ONE
L E E
Sige na, bye na. Mahal na mahal kita L! Ingat!
Ah, sige, mahal na|
Hanggang dyan pa lang ang natatype ko nang mapansin kong nag-logout na pala sya.
Eto nanaman kami, sa chat lang naman kami magaling. Sa chat na nga lang, ang bilis pang mawala.
Itinuloy ko na lang ang pagtatype ko nang maalala kong idedelete pala nya ang conversation namin. Lagi naman eh, ni hindi na nga ako nakakasagot nang 'I love you' sa kanya. Kung isesend ko man, hindi na nya mababasa dahil ididelete agad niya ang convo namin, wala rin.
Tiningnan ko na lang ulit ang profile nya, ni Cyrus Javier. Bakit ba kasi patago lagi tayo? Kung tutuusin, parang siya yung babae samin, sya yung bawal, sya yung strikto ang magulang, eh ako, ako yung gala, ako yung marami nang experience sa pag-ibig.
Sino ba ang magaakala na sa panahon ngayon ay may natitira paring inosente sa pagibig? Si Cyrus lang ata? 16 na kami, oo, bata pa, pero sa panahon ngayon, wala na yatang salitang 'bata'. Halos lahat, may crush na, lahat na-inlove na sa edad na 'yan, eh sya? Wala. Ni-crush, wala eh.
Sino ba kasi si Cyrus Javier at bakit ganyan sya? Simple lang, dahil ayaw nang nanay nya. Top 1 si Cyrus kaya hindi na ako magugulat kung valedictorian sya pag'graduate namin. Matalino sya, talented, kumakanta at sumasayaw, member rin sya ng journalism namin. Nag-iisang anak lang si Cyrus kaya siguro ayaw nang nanay nya na magka-girlfriend sya agad. Sya rin ang tagapagmana nang mga Javier kaya lalong nakaka-pressure. Perfectionist ang nanay nya at sobrang sikat nang pamilya nya, na kahit broken family sila, tinitingala sila. Tinitingala sila lalo na kung sa paano napalaki nang maayos si Cyrus, kahit single parent lang ang nanay nya.
Kaya nga nakakapagtaka kung sasabihin nya na ako ang girlfriend nya, nakakahiya. Isang Lee Navarez lang? Isang babaeng walang pangarap sa buhay, bobo, walang kwenta, tamad, lahat na. Swerte na nga kung magkaroon ako nang 75 na grade eh. Hindi ako maganda, hindi rin ako matalino, kaya talagang nakakapagtaka kung bakit ako ang nagustuhan nya. Kumbaga, nasa taas sya, sa tuktok pa mismo, ako nasa kailalilaliman.
Nakakatawa nga na, na kaya namin ang sampung buwan na puro chat at text lang. Hindi naman kasi talaga kami naguusap sa school, dati, oo, magkatabi kasi kami. Pero simula noong manligaw sya, na hindi ko alam kung panliligaw ba talaga, ay lumayo sya nang upuan para wala raw makahalata.
Napabuntong hininga na lang ako sa katangahan ko, ginusto ko 'to eh, paninindigan ko na.
Tumayo na ako at nagpunta sa counter nung computer shop,"Out na ko kuya," sabi ko.
"14 pesos," sabi nya.
Inabot ko ang bayad, "Sige, salamat."
"Wala ka bang payong Lee? Umaambon na, maya-maya lalakas na ang ulan. Malakas daw ang bagyo ah?" sabi ni Kuya Ton-ton, yung mayari ng computer shop.
"Ako ba ang tinatanong mo kuya? Si Lee? Si Lee Navarez? Tsk! Ulan? Bagyo? Suntukan na lang oh?"
"Ikaw bata ka!"
"Kuya kasi, wag kang masyadong seryoso! Lalo kang magmumukhang matanda! Bente ka pa lang eh!"
"Umuwi ka na nga!"
"Sige na! Annyeong!"
