Road to your Heart: Starting...

By Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... More

Road to your heart
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 1

81 2 0
By Kristinoink

Kabanata 1

Deja Vu

Nagchampion si kuya Marcus. After ibigay sa kanya yung award at trophy agad ako lumapit sa kanya para icongratulate siya.

6 pm at tapos naman yung event. May ilang nag uuwian na. Meron din mga nag stay. Gustong gusto ko nang umuwi at matulog. Feeling ko nag gym ako ng buong araw sa pagod na nararamdaman ko ngayon.

"Vicinity tayo!" Sigaw ni Chloe bago sumakay sa sasakyan ni Dave.

Nagkanya kanya ng punta sa mga sasakyan nila sila kuya. Nilingon ko si kuya Marcus.

"Di na ko sasama. Gusto ko magpahinga," sabi ko. Kanina ko pa kasi talaga gustong umuwi.

"Jessy, Wag KJ! tapos na yung summer vacation natin in 2 weeks. Sulitin na natin!" ani Chantal.

"At tsaka nauna na si Chloe. Sumunod na tayo." Dagdag pa niya.

Nag isip agad ako ng ipapalusot. God, hindi ako KJ okay? I go to parties. Hindi ako mahinhin at lalong hindi ako introvert pero nataon lang kasi na ganito.

"Oo nga Jes. Ihahatid na lang kita. Kahit sumaglit lang tayo sa Vicinity." biglang sumulpot si Vaughn sa harap ko.

Ngayon lang niya ako ulit kinausap matapos ko siyang tanggihan kanina.

"Wag ka na magpakipot. Tara na!" si Jelina na mukhang excited din.

"Hindi ako makakasama ngayon. May lakad ako bukas kaya di ako pwedeng gabihin," si Krisha kausap jiya si Margou kasi tinanong siya kung sasama rin ba siya.

"Talaga? Sayang naman. Sige hahatid ka na ni Xander." si Chantal ng narinig ang usapan.

Nanlaki pa ang mata ni Krisha na bumaling kay Chantal. Di na nakita ni Chantal kasi hinagilap niya sila Xander.

"Xander!" sigaw ni Chantal. Bumaling sa amin sina Xander, Deo, Kier at kuya Ken.

Kinawayan sila ni Chantal kaya lumapit sila.

"Xander di makakasama si Krisha. Hatid mo na lang siya. Malayo yung kanila e," nagkibit ng balikat si Chantal.

"Bakit ako?" medyo nagugulumihanang tanong ni Xander.

"Chantal, wag na. Nakakahiya. Pwede namang si Kuya na," yumuko si Krisha at ngumiti. Napansin sigurong hindi gusto ni Xander.

"Wag na, Krish. Si Jessica kasi kay Vaughn sasakay. Hindi ka niya maihahatid kasi kasama na siya ni Jessy," si Chantal tsaka tumingin sa akin.

Oo nga naman. Kung si Vaughn na kang kaya ang mag hatid kay Krisha since magkapatid sila diba? Para makauwi na rin ako at di mapilitang sumama pa.

"Sige na, I know you won't mind," nakisali na si Margou.

"Oo! He won't mind talaga. Diba?" nakatawang lumapit si Deo at tsaka nilingon si Xander na hindi malaman ang gagawin.

Hindi naman ako nagsalita. Gusto ko lang kasi umuwi at himiga. Mamaya sumakit pa puson ko kung sino na lang masuntok ko dito.

Bigla may humawak sa braso ko. Nilingon ko si Vaughn na nakatingin sa akin.

"Ano? Tara? Saglit lang tayo. Iuuwi rin kita agad kahit mga isang oras lang,"

Sasama ba ko? Kung sa ibang araw to e sasama ko at di na kailangan pang pilitin pero yung ngayon na umaalarma ang pagka babae ko e hindi ko talaga alam.

"Alright," napalingon ako kay Xander na mukhang napagkaisahan ng lahat.

