ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 60: A NEW HOPE

360 21 1
By angelodc035

Mapanglaw ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan sa kalangitan at may kalamigan ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat ng Manila bay. Tahimik ang kahabaan ng Roxas Boulevard na dati-rati ay napupuno ng iba't-ibang uri ng mga sasakyan. Ang kalsada na dating maingay sa mga busina ng mga sasakyan ay nababalutan ng nakabibinging katahimikan na tanging mga yabag ng mga mabibigat at pagod na paa ang maririnig.

Marami sa kanila ang napilitan ng lisanin ang inakala nilang kanlungan na magbibigay sana ng pag-asang makapagsimula muli. Akala nila na ang kanlungan na iyon ang magbibigay ng kaligtasan mula sa mga masasamang nilalang. Ngunit hindi nila inaasahan na ang kanlungang iyon ay isa palang pain na magdaragdag sa kanila ng kapahamakan at mga bangungot.

Kahapon pa kumakalam ang kanilang sikmura. Ni hindi na nga nila alam kung kailan pa sila huling kumain mula ng nilisan nila ang simbahan ng Barsoain sa Malolos Bulacan. Pero kahit na matindi na ang pagkalam ng kanilang mga sikmura ay ni minsan ay wala sa kanila ang nagrereklamo.

Sa unahan ng grupo ay magkasamang naglalakad sina Odessa at Randy na tila nilulubos na ang mga oras na magkasama pa sila. Mananatili pa ng mga ilang araw si Odessa bago siya tutungo sa ikatlong mundo upang tupdin ang kanyang tungkulin bilang tagapagganap sa propesiya at sa ikabubuti ng Sanlibutan. Gusto na rin niyang matapos ang kaguluhang nangyayari sa Sinukluban o ang ikatlong mundo lalo na sa iniwang kaharian ni Bathala, ang Kalangitan kung saan nagkakagulo ang mga diyos at diyosa. Pero may mga pangamba at takot pa rin sa puso ni Odessa lalo na ang kahihinatnan niya sa paggamit ng kanyang kapangyarihan. Nangangamba rin siya sa kanyang nararamdaman kay Randy at kay Banaual na ginagamit ang katawan ng binata para matulungan si Odessa.

Nangangamba si Odessa dahil naguguluhan siya kung sino nga ba sa dalawa ang minamahal niya? Si Randy na isang mortal na nakasama na rin niya ng matagal-tagal o si Banaual na ginagamit lamang ang katawan ni Randy para mabuhay. Nangangamba rin si Odessa kung bakit kahit ilang ulit niyang inaalala sa kanyang isipan ang naging relasyon nila ni Banaual ay wala siyang maalala. Alam ng isip niya na madalas ay nakakasama niya ito kapag namamasyal siya sa kabundukan ng Alaya. Iyon ay noong bata pa sila at nag-iisang alaala na kasama niya. Marahil siguro ay hindi pa lubusang gumagana sa kanyang isipan ang mga alaala na matagal na nawala sa kanyang diwa.

"Pagsikat ng araw ay susubukan muna nating magpahinga at makapaghanap ng makakain. Kailangan ng mga tao na manumbalik ang kanilang lakas. Kailangan na rin nating makahanap ng ligtas na lugar para sa kanila." Ang mungkahi ni Odessa kina Demetria, at Ceasar.

"Sa tingin mo ba mayroon pang ligtas na lugar ngayon?" Ang may pagkasarkastikong tanong ni Caren kay Odessa na nasa likuran lamang nila.

Ngumiti si Odessa at tumingin sa mga mata ni Caren. "Magiging ligtas lamang ang lugar na ito para sa mga tao kung magsasama-sama tayong mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa kanila. Iyan ang responsibilidad natin sa kanila bilang pinagkalooban ng kakayahang lumaban sa mga anak ng buwan." Ang tugon ni Odessa.

"Sama-sama? Hindi ba aalis ka?" Ang may lamang mga tanong ni Caren kay Odessa.