Ganito lagi ang buhay ko simula magkaboyfriend ako. Tuwing sabado at linggo magchachat kami tuwing alas-diyes ng gabi. Bakit? Yun lang kasi ang oras na pwede sya, kapag umaga kasi may advance lessons sya, senior na rin kami at isang buwan na lang kasi ay gagraduate na kami. Kami na kasi ang huling batch na hindi inabot ng K-12. Kapag naman alas-onse ng gabi, may pasok o wala, tinatawagan nya ako, minsan inaabot kami ng madaling araw sa paguusap, masaya naman kasi talagang syang kausap eh, sobra, kaya ko nga sya nagustuhan eh.
Ilang lakad na lang ay makakarating na ako sa bahay namin, mag-aalas onse na at maya-maya ay tatawag na si Cyrus. Binilisan ko na ang paglalakad at dahan-dahang binuksan ang gate para hindi magising si Tatay, pero huli na ng malaman kong kanina pa nya akong hinihintay.
"Saan ka nanaman galing? Hindi mo ba alam na may bagyo?" tanong nya.
"Tay naman, alam nyo na ang sagot," sagot ko.
"Nakipagchat ka nanaman sa boyfriend mo?"
"Tumpak 'tay! Tumpak na tumpak!"
"Hoy, hindi kita pinayagan mag-boyfriend para tumakas!"
"Tay! Alam mo naman yung sitwasyon namin diba? Diba?"
"Iligal ang relasyon nyo."
"Pero alam mo, hindi iligal yun, sa side nya lang, pero sakin hindi."
"Ganun rin 'yun! Pinagulo mo lang."
"Hay nako 'tay, ewan ko sa inyo."
"Ewan ko rin sayo!"
Kung meron man kaming isang pagkakaparehas ni Cyrus, yun ay ang, parehas kaming galing sa isang broken family. Yun nga lang, sa kanya, mama nya yung kasama nya, sa akin, papa 'ko. Kung sa kanila, nagkaroon ng second family yung papa nya, sa akin naman, kami yung second family.
Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga, tiningnan ko ang oras at nakitang 10:51 na, 9 minutes na lang.
"Ano naghihintay ka nanaman?" napatingin ako sa pinto at nakita ang kuya ko, si Kuya Lyndon.
"Ano pa nga ba," sagot ko at tiningnan ulit yung cellphone, nakita ko namang napailing si kuya at dumiretso na sa kama nya at ibinuka yung kurtina.
Dalawa lang kasi ang kwarto sa bahay, yung isa kay tatay, yung isa, kay kuya at sa akin. Iisa lang kami ng kwarto ni Kuya, pero may divider, yun nga lang, kurtina lang yung harang. Wala eh, mahirap lang.
Tonight we'll dance, I'll be yours and you'll be mine~
Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag,"HELLO!"
[Hi Lee! I miss you!]
"HAHAHA. Namiss din kita, Cyrus."
"Hoy Lee! Lumabas ka nga! Umay na umay na ako sa kacornyhan nyo!" sigaw ni kuya.
Hay nako, ang KJ talaga, tsk. Lumabas na lang ako at doon ko kinausap si Cyrus.
[Sorry Lee ha? Naglogout agad ako kanina, 10:30 na nga ako nagonline, nagout agad ako]
Napangiti na lang ako ng pilit. Ayan nanaman tayo sa sorry na 'yan, lagi naman, wala naman akong magagawa eh, mahal ko kasi sya,"Hindi, sige, ok lang, naiintindihan ko naman eh," sabi ko.
[L, wag ka ng magsinungaling, alam ko namang nagtatampo ka eh.]
"Congratulations nga pala ha? 100 ka sa math!" pagiiba ko sa usapan.
[L naman eh...]
"Naiintindihan ko C, mahal kita at mahal mo ako, 'yun lang ang mahalaga sa'kin," diretso kong sabi.
[Kumain ka na ba?]
"Ah, hindi pa eh."
[Kumain ka na habang naguusap tayo, para kunwari, nagdedate tayo.]
Kunwari... kunwari nanaman,"Ah sige."
Tumayo ako at pumasok sa bahay, kunwari lang naman kasi eh, pagbigyan na, minsan lang sya humiling. Nakisakay na rin ako, hayaan na, balang araw, matutupad din 'to.
[Kumain ka na, masarap 'yan.]