Binalik ko ulit ang tingin ko kay Vaughn. With a sigh, tumango ako. Nakantyawan din ako. Sa sasakyan ako ni Vaughn sumakay papuntang Vicinity. Ipinaalam ako ni Vaughn kay kuya Marcus. Di rin naman siya makatanggi kasi pinipilit talaga ni Chantal na don na ako. Kasunod lang namin sila kuya pati iba ko pang pinsan.

Sa lahat ng boys, si Deo lamg ang may dalang babae. The rest kanya kanya punta sa The Vicinity. Inaya ko si Margou na samin na ni Vaughn sumakay pero inasar lang niya ako at doon din siya kay Travis sumakay.

"Bakit daw hindi makakasama si Krisha?" tanong ko dahil ang tahimik namin pareho.

Sinulyapan lang niya ako at ngumiti.

"May lakad daw sila ni mommy bukas,"

"Ah," yun lang ang nasabi ko.

"It's a good thing too, right? Hinatid siya ni Xander. Paniguradong masaya siya ngayon," nahimigan ko ang saya sa tono niya para kay Krisha.

Matagal na ring may gusto si Krisha kay Xander pero ni minsan hindi naman yun binigyang pansin ni Xander. May isang beses pa noong Grade 12 na binigyan ni Krisha ng regalo si Xander nung valentines at inayang kumain sa labas. Akala nga ng lahat na sila na pero si Xander pa mismo ang nag kumpirma na hindi.

"I think hindi naman nagkulang ng advice sila Chloe kay Krisha. She'll only get her heart broken lalo na at si Xander pa," sabi ko.

Hindi naman na siya sumagot. Totoo naman kasi iyon. Alam din nilang lahat na hindi type ni Xander si Krisha. Gusto ko sanang ako na mismo ang magsabi nom kay Krisha pero hindi kami sobrang close. Nagkakasama lang kami dahil kaibigan niya ang mga pinsan ko. Kung bakit kasi ako na lang itong nasa senior high. Silang lahat nasa College na.

Pagdating namin sa Vicinity e bumaba na agad ako. Kasabay ko si Margou na pumasok sa loob at nasa likuran namin si Vaughn. Dim ang lights at puro discolights at lazer lights ang nagpapaliwanag ng paligid. Maingay din ang tugtog pero hindi pa ganon karami ang tao. 6:30 pa lang kasi at masyado pang maaga para sa ganito.

"Hi, Marg! Jessica!" may mga kakilala kami na kumaway samin.

Nilapitan namin sila at medyo nakipag kwentuhan. Kilala nila ako kahit na hindi ko sila kaklase o kabatch kasi lagi na rin ako sumasama sa ganito. They are all look nice but not all of them is friendly. I excused myself. Hahanap na sana ako ng mauupuan ng narealize ko na kanina pa nakasunod si Vaughn.

"Doon yung upuan nila Chloe," aniya at tinuro kung saang banda yun.

Tumango ako kaya dun kami pumunta. Nadaanan ko pa sila Kuya Ken at Kier sa isang table na nilalagok ang tig isang shot habang naghihiyawan ang mga kasama. Mukhang may uuwing mga lasing.

"Hey Jessy! Dito ka," si Chloe ng makarating ako sa table nila. Katabi niya ang boyfriend niyang si Dave. May iilan din ako mga kakilala sa table na yon pero di naman ako nahiya.

Umupo ako sa tabi niya. Ganon din naman si Vaughn. Inabutan agad ako ni Chloe ng hard pero tumanggi ako.

"Hindi ako iinom," yun lang ang sinabi ko.

"Kj," pang aasar niya.

Ngumisi lang ako. Habang tumatagal dumadami ang tao. Inexcuse na rin ni Vaughn yung sarili niya para siguro makihalubilo sa iba. Hindi rin kasinkami masyadong nagkukwentuhan dito sa table.

