Catching The Brightest Star [...

By LivelyLeo

67.9K 1.8K 1.5K

Hechanova Series 2/4 Truth to be told, We all once like someone who doesn't like us back. We chase them, unti... More

CATCHING THE BRIGHTEST STAR
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
Chapter 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 29

1.2K 41 166
By LivelyLeo


It is friday, at kahit na may mga activities sa labas ay may klase pa rin. Mula sa iba't ibang division ng aming city ang andito, may mga nagkalat na estudyante at nakakarating pa sila hanggang dito sa parte naming mga college. Halos hindi nga ako makasingit sa cafeteria dahil halos wala ng space para sa amin.

"Sa gymnatorium, may mga booths. Doon na lang tayo kumain kaysa sa cafeteria." Nakasimangot na sabi ni Camille, agad naman akong napailing iling. I haven't seen Aster the whole day, hindi rin kasi siya pumasok ngayon. Ang sabi ni Dale, nilalagnat daw ito. He didn't text anything, o tumawag man lang. Wala talaga akong narecieve galing sa kanya. These past few days, wala rin siya sa sarili at biglang tumahimik. Kung anong daldal niya kapag kasama ko siya, ay ngayong tahimik niya naman. Baka nga dahil sa sakit niya, kaya wala siya sa mood.

Lumabas kami ng room, lahat sila ay kasama ang kanilang mga jowa. Si Tyron ay nakuha na si Camille, habang si Liam ay abot ang akbay kay Riri. Parang gusto ko tuloy humiwalay sa kanila, dahil wala si Aster. Tumuloy nga kami sa gymnasium, balita ko lumaban ang girlfriend ni Comet na si Celestine. At ang awarding na lang bukas ang kanilang hinihintay.

"Dale ikaw nga mag-decide! Ang epal ni George eh!" Napatingin ako sa kabilang banda nang makita ang grupo ng mga journalist. Mukhang nagpapaprint sila ng kanilang t-shirt.

"Carina, halika dito." Bigla akong hinila ni Camille papunta sa isang bilihan nga mga headbands, ang gaganda ng kulay, may mga iba't ibang designs na sobrang nakakaennganyo dahil sa mga iba pang ek ek nito. Isinuot sa akin ni Camille ang isang kula red na bandana, at inayos ang aking buhok. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at napangiti na lang. "It  suits you." She whispered. 

"Ibigay mo kay Aster, para parehas kayo..." Napatingin ako sa aking gilid nang makita si Liam na hawak ang isa pang bandana. Parehas iyon ng kulay ng nakasuot sa aking ulo, tinanggap ko iyon at ibinulsa. Ako na mismo ang nag-bayad ‘non, matagal pang namili sina Camille at Riri habang ako ay buryong na buryong na.

After a while, nang tuluyan silang nakapili ay maluwag loob na kaming nakaalis. Sa isang tindahan ng mga burger kami nag-punta, um-order sila ng tatlong buy one take one para sa aming lima. Ang isa daw ay ibigay ko kay Aster, since he is not here. Paano ko nga ibigay? Kung hindi siya nakapasok at nakakahiya naman kung bigla na lang akong dadalaw sa kanilang bahay nang walang pasabi. Nang maluto na ay inilagay sa mga paperbag at isa isang ibinigay sa amin.

Nag-buntong hininga ako at walang ganang inilagay iyon sa aking bag. “Oh? Hindi ka kakakin?” Liam asked, Ngumiti naman ako at umiling iling.

“Hindi na, punta muna ako sa room.” Wika ko. Pinunasan ko ang aking pawis, at kasabay naman ‘non ang pagtitinginan nina Liam at Camille. “Mainit dito, maigay pa.” Wika ko at tuluyan na silang tinalikuran. Hindi ko na pinansin ang pag-tawag sa akin ni Camille, nagkunyari na lang akong narinig at nag-tuloy tuloy na sa paglalakad. Nang makaratig ako sa hindi mataong hallway ay agad akong umupo sa bench. Muli akong nag-pakawala ng buntong hininga at muling pinunsan ang pawis.

