ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 59: A SISTER'S DEMISE

364 25 13
By angelodc035

Tumilamsik ang maitim-itim na dugo sa mukha ni diyosang Tala habang sasagpangin sana siya sa leeg ni Daleria. Napangisngis ang Mangcucusi sa sobrang sakit na naramdaman kasabay ang pagbagsak nito sa sahig. Nangingisay ang babaeng Mangcucusi at tumitirik ang mga mata nito dahil sa kamandag na pumapasok sa katawan nito mula sa Kalis ni Anilaokan.

"Mahal na diyosang Tala!" Ang tawag ni Laurea sa kaibigan na sa mga sandaling iyon ay wala pang kamalay-malay sa mga nangyayari. Halos maiyak naman si diyosang Tala pagkakita sa kanyang kaibigan at saka nakahinga ng maluwag dahil hindi na si Daleria ang kanyang nasa harapan ngayon. Akala niya ay iyon na ang kanyang katapusan sa kamay ng isang babaeng Mangcucusi.

Patakbong lumapit si Laurea kay diyosang Tala para tulungan itong bumangon sa kanyang kinahihigan, pero tulad ng dati ay hindi nito magawang makabangon.

"Mahal kong Sinukuan, kailangan na nating umalis dito." Ang paalala ni Anilaokan na nasa tabi ni Daleria na nangingisay pa rin habang nakatusok pa rin sa kanya ang Kalis ng lalakeng diwata.

"Hindi ko siya kayang tulungan sa kanyang pagtayo. May kapangyarihang pumipigil sa kanya para bumangon sa kinahihigan ni diyosang Tala." Ang natatarantang wika ni Laurea.

Napahawak ng mahigpit si diyosang Tala sa kaibigan ng makitang kasama nila sa kuwarto si Anilaokan. Naramdaman ni Laurea ang takot sa diyosa kaya hinawakan din niya ang kamay nito. "Huwag kang mag-alala sa kanya mahal na diyosa, kakampi na natin si Anilaokan. Tutulungan niya tayong makatakas dito at siya ang nagligtas sayo kay Daleria." Ang kuwento ni Laurea sa kaibigan.

Lumapit sa kanila si Anilaokan at umusal ng mga orasyon sa harapan ni diyosang Tala. Ilang saglit lang ay naramdaman ni diyosang Tala ang panunumbalik ng kanyang  lakas. Nawala na ang itim na kapangyarihang bumabalot sa diyosa kaya madali na siyang nakatayo mula sa kahoy na kinahihigan niya. Tumingin si diyosang Tala kay Anilaokan na mabilis namang umiwas ng tingin ang lalake sa kanya. Hindi kumbinsido si diyosang Tala sa ipinapakitang pagtulong ni Anilaokan sa kanila. Maaaring may masamang binabalak ito sa kanila at kinukuha lamang nito ang kanilang tiwala para makuha ang loob nila ni Laurea.

Kaagad na inalalayan ni Laurea si diyosang tala sa kanyang pagtayo dahil nakakaramdam pa rin ng maya't-mayang pagkahilo ang diyosa.

"Kailangan na nating makaalis dito mahal kong Mariang Sinukuan, diyosang Tala." Ang mahinang wika ni Anilaokan sa dalawa. Binunot niya ang Kalis sa likuran ni Daleria at nanunang lumabas sa pintuan ng kuwarto upang tingnan kung may mga guwardiya ang rumoronda sa paligid.

Sumunod sina Laurea at diyosang Tala kay Anilaokan papalabas ng kuwarto. Naging maingat sila sa kanilang mga kilos para hindi sila mapansin ng mga sundalo ng palasyo.

