The Hittite Empire

By CharitoAlviz

226 4 0

Plot: Charlie is a normal 15 years old highschool girl in the 21st century. She was suddenly drag by an evil... More

Anatolia Story Chapter 2

Anatolia Story Chapter 1 (Tagalog)

154 2 0
By CharitoAlviz

Chapter 1 

Kakauwi lang ng bahay ni Charlie galing skwelahan. She was really happy when she come back home. Nagulat pa ang ate Gina nya sa hitsura nitong dumating sa bahay.

"Anong nangyari sayo, bakit mukha abot tainga ang ngiti mo? Nanalo ka ba ng Lotto?" kunot noong tanong ng ate nya sa kanya. tumingin sa palibot ng salas si Charlie upang tingnan kung nasa silid ang mommy nila at noong matanto na sila lang dalawa ng ate nya ay lumapit ito sa kanya at bumulong.

"What?!!!" napapatiling hindi makapaniwala ang ate nya sa sinabi.

"That's true ate. Today I had my first kiss and I had started dating Hyden. Even I couldn't believe it. Sinabi nya sa akin na mahal nya ako at 3 years na raw nya itong itinatago sa akin tapos inalok nya ako makipagdate sa kanya." habol hiningang sunod sunod a sabi nya, "ako rin nagulat masyado sa mabilis na pangyayari pero crush ko talaga si Hyden simula ng tumungtong ako ng highschool at ngayong inaya nya ako ay sobrang na saya ko"

"What did you answer then?" tanong ng ate nya.

"Papayag ba akong makipag kiss kung hindi kami mag da-date? Kaw talaga ate. Ah wag mo munang bangitin 'to kila mommy at daddy ah. May first kiss na ako" kilig na sabi ni Charlie at masayang masaya syang nagkwento ng mga kaganapan sa kanyang ate.

Mabait ang ate Gina nya at sila lang dalawa mag kapatid kaya naman close na close sila. sinasabi nila sa isa't isa kung may problema o kung may magandang nangyari. Samantala pareho naman laging wala ang kanilang mga magulang dahil nag tratrabaho ang mga ito pero lagi naman silang naghahapunan ng sabay sabay kaya wala na rin silang masabi sa kanilang mga magulang.

Kinagabihan na ng mag hapunan sila. Kompleto at masaya ang pamilya ni Charlie, noong gabing iyon ay nag salo-salo silang magpamilya dahil sa mataas na naging sahod ng kanyang daddy. 

"Mom, dad! Hindi lang iyon ang kailangan natin pag fiestahan," sabad ng ate nya sa gitna ng salo salo at sumulyap saglit ang ate nya at saka ngumiti. Napagtanto naman ni Charlie kung ano ang binabalak ng ate nya. "Today, Alam nyo ba dad, Charlie had her first ki-" sabay taklob naman ni Charlie sa bibig ng ate nya upang hindi nito ipagsabi ang kanilang segreto.

Napatingin naman ang kanilang mga magulang kay Charlie na mukhang naghihhinala, "Aba, Charlie ha, baka may ginawa ka na namang kalokohan. Sinasabi namin sayo na matanda ka na ha. mag i-ika 16 ka na ngayong taon"

"Ano ba naman mom, dad! Hindi ako gumagawa ng kalokohan. At saka wag kayong maniniwala sa sinasabi ni Ate sa akin, may topak lang si ate nitong mga nakaraang araw kaya kung anu-ano na ang sinasabi!" sabad naman ni Charlie sa lamesa. "Kukuha lang ako ng tubig." Nagtungo naman si Charlie sa kitchen. Habang kumukuha sya ng tubig ay napansin nyang gumalaw ang tubig na nasa timba ng hindi naman nya ito galawin. Nakilabutan sya dahil ang tubig na nasa timba ay umalon na parang may bumato rito. Tumingin sya sa kisame at nagtaka sya kung may nahulog na ano mang bagay, sumilip sya sa timba upang tingnan nga rin kung tama ang hinala nya. Nanginig saglit ang kamay nya sa takot.  Napagtanto nyang wala namang bagay na nahulog. Sadya na lamang gumalaw ang tubig sa timba. 

"Charlie mabagal pa ba iyan?! Ang tagal mo dyan ah. Ininom mo na ba lahat ng tubig dyan?" Tawag ng ate nya sa kanya.

"Opo paparating na ang tubig mo senyorita." at saka nagtungo ng diretso sa lamesa si Charlie. Inisip na lang ni Charlie na baga imahinasyon lang nya ang lahat.

Kinagabihan matapos mag shower ng ate Gina nya ay Nagtungo na rin sya sa banyo upang maligo sa sobrang init ng panahon sa kanilang bansa.

