KHANE’S POV
Ngayon na ang araw, araw na masasabi ko na isang buwan na kaming nagmamahalan ni Ashanti, hindi ako makapaniwala na aabot kami sa ganito, sa dami ba naman naming pag-aaway na nagaganap sa araw-araw.
Na animo’y lagi siyang may menstruation sa init ng ulo niya. Na akala mo’y laging may masakit sa kanya, pero natitiis ko lahat yun.
Malamang minahal ko na ei, hindi na ito gago na katulad noong una ay hindi pa ako seryoso.
Natatakot na rin ako na baka isang laro lang ata ang lahat ng ito. Pero paaano nga kung ako yung pinaglalaruan sa laro na ito? Hindi! Hindi Khane wag kang mag-isip ng ganan. Mahal ka ni Ashanti, tiwala lang.
Andito ako ngayon sa hideout sa loob ng campus, nakaupo. Wala, absent ang mahal ko ei. May biglaang urgent daw sa bahay. Naiintindihan ko naman siya, naiisingit na rin niya ako sa mga oras niya na sobrang sikip dahil sa mga training niya.
Si Nahzury, balak ng umalis ng bansa kaya itong si Eleven, nanliligaw na. Di ko rin akalain yun ei. Noong una, biro biro lang. Asaran ganan, tapos napasabak sa blind date na hindi naman inaasahan. Kaya ayon nagka-chance ang mokong na manligaw.
Itong tatlo kong tropa, wala pang balak magseryoso. Wala pa daw kasi sa isip nila ang salitang “Seryoso” kaya naman habang wala pa silang nahahanap ay sila mun daw ay manloloko. Mga mokong!
“Khane anniversary daw ng bar nina Kyle ngayon, tara.” Sabi sa akin ni Jack, napatingin naman ako kay Kyle na may mukhang ‘Dude, come with us’.
Nag-isip muna ako sandali, at napatingin muli kay na Kyle at Jack na magkatabing naglalaro ng Mobile Legends.
“Oh! MANIAC!” sigaw ni Kyle na kinakantyawan si Jack na hindi man lang nakakuha. “Gago ka kasi, lahat ng aking kalaban, kinukuha mo! Tuloy assist lang ako!” sigaw ni Jack sa kalaro. Magkateam nanaman sila at kapag magka-team sila lagi silang nag-aaway.
“What did you say?” tanong ni Kyle na hindi maintindihan ang sinasabi ng kausap. “I said treat me on dinner, you won diba?” pag-iba ni Jack ng usapan. Lumapit ako sa kanila at kinuha ang mga phones nila.
“Khane naman!” sigaw ni Jack.
“Dude!” sigaw ni Kyle.
“I’ll give this phone, if you two help me.” Sabi ko sa kanila, napatingin ako sa dalawa na may nagtatakang tingin.
“How?” tanong ni Kyle.
“Kakanta kami sa bar mo, as free. But me in one thing…”
“What?” tanong ni Jack.
“As free, bro. Di pwede iyon sa akin, alam mo naman na nagbabayad ako ng penthouse.” Reklamo ni Eleven na biglang pasok sa sala galing kusina.
Sinamaan ko siya ng tingin at napaiwas naman siya sa akin. “Sige bro, pero ngayon lang ha. Mahal kasi talent fee ko.” Reklamo pa niya ulit.
“So what’s the plan?” tanong sa akin ni Kyle, pinaliwanag ko sa apat ang gagawin. Naimbitahan na kami ni Tito para kumanta ngayong araw, pero papayag naman iyon kapag wala kaming pabyad, dahil may gagawin din naman kami sa loob ng bar na di kasali sa bayad. Nasabi ko na rin sa kanila kung paano papapuntahin si Ashanti sa bar nina Kyle at umagree na sila sa lahat ng sinabi ko.
Si Kyle at Jack na bahala sa mga gagamitin, katulad ng rose at mga candles. Special talaga dapat ito. Si Eleven na at Blue ang bahala kay Ashanti at ako naman, mag-iisip pa ako ng ikakanta ko sa kanya.
Ilang sandali pa ay tinawagan namin si Tito. Kung si Kyle hindi maalam magtagalog, yung ama niya sobrang galing magtagalog. Syempre Pinoy naman tatay nito, nanay lang ang Americana. Magtaka Khane. HAHAHA.
“Tito, tungkol sa deal. Hindi po kami magpapabayad.” Seryosong sabi ni Eleven sa telepono.
“Uhmm. Dahil po may kailangan din po kaming sabihin sa inyo..” pinaliwanag lahat ni Kyle ang napag-usapan namin kanina. Nakatingin lang kami sa kanya, habang kausap si Tito sa telepono. Wala siyang ginawa kundi ang tumango ng tumango.
“Yes tito, thank you.” Pagkasabi niya noon ay pinatay niya ang tawag at malungkot na nakatingin sa amin.
“What did he say? Did he agree?” tanong ni Kyle kay Eleven. Umiling si Kyle, napasapo ako ng ulo sa pag-iling niya. Paano na? “Because he agreed! Babarayan pa din daw niya tayo, kasi nong nag post daw siya ng poster at nag post daw sila sa social media na tayo daw ang kakanta sa bar nila, ay marami dawn a dumagsa na bumili ng ticket. Kaya babayaran niya tayo pa din daw niya tayo, kasi nong nag post daw siya ng poster at nag post daw sila sa social media na tayo daw ang kakanta sa bar nila, ay marami daw na dumagsa na bumili ng ticket. Kaya babayaran niya tayo. YEY!” sigaw ni Eleven na sobrang saya.
