Just Knock (Complete & Publis...

Av UrielaYin

30.3K 1.7K 966

Sumali si Kendra sa isang contest para sa amang may sakit. Ito ang kanyang laban na pinaglalaban. Kaya lang a... Mer

JK
Just Knock
Collide
Mr. Nice Guy
Ms. Alone
The Suitor
Tell Me Your Name
The Protector
Silence Please!
Separate Lives
When I Talk To You
Now or Never!
And They Meet Again
Trust
The Battle
Sweet Surrender
Need To Be Next To You
Home At Last
Wish
The Bodyguard
Can't Help Fallin'
Rock Soldier Rock!
Love and Death Collide
Another Wish
The Soldier & The Rockstar - Special Chapter
Author's Note

Here Without You

713 33 2
Av UrielaYin

MULA sa pagkakahiga ay napabangong bigla si Raffy nang maulinigan ang mahinang pagkatok mula sa pintuan. Nakangiti niya iyong binuksan. Ngunit mabilis ring nawala nang ang mabungaran ay hindi ang babaeng inaakala niyang kumakatok.

"S-sir," tawag ng staff na lalaki sa natutulalang si Raffy.

"Yes?" walang ganang tanong niya.

"Sir, nagpatawag daw po kayo ng tao para sa cleaning?"

"O-oo nga pala. Dati bang gawi?"

"Yes, sir. At depende po sa inyo. Puwede po kayong magpa-schedule."

"S-sige. Magre-request na lang ako sa baba mamaya."

"Okay, Sir, kung wala na po kayong kailangan aalis na po ako.

"A, sandali. May itatanong lang sana ako."

"Ano po 'yun?"

"Um... 'y-yung babaeng nakatira d'yan?" Tinuro niya ang katapat na kwarto. "Nasaan na s'ya? Para kasing wala ng nakatira. Alam mo ba kung nasaan siya?"

"Ah, si Ms. Kendra?" balik na tanong nito.

"Kendra?"

"Opo. Si Ms. Kendra po. E ang huling balita ko lang po ay uuwi na siya ng Cebu."

"Cebu?"

"Opo. Actually po noon pa siya dapat na umalis. Ang kuwento niya ay hinintay niya lang po 'yong gagamitin niyang pera pauwi. Bakit Sir, m-may atraso po ba siya sa inyo o utang?"

"Ah, hindi-- hindi wala. Wala naman. Naitanong ko lang. 'Yun lang naman... sige. Salamat." Pero hindi pa rin siya mapakali kaya ang tatalikod na sanang staff ay muli niyang tinawag.

"Sandali... p'wede bang isang favor pa?"

"Ano po 'yun?"

"Puwede ko bang makita ang silid niya? 'Yun ay kung puwede lang naman."

"O-sige po. Tara po."

Habang naglalakad ay inilalabas na ng staff ang susi ng dating kwarto ng dalaga.

"WALA po siyang iniwang bakas, Sir. Tanging itong component lang. Nabili niya ito ng mura sa kasamahan ko e siguro hindi niya alam kung paanong dalhin ang laki-laki kasi kaya iniwan n'ya na lang." Nagpapaliwanag ang staff habang siya naman ay busy na umiikot.

Bumalik sa ala-ala niya ang ilang beses na pagbalik-balik niya sa lugar. Pinagmasdan niya ang lababo at kung paanong sungitan niya noon ang tinuring niyang bata na Kendea pala ang pangalan. At ang ilaw.

Tumingala siya at bahagyang napangiti.

Huli niyang pinuntahan ang component. May kalakihan ito at kabigatan.

Hindi pa sigurado si Raffy sa nararamdaman ngunit isa lang ang alam niya. Nami-miss niya ang dalaga.

Hinawakan ang component na siyang unang naging daan para katukin niya ang silid na ito isang gabi. Unang beses na nasilayan niya ang maganda nitong mukha.

Tila may manipis na manipis na bagay na tumusok sa dibdib niya. Manipis man pero sapat na upang maramdaman niya.

Hindi niya inaasahan na mangyayari ito. Hindi niya naisip na isang araw ay maaaring mawala ang dalaga. Nanghihinayang lang siya sa mga pagkakataong pinalagpas niya upang makilala ito nang lubusan na ni pangalan ay hindi niya alam.

"Siya nga pala, Sir, hindi po ba't magkakilala kayo? Minsan kasi nakita namin kayo sa elevator na magkasama. Ang kulit ng babaeng 'yun ano, Sir? Pero napansin naming parang hindi kayo magkasundo. 'Yun-- 'yun lang naman po ang napansin namin." Biglag tumikom ang bibig nito nang lingunin n'ya. Napansin nito sigurong nagiging matabil na ang dila nito.

Natigilan naman si Raffy.

"Tinatawag niya akong Mr. Nice Guy pero ang totoo hindi naman ako naging mabuti sa kanya kahit kailan."

Sa sinabi niya ay nabuhayan ng dugo ang kausap n'ya. "Ay makulit lang po talaga 'yun. Huwag po kayong mag-alala wala sa kanya 'yun. Alam n'yo po kapag tumatambay nga 'yon sa baba lagi niya kaming napapatawa. Pero, sigurado ako hindi umuubra ang kakulitan niya sa inyo."

