THE WRONG MR. RIGHT By RJ NU...

By arjaynuevas

34.9K 803 318

THE WRONG MR RIGHT By rj nuevas They say, looking for Mr Right is hard. But not for Welcome (the girl na ipin... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 4

1.5K 36 28
By arjaynuevas

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER FOUR

 

Oh my God oh my God oh my God oh my God!!!

            My mysterious Mr. Right is not only in this universe…but also in the Philippines…in Quezon City…in this school…right inside our classroom. In front of me. I’m just a girl standing in front of this gorgeous guy eke k ala Julia Roberts. And he just gave me his name.

            Ward.

            Unique name. Tulad ng name ko. Welcome.

            At parehong W ang start ng name namin.

            Ward and Welcome. Welcome and Ward.

            Wel-ward!

            Oh my God! We’re a loveteam!!!

            “Carmela!”

            Yun si Mr Patalen. Hari ng basag! Ipinangalandakan ang totoo kong pangalan. Sa harap ng cute guy na ito with a unique name. Carmela. Sige Mr Patalen, ingudngod mo pa na ang name ko ay pang-1950’s. Pang-matanda! Pang-lola! Jusko naman kasi mader, bakit mo ako pinangalanan ng Carmela!

Ano na lang iisipin ni Ward? Baka ma-turn off siya!

Ward and Carmela! Hindi bagay!

“Carmela, find a seat so that we can start!”

Pero nakaupo siya sa chair ko, e. This cute guy.

“Carmela, there’s a vacant chair at the back.”

Talagang ulit-ulitin ang name ko? Carmela! Carmela! Carmela! Parang echo!

Pero tumayo si Ward at nagsabi na: “I’ll just sit at the back.” Sabay ngiti niya sa akin.

OMG! What a perfect, perfect gentleman this cute guy is.

Umupo na ako nang buong hinhin. At siya, naglakad na papunta sa vacant chair sa likod. Kung saan ang katabi niya ay walang iba kundi si…

Si Karen!

Si Karen na maganda…maputi…at malaki ang boobs!

Oh no!

* * * * *

            Don’t get me wrong. Karen is my bestfriend. Silang dalawa ni Ramil. Bata pa lang kami, magkakaibigan na kami. Si Karen ang nag-introduce sa akin kay Barbie Doll. Mahirap lang kami kaya wala kaming pambili ng Barbie doll. Ang manika ko noon ay stick ng popsicle na dinodrowingan ko ng mukha. At ang damit niya, papel na kinulayan ng Crayola. (At least, creative, no?) Kapitbahay namin noon si Karen, may kaya na sila, tapos nanalo pa sa lotto ang Daddy niya. Lumipat sila sa mas malaking bahay sa sosyal na subdivision, pero hindi nabago ang friendship namin. Dati, Barbie dolls ang pinapahiram niya sa akin, ngayon, mga damit, sapatos, make-up, hikaw, etc.

            Mabait si Karen. Mahal ko siya. Pero…pero…pero katabi niya si Mysterious Mr Right ko!!!

            At panay ang bulungan nila! Panay ang ngitian!

            Ano ang pinagbubulungan nila? Anong secrets?

            At humawak pa si Karen sa braso ni Ward!

            “Ang isang guy, kapag hinahawakan ng girl sa braso, tuwang-tuwa ang mga yan. Kaya ikaw, Welcome, kapag type mo ang isang lalaki, hahawakan mo sa braso.” Yun! Yun ang payo ni Karen sa akin noon.

            At yun ang ginagawa niya ngayon kay Ward!

            Type niya si Ward!

            How can I compete with Karen?

            Wala na! Olats na!

            Pero ang sakit! Ang sakit-sakit-sakit! Gusto kong maiyak. Ganito pala ang jealousy. Parang tinutusuk-tusok ng one thousand and thirty four pins ang puso mo. Ngayong ko lang na-experience ito.

            Oh, Karen! How can you do this to me?

