On the Seventh Day of May [Se...

By Red_Raselom

103K 1.8K 91

[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite... More

On the Seventh Day of May
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Epilogue
Make Her Fall in Seven Weeks

Chapter Six

2.8K 68 0
By Red_Raselom

Matapos makapag-usap sina Ruby at Kenneth, muli nang nanumbalik ang lahat sa normal. Bagaman minsan ay nagkakailangan pa rin, nakakapag-usap na silang dalawa nang tulad noong panahong hindi pa umaamin si Kenneth sa kanya at noong panahon ding hindi pa nito ginagaya si Dylan.

Anyway, nang sandaling iyon, ito ang senaryong naganap sa magbabakarda:

'Yung feeling na stranded ka sa dormitoryong walang kuryente at nakatayo sa gitna ng bundok? Tapos, umuulan pa nang pagkalakas-lakas. Nakakainis iyon at damang-dama nina Kenneth at ang buong barkada iyon.

Magkakasama sila noon sa facade ng dorm at pinapanood ang ulan.

"Asar talaga to the booooone!" irit na lamang ni Michelle saka sinuntok-suntok si RJ sa braso. "Gusto ko nang umuwi, RJ! Ang layo pa ng Mariveles!"

"Aray ko, Mich! Masakit!" reklamo naman nito. "Alam kong malayo ang bahay mo pero huwag ka namang mambugbog. Hindi ako si Dylan! Sa bagay, magkasimpogi at macho naman kami kaya okay lang." Ngumisi ito na parang aso.

"Hoy, ang kapal mo, RJ. Iyang mukha mong iyan?" Inirapan ni Mich si RJ. "At huwag mo ngang ikumpara si Dylan sa iyo. Machong gwapo ang hambog na iyon. Ikaw, hipon ka, parang si Josel!"

"Hipon ka raw, Josel, oh?" pag-uulit ni MJ. "Payag ka ba do'n?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Josel. "Hoy, bruha, ano'ng hipon ako? Gandang hipon ko naman!" Inirapan nito si Michelle. "Palibhasa, sabi ni Dylan, mukha kang bading kasi flat 'yung iyo!"

Nagtawanan ang lahat habang napamaang naman si Michelle.

"Tse! At least, maganda ako. Kaysa naman sa iyo, negrang hipon. Boo!" Ibinaling nito ang tingin kay Ruby. "At ikaw babaita! Tinatawa mo d'yan? Tandaan mo, pareho lang tayong flat!"

Muling nagtawanan ang lahat habang si Ruby naman ay umusok ang tenga sa sobrang inis.

"Guys, tama na nga iyan. Inaasar n'yo na naman si Ruby," pagtatanggol naman ni Kenneth. Pagkatapos, inakbayan niya ang dalaga.

Humaba naman ang nguso ni Ruby. "Lagi namang ganyan, eh. Lagi akong hina-hard ng lahat. Huhu." Niyakap siya nito at nagkunwaring umiiyak. "Ayoko na talaga! Magma-migrate na talaga ako sa South Korea. Huhu. Jaejoong-oppa, wait for me!"

"Tse! Tigilan mo nga ang kaka-K-Pop mo, Ruby!" Kahit kailan talaga'y ayaw ni Michelle sa K-Pop music. Hindi raw kasi nito naiintindihan ang kanta.

"Tama na nga iyan, guys." Tumawa si Kenneth. "Mabuti pa, ligo na lang tayo sa ulan. Pampalamig ng ulo."

Nagkatinginan ang kambal. "Sige ba, game kami!" sabay na hirit nang mga ito. Sabay rin silang tumakbo palabas at nagtatalon na parang mga palaka nang mabasa ng ulan.

Hinarap niya si Ruby. "Ano? Ligo tayo?"

Umiling si Ruby. "Ayoko." Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya.

"Ang KJ mo naman," kunwaring pagtatampo niya. "Sige na. Minsan lang naman ito."

"Iiih! Ayoko nga."

Bumuntong-hininga siya. "Sige na nga. Kami na lang." Hinubad niya ang suot na sando saka inilapag iyon sa upuan. Sumunod na rin siya sa dalawang tukmol, pagkatapos.

"Uy, macho!" kantiyaw ni RJ. Hindi pa nakuntento, hinimas pa ang dibdib ni Kenneth. "Ay! Ang tigas!" Nagbakla-baklaan ito.

Kenneth gave RJ the middle finger salute. "Fuck you, RJ! Bakla ka talaga, ano?"

"Ay, buti naman nakuha na!" patuloy na pagbabakla-baklaan nito. "I lab yu, fafa Kenneth!" Niyakap nito ang braso niya. "Oh, my gash! Hang tigash!"

"Putang ina mo! Bitiwan mo nga ako!" Itinulak ni Kennth si RJ. "Kadiri ka!"

