Aquarius (PUBLISHED UNDER IMM...

By allileya

396K 16K 2.4K

✨PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE✨ - Genevieve Hutton's life is almost perfect. She couldn... More

Surprise! Surprise!
Update
Aquarius
Book Covers
Dedication
Prologue
Chapter 1: Preparation
Chapter 2: Incipient
Chapter 3: Signs
Chapter 4: The Booth and Stranger
Chapter 5: Crying in the Rain
Chapter 6: Binx Cristobal
Chapter 7: Discover and Save
Chapter 8: Fact-Finding
Chapter 9: Solicitude towards Eve
Chapter 10: Nemesis
Chapter 11: A Life-and-Death Correlation
Chapter 13: Colloquy on AU
Chapter 14: Therapy
Chapter 15: The Dawn
Chapter 16: Rainbows and Sunshine
Chapter 17: Happiness in Disguise
Chapter 18: Graduation Day
Chapter 19: Mixed Emotions
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: Nervous Breakdown
Chapter 22: Her Decision
Chapter 23: Home
Chapter 24: Bombarded by Crowd
Chapter 25: Difficulties
Chapter 26: Press Conference
Chapter 27: Emotionally Distress
Chapter 28: Reanna Aguillard
Chapter 29: Overheard
Chapter 30: A Beginning to an End
Epilogue
Note
Announcement

Chapter 12: Drops of Fluid

5.8K 414 57
By allileya

THIRD PERSON

"Eve?" gulat ngunit mahinahon na bulalas ni Mrs. Hutton nang makita niya ang biglaang pagmulat ng mga mata ni Eve.

Dahan-dahan siyang tumayo saka pinunasan ang pisngi niyang natuyuan na ng luha. Tiningnan naman ni Mr. Hutton ang direksyon ng kamang hinihigaan ni Eve at gaya ng kanyang asawa ay gulat na gulat din siya nang makita niyang gising na ang kanilang anak.

Because of too much excitement, they walked slowly towards their daughter, hindi makapaniwala sa nasasaksihan nila ngayon. Nang makalapit sila at makita ng malapitan ang kanilang anak ay hindi na nila maiwasang mapaluha dahil sa galak.

"Our dear daughter..." Marahan na hinaplos ni Mrs. Hutton ang pisngi ni Eve. "Thank God you're awake. We missed you so much, sweetie."

Walang naging kibo si Eve sa lahat ng mga sinabi ng kanyang ina maging sa paghaplos nito sa kanyang pisngi. She's like a statue. Not moving, just staring blankly at the ceiling without even blinking her eyes.

Nagsimulang kabahan ang mag-asawa kaya hinintay nila itong mag-response man lang sa kanila. Paulit-ulit ding binabanggit ni Mrs. Hutton ang pangalan ni Eve pero parang hindi man lang ito naririnig ni Eve.

"Hon, call Dr. Aguillard... please."

"Okay. I'll be back." Mr. Hutton gave Mrs. Hutton a peck of kiss on her forehead.

Bago tuluyang lumabas ng kuwarto si Mr. Hutton ay tiningnan niya pa ng ilang segundo si Eve at ang kanyang asawa saka na patakbong tumungo sa opisina ni Dr. Aguillard. Mayamaya lang ay biglang bumukas ulit ang pinto at iniluwal nito ang hingal na hingal na si Mr. Hutton kasunod ang doktor na si Dr. Aguillard.

"Roe."

Agad nilapitan ni Mr. Hutton ang kanyang asawa saka hinawakan sa baywang. Hindi naman nakaimik si Mrs. Hutton at pagod niya lang tiningnan ang kanyang asawa.

"This is a good news. Genevieve is awake. Mas magiging madali na sa 'min ito."

Napatingin ang mag-asawa kay Dr. Aguillard nang bigla itong magsalita. Sinundan nila ito ng tingin hanggang sa suriin nito si Eve.

"She's still in shock. Normal lang ito sa mga pasyenteng matagal nakatulog. Hindi agad siya makaka-response o adapt sa kung ano man ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Usually, hindi naman magiging matagal ang recovery niya. Only one or two days," si Dr. Aguillard.

