Cage My Spirit

By EuropaJones

12.4K 1.2K 230

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight

Chapter Seventeen

344 33 6
By EuropaJones

LUMIPAS ANG ISANG linggo at buwan na ng Oktubre.

Sing bilis ng apoy ang kalat ng balita. Gising na daw si Chua Ma Qui. Dalawang linggo siyang coma. Matapos obserbahan, napatunayan ng mga doctor na normal na ang kaniyang kondisyon. Discharged na siya at lumabas sa ospital noong Friday last week.

Ngayong Monday, ang most hated day of the week, inaasahan na dadalaw na naman ang hilaw na Tsekwa para magsiyasat sa shopping mall niya. Takot lang ng mga walang pambayad at matatanda.

Ilang beses din tumawag sa akin si Lola Qing. Bakit raw ako hindi dumadalaw sa boyfriend ko? Hinahanap daw ako ni Chua Ma Qui. Sinabi ko na lang, busy ako sa tindahan. Babawi na lang kamo.

Malakas ang kutob namin na may kinalaman dito si Vixon. Anong malay namin sa tadhana na sinasabi niya, baka hindi pa tapos ang panggugulo niya. Kung natatakot ako, alam kong mas kinakabahan si Maki. Simula nang tumawag si Lola Qing, malimit na siyang magsalita. Sa dilim, kapag matutulog na kami, tabi sa kama, kunot ang kaniyang noo. Tulala.

"Ready ka na ba for South Korea?" tanong sa akin ni Deedee, sinusubukan niya ang tester na red nail polish sa kuko niya dito sa tindahan ko, "Bumili ka na ba ng boots at coats na gagamitin mo? Winter season doon ngayon. Inggit sana ako, kaso hindi naman ako nanonood ng Koreanovela tulad mo."

Next week na ang biyahe ko papuntang Seoul. Kung hindi matatanggal ang gapos namin ni Maki, sasama siya sa akin sa South Korea ng libre. Siguro naman, hindi makikita ang kaluluwa niya sa sensors.

"Isang coat lang ang binili ko. Bakit naman ako bibili ng boots? Wala pang winter season. Autumn sa kanila ngayon."

"Naku! Buti ka pa. Pinayagan ka ba ng parents mong umalis mag-isa? Alam mo ba tumawag sila sa akin kasi dalawang gabi kang nawala sa bahay. Saan ka ba kasi talaga pumunta?" usisa ni Deedee, taas-kilay.

"Nag-hiking sa bundok."

Magtatanong pa sana si Deedee kaso lumapit ang lalaking customer sa amin, nagkakamot ng ulo.

"Miss? Pwede mo ba akong tulungan?" napangiwi siya, "Nasaan ba dito ang facial spray at collagen moisturizer?" Mayroon siyang suot na baseball cap, itim na motorcycle jacket, oversized blue shirt, faded jeans, at butas na rubber shoes.

"Grabe naman ang amoy ng customer mo," reklamo ni Maki, "Ihatid mo nga sa section ng deodorant at toothpaste."

Ngumiti ako sa customer. Pinisil ko nang mahigpit ang kaliwang braso ko.

"Ouch!" reklamo ni Maki.

"Dito po tayo, sir." Tumayo ako at hinatid siya sa estante ng collagen moisturizer at facial spray. Sa peripheral vision ko, nagkagulo bigla ang tenants, umugong ang bulungan. Nasagap ng tainga ko, umakyat na si Chua Ma Qui sa aming floor.

"Teka lang! Teka lang!" sinara ni Deedee ang bote ng nail polish. Kahit hindi pa tuyo ang kuko, tumakbo siya pabalik sa tindahan niya.

"Shit..." mura ni Maki, "Nandiyan na siya."

Siya. Maki was referring to his body in third person. Palagi niyang ginigiit na sumanib ang kaluluwa ni Agatha sa katawan niya. Kaya biglang gumising. Tinanong ko siya kung paano niya nasabi iyon. Even if he was split in two, part of him was still connected to his body, he said. It was as if Vixon found an empty case where he would secure his stuff. Maki could tell that something was inside his body.

Nahimasmasan ako pabalik sa realidad nang may maramdaman akong matulis na nakatutok sa tiyan ko.

"Tang-ina!" sigaw ni Maki, "Kutsilyo!!!"

