BHO CAMP #7: The Moonlight

By MsButterfly

1.9M 55.2K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... More

PROLOGUE
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 1: Nostalgia

95.5K 1.9K 125
By MsButterfly

AIERE'S POV

"Ma'am here's your Hibiscus tea with pomegranate pearls."

Nag-angat ako ng tingin mula sa tanawin sa harapan ko at ibinaling ko iyon sa nagsalita. Nakangiting mukha ng Starbucks employee ang nabungaran ng mga mata ko. Ibinaba niya sa lamesa ang inorder ko na inumin at sa pagtataka ko ay may sinunod siya na platito ng cheese cake.

I look up from the saucer, "That's not mine."

"It's on the house ma'am."

Sinundan ko na lang siya ng tingin nang pagkasabi niyon ay magalang na nagpaalam na siya at tumalikod para umalis. Hindi ako mahilig sa cheesecake. I hate cheesecake. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero nakakahiya naman. Ako na nga ang binigyan.

Siguro nagtataka na din sila sa akin. Ako lang kasi ang nag-iisang tao dito sa pangalawang palapag ng establishimento rito sa branch nila sa Tagaytay Magallanes at idagdag pa na magdadalawang oras na ako dito. Nakakadalawang order narin ako ng inumin ko.

This place has one of the best view, I admit that. Iyon nga lang madaming ibang mga kainan dito at inuman dahilan kaya laging dinadayo. Sometimes it can be too crowded so I'm just really lucky today. Food strip kasi to sa Tagaytay. Normally kapag naiisipan namin ng kakambal ko na si Fiere na umalis sa BHO CAMP ay sa hindi matao kaming food spot pumupunta. Marami naman kasi basta alam mo lang kung saan ka maghahanap.

But now my brother is a newly husband to his wife kaya paniguradong hindi mapaghihiwalay ang dalawang 'yon. Saka isa pa busy din ang mga tao sa BHO CAMP ngayon dahil sa dami ng pumapasok na mission. Ako lang ang isa sa mga hindi kumuha kaya nagkaroon ako ng free time.

I work for BHO CAMP. A leisure place in a secluded and magical place in Tagaytay. I usually work as a waitress for Craige's, a restaurant in the place or sometimes I tend the bar at Paige's. Pero ang lahat ng iyon ay cover lang para sa isang importanteng bagay. I work as a secret agent for BHO CAMP. We do under covers, surveillance, security, criminal investigation, and anything that our job seeks for. We grew up to that kind of environment. Mga secret agents din kasi ang mga pamilya namin at kami ang mga nagmana sa kanila.

We don't have a normal life but we try as much as possible to have 'normal' integrated in our lives. Well not that normal. Malakas kasi ang trip ng mga tao sa BHO CAMP. Palibhasa kasi ay mga sanay sa adrenaline-pumping activities. Kaya kung hindi halos pasabugin na nila ang lugar sa sobrang kakulitan nila ay mga kapwa agent naman nila ang napagtitripan. Right hindi pala dapat 'nila'. Kasama din ako sa kanila dati hindi nga lang kasing lala katulad ng mga magulang ko.

Minsan nga tinatanong ako ng mga kasamahan ko kung bakit daw hindi ako nagmana sa mga magulang ko. My parents Wynd and Autumn Roqas are known for their mischievous deeds. My brother and I are not like them, yes, but we both have our own way to show how terrible headaches we can be.

Pero minsan kasi nakakapagod narin na maging masaya sa harapan ng lahat. O ipakita sa kanila ang persona ko na para bang wala akong pakielam sa mundo. Because it's the opposite. I care too much. I feel too much for my own good.

And that is exactly why I'm here. Mapait na napangiti ako habang tinitignan ang tanawin sa harapan ko. I wasn't looking at the magnificent view of Taal volcano that I am used to seeing since I'm a little girl. I was looking at the upper deck bar with a live band playing in front of me. Mula sa kinaroroonan ko ay nakikita ko ang nagkakasiyahan na grupo.

"I'm a pathetic stalker." I whispered so low that only the wind can hear. "And a pathetic person who just can't move on."

Down on the bar is the man that I love. Matteo Javier.

I met him when I was in my last year in highschool. Noon pa man minahal ko na siya dahil pinaramdam niya sa akin ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan. He treasured me and made me feel beautiful, important,...and loved. Lalo na ng mga panahon na kakabreak lang namin ng first boyrfriend ko na hindi iilang beses sinaktan ang batang puso ko. Maybe that's why I fell for him. It's just that he didn't love me back. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Years passed and I was so done in relationship after so many heart breaks. Nakakapagod din kasi na umasa. Nakakapagod mag invest sa taong gagawing bankrupt ang pagmamahal mo.

