Cage My Spirit

Od EuropaJones

12.4K 1.2K 230

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... Více

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight

Chapter Nineteen

364 38 8
Od EuropaJones

GINANAP ANG CONCERT sa Sports Complex ng St. Lucia University dito sa Paco, Maynila. Mga madre ang nagpapatakbo ng management ng unibersidad.

Walang pintura ang limang building. Bare walls. May isang chapel at tatlong canteen. Maliit lang ang covered gym, at hindi kayang pasanin ang bilang ng mga taong dadalo.

Dito sa Sports Complex tinayo ang stage at nilagyan ng bubong. Open na open sa kalawakan ang concert ground at kung may sintunado na kakanta mamaya, may baon akong payong.

Sinakop ang tennis at basketball court para gawing concert ground. Nang dumating kami, madilim na. Naka-ayos na ang speakers, spotlights, at stage lights. Nagsisimula na ang pangatlong banda sa contest. Excited ang lahat dahil imbitado ang tatlong sikat na OPM bands. Ang mga kasalo sa contest ay expected na tumugtog ng sarili nilang komposisyon at pwede din naman revival scores.

Nakapalibot ang mga food stall sa Sports Complex. Pero bawal magbenta ng carbonated drinks at alcohol. Wholesome ang mga madre, sinisigurong matiwasay ang event.

Senior Highschool na si Coby at ang mga kabanda niya. Tinatawag nila ang kanilang banda na Black Cats. Huling year na nila 'to kaya gusto nilang manalo sa Battle of the Bands. Emosyonal sila kanina, dahil matapos ang highschool, magwawatak-watak na sila, pupunta sa iba't-ibang unibersidad.

"Inaanak," tawag ko kay Coby, "Galingan mo, ha? Kapag natalo ka, wala kang pamasko sa akin."

"Ninang Ja, balita ko sa Friday na ang lipad mo papuntang Korea? Doon ka ba maghahanap ng Oppa?"

"Sabi mo pa!" sabat ni Jenny, namaywang, "Nagpapractice magsalita ng Korean sa bahay. Di ko alam sinasabi niya. Minumura na ata ako. Kaasar!"

"Sigh..." reklamo ni Maki, "Sana matanggal na ang punseras para hindi ako makasama sa kabaliwan mo."

May sinasabi kayo, Sir Maki?!

"Wala!"

"Hahanap talaga ako ng Oppa!" sabi ko, "Bubuo kami ng Korean babies. Gusto ko triplets."

"Mga bakla naman 'yon," sabat ni Maki, "Retokado. Kinagwapo na nila ang sumayaw habang kumakanta?"

"Manahimik ka!" sigaw ko kay Maki.

Napapitlag si Jenny. "Totoo naman! Malay ko ba kung ano pinagsasabi mo. Baka iniinsulto mo na pala ako."

Tumawa si Ate Tess at Coby pati na din ang mga kamag-anak namin.

"Pupusta ako, mas marunong pa silang gumamit ng make-up kaysa sa 'yo. Kasi nga..." pangaasar ni Maki, "bakla."

"Shut up!"

"Oppa!" pang-aasar ni Maki, "Oppa! Oppa! Oopakan ko sila."

Pinisil ko ang braso ko—mahigpit na mahigpit.

"Aw!!!" daing ni Maki.

Lumapit ang mga kabanda ni Coby at tinawag na siya. Bitbit ang kaniyang electric guitar case, nagpaalam na ang inaanak ko at pumunta na sa backstage kasama ang mga kabanda. Tutugtugin nila ang personalized rendition ng mga hitsong ng My Chemical Romance. Iyon kasi ang inspirasyon nila kaya sumasakit ang ulo ni Ate Tess sa eyeliner at black clothes ni Coby.

Dumami pa ang mga taong dumating habang lumalalim ang gabi. Tumingin-tingin ako sa paligid, sinusuri ang mga tao.

"Hinahanap mo ba siya?" tanong sa akin ni Maki.

Bakit pa kaya siya sa akin nagtatanong kung alam naman niya ang sagot? Tinitiyak ko lang. Mukhang wala naman siya.