Ilang minuto na lang ay oras na naman para sa isang subject, pero andito ako at nagmumuni-muni. Binuksan ko ang aking cellphone at nakita ang isang text mula kay Aster, bubuksan ko pa lang iyon nang bigla itong agawin sa akin. Nag-angat ak ng tingin atnakita ang mukha ng kanyang kapatid, Comet Hechanova. Kunot noong tinignan ko ang kanyang gilid at nakita ko rin ang isapa niyang kapatid, Dale Gonzaga.

“Why?” Mahinahong tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa at ibinalik muli sa akin ang tingin. “May problema ba?” Tanog ko ulit. Nakita ko kung paano mag-buntong hiniga si Comet, Lumapit sa akin si Dale bigla akong niyakapng mahigpit. Napalunok ako, at nag-aalangang niyakap din siya pabalik.

“Come with us,” Se whispered. Dahan dahan siyang humiwalay sa akin at agad na tumayo. Naglakad si comet nang tuloy tuloy habang hindi pa rin nag-sasalita, I can see Dale’s uneasiness. Dapat ba akong kabahan? Gayong umiikotna sa aking isipan na baka tungkol ito kay Aster. Napatingin pa ako kay Comet na hawak pa rin ang aking cellphone, nakita ko pang binuksan niya iyon.

Idinala ako ng magkapatid sa oval, marami akong nakikitang tao ngunit wala akong makitang Aster. “Ate, halika…” Bulong ni Dale at kinuha ang aking kamay. Halos sabay sabay kaming pumasok sa quarters ng mga badminton players. Napakunot ako nang makita ang isang taong hawak ang kanyang cellphone, It’s Aster Hechanova. Wearing a white shirt, and gazing coldly at me. Hindi siya ag-sasalita, ang kanyang mata ay namumula at at ang itim sa ilalim nito ay patuloy sa pag-lago.

“Aster fix yourself, nakakahiya ka.” Ani Comet at ibinagsak sa table ang aking cellphone. Nanlaki ang akig mata at pati na rin si Dale. Their Sister went to him, at agad na hinawakan ang kanyang braso. “Ilayo mo ako dito Dale, magkakasubukan kami ni Kuya Aster kapag nanatili tayo dito sa loob.” Angil pa nito. Walang nagawa si Dale kundi hilain palabas ang kapatid at isinara ang pinto.

Matapos ang ginawang iyon ni Comet ay wala akong nagawa kundi ibalik ang atensyon sa aking kasama. Wala siyang kahit na anong sinasabi, at kung titignan ay pumayag siyang masinghalan ng ganon ganon na lang ng nakakabatang kapatid.
Sa kabilang bahagi na siya ng silid nakaupo, at ang kanyang kamay ay nakakuyom. Nagakawala akong buntong hininga, at dahan dahang lumakad papalapit sa kanya.

Hindi man lang niya ako tignan katulad kung paano niya ako tignan kapag naglalakad kami sa hallway, at kung paano niya sabihin na hindi siya mauunang aalis. But looking at him now, bakit parang may iba sa kanya?

I sat in front of him, at agad na inilagay ang kamay sa table. Kinuha ko ang celphone na ibinagsak ni Comet. Ako ay lubos na nagpapasalamat na wala itong basag, nag-balik ako ng tingin kay Aster at matamis na ngumiti. “Look at me, kung hindi ka titingin sa akin… Baka isipin kon may problema tayong dalawa.” Mahinahong sabi ko. Hinintay ko siyang tumingin sa akin, ngunit hindi niya iyon ginawa. Nanatili siyang sa ibang direksyon nakatingin.