----------------
Sa loob ng palasyo ay nag-iisang nakaupo si Kasanaya sa kanyang trono at pinaghahandaan na rin ang kanyang mga sasabihin sa mga darating na miyembro ng La Liga delos Niños dela Luna. Kailangang magiging maganda ang kanyang mga sasabihin dahil umaasa sa kanya ang mga anak ng buan para maging matagumpay sa paglusob nila sa Kalangitan. Nalalapit na ang kanyang tagumpay at iisa na lamang ang kaniyang magiging hadlang sa kanya, si Odessa ang babae sa propesiya. Kailangang mapasakanya ang kapangyarihan ni Odessa at mangyayari lamang iyon kapag masisimsim niya ang dugo nito tulad ng ginawa niya kay diyosang Bulan. Sawang sawa na siya sa pag-iba-iba ng katauhan sa bawat galaw at anyo ng buwan sa himpapawid. Pinakamahina siya sa tuwing sasapit ang bagong buwan, at ayaw niyang maging mahina kahit kailan. Gagawin niya ang lahat para masukol niya si Odessa. Aalamin niya kung ano ang kahinaan ng babae sa propesiya.

Kapag napasa-kanya na ang kapangyarihan ni Odessa ay siya na ang pinakamakapangyarihang nilalang sa Sanlibutan. Titingalain siya ng mga diyos at katatakutan. Hindi lang sa Murcia siya maghahari dahil pagluklok niya sa kalangitan, luluhod ang lahat ng kaharian sa kanya at tuluyan na niyang aalisin sa Sanlibutan ang mga tao. Walang lugar sa pamumuno niya ang mga mahihina.

Akmang tatayo si Kasanaya ng makaramdam siya ng biglaang pananakit ng kanyang dibdib. Parang pinipiga ang kanyang puso at nahirapan siyang huminga, dahilan para mapaupo siyang muli sa kanyang trono. Hawak-hawak ang kanyang dibdib ay bigla niyang naala ang kanyang kakambal.

"Daleria..." ang bulong nito. Nararamdaman niya na may nangyaring masama sa kanyang kakambal. Pinilit pa rin niyang tumayo kahit na masakit pa rin ang kanyang dibdib pero bigo siyang gawin ito. Humawak siya sa sandalan ng kanyang trono at pinilit pa rin niyang tumayo. Kailangan  niya ng tulong, kailangan niyang mapuntahan ang kakambal upang malaman ang kalagayan nito. Kilala niya si Daleria, hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto. Marahil bumalik ito sa kuwarto na kung saan nakasukol ang diyosang si Tala. Sa tingin niya ay bumalik si Daleria sa kuwarto na pinagsukulan nila kay Tala. Baka nakaligtas ang diyosa at naisahan si Daleria kaya nararamdaman niya ngayon ang nararamdamang sakit ng kanyang kakambal. Hindi siya mapalagay sa kanyang sitwasyon ngayon. Gusto niyang sumigaw upang tawagin ang kanyang mga mandirigmang sundalo para tulungan siyang puntahan ang pinakamamahal niyang kapatid.

Sinubukan inihakbang ni Kasanaya ang kanyang mga paa pero pakiramdam niya ay nanginginig at nanghihina ang mga ito. Kailangan niyang mapuntahan ang kanyang kapatid, masama ang kanyang kutob dahil hindi lang minsan nangyari sa kanilang magkapatid ang ganitong pakiramdam. Halos gumapang siya sa sahig ng palasyo ng makita siya ng isa sa mga personal niyang alalay na si Dayao.

"Panginoong Bulan, ano pong nangyari sa inyo?" Ang wika ni Dayao at patakbong pinuntahan ang kanyang amo. Wala siyang kamalay-malay na si Kasanaya ang nasa harapan niya at hindi talaga si diyosang Bulan.

Tumingin si Kasanaya kay Dayao at sinubukang nitong umusal ng mga salita ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig. Lalong nataranta si Dayao sa nangyayari sa kanyang amo kaya nagtawag pa ito ng mga kawal sa palasyo para tumulong sa kanya. Mabilis namang tumugon ang mga kawal na tinawag at tinulungan siyang binuhat at iniupo sa trono si Kasanaya.

"Tawagin ninyo ang manggagaway na si Handiong dali!" Ang utos ni Dayao sa dalawang kawal na mabilis namang tumalima sa kanyang utos.

