Kiss Back And You're Mine (PU...

بواسطة MissWordsworth21

15.6M 364K 32.4K

JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging nak... المزيد

KBAYM Prologue
CHAPTER 1: Jeepney
CHAPTER 2: Hannah Marie Adaipmil
CHAPTER 3: Shieldler John Wright
CHAPTER 4: The Encounter
CHAPTER 5: The Jaguars
CHAPTER 6: Noticeable
CHAPTER 7: Ihaw, Welcome Party!
CHAPTER 8: You're MINE!
CHAPTER 9: King of Jaguars
CHAPTER 10: Shaine Jana
CHAPTER 11: Feelings and I
CHAPTER 12: What Happened?!
CHAPTER 13: The Reason
CHAPTER 14: Revelation (PART 1)
CHAPTER 15: Revelation (PART 2)
CHAPTER 16: Revelation (PART 3)
CHAPTER 17: I'm Sorry
CHAPTER 18: His Family Background
CHAPTER 19: Harold Mick Adaipmil
CHAPTER 20: War is getting Near
CHAPTER 21: Mafia Ali/ The Enemy
CHAPTER 22: Two Weeks Later
CHAPTER 23: Missing You
CHAPTER 24: Ang KULIT!
CHAPTER 25: All of me
CHAPTER 26: Loving You
CHAPTER 27: Loving You (PART 2)
CHAPTER 28: The Result
CHAPTER 29: The Result (PART 2)
CHAPTER 30: The Game
CHAPTER 31: The Celebration
CHAPTER 32: First Monthsary
CHAPTER 33: First Monthsary (Part 2)
CHAPTER 34: Adaipmil Agents
CHAPTER 35: The Talked
CHAPTER 36 : Avoidance
CHAPTER 37 : The Kiss
CHAPTER 39: Jaguars VS. Eagles (PART 1)
CHAPTER 40: Jaguars VS. Eagles (PART 2)
CHAPTER 41: When Jaguars Get Drunk
CHAPTER 42: Birth Date
CHAPTER 43: Party and Plans
CHAPTER 44: Hold my Hand
CHAPTER 45: Love and Tears (PART 1)
CHAPTER 46: Love and Tears (PART 2)
CHAPTER 47: Love and Tears (PART 3)
CHAPTER 48: My Suitor, My Lover
CHAPTER 49: He's Trained
CHAPTER 50: Her Shield (PART 1)
CHAPTER 51: Her Shield (PART 2)
CHAPTER 52: Ali's Vengeance (PART 1)
CHAPTER 53: Ali's Vengeance (PART 2)
CHAPTER 54: Make them Safe
CHAPTER 55: Bullet of Love (PART 1)
CHAPTER 56: Bullet of Love (PART 2)
CHAPTER 57: Bullet of Love (PART 3)
CHAPTER 58: The Letter
CHAPTER 59: Two Years Later
CHAPTER 60: YOU ARE MINE FOREVER
CHAPTER 61: The Reception
CHAPTER 62: Body and Soul as ONE
CHAPTER 63: Life With You
CHAPTER 64: When Mrs.Wright Conceive!
CHAPTER 65: This is Not the END
Epilogue
KBAYM Frequently Asked Questions (FAQ's)
PASASALAMAT ni YNA
KBAYM SPECIAL CHAPTER
PUBLISHED BOOK

CHAPTER 38: Preparation

193K 4.1K 245
بواسطة MissWordsworth21

Kiss Back and You're Mine is available in Shopee and Lazada for php. 160 ONLY.

What are you waiting for? Add to cart na and check it out!

Please visit Psicom Publishing Inc. shop.

Thank you so much for your unending support!

-------------

Tristan's POV

"SUS 'YAN ba ang magaling?" narinig kong sabi ni Elvin. Nandito kami ngayon sa Jaguars quarter pinapanuod namin ang huling laro ng Adaipmil University. Pinag-aaralan namin ang bawat kilos nila.

