'Di Ko Man Lang Nasabi || One...

بواسطة _cats-

381 44 118

[SHORT STORY] ito na pala ang huli, pero 'di ko man lang nasabi . . . Huwag mong sisihin ang sarili mo, mahal... المزيد

'Di Ko Man Lang Nasabi

381 44 118
بواسطة _cats-

Warning: 

         Beware for the plot twist. I know this is a common type of story or we also known as "cliché story". But at least, I'm honest to myself that this one shot is from my own mind and strategy to control my characters and flow.

This is the first time that I used guy point of view and I hope it turns out good. Moreover, I'm not good in english grammar and I hope you don't mind after reading this. Thank you and enjoy!

---

Okay, simulan natin dito...

March 26, 2016 - Entry #100

Bukas na ang birthday mo at magkikita na ulit tayo.

Pumikit ako at huminga ng malalim matapos isulat ang mga katagang ito. 

At sa muli kong pagkadikat ay taimtim kong tinignan ang notebook ko--- ang notebook ko na walang ibang laman kundi siya.

Nakakabakla ba? Oo siguro, pero nandito kasi lahat ng realization ko para sa kaniya. 

Lahat ng gusto kong sabihin para sa kaniya. At ilang beses na nasaktan ako ng dahil sa kaniya.

Wala namang masama na magkaroon ako ng love diary na ganito 'diba?

Hindi naman siya nakakawala ng pagkalalaki.

Although, masyado siyang cheesy.

Well, kahit ano namang mangyari sa notebook na ito... Hanggang dito nalang ang mag sisilbing ala-ala ng pagmamahal ko sa kaniya.

Awts. Ang hirap naman maging torpe.

"Kuyaaaaaaa!" Itinago ko ka-agad ang notebook sa drawer at sakto naman ang padabog na pagbukas ng pintuan, "Walang hiya ka! Nasaan ang earphones ko?!" Sigaw ng kapatid kong dragon.

Shit. Ang bilis nang tibok ng puso ko sabay tumulo din ang butil ng pawis ko galing sa noo. Tangina naman, bakit ba kinakabahan ako?

"Hoy, ano ba!" Bulyaw niya muli sa 'kin bago sinamaan ako ng tingin. Minsan talaga nakakainis 'tong kapatid ko pero madalas naman napapakinabangan ko.

"Pahiraaaam kasi ako! Bakit ba ayaw mong ibalik?!" Humarap ako sa kaniya at tinignan ng malalim, "Anong titingin tingin mo diyan? Ibalik mo na kasi!"

Tinitigan ko muna ang kapatid ko dahil sa itsura niya ngayon. Halatang bwisit na bwisit siya sa 'kin, napatawa tuloy ako ng mahina. Napakagulo na ng pagkakatali sa buhok niya , napakapangit ng mukha at iratado.

Kayumanggi naman ang kulay namin pero kung siya ang titignan mo? Mukha siyang maitim. Siguro dahil mataba rin siya? Ayaw kasi alagaan ng sarili, ang pangit niya tuloy. Haha.

"Sira na." 'Yon nalang ang nasabi ko at hindi na pinakinggan ang mga sasabihin niya saka tumakbo palabas ng bahay. Katakot takot na buga na naman 'yon. 

"Makatambay nalang muna sa comshop."

Sa totoo lang, hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. Walang trabaho ang Mama pero si Papa may pwesto sa palengke at iyon ang bumubuhay sa aming pamilya.

May dalawa akong kapatid na babae, yung sumisigaw kanina ay si Alliyah at ang bunso ay si Allison at ako? Panganay lang naman. Graduating student at nag pa-part time job para makatulong kela Mama.

Kahit nakakainis minsan ang buhay namin, hindi ko rin maiwasan maging masaya dahil buo kami at magkakasama parin sa hapagkainan. Kasi 'yon naman ang mahalaga 'diba? 

At kontento na ako don...

Nabalik ang isipn ko sa reyalidad at napakunot ang noo nang mag vibrate ang phone ko,

Kate calling . . .

"Oh, bakit Kate?" Natigilan ako nang marinig na humihikbi siya.

Bakit naiyak 'to?

"Kate, may nangyari ba? Hoy, bakit ka naiyak?!" Gusto kong mataranta pero ano bang magagawa ko kung mas uunahin kong kabahan, 'diba?

"Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sabihin mo sa akin kung nasaan ka at pupuntahan kita ngayon." Narinig ko ang pagsinghot niya kaya medyo nakahinga narin ako ng maluwag.

Ibig sabihin medyo mahinahon na siya.

"A-ano... Nandito k-kasi ako sa waiting shed," aniya nang matigil siya sa pag-iyak. 

"Waiting shed? Anong ginagawa mo 'diyan?---- Aish, Huwag na nga. Sige pupunta na 'ko agad. Hintayin mo ko." Narinig ko lang ang pagsinghot niya, "Bilisan mo Alex ha?" Hindi ko na siya sinasagot at binaba ang tawag.

Bakit ganon, bakit feeling ko ang gulo ng utak ko? Aamin ka na ba, Alex?

Napailing ako bago mabilis na tumakbo palabas ng eskinita at sumakay sa jeep na naabutan kong nag- aabang ng pasahero. Hindi ko muna iyon iisipin. Huwag na muna, Alex.

Kumabog ang dibdib ko ng mapaupo ako sa upuan.

Bakit Alex? Ano bang problema at hindi ka mapakali?

Inilabas ko ang earphones ng kapatid ko. Hindi naman kasi talaga sira 'to. Gusto ko lang talaga na galitin siya saka wala na rin akong balak na ibalik ito sakaniya. Kailangan kong huminahon...

You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide

Pumasok ang imahe ng mukha niya nang ipikit ko ang mga mata ko. Masasabi ko talagang siya lang ang babaeng nagustuhan ko at minahal ko narin totoo. Ang kaso hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin ng babaeng 'yon...

Naalala ko non, nagsabi na ako sa kaniya na gusto ko siya nung elementary palang kami kaso ang sagot lang sa akin

"Nagagandahan ka lang kasi sa akin, Alex! Huwag kang mag-alala, alam ko namang maganda ako HAHAHA!"

Ang lakas ng tawa niya noon na para bang isang malaking biro ang sinabi ko.

Sa totoo lang, hindi ko siya maintindihan pero halata namang dinadaan niya lang sa biro ang lahat.

Maraming nakakakila sa kaniya at marami ding tropa. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil maganda siya at mabait kung minsan, madalas kasi matopak, amazona at baliw.

Mabilis lumipas ang panahon at highschool na kami. Marami naring nanliligaw sa kaniya at ako naman ang taga pigil sa mga nagtatankang lumapit sa kaniya, ang kaso makulit din yung babaeng yon. Marami-rami din siyang pinapatos--- este nilalandi.

Nababaliw na nga talaga ako sa kaniya kung minsan. Ay hindi... baliw na talaga ako sa kaniya.

Wala eh, mahal ko na.

"Para ho!"

Waiting shed. Kung saan kami unang nagkakilala. Kaso walang Kate akong nakita.

Nasaan siya?

"Alex!" Lumingon ako sa pinagmulan ng boses. Sa tapat ng waiting shed?

Nakita ko siyang tumutulo ang luha at nakangiting tinawag ang pangalan ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Ano, Alex? Nagising ka na ba? O baka naman natatakot ka lang sagutin ang tanong mo kanina?

Na ngayong nakikita mo na...

Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you,
I'm just a sad song

Nakataas ang kanang kamay niya at masayang kumakaway sa akin, kasama ang taong napili niya.

Umalpas ang Jeep sabay nang pagbagsak ng earphones sa braso ko.

Natuod ako nang makita ang kabuoan ng lugar.

Maraming tao, kasama naroon ang mga kaibigan namin ni Kate, nandoon din ang magulang nilang dalawa at malalapit na kaibigan ni Tristan.

Hindi pa naman siguro ako huli, hindi ba?

Pero bakit ganito? Ayaw i-proseso ng utak ko. Bakit ang sakit?

Tangina, ang sakit sakit...

Lalo na ngayon... Na kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano siya kasaya sa piling ng iba. 

Tangina, isang sampal sa akin na mukhang nahuli na talaga ako. Talagang nahuli na ako.

Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay bathala
Naubusan ng bakit

Bakit umalis ng walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?

"I'm engage, Alex!" Sigaw niya na kinangiti ko at sabay ng pag-alpas ng isang luha sa mata ko.

Tangina ang bilis. Kasing bilis ng pagpalit ng kanta... tangina ang sakit.

