BHO CAMP #7: The Moonlight

By MsButterfly

1.9M 55.3K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... More

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 3: Light

57.4K 1.5K 104
By MsButterfly

A/N: Use the twitter hashtag #BHOCAMP7TM and #Aiecher para mahanap namin kayo kay pareng tweetah. Mas active pa ko do'n kesa sa magulong mundo ng fb :3

Our accounts: @MsButterflyWP and @BHOCAMPofficial

AIERE'S POV

Nakahalukipkip lang ako at naghihintay sa mga magulang ko na magsalita. For the first time since my mother birthed me, my parents Autumn and Wynd Roqas are both out of words while looking at me...and Archer who's currently can't stop fidgeting beside me. Ang kakambal ko naman ay palipat-lipat ang tingin samin habang naghihintay ng eksplenasyon at unti unti ay namumula na ang mukha niya na para bang malapit ng sumabog dahil wala paring nagsasalita samin.

Ano naman ang ipapaliwanag ko kasi sa kanila? Kahit nga ako hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Archer at basta-basta na lang nanghahalik. Dito pa talaga kung saan napapalibutan ako ng mga kamag-anak at kaibigan ko. Kaya nga kahit mga tapos na kumain ang ibang mga agent ay pakalat-kalat parin sila sa tabi-tabi para makiusyoso.

Finally losing his patience at us, my brother Fiere turned to our mother, "Mom, can you please just say something?"

Napakurap si Mama at para bang nababalatubalani na lumingon sa kapatid ko. "Bakit ako? Tanungin mo ang papa mo."

Bago pa bumaling si kuya kay papa ay napapitlag ang ama namin nang marinig ang sinabi ni mama na para bang nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. "Bakit ako. Ikaw na."

Pinaningkitan siya ni mama sa sinabi niya at walang magawa na napapabuntong-hininga na bumaling samin ni Archer si papa. Sinalubong ko lang ang tingin niya at naghintay. Sanay na ako sa mga magulang ko. Kung matino ang sasabihin nila which means pagagalitan ako, okay lang. Pero kapag kalokohan na naman, hindi naman nila ako mapipilit.

"So...kakakasal lang ng kapatid mo." panimula ni papa.

Bahagyang kumunot ang noo ko sa tinatahak na direksyon ng usapan. "Yes."

"Sukob kayo kaya hindi ka muna pwedeng ikasal sa taong 'to. Next year na lang no? Saka para may time pa tayo para maayos ang kasal at syempre para naman makilala namin ang mga magulang nitong si Archer."

Pumalakpak si mama at tumingin sa kisame na para bang may naiisip. "Tama, tama. Mailalabas ko na ulit ang connections ko para magkaron tayo ng maraming discounts. Magarbo pa naman ang kasal na gusto ng batang 'yan mula pa ng maliit 'yan-"

Tinaas ko ang kamay ko para patigillin si papa sa pagsasalita. Una dahil laglag ang pangang nakatingin na samin ngayon si kuya Fiere na hindi makapaniwala kung paanong kaswal lang na dinidiskusyon ng mga magulang namin ang magiging 'kasal' ko daw, second I felt Archer stiffening beside me as if he suddenly became a statue, and third...this is just plain ridiculous.

"I'm not getting married." I said with finality.

Natigil ang pag-iimagine ni mama sa gagawin na kasal at napatingin siya sa akin. Ngumuso siya na para bang nagtatampo siya na naputol ang pangangarap niya. Sometimes I can't really help but think that I was the wrong sperm cell who reached the egg cell at the same time my brother did. Ang laki kasi ng pagkakaiba ko sa mga magulang ko.

Like my mother said, I want a grand wedding. Samantalang si mama napaka simple. Bihirang bihira ko siya makitang mag make up at lagi lang simple ang pagkakatali ng buhok niya. Ni hindi ko nga alam kung nakapagsuklay na siya ngayon. When I was younger she used to wear jerseys and even my father's clothes. Gano'n pa din naman ngayon paminsan-minsan pero dahil nga isa na siyang doktor ay napipilitan siyang mag-ayos kahit kaunti and anyway even if she don't she's beautiful either way. While on the hand it takes me hours to fix myself every morning. Hindi dahil sa kung ano pa man kundi dahil nag e-enjoy talaga akong i-pamper ang sarili ko.

Kuya ang I are a bit crazy when it comes to pranking people before, but hello? My parents are way more crazier.

"O, ayaw daw ikasal. Okie." sabi ni mama at nakangiting pumalakpak ulit na parang wala lang ang nangyari.