Napatingin naman ako sa ulam ko, tuyo. Napahinga na lang ako ng malalim, kapag tunay na date namin, masarap na nga ang ulam ko.
"Oo nga eh, ang sarap," naiiyak kong sabi.
Teka, bakit ba ako naiiyak? Napatawa na lang ako, ng mapait. Magiging totoo rin 'to, balang araw.
[Oh tawa ka ng tawa dyan.]
"Wala lang, masaya kasi ako. Ikaw, masaya ka ba?"
[Oo naman, masaya ako. Masaya ako dahil sa'yo.]
Napangiti ako, kahit naman masakit, kaya ko, basta si Cyrus ang kasama ko.
[Pagod ka na ba?]
Pagod na nga ba ako? Pero paano ba ako mapapagod kung hindi naman ako kumikilos diba? Hindi ko rin sya pinaglalaban. Napapagod lang ako, sa katatago.
"10 months na rin..."
[Konti na lang L, konting-konti na lang, mapaglalaban na kita... Konti na lang kaya ko na... Wag kang bibitaw ha?]
Napangiti na lang ako sa sinabi nya. Hindi ako susuko, may pinanghahawakan ako, at yun ang mga pangako nya.
"Pangako C, maghihintay ako..."
Hindi sya sumagot pero alam kong nasa kabilang linya pa rin sya, nakangiti.
"Sabihin mo nga, mahal mo ko diba?"
[Oo naman, mahal na mahal, I love you Lee, sobra.]
"Bakit ba ang seryoso natin! Magjoke ka nga!"
[I love you!] Ano?
"So joke yun? Sapakin kaya kita? Left and right?"
[Jokes are half meant.]
"Daming alam neto, san mo napulot 'yan?"
[Sa'yo.]
"Siraulo."
[Umuulan na.]
"Ligo tayo?"
[Ha? Pano?]
"Pupunta ako sa inyo," kasuwal kong sagot.
[Ha? Baka makita ka ni Mama.]
"Papanoorin lang kita, tatanawin, ganun."
[Baka... baka magkasakit ako..]
"Hindi yan! Ano? Pupunta ako?"
[Pero L, bumabagyo... baka magkasakit ka rin.]
Napangiti na lang ako,"Ako? Teka, alam mo bang si Lee Navarez ang kausap mo? Ha?"
[Bumabagyo, 'wag ng matigas ang ulo.]
"Duh? Bagyo lang yan noh! So ano, game? Pupuntahan kita dyan ha, basta 'wag mong papatayin phone mo," sabi ko.
Agad akong kumuha ng plastik at inilagay doon ang cellphone ko at ibinuhol ito. Nang matapos ay agad akong lumabas, hindi na rin ako nagdala ng payong, maliligo nga sa ulan diba?
"Hello? C? Andyan ka pa?"
[Ah oo. L, sigurado ka ba?]
"Oo, papunta na ako dyan."
Pagkalabas ko ng bahay ay sumakay na ako sa bike at nagpunta na kina Cyrus. Malapit lang naman iyon at hindi pa gano'ng kalakas ang ulan kaya, kaya ko na 'yun.
Hindi nagtagal ay nakarating ako sa subdivision nila, kilala na rin naman ako ng guard dahil dito rin nakatira ang ninang ko at madalas akong naroon.
"O ineng, bagyong bagyo nasa labas ka! Bilisan mo at malapit ng tumaas ang tubig sa high way," sabi ni manong guard.
"Kailangan po eh, saglit lang naman po ako," sagot ko.
Nakarating ako sa bahay nila at nakita ko sya sa may bintana, medyo malakas na rin ang ulan, pero sanay naman na ako.
"Hello, C... andito na ko!" Masiglang sabi ko sa cellphone.
[Ano?! Tinuloy mo?! Pag talagang nagkasakit ka lang at umabsent ka pa. Sa school na nga lang tayo nagkikita tapos... tapos! Arggg!]
"Oh, chillax, dude! Relax! Duh? Si Lee Navarez nga itong kausap mo diba? Oh ano kita mo na ba ako? Nandito ako sa may puno ng santol!"