At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan

Masaya na siya Alex. Sobrang saya niya na. Bakit hindi mo kayang tanggapin?

At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko

"Congrats, Kate" niyakap niya ako ng mahigpit nang makalapit na ko sa kaniya.

Kate, ayoko kitang pakawalan.
Sana sa akin ka nalang. Sana ako nalang.
Sana sa akin ka nalang naging masaya.
Sana nakontento ka nalang sa akin.

Sana ako nalang ang pinili mo...

"Kate, mahal kita!" Gustong gusto kong isigaw 'yon pero... Natatakot akong  makitang masaktan ang mukha mo, ang damdamin mo. Pasensiya na wala kasi akong lakas ng loob, 'di ko man lang nasabi ang totoong nararamdaman ko sa 'yo.

At hindi ka lumayo
Nung ako yung sumusuko
At nagbago ang mundo
Nung ako'y pinaglaban mo

"Maging masaya ka, Kate. Huwag kang umiyak ah? Baka masapak ko si Tristan kapag nalaman kong umiyak ka dahil sa kaniya." Humiwalay siya sa akin at umakbay sa akin ng patalon "I love you talaga, Alex! Salamat sa pagiging kuya mo sa akin, ha? Saka tears of joy kasi yan!" Humalakhak siya ng pagkalakas lakas.

Ang bilis talaga mag bago ng kanta..

"Alex, bro!" sigaw na papalapit na si Tristan sa akin sabay yakap.

"Congrats pare! Alagaan mo 'tong best friend ko." Ngumiti lang siya sa akin saka umakbay kay Kate

"Oo naman! Mahal na mahal ko kaya 'to." hindi na ako nakapag salita. Halata naman sa kanila na masaya na sila, hindi ba?

Masaya na siguro ang babaeng minamahal ko. "Congrats ulit. Paano ba iyan, sa kasal niyo nalang ulit ah?"

Ganito pala masaktan, ano? Ang sakit pala talaga.

Masakit na mawalan na ako ng karapatan sa kaniya.

Mapait akong ngumiti, tumalikod na ako at nag simula ng maglakad papuntang waiting shed. Hanggang ala-ala nalang siguro ang mga ito.

There I was again tonight
Forcing laughter, faking smiles
Same old tired lonely place

Walls of insincerity,
Shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face

All I can say is it was enchanting to meet you

"Hoy bata!" Sigaw nang papalapit na batang lalaki sa batang babaeng na sira-sira ang bestida.

Nakikita ko ang pinaliit version naming dalawa, sa ilalim na waiting shed na ito.

"Bakit ka umiiyak dito? Wala ka sigurong mama! Hahaha!" Tumawa lang ito nang tumawa sabay umupo sa tabi ng batang babae.

"Uy biro laaang! Tumahan ka naaa! Bawal sa prinsesa ang umiiyak!" Pang-aamo niya dito nang lumakas ang iyak ng batang babae.

Itinaas nito ang mukha ng batang babae at pinunasan ang mga luha gamit ang damit nito "Ayan! Maaliwas na ulit ang mukha mo! Huwag ka ng umiyak kasi------ Aray!!! Bakit mo ko hinampas?!"

"Ano ba kasing pakielam mo?!" Sumimangot ito bago humarap sa kaniya nang nakangiti "Ngingiti-ngiti ka diyan?!" Sigaw ng batang babae.

"Kaibigan na kita ah?" Ang ganda mo kasi!"

Oo, dito nag simula ang lahat. Nakilala ko siya dahil sa pag-iyak niya at dahil narin sa pag lalayas niya.

Ang batang si Kate na walang alam kundi isipin lang ang sarili niya, masyado kasing mayaman kaya sunod lagi sa luho.

"Huwag ka ng umiyak ah?" Tumango siya sa akin saka ngumiti ang bata niyang mukha.

Mga gabing di namamalayang
Oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag kung
San man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama
Sa tuwing hawak ang 'yong kamay
Ito'y maling akala
Isang malaking sablay

"Alexandeeeeer, hintayin mo naman akooooo!" Umaalingawngaw ang sigaw ni Kate sa malakas na ulan at mabilis akong tumatakbo sa hallway ng school namin habang tumatakbo ding nakasunod sa akin si Kate, "WAAAAAH! ALEX NAMAN EEEEH! KAILANGAN KO NA'YANG MODEL NA 'YAN!" Nakarating kami sa flag pole at parehas kaming basang-basa sa ulan

"Nakakainis ka kamo! Huhu" malaki akong ngumiti sa kaniya. Sobrang saya ko sa bawat oras na kasama ko siya.