"Wag mong kakalimutan ang pangako mo sa akin," paalala ni Maki.

Umalis na sa building ang mga pinalayas ni Chua Ma Qui. Wala pang isang araw, may bagong lipat na agad. Ganoon kabilis sa Divisoria. Agawan talaga ng pwesto. Kahit kasi magtaas ng presyo si Maki, mababa pa rin iyon kumpara sa presyo ng karatig building.

Siguro nga, may sumanib na masamang kaluluwa sa katawan niya. Kaya ganoon na lang kalupit. Low key ang kasungitan niya bago siya nahimatay at nalagay sa comatose. Gumising siya ngayong bilang isang diktador.

Ang sabi sa akin ni Maki, matagal na niyang iniisip na magtaas ng presyo pero hindi niya ginagawa dahil alam niyang malulugi ang mga tindero.

Dapat akong matakot. Dapat akong mandiri. Pero...naalala ko kung paano niya ako hawakan nang kunin niya ang sobre ng pera sa kamay, ang mga tingin niya, ang ginawa niya sa snatcher sa sumakal sa akin... Ang boses na kumakausap sa akin paggising sa umaga, galing siya sa katawan na 'yon. Parehas sila ng timbre, lalim, at himig. Iyon nga lang, walang emosyon ang boses na galing sa katawang lupa. Talaga bang masama siya? Ewan ko na.

"Layuan mo ang kawatan ko, Jaja," aniya—hindi nagustuhan ang iniisip ko.

Niyugyog ni Jenny ang balikat ko at naputol ang aking muni-muni. "Si Ate Deedee!" sabi ni Jenny, tinuro niya ang direksiyon ng best friend. "At may kasama siyang friends."

Lumingon ako sa direksiyon na tinuturo niya.

"Tang-ina!" mura ni Maki.

Naglakihan ang mga mata ko.

"I knew it. He's here," ngitngit ng kaluluwa, "Stay away, Jaira."

Siniko ako ni Jenny. "Kasama ni Ate Deedee si Chua Ma Qui at Rodrick. Bakit sila invited?" Inayos ng kapatid ko ang buhok at make-up. "Ate Jaja! May dumi ba ako sa mukha?"

Lumapit silang tatlo sa amin, sumiksik sa crowd.

"Hello!" kinakabahang sabi ni Deedee, "May nakita ako kanina." Ngumuso siya sa mga kasama.

Umalis si Ate Tess para bumili ng pagkain. Tinotoo nga niya. Pumunta dito si Chua Ma Qui.

Ayoko siyang tignan. Dama ko ang mga titig niya kahit hindi ako sa kaniya nakatingin. Sumiksik ang mga tao at lumiit ang spasyo naming lahat. Nagkadikit ang mga braso namin, nalanghap ko ang kaniyang pabango. Napalunok na lang ako.

"Ayan na si Coby!" turo ni Jenny, "Sir Maki, the lead guitarist is my nephew! Ako ang nagturo sa kaniya na tumugtog."

Nirolyo ni Deedee ang mga mata.

Nagpakilala ang vocalist ng banda nila Coby. Matapos ayusin ang mga instrumento nila, umarangkada na sa speakers ang intro ang kanilang kanta. Sumabay sa head bang ang buong kamag-anak ko, sinigaw ang pangalan ni Coby. Pati si Rodrick at Deedee, sumabay sa indayog ng rock music. Wala pang chorus ang kanta ng Black Cats, bumuhos ang malakas na ulan. Kaysa magtago, lalong naging wild ang audience. Sumigaw at sumabay sa indayog ng kanta.

Magtataas sana ako ng kamay pero may humawak sa kanang kamay ko, ang kaliwang kamay ni Chua Ma Qui, daliri sa daliri, nag-untugan ang aming gintong punseras. Saka lang ako tumingin sa kaniya.

"You are the reason why I came," sabi ni Chua Ma Qui, "Gusto kita makita."

"Tumakbo ka na, Jaja!" sigaw ni Maki sa tainga ko, "May masama siyang balak!"

Binawi ko ang kamay at tumakbo palayo.

"Ahh!!" sumigaw ako sa takot, "Tulong!!"