Napasinghap ako sandali, ngunit pinilit kong ngumiti sa kanyang harapan. “Akala ko ay nagpapahinga ka ngayon kaya hindi ka pumasok, iyon kasi ang sabi sa akin ni Dale. I don’t want to disturb you, kaya hindi kita natatawagan kahit gusto ko.”

Pagpapaliwanag ko.Gusto kosanang mag-salita siya ng kahit na ano, dahil para lang akong nag-iisa dito at kausap ang hangin. Napapikit ako,dahil ayaw ko nang makita ang kanyang walang emosyong mata. Minsan niya na akong tinignan ng ganoon, at sinanay niya akong makita siyang masaya tuwing mag-kasama kaming dalawa.

“Gusto mo bang lumabas muna ako, at iwan muna kita para walang manggulo sa iyo?” Nanatili mahina ang aking boses. Iminult ko na ang aking mata at nag-baba na lang ng tingin,pilit na iniiwasan na makita ang kanyang mukha.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa aming dalawa, hanggang sa tuluyan na akong tumango tango. I’ll take his silence as a yes. Akmang tatayo na ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay na nakapatong sa table.

Agad aong napatingin sa kanya, nag-salubong ang aming tingin. It was the gaze I love the most, ang kanyang malamig na aura ay unti unting nalusaw hanggang sa tuluyanng gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Lumakad siya papalapit sa ain, hanggang sa tuluyan kaming nagkaharap.

He pulled me closer, and my heart skipped a bit. “Huwag kang umalis, hindi mo pa bilang ang bituin at hindi pa nakiita ang hangin. Hindi ko matataggap na umalis ka.” Bulong nito. Nag-baba ako ng tingin, at agad na nanlabo ang tingin dahil sa namumuong luha.

Bakit siya nagiging ganito? Natatakot na ako, The last time, maayos pa kami. Hanggang sa hindi siya makausap, tapos ay bigla na niya akong titignan na parang hindi niya ako kilala. Tapos ngayon, kung paano niya pabilisin ang tibok ng puso ko, nakakatakot na.

“Why are you doing this to me?” I asked out of nowhere. I don’t know what to feel. Should I be happy because he look at me like I am precious but a while ago he looked at me like I am a trash? Do I need to be happy when I know that something is changing in him and I can’t figure it out? “Bakit ka ganito?” Taong ko kasabay ng pag-aangat ko ng tingin. Nag-tama ang aming mata, hanggang sa tuluyan nang tumulo ang aking luha.

“I am sorry, I didn’t mean it…” He said. Hinila niya ako papalapit,at niayakap nang mariin. Napapikit ako at hinayaan siyang gawin iyon ng ilang minuto. “I am losing myself, I don’t know what to do…” Aniya. Bulong lang iyon, ngunit rinig na rinig ko.

“Tell me what’s wrong, tell me so that we can fix it.” I said. Matagal na katahimikan na naman ang namayani sa aming dalawa, hinihintay ko ang kanyang sagot ngunit imbis na mag-salita siya ay unti unti niya akong niyakap nang mahigpit. I remember last monday, ginawa niya rin ito. Ano ba talaga ang nangyayari, Aster?

Ipinikit ko ang mata, at mahigpit din siyang niyakap. Naramdaman ko ang kanyang mainit na pag-hinga sa aking leeg, hanggang sa naramdaman ko na lang ang kanyang maiging pag-galaw. Hinalikan niya ang aking ulo, at ginawa iyon na parang nakalimutan ang aking tinatanong.

"Pwede bang sumama ka sa akin mamaya, gusto kitang makasama kahit mamaya." Wika nito. Tumingin ako sa kanya, at ganoon din siya sa akin. Agad akong tumango tango, hindi ko alam kung kailan ang sinasabi niyang mamaya. Bahala na, kung ano ang mangyayari. Ayos na ako, basta magkasama kami.

"Hindi ka ba sasama sa akin na pumasok?" Tanong ko, bahagya siyang umiling.