Nagtawanan silang tatlo sa mga kalokohang pinaggagagawa.

HINDI na halos kumukurap si Ruby habang nakatitig kay Kenneth. OMG. Naka-topless siya! I'm gonna faint! Kilig na kilig niyang monologo, proving na feeling inosente talaga siya noong araw na nasa stall sila ni Michelle. Gash! Ang hawt ng chocolate abs niya.

Bigla na lamang siyang hinampas ni Josel sa likod. "Oy, may naglalaway sa abs ni Kenneth," pang-aasar nito.

Noong nag-usap sila, nagkasundo silang tatlo, kasama si Michelle, na huwag na lamang ipaalam sa iba pa nilang kaibigan ang pag-amin ni Kenneth sa kanya nang sa gayon ay walang awkwardness na mamagitan. Kilala pa naman niya ang mga ito, lalo na ang de Jesus twins. Sobrang mapang-asar.

Sumang-ayon naman si Michelle dahil ayaw nitong magkawatak-watak sila, at tinupad naman nito ang pinangako.

Inirapan ni Ruby si Josel. "Tse! Hindi kaya."

"Asus?" pambabara nito. "Nako, sumali ka na nga lang sa kanila. Gusto ko ring maligo, eh." Malakas siyang tinulak nito.

"Kiyah!" Napalundag-lundag siya, sinusubukang balansehin ang sarili. Nabasa tuloy siya ng ulan. "Ay naku, Josel, nakakainis ka!" inis niyang turan dito. Pero dahil basa na rin, pinili niyang sumama na kina Kenneth.

Samantalang, nagpaulan na rin ang dalawa pang babae para makisali sa kanila.

"Iyun, kumpleto na tayo!" tuwang-tuwang sabi ni RJ. "Halina't magtampisaw sa ulan."

Binatukan ito ng kakambal. "Ano'ng magtampisaw sa ulan? Bobo ka talaga!"

"Sige nga, ano'ng tama, MJ?" paghahamon ni Josel.

"Maligo sa ulan." Ngumisi ito.

"Gunggong! Tama lang naman 'yung magtampisaw sa ulan!" ganting bira ni RJ.

"Heh! Magsitahimik na nga lang kayo?" Napaikot na lamang ng mata si Michelle. "Ano gagawin natin?"

"Taguan na lang, ano?" suhesyon ni MJ. "Pwede kayong magtago sa buong Letran!"

Nanlaki ang mga mata ni Ruby. Kung hindi siya nagkakamali, humigit-kumulang 21 hektarya ang kabuuang area ng school nila. "Hoy, okay ka lang? Ang laki-laki kaya ng school natin!"

"'Di bawal magtago sa mga gubat, ano, game?"

"Sige na nga!" pagpayag niya. "Maiba taya, tayo."

Pinagdikit-dikit nila ang mga kanang kamay.

"Maiba... bakla!" saad ni MJ.

Namumukod-tanging si Michelle lamang ang nakaibabaw ang palad. Naghalakhakan tuloy ang buong tropa.

"Ay, bading ka talaga, Mich!" kantiyaw ni Josel. "Korek talaga si Inkredibol!" Incredible ang petname ni Josel kay Dylan dahil malaki raw ang katawan nito na parang si Incredible Hunk.

Inirapan ito ni Michelle. "Tse, whatever! Basta, game na. Magbibilang na ako." Pumikit ito at nagsimulang magbilang ng hanggang sampu.

Samantalang, hinawakan ni Kenneth ang kamay ni Ruby. "Sama ka sa akin." Ngumiti ito.

She forced herself not to pinch his cheek. Bakit ba ang cute-cute nito? "Sure!"

Sabay silang tumakbo palayo ng dormitory. It was Kenneth who led her. Hindi na niya inalam kung saan siya nito dadalhin. For her, being with him was enough.

Hanggang sa napansin niyang papunta sila sa gymbahan. Scratch that, sa shower room pala sa tabi nito. Ang matindi pa, sa panlalaki siya nito dinala!

Nanlaki na lamang ang mga mata niya nang buksan nito ang isang cubicle at sinenyasan siyang pumasok.

"Tara, dito tayo, Ruby," sabi nito. "Pakiguradong walang makakakita sa atin dito."

Base sa tono nito, halatang seryoso ito.

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. He was dripping wet and half-naked. Tapos sa isang sobrang secluded na lugar pa siya dinala.

Napalunok siya. She was indeed being perverted kanina pero iba na yata ang dating nito and she didn't want it! Paano kung may makahuli sa kanila? Ayaw niyang ma-OSACA—o madala sa Office of Student's Affair and Cultural Activities at mamarkahan for violating the rules mentioned in student's handbook—nang wala sa oras!