"And what's the worse you take from every heart you break, and like the blade you stain. Well, I've been holding on tonight," pagkanta ng bokalista.

Sumiksik ako sa mga tao, elbow to elbow, sumasabay ang dagundong ng speakers sa kabog ng puso ko. Dama ko ang tubig ulan, bumabagsak pababa ng aking buhok, tumatagos sa tela ng polo shirt ko. Nakalabas ako sa pulutong ng mga tao. Pumasok ako sa area ng swimming pool dahil mas malapit doon ang exit ng Sports Complex.

"Saan ka pupunta?!"

Lumingon ako at naabutan si Chua Ma Qui, humahabol sa likod ko.

"Dalian mo! Takbo!" sigaw ni Maki.

Lumabas ako ng Sports Complex at pumunta sa covered gym para magtago.

Walang tao sa loob. Madilim. Kaya mabilis na umilaw ang kaluluwa ni Maki, nagsilbing liwanag sa dilim, nakita ko ang tamang daan. Tumakbo ako papunta sa equipment room, basang-basa ako sa ulan. Rinig pa din sa kinatatayuan ko ang rakrakan sa Sports Complex.

"Came a time when every star fall brought you to tears again. We are the very hurt you sold."

"Wag kang tumakbo, Miss Jaja," tiim-bagang na utos ni Chua Ma Qui. Ayokong lumingon. Pero sa timbre ng boses, mukhang malapit na siya. May humawak sa kanang kamay ko at hinatak ako paharap.

"Jaja!" sigaw ni Maki, naglalakihan ang mga mata.

Umakyat ang mga daliri ni Chua Ma Qui sa balikat ko. Hinatak niya ako at sinandal sa pinto ng equipment room.

"Wag kang tumakbo," hinihingal na sabi niya, "Dito ka lang sa tabi ko."

Sabay naming hinabol ang aming hininga.

"Ano bang kailangan niyo sa akin, Sir Chua Ma Qui?" kinakabahan na sabi ko.

"Gusto kitang hawakan," mahinang sagot niya. Inangat niya ang kamay at hinaplos ang basa kong buhok, inipit sa tainga ko. Pinalis niya ang patak ng ulan sa noo at pisngi ko, tinaas niya ang aking baba para pilitin akong tapatan ang titig niya.

"A-anong ginagawa niyo?" protesta ko.

"Nilalamig ako," sabi niya, "at kailangan ko ang init mo."

Sinubukan ko siyang itulak pero pilit niya akong iniipit sa pader.

"Sir..."

"Natatakot ka ba sa akin matapos kong palayasin ang mga tao sa building? Sabihin mo."

Hindi ako sumagot.

"I hate all of them but I'm only nice to you. Do you know why?"

"Sir... Please, let me go."

"You are in my dreams. But when I opened my eyes, I suddenly forget what it was about. Just as how it should be when we wake up from sleep," kwento ni Chua Ma Qui, "Since my wake after coma, I walk everyday feeling absolutely nothing. Like someone plunge a whole dosage of anesthesia right through my heart. Something's wrong with me."

Tumigil ako sa panlalaban, hinayaan ko siyang magsalita at nakinig ako. Umuwang ang bibig ni Maki at nakinig. Lumalim ang kunot sa noo ng kaluluwa, iniilawan niya ang sariling katawan.

"I don't remember most of my dreams but I still feel the gist of them," he laid his hands on my shoulders, "I've been dying to hold you, but my hands keep going through your warm body. That's when I wake up, the sun warming my face."

Tinignan ko si Maki pero tutok ang mga mata niya sa sariling katawan.

"And in my dreams," he lowered his face, our foreheads touched, "You called me Maki. Just like how I wanted."

Closing my eyes, my lips parted as I waited.

He nibbled my lower lip with his warm wet tongue. Putting a hand on my nape, he pushed me closer, his other hand roamed on places his soul had been dying to explore and feel. His kisses became demanding, urging me to stop fighting and respond. And even if I didn't know how, I kissed him the way I had always imagined, running my fingers through his hair.