Mahigpit na humawak si Kasanaya sa kanyang alalay na hirap pa rin sa paghinga. May gusto siyang sabihin kay Dayao pero hindi niya ito magawa. Alam niyang wala ng oras kaya sinubukan niyang muling tumayo para puntahan ang kanyang kapatid. Pinipigilan siya ni Dayao para tumayo ngunit walang magawa ang alalay sa kanyang taglay na lakas kaya imbes na makatayo ito ay muling bumagsak sa sahig si Kasanaya.

"Panginoong Bulan, hintayin po natin si Handiong baka ano na po ang mangyayari sa'yo." Ang nag-aalalang wika ni Dayao sa kanyang panginoon.

Muling tumingin si Kasanaya kay Dayao na nanlilisik ang mga mata. Napaurong si Dayao sa kanyang nakita dahil sa pagkabigla. Parang napako ang kanyang mga mata sa pagbabagong anyo ng inaakala niyang si diyosang Bulan na matagal-tagal na rin niyang pinaglilingkuran.

"Si... Daleria, ang...ang aking kapatid, may...may masamang nang...nangyari sa kanya. Tawagin mo... ang mga kawal, puntahan...ang silid ni Tala!" Ang pautal-utal na wika ni Kasanaya sa kanyang alalay.

Tulala pa rin si Dayao sa kanyang nakita kaya tila wala itong narinig sa utos sa kanya ng kanyang amo. Hindi rin niya maintindihan kung bakit nasambit nitong kapatid niya si Daleria na isang Mangcucusi.

"Kumilos ka na!!!" Ang nagngingitngit na sigaw nito kay Dayao na nagbigay ng lalong takot sa alalay.

"Oopo, opo panginoon." Ang halos matarantang wika ni Dayao na mabilis na tumayo at kumilos para sundin ang kanyang panginoon sa kanyang iniuutos.

"Mga kawal! Mga kawal!" Ang malakas na sigaw ni Dayao habang patakbong papalabas sa bulwagan ng Palacio Lunar.

---------------
Paglabas nina Laurea sa pintuan ay sinalubong na sila ng mga paparating na kawal ng palasyo. Nagpalinga-linga sina Laurea sa magkabilang pasilyo para makahanap ng lugar na puwede silang makalabas, pero kahit saan nila ibaling ang kanilang paningin ay may paparating na mga armadong mga kawal.

"Tigil!" Ang sigaw ng isa sa mga kawal sa kanilang gawing likuran.

Napalingon si diyosang Tala sa pinanggalingan ng boses, at kitang-kita niya ang may limang kawal ma patakbong papalapit sa kanila. Humarap si diyosang Tala sa mga kawal at iwinasiwas ang kanyang mga kamay kasabay ng pag-angat ng limang kawal sa sahig at sabay-sabay na dumikit sa pader ng palasyo. Tila nilamon sila ng pader at inilubog sila nito. Tanging ang kanilang ulo lamang ang nakalitaw sa pader at gaano man ang kanilang ginagawang pagpupumiglas ay wala silang nagawa para makaalis pa sa pader.

Halos patakbo na ang ginagawa ni Anilaokan para makipaglaban sa mga kawal ng palasyo na nakakasalubong nila. Ipinupukol ni Anilaokan ang Kalis sa mga kalaban pagkatapos ay ginagamit nito ang kanyang kapangyarihan para bumalik sa kanya ang makamandag na patalim. Samantalang ang kaliwang kamay nito ay gumagawa ng puwersang panangga laban sa mga palaso at sibat na gamit ng mga kawal. Ang ilan naman na may kakayahang gumamit ng kapangyarihan ay nilalabanan ni Laurea para hindi makalusot sa ginawang panangga ni Anilaokan.

Nagsama-sama ang tatlo sa pakikipaglaban sa mga umaatake sa kanila para pigilan ang kanilang pagtakas. Gamit ang kapangyarihan ng lupa at metal ay madaling nagagapi ni diyosang Tala ang mga naglalakasang mga mandirigma ng Palacio Lunar. Habang ang kapangyarihan ng telekinesis ang gamit ni Laurea para matalo ang iba pang mga kalaban.