Kenneth snapped his fingers to call her attention once again. "Huy, Ruby, tara na! Mahuhuli tayo ni Mich!"

Mariin siyang umiling. "Ayoko nga! Ano'ng gagawin natin d'yan?"

"Ano'ng 'ano'ng gagawin'—" Natigilan ito at tila nakuha kung ano ang ibig niyang sabihin. "Shit, Ruby, hindi iyon ang plano ko! Tingin mo ba, mukha kitang mamanyakin?"

Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi panakuntento, tinakpan pa nito ang dibdib gamit ang kamay.

"Oh, bakit?" nagtataka nitong tanong.

"Kenneth, alam kong natural sa mga lalaki ang maging ma-L pero please, huwag kang ganyan." Madalas talaga'y medyo praning itong si Ruby pagdating sa mga ganitong bagay. Masyado kasing sinasapuso ang mga nababasa sa mga romance pocket book nito sa bahay.

Umawang ang labi nito. "Seryoso, Ruby, ganoon ba ang tingin mo sa akin?" hindi makapaniwalang anito.

"Bakit? Ganoon naman lahat ng mga lalaki, 'di ba?"

Lalo namang umawang ang labi nito. Akmang magsasalita ito kung hindi lang nila narinig ang pagtawag ni Michelle sa pangalan nila. Nataranta tuloy si Kenneth at bigla siyang hinila papasok ng cubicle at isinara ang pinto.

And they were alone inside. It was dark dahil hindi nakabukas ang ilaw kaya super awkward talaga.

Hinihingal na humarap sa kanya si Kenneth. "Hooh! Muntik na."

She distanced herself to him. "Kenneth, huwag kang didikit sa akin, ha? I don't want anyone to think that we're doing some hanky-panky here!"

Natigilan ito. "Ruby, bakit ba ganyan ang tingin mo sa akin? Mukha ba talaga akong manyak?"

"Hindi naman. Naniniguro—"

Muli na naman nilang narinig si Michelle. "Ruby! Kenneth! MJ! Hoy, asan kayo?"

Bigla siyang hinila ni Kenneth pa palapit rito at tinakpan ang bibig. "Shhh..." mahina pang bulong nito.

Napalunok na lamang siya. Hindi naman serial killer ang humahabol sa kanya pero nakaramdam siya ng kakaibang nerbiyos. Bakit nga ba? Dahil ba sa muntik na silang mahuli ni Michelle? O baka naman natatakot siyang mahuli sila nito sa ganoon ayos?

But then, she felt that weird stunning sensation when her body was rubbed against Kenneth's skin. Naisip niyang lumayo nang bahagya rito pero hindi siya nito pinayagan.

"Huwag kang magulo. Mahuhuli tayo," muling bulong nito. Maging ito ay parang nagtatago sa serial killer kung kumilos.

Napaikot siya ng mata. Kenneth, nakakatakot talagang mahuli tayo sa ganitong pwesto, anubey!

Matapos ang ilang sandali, naramdaman nilang umalis na si Michelle. Pareho silang nakahinga nang maluwag.

"Muntik na tayo doon, ah?" saad ng binata saka pinakawalan si Ruby. "Akala ko, mahuhuli tayo."

"Tse!" Inirapan niya ito. "Talagang dapat hindi tayo mahuli. Nakakatakot kaya!"

Natigilan ito. "Galit ka?" nagtataka nitong tanong.

"Ay, hindi!" sarkastiko nitong sabi. "Tabi nga riyan!" Pinausog niya ito at lumabas ng cubicle.

Pero bago pa man siya makalayo, bigla siya nitong niyakap patalikod.

"Sorry na, Ruby," bulong nito in a very apologetic yet sweet tone. "Kung dahil man iyon sa pinilit kitang magtago sa shower room ng mga lalaki, sorry na. Hindi ko naman kasi naisip agad na posible palang ganoon isipin ng lahat kapag nakita nila tayo."

Napalunok si Ruby. Again, she felt the stunning sensation at mas malala pa iyon! Hindi tuloy niya maiwasang mag-blush.

Gosh, Kenneth, kinikilig ako. Hanu bey!

Pinaharap siya nito saka hinawakan ang magkabilang pisngi. "Ruby, huwag ka nang magalit, please? Ayokong nagagalit ka sa akin, eh. Friendzone na nga ako sa iyo tapos magagalit ka pa? Ang saklap naman niyon."

Gusto pa niya itong awayin kaso nag-uumapaw na ang kilig niya at ayaw niya iyong ipahalata kaya nagdesisyon siyang patawarin ito. "S-Sige na nga."

Suddenly, biglang kumulog nang malakas. Sa sobrang pagkagulat tuloy niya'y bigla siyang napayakap kay Kenneth.

"Kiyaaah!" irit pa niya.