After I was hit by my fifth boyfriend after a jealous fit and after my brother fix the mess I made when I beat that man back into a pulp, I was stupid enough to still believe in love. Then I found my controlling ex followed by a cheating bastard. Desidido na akong isarado ang puso ko. Pero bigla siyang dumating. At katulad dati pinaramdaman niya ulit sa akin na may halaga ako. Na pwede akong mahalin na hindi ko kinakailangan masaktan.

Akala ko katulad ng dati magiging madali lang ang lahat. Na mapapagod rin ang puso ko na masaktan at hanapin siya. It's been years already after all. Pero sadiyang tanga ang puso ko eh. Ayaw makalimot. Ayaw siyang pakawalan.

Ang dami kasing tanong sa utak ko. Sana ba pinakita ko pa sa kaniya na importante siya sa akin? Sana ba pinaliwanag ko na hindi lang kasi ganong kadali sa akin ibaba lahat ng pader na hinarang ko sa sarili ko dahil nanatakot ako? Sana ba ibinigay ko sa kaniya lahat ng oras ko?

Sana ba hindi ako bumitaw kasi kaya ko namang ipakita sa kaniya na kaya ko siyang mahalin higit pa sa kayang ibigay sa kaniya ng babaeng minahal niya?

Sana siguro. Sana oo. Sana pwede.

Sana siguro hindi ako ngayon 'yung iniisip siya sa bawat gabi na nalulungkot ako, sana hindi siya yung taong pinagkokomparahan ko ng lahat kapag may nakikilala ako, sana hindi ko kailangan iwasan yung mga bagay na nakakapagpaalala sa akin tungkol sa kaniya, sana kumakain parin ako ng cheesecake kasi iyon ang paborito niya, sana hindi ako ngayon nakatingin sa kaniya kasi ako 'yung babaeng hawak niya ang kamay.

"Tanga." muli kong bulong sa sarili ko. "Masokista."

I continued looking at him. At his mesmerizing smile, his laugh that even though I can't hear from here I know would be like the ring of bells...he looks so happy. And I want that for him. I just wish that he could be happy with me knowing that I would be too. I know that for sure.

Pero hindi ko siya kayang pasayahin.

Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na gusto kong maging masaya para sa kaniya. Pero masakit din pala kasi alam ko na hindi na ako yung makakarinig ng mga 'I love you' niya, hindi na ako yung yayakapin niya, hindi na kami yung magkasama sa mga bagay na gusto namin sa buhay.

I just can't make him happy. He was my greatest love but I was not his.

My sentiments were cut short by the gust of wind. Mabilis na pinatong ko ang kamay ko sa papel sa harapan ko para hindi 'yon lipadin. Iyon nga lang nasanggi ko ang tinidor ng cheesecake na nasa tabi niyon.

Itinulak ko ang platito ng cheesecake para bahagya iyon na mapalayo sakin.

"Malasin sana ang nag-imbento ng pesteng cheesecake na 'yan."

"Don't say bad words."

Napapitlag ako nang may biglang nagsalita. I was so caught up with my drama that I haven't realize that I'm not alone at the place. A bad thing for me since in my line of work I should be used to being hyper aware of my surroundings.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at bahagyang napakunot ang noo ko nang makita ang lalaki na nasa dulo ng mga upuan sa kanan ko. Naka bull cap siya at nakababa 'yon na para bang tinatakpan ang mukha niya. Nakataas din ang mga paa niya sa railing sa harapan namin.

Tila nararamdaman niya ang titig ko at unti-unti ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Bahagya niya ding inangat ang suot niya na cap.

Naningkit ang mga mata ko nang mapagsino ko kung sino ang istorbong pakielamero.

"Anong ginagawa mo dito? Stalker ka ba?" asik ko sa kaniya.

Tumaas ng bahagya ang kilay niya sa sinabi ko. "Sa pagkakatanda ko sa ating dalawa, ikaw ang stalker at hindi ako, Miss Stalker."

"Hindi ako stalker!"

"Right. So coincidence na nandito din 'yang hindi mo naman kagwapuhan na ex? So kung hindi ka stalker sino ang pinunta mo dito? Ako?"

Pagak na tumawa ako, "Dream on. Di hamak na mas gwapo sa'yo si Matt-" I stopped speaking when I saw a smirk formed his lips. Para ko na ding inamin na si Matteo talaga ang pinunta ko dito. "Ewan ko sa'yo."