Kaya pala kahit anong gawin at salita nila kanina ay hindi man lang kumikibo si Eve, nakatitig lang ito sa kawalan at 'yon ang labis na ikinabahala ng mag-asawang Hutton.

"But, Doc, she's going to be okay, right?" Nanginginig si Mrs. Hutton. Hinimas naman ni Mr. Hutton ang likod niya para matanggal man lang ng konti ang takot at pag-aalala nito sa kanilang anak.

"Of course, she is, ma'am. Now that she's already awake, we're going to monitor her every hour."

"Thank you, Doc," Mr. Hutton.

Tumango lang si Dr. Aguillard sa kanya at nagpaalam na itong umalis. Lumapit ang mag-asawa sa kamang hinihigaan ni Eve at pinagmasdan nila ito nang mabuti. Kung titingnan si Eve ay masyadong napakaamo ng mukha nito at parang walang problemang iniinda. Sobra-sobra na silang naaawa sa anak nila at wala man lang silang magawa para maibsan man lang ang nararamdaman nito. All that they could give is their time and presence to Eve.

Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin kumikibo si Eve. Sa bawat pagkurap ng kanyang dalawang mata ay katumbas ng hindi maipaliwanag na nararamdaman ng mag-asawa. Sinubukan din nila itong pakainin pero nang maabutan sila ng doktor ay agad silang pinatigil nito dahil hindi pa puwedeng pakainin ang pasyenteng nasa state pa ng shock. Tinuturukan na lang nila ito ng gamot para kahit papaano ay may nutrients pa rin na makuha si Eve.

Sa pagsapit ng gabi ay maagang pinikit ni Eve ang kanyang mga mata. Kinabahan ulit ang mag-asawa kaya binantayan nila ito mag-damag pero sa pagsapit ng umaga ay nagising ulit ito na parang isang normal na tao lang kapag natutulog. Pero sa kalagayan ni Eve, iba ito. Matutulog at gigising siyang walang pakiramdam at hindi alintana ang kanyang kalagayan. Para siyang isang manika na namamanipula ng mga makinang nakakabit sa kanya at ng utak niya.

Tinawagan ng mag-asawa si Reanna para sabihing gising na si Eve at para makapunta siya rito para bisitahin man lang ang kanyang best friend. Gulat man si Reanna sa kanyang nalaman, kailangan niya pa ring puntahan ang kanyang matalik na kaibigan para hindi siya pagdudahan ng mag-asawang Hutton.

Sa kabilang banda, nalaman ng buong paaralan ang tungkol kay Eve at balak nilang bisitahin ito. Abala ang lahat sa pag-iisip ng kung anong ibibigay nilang regalo kay Eve at napansin ito ni Reanna. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang maramdaman niya sa mga oras na ito.

"Uy, Reanna, pupunta ka rin ba sa ospital para bisitahin si Eve?" nakangiting tanong ng isang estudyante kay Reanna.

"Of course. She's my best friend. And Tita Monroe said that she's already awake-" Natigil sa pagsasalita si Reanna nang mapagtanto niya kung ano 'yong sinabi niya. Babawiin niya sana ito pero huli na.

"Guys! Tamang-tama ang punta natin! Gising na raw si Eve!"

Umalingawngaw sa buong hallway ang boses ng estudyanteng kausap niya lang kanina. Dahil 'don, lalong naging maingay ang hallway na siyang lalong ikinainis ni Reanna.

"Bobo!" she mumbled to herself as she closed her eyes tightly.

The noise is killing her and worst... dahil iyon sa so-called best friend niya. It really annoys her to know that everyone in their school are worried to Eve. And now, they are even preparing to visit Eve in the hospital.

"New haircut, huh? Nice."

Napapitlag siya dahil sa biglaang pagsulpot ng isang lalaki sa kanyang harapan.

"Damn it. You scared me to death," reklamo naman ni Reanna sa lalaking kaharap niya ngayon.

"Oh, really? I thought you're not afraid to death."

Reanna gritted her teeth, "And why do you say so?" As she raised her left eyebrow.