Ngumuso si papa at pagkatapos ay nag aakusang tinuro si Archer na bahagyang napapitlag, "Pero...pero hinalikan niya ang baby girl natin!"

Pinaikot ko ang mga mata ko kasabay ng pagtaas ng kilay ni mama. Kung makapagsalita din naman kasi akala mo nakakabuntis ng halik. It wasn't even my first kiss for goodness sake. "Bakit nong una mo ba akong hinalikan pinakasalan mo na ako agad? May nangyari na nga satin hindi mo pa ko pinakasalan ng totoo. May pa-fake fake wedding ka pang nalalaman."

Napangiwi ako at gano'n din si kuya. Naiilang parin kasi kami kahit ilang beses na naming narinig ang buhay pag-ibig ng mga magulang namin. They are our parents anyways. We will never get used to them being lovey duvey.

Hindi na nakaangal si papa nang hindi na siya pansinin ni mama at sa halip ay bumaling kay Archer na muli na namang hindi mapakali sa kinauupuan niya. Ayan kasi halik ng halik tapos ngayon masisindak.

"Mr. Chase, hindi ko alam kung anong meron kayo ng anak ko but at least don't kiss her again without telling her first. Baka kasi idemanda mo kami kapag bigla ka na lang niyang binangasan. Gwapo ka pa naman sayang ang fes."

"Thank you for the concern, Ma'am, and I'm really sorry for what you saw earlier. Nagbibiruan lang at nagkapingunan kami ni Aiere. Wala po akong gusto sa kaniya at hindi po ako magkakagusto sa kaniya. We're just...umm friends I guess. Pasensya na po kung umabot pa sa gano'n ang biruan namin. It won't happen again." hinging paumanhin ni Archer na ikinataas ng kilay ko.

Pinanatili kong kalmado ang ekspresyon ko kahit pakiramdam ko ay biglang sumulak ang dugo ko. The nerve. Talagang ipinagdiinan niya pa talagang hindi siya magkakagusto sakin. Eh ako sa tingin niya magkakaron? No way!

"Won't happen again? Ay why naman? At bakit hindi mo gusto ang anak ko?"

Hindi nakasagot si Archer na nagulat sa sinabi ni mama habang si kuya naman ay nayayamot na nag walk out at lumapit na lang sa asawa niyang si Athena na tatawa-tawa lang sa kabilang table. Si papa naman ay napahalukipkip at nakasimangot na binalingan si mama. "Sweetie."

"Bakit?" tanong ni mama sa umaangal na asawa. "Ang ganda-ganda ng anak ko eh."

Napapabuntong-hiningang inawat ko na sila, "Ma, hayaan niyo na si Archer. Napuno na lang talaga 'yan sakin. I have no plans on marrying him or even dating him. Hindi ko siya type."

Iningusan ko ang lalaki na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Mukhang gusto pa sana niyang umangal at gantihan ang sinabi ko pero naunahan na siya ni mama na mukhang naka move on na naman mula kay Archer. Alam niya kasing hindi niya ako basta-basta mapipilit kapag ayaw ko sa isang tao. At number one si Archer sa listahan ko na hindi ko gustong maka-date man lang. Ever.

What we have is just...a temporary insanity. Kapag masyado na kaming lunod sa mga drama namin sa buhay, do'n lang kami nagkakaron ng koneksyon. We're just together when we are broken. Iyon lang. Hindi nga kami magkaibigan. Bukod sa mga pagkakataong 'yon....we're just two person who hates the guts of one another.

"So...since he's not your type, eto ba gusto mo?" tanong ni mama at itinaas ang phone niya para ipakita sakin ang larawan ng isang lalaki do'n. "His name is Leo Colton. Hindi siya kasama sa listahan mo ng taong 'Boring job, boring life' though hindi ko maintindihan kailan pa naging boring ang pagiging doktor, lawyer, businessman, at architect."

"Hindi sila boring. I just don't like them because they're so...predictable." I explained.

Iwinigayway niya ang isa niyang kamay at nagpatuloy habang inii-swipe ang screen ng phone para ipakita sakin ang iba pang larawan ng lalaki. "Well he's not predictable. He's a well-known potter. He loves travelling, trying new arts, he loves animals, and again...he's a potter. San ka pa makakakita ng potter ngayon di ba?"

"Wizard siya? Kalahi ni Harry Potter?" tanong ni Papa na naguguluhan.