Kinuha ko ang papel sa lamesa at tumayo na ako para umalis. Wala na din namang saysay na nandito ako. Wala naman talagang saysay in the first place. I shouldn't be here. Dapat hindi ko na tinitignan ang mga post niya at hindi dapat ako pumunta dito dahil nakita ko na nandito sila at malapit lang sa akin.

"Sa'n ka pupunta?"

"Malayo sa'yo." sagot ko.

Akmang maglalakad na ako paalis pero sa pagkagulat ko ay may humawak sa braso ko. Kunot-noong tinignan ko ang kamay na nakahawak sa akin bago ako nag-angat ng tingin sa lalaki. "Bitawan mo ako Archer o puputulin ko 'yan."

"Parang kaya."

"Kaya ko talaga."

Imbis na masindak ay hinila lang niya ako at pinaupo sa dati kong pwesto at umupo sa tabi ko. Sa pagkagulat ko ay kinuha niya sa kamay ko ang papel na hawak ko at tinignan niya ang nandoon. Sinubukan kong kunin sa kaniya 'yon pabalik pero itinaas niya lang 'yon para hindi ko maabot.

"Archer ano ba!"

"Kahit sa drawing ang pangit ng ex mo." sabi niya.

"Mas pangit ka!"

Napanganga ako nang may kinuha siya sa bulsa niya at sa isang iglap lang ay sumilab ang papel. Binitawan niya 'yon at hinayaan lipadin kung saan. Unti-unting nangitim ang papel hanggang sa mawala ang apoy no'n dahil narin sa hangin.

I can feel my heart tightening as I look at it turned into nothing. That is exactly what I am and Matteo now. Nothing.

"You're a jerk." I whispered.

"That you tolerate because you know that I'm right."

"You're a creep."

"You're a stalker." he said back at me.

Inikot ko ang mga mata ko at itinaas ko din ang mga paa ko sa railing katulad ng ginagawa niya. I know I should be really angry at him for barging in on my life. Pero sa iilang mga pagkakataon na sumisingit siya sa mga pagdadrama ko ay nakakatulong naman siya para masampal ako ng katotohanan. Na para bang hindi pa sapat na sampal ang makita si Matteo na may kasama ng iba. Stupidity at its finest.

Muling bumaba ang mga mata ko sa platito ng cheesecake. Naiiritang itinulak ko 'yon palapit sa lalaki bago nakahalukipkip na tumingin ako sa mga nagkakasiyahan sa baba. "Kainin mo 'yan."

"Ayoko nga."

"Arte mo ha? Hindi ko tinikman 'yan. Kainin mo na bago ko itapon yan dito sa balkonahe kasama ka."

"Ayoko nga. Ako bumili niyan eh."

Gulat na napatingin ako sa kaniya. Tinitigan ko siya ng matagal at lumingon din siya sa akin at sinalubong ang mga mata ko. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling dahil una, nakakairitang tao siya pero hindi siya sinungaling. Pangalawa, nakakairitang tao talaga siya.

Siya lang naman ang may alam kung bakit ayoko ng cheesecake.

"Gago ka?" tanong ko sa kaniya.

"Nice vocabulary, Miss Stalker."

"Alam mo sobrang naglalagablab talaga ang nararamdaman ko sa'yo ngayon." nagtatagis ang mga bagang na sabi ko.

Umangat ang isa niyang kilay. "Bawal kang ma-in love sakin."

"Feelingero. Galit lang ang naglalagablab kong nararamdaman sa'yo. Gustong gusto kitang itapon sa Taal alam mo ba?"

"At least effective. Hindi ka na mukhang iiyak."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Nawala na ang mga nararamdaman ko kanina dahil napalitan iyon ng iba dahil sa pangungulit niya. Kahit na nasa harapan ko ngayon ang lalaking mahal ko ay parang sandaling hindi iyon ang naging pokus ng buo kong pagkatao hindi katulad kanina.

"Sinong stalker ngayon?" Nahihiwagahang tanong ko. Ni hindi ko man alam na kanina pala siya nandito. "Kanina mo pa ba ako tinitignan?"

"Not really. But it wasn't easy to ignore you when I was just in the next balcony. Mukha ka kasing multo dito na parang galit sa mundo dahil namatay sa sobrang pag-inom ng kape."

"Hindi ako umiinom ng kape."

"Kaya nga 'parang' lang."