"Mas magaling pa akong shooter dyan e." pagmamayabang naman ni Jason, aba nagmamayabang na din ang gago, palibhasa inspirado.

"Palagay ko ngayon pa lang talo na sila, pagwapuhan pa lang wala na silang gawa e, di ba?" sabi naman ni Johnny sabay, apir pa kay Joel. Tapos sabay silang tumawa.

Napapangiti na lang ako sa kayabangan ng mga gago.

Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa flat screen TV. Di maipagkakaila ang husay ng Adaipmil University sa larangan ng basketball. Halos sa number na lang namin sila tinatandaan dahil puro Adaipmil ang apelyido ng mga players, ilan ba ang pinsan ni Hannah? Puro lalaki lang ba mga pinsan nya?

Nalaman namin na wala pang talo kahit isa ang Eagles, kami din naman, sa nakikita ko ngayon sa laro nila palagay ko mahihirapan kami. Dahil bawat kilos ng mga paa nila pinag-iisipan nilang mabuti, pati na rin ang dribble technique, same with their passing the ball.

"Hoy Turner, laway mo tumutulo wag mo masyado pagnasaan ang players ng Eagles aba!?" maya maya ay.narinig kong sabi ni Xevier.

"Bwahaha oo nga Turner sinong crush mo sa kanila? Ang lagkit mo kasi makatingin e hahaha" dagdag pa ni Miller. Aba't mga gago 'to ah!

"Bakit Montereal at Miller selos kayo? 'Yaan nyo sa inyo lang ang katawan ko kaya wag na kayong magselos sa Eagles kung tingnan ko man sila ng malagkit" pang-asar ko din at nginisian sila.

"Bwahaha wengya may di ba kami alam sa inyong tatlo?" tanong ni Howard.

"Tang*na Turner, kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo!" asar na sabi ni Xevier.

"Gago ka Turner, sarap mong ibaon ng buhay" sabi naman ni Miller.

Nagtawanan kaming lahat maliban kay Xevier at Miller, pikon na pikon ang mukha ng dalawang gago hahaha.

"Enough assholes!" maya maya ay narinig naming sabi ni captain, mabilis pa sa alas kwatro na tumikom ang bibig ng lahat. At binalik na ulit ang tingin sa malaking tv na nasa harap namin.

Si Zachary Adaipmil ang team captain ng Eagles, medyo serious type of person din sya. Tss.

"Ok Jaguars listen up!" sabi ni coach at tumayo sa unahan naming lahat tapos na ang pinapanuod namin.

"We all seen, how the eagles play a game, smooth and clean at kapansin.pansin ang husay ng bawat isa sa kanila alam ko na walang dahilan para kabahan kayo dahil alam nyo na sa sarili nyo na magaling kayo, we will make sure and prepare more that we may be able to win against them, are you ready?"sabi pa nya.

"Ito na ang hinihintay ko, magandang laban! " sabi ni Anthony.

"Sigurado ako mag-e-enjoy tayo sa game na 'to!" sabi naman ni Xevier.

"Okay so I'll give you 30 minutes to prepare and let's proceed to the gym." anunsyo ni Coach.

"Yes coach!" sagot naming lahat. At sabay sabay na kaming nagsitayuan at naghanda.

--------------

Rea's POV

AYOS may game ulit ang Jaguars, pera na naman ito. Balita ko sa Adaipmil University din gaganapin ang game. Hmmm kung magtinda kayo ako sa loob ng gym ng hopia, mani, mais, popcorn? Aba ayos 'yon dagdag kita.

BZZZZZZZZZTT

Biglang nagvibrate ang Nokia 3210 ko. Oo meron pa rin nito, feeling ko nga ako na lang sa mundo ang gumagamit nito e. Feeling ko lang naman.

Wag nyong tawanan ang cellphone ko, kahit luma na 'to karamay ko 'to sa lahat ng oras. Di ko nga lang nilalabas kapag kasama ko si mylabs, baka kasi ma-turn off, tatlong taon ko kaya 'yon tinurn on tapos mao-off lang?