"Ate, pasensiya na," sabi ng customer, hawak-hawak ang dalawang product, "Malapit na ang pasko. Tsaka, mahilig sa Korean-Korean ang syota ko. Itong dalawa ang pinabibili niya sa akin."

Tumaas-baba ang baga ko, kasabay ng mabilis na kabog ng aking puso.

"Jaira, makinig ka. Kontrolin mo ang breathing mo. Wag kang matakot. Ibigay mo ang gusto niya. It's not worth your life."

Diniinan ng customer ang kutsilyo niya, "Ang mahal pa man din ng mga benta mo. Madami ka sigurong pera," inabot niya ang bag, "Ilagay mo sa bag ko ang lahat, please. Ubusin mo. Kapag sumigaw ka, di lang kita sasaksakin, pipihitin ko ang kutsilyo para mabutas ang bituka mo." Walang kurap ang kaniyang mga mata—naglalakihan. Tumutulo ang pawis mula sa kaniyang noo, pababa sa maitim niyang mukha. Yumayanig ang daliri niya, hawak ang kutsilyo.

"Jaira, hindi ko gusto ang iniisip mo," babala sa akin ni Maki, "Sundin mo ang gusto niya."

"Akala mo ba ito ang unang beses na dinalaw ako ng snatcher?" ngumiti ako.

"Jaira!"

Sinalag ko ang kutsilyo, pinihit ang braso hanggang sa mabitiwan niya ang sandata. Inapakan ko siya sa paa, sinuntok sa Adam's apple nang malakas, siniko sa tiyan, saka ko siya tinulak. Bumangga siya sa shelf at nahulog ang products. Basag halos lahat. Lumikha nang malakas na ingay, dahilan para makuha ang attention ng mga tao sa labas.

Ito po ang natutunan ko sa Red Alert noon ni Atom Araulo. Self-defense sa Divisoria. Hindi talaga maiiwasan.

"Tang-ina! Bumabangon siya. Akong bahala sa kaniya, Jaira. Sasanib ako sa katawan mo."

"No! I have this under control! Don't you fucking dare!"

Bumangon ang snatcher. Kinuha ko ang flower vase at binato sa kaniya pero nasalag niya ito at nabasag sa sahig. Tumakbo siya papunta sa akin at agad akong sinakal—dalawang kamay. Ginamit ko ang kuko, tiniis lang niya ang kalmot ko. Inapakan niya ang dalawa kong paa para hindi ko siya tuhurin sa bayag at titi.

"Naki-usap ako sa 'yo, Ate," sabi niya, "Gumamit pa ako ng 'please', ang sabi ko ibigay mo sa akin ang—"

Lumuwag ang sakal niya sa leeg, at ang dagan sa mga paa ko matapos siyang hablutin nang malakas na pwersa. Hinabol ko muna ang hininga bago ko napagtanto kung sino ang sumaklolo.

Siyempre. Hindi papahuli ang mga tsismosa. Ang mga Pinoy, natural na curious. Kaya manonood muna sila bago tumawag ng 911.

Kung paano kuminang ang kaniyang kaluluwa sa dilim, ganoon din kumislap ang kaniyang maputing kutis sa ilaw. Hindi maipagkakaila. Kaharap ko ang katawan ni Maki.

Pinanood naming lahat kung paano nagpalitan ng suntok si Chua Ma Qui at ang snatcher. Sumalampak sila sa mga shelf at binasag ang mga beauty products. Naghalo ang amoy ng shea butter, menthol, sabon, at dugo.

Hanggang sa bumagsak ang lalaki, napahiga sa bubog at mixture ng beauty products. Dinaganan siya ni Chua Ma Qui, tiim-bagang na pinakawalan ang kamao sa mukha ng snatcher.

Two weeks of coma and here he was. He was paler and thinner. Noong Friday lang siya lumabas ng ospital, at kung dalawang linggo siyang tulog, nagtataka ako bakit maitim ang ilalim ng mga mata niya. Blangko ang mukha niya, sarado at relaxed ang mga labi. Hindi siya tumigil kahit pa tanggal na ang isang permanent teeth ng snatcher.

Gumalaw-galaw ang kamay ng snatcher, hanggang sa nakapa niya ang nahulog na kutsilyo kanina.