"Ang mabuti pa siguro ay asikasuhin muna natin ang makakain ng mga tao. Caren, pinatatawag ka pala ni Father Mexo." Ang biglang sumabad na si Randy sa umiinit na usapan ng dalawa.

Akmang aalis na sana si Caren ng biglang umabante si Odessa para konprontahin ang babaeng pulis.
"May problema ka ba sa akin Caren?" Ang matigas na tanong ni Odessa sa kanya.

"Ako? Ang alam ko wala akong problema, baka ikaw? Baka ikaw ang problema." Ang tila nakakalokong tugon ni Caren kay Odessa at saka pinuntahan si Father Mexo na naglalakad kasama ang ilang mga kabataang lalake.

"Ano bang problema non?" Ang naiinis na wika ni Odessa kay Randy.

"Hayaan mo na lang. Masyado sigurong dinamdam ang pagkawala ni Alex."

"Nagtitimpi lang ako sa kanya, nakailang ulit na siya . Baka sa susunod hindi na ako makapagpigil makakatikim na sa akin ang babaeng iyan. Wala akong alam na ginawang masama sa kanya para pakitaan ako ng ganyan."

"Relax ka lang. Pagpasensyahan mo na lang. Ang importante ay makahanap na tayo ng lugar kung saan puwedeng makapagpahinga ang mga tao. Pagod at gutom na sila. Hindi ito ang tamang oras para makipagbangayan sa walang kuwentang bagay mahal ko." Ang panunuyo ni Randy para mawala ang pagkainis ni Odessa kay Caren.

Tumingin si Odessa kay Randy at saka niya ito niyakap. "Salamat..."

"Salamat, saan?"

"Na lagi kang nariyan para sa akin. Lalu na sa pagkakataong ito na nagiging mainitin ang ulo ko mula ng matutunan ko ang kapangyarihan ng Baguisan."

"Tungkulin kong tulungan ka mahal ko. Responsibilidad ko na alalayan ko tulad ng dati." Ang tugon ni Randy at hinawakan ang kamay ng kasintahan.

"Tu...tulad ng dati?" Ang naguguluhang tanong ni Odessa mula sa tugon ni Randy sa kanya.

"Hindi mo pa nga maalala ang lahat."

"Ang lahat?"

"Ang lahat ng mayroon sa atin noon." Ang mabilis na tugon ni Randy.

"Banaual?"

"Ako nga mahal ko." Ang wika ni Randy at nakangiti kay Odessa.

Biglang nakaramdam ng kakaiba si Odessa at kaagad na inalis ang pagkakahawak ng kamay nito kay Randy na nasa katauhan ni Banaual. Hindi maintindihan ni Odessa kung bakit mula ng mapasakanya ang kapangyarihan ng Baguisan ay tila hindi siya kumportable kapag nasa tabi niya si ito. Pero hindi niya iyon ipinahahalata kay Banaual, gusto lang niyang maalala kung anong mayroon sila noon ng kanyang kasintahan.

Ngumiti si Odessa at tumitig sa mukha ni Randy. Sa pagkakataong iyon ay bakas sa mukha niya ang pagkalito sa dalawang katauhan ng kanyang kasintahan. Sino nga ba sa dalawa ang minamahal niya? Si Randy na mortal, mahina pero komportable siya kapag kasama niya. Si Banaual na nasa katauhan ni Randy, makapangyarihan at malakas pero bakit wala na siyang nararamdaman sa kanya kung mayroon silang nakaraan dati noon. Pero ang tanging sigurado siya ngayon ay mahal niya si Randy, at si Banaul at Randy ay iisa sa katawan ng isang mortal.

"Kailangan ko munang puntahan sina Demetria, mahal ko." Ang wika ni Odessa para umiwas muna kay Banaual at makapag-isip. Pero nakakailang hakbang pa lamang siya ng makaramdam siya ng pagkahilo at pagsama ng kanyang pakiramdam. Umiikot ang kanyang paningin at gusto niyang magsuka.

Dalawang malalakas na kamay ang naramdaman ni Odessa na humawak sa kanyang braso at umalalay sa kanya.
"Okay ka lang ba mahal ko?" ang tinig ng isang lalake na punong-puno ng pag-alala sa kanya.