"Ang cute mo kasing magalit! HAHA!" Inirapan niya lang ako at hindi ko inaasahang tutuhurin niya ako.

Nabitawan ko ang mga bilog at siya naman pagpulot at pag- alis nito. Tangina, ang kulit talaga!

Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)

"Alex?" Umihip ng malakas ang hangin.

Tahimik lang akong nakamasid sa mga ilaw na nakikita ko galing sa mataas na bahagi ng rooftop na ito.

Habang siya ay patuloy lang na humihikbi.

"Ang sakit naman Alex eh! Minahal ko siya. Nakakainis! Bakit pinag palit niya ako sa kutong yon!" Humagulgol pa lalo siya ng iyak nang matapos niyang sumigaw.

Nakakatawa lang dahil bawat pang iiwang ginagawa ng mga ex-boyfriend's niya ay lagi nalang akong nandon sa kaniya para makinig at pagaanin ang loob niya.

"Huwag ka ng umiyak Kate, nagiging bakulaw ka na! HAHAHAHA!" Tumingala siya sa akin.

Ang pula-pula na ng mga mata niya at hindi niya alam na nasasaktan ako dahil nagkakaganon siya. Ang putla na ng labi niya at lalong lumalalim ang mata nito kakaiyak.

Ang sakit isipin na palagi nalang niya iniiyakan ang mga lalaki na hindi naman deserve ng mga luha niya.

"Sshhh. Huwag ka ng umiyak, nandito lang ako para sayo..." lumuhod ako sakaniya at niyakap siya.

Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
Minsan siya'y para sa iyo
Pero minsan siya'y paasa
Tatakbo papalayo
Kakalimutan ang lahat

Engaged na siya, Alex. At wala ka ng laban pa sa taong mahal niya dahil alam mong mas sasaya siya sa tinahak niya.

"Alam mo Alex! Kung hindi lang kita kaibigan, brinoypren nakita! HAHA! Kaso alam mo napakalaki ng respeto ko sa'yo kasi parang nakakatandang kapatid narin kita! WAHAHAHAHA!"

At matagal mo naring alam na kahit kailan ay hindi siya magiging sayo. Dahil...

Iba ang tingin niya sa akin at hanggang doon na lamang, kailangan kong tanggapin iyon.

Tama na kasi Alex.

Pero kahit saan man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko sinta

Kaya't pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)

Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako

Pasensiya na. Mahal na mahal kita Kate. At kahit kailan. Huwag mong sisihin ang sarili mo kung bakit ganito. 'Di ko man lang nasabi na mahal kita, hindi bilang isang kaibigan o kapatid...

pero bilang isang babae. 

Happy birthday para sa babaeng pinaka mamahal ko at dito ko narin tatapusin ang kwento ng torpeng katulad ko.

Rest In Peace
Alexander De Mushian
.your memories will
remain in our hearts forever.
3.27.06

Isinara ko na ang notebook bago dinama ang hangin. "Sir Alex, bakit niyo po pinatay yung sarili niyo sa kwento?" 

"Because that's what I choose. Killing myself and rebuild new myself to continue. I want to move on, but I'm still stuck in pain. Although, it takes time to heal. Alam kong makakawala din ako. Hindi man sa ngayon pero soon." Malungkot akong ngumiti.

"We need to go. Let's go."

The End. 

---

Yehey! Thank you so much for coming until the end and I know, maraming nagulat sa pagkawala ni Alexander. Sorry naman, mahal kong pumatay ng characters XD HAHAHAHA well, so long! Stay safe and Godbless you all <3

PLAGIARISM IS A CRIME
All Rights Reserved at October 2018
written by: _cats-

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

SPG(Smut) بواسطة essay19273

القصة القصيرة

89.7K 137 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
34.3K 951 45
" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na m...
Me and the Group 5 بواسطة night

قصص المراهقين

851 122 24
Hindi ko alam kung paano ako bumalik sa nakaraan. Basta isang araw, nagising na lang ako sa taon at panahon bilang high school student ulit ng paaral...
Altheria: School of Alchemy بواسطة Reynald

الخيال (فانتازيا)

23.3M 794K 114
Jasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for...