TEMPTATION ISLAND: Sinful Des...

By CeCeLib

46.3M 866K 185K

WARNING: SPG | R-18 | Mature Content Inside | COVER BY: Race Darwin "You're invited to Temptation Island." More

SYNOPSIS
Temptation Island
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
You're Invited to Temptation Island
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
EPILOGUE

CHAPTER 23

764K 20.5K 2.7K
By CeCeLib

CHAPTER 23

"INNA..." Hindi parin makapaniwalang nakatingin sa kaniya si Monti habang tumataas-baba ang mata nito sa suot niya. "Since when did you become a waitress?"

"Two and a half years ago when my parents made me choose." Sagot niya saka ngumiti. "May I take your order, Sir?"

Monti just blinked at her. "No...I mean, what happened to you? What about your parents? What did they do to you? After you sign the divorce papers you vanished. Where have you been?"

Nagbaba siya ng tingin ng maalala kung nasaan siya sa loob ng tatlong taon na lumipas. "May I take your order, Sir?"

"Inna—"

"May I take your order?" Ulit niyang tanong.

Pinakatitigan siya nito kapagkuwan ay nagsalita. "You've change."

"Your order, Sir." Sabi niya na hindi nagpatinag dito. "Marami pa akong costumer na aasikasuhin."

Napipilitang sinabi ni Monti ang order nito habang patingin-tingin pa rin sa kaniya.

"Inna—"

"Our waiting time is fifteen to twenty minutes, Sir." Aniya saka ngumiti. "Would that be okay?"

"Yes." Monti looks baffled by her indifference. "That would be okay but can you sit for a while—"

"Marami hong costumer, Sir. Hindi puwede. Pagagalitan ako." Nakangiting sabi niya saka tinalikuran si Monti at nagmamadaling pumunta sa cashier.

Umakto si Inna na parang walang Monti na nakamasid sa kaniya habang nagta-trabaho.

She needed this Job. Hindi na siya ang Inna noon na may allowance buwan-buwan. Na may nagbibigay ng pera para may panggastos siya. Na may Havoc na sasalo sa lahat ng gusto niyang bilhin.

Her life now is way different from three years ago. Hindi man niya ginusto na magkaganito, pero kailangan niyang panindigan ang piniling niyang desisyon.

Nang i-serve niya ang pagkain ni Monti, hinawakan siya nito sa pulsuhan para pigilang makaalis.

"Just a minute." Wika nito.

A costumer, even though she knew him, is still a costumer.

Inna smiled. "What is it, Sir?"

"Where have you been?" Tanong nito na parang hindi pa rin makapaniwala na nakikita siya. "Alam mo ba kung anong nangyari kay Andrada ng mawala ka?"

Kahit papaano ay napangiti siya ng totoo ng marinig itong nagtagalog. "Magaling ka na palang magtagalog, Sir. Nakakatuwa naman ho."

"Inna..." pinakatitigan siya nito, "do you know what happened to Andrada when you left? He nearly went insane looking for you."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Wala akong ideya sa nangyari sa kaniya pero mukhang maayos naman na siya ngayon. Nakita ko siya kahapon at kanina."

"He's far from being okay, Inna." Monti shook his head. "He's messed up. Really messed up. He's twenty percent sane and eighty percent insane. You should talk to him."

Hindi siya kumibo at nanatiling walang emosyong nakatingin lang kay Monti.

"Are you listening to me?" Kapagkuwan ay tanong sa kaniya ni Monti.

Tumango siya. "Yes."

He frowned. "It's like i'm talking to a wall. You don't seem to care. You really changed."

Ngumiti lang siya kapagkuwan ay nagpaalam na kay Monti dahil parami na nang parami ang customer ng Restaurant. Ayaw niya mapagalitan at mawalan ng trabaho. Kailangan niya ang trabahong 'to. 

KUNOT ANG nuong binitawan ni Havoc ang hawak na bote ng Rum ng tumunog ang cellphone niya at nakitang si Mr. Kim ang tumatawag.

Its been two years since he last spoke with Mr. Kim.

What does he want now?

Sinagot niya ang tawag. "Yes?" Walang emosyon ang boses niya.

"Congratulations!" Mr. Kim exclaimed confusing him even more.

"What the fuck?" Naguguluhan niyang tanong sa iritadong boses. "Why are you congratulating me for?"

"What do you mean?" Mukhang ito naman ang naguluhan sa tanong niya. "Nagkita na kayo ni Inna, di'ba?" That's why i'm congratulating you."

Havoc felt like his world stops. "What?"

"A week ago, Inna arrived from Switzerland." Imporma sa kaniya ni Mr. Kim at parang ang tumigil niyang mundo ay biglang umikot ulit sa narinig. "Wala akong record ng pag-alis niya pero bumalik na siya ng bansa gamit ang bagong passport niya. Kaya naman hinanap ko siya kaagad at nakita ko sa CCTV na pumunta siya sa Club mo, kaya kino-congratulate kita. I mean, you ask me to stop looking for her that's why I didn't find her but now—"

"W-where is she?" For the love of God, why am I trembling? Is this excitement or is this anger?