"I'll fix myself, ayaw kong sinasabihan ni Comet ng ganoon."

---

Nanatili akong walang imik sa nangyari sa amin ni Aster kanina. Matapos ang pag-uusap namin ay bumalik ako sa room, at nag-hiwalay na kaming dalawa. Hindi ko sinagot ang mga tanong nina Camille at Liam dahil ang nangyayari sa amin ni Aster ay sa amin lang. Gabi na, at wala pang text si Aster. Ang sabi niya ay susunduin niya daw ako dito, ngunit alas siyete na ay wala pa rin siya.

Narinig ko ang ilang katok sa pintuan, at kusang bumukas iyon. Nakita ko si Kuya na ngayon ay nakapang-tulog na. "Let's eat? You want?" He asked. These past few days, dinadalhan na lang nila ako dito sa kwarto ng pagkain, medyo busy kasi ako sa pag-rereview at sa iba pang gawain sa school.

"Sure," I said. Tumayo na ako at lumakad palabas ng pinto. Halos sabay kaming bumaba ng hagdan at tumuloy sa kusina. Andoon sina Mommy at Daddy, na hindi pa nagsisimulang kumain dahil halata naman na hinihintay nila kami. "Good Evening." Bati ko at umupo. Ngumiti naman ang dalawa bilang pag-bati nila.

"Let's eat. Buti at nakasabay ka ss amin ngayon." Dad said.

"I am not busy tonight, mukha pa ngang maaga akong matutulog." Nakangiti kong sabi. Hindi ko na mahintay ang sinasabi ni Aster na susunduin niya ako, baka ang ibig niyang sabihin ay bukas niya na ako dadaanan dito. Nag-simula na nga kaming kumain, tahimik lang ako habang sila ay nag-uusap usap. They often asked me about my new doctor, and I always told them that she is kind and thoughtful.

"Matagal na rin bago ko nakita si Doc Watson, Carina is doing good these past few weeks." Mom said, I smiled because of that conpliment. Ilang weeks na rin akong hindi inaatake and I shoulf be thankful, baka kapag inatake ako ay sisihin nila sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Sabi ko naman sa inyo, I'll do good." Nagkatinginan sina Mommy at Kuya, they both chuckled because of what I just said. The dinner goes like that, after eating, I immediately went up in my room. Naupo muna ako sa study table at inilabas ang aking diary.

To Aster Hechanova,

You are acting weird my dear, what happened anyways? You're clingy, and then you became cold. And I remember, you told me that you are losing yourself. What happened, love?

November 17, Carina

Saktong pagkababa ng ballpen ay ang pag-bukas naman ng pinto. Agad kong tinignan kung sino iyon, at nakita si Kuya na parang nagmamadali. Tumuloy siya sa aking closet at kumuha ng coat, Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman kasi siya nag-sasalita. "Anong problema?" I asked, napatigil siya at agad na tumingin sa akin.

"Nasabi niya sa aking may pupuntahan daw kayo bukas." Wika niya. Tumayo ako at lumakad papunta sa kanya. Inagaw ko ang hawak niya at tinignan lang iyon. "Ngayon kayo aalis, babalik ka bukas." He continued.

"Ano ba ang sinasabi mo? Are you out of your mi---"

"Itatakas nga kita."  Napatigil ako nang sabihin niya iyon. Agad akong napalayo ngunit lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking dalawang balikat, at tinapik tapik pa ako. "I'll let you go, this time." Wika niya. Isinuot niya sa akin ang coat, at inayos niya pa ito. He gave me my phone atHuminga siya nang malalim.

"Bakit mo ito ginagawa?" I asked, he just look at me and smiled.

"I owe you this. I'm paying back something. Spend time with him, hanggang kaya niyo pang dalawa." Bulong nito. Hinila niya ako sa tapat ng bintana at dahan dahang binuksan iyon. Sabay kaming dumungaw sa labas, at may bakal na hagdan doon. Mataas ang bahay, ay tinitignan ko pa lang ang ibaba ay nalulula na ako.

