 15.7K 59
It takes one crown to become the persona of death. It takes two to be the destroyer of worlds. One mission. A series of deaths. A discovery of secr...
77K 5.4K 35
Her touch is once frail. Neither having green thumb nor cold hands. She's never an heir. She lies. She runs. She hides. But she's been chosen To sa...
586K 31.9K 55
He's after her. Just one bite, One drop, One dark power, A curse of a lifetime. A girl with cursed blood. A boy destined to drain her to death. ...