Once A Love Story - #Wattys20...

Galing kay MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... Higit pa

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Thirteen

1.4K 55 9
Galing kay MicxRanjo

ALAS otso na ng gabi nang makauwi si Alvaro sa kanila. Dumiretso siya sa kusina upang kumuha ng maiinom na tubig, nadatnan niya roon ang asawang si Clarissa, nakatayo sa harapan ng mga bintanang gawa sa salamin.

Nakalugay ang mahaba at diretso nitong buhok na hanggang beywang. Nanatili rin ang balingkinitan nitong katawan kahit may tatlo na silang anak. Maputi at makinis ang balat nitong minana rin ng kanilang anak na babae. Kahit sa gulang na tatlumpu't walo, halos hindi tumanda ang itsura ng asawa, maganda pa rin ito at mayumi kung kumilos.

May kaya ang magulang ng asawa, dahilan upang piliin ito ng kanyang mga magulang upang kanyang mapangasawa. Tatawagin niya sana ito ngunit naudlot nang makitang may kausap ito sa telepono. Minabuti na lang niyang huwag muna itong istorbohin at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig.

"No, Guillermo! You're not welcome to my home, not before and not ever. Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa 'kin." Halata sa tinig ng asawa ang pagkabahala.

Napansin niya ang mahabang cable cord ng landline phone na hila nito, mukhang sadyang pinili nito ang pinakadulo ng kusina upang doon makipag-usap.

"Binabalaan kita, 'wag na 'wag kang magagawi sa pamamahay namin ni Alvaro at ng pamilya ko. Leave us alone."

Walang ingay siyang lumabas ng kusina, hindi siya dapat na narito. Habang patungo siya sa kanyang pribadong silid-akalatan at opisina, napaisip siya sa pangalang binanggit ng asawa, ilang taon na rin siyang walang balita sa nakatatandang kapatid ng asawa.

Dumiretso siya sa harapan ng kanyang working table, may binuklat na isang folder na nasa ibabaw at binasa ang nakasulat doon. Napatitig siya sa pangalang nakapirma sa isang kontrata, Enrique De Dios. Bahagya siyang nakaramdam ng panghihinayang sa nalaman. May balita na siyang mangyayari ito ngunit hindi niya akalaing ganito kaseryoso ang sitwasyon ng negosyo ni Enrique.

Sinabihan niya ang abogado ng kanilang pamilya na bumili ng pabrika para karagdagan sa kanilang negosyo. Ang gusto niya'y kilala na ng mga tagarito ang pabrikang bibilhin upang hindi na mahirapan ang mga ito sa bagong panuntunan, ngunit hindi niya akalaing ang pabrika ng De Dios ang binili nito.

Isinandig niya ang likuran sa itim na swivel chair, tumingala sa kisame at nakipagtitigan doon. Pagkuwa'y saglit siyang nagambala dahil sa sumagi sa kanyang isipan, naalala ang isang insidente kung saan niya mas naalala si Guillermo, iyon ay dahil din sa isang De Dios....si Katerina.

The name sounded like sharp fingernails scratching a board, it was unbearable to hear. He shut his eyes, resigned a sigh, composed himself and waved the thoughts away. He counted to ten and opened his eyes again. Another heaved of sigh was released.

"GUERRIER, kilala mo 'yong babaeng 'yon, 'di ba?" Nguso ng dalawampu't dalawang taong gulang na si Guillermo sa isang dalagang nakatayo sa harapan ng school cafeteria, nakapila upang bumili ng mamemeryenda nito.

Sinundan ni Alvaro ang tinukoy nito, saka lumambot ang kanyang reaksiyon nang masino iyon-si Katerina De Dios. She was one of the prettiest girls in their university, and a first runner up for Ms. Peñaflor City 1989.

Pansinin ang dalaga dahil sa maputi at makinis nitong balat, matangkad sa taas na limang talampakan at anim na pulgada, matangos na ilong at hugis pusong mga labi, lalo pa sa maayos na pagkakapusod ng medyo wavy nitong buhok. Kulay rosas ang suot nitong bestida na may ruffles sa dibdib at laylayan, habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa dalawang librong nakadikit sa dibdib nito.

