TEMPTATION ISLAND: Sinful Des...

By CeCeLib

46.3M 866K 185K

WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Inside | COVER BY: Race Darwin "You're invited to Temptation Island." More

SYNOPSIS
Temptation Island
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
You're Invited to Temptation Island
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
EPILOGUE

CHAPTER 24

816K 21K 4.3K
By CeCeLib

A/N: Ang dami kong ganap kanina 😅 hindi ako nakapagsulat ng TI9. Babawi nalang po ako. Bukas. Sana makapagsulat ako ng dalawang chapter. Sana talaga 💪🏻 kakayanin.

Anyways, happy reading ❤️

CHAPTER 24

NATIGILAN SI Havoc ng makababa siya sa Club niya at narinig ang kantang nanggagaling sa mini-stereo ni Hub habang naglilinis ito ng Bar. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit.

'So as long as I live I love you,

Will love and hold you,

You look so beautiful in white.'

"Hub." Kuha niya sa atensiyon ng Bartender niya.

Kaagad itong humarap sa kaniya. "Boss. Good Morning."

"Stop that music." Utos niya rito. "It's annoying me."

Kaagad namang tumalima si Hub. "Pasensiya na, Boss." Ngumisi ito sa kaniya. "Ano gusto mo Boss?" Naglabas ito ng shot glass at Whiskey. "Isang shot o isang bote?"

Napatitig si Havoc sa alak na araw-araw niyang karamay sa tatlong taon na lumipas kaya naman sanay na si Hub na ginagawa niyang agahan ang alak.

"I'm not drinking today." Wika niya na nagpatigil kay Hub sa pagsasalin ng alak sa shot glass.

Gulat itong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Talaga, Boss? Hindi ka talaga iinom?"

Tumango siya. "Yeah. I have an appointment today."

"Kahit naman Boss may appointment ka." Hub pointed out. "Umiinom ka pa rin."

"This one is different." Aniya saka umupo sa pabilog na sofa ng Club at doon hinintay si Inna.

He didn't even bath. He didn't change his clothes. Basta bumaba lang siya. Baka kasi dumating na si Inna at maghintay sa kaniya.

Pero halos isang oras na ang lumipas, wala pa ring Inna na dumating.

Pero sabi niya pupuntahan niya ako ngayong araw.

Nagtagis ang bagang niya. Umasa na naman ba siya sa wala? Pinapaikot na naman ba siya nito at naniwala na naman siya?

Ganito na ba siya ka-martyr at ka-tanga pagdating dito?

One more hour. Sigaw ng isip niya. Sige, isang oras pa. Pagsangayon niya.

Seconds turn to minutes and minutes to an hour.

Kumuyom ang kamao niya. She's playing me for a fool again!

Padaskol siyang tumayo at malalaki ang hakbang na lumabas ng Club at sumakay sa kotse pagkatapos ay pinaharurot iyon patungo sa Restaurant kung saan nagta-trabaho si Inna.

Kung wala ito roon, isa lang ang dahilan niyon. Tinakasan na naman siya nito pagkatapos nilang magkita kagabi.

Nang makarating sa Restaurant, kaagad niyang ipinarada ang sasakyan saka pumasok sa loob ng Restaurant.

"Good Morning, Sir." Bati sa kanya ng waitress na sumalubong sa kanya. "Table for?"

"Is Inna here?" Sa halip ay yon ang sinagot niya sa babae.

Natigilan ito. "Inna?"

"Yes. Inna Pauline Velasquez." Banggit niya sa buong pangalan ni Inna. "Nandito ba siya? Pumasok ba siya ngayon?"

Nag-aalangang tumango ang babae saka may itinuro itong waitress na naglilinis ng mesa.

Kaagad na nanikip ang dibdib niya.

She left me for this kind of life?

Nagtatagis ang bagang na nilapitan niya ito at hinawakan sa braso para pihitin ito paharap sa kaniya pero natigilan siya ng maramdamang sobrang init nito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng maalalang hindi lang siya ang naulanan kagabi.

"Fuck." Pinihit niya ang babae paharap sa kaniya saka sinapo ang mukha niya. "Ang init-init mo." Inilapat niya ang kamay sa nuo nito. "Fuck. You're burning up."

Inna eyes is unfocused and her breathing is uneven. "H-Havoc? A-anong ginagawa mo rito?"

His anger rose up. "Bakit ka pinagta-trabaho na may lagnat ka?!" Hindi niya napigilan na magtaas ng boses at hinanap ng mga mata niya ang Manager ng Restaurant at nang makita niya ito ay galit na tinanong  ito. "You! Bakit pinagta-trabaho mo siya kahit may sakita siya?!"

"Havoc—"

"Sir." Lumapit sa kaniya ang Manager, "pinapauwi ko ho siya kanina pa, ayaw lang ho talaga niya."