Nasa di kalayuang table lang si Kuya Marcus na may kausap ng babae. Ganoon din si Travis na mukhang aliw na aliw sa babaeng kausap niya rin. Si Deo naman andon sa Dance floor at kasayaw si Jelina.

"Dance floor tayo Jes! Andon pala si Kelsey o. For sure andito na si Chinky," ani Chloe. Malikot na ang mata niya at namumula na kaya paniguradong lasing na siya.

Umiling ako. "Ayoko. I'll be fine here," sabi ko.

Nilingon ko ang dance floor. Oo nga at andon na rin si Kelsey na isa ko pang pinsan. Akala ko hindi rin sila sasama dito dahil wala sila sa NFA kanina ni Chinky.

"Okay sige pero tawagin mo ko pag inano ka ng bruha na yun ha!" aniya at halos pagewang gewang ng naglakad palayo.

Hindi naman niya ako pinilit. Kasama lang niya si Dave na umalis na at nag punta ng dance floor. Nakita ko rin na andon na si Margou at mukhang may kasayaw na lalaki. They are all having fun at ako? Eto nakatunganga. Minsan ang hirao din maging babae e.

Kung andito man si Chinky hindi na siguro niya ako pag tutuonan ng pansin. Paniguradong mag aaway lang din sila ni Chloe. Ayaw kasi nila sa isa't isa. Ayaw sa akin ni Chinky kasi raw hindi naman ako pamilya. Nagagalit sa kanya si Chloe sa tuwing inaaway akl ni Chinky kaya minsan ako na lang ang lumalayo. Ang pangit tignan na nag aaway sila dahil lang sakin.

Nanatili lang ako dito sa upuan ko ng bigla na lang may nagsalita. At yun pa talagang tao na ayoko sana maka harap.

"Anong ginagawa ng menor de edad dito?"

Napalingon ako kay Chinky. Pinagtaasan lang niya akk ng kilay habang may hawak na beer sa kamay.

Bumuntong hininga ako.

"Ayoko ng away, okay." sabi ko at tumayo na. Siguro signal na to para umalis na ako. Maaga pa naman kaya mag tatricycle na ako.

Nilagpasan ko lang siya. Buti nga at hindi ako pinigilan. Hindi ko makita si kuya Marcus kaya si kuya Ken ang nilapitan ko

"Kuya," kinalabit ko siya kaya nilingon niya ako.

"Uwi na ako," sabi ko. Tinalikuran niya ang mga kausap niya at hinagilap ang paligid.

"San si Vaughn?" aniya.

Umiling ako. "Magtatricycle na lang ako," sabi ko.

"No," maagap niyang sabi.

Kinuha niya ang cellphone niya at may pinundot doon bago niya inilagay sa tenga. Sino tinatawagan nito?

"Dude, san ka na?"

"Nandito na," sabay kaming napalingon ni kuya kay Xander na kakarating lang.

Pinatay naman ni kuya ang cellphone.

"Good. Pahatid muna si Jessica. She's not feeling well,"

Nanlaki naman ang mata ko kay kuya. Mariin akong umiling. Sa kanya pa talaga ko ipapahatid? Una sa lahat, mang aasar lang siya. Panagalawa, kaya ko naman.

"Magtatricycle nga ako kuya," masungit kong sinabi.

"Lagot tayo kay kuya," aniya sabay tulak sakin. "Sige na. Babye," at tsaka ako tinalikuran.

Umirap ako sa kanya bago balingan si Xander. Oh bat di sya umangal? Kanina umaangal siya kay Krisha ah. Panigurado gusto niya dito kaya maraming babae.

"Tric na lang ako. Dito ka na lang at kakarating mo lang din naman," sabi ko at akmang lalagpasan na siya ng pigilan niya ako.

"Tara na. May bibigay din ako kay Brent," aniya bago ako hinatak papunta sa exit.