Binasa ko kung sino ang nagtext, baka isa sa mga client ko. Naks lakas maka-client 'no? Tama nga ako isa nga sa mga kliyente ko.

From: Joys

Ui Rea, 'asan ka na? Ang handouts ko?

Aba maghintay ka, naglalakad pa ako ngayon papunta sa gym, aba syempre gusto ko munang makita si Johnny mylabs ko para kumpleto ang araw.

Di ko na sya ni-replyan, magkikita din naman kami sa room. Tinitipid ko nga ang load ko para kay Johnny mylabs ko kaya snobera ako sa text.

Teka tama ba ang nakikita ko? May mga nagpa-practice na ng cheerings? Ang alam ko suspended ang mga cheerers kasi nakipag away sila before the game of Jaguars last time kaya nga wala kaming kasamang cheering squad nung time na 'yon e, dahil wala sila.

I think, bad news ito para sa'kin, baka hindi na magpa-cheer ang jaguars sa'kin dahil andyan na ang cheering squad ng Montereal University. Anak naman ng tokwa o!

E kung awayin ko silang lahat para masuspend ulit sila? Teka, edi nasuspend din ako? Langya bawas kita ang mga babaeng ito sa'kin ngayon.

Di ko na lang sila pinansin, nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad, mauuna kong madadaanan ang Jaguars headquarter bago ang gym. Pero sa gym na lang ako tumuloy. Pagpasok ko sa loob si coach lang ang nandito.

"Good morning Coach!" masayang bati ko.

"Uy! Rea Good morning din!" bati din nya, maya maya pa narinig ko na ang ingay ng jaguars, hanggang sa makapasok sila dito sa loob.

"Wohohohoy! Hello Rea, good morning!" bati nila sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanila, mamaya ko na sila chichickahin si mylabs muna. Asan na ba 'yon?

Maya-maya pumasok na din sya kasabay si Joel. Tae eto na naman ang puso ko nagkakagulo, parang nagslow-mo pa ang pagpasok nya.

I smiled at him nang makalapit sya.

"Hinihintay mo ako mylabs?" tanong nya, after nya akong i-kiss sa pisngi. Takte kinikilig ako.

"Isa na lang naman ang hinihintay ko mylabs, ang maging parents ko din ang parents mo." Biro ko.

"Anak ng walang kupas ang mga banat ni Rea oh! hahaha kasalan na 'yan" sigaw ni Tristan. Narinig pala nila.

"Hoy Spencer oh gusto na daw maging parents sina tita! hahaha" sigaw naman ni Alfred.

Tiningnan ko si mylabs ko, seryoso ang mukha nya. Anong nangyari dito?

"Mylabs, okay ka lang?" tanong ko, tapos bigla nyang tiningnan yung sapatos ko. Yumuko naman ako para tingnan din 'yon, I wore rubber shoes pink, bigay lang to ni Hannah sa'kin.

Nagulat ako ng bigla syang umupo at hawakan ang sintas ng sapatos ko.

"Can I tie your shoes 'cause I don't want you falling for anyone else." sabi nya habang nakatingala sa'kin at nakatingin sa mga mata ko. There is a smile on his lips.

"Put*ngina marunong ng bumanat si Spencer oh! Hahahaha!" narinig kong sigaw ni Xevier. Pero di ko sila pinansin, nakatulala lang ako kay Johnny mylabs ko. Shemay kinkilig ako. Tumayo sya at hinawi ng bahagya ang buhok ko. Then he gave a peck on my lips.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. Feeling ko hihimatayin na ako anumang oras simula ngayon.

"See you later mylabs." maya maya ay sabi ni mylabs pero tulala pa rin ako.

"Paktay ka Spencer nawala na sa sarili 'yang girlfriend mo hahaha!" narinig kong sigaw ng ilang jaguars. At doon na ako natauhan.

Tiningnan ko sila. Di ko alam kung ngingiti ba ako o ano.