Kahit na umiikot ang paninging ay tumitig pa rin si Odessa sa mapagkalingang mukha sa kanyang harapan. "Randy?"

"Oo ako nga Odessa. Ano bang nangyari?" ang muling tanong niya at iniupo muna niya ang babaeng Sangre sa isang plant box sa gilid ng kalsada.

"Biglang sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. tulad ngayon umiikot ang paningin ko." ang tugon ni Odessa na pinagpapawisan ng malamig.

Sinalat ni Randy ang noo at leeg ni Odessa para malaman kung nilalagnat ito. "O wala naman ha?"

Ngumiti si Odessa, dahil sa pagkakataong iyon sigurado siya na si Randy nga ang kaharap niya at hindi si Banaual. Hinawakan niya ang kamay ni Randy na tumingin naman sa kanyang mga mata.

"Salamat, mahal ko." ang mahinang wika ni Odessa kaya Randy.

"Salamat saan?" ang tanong naman ng lalaki sa kanya.

"Sa pag-aalala mo...sa pagmamahal mo."

Umupo si Randy sa tabi ni Odessa at hinawakan ang mga kamay ng kasintahan. "Hindi, ako dapat ang magpasalamat sa'yo dahil kahit na ganito lang ako, isang mortal ay minahal mo pa rin ako."

"Aba? hindi ko alam na mahilig palang magdrama ang boyfriend ko ha?" ang natatawang wika ni Odessa sa sinabi ni Randy.

"Hindi ako nagdadrama ha. Sinasabi ko lang sa'yo kung gaano kita kamahal at alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko at nararamdaman mo rin iyon. Pipilitin kong mabuhay para sa'yo mahal. Hihintayin kita sa 'yong pagbabalik."

Tumayo si Odessa. "Oo na, sige na. Tara at napag-iwanan na tayo ng mga kasama natin." ang paanyaya ni Odessa kay Randy para ipagpatuloy na muli ang kanilang paglalakad.

"Teka, okay ka na ba? Baka kailangan mo pang magpahinga." ang nag-aalala pa ring si Randy sa kalagayan ng kanyang kasintahan.

"Okay na ako. Maaring napagod lamang ako sa pagpapaalis sa mga Batibat sa hotel kanina." ang tugon ni Odessa.

"Sigurado ka?" ang paniniguro ni Randy.

Eeeehhh!!!

Isang malakas na sigaw ang nagbigay ng pangamba kina Odessa at Randy. mabilis na tumakbo si Odessa patungo sa pinakaunahang bahagi ng kanilang grupo. Habang papalapit sa unahan ay hinawakan ni Odessa ang hawakan ng Eskrihala. Kitang-kita niya na nagkatipon-tipon ang mga tao at karamihan sa kanila ay bakas sa kanilang mga mukha ang pangamba.

Inalis ni Odessa ang pagkakahawak sa Eskrihala ng makita ang grupo ng mga armadong lalake na nakaharang sa kanilang daraanan. Karamihan sa kanila ay nakasuot ng uniporme ng militar at de kalibre ang hawak nilang mga baril na nakatutok sa mga tao na kasama nila sa paglalakbay. Marami sa mga armadong lalake sa kanilang harapan ay mga kalalakihan at mapapansing hindi sanay sa paghawak ng mga baril. May iilan sa kanila ang nanginginig pa ang mga kamay habang hawak-hawak ang kalibre 45 baril na revolver. Walo sa labing-limang mga armadong mga lalake ay pawang mga teenager at walang karanasan sa pakikipaglaban.

Isa sa mga armadong lalake ang nagbigay ng hudyat gamit ang kamay para alisin ang pagkakatutok ng baril sa  mga kasamahan nina Odessa. Nakabull cap ito na kulay lumot at kapansin-pansin ang halos mauban nitong buhok. Sa tingin ni Odessa, siya ang pinakamatanda sa grupo at ang kanilang pinuno. May dinukot ito sa kanyang bulsa na kulay itim at itinapat iyon sa kanyang bibig.