"Because... I like tough girl like you." Kumindat sa kanya ang lalaki at hindi niya maiwasang mandiri dahil sa inasal nito.

"Gross. You're not my type."

Bago pa man siya makahakbang ay narinig niya na ang nakakainsultong halakhak nito kaya naman napapikit na lang siya ng mariin saka ulit humarap sa lalaki.

"Will you stop laughing? It annoys me! Ugh! Everyone in this goddamn school annoys me! Damn it! I hate this freakin' school!"

"Woah! Huwag mong lahatin, Reanna. It's just me."

Namilog ang mga mata ni Reanna nang marinig niya ang pangalan niyang binanggit nito.

"Who are you? Why do you know my name?"

"Devon Hussein at your service," the guy proudly introduced himself.

"Baka Demon? Tsk. What a hideous name."

"Demon? Hmm... Demon plus You equals Demonyou! Yiieee, kinilig siya, oh?" Tumawa ulit ng malakas ang lalaki na nagpakilalang Devon dahil sa kalokohang sinabi niya.

Tumigil lang siya sa pagtawa nang mapansin niyang seryosong nakatingin sa kanya si Reanna habang nakapamaywang.

"Funny?"

"Hell yeah!"

Ilang minutong nagtitigan ang dalawa habang nagpipigil ng tawa si Devon.

"Funny, huh?" ulit ni Reanna saka siya yumuko.

"Hey, what are you doing?" Natatawa ngunit kinakabahang saad ni Devon habang tinitingnan niya ang pag-alis ng sintas ng suot nitong sandals. Dahan-dahan siyang napaatras nang mapansin niyang natanggal na ni Reanna ang kanyang sandal.

"Run!" sigaw ni Reanna saka siya tumakbo patungo sa direksyon ni Devon.

Napatakbo si Devon ng wala sa oras at hindi niya maiwasang matawa dahil sa corny'ng inaasal ni Reanna. Worst is, it's because of his stupid and cringe-y remarks.

"Fucking shit! Tabi!" si Devon na kanina pa natatawa, hinahawi ang mga taong humaharang sa nadadaanan niya.

"Tangina mo, Demon! Bumalik ka rito! Makakatikim ka talaga sa 'kin! Leche ka!"

Narinig niya ang nanggagalaiting sigaw ni Reanna kaya lalo lang siyang natawa habang tumatakbo pa rin.

"Kung maabutan mo ako!" 

"Maaabutan kita, you asshole!"

Napapikit na lang si Devon dahil sa lakas ng sigaw ni Reanna. Ramdam niyang malapit na ito sa kanya kaya lalo niyang binilisan ang pagtakbo niya.

"By the way, I love your hair! It suits you!" Aba't nagawa pa rin bumanat ni Devon.

Nang hindi na maramdaman ni Devon ang presensiya ng taong humahabol sa kanya ay tumigil na siya sa pagtakbo. Huminga muna siya ng malalim saka tumingin sa direksyong dinaanan niya. Napangisi siya nang makita niya si Reanna na nakatayo sa kalagitnaan ng open field habang nakatingin sa kawalan. Naglakad si Devon papunta sa kinaroroonan ni Reanna at palihim niya itong kinuhanan ng litrato gamit ang cell phone niya.

"Boo!"

"AAAHHHH!" tarantang nagsisisigaw si Reanna dahil sa gulat at agad niyang pinaghahampas ng sandals si Devon.

"Aray! Teka, sandali! Langya! Aray!"

"Buwisit ka! Buwisit ka! Ikaw palang ang pumuri ng ganoon sa 'kin! Tangina mo!" si Reanna habang patuloy pa rin sa paghampas kay Devon na ginagawang panangga ang dalawa niyang kamay.

"Ano?! Teka- Aray! Shit! Ugh!" Napaupo na sa damuhan si Devon at agad naman siyang sinunggaban ni Reanna saka sinakal.

"Damn you! Pinagod mo ako! Leche ka! Ano? Papalag ka pa?! Sagot!"