"Ha? Edi bukas na lang. Maiwan ka na dito," naiirita kong sabi.

Hindi na siya kumibo hanggang sa makalabas na kami. Hatak hatak pa rin niya ako hanggang sa makarating kami Sa itim na Ranger niya. Pinatunog niya yun tsaka binuksan yung passengers seat.

Tinitigan ko pa siya ng masama pagka bitaw sa kamay ko.

"Wag ka nang magmaktol, okay?
Sakay na." aniya at pumihit na para pumunta sa driver's seat.

Wala akong nagawa at sumakay na lang din. Malapit lang naman ang amin kaya mabilis lang kami makakarating.

Hindi kami nag kikibuan. May music naman kaya okay lang nung una pero kalaunan ay hininaan niya yon.

"Hindi ka pa nag tha-thank you sakin," aniya.

Tumingin ako sa kanya. "Saan?"

"I just saved your ass from your date with Vaughn on Saturday," aniya habang nakangisi at mukhang proud na proud.

"As if. Talaga namang sasamahan ko si Brent." Umirap ako.

"Really? I doubt. Alam kong ayaw mo na sinasamahan si Brent sa Taekwondo niya," aniya at tumawa.

"Tumahimik ka nga," di ko na siya nilingon.

"Ang sungit mo. Tinulungan ka na nga galit ka pa. Laging ka na lang galit," pang inis pa niya pero nanatili sa labas ang tingin ko.

Bakit nga ba ako naiinis? Ewan ko. Pag si Xander na ayoko siyang nakakasama. Lagi ko kasing naaalala yung mukha niya noong bata pa ako. Nung nalaman ko na ampon ako nung 10 years old pa lang ako.

May party noon kila Xander. One of our usual party before Christmas. Andon ang iba ko pang nga pinsan. Minsanan akong inaway noon ni Chinky tapos umiyak lang ako ng umiyak. Pinagalitan siya ni Daddy tapos
pinatahan ako ni Mommy noon at nakatulog ako sa isa sa mga kwarto. Nung nagising ako gusto kong hanapin sila kuya. Hindi kasi ako madalas kila Xander kaya hindi ko kabisa ang bahay.

Lalagpas na sana ako sa isang kwarto para makababa ng hagdan ng marinig kong nagkakasagutan si mommy at Tita Kriselle na mommy ni Chinky kaya sumilip ako. Doon nakita ko Si Mamu, Daddy, Mommy at si Tita Kriselle.

"Hindi mo dapat pinagalitan ang anak ko. Dahil sa kanilang dalawa si Chinky ang kadugo mo! Ampon lang naman si Jessica!" sigaw ni Tita Kriselle.

"Wag mong sabihin yan! Bat hindi monkasi aminin sa salbaheng yang anak mo. Nagmana sayo!" sigaw pabalik ni mommy.

Doon pa lang unti unti ng namuo ang luha sa mga mata ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makatakas ang mga hikbi pero huli na ang lahat. Narinig nila konkaya agad sila lumingon sa akin.

Bago pa sila makalapit tumakbo na ako pababa ng hagdan. Saktong nakita ko sila Kuya Marcus noon kaya mabilis akong umakap sa kanila.

"Bakit? Bakit ka umiiyak, Jessica?" nag aalalang tanong ni Kuya Marcus.

Inagaw naman ako ni Kuya Ken at mahigpit na inakap.

"Inaway ka ba ulit?"

Umiling kang ako pero iyak ako ng iyak.

"Sabihin mo. Bakit?"

Nag silapitan na rin sila Margou.

"Kuya..." sabi ko at sinubukang wag umiyak.

Seryoso naman at alertong nakatingin sa akin ang dalawa kong kuya. Pati sila Deo at Kier na naglalaro ay tumigil para lumapit sa akin kasama si Travis at Kuya Aiden.

"Ampon ba ko?" tanong ko.