Pinuno na nyang tubig yung bathtub at saka na sya nagtampisaw sa tubig. Ine-enjoy nya ang pagtatampisaw sa tubig ng gabing iyon napansin nyang lumalakas ang galaw ng alon ng tubig kahot na hindi naman sya masyadong nag gagalaw

"Akin ka na Charlie" dinig nyang tinig sa loob ng tubig. Natakot sya at bigla syang umahon ngunit sa pagbagon nya'y may kamay na lumitaw sa tubig at hinila sya palubog. Nanlaki ang mga mata sa nakita. Hindi nya magpagtanto kung panaginip lang ang lahat o realidad ang situasyon kung nasaan sya ngayon. 

"Tulungan nyo ako!!!" iyak na paghingi nya ng tulong sa kanyang mga pamilya. Nagpumiglas sya sa pagkakahawak sa kanya at saka naman biglang pumasok ang ate upang tignan kung anong nangyayari.

"Ano bang ginagawa mo Charlie? nalulunod ka na ba sa bathtub?!"  Pumasok ang ate nya sa loob ng banyo at kunot noong tinignan nya si Charlie na nakakapit ng mahigpit angolo ng bathtub.

Tumingin uli si Charlie sa tubig at hinanap ang mga kamay na kanina lamang ay lumitaw ng bigla. Nailibot nya ang mga mata sa buong kasulukan banyo ngunit bumalik na uli sa dati ang halumanay ng bawat tubig. Napatingin sya sa kanyang ate. "Ate m-may kamay eh... Nakita mo ba.... m-may kamay na humila sa akin mula dito sa tubig nagmula."

"Hay naku, Charlie. Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo! Kung nababagot ka at walang magawa ay tawagan mo si Hyden dito sa bahay. Hindi yung nagkakaganyan ka." At saka muling lumabas ang ate nya at nagtungo na sa silid nila.

Umahon sya sa tubig at ibinalik ang pagkakatingin sa bathtub. Hindi nya imahinasyon ang lahat at pati ang aksidente ng timba ay hindi rin isang malikmata lamang. Ngunit ang pangyayari ng lahat ng ito ay may koneksyon sa tubig. Hindi kaya ibig sabihin nito ay kailangan ko ng lumayo sa tubig? sa loob loob na lamang ni Charlie.

Nang mga araw ng tag-ulan ay sakto namang niyaya sya ni Hyden upang manood ng sinihan at kumain sa isang japanese restaurant. Lahat ng alok nitong lumabas silang magkasama ay tinanggihan nya at noong ika sampung beses na syang yayain ni Hyden ay hindi na syamakatanggi. Hindi pwedeng lagi na lang nyang kailangan umiwas kapag malakas ang ulan o kapag may tubig.  

Nagtungo silang dalawa sa Sinehan at kumain sila sa isang hotel restaurant. Pauwi na sila ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Na ambunan sila at nagtatakbong sumilong sa isang waiting shed. Ngunit habang tinutungo nila ang waiting shed ay aksidenteng natapakan ni Charlie ang kaunting naipon na tubig ulan sa kalsada. Doon ay agad na lumitaw ang malahiganteng tubig kamay at pumulupot sa kanyang buong katawan at saka sya hinila sa pababa. Naglaho na lang ng parang bula si Charlie at ng paglingon ni Hyden ay tanging bag na lang nya ang naiwan. Wala ni sinuman ang nakapansin kung anong nangyari at wala rin ideya si Hyden kung umuwi ba ito o kung may nangyari na ritong masama.

Samantala sa pagkakalubog naman ni Charlie sa tubig ay wala syang maintindihan sa mga nangyayari. Ang gusto nyang unang gawin ay suminghot ng hangin dahil kanina pa sya hindi nakakahinga sa ilalim ng tubig kaya ng makasilip sya ng isang liwanag sa malayo ay nilangoy nya iyon paitaas. Doon sa kaunting liwanag na nasilip nya ay umahon sya, nanlaki ang mga mata nya at hindi sya makapaniwala sa kanyang mga nahinatnan. Mga tao na kumukuha ng tubig sa kanya mismong pinag ahunan. 

"Aaahh!!! H-halimaw!!!" sigaw ng isang matandang babae sa kanyang habang tinuturo sya. Hindi nya maintindihan ang mga sinasabi nito dahil ibang linguahe ang ibinibigkas ng mga ito. Napansin din ni Charlie na iba ang mga kasuotan ng mga tao roon. Saplot na puti na itinali lamang sa katawan at nakasinturon ng lubid. Pati ang mga tsinelas ng mga tao ay hango din lamang sa lubid. ang mga lalaki naman ay nakapulupot na lamang sa baewang ang hanggang tuhod na puting saplot at nakataklob din saplot na puti ang kanilang buhok. 