Bumalik ang tingin niya kay Inna na may pilit na ngiti sa mga labi.

"I'm fine. I can work." Anito.

"Inna!"

Tumingin ito sa kaniya. "Mamaya kita pupuntahan sa Club pagkatapos ng trabaho ko." Sinapo nito ang ulo saka mariing ipinikit ang mga mata. "Kailangan kong magtrabaho."

"Inna—"

"I'm fine."

Umatras ito at akmang babalik sa paglilinis ng bigla nalang gumiwang ang katawan nito at natumba.

Mabilis naman niya itong nasalo at magmamadaling binuhat at lumabas ng Restaurant saka isinakay ito sa kotse niya.

Havoc is panicking as he drove fast towards the nearest Hospital. Hindi niya alam na kaya pa rin pala niyang makaramdam ng nakakabaliw na pag-aalala sa taong sagad sa buto ang galit niya.

Nang makarating sa Hospital, kaagad niyang binuhat si Inna at sinipa ang pinto ng kotse niya para sumara iyon saka nagmamadaling pumasok sa E.R. 

"Ano hong nangyari sa pasyente, Sir?" Kaagad na tanong ng Nurse na sumalubong sa kanila.

"Nahimatay. Mataas ang lagnat niya." Kinakabahang sagot niya.

Nakatingin lang si Havoc kay Inna habang inaasikaso ito ng mga Nurse at Doctor.

He's worried, damn it!

After everything that she did to him, he's still worried as fuck! She can still affect him this much!

"How is she?" Tanong niya sa Doctor kapagkuwan. "Okay na ba siya?"

Mag-angat sa kaniya ng tingin ang Doctor. "We will run some test before I can give you a definite answer, but we will do everything for her to be okay."

Bumaba ang tingin niya kay Inna saka hinaplos ang nuo nito saka tumingin ulit sa Doctor. "Bakit siya nahimatay, Doc? Dahil ba sa lagnat?"

"We're still running some tests. Kung wala naman siyang infection at ibang sakit, may posibilidad na pagod ang dahilan ng pagkahimatay niya."

"Sobrang pagod?" Ulit niya na hindi makapaniwala. "Ganun siya kapagod para mahimatay siya?"

Tumango ang Doctor. "Fatigue and fever is not a good combination."

Havoc nodded. "Thank you, Doc."

Tumango ang Doctor saka umalis na. Pagkalipas ng ilang minuto, binalikan sila ng Nurse at kinunan ng dugo si Inna.

Bumaba ang tingin niya kay Inna na mahimbing na natutulog saka napabuntong-hininga siya.

Sobrang pagod na pagod ka ba sa kaka-trabaho? How did you end up being a waitress?

Umupo siya sa isang stool na malapit sa kama na kinahihigaan nito saka ipinatong niya ang mga braso sa gilid ng kama at pinakatitigan si Inna hanggang gumalaw ito at unti-unting nagkamalay.

Napakurap-kurap ito ng makita siya. "H-Havoc?"

"You feeling okay?" Tanong niya.

Tumango ito at bigla siyang nabahala ng makitang namalisbis ang luha sa mga mata nito.

"I'm sorry." Mabilis nitong tinuyo ang mga luha saka tumingin sa paligid. "Nasa Hospital ba tayo?"

"Dinala kita rito nang mawalan ka ng malay." Sagot niya.

Napatango-tango ito saka sinubukang bumangon pero pinigilan niya.

"Don't. You need to rest."

Umiling ito. "I need to work."

"No, Inna—"

"I need to work, Havoc." May diin ang boses na sabi nito.

Tinitigan niya si Inna na pilit na bumabangon kahit alam niyang hindi pa nito kaya.

Bigla nalang siyang nilukob ng galit.

"Ito ba ang buhay na pinili mo keysa ang makasama ako?" Nanunumbat ang boses niya. "Ito ba, Inna? Mas gusto mo na naghihirap ka ng ganito keysa ikasal sakin? Do you dislike me that much to leave me?"

Para itong hinihingal ng makaupo sa kama at pinakatitigan siya kapagkuwan ay dumukwang ito at sinapo ang pisngi niya. "Alam kong galit ka sakin. Sa nakalipas na tatlong taon, hindi ako umasa na may babalikan pa ako. But I tried, Havoc. I tried so hard to come back for you. I did everything I can. I sent you a letter, I even sent an email to you. Hindi ko kasi memorize ang number mo at ni Caya para sana makausap kita. I'm so sorry." Marahas itong umiling habang umiiyak, "sorry...sorry..."

Umiling siya. "I'm a mess, Inna. You broke me, and your sorry can't fix me."

"I know..." wika nito sa mahinang boses saka dahan-dahan itong nahiga na para bang nanghihina.