Kumunot naman ang noo nila. Halos pare pateho sila ng expression at si kuya Aiden lang ang medyo gulat.

Magsasalita sana siya ng biglang dumating si Chinky. Naalala kong manghang mangha pa ako noon sa dress na suot ni Chinky.

"Sabi na e. Oo! Ampon ka! Kaya siguro di ka namin kamukha kaya fapat umalis ka!" aniya kaya lalo akong umiyak. Sinaway siya ni kuya Aiden.

Dumating bigla di Xander at Hinatak palayo doon si Chinky habang nakatingin sa akin dahil sila itong close. Nakita kong dinala niya si Chinky sa may kusina at nag usap sila. Ako naman e pinapatahan lang.

Nakita kong nagtawanan sila noon. Sumulyap si Xander sa akin noon at ngumisi.

Simula noon inisip ko na agad na katulad ni Chinky, ayaw niya rin sakin. Kaya feeling ko sa tuwing lalapit siya aasarin niya ako o di kaya ay bubullyhin katulad ni Chinky. Never din kaming naging close kasi ayoko ng lumalapit siya kasi nung umiiyak ako hindi niya naman ako kinamusta noon. Tapos nakita ko pa sila ni Chinky na pinagtawanan ako.

Bununtong hininga na lang ako.

Mabilis akong bumaba pagka park niya sa harap ng gate namin. Wala ng papantay pa sa excitement kong matulog na agad. Pagpasok ko sa loob naabutan kong nanunuod ng TV si Brent. Nilingon niya ako.

"San sila mommy?"

Hindi niya ako sinagot. Imbes na sagutin ako e nagtanong lang din siya.

"Ate, si kuya Xander?"

Bago pa ako makasagot bumukas na ulit yung pinto at iniluwa non si Xander na may dalang malaking paper bag.

"Kuya!" agad na lumapit si Brent kay Xander at tsaka nakipag high five.

"Yan na ba yun?" inusisa niya yung dala ni Xander.

Napatingin naman sa akin si Xander bago balingan si Brent. Agad na inilabas ng kapatid ko ang isang malaking box.

"Wow!" excited na sigaw ni Brent.

Kumunot ang noo ko ng nakita kung ano yon. Nerf gun! Bakit niya bibigyan si Brent non? Baka makadisgrasya la yun e. Dapat 13 and above lang pwedeng maglaro non.

Nagtatalon na nagpunta si Brent sa sofa at tsaka doon binuksan yung binigay ni Xander. Nilingon ko si Xander.

"Bakit mo siya binigyan ng nerf gun, Xander? It's too dangerous for him!" bato ko sa kanya.

"What?" natatawa niyang sabi. "Ayos lang yan,"

"10 years old pa lang siya. Hindi niya alam laruin yan," sagot ko at lalo pang nainis kasi natatawa pa siya.

"Jess, Chill. Hindi tanga yung kapatid mo," aniya at naglakad rin palapit kay Brent at tinulungan siyang iassemble yung nerf gun.

"Ate, look!" aniya at winagayway yung laruan ng naiayos na.

"Marunong ako nito ate at tsaka hindi naman to masakit e. Look!" aniya.

Nanlaki ang mata ko ng itutok niya sa akin yon. Hindi na ako naka ilag ng ibaril niya yon sakin. Tatlong bala ng nerf gun yung tumama sa tiyan ko.

"Brent, no," saway ni Xander pero tumatawa pa rin.

"Hindi naman masakit ate, diba?" si Brent.

"Brent, ano ba?" singhal ko.

"Brent, mali yon. Wag mo nang inisin pa ang ate mo. Say sorry," si Xander kahit na nakatawa pa rin.

"Sorry, ate," si Brent at binitawan yung nerf gun.

"Kita mo," sinipat ko si Xander bago nagmartsa paakyat sa taas.

Narinig kong tinawag niya ako pero di na ako lumingon. Asshole.