Napapikit si Devon dahil sa pagsakal sa kanya ni Reanna at hindi na rin siya makahinga ng maayos kaya ginamit niya ang kamay niya senyales na sumusuko na siya at panalo na si Reanna.

"What are you doing?"

Reanna froze. Hindi niya magawang makapalag nang marinig niya ang pamilyar na boses sa likuran niya.

"Ice, Ice baby~ Teka, Shit! Buti dumating ka. Tulungan mo naman ako rito, oh? Tinu-torture ako ng demonyong ito! Grabe! Mas lalaki pa ito sa 'kin, eh!" si Devon habang nakatingin kay Ice na parang nagmamakaawa, but Ice just raised her left eyebrow, slowly getting annoyed at the situation.

Binaling ni Ice ang tingin niya kay Reanna saka ito sinuri. Hindi niya ito makilala dahil nakatalikod ito sa kanya at masyadong maiksi ang buhok nito na parang isang lalaki.

"Would you mind if you get off to Devon, miss?" malamig at may halong inis na saad ni Ice kay Reanna na hanggang ngayon ay nakadagan pa rin kay Devon.

Huminga ng malalim si Reanna saka padabog na umalis mula sa pagkakadagan niya kay Devon. Pinagpagan niya ang suot niyang pantalon saka inayos ang sandals niya.

"Fucking shit! Napakabrutal ng babaeng iyan, Ice! Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kanya tapos bigla ba naman akong sugurin!" sumbong naman ni Devon kay Ice pero nakatingin lang si Ice sa babae dahil parang nagiging pamilyar na ito sa kanyang paningin.

Hinintay ni Ice na matapos si Reanna sa kanyang ginagawa. Reanna sighed once again before facing the two boys.

She gave them a fake smile, "Being friends with me in a maniac way? Nah. Bagay lang 'yan sa 'yo. Tss."

"What the hell?! Ako manyak? Tangina! Sa gwapo kong ito, manyak?! Excuse me, Reanna! Are you blind?" pagwawala ni Devon dahil natapakan ni Reanna ang ego niya.

"You're not handsome. You're ugly. I'm not blind. I'm just stating the fuck. And you're a demon." Tinalikuran siya ni Reanna.

"Based on what I remember, you're a flirt. Kaya bakit ka nagagalit kung nakikipagkaibigan sa 'yo si Von in a maniac way? Don't you like it?"

Napatigil si Reanna at hindi niya maiwasang magulat dahil sa sinabi sa kanya ni Ice. Aminin niya man o hindi ay tinamaan siya sa sinabi nito.

"Boom! Basag!" pang-aasar pa ni Devon saka siya humalakhak ng malakas.

Napapikit ng mariin si Reanna saka niya kinuyom ang dalawa niyang kamay dahil sa galit na bumabalot sa kanya ngayon. Ngayon lang may nakapagsabi sa kanya na malandi siya at galing pa iyon sa taong gusto niya. Masyadong nakakapangbaba sa dignidad niya bilang isang babae.

"Let's go."

Napamulat si Reanna nang marinig niya ulit ang pagsalita nito. Gusto niya sanang pigilan ito at ipamukha na hindi siya malandi pero ayaw niya ng gulo. Pupunta pa siya ng hospital kaya dapat maging good mood siya.

"Shit! Thanks, bro! You're amazing! Pero hindi ba parang nasobrahan naman yata iyong mga sinabi mo? Well anyways, bagay lang iyon sa kanya! Hmp! Napakabrutal!"

Narinig ni Reanna ang sinabi ni Devon pero pinagsawalang-bahala niya na lang iyon. Humarap siya at nakita niyang naglalakad na palayo sa kanya sina Ice at Devon. And while watching them walking slowly, a tear escaped from her eyes. Agad niya itong pinunasan saka na umalis sa open field.

"Bro, good news. Gising na si Eve!" si Devon sa gitna ng paglalakad nila.

"I know."

"Oh. Ano pa nga bang aasahan ko sa ultimate stalker ni Eve?" Tumawa ng malakas si Devon saka niya inakbayan si Ice. "I salute you, bro! Iba ka!"