"Team Alpha Delta Alpha Ninja, confirmed location dito sa harapan ng CCP complex roger...." tumingin siya sa mga tao habang pinapakinggan ang kausap sa radyo. "...yes sir. They are survivors but we cannot be sure sir na baka infected sila..." Bumuntung hininga ang lalake at muling pinagmasdan ang mga kasamahan nina Odessa.

Tumingin si Demetria kay Odessa sa di kalayuan sa kanya na tila nagtatanong kung ano ang kanilang magiging aksiyon. Iniyugyog ni Odessa ang kanyang ulo bilang pagtugon na huwag munang gagawa ng aksiyon at maghintay ng pagkakataon. Dinig na dinig nila ang sari-saring reaksiyon ng mga taong kasama nila sa nangyayari sa kanila. Napansin ni Odessa ang marahang pagsusumiksik ni Sagaway sa isang malaking puno sa di kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Kitang-kita rin niyang nakatingin si Sagaway sa kanya at naghihintay rin ng kanyang magiging desisyon.

Muling ibinalik ni Odessa ang kanyang mga mata sa lalakeng nakauniporme na pang-militar.

"...yes, sir gagawin po namin yung proper procedure para makasiguradong wala sa kanila ang nahawaan ng pagiging aswang at iba pang nilalang ng kadiliman." ang patuloy na pakikipag-usap ng lalake sa radyo. Ibinulsa niya ang itim na radyo at muling humakbang ng tatlong ulit papalapit sa grupo ni Odessa. "Sino ang inyong pinuno?" ang malakas na tanong nito. "Kailangan kong makausap ang inyong pinuno!"

Nagtinginan ang mga tao at nagkaroon ng mga bulung-bulingan. karamihan sa kanila ay nakatingin kina Odessa, Demetria at Randy. Pero kakaiba ang kanilang mga tingin sa kanila. May lamang galit at panunumbat na tila sila ang sinisisi sa lahat ng kamalasan at trahedyang nangyari sa kanilang mga buhay.

"Ako! Ako ang kanilang pinuno!" ang sigaw ng isang pamilyar na boses ng isang lalake bilang tugon sa tanong ng nakaunipormeng lalake na may kausap sa radyo.

Napatingin sina Odessa, Randy at Demetria kay Father Mexo na patuloy na paglapit sa pinuno ng mga armadong lalake. Inalerto nila ang kanilang mga sarili kung saka-sakaling may hindi magandang mangyayari sa tagpong iyon. Itinaas ng isa pang lalake ang kanyang baril at itinutok iyon kay Father Mexo habang papalapit ito sa pinuno ng mga nakaunipormeng pang-militar.

Sinenyasan ng lalake ang kasama na ibaba ang kanyang baril at humakbang din ito para salubungin si Father Mexo. Iniabot ng armadong lalake ang kanyanh kamay na tinanggap naman ni Father Mexo.

"Lt. Eilbert Samartino..." ang pagpapakilala nito sa pari.

"Fr. Romeo  Yusi. Ako ang namumuno sa kanila." ang wika naman ni Father Mexo sa sundalo.

"Saan kayo nanggaling father at marami-marami ang mga taong kasama ninyo?" ang tanong ni Lt. Samartino at isa-isang tinititigan ang mga kasamahan ng pari.

"Galing kami sa Malolos, Bulacan mahigit tatlong daan kami doon ng salakayin din kami ng mga nilalang ng kadiliman. Marami ang nangasawi at nagbuwis ng buhay kaya nagdesisyon kami pumunta dito sa Maynila dahil wala na kami mapupuntahang ligtas na lugar doon. Lalo kaming nabawasan ng biktimahin kami ng mga Batibat." ang kuwento ni Father Mexo sa sundalo.

"Batibat?" ang tanong ni Lt. Samartino pagkarinig niya sa kuwento ng pari.

"Bangungot. Mga nilalang ng kadiliman na bumibiktima sa mga taong natutulog para hindi na magising." ang paliwanag ng pari.