Hindi na umimik pa si Raffy.

'Yun nga ang pagkakamali n'ya. Kung sana ay nahintay siya nito o kung sana ay nakapag-paalam si Kendra siguro nabago pa niya ang ugali at pakikitungo sa dalaga.

"Saka Sir, malay niyo magkaroon pa ng pagkakataon para makabawi kayo kasi may babalikan pa siyang gamit, oh." Ang staff ulit sabay turo sa component na nasa tapat ni Raffy.

"Pero mas maganda sana kung ako ang dahilan ng pagbabalik niya hindi ang gamit na 'to," bulong niya na medyo napalakas yata kaya nagtanong ang kausap n'ya.

"Sir?"

"Wala-wala. Sige na. Tara na. Uhm, puwede bang ilagay ko muna sa room ko ang component na 'to? Babayaran ko kung gusto mo?"

"Sige po. Walang problema. Kahit nga po hindi niyo na bayaran. Hindi rin namin alam saan ito ilalagay e."

Tinapik ni Raffy ang component bago matipid na sumagot. "Salamat."

Binuhat na niya ang nasabing gamit. Pagkara ay nag-alok ng tulong ang kausap na pinaunlakan naman niya. Nasa magkabilang gilid sila habang ito ay binubuhat at nang makarating ay kanila munang inilapag sa sahig. Kapwa sila nagpagpag ng mga kamay pagkatapos.

"Bayaan n'yo, Sir kung sakaling magkaroon kami ng balita kay Ms. Kendra o kung sakaling bumalik siya ipapaalam po namin agad sa inyo."

"Sige. Salamat." Tinapik niya sa balikat ang binatilyo at ito na'y lumabas.

Nang mapag-isa ay napatitig siya sa component na hindi naman nagtagal ay napagpasiyan na niyang punasan. Sinubukan niya iyong paganahin. Medyo garalgal ang tunog nito na nasa FM station pero sapat naman upang maintindihan niya ang awiting kasalukuyang tumutugtog. Ang kantang unang pinasikat ni Elvis Presley. Ay sino ba naman ang hindi nakakaalam sa kantang Cant Help Falling In Love na ito, na ni siya ngang hindi mahilig kumanta ay alam ito.

Wise men say, only fool rushing. But I can't help falling in love with you...

Sa ganda ng mensahe ng kanta ay napangiti siya.

Hindi niya alam kung kaninong boses na iyon. Boses babae kasi. Bahagya niya pa itong nilakasan at ang mga linya ay sinubukang sundan.

Not bad, Raffy. Not bad.

Pabalik na si Raffy sa serbisiyo apat na Linggo mula ngayon kaya iniisip niya kung paano muling makikita si Kendra. Saan at paano siya magsisimulang maghanap.

Hindi nagtagal ay bumaba siya sa lobby. Nagtanong ng ilang mga bagay mula sa mga staff tungkol kay Kendra. Pero kaunting impormasyon lamang ang nakuha niya. Walang exact address at Kendra Martinez na full name nito ang siguradong impormasyon lang na nakuha niya.

Sinubukan niyang hanapin ito sa social media ngunit bigo siya.

"Ang daming Kendra Martinez." Tila nawawalan na siya ng pag-asa. Napabuntonghininga na lang siya matapos ihagis sa inuupuang kama ang cellphone ngunit agad din iyong kinuha nang maalala ang brod niya sa service.

"Hello, Cariaga. May ipapahanap ako sa'yong tao..."

LUMIPAS ang dalawang Linggo.

"Kendra, ang telepono mo kanina pa nagri-ring," tawag ng kanyang ina.

Patakbo namang lumapit si Kendra at agad na kinuha ang teleponong naiwan niya sa sofa.

"Hello," ang tangi niya lamang nasambit pagkat dire-diretso nang nagsalita ang nasa kabilang linya. Natahimik din ang kanyang ina na kumunot pa ang noo. Waring nakikiramdam sa natahimik na anak.

~••~
Notice:
READ IN SAFE MODE!!!!

The copyright of this story is protected by Wattpad and only Wattpad is permitted by the author to view this publicly. If you happen to be reading this on another site, you might be vulnerable to malware attack. For safety reading, continue to the following link: www.wattpad.com/user/Uriel_Ayin

©Uriel Ayin • Wattpad

🎶 🎶 🎶

End of Chapter Nine

Fortsett å les

You'll Also Like

162K 2.8K 14
Third's Story Meet Bree Samaniego, ang pambayad utang ni Clark Shintosa sa utang na loob niya kay Third C. Chance.
715K 12.8K 43
It's a marriage for convenience between 19 years old ramp/commercial model Silk Benitez and 22 years old scion and Olympian Jota Jimenez. Everyone wa...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
313K 4.4K 29
BABALA: Ang Storyang ito ay kinakailangan ng patnubay at gabay. Ito'y may maseselang lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror at droga sa mga INOSENTENG...