[Ah! Oo! Nakikita na kita!]
"Ano pang hinihintay mo, magpabasa ka na! Ano, aakyat ba ako dyan?"
[Kelan ka pa naging akyat bahay ha? Waterproof ka na nga, tapos akyat bahay pa?]
"Sus! Hindi lang waterproof! Bulletproof pa! Gusto mo kantahan pa kita ng titanium? I'm bulletproof~ Nothing to lose~"
[Haha. Osige na, sige na. Ikaw na ang bulletproof.]
"Hahaha! Ano, aakyatin ba kita dyan o baba ka o tinginan na lang tayo?"
[Hindi ako makakababa, nasa baba si Mama at ang iba pa nyang business partners. Ikaw naman, paano ka aakyat dito? Hindi ka makakapasok sa gate, hindi mo rin 'yang pwedeng akyatin dahil may CCTV ang bawat poste.]
"So..... titigan na lang ulit? Tanawan na lang?" Sabi ko.
[Wala na tayong maggagawa.]
"Basta! Ligo tayo ha? Isipin mo na lang na magkasama tayo! Keri na yan! Hahaha! Ang sarap sarap kayang maligo sa ulan!"
Nakita ko syang binuksan ang pinto sa terrace ng kuwarto nya, una nyang inalabas ang kamay nya pero agad nya itong binawi, napatawa na lang ako sa reaksyon nya.
"Malamig ba?"
[Oo, sobra.]
"Hahaha. Ang hina mo!"
[Eto na, eto na! Iiwan ko 'tong phone ko, ila-loudspeaker ko na lang.]
Pagkatapos nyang kalikutin ang cellphone nya ay nakita ko syang binuksan na ng tuluyan ang pinto at unti-unting lumabas.
"Hahaha! Ang cuuuuuuuuute mo talaga! Sya, pumasok ka na, baka magkasakit ka pa! Bilis!"
Nakita ko naman syang agad pumasok, at niyakap ang sarili nya.
"Ano malamig? Ay sya, maligo ka na dali! Baka magkasakit ka pa, hindi ka pa makapasok bukas, baka hindi ko pa makita ang gwapong mukha ng boypren ko."
Hindi sya sumagot. Nakita ko lang siya na isinarado ang at naglakad na papasok. Napansin ko rin na ibinaba na nya ang tawag, hala? Anong nangyari?
Naghintay pa ako ng ilang minuto at bigla namang nagring ang cellphone ko.
Nung una ay hindi ko pa ito masagot dahil sa plastik pero nasagot ko rin ito,"Hello? Oh ano? Ok ba?"
[Masaya.. kahit saglit lang... masaya. Salamat L.]
Nakita ko sya na ngumiti, kaya nginitian ko rin sya,"Sus! Ikaw pa malakas ka sakin eh!"
[Oh, ikaw, umuwi ka na at basang-basa ka na ng ulan. Hala! 1 AM na pala!]
1 AM- Ano? 1 AM NA? #&:@!($#!
"Hala, hala! Sige na bye na! I love you, mahal na mahal kita. Good bye!"
Agad kong ibinaba ang cellphone at nagbike na. Paglabas ko ng gate ng subdivision ay medyo mataas na ang baha. Tsk. Patay na! Mukhang alam na rim ni Tatay na wala ako sa bahay. Binilisan ko na lang ang pagbabike kahit ang lakas na ng ulan at hangin. Tsk! Malas!
Hinigpitan ko naman ang hawak sa cellphone ko ng mapansing nagriring ito.
Calling..
FATHER DEAR~
Hala! Binilasan ko pa ang pagbabike kahit medyo mahirap dahil sa taas ng tubig. Maya maya rin ay nakarating na ako sa amin. Patay na. Wala pa yatang kuryente.
Papasok na sana ako ng makita ko si tatay at kuya sa di kalayuan na mukhang may hinahanap. Tsk! MALAAAAAAAAAS!
"Kuya! 'Tay!" Ilang beses ko silang tinawag pero hindi nila ako marinig. Dahil na rin siguro sa lakas ng ulan at sa medyo malayo rin sila sa akin.
"Kuyaaaa! Tataaaay!"