“Yes, makakatira na ako sa penthouse ko. Wooooo!” sigaw ni Eleven na sobrang saya dahil sa balitang babayaran kami, syempre masaya rin ako na kahit papaano ay babayaran kami. Mahal kaya ng talent fee namin. Haha.
“So kelan ang housewarming mo?” tanong ni Blue na naeexcite na rin dahil sa may bago nanaman kaming tatambayan. Matagal na pinag-iipunan ni Eleven ang penthouse na iyon na nasa building ng Lane-Sy Penthouse. Marami na rin nag-mamay-ari ng mga penthouse doon, at malaki ang nagagastos kapag doon bago ka palang tumira.
“Hindi ko pa alam, magpapa-deliver pa ako ng gamit. Matagal tagal ko na rin inasam asam ang penthouse na yun Shit.” Pahabol ni Eleven.
“Tapos na ba lahat?” tanong ni Jack.
“Oo, gamit na nga lang ang kulang, kaya nag-aantay ako ng bayad ni Tito dahil kakaunti na nasa credit card ko. Di na kasya.” Natatawang sabi ni Eleven na nahihiya pa, dahil ngayon lang siya nag-sabi na kakaunti na laman ng pera niya.
“Haha, bakit hindi ka nangutang kay Khane. Laki ng sweldo ni Khane sa org ah tapos may carrer pa, alaga pa ni Z.” sabi ni Blue na inakbayan pa si Eleven at pinaharap sa akin.
“Dami na niyang utang, dadagdagan pa ba?” natatawa kong sabi.
“Grabe ka tol! Para sengwenta mil lang.” sabi ni Eleven na umakbay pa sa akin at ginugulo pa ang buhok ko.
“Gago, anong lang don? Ei pang-gasolina ko yun ng limang taon.” Natatawa ko sa kanyang sabi, tinulak niya ako sa sofa. Dahilan para mapahiga ako, natawa naman ako sa kanya at umupo ng ayos.
“Buti pa ikaw, inaalala mo lang kotse mo at si Ashanti, ako simula ngayon ay marami ng iisipin na gastusin. Hayst.” Reklamo ni Eleven.
“Hahaha, bahala ka diyan Bro! Dami mong drama.” Yan lang ang sinabi ni Blue at umalis na kami sa hideout namin. Balak naming pumuntang Mall para bumili ng mga ireregalo kay Ashanti, ewan ko ba pero gusto ko may regalo ako sa kanya.
ASHANTI’S POV
“Zury, ito kaya?” tanong ko sa kanya sabay pakita ng ipod sa kanya.
“Yan okay yan.” Sabi niya sabay balik sa akin ng ipod. “Orderin ko na ba?” tanong ko sa kanya, pero busy pa rin siya sa kakalaptop.
“Ano bang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya, tumingin siya sa akin at pinakita sa akin ang ginagawa niya.
“Binabasa at tinitingnan kung nalulugi na ba kompanya mo.” Pataray niyang sabi.
Lumapit ako sa kanya at nakibasa rin sa binabasa niya, tinitingnan namin kung ano na nga katayuan ng kompanya, ayos naman. Kumikita ng malaki ang kompanya at sa tingin ko wala namang problema ito.
“Increase mo ang sweldo ng mga empleyado.” Seryosong sabi ko sa kanya. Binaba niya ang hawak na laptop sa sofa at humarap sa akin.
“Bakit naman?” tanong niya sa akin, kinuha ko muli ang ipod na nilapag ko kanina sa sofa at tinuon doon ang atensyon ko. “Karapatan ng empleyado na taasan ang sweldo nila kapag tumataas ang kinikita ng kompanya. Naghirap sila para makuha ang mataas na kita kaya dapat bigyan sila ng tamang sweldo.” Seryosong sabi ko sa kanya.
“Ah ganun, paano kung lumulugi na ang kompanya, tataasan pa ba ang sweldo?” tanong niya napatingin ako sa kanya ng masama. “Zury, gusto mo bang i-close ang kompanya mo kung gagawin mo iyon? Syempre babalik sa dati ang sweldo at iisip ng panibagong strategy upang bumalik ang mga nalugi, parang laro lang yan sa baraha Zury. Hindi ka naman papayag diba na malugi ka kasi malaki ang iyong pinuhunan para diyan.” Seryosong sabi ko sa kanya.
“Ah ganun ba? Bakit hindi ka nalang ang pumalit sa akin, total marami ka nanamang alam sa business world diba?” sarkastikang tanong niya sa akin.
“Ei kung ipakain ko sa iyo ang balang dapat ay kay Montellier?” pataray kong sabi sa kanya, at umalis sa tabi niya. Nagpunta ako ng kusina para kumuha ng tubig, pagdating ko doon ay naroroon ang dalawang magkapatid na si Jaina at Dane na abalang abala sa panonood sa laptop.
Tahimik lang akong dumaan sa harapan nila at nagtungo sa refrigerator. “What if Tita-Mommy leave us?” tanong ni Jaina sa katabi, napaharap ako sa kanila dahil ang tinutukoy nila ay ako.
“She won’t. She promise, hindi niya tayo iiwan.” Sabi ni Dane sa kapatid. Kinuha ko ang pitcher at lumapit sa kanila. Umupo sa isang upuan na kaharap nila at tumingin sila sa akin, nagulat sila ng makita ako.
“Paano kung iiwan nga kayo ni Tita-Mommy?” seryosong tanong ko sa kanila. “No you don’t!”pasigaw na sabi ni Dane.