"Inna." Bigla siyang nilukob ng pag-aalala. "Inna, are you okay?"

In her weak state, she stretch her arm and offered her hand. "I—i'm s—so—rry."

Bago pa bumagsak ang kamay nito, sinalo niya iyon at hinawakan niya ang kamay nito. "Rest. You need it."

"B—but I n—need t—to w—o—rk."

Umiling siya. "Not on my watch. Magpahinga ka na."

Ayaw  man nito, unti-unting pumikit ang mga mata nito. Siya naman ay humigpit ang hawak sa mainit na mainit nitong kamay.

Bago pa siya makapagsabi sa Nurse na mataas ang lagnat ng pasyente niya, may lumapit sa kanilang Nurse na lalaki na may dalang aluminum na palanganita na may lamang tubig at yelo saka binasa nito doon ang anim na face towel at inilagay iyon sa magkabilang armpit at knee-pit ni Inna.

Tapos naglagay pa ito ng isang nakatuping face towel sa nuo ni Inna at ang isa naman ay ihinaplos sa braso nito at kamay saka leeg.

"Ako na." Sabi niya ng makitang papasok ang kamay nitong may hawak ng towel sa dibdib ni Inna.

"Heto, Sir." Kaagad namang binigay sa kaniya ng Nurse ang towel na ramdam na niya ang init niyon kahit kababasa lang no'n sa malamig na tubig. "Buong katawan po niya, Sir, para po bumaba kagad ang lagnat niya."

Tumango siya at bumuga ng malalim na hininga bago inumpisahang haplusin ang katawan ni Inna gamit ang malamig na towel.

Sa kamay, sa braso, sa leeg at sa dibdib.

Napalunok si Havoc at nag-iwas ng tingin sa dibdib ni Inna at mabilis na tinapos ang pagpupunas do'n. Pagkatapos ay binasa niya ulit ang towel sa malamig na tubig at ang tiyan naman nito at likod ang pinunasan niya bago niya sununod ang hita, binti, paa at talampakan nito.

Kapagkuwan ay humingi pa siya ng isang bimpo para gamitin sa mukha ni Inna na sobrang mainit na mainit pa rin.

'Yon ang ginawa ni Havoc sa lumipas na oras. Panay ang punas niya sa katawan ni Inna hanggang sa bumaba ang lagnat nito.

"Thank God." Mahina niyang sambit ng sabihin ng nurse na bumaba na ang temperatura ng katawan ni Inna. "Thank God."

Ilang oras pa silang nag-stay sa E.R. Hanggang sa lumabas ang resulta ng Laboratory at normal naman ang lahat kaya hinayaan na sila ng Doctor na makalabas.

Medyo nanghihina pa rin ang katawan ni Inna habang nakasakay sa kotse niya at nang sulyapan niya ito ay nakatulog na naman ito.

Pinatay niya ang aircon para hindi ito lamigin at nagmameho siya patungo sa beach house kung saan ito makakapagpahinga.

Nang maihiga niya si Inna sa kama, napatitig siya sa babae. Mahimbing pa rin ang tulog nito, halatang pagod.

"Did you work too much?" Tanong niya sa natutulog saka hinaplos ang buhok nito. "Just rest. Saka na ako magagalit kapag okay ka na."

Hinilamos niya ang mga palad sa mukha saka umalis ng kuwarto at bumaba sa salas para doon magpalipas ng oras habang may alak na namang karamay.



NANG MAGISING SI Inna, kahit papaano ay maayos na ang pakiramdam niya at bumalik na ang lakas niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at pinalibot ang tingin.

Unti-unti, nag-sink in sa isip niya kung nasaan siya.

She's in the Beach House that Havoc built for her!

Oh my God...

Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at bumaba sa salas ng makitang madilim na.

Kailangan na niyang umuwi!

"Saan ka pupunta?" Boses iyon ni Havoc na ikinatigil niya sa paghakbang.

Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses at napatitig siya kay Havoc na nakasandal sa hamba ng pintuan pa kusina ay may hawak na isang bote ng alak.

"Aalis ka?" May bahid na kalasingan ang boses nito.

Nang hindi siya sumagot, naglakad ito palapit sa kaniya habang umiinom ng alak sa mismong bote.

Doon niya naalala ang sinabi ni Monti.

Havoc is a mess. And its because of her. "Havoc—"

"Dapat galit ako sayo e." Dinuro siya ng kamay nitong may hawak na alak. "Pero bakit sa tuwing nakikita kita, nawawala yong galit ko? Yong gustong-gusto kong magalit sayo ng habang-buhay pero hindi ko magawa kasi mas nangingibabaw yong kagustuhan kong makasama ka nang habang-buhay."

Parang sinakal ang puso niya ng makitang isang butil ng luha na pumatak mula sa mga mata nito.

