Accidentally Married a Billio...

By Gelailah

4.3M 108K 8.1K

He's a runaway billionaire. She works multiple jobs to survive. Riding the air in a whirlwind, she fell in lo... More

Accidentally Married a Billionaire
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 4

141K 3.6K 237
By Gelailah

"Wow, you're here? Don't you need to go to work?" Tinaasan ko ng isang kilay si Terrence. He's sipping his coffee while watching the tv. At nakataas pa talaga ang dalawang paa sa coffee table, astang mayaman. Ako pa talaga ang tinanong niya tungkol sa trabaho eh sa aming dalawa siya ang walang trabaho!


"Di ba dapat ako ang magtanong sayo niyan?" Tinawanan niya lang ako. Kung makapag salita akala mo dami niyang pera eh nagkatrabaho lang naman siya dahil sa akin.


"Aga-aga ang taray." Natatawang sabi niya habang sinusundan ako ng tingin na naglalakad sa kusina. He looked amused. Everytime na iniirapan ko siya natatawa lang siya.


"Kung hindi ka lang din naman manunood patayin mo nalang yang tv sayang sa kuryente." Mataray na sabi ko habang naglalagay ng kape sa mug. Palibhasa walang masiyadong pinag gagastusan kaya kung anu-ano lang sinasayang. I put some bread on the toster. Sinimangutan ko siya nang makita na nakatingin parin sa akin. "Don't you have better things to do than just looking at me?"


"Bakit palaging mainit ang dugo mo sakin?" I took a sip from my coffee and looked at him. Oo nga naman, bakit palaging mainit ang dugo ko sa kanya? Wala naman siyang ibang ginawa kundi mang inis at magpaka tamad. "Was it because I told you you were not my type?"


"Eh kung buhusan kita nitong kape ko nakuha mo? Yabang nito. Yan! Kaya mainit ang dugo ko sayo dahil ang yabang mo. Ang aga aga binu-bwiset mo ang araw ko." Inayos ko ang salamin na soot ko ko.


Kainis talaga itong lalaki na to. Akala mo kung sinong gwapo. Oo nga gwapo siya pero lahat ng yun na sapawan ng pagiging tamad niya. When I looked at him, he's still smiling at me so I scowled at him. The doorbell started ringing so I looked at him and waited for him to get the door, but he just remained his butt seated.


"Ikaw na kaya bumukas? Siguradong bisita mo yan." He cocked his head to one side. "Di mo bisita yan?"



"No one knows that I live here, so it's probably yours." He said as he sipped from his coffee and looking back at the tv again. Sumimangot ako. Tamad talaga kaya di umaasenso.


I stomped my way to the door and was shocked to see Wendy and Connor grinning at me and holding a cake. They started singing Happy Birthday and my tears just started to pool in my eyes as I watch the both of them.


"Crybaby!" Pang aasar ni Connor at niyakap ako. Inilapag naman ni Wendy ang cake sa lamesa bago ako niyakap ng sobrang higpit.


"Happy Birthday Jude!" I hugged her back. She's the only friend that I kept ever since I moved here. Masayang masaya ako dahil isa siya sa tumulong sa akin na makapag-adjust.


"It's your birthday?" Napatingin kaming tatlo kay Terrence na nakatingin sa akin. Inirapan ko lang siya.


"You don't know? You live in the same house, man." Conor said while shaking his head and clicking his tongue. Tumango naman si Wendy.


"Hayaan niyo na, kung siya din ang may birthday siguradong hindi ko din naman alam." Hindi naman nagsalita si Terrence at nakatitig lang sa akin. "Okay lang kahit binuwisit mo ako ng pagka aga-aga sa araw ng birthday ko. Di naman talaga to big deal sa akin. Itong dalawa lang ang mahilig mag surprise."


Mukha kasi siyang guilty kaya nakunsensya naman ako. Sa sobrang bait ko, ako pa ang nakunsensya talaga kahit na ako yung binuwiset.


"I thought they've already made an improvement." Rinig kong bulong ni Wendy kay Connor.


"Me too." Alam ko nanaman yang plano nila. Akala siguro nila porket magkasama kami ni Terrence sa iisang bahay magugustuhan na namin ang isa't-isa. Imposible. This guy is too annoying for my being. Maghahanap lang ako ng bato na ipupokpok sa ulo ko.