“You will never us! Never and forever!” sigaw ni Jaina sa akin, napangiti ako sa kanila. Ayaw nilang mawala ako sa tabi nila. Pero ayaw ko rin na mawala ako sa tabi nila, hindi ko kaya. Pero sa kinahaharap ko ngayong problema at pinasok kong gulo, paniguradong ang kalhati ng katawan ko nasa hukay na.
Dahil sa isip ng mga kalaban ko, madali lang ako mapatumba. Madali lang akong buwagin, at madali lang mahanap ang kinatatakutan ko.
Tumayo si Dane at Jaina sa kinauupuan nila at lumapit sa akin, agad ko silang binigyan ng mahigpit na yakap. Nang biglang mag ring ang phone ko. “Sorry, kakausapin ko lang ito. Go to your Yaya, malapit na dumating ang tutor niyo.” Sabi ko sa kanila at tumango lang sila sa akin.
“Ashanti Liyan Lane…… Sy.” Pagputol ko sa pangalan ko.
[This is Sandra White.] pagpapakilala niya.
“Oh, what happened?” tanong ko sa kanya.
[He is guilty, totoo na binili niya ang mga lupain ng mali ang binibigay na dukomento, at umamin siya na may taong nasa likod nito at nag-uutos sa kanya.] paliwanag ng lawyer sa akin.
“Who?” tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung sino ang taong iyon, alam ko na si Montellier ang nasa likod nito dahil doon lang siya nagtratrabaho. Sa labing limang taon nilang pagsasama sa negosyo paniguradong malalim na ang koneksyon nito sa isa’t isa.
[Sinabi niya na sa iyo lang daw siya aamin.] seryosong sabi ni Sandra sa akin. “Sige kakausapin ko siya.” Pagkasabi ko noon ay pinatay ko na ang tawag paniguradong si Montellier nga ang nasa likod ng lahat ng ito.
Agad akong pumunta sa aking kwarto at namili ng susi para sa gagamitin kung sasakyan. “Bubbles, Snow, Lily, Hover, Moon, Star, Gray, Bloody, Gun, Queen. Gotcha!” sigaw ko ng makapamili na ako ng susi mula sa binanggit kong mga pangalan ng sasakyan. Kakaunti pa ang mga pangalan na iyan, dahil kapag pinagsama sama ang aking collections sa sasakyan masasabi kong “Oh heaven.”
Tatakbo akong bumaba sa hagdan at lumabas ng mansion pero bago pa ako makalabas ng pintuan ay agad na nagtanong si Nahzury. “Where are you going?” tanong niya sa akin.
“Date.” Pagsisinungaling ko sa kanya.
“Okay, dahil may date din kami mamaya. Bleeeh!” parang bata na sabi ni Zury. Hinayaan ko nalang siya at patakbong nagpunta sa garahe.
“Queen, Queen, Queen. Where are you?” tanong ko, habang naglalakad sa mahabang garahehan na akala mo ay parking lot ng SM. Pagkahanap ko ay agad akong sumakay at hinawakan ang manibela. “I miss you.” Yan lang ang nasabi ko sa sasakyan ko at binuksan ang engine.
“Ready to go, baby.” Pagkasabi ko noon ay umalis na ako sa garahe.
Binaba ko ang bintana at pinatay muna ang aircon. Kailangan makita ako ng mga bantay, baka sabihin naglayas nanaman ako. Pagkalabas ko ng mansion ay dire-diretso kong tinahak ang mahabang daan patungong exit.
Tumingin ako sa paligid nag-tra-training ang ilang bantay. Makikita ang mga pinapagawang mga bahay para sa mga military at balak nilang dito ipatayo sa loob ng village ang bahay ng kanyang mga militar. Napag-usapan nanaman nila ito ni President at pumayag naman ito sa kanyang kagustuhan.
Dahilan para malapit nga lang ang aming proteksyon. Pagkalabas ng exit ay mabilis kong minaneho ang aking sasakyan. Nilagay ko sa tainga ko ang Wireless Earphone at agad na tinawagan si Zia.
“I’m coming.” Seryoso kong sabi.
“Right now Ma’am?” tanong niya sa akin.
“Yes, why?” tanong ko sa kanya.
“Lunch po ngayon ng mga empleyado ngayon.” Mahina niyang sabi.
“It’s okay no need to tell them na papunta. Naisip ko na hindi naman ako allergy sa tao, sa mga taong may masamang balak lang pala.” Pabiro kong sabi sa kanya.
“Are you sure Miss?” tanong niya sa akin.
“Yes.” Sabay hang – up ng tawag.
Pinagpatuloy ko ang aking pagmamaneho at sinarado ang bintana at binuksan ang aircon. Mukhang mababaguhan ang mga tao ngayon ah.
Hindi naman iba ang papasukan ko, pagmamay – ari din naman namin ang isang iyon. May balak lang ako sa kompanya na iyon.
Pagkarating sa kompanya ay agad kong pinarada ang sasakyan sa unahan ng building, pinatay ang makina ng sasakyan, lumabas sa kotse ng naka mask na black. Nagbigay ng galang ang mga nakakasalubong ko.
Pumasok ako sa loob ng kompanya, naninibago ang mga tao rito. Halatang halata naman. Habang naglalakad ako ay naririnig ko ang mga bulungan ng empleyado.
“She’s here? Bakit walang announcement na darating siya. Shit mawawalan tayong lahat ng trabaho.”
“Sinadya bang di sabihin para makita ang ginagawa ng empleyado?”