Pinaikot ko ang mga mata ko. May sagot talaga sa lahat ng sabihin ko. Ganiyan siya lagi kapag nakakausap ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit pinagtiya-tiyagaan parin namin ang isa't-isa. Parehas kasi kaming mukhang maraming hinaing sa buhay. Iyon nga lang ako alam na niya dahil sa mga uspan sa BHO CAMP pero ako walang alam tungkol sa kaniya. But we don't ask for more questions. Kung ano lang ang alam namin 'yon lang. Sometimes we do talk about things but...it's just simple things. For some reason we just calm each other.

Siguro dahil din sa lahat ng mga kakilala ko siya ang hindi ko naman talaga kaibigan o kapamilya. I was used to be surrounded with family. Kaya parang walang sikreto na kayang itago ng matagal. Archer isn't any of that. He's not a friend nor a family member.

"Kainin mo 'yang cheesecake. Ayoko niyan." pagkaraan ay sabi ko.

Mukha namang narealize niya na din na wala akong balak kainin 'yon kaya nilapit niya 'yon sa kaniya at kinuha ang tinidor. Sumubo siya no'n at may papikit pikit pa ang hudyo na ngumuya.

"Sarap!" sabi niya.

"Pag may nakakita sa'yo na fans niyo siguradong haharassin ka."

Ang tinutukoy ko ay ang mga tagahanga ng Royalty. He play the bass guitar for the band that my cousin Thunder belongs to. Masasabing malaki na ang atensyon na nakukuha ng banda. Lalo pa at laging nasasangkot ang pangalan ng Royalty sa mga balita. Isa na do'n ang naging issue noon na pagkamatay ng drummer nila na si Comet Ferrel. A few years after, Harmony Ferrel took his place. Panibagong ingay sa mga balita dahil siya ang nag-iisang babaeng miyembro ng banda.

"I'm not that famous. Si King ang hinaharass nila." sabi ng binata.

Alam kong hindi totoo ang sinabi niya. Marami man ang patay na patay sa vocalist nila na si Lucas Darryl King, asawa ng pinsan ko na si Freezale, ay grabe pa din ang obsesyon sa kanila ng mga fans. Pa'no ba naman ay puro sila single. Mga gwapo pa...at maganda sa case ni harmony. Not that I will ever admit that to him. "So never kang na-harass ng mga fans mo? As if."

Inumang niya sa akin ang tinidor na may cheesecake. "Kumain ka na lang ang dami mo pang sinasabi."

"Ayoko nga-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil walang salitang isinubo na niya sa akin ang cheesecake. Naniningkit ang mga matang hahatawin ko na sana ang kamay niya pero nailayo na niya naman iyon agad.

"Sarap no?" tanong niya.

Ngumunguyang inirapan ko siya. Masarap naman talaga. Pero apat na taon na akong hindi kumakain nito at ngayon lang naputol ang cheesecake sobriety ko. Bukod naman kasi sa may naaalala ako ro'n eh hindi naman talaga ako pwedeng kumain ng maraming dairy. Pinagbibigyan ko lang talaga ang sarili ko. Maliban sa cheesecake. I hate cheesecake now.

"Ang lakas talaga ng topak mo." asik ko sa kaniya at inabot ang inumin ko na halos hindi pa nababawasan para mawala ang lasa ng kinain ko. Pero parang nang-aasar na hinahanap hanap na ng panlasa ko ang pagkain lalo na at malaki pa ang slice na nasa harapan ko.

Binigyan ko siya ng masamang tingin nang patuloy niya akong tinitignan na para bang hinihintay ang gagawin ko. Padaskol na kinuha ko sa kaniya ang tinidor at kumuha pa ako para isubo pagkatapos ay ibinato ko sa kaniya ang tinidor na natatawang sinalo naman niya.

For a moment, I was mesmerized by his laugh. Bihirang bihira ko siyang nakikitang tumawa. Kadalasan kasi ay seryoso lang siya, mainit ang ulo, o nagsusuplado.

Stop looking at him.

Parang may gong na tumunog sa tapat ng mga tenga ko at kaagad akong nag-iwas ng tingin. Ipinako ko ang atensyon ko sa baba kung saan nandoon si Matteo na ngayon ay nakangiting may binubulong sa girlfriend niya.

"Makatingin ka naman parang gusto mo silang silaban." komento ni Archer.

"Pwede ba?"

"Hindi." sabi niya. "Inggit ka lang."

Sinamaan ko siya ng tingin at nakangising nagtaas lang siya ng dalawang kamay. Ang isa ay may hawak pa na tinidor. Binalik ko ang tingin ko sa baba at napakuyom ang mga kamay ko nang nakita kong binigyan ni Matteo ang babae ng halik sa pisngi.