"Hindi. Potter nga siya. Keep up, Wynd. Sinong Harry pinagsasabi mo diyan?"

"Hala hindi mo kilala 'yon?"

Tinaas ko ulit ang kamay ko dahil lalo na kaming napapalayo sa usapan. That's how my parents live their lives day by day. Habit na nilang magtalo sa kahit na anong bagay na maisip nilang pagtalunan. "Fine."

Natahimik mula sa pagtatalo ang mga magulang ko pati na din ang paligid namin kung saan alam kong kanina pa nakikinig ang mga agent. Hindi makapaniwalang napatingin din sa gawi ko ang kapatid ko na nasa kabilang table.

"Fine?" tanong ni papa.

"Yes, pa. Fine. I'll go on a date with him."

Hindi ko na hinintay pa ang magiging reaksyon nila at kung ano pa man ang sasabihin nila dahil tumayo na ako at naglakad paalis. I don't want to date, I don't want to be with anyone, and I don't want to open up again to any man. But I'm lying to myself if I don't admit that Archer's words had an effect on me at gusto kong patunayan na wala lang sakin ang sinabi niya.

Hindi din kita gusto at hinding hindi din kita magugustuhan!








PINIGILAN ko ang mapahikab. Hindi tama 'yon lalo na at patuloy parin sa pagkuwento ang taong kaharap ko. It's not his fault anyway. Pagod lang talaga ako sa trabaho at hindi din ako nakatulog kagabi dahil control room duty ako. Wala kasi si Freezale dahil masama daw ang pakiramdam niya at wala din namang free sa aming mga agent bukod sa akin at kay Chalamity kaya kami ang naatasan na magbantay sa control room.

"I'm boring you out."

Bahagya akong napapitlag at ibinalik ko ang tingin ko kay Leo Colton. He's a good looking man. He looks a bit rugged dahil may kahabaan ang buhok niyang maayos na nakatali ngayon, casual lang din ang ayos niya para sa isang date dito sa Antonio's which is admirable because he can carry himself with ease and confidence, and he provided every conversation starter for this date. Iyon nga lang kahit na maganda ang personality niya...everything seems rehearsed and well...predictable.

Ilang beses na ba akong dinala sa ganitong lugar? Isang mamahaling kainan na may soothing music, masarap pero may kamahalan na pagkain, tapos magkukuwentuhan para magkakilala. Tapos ano? We will invest our feelings only to realize in the end that it will never work out. Dahil sa umpisa naman puro magagandang bagay naman talaga ang pinapakita. Papaliguan ka ng atensyon at dadalin sa mga romantikong lugar. Pero kapag tumagal biglang nawawala na ang mga dating nagpangiti sa'yo. Dahil nasanay na. Nasanay na kayo sa isa't-isa na masyado na kayong naging komportable. Na hindi siya mawawala...hindi ka iiwan.

People will always show you the best in them and convince you to the things they want you to see until you will finally fall in love to the promise of their well-crafted representation. Pagdating sa huli hindi nila magagawang panindigan ang ipinakita nila sa umpisa. Marerealize mo...hindi pala 'yon ang taong minahal mo. Hindi pala siya ang taong nakilala mo.

"I'm sorry. I think you're a great person. May trabaho ka na at the same time passion mo din, you love trying new things when it comes to arts because you can see the beauty in everything, and you love animals. Anyone who can pour their hearts to animals usually is a good person. But I just don't think this will go on any further." I said to him honestly.

Napasandal siya sa kinauupuan niya at sandaling tinitigan ako. Inaasahan ko na na magagalit siya at hinanda ko na din ang sarili ko sa sasabihin niya pero imbis na magalit ay napangiti siya pagkaraan. Hindi katulad kanina ay may kinang na ngayon ang mga mata niya like he just unveiled a different person in front of me.

"If I'm being honest, I was getting tired of speaking." he said with a shy smile. "Hindi kasi talaga ako sanay na panay ang salita. But you were quiet so I don't want to make this awkward."

Napangiti narin ako at sumimsim ako ng wine sa hawak ko na baso. "I'm not a great date to be with in the first place. Masiyado akong maraming baggage para sa ganitong bagay. Pinagbigyan ko lang-"

"Ang parents mo. Same."

Muli kaming nagkangitian at pagkatapos ay tahimik na pinagpatuloy namin ang pagkain. Hindi katulad kanina ay mas panatag kami parehas sa katahimikan. Hindi kailangan pekein ang ngiti...ang interes at kung ano pa man. Nang matapos kaming kumain ay kinuha ko ang wallet ko pero pinigilan niya ako. Hinayaan ko na lang siya dahil ayoko naman na tuluyan ko na siyang ma-offend.