"Ah sige mylabs, my klase pa ako." sabi ko na lang kay Johnny.

He smiled at me. I smiled back.

"Gusto mo hatid muna kita sa class mo?" tanong nya.

"W-wag na my labs okay na ako hehe" Langya ang lakas ng tibok ng puso ko. "Sige mauna na ako, kita na lang tayo mamaya" paalam ko at tuluyan ng umalis ng gym.

-----------------------

Hannah's POV

MAY PRACTICE ngayon ang Jaguars pero sabi ni Coach okay lang daw na umatend muna kami ni Tina ng class, kaya 'andito kami ngayon sa classroom at hinihintay na lang ang pagdating ng professor.

"Hannah banyo lang ako h.a" maya maya ay sabi ni cous.

"Samahan na kita."

"Ah hindi na cous, madali lang ako, babalik din ako agad."

"Okay sige, dalhin mo yung cellphone mo, I'll text you na lang kapag dumating na si prof" sabi ko na lang.

Umalis na si Tina. Napansin ko lang parang may tinatago siya sa'kin. Actually silang dalawa ni Xevier, they were acting so weird. Nagkibit balikat na lang ako. Kinuha ko ang bag ko, hinahanap ko ang cellphone ko baka nagtext na si hubby ko. 'Asan na ba 'yon?

Nagulat ako nang may biglang umupo sa tabi ko which is upuan ni Tina, pagtingin ko, lalaki, teka parang pamilyar sya, saan ko nga ba sya nakita?

Tiningnan kong mabuti ang mukha nya, naka-side view sya sa'kin kaya di ko agad ma-distinguish kung sino sya.

"Didn't you know that staring to someone is kinda rude?" sabi nya without looking at me

"Excuse me?" napapataas ang kilay ko sa kanya.

"Dadaan ka ba?" tanong nya. Aba't gago pala 'to e!

Bago pa ako makasagot pumasok na si prof. Pero wala pa rin si cous. Asan na 'yon? Tiningnan ko lang ang lalaki na nakaupo sa upuan ni Tina. Teka nga lang, don't tell he's our new classmate?

"Mr.Kyler Clayton" tawag ni prof. Agad naman tumayo ang lalaki, at tumayo sa unahan.."Please introduce yourself"

"Kyler Clayton, transferee." sabi nya tapos naupo na ulit. Pamilyar talaga sya sa'kin.

"You're more beautiful when you're smiling rather than crying." bulong nya ng makaupo ulit sya.

"What?" I asked, naguguluhan na ak------ Teka, ibig sabihin sya yung----

"Yeah that's me, crying lady." he said with a playful smile on his lips..

"So you are the one who gave me a handkerchief?" I asked.

"The one and only" he said tapos ginulo nya ang buhok ko.


Napalingon ako do'n sa biglang umubo, then I saw Tina.

"Excuse me, but that's my chair" she said at nakatingin dun sa lalaki na nakaupo sa upuan nya.

"Oh! I'm sorry" sabi nung Kyler tapos lumipat sa kabila sa tabi ko.

Binigyan ako ni cous ng nagtatakang tingin. Nagkibit balikat lang ako.

----------------------

Greshel's POV

BUSY ang ilan sa mga estudyante dito sa Montereal University dahil sa nalalapit na laban ng jaguars, napapabalita kasi ngayon na malakas daw ang makakalaban ng team kaya naman susurportahan sila ng buong school.

Naglalakad na ako papunta sa building ng first class ko. Medyo inaantok pa ako kasi ang daming customer kagabi sa bar, kaya late na ako nakauwi. Nabasa ko pa nga ang note ni Jason sa table kanina nung magising ako dahil wala na sya. At base dun sa note nya, parang medyo galit sya. Bakit kaya? Dahil ba late na ako nakauwi? Ewan kakausapin ko na lang siguro sya mamaya.