Agad akong tumakbo para pigilan ang snatcher, pero mukhang hindi ako aabot kaya inalis ko ang suot na sandal at sinapol sa mukha niya. Bull's eye! Ayun nga lang, kasabay ng pagtama ng sandal ko sa mukha niya, tumagos ang blade sa kaliwang braso ni Chua Ma Qui.

Suminghap ang mga tao sa paligid.

Doon lang siya tumigil sa panununtok. Lumingon siya sa kaniyang braso. Ang reaksiyon niya... Kung tignan niya ang kutsilyo, para lang siyang kinurot.

Nasapo ko ang bibig nang bunutin niya ang kutsilyo sa balat, tinagis ang bagang, at bumwelo para isaksak ang kutsilyo sa snatcher.

"No! No! Enough!" lumuhod ako at hinawakan siya sa kamay, "Tama na, sir. Wag mo siyang tapusin."

Nagtama ang tingin namin ni Chua Ma Qui. Sinusubukan kong kunin ang sandata sa kamay niya, pero masyadong mahigpit ang hawak niya.

"But he laid his fingers on you," sabi ni Chua Ma Qui, "It gives me every right to finish him off."

Umiling ako. "You think he deserved to die? Kapag pinatay mo siya, matatapos na agad ang pagdudusa niya," hinawakan ko ang kutsilyo, "Pero kung bubuhayin mo siya, mananagot siya sa batas, dadanasin niya ang kahihiyan, at mararanasan pa din niya ang hirap sa mundo. His life is painful enough. A punishment. And you're gonna end his pain by killing him."

Huminga siya nang malalim. Lumuwag ang kapit niya kaya madali kong nakuha ang kutsilyo. Bumaba ang tingin niya sa labi ko bago siya nag-iwas ng tingin at tumayo.

"Tang-ina!" sigaw niya, "Nasaan ang mga putragis na pulis na 'yan?! Rodrick!"

"Yes, sir?" mula sa crowd, lumitaw si Rodrick at lumapit sa amo niya, "Papunta na po ang mga awtoridad."

Sinipa ni Chua Ma Qui ang snatcher na nawalan ng malay. "Alisin mo ang hayop na 'to sa tindahan ni Miss Jaira Geronimo. Tawagin mo ang mga janitor. Ipalinis mo ang tindahan niya. Putang-ina ang security guards na binabayaran ko!!! Rodrick, wag mo silang swelduhan. Huling linggo na nila ngayon. Tumawag ka sa agency, at kumuha ng bagong security guards."

Nilabas ko ang first aid kit.

"What are you doing?" tanong sa akin ni Maki.

Gagamutin ko ang katawan mo. Ano pang sa tingin mo?

"But... But..."

Anong 'but'? Kahit ano pang laman ng katawan mo, importante pa rin na gamutin ang sugat niya.

"Siguruhin mo na mabubuhay ang hayop na 'to," utos ni Chua Ma Qui, "Ipapakulong ko ang peste na 'yan."

"Sir Chua Ma Qui..." pagtawag ko.

Lumingon siya sa akin, matalim ang tingin. "Yes?"

Tinuro ko ang braso niyang dumudugo. "Akin na po. Gagamutin ko."

Tinapatan niya ang titig ko habang naglalakad palapit. Pinaupo ko siya sa mono block at sinuri ko ang sugat niya. Umaagos ang dugo pababa sa kaniyang blue polo shirt na long sleeves.

"Wag po kayo, mag-alala!! Registered nurse po ako sa PRC," nilabas ko ang alcohol at nilagyan ang dalawang kamay ko. Kumuha ako ng surgical gloves sa first aid kit at sinuot ito sa dalawang kamay. "Bibigyan ko ng first aid hangga't wala pa ang ambulansiya."

Dama ko ang tingin niya sa akin. Blangko ang mukha ni Chua Ma Qui, parang hindi nasaksak ng kutsilyo. Nasa state of shock pa din siya. Paano ba naman hindi? Kagigising lang niya galing coma. Tapos nasaksak siya sa braso.

"Wag po kayong kabahan!!" sigaw ko, "Magiging ayos po ang lahat!!"

"Ayos ka lang ba, Miss Jaira? Nanginginig ang mga daliri mo," sabi ni Chua Ma Qui, "Mas mukha ka pang takot kaysa sa akin."