"Hoy kayong dalawang mag jowa, may trabaho pa kayo di ba? Salamat sa cake makakaalis na kayo." They both laughed and Wendy kissed my cheek before they both left for my work.


"So what are you planning on doing today?" Tanong ni Terrence nang makaalis yung dalawa. Lumingon naman ako sa kanya. He looked at me with anticipation.


"Wala. Matutulog." Both his eyebrows raised and formed into an arch. Mukhang hindi siya makapaniwala na yun lang ang plano ko ngayong araw. He has no idea. It has been my routine for the last five years. Besides, palagi tapaga akong walang trabaho kapag birthday ko para makatakas sa mga magpapalibre.


One of the reasons why people like me hates birthdays, we are obliged to treat the people just because it's our birthday. It should have been called brokeday because your money will be spent just to treat other people for a meal. Bakit ba hindi nalang yung nay birthday ang i-treat ng nga tao? That way it can really be called a Happy birthday.


"Are you seriously gonna spend the day inside your room? But it's your birthday!" I weirdly looked at him. Napaka-oa naman ng taong to. Para birthday lang eh. "Let's go out. Kain tayo sa labas or let's go to a ktv. We have to celebrate. Birthdays are important."



"Birthday lang yan. Marami pang darating na Birthday." Balewalang sabi ko sa kanya at saka siya iniwan at dumeretso na sa kwarto.


During lunch, I went out of my room. Sumilip muna ako kung nasa sala Terrence pero ang tahimik sa buong bahay. Nakabukas din ang pinto ng kwarto niya at wala din siya doon. Nang mapadaan ako sa lamesa may nakita akong take out na pagkain. There was a note that has my name written on it. Buti naman hindi na ako magluluto. Kahit papano pala may kwenta din kasama sa bahay itong si Terrence.


Pinanindigan ko talaga yung buong araw na pag stay ko dito sa kwarto. When it was night time, my phone started to ring and I greeted ate Julian with a smile. Inaayos niya ang breakfast ng mga bata, lalo na ang gamit ni Tori na may pasok sa school.


"Happy Birthday Judeaaaa!" Natawa ako sa sigaw ni ate Julian sa video chat. Ang aga naman nilang nagising. "Heto si Tori babatiin ka din daw niya."


"Happy burday tita Jiya. Yabyu." She gave me a flying kiss before she ran back to her breakfast and her little brothers. I chuckled. She still can't pronounce my name. Ang cute talaga ng batang to.


"Tumatanda ka na Judea, may boyfriend ka na ba?" Inirapan ko si ate Jules. "May balak ka bang mag asawa?"


"Ate." Bakit ba ang hilig ng nga tao magtanong tungkol sa boyfriend at pag aasawa? Mukha ba akong malungkot dahil single ako? Hindi naman ah!

"Okay, sige na. Hindi kita ipe-pressure. Pero lumabas ka ngayon ha? Mag enjoy ka. Birthday mo ngayon kaya wag kang magkulong sa kwarto mo."



"You know I don't like celebrating my birthday that much." Napabuntong hininga naman siya. Alam ko na yang nga sunod niyang sasabihin. Linyada niya na yan every year. She'll tell me that what happened a long time ago was not my fault and so on. Kaya naman inunahan ko na siya bago pa siya magsalita.




"Ate, wala lang talaga akong gagawin okay? May trabaho lang talaga ang mga kaibigan ko." She stopped what she's doing and focused on the screen.


"Judea, kailan mo ba balak umuwi? Sabi ko naman sayo kung pamasahe pauwi ang kailangan mo—"


"Uuwi ako kapag pwede na. You don't need to worry about me okay?" She sighed. Tori started calling for her attention. Ngumiti ako sa kanya. "Sige na, asikasuhin mo na yang mga anak mo. Say hi to Kuya Demitri for me."


Matapos ang napakahabang bilin niya, nagpaalam na siya at nang tumingin ako sa orasan hindi ko namalayan na 10 pm na pala. Kaya pala nakakaramdam na din ako ng gutom.


"Finally." Nagulat pa ako nang makita si Terrence na nakatayo sa may dining table. Tumingin ako sa lamesa at nakita ko ang mga nakahain na pagkain. "I'm impressed. You really did stay at your room for the whole day."


"Ha?" He walked towards me and handed me a rose.


"I was about to knock on your door a while ago but I heard you were talking to someone on the phone." Itinuro niya ang lamesa. "I was also gone for the whole day to buy the ingredients and crashed Connor's place to cook."



