Cage My Spirit

Door EuropaJones

12.4K 1.2K 230

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... Meer

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight

Chapter Eighteen

351 38 6
Door EuropaJones

"SAKTO ANG dating ko ngayon. Heto na ang bayad sa renta. Dinagdag ko na din diyan ang renta last month. Grabe ang tinaas na presyo ni Chua Ma Qui. Maintenance utot niya. Ang mahal! Dagdag tatlong libo magmula ngayon."

Ngumiwi na lang ako sa reklamo ni Ate Tess at kinuha ang sobreng inabot niya.

"Dinagdag mo na ba dito ang price increase ni Chua Ma Qui?" binilang ko ang pera.

"Oo, Ja. Sinama ko na diyan."

Sakto ang amount na laman ng sobre. Si Ate Tess ang nagbabayad sa renta kasi umuutang siya ng pera sa tindahan para bayaran ang tuition ng anak niya. Dahil si Ate ang bantay sa tindahan kahapon, pumunta ako ng Meralco para bayaran ang electric bill ng tindahan namin.

"Ang bango naman dito sa tindahan," puna ni Ate, "Sakit sa ilong."

Ang laki ng lugi namin sa mga nabasag na product simula last week matapos ang rambulan sa tindahan. Tatlong shelf ang nasira. Basag ang bote ng mga imported collagen, umabot ng sampung libo ang damage.

"May saltik talaga ang Tsekwa na 'yon!" reklamo ni Ate Tess, "Sinabay sa inflation ang price hike niya. Walang puso."

Lumingon ako sa kanan, inimagine ang mukha ni Maki sa sinabi ng pinsan ko.

"Ano ka ba? Pinag-aagawan ang pwesto ni Sir Maki dito sa 156 Building. Sa lahat ng shopping mall sa Divisoria, siya lang ang may murang renta. Ang swerta kaya natin sa kaniya."

Kumunot ang noo niya. "Tinawag mo ba siyang 'Maki'? Eeeww! Uminom ka ng alcohol! Quick!"

"Don't even try to defend my honor," bulong ni Maki sa tainga ko, "She's right. Walang puso si Chua Ma Qui. Sinasabi ko sa 'yo, Jaja. Hindi ako ang nasa loob ng katawan na 'yon. Kahit pa magtaasan ang presyo ng bilihin, hindi ko 'yon gagawin sa mga tenant. Kilala mo ako."

Ayoko lang talagang pagsalitaan ka niya ng ganoon. Kahit hindi mo sabihin, alam kong nasasaktan ka.

Narinig ko siyang ngumisi. "Thank you, Jaja. But really...I'm okay."

Sumulpot si Deedee sa tapat ng tindahan. "Psst!" sabi niya sa amin, "Paakyat na ang Tsekwa. Kapos ako ng isang libo. Bess, pautang naman! Baka mamaya, jombagin ako tulad ng ginawa sa snatcher."

Ngumiti ako. "O, heto," kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot sa kaniya. Tumakbo sa akin si Deedee at kinuha.

"Anghel kita, Bess! Babayaran talaga kita." Iyon lang at tumakbo na siya pabalik sa tindahan niya.

Nakita ko ang likod ni Chua Ma Qui habang umaakyat siya sa hagdan. Pinigilan niyang kumalat sa balita ang nangyaring rambulan sa tindahan ko last week. Masamang imahe raw 'yon sa 156 Building. Tulad ng utos niya kay Rodrick, bago na ang security guards na nagpapatrol sa bawat floor.

Isa-isang naningil si Chua Ma Qui sa mga stall. Tulad ng ginawa niya kay Lolo Pepe noon, pinatikim niya ng kahihiyan ang mga kapos palad.

"Bakit ganiyan ang timbangan mo?! Mali ang turo ng kamay!!!" asik ni Chua Ma Qui, "Niloloko mo ba ang mga customer?" Binato niya ang timbangan sa sahig, taranta ang mga daga at kumaripas ng takbo. Dinuro niya ang tindero. "Ming hindi ka nga nagbabayad sa tamang oras!! Doon ka sa kalye magbenta. Wag ka dito. Layas!" Sinipa niya ang timbangan at naglakad sa susunod na stall. Nagbebenta din ng beauty product ang pinagalitan niya. Ginagamit ang timbangan para sukatin ang portion ng product. Yumuko na lang ang tindero.

Tuloy-tuloy ang paghasik niya ng katatakutan. Stall after stall. Worse than the last, angrier than ever.

"Wala kang pambayad?! Anong ibabayad mo? Bituka?!" binato niya ang mga paninda sa sahig, "Layas!"

"May reklamo ka sa dagdag presyo?! Ako din! Madaming reklamo sa madumi mong tindahanan!"

"Kahit ibenta mo pa 'yang bituka at balunbalunan mo, kulang pa din. Ang mabuti pa, magsara ka na. Tutal wala namang bumibili sa 'yo. Pare-parehas lang tayong lugi."

"Basura ang binebenta mo, o! Sira-sira! Umayos-ayos ka!!!"

"Hampas lupa!!!"

"Tanga! Indio!!"

"Putang-ina!!! Lumayas ka sa building ko!!!"