Tumango-tango lamang ang sundalo at napadako ang mga mata nito kina Odessa. "Sila..." sabay turo kina Odessa. Kaagad namang tumingin si Father Mexo kina Odessa. "...bakit yata kakaiba ang suot nila? Sino sila?"

"Sila?" Bumuntong-hininga ang pari at tila kinabahan sa tanong ng sumdalo." ...sila sina Odessa, Demetria, Randy at Ceasar. Sila ang mga tumulong at promotekta sa amin sa mga nakakasagupa naming mga nilalang ng dilim."

"Pumoprotekta? Paano kayo poprotektahan ng mga 'yan father, e wala naman silang dalang mga armas?"

Tumitig si Father Mexo kay Odessa dahil nawalan siya ng isasagot sa sundalo. Paano nga ba niya ipapaliwanag sa mga ito na ang mga pumoprotekta sa kanila ay mga bampira, at mga taong-lobo? Paano niya sasabihin sa kanila na hindi masasama ang kanilang mga kasama bagkus ay makakatulong pa ang mga ito sa pagsugpo sa mga nilalang ng kadiliman.

" Father?" ang wika ng sundalo na naghihintay ng kasagutan kay Fr. Mexo.

"Chief! PO3 Caren Tejo po." ang halos pasigaw na wika ni Caren na halos patakbong lumapit ito sa dalawa. kaagad na iniabot nito ang kanyang kamay sa sundalo na malugod naman itong tinanggap.

"Isa kang pulis?"

Ngumiti si Caren at saka tumango. "Bale si Fr. Mexo ang pinakalider namin at ako yung kanang kamay niya." ang dagdag pa ni Caren.

Napatingin na lamang si Fr. Mexo kay Caren habang nakikipag-usap ito sa lider ng mga sundalong nakaharap nila.

"Kung ganon pareho tayong nagsisilbi sa gobyerno?"

Tumango si Caren sa tanong ni Lt. Samartino.

"So, nasaan ang mga kasama mo?" ang usisa ng lalakeng sundalo sa kanya.

"Tulad ng mga nangyari sa ibang grupo, sinalakay kami ng mga tiyanak, bampira at iba pang nilalang ng dilim. Sa kasawiang palad ako lamang ang sinuwuerteng natira dahil nadaganan ako ng mga katawan ng kanilang mga mabiktima." ang kuwento ni Caren dahil tila naglaroon ng interest si Lt. Samartino sa kanyang kuwento.

"Caren? Caren Tejo?" ang sigaw ng isang lalakeng nakuniporme din ng militar mula sa likuran ng mga sundalo.

Napatingin si Caren sa boses ng lalakeng tumawag sa kanyang pangalan. Biglang nagliwanag ang kanyang mukha pagkakita niya sa lalake. "Edwin?...PO1 Edwin Sanchez? Ikaw ba yan? Paanong?..."

Nagyakapan ang dalawa  sa sobrang saya dahil kapwa sila nakaligtas sa Center na nilusob ng mga anak ng buwan.

"Natutuwa akong nakaligtas ka." ang tuwang-tuwang sabi ni PO1 Sanchez.

"Ako rin. Salamat sa Diyos at nakaligtas ka rin sa mga nilalang ng kadiliman. Hindi ko inaasahang dito sa lugar na 'to tayo magkikita." ang sabi ng natutuwa ring si Caren.

"Magkakilala kayo?" ang tanong ni Lt. Samartino sa dalawa.

"Opo, dati kami nagkasama sa Center sa Bulacan sir. Ito yung naikuwento ko sa inyo na walang tinirang buhay ang mga  halimaw na nilalang. Mabuti na lamang at nahulog ako sa balon kung hindi ay kasama na rin ako sa mga kinain ng mga aswang." ang tugon ni PO1 Sanchez kay Lt. Samartino.

Tumango-tango ang sundalo at saka ngumiti. Inilipit niya ang kanyang tingin kay Fr. Mexo.

"Saan ba kayo pupunta niyan among?" ang tanong nito.