"Are yous sure kaya ko 'yan?" wika ko. Sa tono ko pa lang ay makikita na payag ako sa aming ginagawa. Payag akong tumakas kina Mommy para lang makasama si Aster ngayong gabi. Humugot ako nang malalim na hininga, gumilid ako saglit para siya muna ang mauna. "Go first, Kuya." Pakiusap ko.

Wala siyang nagawa kundi ihakbang ang paa para tuluyang makalabas. Parang sanay na sanay na siya sa mga gawaing ganito, siguro ay minsan niya na ring ginawa ang ginagawa namin ngayon. Piananood ko siyang makababa hanggang sa makarating siya sa ibaba. Tumingin ito sa akin at ibinuka ang dalawang kamay na parang nag-sasabi na sasaluhin niya ako kung sakaling magkamali ako.

Napapikit ako at mahigpit na napahawak sa gilid ng bintana. Isinampa ko na rin ang aking paa at tuluyan nang nakalabas. Hinakbang ko pababa ang aking mga nangangatog na tuhod, at ang bawat pagpapakawala ko ng hininga ay mabigat. Siguradong sigurado na talaga ako sa aking ginagawa, at wala na akong pake kung anong mangyaring susunod.

Ilang minuto lang ay tuluyan akong nakababa, dahan dahan kaming nag-lakad papunta sa likod ng bahay. Nakasara na ang ilaw sa loob, at sigurado akong nasa kwarto na sina Mommy. Hindi naman nila kami pinupuntahan sa kwarto bago matulog kaya naman kampante na akong tulog na sila.

"Naghihintay siya, ilang metro lang ang layo dito. Ang hagdan papunta sa kwarto mo ay igigilid ko muna. Naiintindihan mo ba ako, Carina?" Pagpapaliwanang niya. Huminga ako nang malalim at mahigpit siyang niyakap. Naramdaman ko ang kanyang pag-takip, at dahan dahan na akong humiwalay.

"I'll go now, Salamat." wika ko. He smiled. Binuksan niya ang gate sa likod, at agad akong lumabas. Ang mga streetlights ang nagbibigay sa akin ng ilaw, malamig ang simoy ng hangin kaya naman napayakap ako sa aking sarili. Ilang metro lang ang aking nilakad, at hindi nagkamali si Kuya. Natanaw ko si Aster na naka-hoodie, at nakaupo sa gilid ng daan. Malayo na ako sa bahay, kaya naman agad kong isinigaw ang kanyang pangalan.

"Aster!"

Nakita ko ang pag-tingin niya, napatayo ito kaya naman agad akong tumakbo papunta sa kanya. Ibinula niya kaagad ang kanyang kamay, kaya mas minadali ko ang pag-takbo. Nang tuluyan na kaming magkalapit ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit. He hugged me tightly too, at hinalikan pa ang aking noo.

"You planned this?" I asked. Hindi siya sumagot at paulit-ulit lang na hinalikan ang aking noo. Napangiti na lang ako at hindi na ulit nag-tanong. Ilang minuto kaming nagkaganon nang tuluyan niya na akong bitawan.

"I missed you so much." He whispered. I smiled sweetly, and nodded.

"I miss you too." I said, matamis din siyang ngumiti sa akin at inayos ang aking buhok. Tinignan ko lang siya, at ilang sandali ay itinaas ang kamay. Hinipo ko rin ang kanyang buhok na medyo mahaba na. I know he is a very descent and clean man, alam kong ayaw niyang nagpapahaba ng buhok. But then I saw this, ginagawa niya rin pala ang mga ayaw niya.

"Let's go inside. I want you and me, on the same car. Under the moon and under the linger of the thousand stars. I want you." He said, marahan akong tumango. I remember what my brother told me, I must spend my time with him. Hanggang kaya ko pa, Hanggang kaya pa naming dalawa.