"Ano 'tong kalat na nakikita ko?! Gusto mo bang mamatay?!"

Matanda o bata, walang pinagbibigyan. Mas malala pa raw ang ginawa niya sa foodcourt at second floor. May nahimatay daw matapos komprontahin ni Chua Ma Qui. Sa dami ng nakita namin ngayon umaga, iba na ang opinion ni Deedee. Hindi siya ganito kalupit noon. Pero kung may nahihirapan sa lahat ng 'to. Iyon ay ang kaluluwa ni Chua Ma Qui. Gapos sa kamay ko, tumatagos sa mga pader, lumulutang, at kumikislap sa dilim. Wala siyang magawa kundi manood kung paano sirain ng katawan niya ang lahat.

Kumapit sa akin si Ate Tess nang matapos si Chua Ma Qui sa katabing stall. Tumapat ang Tsekwa sa harap namin. At parang slow motion ang lakad niya papasok sa tindahan habang nagtama ang aming mga mata. On cue, kumabog nang malakas ang puso naming magpinsan.

Bigla akong napadasal sa Diyos. Tama si Maki, sinaniban ng masamang espirito ang katawang lupa niya.

Tumigil si Chua Ma Qui sa harap ko. Tumingin siya sa paligid at binalik ang tingin sa akin.

"Ang renta," tiim-bagang na utos niya.

Inabot ko ang sobre gamit ang kanang kamay.

Dumampi sa gintong punseras ang kaniyang daliri, dumulas sa aking palad, kinikiliti, saka niya kinuha ang sobre.

"Wag mong hawakan si Jaja!" sigaw ni Maki sa katawan niya.

Lumuwag ang kunot sa noo ni Chua Ma Qui habang binibilang ang pera sa loob ng sobre. Kumuha siya ng tatlong libo at binalik sa kamay ko ang sobre.

Nagpalitan kami ni Ate Tess ng tingin.

"Sir Chua Ma Qui? Ba-bakit po?" tanong ko.

Huminga siya nang malalim. "Kasalanan ng security guard ang rambulan last week," pahayag niya, "Nakapasok dito ang snatcher sa building at ginulo ang tindahan mo. Bayad ko 'yan sa mga nasira." Walang kurap na pinasadahan niya ng tingin ang bawat anggulo ng mukha ko na parang inaalala, may hinahanap, walang kurap, nanunuyot.

"Salamat po," sabi ni Ate Tess, napangiti.

Umatras siya at lalakad na sana palayo kung hindi lang siya tinawag ni Ate Tess.

"Sir, teka lang po," pagtawag ni Ate Tess.

Pinanlisikan ko siya ng mga mata.

Humarap si Chua Ma Qui at tumaas ang kilay. "Yes?!"

Mula sa kaniyang bag, nilabas ni Ate ang dalawang stub ng ticket. Inabot niya ito sa Tsekwa. "May Battle of the Band Concert po ang anak ko sa darating na Sabado. Baka gusto niyo pong pumunta? Pasasalamat sa lahat ng tulong na binigay niyo. Kung wala kayo, baka nasaksak na ang pinsan kong palaban."

"Ate Tess..." awat ko, "Busy si Sir Chua Ma Qui. Baka hindi siya pwede."

Kinuha ni Chua Ma Qui ang ticket at binasa ang address ng school. "Miss Jaja, will you be there?" Saka siya tumingin sa akin.

"Uhm..."

"Will you be there? Yes or no. It's a simple question."

"O-opo. Nandoon po ako."

Tumang-tango ang Tsekwa. Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Thanks," sabi niya kay Ate Tess, "I'll try and see if I can join the event." Tumalikod na siya. Binigay niya ang isang ticket stub kay Rodrick.

Pumunta na sila sa susunod na stall.

"Wala sa ayos ang mga paninda mong damit, Miss Deedee!! Ayusin mo 'yan! Mukha kang nagbebenta sa bangketa!!"

"Tanungin mo nga ang pinsan mo kung ba't niya binigyan ng ticket ang halimaw na 'yon?!" galit na sabi ni Maki.

"Bakit mo binigyan ng ticket si Chua Ma Qui?!" pabulong na sita ko.

"Relax! Binigyan ko lang siya. Courtesy. Ang bastos naman kung wala tayong ibibigay. Dalawang beses niya tayong tinulungan. Una, niligtas ka niya sa snatcher. Pangalawa, binigyan ka ng bayad sa damage dito sa tindahan," sabi niya, "Isa pa, tiyak hindi 'yon pupunta. Yayamanin! Ang pinupuntahan niya, mga stage play sa Solaire Theather at Resorts World."

"Oh, I'm telling you," sabat ni Maki, "He will be there."

Paano niyo naman nasabi, sir?

"Because he's brewing an evil plan against you."

Hmmm... But he was hateful to everyone but me. 

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

22.9K 1.1K 77
Heartstrings Attached I: Music Room ThatWallflowerWrites Copyright 2016 Sa oras na yon parang hindi ko na naisip na hindi ko dapat ginagamit...
38.2K 1.2K 21
[DISCLAIMER: This is a Gruvia (Gray and Juvia) Fan fiction. All credits for the characters of Fairy Tail is honorably for Hiro Mashima, the creator o...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...