“Shit, kailangan ko na ata maghanap ulit ng trabaho, tiyak na masisisanti na ako mamaya.”
Bulungan ng mga tao na nakakasalubong ko, napapangiti nalang ako sa sinasabi nila. Ganan sila kadisiplinado. Kapag sinabing darating ako, anlinis ng paligid wala kang makikita na empleyado na pakalat kalat dahil aware sila.
Ngayong di sila aware ang iniisip nila ay masisisanti sila. Ganoon na ba talaga ako kasama sa kanila? Tama naman sila, kapag nagpapa- announce ako at may pagala gala Fired agad. Syempre rules na iyon, bakit di pa siya sumunod.
Nasabi na sa kanila ang kailangan gawin diba? Kung sa simpleng iyon di nila magawa paano na kaya kung sa aking utos di rin nila magawa.
Nagtungo ako sa elevator at saktong may sumasakay pa noon. Nang mapahinto ako sa harapan ng elevator nagbabalak umalis ang mga tauhan sa loob noon. Pero agad ko silang inawat bago pa sila makaalis.
“Hindi niyo kailangan na umalis, wag kayong mag-alala. Walang mangyayari na kakaiba sa buhay niyo ngayon.” Sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin at nagpasalamat.
Sumakay na ako ng elevator kasabay nila. Tahimik lang sila habang kasama ako sa loob.
Binasag ko ang katahimikan at nagtanong sa kanila. “How’s work?” tanong ko sa kanila. Walang sumagot sa kanila, hanggang sa isang lalaki ang sumagot sa akin. “Okay ma’am. Lahat po kami ay nagkakaisa sa lahat ng gawain.” Sabi ng isa.
Pagkabukas ng pintuan ay lumabas ako at kumaway sa kanila. Kumaway rin naman sila sa akin, pero ang mga mukha nila ay takot na takot.
Pagkasara ng pintuan ay naglakad ako papunta sa opisina at agad akong sinalubong ni Zia. “Miss, wear this.” Pagbibigay sa akin ni Zia ng isang mask. “No need Zia, kakausapin ko siya ng hindi nagtatago.” Seryoso kong sabi sa kanya sabay pasok sa kwarto.
Tinanggal ko ang aking mask at humarap sa lalaking nakahiga at sa isang dako nakatingin. “Kamusta?” tanong ko sa kanya, pumunta ako sa lamesa na puno ng mga prutas paniguradong padala ito ng kanyang mga kamag-anak.
Kinuha ko ang isang bungkos na ubas at kumagat sa isang apple. Dinala ko ang isang upuan papunta sa higaan niya. Bumangon siya sa higaan at lumapit sa refrigerator na nasa kanan niya. Kumuha ng isang tinapay at nilagyan ng palaman.
Lumapit muli siya sa akin at umupo muli sa kanyang kama, pandekwatro ang kanyang paa habang ngumunguya ng tinapay na hawak niya. “Siguro naman ay alam mo na ang balita?” tanong niya sa akin.
Tumango lang ako sa kanya habang kinakagat ang hawak na mansanas.
“Anong sasabihin mo sa akin?” tanong ko sa kanya, yumuko siya sa akin. “Nakakahiya man pero kailangan ko ang tulong mo, at kailangan mo ako.” Seryosong sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya ng diretso.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin diretso at makikita ang lungkot at galit sa kanyang mga mata.
“Malamang alam na niya na nagsusumbong ako sa iyo ngayon, malamang pinagpaplanuhan na niya ang pagpatay sa akin at sa pamilya ko. Ashanti, kailangan ko ang tulong mo.”
“Sino ba siya? Anong tulong ang magagawa ko sa iyo?” tanong ko sa kanya.
“Protektahan mo ang pamilya ko, alam ko na masakit sa kanila na malaman ang katotohanan na criminal ang kanilang ama at ang asawa. Protektahan mo sila, paniguradong sila ang unang pupuntahan niya, at takutin ako pamamagitan ng pamilya ko para hindi magsalita sa iyo.”
“Gagawain ko ang sinasabi mo. Sino ba ang tao na iyon?” tanong ko sa kanya.
Tumayo siya at sinilip ang kurtina na nakataklob sa bintana. Siguro ay tinitingnan niya kung may sniper sa bawat gilid ng building na ito.
“Walang magtatangka sa iyo hangga’t naririto ka sa pagmamay-ari ko.” Seryosong sabi ko sa kanya.
“Si Montellier ang nasa likod ng lahat ng ito, napag-utusan niya lang ako. Siya ang may gusto na huwag bayaran ng sakto ang mga binilhan namin ng lupa. Dahil matatanda nanaman daw ang mga ito at wala ng alam sa pera. Maari kong sabihin sa iyo lahat ng tungkol sa kanya, basta patunayan mo sa akin na proprotektahan mo ako at ang aking pamilya.” Seryosong sabi niya.
Napakuyom ako ng palad sa sinabi niya, sinabi na nga na si Montellier ang nasa likod ng lahat ng ito. Hindi ako nagkamali ng pinupunteya kong kalaban. Humarap ako sa kanya. “I will, basta sa susunod kong pagpunta ibibigay mo sa sekretarya ko ang lahat ng illegal na ginawa niya at ari-arian niya.” Seryosong sabi ko sa kanya, tumayo na ako sa upuan at lumabas ng kwarto, sinalubong ako ni Zia.
“Send people on Sandoval house, protect his family.” Seryosong sabi, sabay lagay muli ng mask sa mukha ko at lumakad palayo sa kanya.