Napalingon sa akin si kuya at tila may sinabi pa kay tatay kaya agad syang lumingan at tumakbo palapit sa akin.
Nang makalapit si tatay ay bigla ako nitong niyakap,"San ka ba nanggaling na bata ka? Mamatay na ako sa nerbyos kakahanap sa'yo."
"Lee! Ano bang pumasok sa kukote mo at bigla kang nawala?"
Hinigpitan ni 'Tay ang pagyakap sa'kin at naramdaman ko na para bang may tumulo sa may balikat ko.
"Tay, umiiyak ka ba?"
"Anak, wag na wag ka ng aalis ha? Wag mong iiwan si tatay. Mahal na mahal ka ni tatay ha," at naramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo ko.
"Tay naman eh, pinapaiyak nyo ako," sabi ko habang pinapahid ang luha ko.
Hindi pa rin ako binibitawan ni tatay at bigla na lang siyang umiyak,"Hindi ko kakayaning mawala ang mga anak ko sa'kin.... Wala na sa atin ang nanay nyo, ayokong mawala pa kayo." Sabi pa nya habang umiiyak.
"Tay, ang OA natin ah?" Sabi ni kuya.
Toinks. Panira moment.
"Ikaw bata ka, saan ka ba kasi napadpad? Ha? Kasagsagan ng bagyo, akala namin nalipad ka na ng hangin at nadala na ng baha! Patpatin ka pa naman! At naligo ka pa sa ulan! Suskopo! Ala una na ng madaling araw." Sermon ni kuya. Feeling tatay? Tsk!
Napitingin naman ako kay tatay at tinitigan lang nya ako habang naghihintay ng sagot.
"Hehehe...." Iyon na lang ang nasagot ko.
"Saan ka nga pumunta?" Madiin na pagkakatanong ni tatay.
"Sa ano po... sa..."
"SAAN!?" Sigaw ni kuya.
"Ay kuya, excited? Wait lang bumebwelo pa eh!" Sabi ko.
"Tantanan mo 'yang pamimilosopo mo Lizelle ha! Sumagot ka ng ayos!"
Hala! Patay na! Galit na si father~
"Uhmmmm. Nakipagkita po kasi ako kay..... kay Cyrus po." Mahina kong sabi.
"ANO!? Gusto mo bang mamatay na bata ka? Makikipagkita ka dyan sa walang kwenta mong boyfriend, bagyong-bagyo?!"
"Eh 'tay ako naman yung may gusto eh!"
"Kahit na! Mali pa rin 'yun! Tumakas ka sakin? Tapos bagyong-bagyo pa! Tantanan nyo na 'yang kahibangan nyo ha!"
"Tay naman eh!"
"Hindi mo na ako madadaan dyan sa 'tay naman, tay naman' mong 'yan!"
Unti-unti ng tumulo ang mga luha ko. Inabot na kami ng sampung buwan, kaya pa naming tumagal kahit ganito lang, diba? Mahal namin at isa't isa. Kapag dumating ang tamang panahon, alam kong ipaglalaban na rin nya ako.
"Akin na ang cellphone mo."
"Tay..."
"Akin na sabi eh!"
Nanginginig kong tinanggal sa plastik ang cellphone ko at inabot sa kanya. Sandali syang nagpipindot doon, at saka ibinalik sakin,"Matulog ka na.."
Tiningnan ko si kuya at nakitang parang naaawa siya sa akin,"Kuya.."
Pero agad din siyang tumalikod at umakyat na sa kwarto. Nanginginig ko namang tiningnan kung ano ang ginawa ni tatay. Hanggang sa napunta ako sa messages at nakita ang itinext nya kay Cyrus.
/To: Cyrus, my C~
.,Bhr3ahk nh4 th4y0u. p4hg0hd nh4 4c0uh./
Maiiyak na sana ako kung hindi lang jejemon yung pagkakatext ni tatay. Pero nagulat ako ng makatanggap ako ng text galing kay Aldrin.
/From: Bestfriend na ugok
Lee! C Cyrus, inaapoy daw ng lgnat!/
Patay!
;--------------------------<3