Lumakad kami parehas papunta sa kanyang sasakyan, pinag-buksan niya ako ng pinto at ako naman ay pumasok na. Nakabukas ang ilaw ng sasakyan sa loob, at mahina lang ang aircon. Buti naman, sobrang lamig na kasi. Nang makapasok siya ay nag-suot na ako ng seatbelt, hindi ko alam pero naramdaman ko ang pag-bilis ng tibok ng aking puso. Ano bang pakiramdam 'to? Kinakabahan? Excited?

He started driving, We remained in silence after a couple of minutes hanggang sa bigla na lang siyang nag-salita. "I sneaked out too. After what happend a while ago between me and Comet, Dad told me to just rest." Ibinaling ko sa kanya ang tingin. Imbis na sa harap humarap, hinarap ko siya.

"I won't ask why are we doing this..." I chuckled. This is the first time I went out without Mom's notice, at nakakagulat pa dahil tinulungan ako ni Kuya. He smiled too, minsan ay palipat-lipat ang tingin niya sa daan at sa akin. This time, we enjoyed the silent between us. Kinuha ko ang isa niyang kamay at pinag-laruan iyon.

"You really love doing that," He said.

"Hmm, I really love you."

"Hmm, I love you too." He whispered.

Sandali akong tumingin sa daan, at hindi ko alam kung saan niya balak pumunta. It's a roadtrip, kaya naman kahit saan kami mag-punta, ayos lang sa akin. I didn't bother to ask, for all I can see is the lights of the buildings. Umayos siya sandali, at pinag-tiklop ang aming kamay. "Use your phone, capture something like this." He asked at tinignan ang aming kamay sandali.

"I hate taking photos, but I love it when I'm doing it with you." He said. Inilabas ko ang aking cellphone, at kinuhanan ng litrato ang aming kamay. Itinapat ko ang camera sa kanya, at kinuhanan din siya.

"You look stunning," I said. He laugh a little.

"You look more stunning than me." He said. I keep on capturing photos, the moonlight, the outsides, the lights and and him. The trip goes like that, mukha ngang malayo na ang narating namin nang hindi ko namamalayan. It was a trip full of blushing, and joy. Until I came to the point that I don't want this night to end. I want to stay with him no matter what.

"We just came," He said. Napatingin ako sa kanya at dahan dahan nang huminto ang sasakyan. Napatingin ako sa labas, we are in a seaside. Sobrang lamig, at dito niya pa talaga naisipang mag-punta. Sandali niyang binitawan ang aking kamay, dahil pababa na kami. When I went out, I was greeted by the winds that blew my hair. Lumapit siya ss akin at ngumiti. "Tara," He said.

Lumakad kami papunta sa likod ng kanyang sasakyan, binuksan niya ang compartment at inilabas ang mga kumot. May pagkain din, kaya naman hindi ko naiwasan na matawa. "Career na career mo ah," bati ko. He just chuckled.

Kaya mo bang umakyat papunta sa itaas?" He asked, habang nakatingin sa itaas ng sasakyan. Agad naman akong tumango at lumakad papapunta sa harapan kung saan isinampa ko ang aking paa at tuluyan nang umakyat. Ilang sandali lang ay nakarating na nga ako sa itaas, at maayos na naupo. Ganoon din ang ginawa niya sa akin, at parehas na kaming nasa itaas ngayon. Inilatag niya ang isang kumot at doon kami naupo, at ang isa ay ipinangbalot namin sa aming katawan.

"I enjoy watching this scenario in my head, eversince." Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. "I dream of running away with you, only to watch the stars and the sea. " He continued.

"Really? I'd love that. I said. "Let's watch this together." I said. Nahiga siya sa at itinuon ang pansin sa mga bituin, he offered his arms to me that's why I lay myseld beside him. Ginawa kong unan ang kanyang braso, and turn my gaze into the stars too.