Naligo ako at natulog. Sa sobrang pagod ako sa buong araw na wala ako dito sa bahay mabilis din akong hinatak ng antok. Nagising na lang ako kinabukasan ng makarinig ako ng hiyawan sa labas.

Nilingon ko ang orasan ko at nakitang 9 na ng umaga. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong eksena dito sa bahay sa ganitong oras.

"Ang sabihin mo malandi ka talaga!" sigaw ni Chloe.

Hawak ni kuya Marcus si Chloe habang si Xander naman sa kay Chinky. Pilit na pinapa kalma ni Margou si Chloe na namumula pa ang mga mata muka sa pag iyak.

Andon din si Kuya Ken, Travis, Kelsey, Deo at Kier. Nakalapit kay Deo si Kier na masama na ang tingin sa kay Chinky. Seryoso siyang kinakausal ng mahina ni Deo pero parang hindi siya maawat. Si kuya Ken naman ay pilit na pinapatahan si Kelsey. Poor Kelsey. Masayahin siya pero napaka fragile niya sa ganito.

Tumawa si Chinky.

"Kasalanan ko ba? Ako ba yung humalik?" aniya at pilit na nagpupumiglas sa hawak ni Xander.

Ano bang nangyayari? Bakit may ganito? Sinong humalik kanino? At nasaan mga magulang ko?

Nakita kong lumabas ng kwarto si Brent at mukhang kakagising lang kaya nilapitan ko agad siya. Hindi niya dapat marinig yung mga to.

"Brent, go inside your room," mahina kong sabi sa kanya at binuksan ulit ang pinto.

"Pinaunlakan mo naman! Haliparot ka talagang hayop ka!" muling humiyaw si Chloe kaya napatingin ako sa kanya.

Sinubukan niya ulit na sumugod kay Chinky pero lalong humigpit yung hawak ni kuya Marcus sa kanya. Humarang na rin si Travis kaya hindi niya naabutan si Chinky.

"Brent, pasok na," I hissed.

"Pero ate-"

"Go!" pagputol ko sa kanya. Mabilis naman siyang pumasok sa loob at sinarado ang pinto.

"Chinky, come on. Wag ka ng magsalita," si Xander at nilapitan si Chinky.

Nainis ako bigla. Kung ano man itong nangyayari na to malamang si Chinky ang may kasalanan. Hindi magkakaganito si Chloe ng wala lang at gusto kong sampalin si Xander kasi kinakampihan parin niya si Chinky. Pero ganon sigurl talaga. Sila yung close e.

"Next time learn how to keep your--" hindi na niya natuloy ang sinabi niya ng biglang nagsalita si Kier.

"Kahit anong sabihin mo mali ang ginawa mo," singhal ni Kier sa kanya na agad namang hinarangan ni Xander. Meron siyang binulong kay Kier na nag pa atras ng konti.

"Whatever," at tsaka tumalikod si Chinky at tuluyan ng bumaba sa hagdan.

"Bumalik ka dito! Malandi ka!" pilit na nagpapakawala si Margou sa hawak ni Kuya Marcus kaya lumapit na ako.

"Chloe, tama na," bulong ko.

"Pag sasabihan ko," si Xander at sumulyap sa akin bago sundan si Chinky.

And at that moment it felt like a Deja vu. Parang may mga feelings noon na bumalik ngayon. Katulad ng pagtalikod niya noon kasama si Chinky, ngayon sinundana naman niya at iniwan kaming lahat dito ng may umiiyak.




Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 573 57
(Do-Over Series #1) Since then, Siena has been good at obeying her parents' will―may it be from the clothes that she wears up to the man that she sho...
257K 13.1K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
707 30 2
Kageyama nods and asks, "Will I die if I jump from here? Because it hurts when I tried to cut my hand." Oikawa didn't believe what he heard. He wasn'...
3K 951 53
Losing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin n...