"Shut up." Tinanggal ni Ice ang kamay ni Devon na nakaakbay sa kanya.

Habang tumatawa si Devon ay pasimple niyang tiningnan ang direksyon kung saan nakatayo si Reanna kanina at nakita niyang naglalakad na ito palayo. Pinagpatuloy niya na lang ang pagdaldal kay Ice hanggang sa makarating sila sa parking lot ng school nila.

Sa kabilang banda, nakarating si Reanna sa ospital na hindi pa kumakain. Nasa hallway palang siya ay may mga naririnig na siyang nag-uusap tungkol sa kalagayan ni Eve. Nagbingibingihan na lang siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungo sa kuwartong kinaroroonan ni Eve. Nang malapit na siya rito ay huminga siya ng malalim saka isinuot ang pekeng ngiti pero agad din itong nawala nang makita niya sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Eve ang mga ka-schoolmates nila.

Napangisi na lang siya ng mapakla saka umiling-iling bago niya ito tinalikuran. Tumakbo siya palabas ng ospital habang patuloy na bumabagsak ang mga luha niya.

Samantala, sa loob ng kuwarto ni Eve ay hindi na mapakali ang mag-asawa dahil sa biglaang pagbisita sa anak nila ng mga ka-schoolmates nito. Sa pagkakaalala nila, si Reanna palang ang napagsabihan nila tungkol sa kalagayan ni Eve. Hindi nila ito inasahan. Masyadong masikip ang kuwarto ni Eve para sa ganito karaming bisita. Lalo lang nadadagdagan ang carbon dioxide sa loob at iniisip nila na hindi ito magiging mabuti para sa kalagayan ni Eve.

"Uhm, excuse me. Pwedeng huwag niyo na munang galawin si Eve? Baka kasi atakihin na naman siya. Kausapin niyo na lang siya pagkatapos ay ilapag na lang ninyo sa sahig ang mga dala ninyo para sa kanya. Okay ba iyon?" pagpapaliwanag ni Mrs. Hutton sa mga estudyanteng nagkakandarapang makalapit sa anak nila. Puno na rin kasi ang lamesa sa mga bulaklak, prutas at munting regalo nila kay Eve.

"Opo," magalang na sagot naman sa kanya ng ilang estudyante.

"Thank you." Naupo na lang ulit sa upuan si Mrs. Hutton saka hinilot ang kanyang sentido. "Ikaw na munang umasikaso sa kanila. Sumasakit na naman ang ulo ko." Nakapikit na sabi ni Mrs. Hutton sa katabi niyang asawa.

Tumayo si Mr. Hutton sa kinauupuan nito at lumabas. Mayamaya lang ay bigla na lang tumahimik ang buong paligid kaya napamulat bigla si Mrs. Hutton. Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang asawa.

"Anong nangyari?" pagtataka ni Mrs. Hutton.

Ngumiti ang kanyang asawa saka lumapit sa kanya, "Pinaalis ko na muna sila."

Mrs. Hutton smiled as she nodded her head. "Thank you." Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang asawa saka pumikit sandali. Hindi pa nagtatagal nang mapaalis ni Mr. Hutton ang mga estudyante at ang pag-idlip ni Mrs. Hutton nang may kumatok ulit sa pinto. Dahil 'don ay napamulat ulit si Mrs. Hutton.

"Ako na," presinta ni Mr. Hutton para buksan ang pinto.

Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Devon habang may hawak na prutas at ang usual na poker face ni Ice habang may hawak na bulaklak.

"Another schoolmate or classmate of Eve? I'm sorry but we're not-"

Ice cut Mr. Hutton off, "Pardon, Mr. Hutton, but we're Eve's friends and we're here to visit and give her these. Please let us."

Tinitigan sila ni Mr. Hutton ng ilang sandali saka napabuntong-hininga.

"Name?"

"Ah, I'm Devon Hussein, Sir and this is Ice- I mean, Binx Cristobal," pagpapakilala ni Devon kay Mr. Hutton.

Kumunot naman ang noo ni Mr. Hutton nang marinig niya ang pangalang Binx saka niya ito tinitigan ng mabuti.