"Tawagin nyo ang mga kawal at sabihin nyong may maligno dito sa bayan na bigla na lamang sumulpot sa ating bukal na pinag-iigiban ng tubig." Sabi naman ng isa. Wala pa rin syang maintindihan sa mga salita at pinagsasabi ng mga tao. Buti sana kung magtagalog na lamang ang mga ito, hindi na sya mahihirapan. Lito naman syang lumingon sa isang parte ng bayan na iyon, dahil mukhang may dala ang mga itong pantugis sa kanya. Sa kanya patungo ang mga ito at itinutok ang mga dala dalang sibat na bakal dito. Nagpatakbo takbo na lang sya palayo habang hinahabol sya ng mga ito. Kahit hindi nya maintindihan ang mga sinasabi ng mga ito ay alam nyang kailangan nyang lumayo at makaligtas dahil may pakiramdam syang mapanganib kapag sya ay nahuli. Bahala kung saan sya magtungo basta makatakas lang sya sa mga kawal na gustong tumugis sa kanya.

 Lumusot sya sa isang eskinita na makipot at walang maraming tao. Doon ay natagpuan nya ang isang malaking lalaki na nakatalikod. Lumingon ang lalaki sa kanya ng marinig ang mga ingay ng mga kawal na tumutugis sa kanya. Bigla syang napapitlag ng hawakan sya ng lalake sa kanyang balakang at pinuwersa syang hinalikan pagkatapos ay itinalukbong ng lalake sa kanilang dalawa ang balabal na puti na suot mismo nito.

"Karangalang prinsipeng Mursilis II, ipagpaumanhin nyo ang pag gambala namin sa inyo ngunit nais naming itanong kung mayroon ba kayong napansin na babaeng maputi, mahaba ang buhok na lampasan balikan at kakaiba ang suot?" Tanong ng dalawang kawal sa lalaking umangkin sa kanyang mga labi.

Napabuntong hininga ang lalake at saka nilingon ang kawal ngunit hindi pa rin inaalis sa kanya ang nakatalukbong na balabal na syang nagtatago kay Charlie, "Ano ba't ang ingay nyo? Hindi nyo ba kita na may kasama akong babae? Kapag may kasama na akong babae ay wala ng ibang babae ang pwede pang makaagaw ng pansin ko. Hala sige, maghalughog kayo sa ibang parte!" Utos nito at saka nagsilayo ang mga kawal.

Noon ay nagtaka na sya kung bakit bigla nya ng naiintindihan ang salita at linguahe ng kanilang pinag-uusapan.  Takot nyang tinignan ang lalake kaharap at saka nya ito itinulak palayo. 

Naalarma si Charlie. Hindi nya alam kung isa rin ito sa gustong kumuha sa kanya, kaya naman tumakbo uli sya palayo at nakarating sa may hagdan kung saan makakapunta sya sa may hindi naman sobrang kataasang kulay brown na mga pader na nagpapalibot bilang supporta at proteksyon sa paligid ng bayan. Nang makarating na sya sa taas ay pinagmasdan nya ang kabuuan ng bayan at ng lupa na pwedeng tanawin. Ngayon lang sya nakakita ng ganoong scenario. walang masyadong mga bahay sa ilayo at ang mga bahay naman sa bayan ay kumpol kumpol at maliliit na kwadrado. Pare-pareho ang sukat at katulad ng pader na kanyang inakyat ay kulay brown rin ang mga ito na luma. May malalaking banga ang bawat bahay na nakapwesto mismo sa harapan at mga iba't ibang makukulay na karpet rin. Ang mga kabayo at kambing ay nilipon sa isang parte at doon inaalagaan. 

Diyos ko! saang lupalop ba ng mundo ako napapunta? Saan ito? Ano ito? Kunot noong naitanong ni Charlie sa kanyang sarili habang sapo sapo nya sa kamay ang sariling ulo. 

Let's leave our protagonist Charlie for a moment and let's give the reader a special lesson.  Where our main character Charlie now is in Hattusa, Capital of the Hittite Empire in 14th Century BC. If the reader still doesn't know where this is, then there is no other choice but to check it on our map. In the 20th century, this area is now known as Central Anatolia, in the Republic of Turkey

Between ca. 1600-1200 BC, the great kings of the Hittites ruled the majority of what is today Turkey. Hittite Empire was one of the few vast ancient empire in the middle east.  The Egyptian Pharaohs and the kings of Babylon considered them their equals of the same status, maintained regular diplomatic contact and established parity treaties with them. The memory of the great empires of the Egyptians, Babylonians and Assyrians was retained over the millennia right up until the modern era through the biblical and classical textual traditions. The Anatolian empire of the Hittites, on the contrary, was forgotten so completely.

This Empire reached its height during the mid-14 century BC under the king Suppiluliuma I (c. 1350–1322 BCE) and it reached its greatest extent under his son Mursilis II (c. 1321–1295 BCE). 

 

Continue Reading