Bumuntong-hininga ang pari at nag-isip muna kung saan nga ba talaga sila pupunta. Kung tutuusin wala naman talagang kasiguraduhan ang kanilang paglalakbay. Napansin iyon ng sundalo ay hinawakan ang balikat ng pari.

"Among naiintindihan ko ang bigat ng pasanin na dala-dala mo sa iyong balikat. Naranasan ko rin yan. Lahat ng mga taong kasama mo ngayon ay umaasa sa'yo. Lahat sila ay nangangailangan ng iyong kalinga at proteksiyon. Buti na lamang at may katuwang ka sa pagprotekta sa kanila."

"Sa awa ng panginoon at nagkaroon ako ng katuwang para mapangalagaan sila Leutenant." ang pagsang-ayon ni Fr. Mexo sa sundalo.

"Kung gusto mo among puwede kayong sumama sa amin at manatili sa itinayo naming pamayanan Bonifacio Global City sa Taguig. Marami pang bakanteng mga gusali ang nangangailangan ng mga taong titira sa mga ito. Saka malaki ang maitutulong niyo roon among. Kailangan ka namin doon." ang wika ni Lt. Samartino.

Nagliwanag ang mukha ni Fr. Mexo ng marinig mula sa sundalo ang alok nitong pagpapatira sa kanila sa nasasakupang lugar ng mga ito sa BGC sa Taguig. Gusto niya sanang tanggapin na ang alok, pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil kailangan muna niyang tanungin ang kanyang mga kasama tungkol dito.

"Kung kaligtasan ang inaalala ninyo among may sapat po tayong tauhan para depensahan ang teritoryo. Mayroong ng apat na libong mamamayan na ang kasalukuyang nakatira sa mga gusali roon. Nalinis na ang buong lugar at nabakuran na ang kabuuan ng komunidad. May kuryente at tubig ang buong komunidad kasama na rin ang pagsasaka ng ilan sa mga mamamayan para madagdagan ang supply ng pagkain." ang buong pagmamalaking wika ni Lt. Samartino para tuluyan ng mapapayag ang pari.

"Payag na kami sir! Baliw na lang kung aayaw pa kami sa ganyang klaseng lugar." ang sabad ni Caren.

Napatingin sa kanya si Fr. Mexo pati na rin sina Odessa, Demetria, Randy at Ceasar.

Nagkibit balikat si Caren sa naging reaksiyon ng mga kasama. Nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga taong nakarinig sa sinabi ng lider ng mga sundalo.

"Ano ba father? Itataya pa ba natin ang ating mga buhay sa walang kasiguraduhang paglalakbay sa lugar na ito?" ang sigaw ng isa sa mga lalake sa likuran.

"Oo nga. Mas magiging ligtas tayo kung sasama tayo sa kanila, di ba mga kasama?!" ang pagsang-ayon ng ng isa. Nagsunod-sunuran ang mga taong sumang-ayon na sa alok ni Lt. Samartino. Nagkaroon ng maiinit na diskusyon ang mga ito lalo na ang iilang mga taong tutol na sumama sa mga militar. Hindi na  nakuhang makipagtalo pa ni Fr. Mexo dahil hindi pa nababawi ang lakas niya sa pagiging biktima rin niya sa mga Batibat. Nagkatinginan na lamang sina Odessa, Demetria, Randy at Ceasar dahil iniiwasan na rin nila ma magkaroon pa ng tensyon sa pagitan nila at ng mga militar lalo na kapag nalaman nila ang kanilang pagiging hindi tao.

Napailing na lamang si Odessa sa mga pangyayari. Nakita niya si Caren na nakatitig din sa kanya. Makahulugan ang ngiti nito na tila ba nang-iinsulto. Tumitig din si Odessa sa kanya pero titig iyon ng pagkadismaya sa kanyang nagawa.