Sinubukan nilang bumaba sa isang makitid na hagdanan ngunit higit na masa maraming mga sundalo ng Palacio Lunar ang naghihintay sa kanila roon, kaya wala silang ibang magagawa kundi umakyat papunta sa pinakatore ng palasyo na kung saan ibinilanggo dati ang walang malay na si Bathala. Pero tila may pumipigil kay diyosang Tala para tunguin ang daan paakyat sa pinakatore ng palasyo. Kailangan niyang kuhanin ang tungkod ng kanyang ama. Hindi niya puwedeng iwan ang tanging bagay na napakaimportante para sa kanyang ama.

"Mahal na diyosa kailangan na nating umalis. Hindi natin sila kakayanin sa sobrang dami nila." Ang sabi ni Laurea sa kaibigan.

"Kailangan kong kunin ang tungkod ni ama. Hindi puwedeng mapasakamay ni Kasanaya ang tungkod na iyon. Hindi ko puwedeng iwan ang pinanggagalingan ng buhay at kapangyarihan ni amang Bathala." Ang paliwanag ni diyosang Tala.

"Pero lubhang mapanganib kung kukuhanin pa natin ang tungkod ni amang Bathala mahal na diyosa. Hindi pa tayo handa para sumagupa sa kanila, tatatlo lang tayo." Ang tugon ni Laurea.

"Laurea! Diyosang Tala! Kailangan na nating umalis dito!" Ang paalala ni Anilaokan na abala sa pag-wasiwaa sa kanyang Kalis sa mga paparating na mga kawal at sundalo.

"Hindi ninyo naiintindihan, kapag ginamit ni Kasanaya ang tungkod ng aking ama, magiging mas makapangyarihan siyang nilalang at walang makakagapi sa kanya maliban lamang sa sinasabi ng propesiya tungkol sa babaeng pinanday mula sa apoy ng mga mortal..." Ang halos naiiyak na wika ng diyosa.

"Si Odessa?" Ang wika ni Laurea.

Napatingin si diyosang Tala kay Laurea. "Odessa?..."

"Si Odessa, ang tinutukoy sa propesiya."

"Kilala mo si Odessa?" Ang usisa ni diyosang Tala habang ikinumpas nito ang kanyang kanang kamay sa harapan ni Laurea.

Isang kawal ang akmang susunggabin si Laurea ang tila isang papel na umangat mula sa sahig at dalawang-ulit na humampas ang ulo sa biga ng palasyo.

"Oo, kilala ko si Odessa at matagal ko siyang nakasama sa mundo ng mga tao." Ang tugon ni Laurea. "...siya ang aking kapatid sa mundo ng mga mortal." Ang dugtong pa ni Laurea.

"Paanong..." napatayo si diyosang Tala sa  narinig kay Laurea.

"Mahabang kuwento at hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan natin ito mahal na diyosa. Kailangan muna natin makaalis ng buhay dito."

"Ano ba? Gusgo pa ba ninyong tumakas o mamatay na lang dito?" Ang naiinis na tanong ni Anilaokan na kanina pa nakikipaglaban sa mga kawal at mandirigma ng palasyo.

Tila hindi naman siya naririnig ng dalawa dahil nakatuon ang pansin ng mga ito kay Odessa.

"Kung kapatid mo siya, dalhin mo ako sa kanya." Ang wika ni diyosang Tala kay Laurea.

"Kaya nga po kailangan na nating umalis ngayon dito ng buhay mahal na diyosang Tala. Pareho tayong tatakas dito para puntahan ang aking kapatid na si Odessa, ang babaeng tinutukoy mula sa propesiya ng mga babaylan at mga manggagaway." Ang paliwanag ni Laurea.

Tumango-tango si diyosang Tala at sa unang pagkakataon mula ng makita siya ni Laurea ay ngumiti ito. "Kung gayon, huwag na tayong mag-aksaya ng panahon. Tara na!"

Inihanda ni diyosang Tala ang sarili at tila lalong nagkaroon ng lakas ang katawan nito sa mga narinig niya kay Laurea tungkol kay Odessa. Kailangan niya ang tulong ni Odessa sa madaling panahon para mailigtas nila ang kaharian ng kaniyang ama, ang Kalangitan kung saan siya nagkaisip.