"I love stars, because they shine brightly." Wika niya. "I'd remember you in all the stars I will see from this day forward." He continued.

"Me too. I will." I whispered. As the time passed by, hindi na namin namalayan na ang gabi ay palalim na nang palalim hanggang sa nag-madaling araw na. We are barely awake. Hindi kami nakaramdam ng kahit na anong antok at kung ano pa. We went inside the car, and fix our things. Napagdesisyunan na naming makauwi, bago pa tuluyang mag-umaga.

When we came home, ilang metro mula sa bahay siya nag-parada. Naiintindihan ko iyon dahil tumakas nga lang kami. I didn't want to leave, but I need to. Kung pwede lang na ma-freeze ang oras at dito na lang kami habang buhay, I will take it at all cost.

Pababa na sana ko ng sasakyan nang bigla siyang mag-salita. "Hey, I miss you. Already." He said. Huminga ako nang malalim, at bumalik sa aking inupuan.

"I miss you too." Bulong ko, agad siyang ngumiti ngunit napakunot ako dahil walang buhay iyon. Ngunit gayonpaman ay hindi na ako nag-tanong.

"Remember that I love you. That you own every part of me. You always glow a thousand stars, Carina. Mahal kita, sobra." He said. I opened my arms, and he immediately hugged me tightly. I chuckled, he loves this. Isiniksik niya pa nga ang sarili sa akin na parang batang ayaw humiwalay.

I can feel the abnormal beats of my heart, kahit na nasanay na akong laging ganito tuwing kasama ko siya. For the first time, ngayon ko lang tinanggap na hindi ako normal. Because for him, I will always be different. Dahan dahan siyang humiwalay sa akin, and I just smiled.

Ngumiti ito muli, at unti unting inangat ang kamay. Hanggang maramdamdaman ko na lang ito sa aking kaliwang pisngi. His eyes were dark, but for me it is normal. I can also feel his arms around my waist, as he pulled me closer to him.

"Close your eyes for me. Just this once, just this night." He pled, while looking directly in my eyes. I smiled and do what he said. Blank, darkness and silence embrace me as I felt his deep breathes. At ang init ng kanyang hininga ay ramdam na ramdam ko na.

And nobody knows how the sun and stars combined to light up the moment. I sat there, frozen as I felt his lips pressed against mine. I thought he prefer being fast, but here he is, kissing me slowly as if we are stuck in the moment. Deep and sweet, it was my first kiss. It took a while, until we are both gasping for air, I was shocked when he hugged me tightly again.

"You don't know how thankful I am." His voice are cracked, at hindi natigil ang kanyang sunod sunod na pag-hinga nang malalim. I wanna ask what's wrong but I choose not to. "Go now, Carina. It's 3 and you need to rest." Aniya at unti unting lumuwag ang yakap. Humarap ako sa kanya at tumango tango.

"Bababa na ako." Pagpapaalam ko, nakita ko naman ang kanyang pag-ngiti. "Mahal kita, sobra. I'll see you later okay?" I said. Kahit na sabado bukas, gusto kong makita siya.

"I'll see you later. Mahal kita, sobra."

   ***

And that was the last time I saw Aster Hechanova smiling at me. Because weeks came, and I never see him again. After the night he made me feel that we're gonna be forever, he left me. He broke his promise that he will not leave first. After that night, we just broke up. I don't know why, I don't know how. We just did.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 95 33
Kirsche Artemis Sanchez was taught to value her family above all. And she brought this learning with her till she grew of age. Anything she does, she...
623K 15.8K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
8.6K 268 39
Asturias Series #1 How will the cold and snob Atasha Justine dela Cruz manage to stand up and arise in her greatest downfall? Will destiny makes its...
81.7K 2.4K 52
Hechanova Series 1/4 Celestine Sea Vesta is a Campus Journalist who loves playing with words, no wonder why she is a Feature writer. Being a lady, It...