Sumakay na ako sa elevator at nakisabay sa mga empleyado katulad kanina ay ganoon din ang reaksyon sila ng makasabay ako sa elevator. Pagkalabas ko ng elevator ay kumaway lang ako sa kanila bilang paalam.
Lumabas na ako ng kompanya at sumakay sa kotse sinuot ko muli ang wireless earphone at binuksan ang makina ng sasakyan. Paalis na ako sa kompanya ng biglang tumawag si Nahzury, agad ko naman itong sinagot habang nagmamaneho ng kotse.
[Abo, pumunta ka rito sa bar, mamayang mga seven o’ clock. Nakuha ko ang regalo mo, intayin nalang kita rito. Bye] yan lang ang sinabi niya sa akin at pinatay ang tawag.
Grabe ganoon lang kabilis iyon? Saan kaya makapunta? Nag-isip isip ako ng lugar na mapupuntahan. Hanggang sa maisipan ko na bisitahin si Chua sa kanyang bahay, tutal kakauwi lang noon galing Korea. Paniguradong marami nanaman akong pasalubong doon. Ikaw ba naman ituring na anak?
NAHZURY’S POV
“Khane anong regalo mo kay Ashanti?” tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin, napatingin ako kay Eleven at nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.
“Nagpagawa siya ng isang star necklace at ang pangalan na iyon ay yung binigay niya.” Nakangiting bulong ni Eleven.
“Anong pangalan?” tanong ko sa kanila. “LIXUS, combined Liyan and Laxus.” Nakangiting sabi ni Khane.
“Corny!” sigaw ko sa kanya. “Hoy di corny yun, sweet yun! Porke’t di ka pa sinasagot ni Eleven bitter ka na
agad.” Sigaw sa akin ni Khane.
“Hoy kapal muks! Siya yung nanliligaw dapat ako ang sasagot!” sigaw ko sa kanya.
“Mukha ka kasing mas lalaki kaysa kay Eleven ei.” Natatawang sabat ni Jack.
“Aba’t gago ito ah!” sigaw ko susugudin ko sana si Jack para kutusan pero pinigilan ako ni Eleven kaya hindi nalang ako nagpumilit pa.
“Hey guys, thank you for coming.” Nakangiting sabi ni Tito Clent papa ni Jack, siya ang may ari ng CK Night Club Lounge. Marami silang ari-arian na bar sa Pilipinas at masasabi kong mahal pumasok sa lugar na ito. Sa ganda pa lang ng ambiance ng lugar na ito at sa ganda ng loob ng club ay sadyang babalik-balikan mo.” Yan nag eendorse na ako rito, haha.
Kinausap niya ang mga boys samantalang ako ay naupo sa isang upuan, agad akong nilapitan ng waiter. “Maam sabi po ng boss namin ay umorder daw po kayo ng inyong kakainin." Kinuha ko ang menu na nasa kamay niya, wala rin naman akong magagawa rito kundi maghintay nalang.
Binigay ko sa kanya ang order ko at nag-antay nalang na lumabas ang mga boys sa office ni Tito Clent. Nagsimula ng magsilabasan ang ilan sa staff ni Tito Clent mula sa kanyang opisina, paniguradong mahalagang meeting ang pinag-uusapan nila.
ASHANTI’S POV
7:00 Pm
Sakay ako ng kotse papunta sa CK Club, naimbitahan ako ni Tito Clent na mag-perform sa gabing ito dahil ika-sampung anibersaryo ngayon sa kanyang Club. Dumadaan ako sa kahabaan ng Edsa at hindi ko alam kung anong saktong oras ako makakarating doon dahil sa traffic.
Tumunog ang aking cellphone at pinalsak sa aking tainga ang wireless earphone ko at sinagot ang tawag ng makulit na si Nahury.
[Asan ka na?] tanong niya sa akin, tumingin sa kanan at kaliwa upang makasingit at mawala sa pilang aking pinipilahan na hindi man lamang umusad.
“Edsa.” Tipid kong sagot sa kanya.
[Bilisan mo, kanina pa nagsisimula ang palabas rito.] sigaw niyang sabi, napangibit naman ako sa lakas ng sigaw niya. Halatang nagsisimula na nga ang palabas doon dahil sa ingay doon. Pinatay na niya ang tawag at tamang-tama na umusad na rin ang traffic na ito.
Limang minuto ang nakalipas ay nakaalis na rin ako sa traffic lumabas na ako ng Edsa, at agad na binaybay ang daan papunta sa Club na iyon ng makarating ay agad kong ipinarking ang aking sasakyan sa parking lot.
Bumaba muna ako sa kotse at tinawagan muli si Nahzury.
“Andito ako sa parking, asan ka?” tanong ko sa kanya, sumandal ako sa hood ng kotse ko at pinakikinggan ang ingay ng music sa telepono.
[Andito ako sa loob, wait lalabas lang ako. Eleven, she’s here!]paalam niya sa akin at sigaw sa kanyang manliligaw.
Pinatay ko na ang tawag at inantay na lang na dumating si Nahzury, pero bago pa siya dumating ay nakapg-selpie muna ako ng ilan at pinost ito sa Instagram. Tumingin ako sa paligid andaming tao ngayon sa Club. Rinig na rinig mula dito sa labas ang lakas ng music na nanggagaling mula sa loob. Sadyang masaya ang gabi na ito.
Nakita ko si Nahzury na tatakbong bumababa sa hagdan, umalis ako sa pagkakasandal mula sa kotse ko at tumayo ng tuwid. Nang makarating siya sa akin ay hingal na hingal siya sa harap ko na akala mo ay hinabol na labing limang multo.