"Talaga?" Ngayon ramdam na ramdam ko na kung gaano ako ka gutom parang bigla akong naglaway. Lalo na at ang ganda ng set up niya sa lamesa.


"It's not too much. I don't know what food you like so I just cooked what I know. I just want to surprise you." Nahihiyang sabi niya. "I know you said you're not fond of celebrating your birthday, so I just made it simple."


My heart was touched by his deeds that tears started to fall from my eyes. Ang babaw talaga ng luha ko. Ngayon na lang kasi ako may makakasama sa birthday ko. Sa sobrang tuwa, tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.


"Thank you Terrence." He chuckled and lightly tapped my back as I sniff from crying.

"Can I just ask you something?" Tanong niya habang kumakain kami. I looked at him and waited for him to talk. "Why don't you like celebrating your birthday?" Natigil ako sa pagkain. "If you don't want to answer me it's alright."


Tinignan ko siya at nginitian niya lang ako bago siya bumalik sa pagkain. He did too much to make me happy on my birthday, the least I could do is to tell him.


"Because yesterday was my parents' death anniversary." Bigla niyang nabitawan ang kutsara na hawak niya at malungkot na tumingin sa akin. Ngumiti ako at umiling. "Wag kang ma kunsensya alam kong wala ka non. Matagal na yun."


"I'm sorry I asked."


"Chismoso ka kasi." Inirapan naman niya ako kaya natawa ako sa kanya.

Ito ang unang beses na nag birthday ako ng masaya simula nang mawala ang mga magulang ko. Kahit na hindi kami madalas magkasundo ni Trei, ginawa parin niya ang bagay na to para mapasaya ako.

"My father was about to go on a buisness trip on my birthday," Pagsisismula ko. "Kaya nag decide ang pamilya namin na mag celebrate ng mas maaga. Pero habang nasa daan, nawalan ng preno yung isang truck na nasa harap namin kaya ayun, nadamay kami sa aksidente. I'm the only one who survived."



Hindi siya nagsalita. Imbes, tumayo na siya at naglakad papunta sa akin at niyakap ako. Sandali akong natigilan sa ginawa niya. Why does he always hug me when my chest feels heavy from all the sadness of my past.


"You must've been so lonely." I know how miserable and lonely my life is, but whenever I talk to him about everything that happened before, it feels like those memories were just... memories. Nothing more.


"H-hoy, parang ginawa mo na to dati sa bar." pagbibiro ko sa kanya. Agad naman siyang napabitiw at napakamot sa batok at saka bumalik sa upuan niya. Iba rin talaga ang galawan ng taong to.


"Sorry, I got carried away by your story. You seemed like a sad puppy that needs a hug." Natawa naman ako sa sinabi niya. Sa lahat ba naman ng ihahalintulad niya sa akin tuta pa?


"Ganon ba ako ka hayop sa paningin mo, bwiset ka." Natatawang sabi ko sa kanya at binato siya ng tissue.


"What? Puppies are cute. I like puppies."


"So like mo ako kasi mukha kong tuta?" Pabirong tanong ko at bigla naman siyang napaubo. "Guilty? Sabi ko sayo wag kang magkaka crush sakin." Hindi naman siya nagsalita at umirap lang.

We decided to stay at the veranda. Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. I learned that he likes animals and we both found out that we have the same taste in music. The moment was actually fun, sipping our wines and listening to the music while we laugh and tease each other.

"You know," I looked at him. "Don't get me wrong. Uunahan na kita, hindi kita crush. It's just that... you're always so guarded with your emotions and tonight your smile reached your eyes. Maganda ka pala talaga?"

"Bwiset." Sabi ko at mahinang sinipa siya. Pinagtawanan niya lang ako. "Kairita ka talaga noh? Okay na sana yung gabi ko. Di mo talaga mapigilan mang asar?"


Tinawanan niya lang pagkatapos natahimik siya habang nakatitig sa akin kaya medyo na conscious ako sa klase ng titig niya.


"I can't help it. You're too cute when you're annoyed." He said before he sipped from his wine. Nag iwas naman ako ng tingin at napainom din sa baso ko. Pakiramdam ko kasi namula ako dahil sa sinabi niya. At isa pa, biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 101K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
13.1M 135K 66
Paano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay na...
356K 6.3K 54
Status: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot da...