Pagkaraan ay tumayo kami at iginaya niya ako palabas kung saan nandoon ang mga nakaparada naming sasakyan.

"It was a nice date, Aiere." he said with a smile.

I returned his smile and lift an eyebrow at him, "Was it really?"

"Well kahit na hindi mo ko masyadong iniimik at wala din akong masyadong nalaman tungkol sa'yo, I think you're a great person who just have a lot of things to deal with right now."

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko alam na gano'n pala siya ka-observant. Akala ko kasi ay pag-iisip lang sa kung ano ang pag-uusapan namin ang pinagkaabalahan niya kanin. "Gano'n na ba ako kadaling basahin?"

"No." he said quickly. "I think you're a person who's very hard to read. But I'm an artist so..."

Nakangiting napatango ako. Tumingin ako sa kalangitan at sandaling napatingin lang ako roon nang makita ko ang magandang buwan na nandoon. The moon always brings me emotions that I try not to feel. Noon pa man, parang ang laki na ng dala niyon sakin. I love it at the same time that I hate it. I love it because it reminds me that there can be something constant out there. Pero pinapaalala din sakin no'n kung gaano kahirap hanapin niyon.

Ipinilig ko ang ulo ko at muli kong binalik ang atensyon ko kay Leo na nananatili palang nakatingin sa akin. "Can I give you tips for your next date?"

He chuckled. "Sure. Kahit wala pa talaga akong balak sa ngayon."

"Bring her somewhere that you can show her you. The real you. No pretensions, no predictable dates. Kapag nakita mong hindi siya interesado sa kung ano man ang ikaw...then she's not the right person you should invest your feelings with."

His smile reached his twinkling eyes. I've met a lot of people like him. You see a different person in front of you from the real person behind their eyes. Kaya minsan ang hirap din maka-date ng isang artist. Para kasing ang dami nilang naiisip at napapansin.

But they're also one of the greatest people I have met in my life. I love their passion and dedication. Na para bang nahanap na nila ang bagay na bubuo sa kanila kahit pa ang yakapin ang buhay na 'yon ay nangangahulugan na paulit-ulit mong mararamdaman lahat ng emosyon...kahit pa ng mga ayaw mo ng maramdaman pa.

"Can I give you my own words of wisdom too?" he asked.

Nagkibit-balikat ako. "Sure."

"Don't be afraid of trying. Maraming tao ang dadaan sa buhay mo na bibiguin ka, but you will never find the right person without trying."

Lumapit siya sakin at bahagyang yumuko para bigyan ako ng magaang halik sa pisngi bago siya tumalikod at naglakad papunta sa sasakyan niya. I forced myself to rouse from my thoughts and went to my own car. Pinaandar ko 'yon paalis sa lugar at tinahak ang daan na magbabalik sakin sa BHO CAMP.

I drove fast to get home quickly but I slowed down when I saw the vibrant light coming from Skyranch. A theme park on the midst of the beauty of this city. Ilang beses na akong dumadaan dito pero for some reason, it catches all my attention at this moment. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay lumiko ako do'n at pumarada. Hindi nagtagal ay natagpuan ko ang sarili ko na naglalakad papunta sa entrance niyon.

Only to stop when I saw them. Matteo and his girlfriend.

Have you ever wished so hard to have someone back? Na sana may nagawa ka pa, may nasabi ka pa. Wishing that you could have done something in the hopes of having a different outcome. Pero alam mo na kahit anong gawin mong hiling, gawin mong pagdadasal, ay alam mo sa sarili mo na tapos na. Hindi na pwede. 

Katulad parin ng dati...wala paring nagbago sa nararamdaman ko. Sa totoo lang napapagod na din ako sa sarili ko. Napapagod na ako na masaktan kada makikita ko siya. Kung sana nga pwede kong pilitin ang sarili ko na hindi na maramdaman ang mga bagay na 'to pagdating sa kaniya. Kasi nakakasawa na...nakakapagod na.

Bakit ba pakiramdam ko ako ang pinaparusahan kahit siya naman ang nakagawa ng kasalanan?

Mabilis pa sa alas kwatro na umiwas ako ng dadaanan. Pero imbis na pabalik sa pinanggalingan ko ay palabas ng lugar na 'yon ang ginawa ko. I just need to breathe. I can't be around them. Ayokong makita sila. Hindi ngayon na pakiramdam ko bukas na bukas ang puso ko sa lahat. Lalong lalo na sa kaniya.

