NOTE: Kapag magtatapos ang isang dialogue ng "---X" ibig sabihing, flashback ang susunod niyan. Hindi ko rin i italized para mas magiging madali ang pagbabasa niyo. Btw, hindi pala ito POV ni Jivir kundi POV ni Sofia pero connected siya sa story #4.
---X
"Uy? Okay kalang?" tanong ko sa lalaking kanina pa tulala sa kawalan.
Kailangan ko siyang lapitan kasi feeling ko uulan. Sabi kasi ni Kuya Vincent ang weather reporter ay may bagyo daw ngayong linggo dahilan para umulan ng lumakas.
Teka, bakit parang walang naririnig tong tinanong ko?
"Hello?! KUYA!? MAY TAO BA JAN!? ROGER ROGER!" sigaw ko sa lalaki.
Parang natauhan ang lalaking kanina ko pa sinisigawan. Buti naman ngayon alam niya na may tao na sa tabi niya at hindi lang siya panay tutuok sa kawalan.
Biglang nanigas ang balahibo ko ng nagsimula ng pumatak ang butil ng ulan. Binuksan ko ang dala kong payong at sumilong ako sa loob, parang walang pakiealam ang lalaki na nababasa siya, anong problema niya?
"HOY! ALAM MO BANG UMUULAN!?" sigaw ko sakanya.
Hindi siya kumikibo kaya hinila ko siya at tinakbo papaunta sa pinakamalapit na pwedeng masilungan. basang basa nga kami kasi nabitawan ko ang payong na kanina pa ay sinilungan ko. Nasa labas ata kami ng isang sari-sari store.
"Bakit mo naman ako hinila!?" sabi niya.
"Kung hindi kita hinila siguro kanina kapa basang basa sa ulan!" sagot ko.
"Dapat pinabayaan mo nalang akong mabasa!" masungit na sabi niya.
"Ikaw na nga 'yung tinulungan, ikaw pa ang may ganang magalit? Aba! Ang galing mo rin ano!?" sabi ko.
Napabahing ako ng wala sa oras dahil anlamig na ng paligid. Idagdag niyo pa na nabasa ako ng ulan kanina. Lintek! Tapos siya pa ang may ganang magalit saakin? SOLOMOT HO! ~
Nabigla ako ng inabot ng lalaki ang kanyang polo na kanina ay suot niya. Ayaw ko sanang kuning pero mas nilapit niya ito kaya tinaggap ko nalang. Buti nga at naglessen na ang lamig ng nasuot ko na ang polo niya. Malaki laki rin kasi ito.
"S-Salamat" sabi ko ng pautalutal.
"Jivir." sabi niya.
Aba? Hindi ko naman siya tinatanong ng pangalan niya ah? Pero okay narin para naman hindi na ako magtatanong kung anong pangalan niya.
"Sofia ... HACHU!"
---X
Natauhan ako bigla ng nakarinig ako ng malakas na pagbagsak sa harapan ko. As usual, ang bestfriend ko palang si Kyle ang humampas ng lamesa.
Teka, bakit niya pala hinampas ang lamesa sa harapan ko?
"Alam mo bang uwian na!?" pasigaw na sabi ni Kyle.
"H-Ha?" walang muang na sabi ko.
Napalingon ako sa paligid at tama nga si Kyle, uwian na. Kami nalang ata dalawa ang tao rito ngayon. Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo. Nilagay ko narin ang backpack ko sa likod ko. Walang kibuan kaming lumabas ni Kyle sa classroom.
I felt so depressed
Habang naglalakad kami sa hallway ni Kyle ay hinila niya ako. Ewan ko kung bakit pero tong baklang 'to! Masakit rin pala siyang hanghila. Hinihila parin ako ni Kyle hanggang makaabot kami sa parking lot ng eskwelahan.
"S-Stop!" sigaw ko kay Kyle.
Huminto siya at binitawan ako. Tinaasan niya pa ako ng kilay aba't matindi rin tong baklang to ah? Parang nireregla lang kung magalit saakin. Bakit kasalanan ko ba?
Kasalanan ko bang sinuko ko si Jivir para sa kasiyahan niya?
"Hindi ka parin ba nakakapag move-on ha Sofia? Mag-iisang buwan na simula nung pinakawalana mo siya!" sabi ni Kyle.
"Madaling sabihin pero mahirap gawin!" pasigaw na sabi ko.
"Hoy manenay! Madali lang 'yan kung malilimutan mo na siya!" sabi niya.
"MADALI!? Madali!? MADALI KASI HINDI IKAW AKO. MADALI KASI HINDI IKAW ANG NAKAKARANAS NG SAKIT!" sigaw ko.
Napaluha ako dahil naungkat nanaman ang bagay sa nakaraan na ayaw kong mapag-usapan. Napatahimik si Kyle and he tapped my back tapos napaiyak narin siya. At least kahit bakla siya, he knows how to comfort me.
Biglang umulan.