Halos patakbong pumasok si Kasanaya sa kuwarto kung saan nila dinala si diyosang Tala ng mabihag nila ito. Masama ang kutob niya sa puwedeng kinahinatnan ng kanyang kakambal na si Daleria. Nanginginig ang kanyang mga tuhod lalo na ng makita ang mga nasawing mga kawal sa kanilang dinaanan bago nakarating sa kuwartong kanilang pinasukan.

Iginala ni Kasanaya ang kanyang mga mata sa loob ng kuwarto. Kitang-kita niya ang mga patak ng dugo sa sahig papasok ng kuwarto. Amoy na amoy din niya ang dugo ng isang mangcucusi sa paligid kaya lalo siyang kinabahan sa maaaring kinahinatnan ni Daleria. Kasama ni Kasanaya ang kanyang alalay na si Dayao na dahan-dahang lumalapit sa hinigaan ni diyosang Tala. Napanganga ang alalay ng makitang wala na roon ang diyosa na bihag nila. Tumingin si Dayao kay Kasanaya para sabihin sana na nawawala si diyosang Tala sa kanyang higaan. Pero natigilan siya ng  matisod niya ang katawan ng naghihingalong si Daleria na bumubula ang bibig, nakatirik ang mga mata at naninigas ang buong katawan. Napasigaw ng malakas si Dayao na pumukaw sa atensyon ni Kasanaya.

Ibinaling ni Kasanaya ang kanyang mga mata sa sumisigaw na si Dayao. Halos mapaluhod siya ng makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng kanyang kakambal. Napatakbo ang Mangcucusi papunta sa naghihingalong kapatid. Pagkakita sa sugat nito sa dibdib ay napasigaw ng malakas si Kasanaya. Niyakap niya ng mahigpit si Daleria at pilit na niyuyugyog upang ito ay gumising.

"Gumising ka Daleria! Gumising ka mahal kong kapatid!" Ang umiiyak na tawag nito sa kakambal habang niyuyugyog niya ito ng paulit-ulit. Nakapa ni Sakaya ang malalim na sugat ni Daleria sa parteng likod nito na kung saan tumagos ang Kalis ni Anilaokan.
Ng mga sandaling iyon ay nabatid ni Sakaya kung sino ang salarin sa kinahitnatnan ng kanyang kakambal. Hinding-hindi siya puwedeng magkamali dahil tanging si Anilaokan lamang ang nagtataglay ng ganoong klase ng lason na inilalabas ng kanyang sandata.

"Anilaokan!!!" Ang halos dumagundong na sigaw ng naghihinagpis at galit na galit na si Kasanaya ng masigurong si Anilaokan ang may kagagawan ng mangyari sa kanyang kapatid. Marahan niyang binuhat ang naghihingalong kakambal ni Kasanaya at inihiga ito sa kahoy na higaan. Tumingin sa kanya si Daleria na namumuti ang mga mata at saka suminghap ng napakatagal. Hinawakan niya ng sobrang higpit si Kasanaya at halos lumuwa ang mga namumuting nitong mga mata habang nakapako ang tingin nito sa nakatatandang kapatid.

"Daleria..." ang nabahalang si Kasanaya pagkakita sa kapatid. Napahagulgol lalo si Kasanaya ng tuluyan ng binitawan ni Daleria ang kanyang huling hininga at tuluyan na itong panawan ng buhay.

Muli ay niyugyog ni Kasanaya ang kapatid pero tuluyan ng namaalam si Daleria. Sa ikatlong pagkakataon ay mahigpit nitong niyakap ang wala ng buhay na kapatid. Nagpupuyo ang kanyang damdamin at gusto niyang pumatay.

Nanatiling nakatayo lamang sa isang tabi si Dayao at pinagmamasdan ang paghihinagpis ni Kasanaya sa namatay na kapatid. Iniyuko niya ang kanyang ulo at saka iniluhod ang kanang tuhod bilang pagpapakita ng pakikidalamhati sa kinahinatnan ni Daleria.