"Ah. I remember you. Ikaw iyong tumulong sa anak namin two weeks ago, right?" 

"Yes, Sir. My pleasure."

"Pasok kayo. Akala ko pa naman kung sino na. Mabuti't napadaan kayo rito."

Pumasok sila sa loob at nakita agad ni Ice si Eve. Bigla siyang kinabahan at nalungkot sa kalagayan ni Eve.

"Hon, si Binx at Devon. Siya 'yong tumulong sa anak natin," nagagalak na sabi ni Mr. Hutton sa asawa niyang nakaupo habang tinuturo si Ice.

Napatayo naman agad si Mrs. Hutton at binati ang dalawang lalaki.

"Mabuti't nakadalaw kayo. And oh, by the way, thank you for helping our daughter," Mrs. Hutton said.

Nginitian lang sila ni Ice dahil hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan ang mga magulang ni Eve.

"Ay, ito po pala para sainyo- I mean, sa anak niyo po." Nilahad ni Devon sa kanila ang dala niyang prutas. Sunod namang binigay ni Ice ang bulaklak.

"Salamat, salamat. Lapitan niyo si Eve at subukan niyong kausapin. Baka marinig niya kayo," si Mrs. Hutton uli.

Naunang naglakad si Ice patungo sa kamang hinihigaan ni Eve habang diretsong nakatingin dito. Nasa likod niya lang si Devon at pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanyang kaibigan. Natigil lang sila sa paglalakad nang tuluyan na silang makalapit kay Eve. Pinagmasdan ni Ice si Eve mula ulo hanggang sa may paa at napansin niya ang laki ng pinagbago nito. Ilang minuto ang lumipas ay nakatingin lang si Ice kay Eve habang mulat ang mga mata nito at hindi man lang kumikibo.

"Bro, ano na? Tutunganga na lang tayo rito?" Devon whispered out of nowhere.

Agad naman siyang tinitigan ng masama ni Ice.

"Sabi ko nga 'don muna ako sa may gilid." Napakamot na lang sa kanyang ulo si Devon saka pumunta malapit sa kinauupuan ng mag-asawang Hutton at pinagmasdan na lang si Ice.

Lumipas ang ilang minuto ay ganoon pa rin ang ayos ni Ice. Nakatayo lang ito at nakatingin kay Eve. Wala man lang marinig ang mag-asawang Hutton at si Devon na mga salita galing sa kanya. Ngunit, nagtaka sila nang bigla na lang yumuko si Ice at itinapat nito ang kanyang bibig sa tainga ni Eve pagkatapos ay saka ito mabilisang naglakad palabas ng kuwarto na parang wala lang.

Napamura na lang si Devon ng mahina dahil sa inasal ng kanyang kaibigan kaya siya na lang ang humingi ng paumanhin sa mga magulang ni Eve.

"Hoy, ano ka ba! Ano iyon? Anong sinabi mo kay Eve?" agad na tanong ni Devon kay Ice nang maabutan niya ito.

"Wala." Nagpatuloy lang sa paglalakad si Ice palabas ng ospital.

Padabog siyang sinundan ni Devon at hindi na nagsalita pa.

"Ano kayang sinabi niya?" kuryoso si Mrs. Hutton.

Napakibit-balikat na lang si Mr. Hutton saka na ulit binaling ang tingin sa anak nila. Agad kumunot ang noo niya nang may mapansin siyang kumikinang sa pisngi ni Eve. Nanliit ang mga mata niya para matukoy niya kung ano iyon.

"Hon," tawag ni Mr. Hutton sa kanyang asawa at sinenyasan itong lapitan nila si Eve.

As they get closer to Eve, that's where they saw clearly that their daughter is shedding tears.

Continue Reading

You'll Also Like

197K 13.4K 47
Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th year highschool, things have changed. St...
46.3K 405 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
2.4K 112 30
Luke went to Baguio for his college education, only to learn that the city is a melting pot of mystery and magic...
2M 6K 4
Saraya Kennedy Cruz was just a simple girl living her life peacefully. She has an undying love for a half-British guy named Chord Sebastian Harris. S...