Dali-dali kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at pumasok kami ni Kyle sa loob. Nasa driver's sit ako ngayon, ako rin naman ang nagmamaneho para makauwi ako. Pero this time, I think I need time with Kyle.
"Kyle, pwede ka bang pumunta sa bahay?" alok ko sakanya.
"SURE! Basta may cake huh!?" agad agad na sagot niya.
"Haha! Sige." sabi ko.
Sinimulan ko na ang engine at winipers ang glass. Umuulan parin kasi kaya blur kaunti ang salamin. Sigurado rin akong traffic nanaman ngayon.
Habang nasa traffic ay busina lang ng busina ang mga taong nagmamadali. Mga shunga, alam ba nilang hindi rin sila masyadong maririnig kasi umuulan! Mga tao talaga ngayon. Pinatay ko muna ang makina para hindi maubos ang gas at sumenti.
---X
"I WON'T LET YOU GO!" sigaw ko.
"Please! Sofia. Please set me free! Hindi na ikaw 'yung Sofia na mabait na nakilala ko." sabi niya.
Napahinto ako sa pagwawalk out at humarap sakanya. Gusto ko siyang sipain ng malakas pero hindi ko magawa, ewan ko lang kung bakit. Pumatak ang luha ko pero agad ko naman itong pinunasan at binitawan ko siya ng salita.
"No. You're mine now! Hinding hindi kita pakakawalan .. KAILANMAN!" pagkatapos kong sabihin sakanya 'yun ay tumalikod ako at tumakbo palayo.
Hinding hindi ako magpaparaya! Akin lang si Jivir, hinding jindi siya pwedeng bumalik dun sa babaeng nagustuhan niya noon. Diba dapat ako na ang mahal niya?
Sino bang nagpakita ng mabuting entensyon?! Diba ako!
Ako ang tumulong sakanya nung malungkot siya. Minahal ko na siya nung mga oras nayun at ako pa ang nanligaw sakanya. Ngayon na engage na kami, hindi ba pwedeng mahalin niya ako pabalik?
"Ansakit ..." bulong ko sa sarili habang pumapatak ang mahinang butil ng ulan.
---X
Natauhan ako dahil sa busina ng isang sasakyan. Green lights na pala, buti naman at hindi nahalata ni Kyle na nagsesenti ako. Kahit pala matagal na, mahirap paring kalimutan 'yung naging decision ko. Kung hindi ko siya pinakawalan, siguro ngayon nag-aaway parin kami sa mga hindi makabuluhang bagay.
Kailangan kong gawin 'yun .. Kahit masakit ...
Bumusina na ako at agad namang binuksan ang gate ng bahay. Pinarada ko ito sa garahe at bumaba na kami ni Kyle. Wala ang parents ko ngayon dahil nasa Korea sila para sa isang business meeting.
"Tara sa kwarto." sabi ko.
"How bruhilda ka! Ayaw ko!" sabi ni Kyle.
"Bakit naman? Huwag ka ngang maarte!" sabi ko.
"Ayaw ko! V pa ako anoh!" sabi niya.
Inupakan ko siya dahil sa sinabi niya. Anong tingin niya sakin rappist? Sa ganda kong ito, tapos best friend ko pa nagsabi sakin na mukha akong rapist! Lintek!
"Hoy bakla! Hindi kita aanuhin anoh! Sumama kalang sa kwarto ko para tulungan mo akong maka move-on!" sabi ko.
Parang hindi mabasa ang reaksyon ng mukha niya kaya nagsimula na akong maglakad tapos sumunod rin naman siya. Pagbukas ko ng kwarto ay hinintay ko munang makapasok so Kyle at pagkapasok niya ay sinirado ko ang pintuan at inuksan ang ilaw.
Halos mawala ang ngiti ni Kyle sa mga labi niya kanina. Sino ba namang best friend ang matutuwa kung lahat ata ng sulok ko may pictures namin ni Jivir. Nasa kwarto ko parin ang mga regalong binigay niya saakin noon.
Kaya ... Alam niyo na kung bakit hindi ako makapag move-on ... MAHIRAP!
"OMFG! WTF!? AKALA KO TINAPON MO NA LAHAT LAHAT!!!!" bulyaw ni Kyle saakin.
"S-Sorry." sabi ko.
Huminga si Kyle ng malalim, pinapakalma niya ata ang sarili niya para hindi siya tumalak ng talak. Umupo ako sa kama at kinuha ang picture frame na nasa side table. Tinutukan ko ito ng mabuti, picture namin ito ni Jivir habang kumakain kami ng dirty ice cream.
"Stop this foolishness! Let's clean-up!" sabi ni Kyle.
Bumuntong hininga ako at inilapag ko na ang picture frame. Siguro, oras nadin para kalimutan ko ang pinakamagandang bangungot na dumating sa buhay ko.
Tinanggal ni Kyle isa-isa ang mga pictures na nakadikit sa pader ng kwarto ko at tinapon sa basurahan. Kada tapon niya ay parang gusto kong itapon si Kyle palabas ng bahay at pasagasaan pabalikbalik. Pero lahat ng nasa utak ko ay kailangan kong pigilan para matapos na lahat ng ito.