“Letse ka Abo! Pinatakbo mo ako!” sigaw niya habang hinahabol ang hininga. Napatingin ako sa kanya ng masama. “Sinabi ko bang tumakbo ka?” tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng nakangiti.”Hindi.” sabi niya.
“Sinong tanga?” tanong ko sa kanya.
“Ikaw, di mo ako sinabihan ei. Tara na sa loob, marami ng tao doon.” Sabi niya sabay hatak sa braso ko.
Naglakad na kami papunta sa club, hinahatak niya ako hanggang sa makapasok kami sa loob ng bar.
Nilibot ko ang paningin ko, andami ngang tao rito puro mga kilalang tao at ang ilan ay mga ibang lahi, mayroon rin naman na ordinaryong tao na nakikilahok rin rito. Parang may charity auctions na mamaganap rito mamaya ah. Pero pwede ring hindi.
Dinala ako ni Nahzury sa isang table umupo kami doon kasama ang ilan sa kilalang tao, nakipag-batian muna ako sa kanila at kaunting kwento tungkol sa takbo ng mga negosyo namin, syempre hindi naman mawawala sa mga negosyante ang ganitong usapan.
“So le’t’s welcome Mr. Clent Pangilinan, ley’s give him around of applause.” Pagpapakilala ng emcee kay Tito Clent, tumayo si Tito Clent sa stage at kinuha ang mic sa emcee hawak nito ang isang glass wine na may laman na red wine. Nagpalakpakan at sitayuan ang lahat, bilang bigay galang sa may-ari ng bar na ito.
“Thank you, Maraming salamat po sa lahat ng pumunta at nakisaya sa gabing ito, ngayon ay pinagdiriwang natin ang ika-sampung taon ng aking negosyo rito sa Pilipinas, maraming salamat sa suporta, pagtitiwala sa akin. Parang nangangampanya lang o hindi ba?” pagpapatawa ni Tito.
“Dito sa isang bote ng alak nagsimula ang lahat kung paano ako nangarap, alam naman ng lahat na galing lamang ako sa isang mahirap na pamilya at walang kakayahan upang magpatayo ng isang matagumpay na negosyo. Oo may bisyo ako dati at iyon ay ang pag-iinom ko ng alak, hindi sa ineentertain ko pa kayo na lalong uminom. Kinukwento ko lang kung paano ako nagsimula mula sa mahirap hanggang sa ngayon….”
“Sa isang bote ng alak na makapaglasing sa akin ng gabing iyon ay may naisip akong isang gawin, umalis ako ng bansa upang magtrabaho at doon ako napatapat sa gawaan ng mga alak na katulad ng ganito.” Pagtuturo niya ng isang bote ng wine.
“Nahubong at nalaman ko ang iba’t ibang uri ng alak, at nang maisipan ko na gumawa ng isang negosyo naisipan ko na isang bar ang gawain ko. Hindi ako katulad niyo na ibang negosyante na noong una kong pagpapatayo ay kumukita agad ng malaki, sa akin ay lalo akong nalulugi, hanggang sa nakilala ko ang aking butihing Misis na may alam sa pagpapatakbo ng isang negosyo.”
“Masasabi ko na hindi pala lahat ay namamadali dapat lahat ay pinaghihirapan. Madaling maubos ang iyong yaman kung hindi naman ito tunay na galing sa iyo, pero matagal maubos ang yaman kung pinaghirapan at pinagpaguran mo.” Sa sinabing iyon ni Tito Clent ay biglang nagsilakasan ang palakpakan ng mga tao. Na para bang narelate sila sa sinabi nito.
“Maraming salamat sa inyo pagdalo, nawa ay maging masaya kayo sa gabing ito. Isipin natin na isa itong Holiday para sa ating mga tao na araw-araw kumakayod para sa pamilya, ayaw ayaw nag-aaral para sa kinabukasan. Ito lang masasabi ko sa inyong lahat ngayong gabi. Kung nagawa ko, magagawa niyo rin.” Lalong mas lumakas ang palakpak ng mga tao, ang ganda ng speech ni Tito Clent masasabi mo na hindi scripted ang sinabi niya.
Binalik na ni Tito sa emcee ang microphone at nagsi-upo na muli kami sa aming mga upuan.
“Maraming salamat sa napakaganda niyong mensahe Sir Clent Pangilinan at ngayon pakinggan natin ang pasabog ng SUPREME!” sigaw ng emcee, umalingawngaw sa paligid ang echo na nagmula sa mic ng emcee tumunog ang tambol at nagbukas ang kurtina.
Nasa stage sina Khane kasama ang kanyang mga banda, ang mga dalagita na naririto ay nagpunta sa gitna at nagsikumpulan sa gitna at walang humpay ang sigaw sa mga idolo nila.
Nagsimulang tumunog ang electric guitar kasunod ang piano na ginagamit ni Blue at si Khane na may hawak na gitara.
“Hi People?” unang sabi ni Khane sa mikropono. Nagsilakasan ang sigaw at ingay sa loob ng bar na ito.
“Ang unang kantang ito ay inaalay ko sa aking Mahal. PAROKYA NI EDGAR!” sigaw ni Khane pagkatapos niyang ididicate sa mahal niya ang kantang aawitin nila.
Wait? Mahal? Sa aking mahal? Ei diba ako lang yung sinasabi niyang mahal ko. Shit! Para sa akin ba iyon? Malay mo hindi Ash, wag kang ano! Masyado kang asumera, malay mo sa mga kaibigan niya. Mahl niyang kaibigan diba?