Natagpuan kong dinadala ako ng mga paa ko sa maingay na Barracks Food Park. Kahit na hindi naman ako nagugutom o kung ano pa man ay dumiretso ako sa loob niyon. I needed this. The noise from the chattering crowd and the blasting sound from the live band.

Kaagad na lumapit ako sa isang food stall na may beer at bumili ako ng isa niyon bago ako naghanap ng uupuan. Nang makahanap ako ng upuan sa kabila ng maraming tao ay kaagad akong umupo roon. Tinutok ko ang atensyon ko sa live band na ngayon ay pumipili na ng next song na kakantahin nila.

Ininom ko ang beer na hawak ko at diniretso 'yon na parang tubig. I immediately regret the action as I taste the bitterness of the drink. Ladies drinks lang ang kadalasang iniinom ko. Binitawan ko 'yon sa lamesa at tinutok ko na lang ang mga mata ko sa harapan ko.

I can't even see them. Parang tumatagos lang ang mga mata ko sa mga nakikita ko sa harapan ko. Dahil kahit napapalibutan ako ng ingay ay hindi no'n magawang alisin sa utak ko ang mga rumaragasang isipin do'n.

I was broken before I even met Matt, but he was the one who destroyed what I had left. Kaya minsan hindi ko maiwasang isipin na baka nga...baka nga kaya ang hirap kong mahalin. Who would love a person who need fixing?

It was not his responsibility but I was hoping that he would stay long enough to wait for me.

"Ang next song namin ay para sa mga taong nalulunod na sa sakit ng pag-ibig. Para sa mga taong humihiling ng isa pang pagkakataon na makasama ang taong mahal nila. Isang Araw."

Ngayon ikaw ay nasa piling niya

At ngayon ako ay nagsisisi na

Ngunit walang magawa

Kundi ang humiling nalang na sana

Pagak na napatawa ako at hindi makapaniwalang napailing. Galit na galit na talaga ata ang mundo sakin. Ano bang ginawa ko na pakiramdam ko pinaglalaruan ako lagi?

O Dyos ko, isang araw lang ang hinihingi ko

Isang araw lang naman

Pagbigyan Mo na ako

Ibigay Mo na sa'kin 'to

Nang maramdaman muli at marinig muli na mahal niya rin ako

Tumayo ako bago pa tuluyan akong gumawa ng eksena sa lugar na 'to. Kulang na lang ay takpan ko ang mga tenga ko para hindi lang marinig ang mga salitang gustong iparating ng kantang naririnig ko. Mga salita na parang ginawa eksakto para sakin.

May mga kanta talaga na parang ginawa lang para saktan ka at isaboses ang mga salitang nararamdaman mo lang.

Lalabas na sana ako sa lugar na 'yon nang mapatingin ako sa kanan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaki na sa kabila ng suot na bullcap ay kilalang kilala ko. Pero hindi sa dahilan na nandito siya kaya nagulat ako kundi dahil sa bigla niyang pagbalandra sa isang tabi. Mukhang hindi naman napansin ng lahat ang nangyayari pero may ilang napatayo at napatingin sa kinaroroonan ni Archer at ng isa pang malaking lalaki na galit na nakatingin ngayon sa binata

Mabilis na lumapit ako sa kanila nang makita ko na hinatak ng malaking lalaki ang kwelyo ni Archer at akmang muling susuntukin. Kaagad na naiharang ko ang kamay ko at pinigilan ang kamao ng lalaki bago pa tuluyang tumama 'yon sa mukha ni Archer.

"If I were you, I would stop now. His face is important and this would certainly cause an issue."

Galit na pumiksi ang lalaki at binitawan si Archer na kaagad ko namang naalalayan. He's drunk out of his mind but he's not looking at the man who just beat him up but to the woman behind that huge man.

"Wag kang makielam dito, 'yang kasama mo ang may atraso sakin."

"At nakaganti ka na." mahinahon kong sabi. "We will get out of here. Just stop."

Pero bago ko pa mailayo si Archer ay lumapit siya sa babae na ngayon ay mabilis na nagtago ulit sa likod ng lalaki. Hindi ko nagawang makakilos agad at gano'n din ang lalaki nang hinawakan ni Archer ang kamay ng babae at hinila palapit sa kaniya. He looked at the girl intently before he sadly shake his head.

"Hindi ikaw..."