"She's in a Restaurant."

"Where?"

Binigay nito ang address ng Restaurant. "Good luck and be happy, Mr. Andrada."

Natigilan siya sa huling sinabi ng kausap.

Be happy? What is that?

Humigpit ang hawak niya sa cellphone niya saka halos takbuhin niya ang pagitan patungo sa kotse niya at nagmamadaling pinaharurot 'yon.

Damn! He wasn't hallucinating yesterday! It was actually her! Not my imagination!

Fuck! Fuck! Fuck!

Halos paliparin niya ang kotse makarating lang kaagad sa Restaurant na sinabi ni Mr. Kim.

Abo't-abo't ang kabang nararamdaman niya at naririnig niya ang malakas na tibok ng puso niya.

Nang makarating siya, hindi na niya naayos ang pag-park ng kotse niya. Basta nalang siyang tumigil at lumabas ng kotse at tumakbo papasok ng Restaurant.

Havoc roamed his eyes around the Restaurant and what he saw actually broke his heart into pieces again.

His Inna...serving food to costumers in her waitress uniform. She has a smile on her face but it didn't reach her eyes. There's sadness in their depths and it made his heart clenched in pain.

Itong buhay ba ang pinagpalit nito sa kaniya? Ito ba ang buhay na mayroon ito ngayon? Ganun ba talaga siya nito ka hindi gusto para piliin nito ang buhay na 'to keysa sa masaganang buhay na kasama siya?

Inna...

Gone the expensive clothes and shoes, the well-design hair and the air of gracefulness around her.

Gusto niya itong lapitan, tanungin, singhalan at duruin pero wala siyang nagawa sa mga 'yon.

He just stood there. Staring at Inna as she converse with the costumers, as she clean the table and accept tips from them. 

What happened to you?

"Inna..."

NAPAKURAP-KURAP SI Inna ng makaramdam na parang may matang nakatutok sa kaniya. Nang ipalibot niya ang tingin sa kabuonan ng Restaurant, wala namang nakatingin sa kaniya.

That's weird.

Tinapos niya ang paglilinis ng mesa at humarap naman sa mga bagong dating na costumers ng Restaurant.

Nakahanda ang ngiti niya at magiliw na boses. Hanggang sa matapos ang oras ng trabaho niya.

Nang makalabas siya ng Restaurant, madilim na at umuulan pa.

Napabuntong-hininga siya saka himigpit ang hawak sa shoulder bag niya.

Sumilip siya sa kalangitan na malakas pa rin ang ulan pagkatapos ay tumingin naman siya sa daan kung may masasakyan siyang bus na dadaan.

She needs to get home. She have to be home before nine. Her kitten surely misses her now.

Napabuntong-hininga siya ulit. Wala pa naman siyang dalang payong.

Bahala na.

Ginawa niyang talukbong ang shoulder bag saka patakbong sinuong ang ulan para tumawid ng kalsada.

Pero bago pa siya makatawid, biglang may humaharurot na sasakyan na tumigil sa harapan niya at bumukas ang pinto niyon at lumabas ang pinakahuling taong inaasahan niyang makita sa araw na 'yon.

"H-Havoc..."

Nawala sa isip ni Inna ang malakas na ulan, ang pagtawid sana niya at ang pagsakay niya ng bus.

Natuon ang buo niyang atensiyon sa binatang tatlong taon din niyang hindi nakita.

At nagpapasalamat siya sa malakas na ulan dahil hindi nito nakita ang masaganang pag-agos ng luha sa pisngi niya.

God! She missed him so much!

Inna wanted to hug Havoc, to kiss him, to feel his body close to hers but she didn't dare move.

The coldness in his eyes is enough to freeze her.

Walang namutawi sa mga labi nila. Basta nagtitigan lang silang dalawa sa ilalim na malamig na buhos ng ulan.

Nagising ang diwa ni Inna ng may mahagip ang mga mata niya. Ang bus na sasakyan niya!

Tumingin siya kay Havoc at sa bus na papaalis na.

Kailangan na niyang makauwi!

Ilang beses siyang huminga ng malalim saka nagmamadaling tumawid ng kalsada at basang-basa ang damit at katawan na sumakay siya ng bus.

Nang makaupo sa bus, tumingin siya sa labas, kung nasaan si Havoc at parang may sumakal sa puso niya ng makita ang binata na nakatayo pa rin sa gilid ng kalsada, sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.

Havoc...