Pleased, he deepened our kiss, beckoning my mouth to open wider. I tasted the caramel sweetness of popcorn he must had eaten some time earlier. I inhaled his scent, engraving this memorable moment into my heart.

That's when his kisses went down on my neck. I felt him licking my skin as he sucked my neck, leaving wet trail of kisses that felt warm then suddenly cold. His hand became busy, unbuttoning my shirt.

His soul was illumating the details of his body. The rain soaked both of our clothes. And that's when I noticed someone grunting beside us. His light had gone weaker, and it almost slipped me.

Humihina ang ilaw ng kaluluwa. Pumikit si Maki, at bumagsak. Ang kamay niya, nakagapos sa kanan kong kamay. Parang namamatay na alitaptap, naglalaho ang liwanag niya.

"Ah!" unggol ng kaluluwa, "Jaira..."

Bakit siya biglang nanghina?

My brassier previewed my cleavage, and his body worshipped me with passionate kisses.

"Nasasaktan ako..." Namatay-sindi ang kaniyang liwanag.

"I've been wanting to touch you for so long. Hold my hand. Tell me how you like it. Does this make you crazy like it does to me?" he inserted his fingers and pinched my nipple. He pressed himself on my thighs, hinting me of his hardness.

"Ahhh!" Humihina ang kaluluwa ni Maki sa tuwing hahawakan ako ng kaniyang katawan sa ganitong paraan. At hindi magtatagal, mawawala ang liwanag at babalutin kami ng dilim.

Kapag hindi ako kumalas sa kaniyang halik, mamamatay ang kaluluwa niya.

"Tama na!!" Buong pwersa na tinulak ko si Chua Ma Qui.

Tinagis niya ang bagang, hindi nagustuhan ang ginawa ko. Lumapit siya at hinawakan ako sa mga balikat. "Bakit? Bakit mo 'ko tinulak palayo? Why don't you like me?!" tanong ni Chua Ma Qui, "Is there someone else?!"

"Sir...wag!"

Walang sabi-sabi na tinaniman niya ako ng halik sa leeg, tinulak ako sa pader, dinagan sa akin ang katawan niya.

At doon bumalik ang liwanag sa kaluluwa ni Maki. Tinitigan niya nang masama ang sariling katawan. "Jaja," sabi ni Maki, "I'm sorry. I have to save you." Lumapit siya nang lumapit sa akin hanggang sa tumagos siya.

The next thing I knew, I couldn't move my body.

Gumalaw ang kamay ko nang kusa. Pinaulanan ko ng suntok sa mukha si Chua Ma Qui, tumama ito sa kaniyang panga. Inangat ko ang paa at sinipa siya sa bayag.

"Ah!!" sigaw ni Chua Ma Qui, sinapo ang kaniyang sarili.

Agad tumakabo si Maki palabas ng covered gym. Sinara niya ang mga butones ng shirt ko.

"I'm sorry, Jaja," rinig ko ang sariling boses, "Something's wrong with my body! I will never hurt you at all."

Bumalik kami sa ilalim ng ulan habang tumatakbo, nagtago sa anino ng mga puno at halaman. Narinig namin ang musika sa Sports Complex pati na din ang katawan ni Maki.

"Jaja!! Bumalik ka dito!"

Lumingon si Maki at nakita ko si Chua Ma Qui na tumingin sa paligid, hindi kami makita sa anino.

"I'm sorry, Jaja," rinig ko ang sarili kong beses, "I'm sorry."

There was nothing to say but remorse.

"What's the worst thing I can say? Things are better if I stay. So long and goodnight..." the music was echoing, "...And if you carry on this way, things are better if I stay. So long and goodnight."

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

564 156 4
Maria was an aspiring nun before she was sent on an espionage task to be responsible for the operation of the detailed Japanese order of battle lists...
5.3K 125 10
"He's my crush, I'll deal w/ him to be my boyfriend for a week. Pero di ko sya paiibigin, lalo ko lang syang iinisin." -Aliehs Mae Soriano (Part 2)
463K 33.5K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
32.9K 336 41
A compilation of my sweet thoughts. A compilation of his 4-Line messages. Its a Love Letter based on our Love Story. What are you waiting for? Read t...