Hinila ko si Archer dahilan para mabitawan niya ang babaeng halatang naguguluhan. Iniharang ko ang sarili ko kay Archer nang makita ko ang kasama ng babae na namumula na naman ang mukha sa galit at parang ilang sandali na lang ay manunuwag na.

"I'm really sorry about this. Wala siyang masamang balak, okay? As you can see he's very drunk. Akala lang niya kilala niya ang girlfriend mo. Let's just calm down and we will get out of here."

"Kapatid ko to!" galit parin na sabi ng lalaki. "At kanina pa nanggugulo yang kasama mo. Sinubukan ko na siyang mahinahong patigilin pero hatak siya ng hatak sa kapatid ko."

"Pasensya na talaga. This won't happen again, I promise. May kapatid din ako na lalaki. I know a brother can be really protective and that's great. But trust me, this person meant no harm."

Halata sa lalaki na ayaw pa niyang tigilan si Archer pero mukhang pilit niya ding kinakalma ang sarili niya at tinanguhan na lang ako bago siya tumalikod at inilayo ang kapatid niya. I let out a breath of relief and turned to Archer. I gritted my teeth and pulled his hand. Hinila ko siya palabas pero sa kabila ng kalasingan ay may lakas parin ang lalaki para patigilin ako.

"Sa'n mo ko dadalin?" he asked, swaying on his feet.

"Ihuhulog ka sa pinakamalapit na bangin." sabi ko at sinubukan ko muling hilahin siya paalis pero pinigilan niya lang ako ulit. "Ano ba?! Kung meron kang dalang sasakyan, bukas mo na balikan dahil concern ako sa taong madadamay mo kapag nakabangga ka."

"I came with my friends. Sila ang may dalang sasakyan."

"Then you're not going home with them. Pinabayaan ka nilang nanggugulo do'n sa loob kaya wala silang kwenta. Unless you're with my cousin who's probably with another girl then he's useless too!"

"I'm with my other...fend...friennds." he slurred.

"Okay. Wala silang kwenta."

Hinila ko siya ulit at sa pagkakataong 'to ay hinayaan niya na lang. Nilakad namin ang daan pabalik ng Skyranch pero dahil bahagyang pataas 'yon ay sandaling tumigil ako para huminga. Hindi madaling mangaladkad ng lalaking halos hindi na makatayo.

"You're Aiere."

Masama ang tingin na nilingon ko ang lalaki, "Wow. Sumama ka sakin tas hindi mo ko kilala."

"Well...you drag me."

"Sumama ka naman." sikmat ko.

Itinaas niya ang balikat niya at ibinaba din 'yon na para bang sinasabing 'Oh well'. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at akmang magsisimula na naman akong hilahin siya pero sa hindi ko alam kung ilang beses na sa gabi na 'to ay pinigilan niya ako ulit.

"What?!" I screamed in agitation.

"It wasn't her."

Napakunot noo ako. "Anong sinasabi mo?"

Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay tumangin siya sa dalawang palad niya. And for I moment, I thought he was far away from where we're at. Hinawakan ko ang isa niyang kamay pero nakatingin lang siya do'n na parang may ibang nakikita

"Archer?"

"I thought it was her." he whispered.

"Who?"

He looked up at me and for the first time...I saw it. The hint of demons hiding behind his eyes. "She's really dead isn't she?"

Walang salitang namutawi mula sa bibig ko sa gulat sa sinabi niya at nanatili lang akong nakahawak sa isa niyang kamay. I felt him grip on it tight...almost hurting me. Pero hinayaan ko lang siya at nanatili lang ako sa harapan niya.

When I felt his grip loosen, this time I'm the one who hold his tight and pulled him closer to me. Hindi na kailangan ng mga salita pa na hinayaan kong pumalibot ang mga kamay niya sa bewang ko, ang mukha niya sa leeg ko. I let him just like he always let me borrow strength from him.

I looked up at the moon. Maybe it wasn't a gift. Maybe this is a curse for both of us. We will always be towered upon the greatness of the moon's brilliance without its light ever reaching the darkest part of us that seeks for it.

And again...we are together while we're broken.


__________________End of Chapter 3.

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
537K 26.8K 50
I always feel like I'm floating through life. There was nothing to hold me in one place, there's nothing that has enough weight for me to stay. Stil...
855K 17.8K 10
A novelette created for Storm Reynolds. Bakit nga ba humantong ang lahat sa isang malagim na pangyayari? Ano ba talaga ang pinagdaanan niya sa kamay...
1.4M 45.3K 43
All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it...