Ano nga ba ang nangyayari kay Caren? Bakit gayon na lamang ang pagkainis nito sa kanya lalo na't wala namang alam na ginawang masama si Odessa na puwede nitong ikagalit? Hindi palalampasin ni Odessa ang mga ginagawang kawalan ng respeto ni Caren sa kanya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay isa-isang nagsidatingan ang mga sasakyang pang-militar na susundo sa mga taong kasama nina Odessa para dalhin na sa may Bonifacio Global City sa Taguig. Pagdating nila roon ay pakakainin muna sila at saka isasailalim muna sa medical check-up procedures. Doon labis na nangamba ang grupo nina Ceasar, ang mga taong-lobo na kasama na rin si Caren.

----------
Maagang gumising si Erise sa tinutuluyan niyang kuwarto sa may Calumpit, Bulacan. Tila namamanhid ang kanyang mga paa at nakakaramdam siya ng tila panginginig ng kanyang mga kalamnan sa katawan. Pinagpapawisan siya ng malamig kaya minabuti niyang tumayo muna at lumabas sa gusali para makalanghap ng sariwang hangin sa labas. Halos hindi siya makatayo kaya minabuti niyang sumandal sa pader ng kuwarto para hindi siya matumba. Halos maiyak siya sa nararamdaman niyang panghihina. Nang sa tingin niya na hindi niya kayang umakyat sa hagdan ay naupo na lamang si Erise sa unang hakbang ng hagdan.

May kinapa sa kanyang bulsa si Erise. Nang makapa ito ay kaagad niyang binuksan ang isang bar na tsokolate at buong gahaman niyang kinain iyon. Namamayani ang takot sa kanyang puso habang ninanamnam ang tsokolate na lagi niyang inihahanda sa kanyang bulsa sa tuwing inaatake siya ng pagbaba ng asukal sa kanyang katawan.

Limang taon na ang nakakaraan ng madiagnose siya ng pagkakaroon ng type II na diabetes. Mula noon ay nakadepende na siya sa mga gamot sa pagpapababa ng sugar level sa kanyang dugo. Madalas ay gumagamit na siya ng insulin dahil sa hindi na tumatalab sa kanya ang mga tabletas tulad ng Metformin.

Madalas nga ay ginagawa niyang biro ang pagkakaroon niya ng mataas na level ng asukal sa kanyang katawan sa pagiging sweet daw niya sa mga tao. Naging aktibo siya sa mga fitness program at sumasali sa mga sports activities kaya nakokontrol niya ang level ng asukal sa kanyang dugo ng mga panahong umaarangkada ang kanyang karera sa pag-aartista. Pero limang buwan bago ang paglusob ng mga anak ng buwan ay napansin niyang nagiging mabilis ang pagbaba ng kanyang sugar level sa katawan.

Ilang minuto lang pagkakain ng tsokolate ay nanumbalik na ang kanyang lakas. Marahan ay tumayo si Erise at sinimulan na ang pag-akyat sa hagdanan papunta sa loob ng gusali. Tinungo niya ang pintuan at saka binuksan iyon at sumalubong sa kanya ang preskong hangin na nagmumula sa mga puno sa kalsada.

Bumuntong-hininga si Erise at saka dinaman ang malamig na hanging dala ng umaga. Umupo siya sa paanan ng pinto at doon ay nag-isip, habang sapong-sapo ng kanyang mga tuhod ang kanyang baba. Nang walang anu-ano'y naramdaman niya ang paggapang ng maiinit na kamay na unti-unting yumayakap sa kanya. Damang-dama niya ang matitigas na kalamnan sa dibdib at mga braso at saka siya lumingon sa lalakeng kanina pa pala gising.

"Good morning." Ang nakangiting bulong ni Joel sa tenga ni Erise.

Lumingon si Erise at saka ngumiti. Binalikan niya ang mga mapupulang labi ng lalakeng nagpatibok ng kanyang puso at saka hinawakan ang mukha nito. "Good Morning din." Ang tugon nito.

Yumakap si Joel kay Erise at sabay nilang dinama ang lamig ng pagsisimula ng umaga. Umaga na madalas ay pinagmumulan ng kanilang pag-asa sa kabila ng mga masalimuot na pangyayari sa kani-kanilang mga buhay.

Continue Reading

You'll Also Like

249K 6.8K 44
Sky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017
179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...
13.5K 782 65
In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odes...