Inangat ko ang sugatang braso niya para patigilin ang pagdudugo. "Kailangan po natin i-angat ang buhok mo, para magamot ko ang bandage, tapos hindi na aagos palabas ang saksak."

Nahuli ko ang bungisngis ni Chua Ma Qui. Umarko pataas ang kilay niya. "Are you sure you're okay?"

"Jaja, kumalma ka muna," tumawa si Maki, "Tinamaan ng lintik ang gago, tinatawanan ka pa."

Tumigil nga kayong dalawa! Ang tagal ko nang hindi nakakita ng dugo na hindi galing sa mens ko!! Ngayon lang ulit!

Bahagyang tumigil ang pagdugo ng maliit na hiwa. Nilabas ko ang gunting. "Sir, gugupitin ko ang long sleeve niyo." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Dahan-dahan kong ginupit ang sleeve at maingat na tinanggal ito sa braso niya. Na-expose ang sugat. Kalat ang dugo sa kaniyang balat. Pinanood niya akong maglagay ng alcohol sa bulak.

"Sir, tiis-tiis lang po ng konti. Lilinisin ko po ang sugat niyo."

"Miss Jaja, why are we wearing the same bracelets?" tanong ni Chua Ma Qui, "I can't get it off."

Nag-iwas ako ng tingin. Nilinis ko nang dahan-dahan ang dugo sa balat niya hanggang sa marating ko ang nahiwang balat. Suminghap siya sa sakit. Naka-ilang palit din ako ng bulak at salin ng alcohol.

All this time, I felt his eyes moving, following my fingers, and staring at my face. I could hear his slow and steady breathing through his nose, touching my skin. The same kind of silence engulfed both us. This time, it was because of blood and pain.

Kinuha ko ang butterfly bandage sa kit, binalatan ito, at saka dinikit sa balat para tulungan ang hiwa na sumara. Binalot ko nang dahan-dahan ang sugat gamit ang puting bandage para ilayo sa infection ang sugat, at sinecure gamit ang bandage pin.

"Keep pressure, sir. Wag niyo pong ibaba ang braso niyo para tumigil ang dugo."

"Sagutin mo ang tanong ko," kinuha ni Chua Ma Qui ang kanang kamay ko at sinuri ang gintong punseras ko, "Saan mo nakuha 'to?" Tinagis niya ang bagang.

"Kay Lolo Pepe."

"Comatose lang ang nangyari sa akin. May nakalimutan ba ako? Paggising ko, mayroon na daw akong nobya."

Hindi ako nakapagsalita.

"There's no way I will forget how you became my woman. It only means that you lied to my family, presented yourself as my lover. Why did you?"

Nanuyo ang bibig ko.

Umalingawngaw ang sirena ng ambulansiya.

"Jaja! Jaja!" sigaw ni Deedee, "Nandiyan na ang ambulansiya sa baba!"

"Sir," hinarap ko siya, "Nandiyan na po ang ambulansiya. Magpatingin po kayo sa mediko."

"I could not care less about my wound."

"You might need stitches."

"Talaga bang pumunta tayong dalawa sa blacksmith para ipakabit ang mga punseras," tanong niya, "bilang pangako sa 'yo na ikaw lang ang mamahalin ko? Really? Isn't that romantic?"

Yumuko ako. "I-I don't know what you're talking about."

"May utang ka sa aking eksplenasyon. Sige. Wag kang magpaliwanag ngayon. Magsasalita ka din."

Napalunok ako.

Ngumiti si Chua Ma Qui at tumayo na. Tinaas niya ang braso. Tumigil siya sandali, pinukulan ng masamang tingin ang snatcher na walang malay, saka ito sinipa sa mukha. Naglakad na siya palayo.

Katawan mo 'yon, Sir Maki! Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari!

"Do you see the look on his face? You're right. That's my body. But I will never do such a thing," sabi ni Maki, "Muntikan na niyang patayin ang snatcher at blangko ang mukha niya."

Anong gagawin ko?

"Promise me this: stay away from my body."

Hindi ako sumagot.

"It's dangerous! Promise me, Jaira! Please..."

I promise.

"Stay away from my body." 

Continue Reading

You'll Also Like

79.5K 1.9K 13
"When heart skips a beat, it only means that you have found the one." -Dayle (Published and Released in Buqo.ph and soon in NBS!
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...