"Ayoko na sayo, Inna. Gusto na kitang kalimutan. Gusto na kitang palitan sa buhay ko." Matalim na matalim ang mata nitong nakatitig sa kaniya ng masama. "Ayaw na kitang makita... ayaw na kitang makasama. Suko na ako. Ayoko nang mahalin ka, pero ito," tinuro nito ang puso gamit ang bote ng alak na hawak, "hindi ka makalimutan nito. Hindi kita kayang burahin dito. Hindi ko kaya...hindi ko magawa kahit ayoko na."

Itinaas niya ang kamay para tuyuin ang luha sa pisngi nito pero tinabig lang nito ang kamay niya.

"Ayoko na sayo." Titig na titig ito sa kaniya habang sinasabi iyon sa kaniya. Walang emosyon ang mga mata nito. "So please...leave my mind and my heart. Alone. So I can finally move on."

Humugot siya ng malalim na hininga saka tumango. "Sige, pero bago mo ako kalimutan, bago mo ako ayawan, please, hear me out."

"What for?" Iritadong tanong nito. "May magbabago ba?"

"Hindi ko alam pero gusto kong magpaliwanag." Sagot niya. "Please, hear me out. Please, Havoc? Please?"

Umiling si Havoc. "Ayoko nang magpakatanga sayo, Inna. Ayoko nang nakasalalay sayo ang kasiyahan ko, at ang buhay ko. My life is messed up right now because of you. I'm so messed up right now because you left. I know its my choice to move on...but I couldn't move."

Nagtagis ang bagang nito, "I just realize that I lost myself when you left me. Ngayon nakita kita ulit, naisip ko na ang daming taon na sinira ko ang buhay ko ng dahil sayo at gusto kong buuin muli ang nasirang ako kaya ayoko nang marinig ang paliwanag mo.  Baka kapag narinig ko ang paliwanag mo, hindi ko kayanin ang rason mo. I'm weak when it comes to you, Inna, and I don't want to be weak anymore. Ayoko nang masaktan na naman."

Parang may sumasaksak sa puso niya sa sobrang sakit pero ngumiti pa rin siya. "Pasensiya ka na, hindi ko gustong saktan ka. Pero kung ayaw mong marinig ang paliwanag ko, ayos lang sakin 'yon. Inaasahan ko na naman 'to. Naiitindihan ko. Pero sana, kapag handa ka ng marinig ang paliwanag ko, magsabi ka lang sakin.

Humakbang siya paatras saka nginitian ito. "Havoc...kung may hindi man nagbago sakin sa nakalipas na tatlong taon, yon ay ang nararamdaman ko para sayo. I still love you, Havoc." Tumulo ang luha niya, "I still love you so much. So so much. And I didn't mean to leave you. And I didn't mean to hurt because I would never hurt my tesoro."

Hinintay niyang may sabihin si Havoc pero tiningnan lang siya nito ng malamig at walang emosyon. Tumalikod nalang siya saka lumabas ng beach house.

Pero hindi pa siya nakakalabas ng gate, may bumusina sa likuran niya at tumigil sa tabi niya ang kotse ni Havoc at bumaba ang salamin ng bintana ng sasakyan nito.

"Get in." Sabi ni Havoc sa kaniya. "Ihahatid kita. Baka mapaano ka pa sa daan."

Tumango siya saka sumakay sa kotse nito at tahimik na nag seatbelt. Kailangan na niyang makauwi. 

"Saan ka nakatira?"

Binigay niya ang address kung saan niya gustong bumaba. "Thank you."

Tumango lang si Havoc saka tahimik na nagmaneho. Siya naman ay tahimik lang din habang nakatingin sa labas hanggang sa makarating sila sa address na binigay niya.

When the car stop, she face Havoc.

"Havoc—"

"Don't come to my Club. I don't want to see you anymore. Lets pretend that what happened today didn't happen."

Tumango siya saka lumabas ng sasakyan at niyakap ang sarili habang naglalakad sa gilid ng kalsada habang si Havoc naman ay nilampasan lang siya at humaharurot ang sasakyan nito paalis, palayo sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

242K 5.1K 61
AshMatt Lang Sapat Na . Warning : Mature Contents. Reader discretion is advised.
9.1K 232 24
Lea Salonga is living her dream.. She's a broadway diva, A Disney legend, A Tony Awardee, Her star is shining brighter In every song she sings, in...
14.9M 348K 21
WARNING: SPG/R-18 "Love has a powerful way of removing the mask we all insist on wearing." - geckoandfly
26.4M 594K 37
NOTE: SPG/R-R18 Dahil sa isang kasinungalingan, nagawang akitin ni Lockett si Creed Santillana, isang sikat na Phiotographer. At dahil din sa kasinun...