            At ano yung ginagawa nila right now? Ibinigay ni Ward ang cellphone niya kay Karen. At si Karen, may pinindut-pindot sa cellphone.

            Oh no! Hiningi ni Ward ang cellphone number ni Karen at ibinigay naman iyon ng bestfriend ko! Ang bestfriend kong traydor!

            “Carmela!”

            Si Mr Patalen. “Why do you keep on looking at the back?”

            “Sir, wala. May…may stiff neck lang ako,” pagpapalusot ko. “Ang sakit nga e.”

Pero hindi siya naniwala. May tinatanong siya sa akin tungkol sa Physics. Kanina pa siya nagpapaliwanag sa condensation pero hindi ako nakikinig. Akala ko gatas na condensada ang sinasabi niya. Malay ko sa tanong niya.

            Siyempre, napagalitan ako. Pahiya ako.

Lalo na kay Ward na nakatingin sa akin.

Ang tingin niya sa akin, ang bobo ko!

Bobong pangit ang pangalan, waaaah!

* * * * *

            After class.

            Oras ng pagtutuos!

            Hinila ko si Karen sa comfort room, tinanong. “Ano’ng pinag-usapan n’yo ni Ward? Bakit kayo nagbubulungan? Bakit mo siya hinahawakan sa braso? Bakit mo kinuha ang cellphone niya? Ano ang inilagay mo? Number mo? Hiningi ba niya ang number mo at ibinigay mo naman? Ano’ng klase kang kaibigan, Karen? Ano?” Dire-diretso kong sumbat sa kanya.

            “Ha?”

‘Yun lang ang namutawi sa red, red lips ni Karen. Si Karen ang tipo ng tao na kapag sinunud-sunod mo ang tanong, hindi mapa-process ng utak niya iyon. Dapat paisa-isa lang. Pero wala, parang dam na na biglang bumulwak ang dibdib ko.

Pero infair, wala namang alam si Karen sa pinagdadaanan ko. Baka mas magandang sabihin ko na sa kanya ang totoo.

“Karen, alam mo bang since last night ko pa iniisip si Ward?”

Napaisip si Karen saka nagtanong. “Paano nangyari iyon? Kanina pa lang natin siya nakita.” You see, pag isang tanong lang, kayang iprocess ni Karen.

“Kahapon ko pa siya nakita. Sa sinehan. Siya yung nambatok kay Ramil.”

Nanlaki ang mga mata ni Karen. Bumilog din ang bibig. Minsan, kasing-OA ko ang babaeng ito. We deserve each other.

“Ano? Bakit hindi mo sinabi?”

“E, uupakan siya ni Ramil.”

“Oo nga no? Galit na galit sa kanya si bakla.”

“Kaya huwag mong sasabihin sa kanya.”

“Sige, hindi.”

“Magpromise ka. Kung minsan, yang bibig mo, may sariling isip.” Actually, buti pa yung bibig niya, may sariling isip hehehe. Sama ko.

“Promise.” Nagtaas pa ng kamay ang loka.

“Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang pinagbubulungan n’yo ni Ward.”

“Ikaw.”

What?

“Ikaw ang pinag-uusapan namin.”

“What do you mean…ako?”

“Nagtanong siya tungkol sa iyo.”

Again, what?

“Hiningi nga niya ang number mo e. Kaya inilagay ko sa cellphone niya.”

All together now: WHAT???

Si Ward, my Mysterious Mr Right, nagtanong tungkol sa akin? Hiningi ang number ko? Ohmaygawd!!!

Blag!

Ako yun. Natumba. Hinimatay.

Joke!

Si Ramil yun. Pumasok sa c.r. ng girls, at ang pinto, tumama sa mukha ko.

Pero feeling ko, kapareho ng effect kapag hinimatay ka sa sobrang kilig.

Hihihihihihihi!

My Mysterious Mr Guy is in love with me!!!!

(Walang kokontra!)

Continue Reading

You'll Also Like

37K 574 69
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
624K 22.8K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...