"Hoy, Guerrier, ipakilala mo ako sa kanya," untag ni Guillermo.

"A..." Inalis niya ang paningin sa dalaga. "Hindi puwede." Kay Guillermo siya bumaling.

"At bakit?" Kumunot ang noo nito, nagsalubong ang mga kilay. Malaking bulas si Guillermo, mas matangkad ito sa taas na anim na talampakan at mas malaki rin ang pangangatawan. Though he didn't look bad, he was quite intimidating.

"Mayroon na siyang kasintahan." Muli niyang tiningnan ang dalaga, nakatingin din ito sa kanya, ngumiti.

Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Just her smile alone was enough to make his day, and why not, Katerina's smile was contagious, and he couldn't help but watched her beautiful lips and her tiny dimple.

"Kayo, ano?" Siniko siya ni Guillermo.

Hindi siya umimik. Akmang tatayo na siya mula sa kinauupuang long bench sa rest area sa harapan ng cafeteria nang hiklasin nito ang kanyang braso.

"Is she good, you know?" Sabay ayuda ng balakang, habang nilaro ng dila ang loob ng bibig nito.

Biglang sumulak ang dugo sa kanyang ulo, sa isang iglap ay humagibis ang kanyang kamao sa mukha nito. "Gago, umayos ka," sa matigas niyang tinig.

"Aba't tarantadong 'to!" Tumayo ito at balak siyang kantiin nang matigilan dahil sa nakitang dugo na tumulo mula sa ilong nito. "Gago ka!" Nanlaki ang mga mata nito saka siya binigwasan.

Mabilis siyang umilag, lumayo pagkatapos. "Leave her alone. Disente siyang babae kaya huwag kang bastos." Saka na siya tumalikod, iniwanan itong nagpupuyos ang loob sa galit.



"ALVARO?" Pumasok si Clarissa at tinapik sa balikat ang asawa, bahagya itong nagulat nang makita siyang nakatayo sa tabi nito.

"Clari." Dumiretso ito sa pagkakaupo.

"Dumating ka na pala hindi ko man lang napansin. Kumusta ang trabaho?" Inilapag niya sa mesa ang dalang orange juice. "Heto o, magpalamig ka muna."

"Salamat." Kinuha nito iyon at tinungga ngunit hindi inubos, inilapag nito iyon pabalik sa mesa. "Hindi nga pala uuwi ngayong gabi si Caleb, sa Del Rio raw muna siya, bukas ng hapon na siya babalik."

"What? But why?" Tumaas ang kanyang tinig. Nakaramdam siya ng hindi maganda sa damdamin. "Sinabi ko na sa kanya na ayaw kong nagpupupunta siya roon, bakit ba hindi siya nakikinig sa akin?"

"Clari, lalaki ang anak natin, binata na at responsableng tao, hayaan mo na munang i-enjoy niya ang kanyang kabataan."

"Hindi iyon ang ikinababahala ko. Puwede naman siyang dito magsaya kung iyon ang habol niya, e bakit sa Del Rio pa?" Her eyes widened while explaining, an obvious upset showed on her face.

"At bakit hindi roon? Pareho tayong taga-roon. Naroon pa rin ang mansiyon ng mga magulang ko at kahit paano ay mayroon pa tayong sakahang natitira roon. Anong problema?"

Magsasalita pa sana siya ngunit naudlot dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Ano nga bang rason ang dapat niyang ibigay? At bakit nga ba siya nababahala? Huminga siya nang malalim saka marahang pinakawalan. Umiling.

"W-wala naman. Nagtataka lang ako kung bakit basta na lang siyang pumunta roon ng walang paalam. Hindi naman niya gawain iyon e."

"Tinawagan niya ako, at pinayagan ko siya. You need to let him go sooner or later, he's a grown-up man."

Napangiti siya. "But he's still and always be my baby."