"Papatayin ko kayo, pagbabayaran ninyo ang ginawa ninyo sa aking kapatid! Isinusumpa ko, isinusumpa ko!" Ang malakas na sigaw ni Kasanaya na tila isang napakalakas na kulog na dumagundong sa buong palasyo.

Tumayo si Kasanaya at pumasok sa kanyang silid. Binuksan ang isang itim na baul at doon tumambad sa kanyang harapan ang Lintik at ang kalahating bahagi ng Eskrihala. Kaagad niyang dinampot ang Lintik o ang tungkod ni Bathala at maluha-luhang inialis ito sa itim na baul. Inihampas niya sa sahig ang dulong bahagi ng Lintik at sa isang iglap ay tila hinigop siya ng mga napakaraming hibla ng mga kidlat at sa kisame ng kanyang kuwarto at naglaho.
---------------

Patuloy sa pagtakbo sina diyosang Tala, Laurea at Anilaokan paakyat sa tore ng palasyo para doon tumakas mula sa dumarami ng mga mandirigma ng palasyo na nag-aabang sa kanila. Patuloy sa pakikibaka si Anilaokan sa mga kawal na sumasalubong sa kanila.
Abala rin sina Laurea at diyosang Tala sa pakikipaglaban gamit ang kanilang mga kapangyarihan. Makikita sa kanila ang pagiging bihasa sa paggamit sa kanilang kapangyarihan na kahit isa sa mga malalakas na mandirigma ng Palacio Lunar ay hindi makalapit sa kanila.

Ilang saglit lang ay narating nila ang hagdanan paakyat sa pinakamataas na tore ng Palacio Lunar. Batid nila na ito na lamang ang tanging daan para makatakas sila sa palasyo. Sinimulan na nila ang pag-akyat sa tore sa pamamagitan ng napakakitid na hagdanan. Mula sa ibaba ay kung saan sila nanggaling ay nagliparan ang daan-daang mga palaso na muntikan ng matamaan sa ulo si diyosang Tala. Kung hindi lamang ito nahagip ni Laurea ay maaaring katapusan na ni diyosang Tala.

Ngumiti at mabilis na iniyuko ni diyosang tala ang kanyang ulo bilang pasasalamat sa ginawang pagliligtas ni Laurea sa kanyang buhay. Kinumpasan ng diyosa ang mga bato sa pader ng palasyo kasabay ng paglagitik ng mga ito habang dahan-dahang nangabaklas ang mga iba't-ibang uri ng bato sa pader ng palasyo. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay mapuwersang itinulak ni diyosang Tala ang kanyang mga kamay kasabay ng pagtilamsik ng mga tipak ng bato sa mga mandirigma sa ibabang bahagi ng hagdan. Tanging ang tunog ng pagbagsak ng mga bato at sigawan ng mga kawal sa ibabang bahagi ng hagdan ang kanilang narinig habang patuloy nilang inaakyat ang hagdan patungo sa tore.

Pero hindi pa man sila nakakaakyat ay sumalubong na sa kanila ang mga mandirigmang Mangcucusi na may kakayahang lumipad. Mayroon ang mga ito ng pakpak na tulad sa panika na may lapad na halos walong metro.
Muntik na nilang madagit si Laurea kung hindi lamang naging maagap si Anilaokan na ibinato ang hawak na Kalis sa lumilipad na Mangcucusi. Nagpaiko-ikot sa himpapawid ang Mangcucusi bago ito bumagsak malapit sa kanila. Kaagad namang binunot no Anilaokan ang kanyang kalis at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga lumilipad na mga mandirigmang mga Mangcucusi.