Bigla siyang tumayo at tumakbo patungo sa pinto ng bus. "Teka lang manong! Bababa ako!" Malakas niyang sabi saka nagmamadaling bumaba ng bus at tumakbo pabalik kay Havoc at gamit ang shoulder bag niya, ginawa niya iyong pantakip sa ulo ni Havoc.

"Get in." Sabi niya. "Magkakasakit ka sa ginagawa mo."

But Havoc didn't move. He just stood there. Unmoving.

"Havoc—"

"So you do remember me and my name..."

Sumasabay sa malakas na ulan ang luha sa mga mata niya. "Hindi naman kita nakalimutan e." Hinawakan niya ito sa kamay saka hinila pabalik sa sasakyan nito at pilit na pinasakay sa kotse nito. "Please get in. Basang-basa ka na. Magkakasakit ka."

Nang hindi ito gumalaw, pilit niyang pinasakay ito at inilabas niya ang panyo sa bag at tinuyo ang basa nitong buhok at mukha.

"Umuwi ka na." Sabi niya kahit siya man ay basang-basa na rin. "Maligo ka kaagad tapos uminom ka ng gamot para hindi ka magkasakit."

"You care..." pabulong nitong sabi pero narinig niya iyon dahilan para mapatigil siya sa pagtuyo sa basa nitong buhok at leeg.

Inna smiled at Havoc while her tears are falling. "Oo naman. I never stop caring, Havoc."

His cold eyes held hers. "Liar. You left me."

"Umuwi ka na." Pakiusap niya. "Kailangan ko na ring umuwi e. Pangako, pupunta ako sa Club mo. Magpapaliwanag ako. Huwag lang ngayon. I can't afford to get sick."

Umiling ang binata. "Iiwan mo na naman ako..."

The pain in his eyes suffocated her. "Havoc...I need to get home. Please... pupuntahan kita bukas. Promise—"

"I'm done with your promises."

"I know." She tried to smile but failed. "But please go home before you get sick. Don't make me worry. Pupuntahan kita sa Club mo bukas." Hinaplos niya ang pisngi ni Havoc saka nagmamadaling tumawid na naman ng kalsada para sumakay sa padaang bus.

Nang makaupo siya, napatingin siya sa kotse ni Havoc at nakahinga ng maluwang ng makitang umusad iyon.

Sana hindi ito magkasakit dahil naulanan ito.

Huminga siya ng malalim saka nag-iwas ng tingin dahil pinagtitinginan siya ng mga nakasakay sa bus dahil basang-basa siya at walang nakikitabi sa kaniya ng upo.

Pang-dalawang tao pa ang binayaran niya dahil nga basa siya at walang nakitabi sa kaniya.

Nang makababa siya malapit sa Apartment na inuupahan, nagpasalamat siya dahil wala nang ulan kaya naman dumaan muna siya sa pinakamalapit na fast food sa apartment niya bago umuwi.

HAVOC IS SOAKING wet as he entered his penthouse. Isa-isa niyang hinubad ang damit niya hanggang sa walang natira at pumasok siya ng banyo saka pumailalim siya sa malamig na shower.

Ipinikit niya ang mga mata at gusto niyang kutusan ang sarili ng pumasok na naman sa isip niya ang mukha ni Inna na nag-aalala kanina para sa kaniya.

It feels like she really cares for her. It feels like she still love him.

But she left me. Hindi 'yon gagawin ng babaeng mahal siya.

Kumuyom ang kamao niya saka nagtagis ang bagang ng maalala ang naramdaman niya kanina ng bumaba ito ng bus at binalikan siya sa ilalim ng ulan.

He felt happy. And he knew he's a sucker.

Iniwan na siya't lahat-lahat, masaya pa rin siyang bumaba ito ng bus at binalikan siya para pauwiin dahil baka magkasakit siya.

Mapakla siyang natawa saka tinapos ang pagkaligo at nagsuot lang ng roba at binuksan ang isang drawer niya sa closet na gamot ang laman.

'Maligo ka kaagad tapos uminom ka ng gamot para hindi ka magkasakit.'

Napailing siya saka uminom ng gamot para hindi siya magkasakit at mapaklang natawa sa ginawa niya.

Napahilamos at bumuga siya ng marahas ma hininga bago lumabas ng closet saka pabagsak na nahiga sa kama at napatitig sa kisame ng penthouse niya.

'Pupuntahan kita sa Club mo bukas.'

"Pupuntahan niya ako rito bukas..." he gritted his teeth in irritation, "why am I excited to see her?"

I am this foolishly in love with her?

Continue Reading

You'll Also Like

242K 5.1K 61
AshMatt Lang Sapat Na . Warning : Mature Contents. Reader discretion is advised.
59.6M 1.1M 26
Train Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding...
57.1M 1.1M 27
There are three words to describe the famous Dr. Ymar Stroam who owns the very successful and well known YS Pharmaceutical. Serious. Intimidating. An...
42.6M 750K 27
"You are invited to Temptation Island."