Ngumiti rin ang asawa, napako ang kanyang pansin maging sa pagngiti ng mga mata nito. Kahit noon pa man, sadyang mapang-akit ang mga ngiti nito, sinasadya man o hindi. Isa si Alvaro sa mga hinahangaan ng mga kadalagahan noon, kabilang ang kanyang sarili.

Kilala ang mga Guerrier bilang mabubuting tao, matulungin at pilantropo. Anumang yaman mayroon ang mga ito ay ibinibahagi rin ng mga ito sa iba. Nag-iisang anak lang si Alvaro ngunit hindi iyon naging dahilan upang magmalaki at magyabang ito, sa halip ay sumunod din ito sa yapak ng mga magulang. Kung tatakbo sa pulitika ang asawa, sigurado siyang hahakutin nito ang boto ng mga tao.

"Hey." Napapitlag siya sa pagtawag nito.

"Hm?"

"You're spacing out." Isang mahinang tawa ang pinakawalan nito. "Baka ma-in-love ka na naman sa akin niyan, ha?" sa pabirong tinig.

Natawa rin siya. "Dati na, at hindi pa rin nagbabago, sana ay huwag mong kalimutan iyon, Alv."

Nabawasan ang pagngiti nito, naglaho ang sa mga mata subalit nanatili pa rin sa labi. Binalewala niya ang munting kurot na naramdaman sa dibdib at lalong tinamisan ang pagngiti. "How about dinner?"

"Please. Gutom na ako." Hinawakan nito ang tiyan at ipinakita sa kanya upang ipaalam kung gaano ito kagutom.

Mahilig sa pagtakbo ang asawa, at tumutulong din ito sa gawain sa sakahan, anihan at kung ano-ano pa kaya naman nanatili ang pagiging aktibo at kisig ng pangangatawan nito. Mas lalo lang itong naging matikas sa kasalukuyan nitong edad.

"Tara na sa kusina." Tumayo siya at naunang lumabas, sumunod naman ito.



NASINDIHAN na ni Caleb ang lampara saka isinabit sa pinakagitna ng kubo upang matanglawan ang bawat sulok. Naigala niya ang paningin dahil sa kapansin-pansing mga munting kurtina na kulay berde, nakasabit sa dalawang bintana na walang mga taping. Nangiti siya nang makita na may ruffles pa ang mga iyon.

Napansin din niya ang cooler na de-gulong, portable stove, mga meryenda, dalawang coffee mugs na babasagin, maliit na palayok at kaldero, dalawang china plate, mga kubyertos, at iba pang abubot pang-kusina. Natawa siya. Mukhang naging abala ito sa ilang araw nang hindi nila pagkikita.

"How do you like our love nest?" Imunuwestra nito ang isang kamay sa mga iyon habang nakangiti.

Natawa siya.

"What are you laughing at?" Kumunot ang noo nito, pinandilatan siya ng mga mata.

"It's cute. Parang..." Napakamot siya ng ulo, "Parang bahay-bahayan lang."

Itinaas nito ang isang kilay saka sumilay ang isang pilyang ngiti. "Hm, you tatay, me nanay. I like it." Tsaka siya kinindatan.

Mga mata naman niya ang nanlaki, ngunit tumawa lang din uli saka umiling. Napansin din niya ang isang berdeng sleeping bag na nakalatag na sa sahig, maayos na nakalatag ang dalawang unan at kumot roon. Tila nahiyang ibinaling niya sa iba ang mga mata.

Malakas na tawa ang narinig niya mula kay Erina kaya napatingin siya rito, nagtatanong ang mga mata.

"Can't you be any cuter? Oh my gosh!" Impit na tili nito na parang kinikiliti.

"Shh." Kanyang saway.

"By the way, are you hungry? I asked Juliet's mom to cook us some rice and adobong chicken, it's in the cooler, let's warm it up."

"Talaga? Ako na ang mag-iinit." Kumilos siya.

"Okay."