“Bakit pa kailangang magbihis , saying din naman ang porma.” Pagkasimula niya ng kanta ay nagsisimula ng kiligin ang mga babae rito sa loob. Sino ba naman hindi kikiligin diyan sa gwao at talented pa.
“Lagi na lang may sisingit, sat wing tayo’y magkasama. Bakit pa kailangan ng rosas? Kung marami namang nag-aalay sayo.”
“Uupo nalang at aawit, maghihintay ng pagkakataon. Hahayaan nalang sila na magkandarapa na manligaw sayo. Idadaan nalang kita sa awitin kong ito. Sabay tugtog ng gitara. Idadaan nalang sa gitara.” Shit! Ano itong nafefeel ko? Parang para sa akin nga ang song na ito dahil sa bawat pagtatapos niya ng isang sentence sa kanta tumitingin siya sa akin. Grabe bakit parang ang init ngayon? Bakit parang nawawala na iyong lamig kanina ng aircon?
“Mapapagod lang sa kakatingin kong marami namang nakaharang. Aawit nalang at magpaparinig ng lahat ng aking nadarama.” Yan nanaman siya tumitingin nanaman siya. Luuh, feel ko sasabog na ako sa kinauupuan ko. Kinuha ko ang isang glass ng wine sa waiter na paparating at walang preno na ininom ko ito lahat.
“Pagbibigyan nalang sila na magkandarapa na manligaw sayo. Idadaan nalang kita sa awitin kong ito. Sabay tugtog ng gitara oh oh ohohohoooh… idadaan nalang sa gitara. “
“Pagbibigyan nalang silang magkandarapa na manligaw sa iyo, idadaan nalang kita sa awitin kong ito. Sabay tugtog ng gitara ooooooooh.”
“Idadaan nalang…….. sa gitara.”
Nang matapos ang kanta ay lalong nagsihiyawan ang mga kababaihan dahil sa ganda ng boses ni Khane na sadyang kikiligin ka sa bawat pagbigkas ng boses niya. Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sa pwesto ko at nilapit ang mic sa kanyang bibig.
“Special mention kay Ashanti Liyan Lane-Sy, sa table 3B. Mahal na mahal kita.” Pagkasabi niya noon ay napangiti at napataklob nalang ako ng mukha sa sobrang hiya. Andaming nakatingin sa akin na pumapalakpak at humihiyaw ng kiss! Gravity!
“Ang kantang ito ay inaalay sa aking mahal na si Ashanti Liyan Lane-Sy……” nyeta ipinu-full pa ng gago ang name ko, shit viral ito bukas. Haha. “at sa mga taong inlove ngayon, katulad ko.” Nakangiting sabi niya sa harapan.
“Hawakan mo ang kamay ko ng napakahigpit.” Bumaba siya sa stage at naglakad. Hala saan siya pupunta?
“Pakinggan mo ang tinig ko di mo ba pansin?” shit palapit siya sa akin, kinakabahan ako! Grabee bakit ba ang init rito? Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti siya, grabee bakit ang gwapo niya ngayong gabi?
“Ikaw at ako…. Tayo’y pinagtagpo..”
“Ikaw at ako.. di na muling magkakalayo.” Shit nasa harapan ko na siya, anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Grabe ngayon ko lang narealize na ayaw ko na talaga ng surprises, grabe grabe yung kaba at saya na nararamdaman ko ngayon.
Para ba ito sa first monthsary namin? Shit! Nakakakilig naman sadya kung ito ang purpose noon. Namatay ang ilang ilaw at tanging mga nasa gilid lang ang nagsisilbing ilaw rito sa loob. Kulay orange ang paligid dahil sa ilaw na nagsisilbing ilaw rito.
“What’s this?” tanong ko sa kanya, di ko man maaninag ang mukha niya paniguradong nakangiti siya sa mga oras na ito.
“My surprise, did you surprise?” tanong niya sa akin. “Yes, di ko kasi akalain na andito ka, ang alam ko kakanta lang ako rito but meroon papalang ganitong pakulo effect ha.” Sabi ko sa kanya ng nakangiti.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit at nagsalita sa microphone. “Happy First Monthsarry Babe!” sabi niya sa mikropono na sa boses niya ay may halong panlalambing.
“Happy Monthsary too.” Sabi ko sa kanya. Umalis siya sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko. “I love you in a billion times, I love you forever and I will always love you!” sigaw niya sa mikropono. Pagkasabi niya noon ay biglang may bumukas na isang ilaw.
Video Presentation! Sigaw ko sa isip ko, tumingin kaming lahat sa pader kung saan doon nagrereflect ang video. Puro pictures naming dalawa ang mga naroroon at kung paano niya sinagawa itong plano, sadyang detalyado at pinaghandaan ang gabing ito.
“Kanina lang namin naisip na gawin ito.” Bulong niya sa aking habang nakaback hug siya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya, kapag talaga usapang effort ang galing niya.
“Hey Ashanti my baby, wake up!” isang eksena sa video kung saan ay tulog ako sa sofa ng kanyang bahay at ginigising niya ako para kumain.
“Babe, why don’t we use this chopstick instead of pork?” isa ulit na eksena kung saan tinatanong ko sa kanya, kung anong mas maganda gamitin pangkain sa niluto niyang pancit canton.
“I love you.” Bulong niya sa akin, umalis ako sa pagkakayakap niya at humarap sa kanya. “I love you too.” Yan lang ang nasabi ko. Natapos ang video at nagsipalakpakan ang mga tao. Hindi pa rin binubuksan ang ilaw para makita ang mga tao rito sa loob.