Malapit na ako sa building ng mapansin ko ang ilang estudyante, parang may nag-aaway. At dahil nahawa na ako kay Jason sa pagiging concern citizen nya in short tsismoso lumapit ako dun sa kumpulan ng mga estudyante.

"Ang kapal mong lumapit kay Tristan eh hindi ka naman maganda!" narinig kong sigaw ng isang babae mula doon sa kumpulan, lumapit pa ako at nakisiksik.

"At sinong gusto mong lumapit? Ikaw? Hoy kahit maghubad ka sa harap ni Tristan baby, di ka no'n papansinin at anong sabi mo? Hindi ako maganda? E kung di pala ako maganda, e paano ka na?" teka boses ni Mych 'yon ah. Nang makasiksik ako ng tuluyan, nakita ko si besh Mychiel, pinapalibutan sya ng limang babae.

"Aba't------" akmang sasampalin sya nung babe. Kaya hinawakan ko agad yung kamay ni girl. Kaya lang naramdaman ko na may sumabunot sa buhok ko, kaya nakipag-sabunutan na din ako. Nakita ko pa si besh na hila hila yung buhok nung dalawang girl.

Ano bang puno't dulo nito? Ewan mamaya ko na lang din aalamin.

------------------

Jason's POV

TAPOS na ang practice namin, kalalabas lang namin ng Jaguars headquarter at papunta na sa next class namin, kaya lang napansin namin na nagtatakbuhan ang ilang estudyante. Papunta doon sa HRM building.

"Anong meron? Fun run?" tanong ni Johnny.

"Baka naman may pa-games ang mga taga-HRM" sabi naman ni Elvin.

Pero dahil may pagka-concern citizen ako, hinarang ko yung isang estudyante.

"Miss anong meron?" tanong ko.

Parang nagulat pa yung babae nang tanungin ko sya.

"M-may nag-aaway daw sa HRM department at wala daw maka-awat" sagot nung babae, parang kinikilig pa sya.

"Parang di maganda ang kutob ko." narinig kong sabi ni Tristan, mukhang iisa ang iniisip namin, nagkatinginan kami at sabay tumakbo papunta sa dereksyon ng HRM department.

"Hoy mga gago sa'n kayo pupunta?" narinig ko pang tanong ni Xevier. Nilingon ko sila at tama nga ako, nakasunod sila samin. Malayo pa lang kami, tanaw na namin ang dami ng tao na nakapalibot..

"Kyaaah! Ang Jaguars"

"OMG ang ga-gwapo talaga nila!"

Sigaw ng ilang kababaihan nang makita kami, napalingon naman samin ang ilang estudyante kaya, habang papalapit kami sa mga nag-aaway, nahawi ang ilang estudyante at binigyan kami ng daan.

Medyo naningkit pa ang mata ko ng makita ko si Greshel na nakikipag-sabunutan, ganun din si Mychiel, mukhang di pa nila kami napapansin kaya tuloy pa rin sila.

Tiningnan ko lahat ng Jagaurs, sa ganitong bagay di kami nangingialam dahil away babae 'yan, kaya naman, nag-crossed arm na lang kaming lahat at hinintay na matapos ang away nila.

Tiningnan ko si Greshel may ilang galos na sya,

Medyo nagulat pa sya ng makita ako, agad nyang inayos ang sarili nya, ganun din si Mychiel at ang mga babaeng kaaway nila.

"Are you through? Did you girls enjoy you're fvcking show?" tanong ni Capatin. Oo 'andito din sya.

"Let's go assholes" sabi pa nya at tumalikod na. Sumunod na sa kanya ang ilang jaguars.

Nilapitan ko naman si Greshel at hinila sa kamay..

"Captain I'll ditch the class!" sigaw ko.

"Go on, talk to your girl" sigaw din ni captain dahil naglalakad na sila palayo. One thing na gusto ng jaguars kay captain ang pagiging maunawain nya para samin, kahit malupit 'yan may care pa din sya para samin.

Binuhat ko na si Greshel papunta sa parking area. We need to talk a lot.