Mangiyak iyak akung tutukan lahat ng gamit na bigay ni Jivir at nababasag ang puso ko kapag tinatapon ko na ito sa basurahan.
Parang gusto ko ulit pulutin at ibalik pero kapag ginagawa ko naman 'yun agad akong pipigilan ni Kyle at aagawin ang mga nalagaw ko na sa basurahan.
"Kyle please tama na!" sabi ko kabang inaalog ang paa ni Kyle.
"NO! Tara sa labas ng bahay niyo! Susunugin natin lahat ng ito!" taray na sabi ni Kyle.
Mangiyak iyak akung tignan ang kwarto ko na walang sign na Jivir, pakiramdam ko nadudurog ang puso ko. Matamlay kung sinundan si Kyle hanggang makalabas kami ng bahay.
Nakita ko nalang na nilagay niya sa basurahan ang plastic bag na laman lahat ng pictures at gamit na may alaala ni Jivir. Pagkalapit ko kay Kyle ay kiniskis na niya ang posporo at nilagay na ito sa basurahan, umiyak ako ng nakita ko itong nasunog.
Mabasa basa parin ang paligid dahil sa ulan kanina.
"Shhh ... Tahan na. Magiging matanda ka niyan gurl." sabi ni Kyle at hinimas ang likod ko.
Pinahiran ko na ang luha ko at bumalik kami ni Kyle sa loob ng bahay. Pinauna ko na si Kyle sa kwarto at ako naman ay pumunta sa kusina para kumuha ng cake. Pagkatapos kung kumuha ng cake ay bumalik ako sa itaas.
Nilapag ko ang cake sa maliita na lamesa at inilapit ang lamesa sa kama. Hiniwa na ito ni Kyle. Habang ako ay binuksan ang laptop ko para burahin lahat lahat.
Binuksan ko ang folder ng laptop na may pangalang "♥Mine" dahil dito ko tinago lahat lahat ng pictures. Binubuksan ko muna ang photo tapos dinedelete ko ito. Hanggang sa umabot ako sa pinakalast na photo. Kung saan nangyari lahat ng pagkawasak ng puso ko.
---X
"Smile!" sabi ko kay Jivir.
Pagkakita ko sa photo ay nadismaya ako dahil hindi siya ngumiti. It's our date tapos ganito siya ka cold saakin? Ma-Masakit ...
"J-Jivir kain tayo ng ice cream? Alam kong gusto mo 'yun!" sabi ko na may matamis na ngiti.
"Busog ako." tipid na sagot niya saakin.
Napapihit ako ng hawak sa camera ko. Hindi na nga tama ang ginagawa ko, I think ... I need to decide. Gusto kong umiyak pero nakayanan ko itong pigilan. I placed my camera in my pouch para hindi ko ito matapon kung magalit man ako ngayon.
"J-Jivir uwi nalang kaya tayo?" sabi ko.
"Good idea." sabi niya saakin.
Bakit parang pinapamukha niya saakin na mas mabuti pang tumunganga siya sa bahay niya kaysa sa makasama niya ako?
Ganun niya ba ako ka hindi gusto?
Nasa tapat na kami ng bahay ng biglang umulan. Nagsimula narin magpatakan lahat ng luha ko dahil sa decision kong ito. Mahirap pero kailangan dahil alam kong hindi ako ang kailangan ni Jivir para magpasaya sakanya.
"Jivir." sabi ko.
"Ano?" sabi niya.
"I'm letting you go." sabi ko.
"A-Ano?" sabi niya.
"I will cancel the engagement. You're free now. Goodbye." sabi ko.
Tumakbo si Jivir at niyakap ako at bumulong ng "thank you". Tinanggal niya ang pagkakayakap niya sakin at tumakbo.
Sa ilalim ng ulan nagsimula lahat at ngayon dito rin ito natigil.
Nawalan ako ng balanse sa paa dahilan para mapaupo ako sa lupa. Iyak lang ako ng iyak dahil sobrang sakit ng nangyari sakin. Dumadagdag pa ang mga butil ng ulan sa nararamdaman ko.
Goodbye ~
---X
Deleted.
~*~
Nasa airport ako ngayon waiting for my flight. I am currenly listening to the song of Kelly Clarkson titled Stronger. Antagal rin kasi ng eroplano! Lintek! Mamatay ako nito ng wala sa oras. By the way, flight ko nga pala ngayon papunta sa France for my studies.
*Click*
Napalingon ako sa likod at nadatnan ko ang isang lalaking may hawak ng camera at ngumiti ito habang napakamot sa batok. Bakit niya naman ako pinikturan?
Lumapit ito saakin at tumabi sa kinauupuan ko. Tapos inabot niya ang kamay niya na parang makikipag shake hands saakin.
"Emman." sabi niya saakin.
-FIN-
8/23/14