Sinindihan niya ang portable stove gamit ang butane gas nito, ininit sa kaldero ang kanin at sa palayok naman ang adobo. Natitigan niya ang malaking sandok na mas malaki pa sa palayok, natawa siya, hinablot ang kutsara at 'yon ang ginamit na panghalo.

"Hmm, ang sarap ng amoy." Erina took away his attention.

"Plato?" Nguso niya sa gawi ng mga iyon.

Mabilis itong tumayo saka kinuha ang dalawang pinggan at iniabot sa kanya. Hinati niya nang dalawahan ang mga pagkain, tinig-isa nila ang mga iyon.

"Chow." Tinanguan niya ito.

"Chow." Panggagaya naman nito.

"Let me do the dishes." Erina volunteered after eating.

"Bukas na, ipasok mo ang mga iyan dito sa basket at ilulubog natin sa tubig, bukas malinis na."

"Oh, okay." At inilagay ngang lahat ni Erina ang mga ginamit sa basket na gawa sa plastic net.

Kinuha iyon ni Caleb, bumaba sa creek at inulubog sa mababaw na tubig. Habang naroroon, pinili niyang magtampisaw saglit upang mapreskuhan siya kahit paano. Bahagya siyang nagulat nang marinig ang pagyapak ni Erina sa tubig.

"Ay, madaya, hindi nag-invite." Hawak nito sa isang kamay ang maliit na flashlight, at may kung ano pa sa kabila.

"Hindi naman ako magtatagal, madilim kasi kaya baka delikadong magtampisaw." Kinuha niya ang braso nito upang alalayan ito palapit sa kanya.

Hanggang binti lamang nila ang tubig, malamig sa balat ngunit masarap sa pakiramdam.

"Like what, 'yong leech?" May naamoy siyang mint toothpaste, nang muli niya itong lingunin ay may nakasaksak ng toothbrush sa bunganga nito. "Here, for you." Halos hindi niya maintindihang sabi nito saka iniabot ang isa pang toothbrush na may toothpaste na at isang bote ng distilled water.

Nangiti siya, "Girl Scout ka, a. Thanks." Kinuha niya iyon at nagsimula na ring magsipilyo.

Umiling ito. "Just for tonight, and just for you." Saka siya kinembutan sa tagiliran.

Natawa siya.

Naunang natapos si Erina, at nagulat pa siya nang basta na lang itong lumusong sa gitna ng tubig, hanggang dibdib ang lalim niyon.

"Erina, come back here," sa mahina niyang tawag.

"No, you come here, hurry." Pinatalsikan siya nito ng tubig.

Pinakiramdaman niya ang tubig, wala naman sigurong ahas na gagawi sa puwesto nila.

"Caleb, bilis."

Tinapos niya ang pagsisipilyo, inilagay iyon sa ibabaw ng bato sa gilid gayundin ang bote ng tubig at flashlight. Nakasanayan na ng kanilang mga mata ang madilim na paligid kaya hindi na niya iyon dinala, ngunit nanatiling bukas at itinutok sa kinapupuwestuhan ni Erina.

Nang makalapit kay Erina ay bigla siya nitong binigwasan ng tubig, tuluyang nabasa ang suot niyang puting kamiseta.

Tumawa ito, "Oh, I forgot you don't have a change of shirt, sorry." Ngunit tila wala namang pagsisisi sa paghingi nito ng paumanhin.

"Sinadya mo." Hinubad niya ang kamiseta, bumalik sa gilid ng creek, piniga ang tubig mula roon saka inilatag sa bato.

Nang humarap siya kay Erina upang balikan ito, natigilan siya dahil sa ginagawa nitong paghuhubad ng nabasa na ring blusa. Tila isa itong palabas na pinanonood at hindi niya magawang ibaling sa iba ang paningin. Nilunok niya ang laway na namuo sa kanyang lalamunan. Nagsimulang kumabog nang malakas ang dibdib.



A/N:

Thanks for reading, don't forget to vote and react, and I f you like the story pls share it to your fellow readers, thank you!!

MicxRanjo

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

9.3M 285K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
94.1K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...