Mula sa tore ng Palacio Lunar ay iniluwa ng kawalan si Kasanaya. Hawak ang tungkod ni Bathala ay nanlilisik ang mga mata nitong hinihintay ang tatlo. Hindi niya mapapatawad si Anilaokan sa pagpatay nito sa kanyang kakambal na si Daleria.  Isang masakit na kamatayan ang ipararanas niya sa lalakeng diwata, ito ang pagpatay kay Mariang Sinukuan sa kanyang harapan. Magmamakaawa siya sa kanya at luluhod para maisalba ang buhay ng kanyang pinakamamahal na diwata ng kagubatan. Makikiusap siya sa kanya, pero hindi niya ito pagbibigyan. Pagkatapos ng kamatayan ni Mariang Sinukuan ay siya naman ang isusunod nitong papatayin. Dudukutin niya ang puso  ni Anilaokan at ipapakain sa mga Berberoka sa mga ilog ng Labuad.

Naroroon na rin si Hadiong, ang tumatayong pinuno ng mga kawal sa Palacio Lunar at iilan sa mga alagad nito. Lahat sila ay nag-aabang sa tatlo upang sila ay hulihin at iharap kay Kasanaya na nagpupuyo pa rin sa sobrang galit. Pawang may mga taglay na kapangyarihan ang lahat at nakahandang ialay ang kanilang mga buhay sa kanilang pinuno.

Hindi na ipinatawag ni Kasanaya si Sitan na nasa isang silid lamang sa loob ng palasyo na abala sa paghahanda sa pagtitipon na nakatakdang magsisimula sa pagputok ng araw sa silangan. Nais kasi niya na siya mismo ang papatay kay Anilaokan at sisimsim sa kapangyarihan ni diyosang Tala ngayong wala na ang pinakamamahal niyang kapatid.

At tulad ng kanilang inaasahan, halos magkakasunod na iniluwa ng pinto sina Anilaokan, diyosang Tala at Laurea na napahinto ng makitang naroroon na si Kasanaya at ang mga kawal nito.

"Akala niyo ba matatakasan ninyo kami? Wala pang nakakatakas kay Kasanaya lalo na ang mga taksil sa samahan! Wala kang utang na loob Anilaokan, binuhay lamang kita para sa ikalawang pagkakataon pero ano ang isinukli mo?"  Ang nangangalit na wika ni Kasanaya.

"Nagkakamali ka Kasanaya. Wala akong utang na loob sa'yo dahil hindi ko hiniling sa'yo na muli akong buhayin. Oo't nag-aklas ako kay Bathala noon pero hindi ibig sabihin na ako ay masama. Nabulag lamang ako ng pambubuyo mo ng mga panahong iyon at labis kong pinagsisihan na nakinig ako sa'yo!" Ang tugon ni Anilaokan.

Lumakad ng limang hakbang papalapit sa kanila si Kasanaya. Habang nakatuon ang mga mata nina Laurea at diyosang Tala sa tungkod na hawak ni Kasanaya. Akmang lulusob sana si diyosang Tala pero pinigilan siya ni Laurea.

"Isa kang hangal Anilaokan. Sa'yo nagmula ang kaguluhang ito baka nakakalimutan mo? Hinikayat mo ang lahat ng nilalang ng kadiliman na mag-aklas laban kaya Bathala. At ikaw ang nagbigay utos sa mga anak ng buwan na puntiryahin ang mga nilalang na labis na minahal ni Bathala. Kaya ang mga tao ang pinaghigantihan ninyo. Ngayon ay pumapanig ka sa kanila na labis ang pagpapahalaga sa mga mortal. Isa kang tunay na hangal. Ngayon ay pagbabayarin mo ang pagpatay sa aking pinakamamahal na kapatid na si Daleria, dahil ako mismo ang papatay sa'yo! Pero, nagpadesisyonan ko na ang pinakamamahal mong si Laurea muna ang aking papatayin." Pagkawika ni Kasanaya ay isang napakalakas na boltahe ng kuryente ang pinakawalan ni Kasanaya mula sa Lintik ni Bathala.

Tatlong bola ng kuryente ang biglang lumapag at sumabog sa harapan ng tatlo. Tumilapon sina Laurea at diyosang Tala malapit sa poste ng tore at nahulog naman sa hagdan si Anilaokan.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...
26.3K 1.4K 55
Maligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal par...
405K 11K 66
In a world full of Aimas and Thas, Karis thought she's a simple girl. With no family and no memory of her childhood, she works as a maid for a rich f...
9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...