-----------------------

Xevier's POV

WALANGYA ang tibay ni Greshel at Mychiel, sigurado ako sinasabon na nina Tristan at Jason yung dalawang 'yon.

Ang tagal naman ng babeng 'yon, kanina pa ako dito a!

Malapit na maglunch break at may usapan kami ni Tina baby na magkita, dahil pag-uusapan pa namin ang ilang bagay tungkol sa birthday ni Hannah, medyo nakakahalata na nga ang jaguars samin ni Tina e. Pero di namin pwedeng sabihin sa kanila ang mga gingawa namin, saka na lang namin sila kakausapin kapag okay na lahat.

Mga ilang minuto pa at dumating na sya.

"Ang tagal mo babae!" reklamo ko.

"Di ko kasi maiwan agad si Hannah" sagot nya."Saan tayo ngayon?" tanong nya. Tiningnan ko sya, lalo syang gumaganda sa pagdaan ng mga araw.

"Hoy monkey!" natutulala na pala ako..

"Bakit lalo kang gumaganda ngayon babae, may pinagpapagandahan ka bang iba ha?" tanong ko. Pero isang malakas na sampal lang ang isinagot nya sa'kin.

"Aray!" reklamo ko. .

"Wag ka nga monkey, ikaw lang sapat na.." sagot nya. I smiled.

"Tara na mahal kong babae." sabi ko at hinila sya sa kamay. "pag-usapan na natin ang kasal natin"

Akmang kukurutin nya ako sa tagiliran kaya hinuli ko agad ang kamay niya. I laughed.

-----------------------

Kyler Clayton's POV

Masaya akong malaman na classmate ko pala si crying lady sa ilang subjects ko. Nalaman ko na Hannah pala ang pangalan nya. Kaya naman kanina nung mapansin ko sya pagpasok ko sa classroom tumabi ako agad sa kanya. Di ko alam pero ang sarap sa pakiramdam kapag malapit sa kanya..

Nandito ako sa canteen ngayon at naghahanap ako ng vacant table. Napansin ko yung isang babae sa may dulo nag-iisa sya. Nilapitan ko sya.

"Hi can I share a table with you?" tanong ko.

Paglingon nya, kung siniswerte ka nga naman si Hannah pala 'to.

"Hi Hannah." bati ko.

Medyo nag-aalangan pa sya kung papansinin nya ako o hindi. Di ko na hinintay ang sagot nya, naupo na ako sa tabi nya at inumpisahan ko ng kumain.

"Reserved table 'to, pero dahil nakaupo ka na at inumpisahan mo na ang pagkain, may magagawa pa ba ako?" narinig kong sabi nya.

I just smiled at her at dahil punong puno pa ang bibig ko ng pagkain, pasensya ha kanina pa ako gutom e.

Medyo natawa sya sa itsura ko. Tinitigan ko sya.

"Didn't you know that staring to someone is kinda rude?" sabi nya. Natawa ako dahil line ko 'yon.

Tama ako mabait nga siya. Simple girl but elegant actions are still visible to her.

"I want to formally introduce myself, I'm Kyler Clayton. Nice meeting you once again crying lady" pakilala ko matapos ang ilang sandali.

"I'm Hannah Marie, but you can call me Hannah" sagot nya.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang mga bagay. Di ko na tinanong kung bakit sya umiiyak noong ujnang araw na nakita ko sya. She's friendly. At sa pag titig ko sa kanya ng matagal, may isang bagay akong naalala. Siya yung babae na nasa picture na binigay sa'kin dad.

God bakit ngayon ko lang napansin?

To be continued...

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
35.6K 1.1K 36
When the strong shimmer of light finally touched her fragile toe, she started to hope for miracles that can save her from distress she was caged. Kis...
469K 6.5K 16
[R-18] Ipinaglaban nina Ysabella at Fernan ang kanilang pagmamahalan at tila naging kapalit niyon ay ang pagkamatay ni Fernan matapos ang kanilang ka...