"Hindi naman kagandahan. Walang mga mata."

"Malamang half taiwanese." sabi ni Archer.

"Masyadong straight din ang buhok. Ang haba pa. Nakakamanang kaya 'yan. Walang kabuhay-buhay."

"Mukhang bagay naman sa kaniya. Mukha siyang manika."

Nagpatuloy ako na parang walang naririnig. "Ang puti pa masyado parang walang dugo. Saka kung manamit, hello? Tagaytay 'to. Malamang malamig tas maikli magdamit. Tapos ngayon kung makayakap kay Matteo, lamig na lamig. Common sense girl! O, ayan na naman. Kulang na lang sumampa kay Matt." Pakiramdam ko ay nanonood ako ng pelikula habang tinitignan ang babae na ngayon ay tumatawa narin. Sumubsob sa leeg niya ang lalaki na parang naaaliw sa kaniya. He used to do that to me. "Mas maganda pa ako diyan pero hindi naman ako ang mahal."

Nawala sa paningin ko ang eksena na para bang tumutusok ng paulit-ulit sa puso ko. Inalis ko ang nakatakip na kamay sa mga mata ko at nilingon ko si Archer. Sa pagkagulat ko ay itinayo niya ako at hinarap sa kaniya, palayo sa tanawin sa harapan namin.

"A-Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Making you owe me."

Sa pagkagulat ko ay hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay iyon sa mga balikat niya. Then he pulled me closer to him and wrapped his arms around me. He hummed quietly and we swayed to it.

This is the third time we've done this. And again like before, it calms me. For some reason it calms me to be in his arms.

Kasi hindi ko kailangan itago sa kaniya ang nararamdaman ko. Hindi ko kailangan magpanggap. I can forget about everything without fearing his judgments.

"Aiere?" pagkaraan ay tawag niya sa akin.

"Hmm?"

"May mga ipinadala pala ako sa'yo sa BHO CAMP."

Kumunot ang noo ko. "Anong pinadala?"

"Mga music albums."

Sandaling nagtataka lang akong nakatingin sa kaniya habang patuloy parin kami sa pag-imbay kahit wala namang kanta. Ano namang albums ang ibibigay niya sa akin? Album nila? Marami na akong kopya no'n kasi laging nagpapamudmod si kuya Thunder.

At bakit naman niya ako reregaluhan? Unless...

Naniningkit ang mga matang tinignan ko si Archer, "Gago ka?"

"Don't say bad words."

"Dapat hindi ko na sinabi sa'yo kung ano ang mga ayaw ko."

"Well technically hindi mo sinabi sakin. Narinig ko lang."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Minsan kasing gabi na hindi ako makatulog ay lumabas ako ng headquarters at tumambay. Turns out pagdadrama lang pala ang kauuwian ko na nag end up sa pagsigaw ko sa kawalan ng mga hinanaing ko.

I didn't know that I wasn't alone.

"Miss Stalker."

I huffed in irritation, "What Mister Creep?"

"They're gone."

"Okay." I said.

"Are you good?"

"Yep."

Sandaling hindi siya nagsalita habang magkalapit parin kami. Mabuti narin na wala na sila Matteo. Quota na ako ngayong araw na'to. Hindi naman ako sobrang masokista. I rarely torture myself like this.

"Wala na sila." sabi ulit ni Archer.

"Oo nga."

"And you're good now."

"Duh." I said with irritation in my voice.

"Pwede ka ng bumitaw."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis pa sa alas kwatro na lumayo ako sa kaniya. Pero nawala agad ang pagkapahiya ko nang marinig ko ang pagtawa ni Archer. "Ang lakas ng trip mo no?"

Hindi niya ako sinagot at lumapit siya sa pwesto niya kanina at kinuha ang gamit niya. He smirked at me and walked pass me. Kung bakit naman kasi sandaling nawala ako sa sarili ko. Yes, we danced twice before. Pero ako ang unang lumalayo.

"I'm not gonna do this with you again, Creep!" I called out to him as he walked towards the stairs.

"You said that the last time, Stalker!"




_____________________End of Chapter 1.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 110K 40
Agatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with...
32.6K 585 42
Well-reputed and distant bachelor Gian Valentino falls for his restaurant's loyal customer, Mira Angeli Santos, in the most unexpected ways. But when...
3.7M 192K 64
Shielder The two-faced man. SPG | R-18
3M 72.4K 29
I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na sana ang lahat, ngunit dumating siya sa...