Maya-maya ay biglang may bumukas na ibat-ibang ilaw mula sa kisame ng bar na ito mga Christmas lights na kumukutikutitap ang mga ilaw at naglabasan ang mga pictures na nakadikit sa kisame.
Mga pictures namin ni Khane na magkasama at mga pictures naming dalawa kasama ang iba’t ibang miyembro ng mga barkada namin.
Napahanga ako sa ginawa niyang ito pero hindi pa doon tapos ang lahat.
Nagsilabasan kaming lahat sa parking lot. Biglang may fireworks na lumitaw sa kalangitan ang gandang pagmasdan. Lahat kami ay nakatingin sa taas at pinanonood ang magandang fireworks ng biglang may dumaan na dalawang helicopter at may binagsak na kung ano.
Tumingin lang ako sa himpapawid ng biglang may magpatak na kulay pula na bagay sa mukha ko, kinuha ko ito at tiningnan. “Petals?” tanong ko sa sarili. Inakbayan ako ni Khane at nilapit ang bibig sa tainga ko. “1000 petals of red roses.” Nakangiti niyang sabi.
Sa sobrang saya ko ay binigyan ko siya ng isang halik sa labi, nang kumawala ang aming mga labi ay agad niyang hinatak ang katawan ko palapit sa kanya at siniil ako ng malalim na halik, sa bawat siil niya ng halik ay nilalabanan ko.
Ito ang araw na hindi ko makakalimutan kung saan icenilebrate ko ang importanteng okasyon na ito sa mga hindi ko kilalang tao, napakasaya at sadyang napapaiyak ako sa bawat pakulong ginagawa niya, pero bawal ang lumuha.
Nang maglayo ang aming halik na dalawa ay agad ko siyang niyakap.
(Music On: Ikaw at Ako by TJ Monterde)
Magkahawak ang kamay na lumakad kami palayo sa bar at balak na magpunta sa dagat ngayong gabi. Sumakay kami sa kotse at agad na nagtungo roon.
Pagkarating ay agad kaming nagpunta sa dagat tinanggal ang mga suot na sapatos at naglaro ng habol habolan, nang mapagod ay nagpahinga at humiga sa buhangin. Ninamnam ang mga sandaling magkasama kami dahil bukas hindi na namin monthsarry.
Tumayo siya saglit at may kinuha sa kanyang kotse pagbalik niya ay may dala siyang mga kumot at dalawang unan tapos may dala rin siyang speaker.
“Dito tayo matutulog?” tanong ko sa kanya.
“Oo kung gusto mo?” tanong niya sa akin, napangiti ako sa sinabi niya.
“Oo gusto ko.” Yan lang ang sinabi ko at tinulungan siyang maghanap ng kahoy na ipanggagatong. Nagsimula na siyang gumawa ng apoy at nilatag ang mga kumot sa buhangin. Pinatugtog niya ang speaker at lumapit sa aking tabi.
“Can I have this dance?” tanong niya sa akin at nilahad ang kanyang mga kamay.
“Yes, Ofcoure.” Nakangiti ko sa kanyang sabi at kinuha ang nakalahad niyang kamay. Nagpunta kami sa gilid at sinayaw ang napakagandang kanta. Magkayakap kaming sumasayaw na parang hinahayaan nalang namin ang mga katawan namin ang sumunod sa kanta.
Natapos kaming magsayaw at umupo muna kami sa ginawa niyang higaan. May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin. “Ano ito?” tanong ko sa kanya. “Buksan mo.” Yan lang ang sinabi niya.
Pagkabukas ko ay isang kwintas na star na silver ang bumungad sa akin at nagandahan rin ako sa dami ng mga makikinang na bagay na pumalibot sa star na iyon. Kinuha niya ang kwintas at sinuot sa akin.
“Yan ay Lixus ang pinangalan natin sa star na iyon…” turo niya sa isang star na kumikinang sa kalangitan. “yan ang simbolo ng pagmamahal ko sa iyo, na kahit mawala ako tandaan mo nakatatak ka pa rin sa puso ko. Katulad ng star na iyon nawala man siya sa mundo, tumatak naman siya sa kalangitan ng mga tao.”
“Katulad ng star na iyan, walang katapusan ang pagmamahal ko sa iyo.” Napangiti ako sa sinabi niya at binigyan siya ng mahigpit ng yakap.
Kinuha ko sa bulsa ko ang isang box na regalo sa kanya. “Ano ito?” tanong niya. Binuksan niya ang binigay kong regalo sa kanya, at napangiti naman siya ng makita ito.
“Isa iyang anklet na galing pang France, iyan iyong sinasabi mo sa akin na gustong-gusto mo noong nagkasama tayo. Sadyang hinanap ko iyan sa lahat ng online shooping.” Nakangiti ko sa kanyang sabi.
Kinuha ko iyon ay inilagay sa paa niya, tumayo siya at tiningnan kung bagay ba. Bagay na bagay sa kutis niya ang silver na anklet na iyon. Umupo siya muli at binigyan ako ng halik sa noo. “Salamat.” Yan lang ang sinabi niya. Tumango ako sa kanya. “Salamat din.” Nakangiti ko sa kanyang sabi.
Natapos ang palitan naming ng regalo ay nagsimula na kaming humiga sa ginawa niyang kama. Tahimik ang paligid bukod sa ingay ng alon ng dagat, pinakikinggan ko lamang ang tibok ng puso ko at puso niya ng biglang dinaanan na nga talaga ako ng antok at wala ng nagawa kundi matulog na.