Natawa na lamang si Kenneth. "Ang cute mo talagang magulat. Nakakatulig," iiling-iling pa nitong sabi. Matinis kasi ang boses niya. She can actually hit C#6 kapag umiirit siya.

Again, she just blushed.

Akmang lalayo na sana siya pero pinigilan siya ni Kenneth. Hinapit nito ang baywang niya. "Pwede bang ganito lang tayo, Ruby? Kahit sandali lang?"

"E-Eh? Bakit?"

"Wala lang. Gusto ko lang na malapit ka sa akin na tulad nito."

"Chancing na 'yan, uy." Napaikot siya ng mga mata.

Napakamot naman ng ulo si Kenneth. "S-Sabi ko nga." Mababakas ang pagkadismaya sa boses nito.

Dahil lumakas lalo ang ulan na sinabayan pa ng kidlat, pareho silang natakot na bumalik na sa dorm. Baka kasi tamaan sila pareho.

Kaya naman, nagdesisyon silang umupo muna sa bleacher sa gymbahan para magpatila ng ulan.

"Ang lamig, grabe!" nanginginig na aniya. "Pa-hug nga ako, Kenneth!" Umusog siya palapit sa kanya at nagpa-akbay. Niyakap din niya ito.

Natawa naman ito. "Chancing na 'yan, uy." Ginaya siya nito.

Napawi tuloy ang ngiti niya. "'Di, wag!" Akmang lalayo na ito pero agad siya nitong pinigilan.

"Joke lang." Inakbayan siya nito. "Ito naman, nagtampo agad."

"Tsss."

There was silence between them. Only the heavy pouring of rain and occasional roaring thunder can be heard between them.

Ruby sighed before she secretly looked at Kenneth who was staring blankly. To be honest, she wanted to ask him a very awkward question: how did he fall for her?

Oops, walang meaning 'yun, ah? I'm just curious, you know? Syempre, may karapatan naman akong malaman, 'di ba?

Muli na namang kumidlat nang malakas na sinabayan pa ng kulog. Hindi matatakutin sa ganito si Ruby pero talagang nagulat siya at napayakap na naman nang mahigpit sa binata.

"Shocks, nakakatakot talaga 'yung kulog. Ang lakas!"

Hinimas ni Kenneth ang buhok niya. "Okay lang iyan, Ruby. Hindi ka naman tatamaan niyan kasi nasa safe na lugar ka naman. Saka nandito naman ako sa tabi mo."

"Ang korni mo naman, Kenneth." Mahina niya itong hinampas saka tumawa. "Last mo na iyan, ha? Talagang-talagang last mo na iyan."

"Ganoon?" Bumuga ito ng hangin saka bumulong nang, "Wala, eh. Hindi talaga ako pang-pick-up lines. Lahat ng sinasabi ko, korni para sa iba."

"Uy, may nagtatampo." Mahina niya ito siniko saka bumuntong hininga. "Pero seryoso, Kenneth, p-paano ka ba na-in love sa akin?" sa wakas ay nasabi na niya. "Pasensya na kung awkward 'yung tanong ko, ha? Curious lang talaga kasi ako."

Bumuntong hininga si Kenneth saka inalis ang braso kay Ruby. Pagkatapos, tinukod ito sa dalawang binti bago napahilamos ng mukha.

"Sa totoo lang, Ruby, mahabang kwento iyon," seryosong sabi nito. "Saka... ano... basta, ang masasabi ko na lang, isang araw, na-realize ko na lang na may gusto pala ako sa iyo, ganoon."

Hindi siya nakaimik. Hindi kasi niya alam ang sasabihin.

Tumayo si Kenneth. "Tara, balik na tayo sa dorm. Wala naman nang kidlat, eh. Saka mapuno naman. Hindi na siguro tayo matatamaan kung sa silong tayo ng puno maglalakad."

He just contradicted what he said earlier, and even Ruby noticed that. Halatang iniiwasan lang nitong mapag-usapan ang topic na iyon.

But then, she chose to ignore it. Sumang-ayon siya. "Sige. Nilalamig na rin kasi ako, eh," sabi na lang niya kahit ba sa loob-loob niya'y talagang curious pa rin siya sa kung paano na-in love sa kanya si Kenneth. Parang ang lalim kasi... parang may tinatago ito sa kanyang hindi niya nalalaman... 

Continue Reading

You'll Also Like

262K 1.4K 6
"4 years . 4 years na kitang pinagmamasdan sa malayo.. 4 years ko nang pinapangarap na sana ako naman ang tingnan mo, na ako naman ang ngitian mo. Ta...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.2K 572 38
Paano kung ipinasok ka sa isang kakaibang paaralan, kung saan nag-aaral ang mga basagulero, patapon ang buhay at mga kriminal? Itinuturing na impyern...
189K 8.4K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...